You are on page 1of 7

Pangalan: ______________________________________________ Petsa : _______________

Baitang at Pangkat: ____________________________________ Iskor: ________________

Filipino 9
Ikaapat na Markahan
Unang Linggo

Aralin 1 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

MELC: Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:


- pagtukoy sa layunin ng may- akda sa pagsulat nito
- pag-isa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito
(F9PN-IVab-56)
Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-
kahulugan
((F9PT-IVab-56)

Susing Konsepto

Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere

Noli Me Tangere Ito ang kauna- unahang nobelang isinulat ni


Rizal.  Magdadalawampu’t apat na taon pa lamang siya nang isulat
niya ito.
Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere dahil sa
tatlong aklat na nagbigay sa kaniya ng inspirasyon: The Wandering
Jew Uncle Tom’s Cabin Biblia
Nang mabasa ni Rizal ang aklat na The Wondering Jew (Ang
Hudyong Lagalag) ay nabuo sa kanyang puso na sumulat ng isang
nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at
magsisiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol.
EUGENE SUE
 Ang The Wandering Jew ay tungkol sa isang lalaking kumutya
kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito
ngayon ay pinarusahan na maglakad sa buong mundo nang walang
tigil.
Tungkol ito sa pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga
Negro. Tumindi ang pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na
tumatalakay sa pagmamalupit ng Kastila sa mga Pilipino.
Ang pamagat na ‘’Noli Me Tangere’’ ay salitang Latin na ang ibig
sabihin sa wikang Filipino ay ‘’huwag mo akong salingin’’ na hango sa
Bibliya sa Ebanghelyo ni San Juan. dicit ei Iesus “noli me tangere”
nondum enim ascendi ad Patrem meum vade autem ad fratres meos
et dic eis ascendo ad Patrem meum et Patrem vestrum et Deum meum
et Deum vestrum” Iohannes 20:17

1
Inilathala ang unang nobela ni Rizal noong dalawampu’t anim
na taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging
instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang
pagkakakilanlan.

Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay


ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakakabatid sa uri ng lipunan
sa
Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niya upang maging
nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng
kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.
Bago matapos ang taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat sa
Madrid at doo’y natapos niya nag kalahati ng nobela. Ipinagpatuloy
niya ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at natapos ang sangkapat.
Natapos naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng
nobela sa Alemanya noong Pebrero 21, 1887.
Natapos niya ang Noli Me Tangere ngunit wala siyang sapat na
halaga upang maipalimbag ito. Mabuti na lamang at dumalaw sa
kanya si Maximo Viola na nagpahiram sa kanya ng salapi na naging
daan upang makapagpalimbag ng 2,000 sipi nito sa imprenta.
Si Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat ng nobela.  Pinili ni
Rizal ang mga elemento na ipapaloob niya rito, hindi lamang ang
aspektong astetiko ang kanyang naging konsiderasyon- higit sa lahat
ay ang aspekto ng simbolismo.
Nagalit man ang mga Espanyol kay Rizal at nangamba ang
kanyang pamilya na baka siya’y mapahamak inibig parin niyang
makabalik sa Pilipinas dahil: Una, hangarin niyang maoperahan ang
kanyang ina dahil sa lumalalang panlalabo ng kanyang mata.
Pangalawa, upang mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon
ni Leonor Rivera ang kanyang mga sulat mula taong 1884-1887.
Panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng
kanyang nobela sa kanyang bayan at mga kababayan.
Umalis si Rizal sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero,1888. Sa
kanyang pag-alis ay nagpunta siya sa Hong Kong, Hapon, San
Francisco at New York sa Estados Unidos, at London sa United
Kingdom. Habang siya ay nasa ibang bansa ay iniukol ni Rizal ang
kanyang panahon sa pagsulat ng mga tugon sa mga tuligsa sa kanya.
Ang layunin ni Dr. Jose Rizal kung bakit niya isinulat ang
Nobelang Noli Me Tangere. 1. Maisakatuparan ang mithiin na
magamit ang edukasyon sa pagkakamit ng kalayaan at kaunlaran
para sa bansang Pilipinas.
Sanayin sa kakayahan at interes ang mga mag-aaral upang ang
pagkatuto ay maging integratibo, makabuluhan, napapanahon,
kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip, at
nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng
totoong buhay.
Mahubog sa kabutihan ang mga kabataang susunod at maging
sa kasalukuyang henerasyon na maging lider ng ating bansa at
magiging pag- asa ng ating bayan.
Isinulat niya ang Noli Me Tangere upang mabuksan ang mga
mata ng Pilipino sa kanser ng lipunan na nangyayari sa bansa. Ito ay
ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.
2
Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na
kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng kahon gamit ang mga
kontekstuwal na pahiwatig. Salungguhitan ang iyong sagot

