You are on page 1of 7

Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ________________

Guro: _______________________________________ Petsa:______________________________


Paaralan: ________________________________________________________________________

Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo

Panuto: Pagmasdan ang larawan sa ibaba.


f

1
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa Gawain 1. (5 Puntos bawat
bilang)
1. Ano sa tingin mo ang kaugnayan ng mga larawan sa Gawain 1?
Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang ibig sabihin ng “ Noli Me Tangere”? Ilahad nang pahapyaw ang
nilalaman ng Nobelang ito batay sa iyong naalala sa nakaraang baitang.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

TANDAAN!
Panuto: Kopyahin sa inyong kwaderno ang nakasaad na aralin sa Gawain
3.
Ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo
Ang El Filibusterismo ay isang nobelang pulitikal na isinulat ni Dr.
Jose P. Rizal. Ayon sa kasaysayan kung ikukumpara ito sa naunang nobela
ni Rizal na Noli Me Tangere, mas malaki ang naitutulong ng El
Filibuserismo sa mga Pilipino, partikular sa mga katipunero sapagkat ang
akdang ito ang nag-udyok at nagbigay ng lakas ng loob sa mga Pilipino
upang lumaban sa mga Kastila. Ito rin ang nagturo sa mga Pilipino na
maging bihasa sa pagkamit ng tagumpay at matamo ang kaligtasan sa
sariling pagsisikap.
Kasaysayan
Taong 1891 nang unang mailimbag ang El Filibusterismo, ngunit
bago ito manyari ay maraming pagsubok na dinanas si Rizal. Marami sa
mga paghihirap na ito ay dahilan ng pagkakalathala ng Noli Me Tangere
noong Marso 1887. Katakot-takot na pagbabanta ang natanggap ni Rizal
mula sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas nang unang lumabas ang
naturang nobela. Maging ang kanyang naiwang pamilya, kaibigan, at
kababayan ay giniyagis ng panggigipit. Kahit na anim na buwan pa lamang
niyang muling nakakasama ang pamilya matapos ang ilang taong
pagkakawalay, nagpasiya si Rizal na muling mangibang-bansa upang
mailayo ang mga mahal sa buhay sa kapahamakan. Tumulak si Rizal
patungong Hong Kong noong Pebrero 1888, at mula roon ay naglakbay siya
patungong Japan, Estados Unidos at Inglatera hanggang marating niya ang
Europa. Subalit kahit na malayo na siya sa Pilipinas ay hindi lingid sa
kanya ang tunay na kalagayan ng pamilya at mga kababayan. Habang
naglalakbay ay nakatanggap si Rizal ng mga ulat tungkol sa pag-uusig at

