You are on page 1of 5

Genre/ Bahagi ng DLP Gawain Puntos

Uri
A. Pagsisimula ng Pagpili ng titik 5 puntos
bagong aralin
C. Pag-uugnay ng Pagsasalaysay 5 puntos
mga halimbawa sa
bagong aralin

Unang Nobela E. Pagtalakay ng Talasalitaan 10 puntos


Linggo bagong konsepto at
paglalahad ng bagong
kasanayan #2

F. Paglinang sa Pagtukoy sa kaugnayan 5 puntos


kabihasaan sa lipunan

I. Pagtataya ng Aralin I.1 Pagbuo sa 10 puntos


talahanayan
I.3 Pagbuo ng Timeline 10 puntos
Kabuuan 45 puntos

SELF-INSTRUCTIONAL PACKET (SIPack) SA Filipino 10

KWARTER: IKAAPAT UNANG LINGGO


I. LAYUNIN:
 Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo. (F10PN-IVa-b-83)
 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
- pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda;
- pagpapatunay ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng
akda pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda (F10PB-IVa-b-86)
 Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan nito.
(F10PT-IVa-b-82)
 Napahahalagahan ang napanood pagpapaliwanag na kaligirang
pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng
pagbubuod nito gamit ang timeline. (F10PD-IVa-b-81)
 Naisasalaysay ang magkakaugnay na mga pangyayari sa pagkakasulat ng El
Filibusterismo. (F10PS-IVa-b-85)
II. PAKSA:
Panitikan: El Filibusterismo sa Nagbabagong Daigdig

III. PAMAMARAAN:
A. Review (Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin)
Sa tulong ng inyong iskema, alin kaya sa mga pahayag ang maiuugnay ang pangyayari
sa panahon ng pagkakasulat ng El Filibusterismo. Isulat ang/ang mga titik sa sagutang
papel.

A. Pang-aabuso sa mga kababaihan D. Pagpapakasal ng kasintahan sa


Iba
B. Panggigipit sa mga magsasaka E. Pag-iwas ng mga kababayan sa
itinuturing na Filibustero
C. Pagkakaroon ng kalayaan sa pananalita F. Pang-aagaw ng lupain

B. Establishing a purpose for the lesson (Paghahabi sa layunin ng aralin)


Sa linggong ito, bibigyang-pokus natin ang kaligirang pangkasaysayan ng pagkakasulat
ng El Filibusterismo, ang ikalawang nobela ni Rizal.

C. Presenting examples/instances of the lesson (Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin)
Balikan mo ang sagot mo sa titik A. Isalaysay mo ang pagkakaugnay-ugnay ng iyong
sagot sa pagkakasulat ng El Filibustersimo.

D. Discussing new concepts (Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan # 1)
Basahin ang Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo


1. Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre, 1887,
marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa
pagkasulat niya ng Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao'y nagdaranas din ng suliranin sa
lupa ang mga magsasaka ng Calamba. Ang pagdinig sa kaso ng problema sa lupa ay kanilang
inilapit kay Rizla na humingi naman ng tulong dahil napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal
ukol sa pagpapalathala ng tinaguriang "Makamandag" na babasahing Noli Me Tangere. 2.
Maraming mga pagtuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamilya ay
giniyagis din ng mga maraming paggigipit.

Sinimulan ni Rizal ang Nobelang El Filibusterismo sa harap ng mga karanasang


ito. Magkakabisa sa kanya ang mga sakit ng loob na dinanas niya at ng kanyang pamilya.
Bagaman may mga palagay na may plano na si Rizal para sa ikalawang nobela, naiba ito ng
mga pangyayaring kinasasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran,
naapektuhan ito ng wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng kasamaang ginagawa ng
mga pari, katulad ng : pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae,
panggugulo at pagliligpit sa mga kaaway .

Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang
manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay. Katakot-takot na liham ng mga pagbabanta na
karamihan ay walang lagda ang dumating kaya ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang
bansa. Ani Rizal sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumentritt habang naglalakbay.

"Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoon sa


Gobernador Heneral araw-araw upang ako'y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay
sumulat ng sumbong sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga
babae at lalake sa itaas ng bundok. Totoong ako'y naglalakad sa bundok kung bukang
liwayway na kasama ng mga lalake, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga
ngunit laging may kasamang tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog...

Inalok ako ng salapi ng aking mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila
ang mga bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami
akong kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil
ditto kahit may kaunting karamdaman, ako'y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya."

Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay


inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataas-taasang Hukom ng
Espanya. Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihan
ng mapalibing sa libingang Katoliko.

Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, giniyagis si Rizal ng mga personal na


suliranin. Sa personal niyang buhay : 3. Nangungulila siya kay Leonora Rivera na ikinasal sa
iba at waring walang kasiglahan ang inspirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay Nelly
Bousted; Nagsisisiya sa pagpataya kay Elias sa kadahilanang ilalathala na niya ang Noli Me
Tangere…hindi maganda ang kanyang pakiramdam at hindi siya sigurado kung magagawa pa
niya ang karugtong ng aklat na ang paksa ay rebolusyonaryo at nilalayuan siya ng kanyang
mga kapanalig sa La Solidaridad dahil hindi siya makapag-ambag ng artikulo. Bukod dito'y
dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi dahilan para magsangla siya ng lahat ng kanyang
alahas. Nagtipid siya na kung minsa’y makalawa lamang kumain maghapon. Pinag-uusig at
pinagsasakitan ng Pamahalaang Kastila ang mga magulang at kapatid. Naisawalat ni Rizal ang
kanyang paghihirap sa isang liham na ipinadala kay Jose Maria Basa:

4."Ako'y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila'y


nagkakaisa upang maging mapait ang aking buhay; pinigilan nila ang aking pagbabalik,
nangangakong bigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay
kalilimutan nang muli ako. Naisanla ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang
mumurahing silid, kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at
mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglaon iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking
salapi. A, sasabihin ko sa iyo kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang
Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo...."

Sa kabutihang palad, nang mauubos nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating
ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang
kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal
sa salapi.

Natapos limbagin ang aklatnoongSetyembre 18, 1891 sa Ghent, Belgium.


Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora.

Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal


ang pangunahing dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang pulitikal. Naglalahad ito
ng isang malatalaarawang pagsasalaysay ng mga suliranin ng sisteman ng pamahalaan at ang
mga kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at
edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di - tuwiran, masasalamin din ang mapapait na
karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.

5. Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang


nobelista. Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra,
bagaman hindi maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi
maipagkakamaili – kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig. Kung ang Noli
Me Tangere ay romantikong nobela na gawa ng puso, damdamin, makulay,may taglay natuwa
(pamahalaang tinangkilik ng pangunahing tauhan na si Ibarra na pagkatapos ay ninais niyang
paghigantihan) samantalang ang El Filibusterismo ay gawa ng isip,naglalaman ng pait, muhi,
sakit, dahas at dusa. Ang pag-ibig at pangarap ay naglaho.

Gaya saNoli Me Tangere, layunin ng nobelang El Filibusterismo na mamulat ang


bayan at papag-isahin ang mga Pilipino para mabatid ang katotohanan dangan nga lamang, sa
Noli Me Tangere, tayo ay hinikayat na magtanong, mangarap na magkakaroon ng pagbabago
na makakamit natin ang kalayaan . Pero sa El Filibusterismo hinimok ang mga mamamayan na
magkaroon ng radikal na pagbabago upang mabatid ang katotohanan at magrebelde laban sa
mga Kastila.

-mula sa adzuhsFil4.blogspot.com

E. Continuation of the discussion of new concepts (Pagtalakay ng bagong konsepto


at paglalahad ng bagong kasanayan #2)
Suriin ang mga salitang nakasalungguhit sa mga pangungusap na may bilang. Ano ang
kahulugan at kaugnayan ng mga salitang ito sa kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo? Gawin sa iyong sagutang papel.

F. Developing mastery (Paglinang sa kabihasaan)


Sinasabing masasalamin sa akda ng isang manunulat ang pangyayari na kanyang nararanasan
o nararanasan ng kanyang mga kababayan.

Gamit ang iyong natutuhan sa Araling Panlipunan sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa
bansa, pumili ng pangyayari sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo batay sa:
- kondisyon sa panahong isinulat ang akda__________________________________________
____________________________________________________________________________

G. Finding practical applications of concepts and skills in daily living (Paglalapat ng


aralin sa pang araw-araw na buhay)
Ano ang magandang katangian ni Rizal batay sa kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo ang sumasalamin sa iyo?

H. Making generalizations and abstractions about the lesson (Paglalahat ng aralin)


Bakit mahalagang malaman ang kaligirang pangkasaysayan ng isang akda?

I. Evaluating learning (Pagtataya ng Aralin)


I.1 Kung bibigyan ka ng pagkakataon na sumulat ng isang akda, anong pangyayari sa
kasaluyang nararanasan sa buhay ang maiuugnay sa sitwasyong susulatin sa akda. Gawin ito
sa talahanayan.

Pangyayari sa kasalukuyan (Personal) Sitwasyon sa susulating akda


1.
2.
3.
4.
5.

I.2. Gamit ang grapikong pantulong, isulat muli ang buod ng kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo.

Petsa/ Kaganapan :

Pangyayari:

J. Additional activities for application or remediation (Karagdagang Gawain para sa


takdang aralin/o remediation)
Basahin ang buod ng El Filibusterismo. Magtala ng mga tauhan at kanilang gampanin sa
nobela.

You might also like