You are on page 1of 1

"WALANG BAKUNA, WALANG FACE TO FACE CLASSES"

Binigyang-diin ng Department of Education (DepEd) na susunod sila sa direktiba


ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng face-to-face
classes hangga’t walang bakuna laban sa COVID-19. Ayon sa Kagawaran ng
Edukasyon, handa sila sa anumang hamon kaugnay sa nakatakdang implementasyon
ng mga alternatibo sa pisikal na mga klase, gaya ng online o distance learning. Sinabi
din nila na gagamitin ang iba’t ibang paraan ng pag-aaral para maihatid sa mga
estudyante ang kanilang mga lesson. Tinatalakay dito ang mga pamamaraan upang
maipagpatuloy pa rin ang edukasyon kahit na walang physical classes. Ang interesante
ngayon ay iyong ibang pamamaraan, iyong sinasabi natin sa blended learning.
Nandiyan iyong tinatawag nating DepEd commons na more than seven million na
subscribers na; teachers, learners, parents na sinusundan nila iyong mga curriculum
nating bago. Nandiyan ang telebisyon, nandiyan ang online at nandiyan ang cellphone.
Gumagawa na rin ng self-learning modules para sa mga mag-aaral na ire-reproduce
para sa mga walang gadget at access sa internet. Binigyang-diin ng kalihim na
irerespeto niya ang desisyon ng mga magulang kung i-enroll o hindi ang kanilang mga
anak.

Subalit ang tanong ng maraming mamamayan ay hanggang kailan ito


mananatili? Malulutas pa ba ang pandemya na ito? Kailan matatapos ang COVID-19?
Magkakaroon pa ba ng face-to-face clases ang mga mag-aaral? Ano man ang
kahihinatnan ng pandemic na itoat ang isyu ng Edukasyon sa Pilipinas at maging sa
ibang bansa, isa lang ang sigurado kailangan ay maging handa at listo sa sitwasyong
ito.

You might also like