2
matinding pagpapahirap na dinanas ng kanyang pamilya sa kamay ng mga
Kastila. Ang mga ganitong balita ay lubhang nagpahirap sa kalooban ni
Rizal. Nadagdagan pa ang kanyang kalungkutan nang mabalitaang ikinasal
sa iba ang kanyang minamahal, dahil ayaw ng mga magulang nito kay
Rizal, na binansagang subersibo at kalaban ng Espanya ng pamahalaang
Kastila. Ang mga pangyayaring ito ang nagpagupo sa diwa at damdamin ni
Rizal kung kaya’t tuwing may pagtitipon ang mga Pilipino sa Madrid, ang
kalimitang paksa niya ay tungkol sa paghihimagsik sa isang mapayapang
paraan.
Sa kabila ng mga kasawian sa buhay ay ipinagpatuloy pa rin ni Rizal
ang pagsulat sa ikalawang nobela, na kanyang sinimulang buuin sa
tahanan ng kanyang pamilya sa Calamba, Laguna. Sa London, kung saan
siya nanirahan mula Mayo hanggang Setyembre 1888, pinagpatuloy niya
ang pagsusulat, pagrerebisa, at pagwawasto sa manuskrito. Gayon din ang
ginawa niya sa Paris, Madrid at Bruselas, Belgica, kung saan niya isinulat
ang malaking bahagi ng akda.
Natapos ni Rizal ang kabuuan ng nobela noong Marso 21, 1891. Ayon
sa talambuhay ni Rizal na isinulat nina Russel at Rodriguez, naisip nang
ipalimbag ni Rizal ang El Filibusterismo sa pag-asang may sapat na
salaping igugugol dito, subalit nabigo siya nang hindi dumating ang
inaasahang pondo. Maging ang mga mayayamang Pilipinong nangako ng
suportang pinansyal ay nangagkalimot sa kanilang salita. Nagsanla si Rizal
ng mga alahas, ngunit hindi rin sapat ang perang kanyang nakuha mula
rito. Dahil sa kawalan ng salapi , napilitan si Rizal na ipatigil ang
pagpapalimbag sa aklat, na noo’y mayroon nang 112 pahinang naiimprenta.
Kalagitnaan ng Setyembre 1891 nang maganap ang isang hindi inaasahang
pangyayari. Dumating buhat sa Paris ang perang padala ng matalik na
kaibigan ni Rizal na si Valentin Ventura. Sa pangyayaring ito, naligtas si
Rizal sa pagkakagipit at ang El Filibusterismo, ay natapos ipalimbag noong
Setyembre 22, 1891.
Bilang pagtanaw ng utang-na-loob, inialay ni Rizal kay Ventura ang
orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo, at ipinadala ito sa huli kalakip
ng isang nilimbag at nilagdaang sipi ng nobela. Nagpadala rin si Rizal ng
mga sipi ng nobela sa matatalik na kaibigan gaya nina Ferdinand
Blumentritt, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena at Juan Luna. Ang
karamihan ng mga nailimbag na kopya ng aklat ay kanyang ipinadala sa
Hong Kong, samantalang ang natitirang bahagi naman ay sa Pilipinas. Ang
pagpapadala ni Rizal sa Pilipinas ng mga sipi ng nobela ay nagpapatunay na
sinulat niya ang El Filibusterismo upang basahin ng mga kababayan at di
lamang ng mga taga-Europa.
Sa kasamaaang-palad, nasamsam ang halos lahat ng sipi ng El
Fiibusterismo na ipinadala ni Rizal sa Hong Kong. Maging ang ilang
kopyang nakarating sa Iloilo ay ipinasira ng pamahalaang Kastila. Gayon pa
man, may ilang kopya pa rin ng nobela na nakarating at nabasa sa ilang

3
bahagi ng Pilipinas, at lumikha ng malaking kasiglahan sa kilusang
nauukol sa paghihimagsik.

Ang Akda
Tulad ng nabanggit, ang El Filibusterismo ang pangalawang nobela ni
Rizal. Ang pamagat ng akda ay literal na nangangahulugang “ang
pilibustero” o “ ang rebelde,” na nagpapatungkol sa paglaban sa
pamahalaan at sa simbahan. Maaari rin itong mangahulugang “ paghahari
ng kasakiman”.
Sa dalawang nobelang kanyang isinulat, higit na pinagtuunan ng pansin ni
Rizal ang El Filibusterismo. Ninais niyang gawin itong mas mahaba kaysa
sa Noli Me Tangere, ngunit napaiksi ito dahil sa kasalatan sa salapi.
Sa kasalukuyan , makikita ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo
sa National Library sa Maynila. Ito ay nasa sulat-kamay ni Rizal at binubuo
ng 279 na pahina ng mahabang pirasong papel a kanyang binili kay
Ventura sa halagang 10,000.00.
Tema
Sa pamagat pa lamang ay mababatid na ang nilalaman ng nobela at
isa itong nobelang pulitikal. Tumatalakay ito sa mga maling gawi at
pamamalakad ng pamahalaan at ng simbahan. Inilalarawan din dito ang
kapaitan ng buhay, ang agwat ng mayaman at mahirap, at ang
pangingibabaw ng galit sa puso ng bawat tauhan, na nagsilbing udyok sa
mga mamamayang Pilipino na maghimagsik upang makamit ang
hinihinging pagbabago sa mapayapang paraan.
Tagpuan
Nabanggit sa nobela ang ilang makatotohanang lugar sa Pilipinas
tulad ng Ilog Pasig, kung saan naglayag ang luma’t mabilog na barkong
binanggit sa akda; ang Laguna de Bay; ang Quiapo at iba pang lugar sa
Maynila at mga karatig-pook nito.
Tauhan
Mula sa pananamit, pagkilos, pananalita, pag-iisip at pakikitungo ng
mga tauhan ng nobela, mababakas ang tunay na pagkatao ng bawat isa.
Makikita ang kahinaan at kalakasan, ang pagiging mapagkunwari, ang
paghihimagsik at ang pag-aalinlangan, na pare-parehong nagbigay linaw sa
tunay na layunin at mithiin ng may- akda.
Kaisipan
Punong-puno ng matatayog na kaisipan at gintong aral ang nobelang
El Filibusterismo. Nasa mambabasa kung paano bibigyan ng kahulugan at
kongklusyon ang mga ito, kung kaya’t kailangan ang masusing pagsusuri
upang maunawaan ito nang lubos.
PAGLALAHAT

