You are on page 1of 2

Dela Torre, Elmer J. Bb. Kristy L.

Abad
BSED – Filipino

FILIPINO 110

Gawaing Interaktib o Pang Indibidwal

1. Obserbahan ang ilang mga brodkaster o talkshow sa telebisyon at ilista ang mga

napuna mong positibo at negatibo niyang katangian sa pagsasalita. Ang sagot ay

dapat kinapapalooban ng 200 na salita.I-attach ang bidyo na iyong

naobserbahan sa ating google classroom. (20 puntos)

Ang balita ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan

sa labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga

mamamayan. Maaari itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag,

pagsasahimpapawid, internet o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa

maramihang mambabasa at nakikinig. Ang mga balita ay nagtataglay ng mga paksa o

impormasyong dapat nating malaman tungkol sa mga pangyayaring naganap o

nagaganap sa isang tao, sa kapaligiran, sa pulitika o sa lipunan. Nalalaman ng mga tao

at mag-aaral ang mga papasok na sakuna at kalamidad sa bansa. Sa pamamagitan ng

balita, nakakapaghanda agad ang mga estudyante at mga tao sa paparating na sakuna

o kalamidad.

Isa sa una kong napansin ay ang aliwalas ng mukha ng isang peryodista,

pagpapakita nito na kinakailangan kapag haharap sa isang palabas ay maayos ang

tindig at hindi mukhang bagong gising. Kapansin-pansin din ang kanyang kasuotan na
pormal na pananamit dapat ang isusuot kapag haharap sa telebisyon, makikita ito

upang makita sa isang tagapagbalita ang pagiging propesyunal na sa pamamahayag.

Mapapansin sa paraan ng pagbabalita ang husay at istilo nila sa pagsasalita, tono,

lakas at buka ng bibig. Isa ito sa pamamaraan ng isang mamamahayag upang mas

maipaliwanag at maiparating sa mga manunuod nang may kahusayan ang nakalap

nilang mga balita.

Isa sa negatibo kong napansin ay ang pagkuha nila ng video sa kanilang

pagbabalita, masyadong magulo base sa aking obserbasyon. Subalit sa kabuuan ng

kanyang pagbabalita at kung papaano nila ipaparating sa mga tao ang balitang kanilang

nakalap.

You might also like