You are on page 1of 2

Ano ang Pang-abay at ang mga halimbawa nito?

PANG-ABAY – Narito ang kahulugan kung ano ang pang-abay at ang mga
halimbawa ng bahagi ng pananalita na ito.

Isa sa mga bahagi ng pananalita na kadalasan ay makikita sa isang pangungusap


maliban sa pang-uri at pandiwa ay ang pang-abay. Simula elementarya ay atin
itong pinag-aaralan sa paaralan.

Ano ang pang-abay?


Ito ay ang bahagi ng pananalita na naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at sa kapwa
nito pang-abay.
Mga Halimbawa:
Narito ang ilan sa mga halimbawa ng bahagi ng pananalita na itinatalakay sa
artikulong ito at tig-iisang halimbawa ng gamit nila sa pangungusap.

Kanina
Pangungusap: Umalis sina Karen at Geneva kanina pero nakabalik na rin sila.
Pagpapaliwanag: Inilalarawan nito ang pandiwa ng pangungusap na “umalis”.
Mahigpit
Pangungusap: Mahigpit ang pagkahawak ni Mang Tonyo sa pitaka niya kaya hindi
ito nakuha ng tambay sa tyangge.
Pagpapaliwanag: Inilalarawan dito ang pandiwa ng pangungusap na siyang
“pagkakahawak” ng simuno na si Mang Tonyo sa pitaka niya.
Hindi
Pangungusap: Hindi pwedeng umalis kayo ng maaga marami pa tayong ililigpit.
Pagpapaliwanag: Dito, ang bahagi ng pananalita na ating itinatalakay ay
nagsasaad ng pagtanggi na siyang nagbibigay paglalarawan sa kabuuan ng
pangungusap.
Dahan-dahan
Pangungusap: Nang malaman niyang tulog na si Mang Juan, dahan-dahan niyang
binuksan ang pintuan at tumakas.
Pagpapaliwanag: Inilalarawan dito ng bahagi ng pananalita na ating itinatalakay
ang pandiwa. Ang pandiwa sa pangungusap ay “binuksan”.
Bukas
Pangungusap: Bukas kukunin ni Stephany ang pera mula kay Tiyang Rosa.
Pagpapaliwanag: Dito, ang bahagi ng pananalita na ating itinatalakay ay
nagbibigay larawan sa panahon kung kailan kukunin isasagawa ang pandiwa o ang
pagkuha ng pera.
Talaga
Pangungusap: Talagang mabait ang mag-asawang sina Mang Ben at Aling Pilar.
Pagpapaliwanag: Dito, ang bahagi ng pananalita na ating itinatalakay ay
nagsasaad pangsang-ayon.
Taun-taon
Pangungusap: Taun-taon ay umuuwi si Derrick sa pamilya niya sa Pilipinas upang
makapiling sila sa Pasko.
Pagpapaliwanag: Ang bahagi ng pananalita na ating itinatalakay sa artikulo na ito
ay nagsasaad paglalarawan sa panahon ng pagsasagawa ng pandiwa na
“umuuwi”.

You might also like