4
Ang El Filibusterismo ay isang nobelang pulitikal na isinulat ni Dr.
Jose P. Rizal. Mas malaki ang naitutulong sa mga Pilipino, partikular sa
mga katipunero sapagkat ang akdang ito ang nag-udyok at nagbigay ng
lakas ng loob sa mga Pilipino upang lumaban sa mga Kastila. Ito rin ang
nagturo sa mga Pilipino na maging bihasa sa pagkamit ng tagumpay at
matamo ang kaligtasan sa sariling pagsisikap.

Gawain 4.1. Panuto: Gamit ang timeline, isulat ang mga importanteng kaganapan
mula sa El Filibusterismo. (15 Puntos)

5
Gawain 4.2. Panuto: Sumulat ng sanaysay na may 10-15 pangungusap
(kasama na dito ang panimula, katawan, wakas) na tumatalakay sa mga
layunin ni Rizal kung bakit niya isinulat ang nobelang El Filibusterismo. (20
Puntos)
RUBRIK SA PAGSUSURING PAMPANITIKAN
Kategorya Napakahusay Mahusay Nangangailangan
pa ng Kasanayan Puntos
8-10 puntos 5-7 puntos 1-4 puntos
Kompleto ang Kulang ang Hindi nakitaan ng
Nilalaman mga mga mga
impormasyong impormasyong impormasyong
inilahad. inilahad. inilahad.
Napakahusay ng Mahusay Hindi malinaw ang
pagkakasunod- pagkakasunod- pagkakasunodsun
Organisasyon sunod ng mga sunod ng mga od ng mga
detalyeng detalyeng detalyeng
inilahad. inilahad. inilahad.
Walang mali sa May ilang mali Halos lahat ng
pagkagamit ng sa pagkagamit salita ay mali sa
mga salita at ng mga salita paggamit at
sa pagbaybay at sa pagbaybay. Hindi
nito. Gumamit pagbaybay nakitaan ng
Wastong ng mga nito. Hindi paggamit ng mga
gamit ng pangugnay sa masyado pang-ugnay sa
mga salita at
pagbaybay pagbuo ng mga gumamit ng pagbuo ng mga
pangungusap. mga pangungusap.
pangugnay sa
pagbuo ng
mga
pangungusap.
Kabuuan

PANAPOS NA PAGTATAYA

PANUTO: Isulat ang letrang T kung Tama ang isinasaad ng pahayag o letrang M
kung Mali. (5 Puntos)
__________1. Ang nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal ay tumatalakay sa
usaping pampulitikal

6
__________2. Taong 1891 nang unang malimbag ang El Filibusterismo
__________3. Inalay ni Dr. Jose Rizal sa GOMBURZA ang El Filibusterismo
__________4. Si Maximo Viola ay tumulong upang mailimbag ang akda.
__________5. Maraming pagsubok na naranasan si Dr. Jose Rizal bago nailimbag
ang El Filibusterismo.

Sanggunian:
Tudla 10 Binagong Edisyon “Panitikan” “Gramatika” “ El Filibusterismo”
https://prezi.com/l0elprxysfly/mga-tauhan-ng-noli-me-tangere/

You might also like