You are on page 1of 5

Dalawang bahagi ng pangungusap

Masayang pagkatuto sa iyo. Sa vidyo presentation na ito, bibigyang-pokus ko ang pangungusap at ang
dalawang bahagi nito.

Ano nga ba ang pangungsaup?

Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa. Ito ay may dalawang bahagi : ang
paksa o tinatwag ding simuno at panaguri.

Ang paksa o simuno ang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap. Ang mga palatandaan na ginagamit
ditto ay ang sumusunod: ang, ang mga, si, sina.

Tingnan natin ang mga halimbawa

Aarangkada na ang covid-19 vaccine sa local na pamahalaan ng siyudad san fernando.

Ang paksa o simuno o pinag-uuusapan sa pangungusap covid-19 vaccine. Ano ang palatandaan na
ginamit sa paksang covid-19? Ang pantukoy na ang.

Basahin naman natin ang pangungusap na ito.

Ang pagtaas ng alerto ng bulkang pinatubo ay ipinababatid sa lahat.

Ang paksa o simuno o pinag-uuusapan sa pangungusap ang pagtaas ng alerto ng bulkang pinatubo.
Ano ang palatandaan na ginamit sa paksang ang pagtaas ng alerto ng bulkang pinatubo? Ang pantukoy
na ang.

Ingat na ingat sa pakikihalubilo ang mga fernandino.

Ang paksa o simuno o pinag-uuusapan sa pangungusap ay ang ang mga fernandino.

Ano ang pantukoy na ginamit? Ang mga

Ang mga kapulisan ay nauna nang nabakunahan.

Ang paksa o simuno o pinag-uuusapan sa pangungusap ay ang mga kapulisan . Ginamit ang pantukoy
na ang mga bilang palatandaan ng paksa o simuno sa pangungusap.

Si rodrigo roa duterte ay pang-16 na pangulo ng pilipinas.

Ang paksa ay si rodrigo roa duterte. Ang pantukoy na ginamit ay si.

Pinuno ng siyudad ng san fernando sina edwin santiago at jimmy lazatin.

Ang paksa sa pangungusap ay sina edwin santiago at jimmy lazatin. Ang pantukoy na ginamit ay sina.

May paksa o simuno rin sa pangungusap na hindi ginagamitan ng pantukoy. Ang mga panghalip gaya ng
siya, sila, kami, kayo , tayo at ikaw ay maaaring maging simuno o paksa sa pangungusap.
Sila ay nauna nang nabakunahan.

Ang paksa sa pangungusap ay sila.

Siya ay ika-16 na pangulo ng pilipinas.

Ang paksa sa pangungusap ay siya

Ikaw ay nag-iingat sa pakikihalubilo sa maraming tao.

Ang paksa sa pangungusap ay ikaw.

Kayo ay tumutululong sa pagkalat ng covid-19.

Ang paksa sa pangungusap ay kayo.

Tayo ay kailangang magpabakuna ng laban sa covid-19.

Ang paksa sa pangungusap ay tayo.

Dumako naman tayo sa ikalawang bahagi ng pangungusap: ang panaguri,

Ang panaguri ay nagsasabi, ibinibigay na impormasyon o naglalarawan sa paksa o simuno.

Balikan natin ang pangungusap na sinuri natin kanina

Aarangkada na ang covid-19 vaccine sa local na pamahalaan ng siyudad san fernando.

Ang paksa o simuno o pinag-uuusapan sa pangungusap covid-19 vaccine. Ano ang ibinibigay-
impormasyon, ano ang sinasabi tungkol sa paksa aarangjada na. Kung gayon ang panaguri sa
pangungusap ay aarangkada na

Ang pagtaas ng alerto ng bulkang pinatubo ay ipinababatid sa lahat


Ang paksa o simuno o pinag-uuusapan sa pangungusap ang pagtaas ng alerto ng bulkang pinatubo.
Ano ang ibinibgay na impormasyon, ano ang sinasabi tungkol sa paksa. Ipinababatid sa lahat. Kaya
naman ang panaguri sa pangungusap ay ipinababatid sa lahat.

Ingat na ingat sa pakikihalubilo ang mga fernandino.

Ang paksa o simuno o pinag-uuusapan sa pangungusap ay ang ang mga fernandino.

Ano ang ibinibigay na impormasyon, ano ang sinasabi tungkol sa paksa. Ingat na ingat sa pakikihalubilo

Ang panaguri sa pangungusap ay ingat na ingat sa pakikihalubilo

Huling pangungusap ang mga kapulisan ay nauna nang nabakunahan.


Ang paksa o simuno o pinag-uuusapan sa pangungusap ay ang mga kapulisan

Ano ang ibinibigay na impormasyon, ano ang sinasabi tungkol sa paksa. Nauna nang nabakunahan. Kaya
naman ang panaguri sa pangumngusap nauna nang nabakunahan.

Ngayon, alam mo na kung paano tukuyin ang paksa o simuno at panaguri sa pangungusap. Sana ay
nakatulong sa iyo ang vidyong ito.

Pokus ng pandiwa

Tagaganap o aktor pokus at pokus sa layon o gol pokus

Isang masayang araw ng pagkatuto.

Ibabahagi ko ngayon ang hinggil sa dalwang pokus ng pandiwa: ang tagaganap o aktor pokus at pokus sa
layon o gol pokus.

Isa sa mahalagnag dapat tandaan sa pag-aaral ng pokus ng pandiwa ay ang kaalaman sa paksa at
panaguri. Kung hindi mo na ito, maalala, maaari mong panoorin ang aking vidyo ng pagtalakay ukol sa
dalawang bhagi ng pangungusap sa aking youtube channel

Ano pokus ng pandiwa – ang pokus ng pandiwa ay ang ugnayan ng paksa o simuno sa pandiwa na nasa
bahaging panaguri. Maaari rin na tandaan ang mga panlaping ginagamit sa bawat pandiwa ng bawat
pokus. Subalit, huwag magpapaalipin ditto, kailangang analisahin pa rin ang pangungusap. Gamitin ang
sentido kumon.

Unahin natin ang pokus sa tagaganap o aktor pokus. Sa pangalan pa lamang ay masasabi na ang
binibigyang pokus ay ang tagaganap o ang actor. Sino ang gumaganap, sino ang gumagawa ng kilos.

1. Nakapaghahandog ang gma kapuso foundation ng mga fully loaded food packed sa
mga mahihirap na mamamayan.
Ano ang paksa sa pangungusap: ang gma kapuso foundation, ano ang panaguri
nakapaghahandog

Sino ang gumawa ng kilos? Sino ang maituturing nating actor, bida sa pangungusap. Ang gma kapuso
foundation; ano naman ang pandiwa sa bahaging panaguri nakapaghahandog. Ano ngayon ang
ugnayan ng paksa sa pandiwa. Ang paksa ang siyang gumawa ng kilos kaya masasabi na ang
pokus ng pandiwa ay ang actor o guimawa ng kilos ang gma foundation . Ano ang panlaping
ginamit…nakapag …na mula sa panlaping makapag…kung gusto ninyong malaman ang hinggil
sa mga panlaping ito na ginagamit sa pandiwa, abangan ang susunod na vidyo.
1. Nag-utos ang pangulo sa mabilis na pagpapauwi sa mga ofw repatriates.
Mapapansin sa pangungusap na ito na ang paksa na pangulo ang gumawa ng kilos   
Na nag-utos na nasa bahaging panaguri. Kaya ang pokus ng pandiwang nag-utos ay aktor o
tagaganap sa kilos at iyon ay ang pangulo.
At ang panlaping ginamit ay nag- na mula sa mag-
1. Bumuo ang gobyerno ng inter-agency task force para pamahalaan ang lilitaw na mga
mapanganib na sakit.
Sa pangungusap na ito mapapansin ang paksa na gobyerno ang gumawa ng kilos na bumuo
sa bahaging panaguri ng pangungusap. Ang pokus ng pandiwa sa pangungusap na ito ay aktor
o tagaganap. Ang panlaping ginamit ay gitlaping –um-

]kung hindi makita ang mga palatandaang iyang, maaaring ang


Masayang pagkatuto sa iyo! Sa bahaging ito ng ating aralin, tatalakayin ko ang hinggil sa pokus ng
pandiwa. Isa sa mahalagang bagay na dapat tandaan sa mga pokus ng pandiwa ay ang relasyon o
ugnayan ng paksa at pandiwa na nasa bahaging panaguri. Ang paksa o simuno ang siyang pinag-uusapan
sa pangungusap samantalang ang panaguri ay ang nagsasabi hinggil sa paksa.

Tingan mo ang mga halimbawa

Nagpabakuna ang mga opisyales sa philippine general hospital.

Ang paksa sa pangungusap ay ang mga opisyales sa philippine general hospital at ang panaguri ay ang
nagpabakuna.

You might also like