Naglakas-loob 1. Tanging si Rizal ang nangahas na salingin ang mga


maling sistema ng pamamalakad ng mga Espanyol.
Kasamaaan 2. Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga
Espanyol ang nagtulak sa kanyang lumikha ng
pagbabago para sa bayan.
Isiniwalat 3. Itinambad ang totoong larawan ng relihiyong
itinuro ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
Paghihirap 4. Ang mga pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng
pagpapahirap at pang-aabuso ng mga dayuhan sa
bansa.
Mailantad 5. Sinulat ni Rizal ang Noli me Tangere sa paglalayong
maisiwalat ang kabuktutan at pagmamalupit ng
mga Espanyol at gisingin ang mga natutulog na
damdamin ng kanyang mga kababayan.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang layunin o dahilan ng may-akda kung bakit niya
isinulat ang Noli me Tangere batay sa pahayag na kanyang winika.
Piliin ang iyong sagot sa hanay B. Titik lamang ang isulat sa patlang.

A B
______1. Ang kanyang layunin a. Upang maipakilala ang
kung bakit pinangahasan niyang karuwagan ng mga Pilipino.
gawin ang ang di napangahasang b. Upang sagutin ang mga
gawin ng sinuman. paninirang loob na matagal
nang panahong ikinulapol
____2. Dahilan kung bakit sa mga Pilipino.
itinambad niya ang mga c. Upang maipakita kung ano
pagpapaimbaw ng balatkayong ang nasa likod ng mga
relihiyon. madaya at nakasisilaw na
pangako ng pamahalaan.
______3. Dahilan ng pag-angat ng d. Upang ipabatid ang
tabing na kumakanlong na nagpapahirap na at
maling sistema ng pamamalakad nagmamalupit sa mga
ng Espanyol. Pilipino.
e. Upang matigil ang paggamit
______4. Dahilan kung bakit nais ng Banal na Kasulatan
niyang ipaunawa sa kanyang mga bilang instrumento ng
kababayan ang kanilang mga kasinungalingan upang
kahinaan at kapintasan. malinlang ang mga Pilipino.

______5. Dahilan kung bakit


ipinakilala ang kababaihan sa
tunay at di-tunay na relihiyon.

3
Gawain 3
Panuto: Lagyan ng tsek ang mga kahong naglalahad ng mga kondisyon
noong panahon isinulat ni Jose Rizal ang akdang Noli me Tangere. Sa
patlang ay sumulat ng isang patunay na umiral o nangyari nga ang
kondisyon o sitwasyong nilagyan.

1. Makapagyarihan ag balatkayong relihiyong nagpahirap at


nagmalupit sa mga Pilipino.
Patunay:
____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Mahigpit ang sensura kaya’ hindi pinapayagang mailathala
ang mga sulating tumutuligsa sa pamahalaang Espanyol.
Patunay:
____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Umuunlad at bumuti ang kalagayan ng mga Pilipino dahilsa
paraan ng pamamahalaa ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Patunay:
____________________________________________________________
____________________________________________________________
4. Malayang nakapagpahayag ng damdamin ang mga Pilipino
lalo na ng kanilang mag hinaing laban sa mga Espanyol.
Patunay:
____________________________________________________________
____________________________________________________________
5. Nagsisimula nang mag-alsa at lumaban ang mga Pilipino
dahil sa pagmamalupit at pang-aabuso ng mga Espanyol.
Patunay:
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Mga Gabay na Tanong


Panuto: Isulat ang sagot sa iyong Learning Journal.
1. Bakit pinamagatang Noli Me Tangere ang nobela? Naangkop kaya ang
pamagat na ito sa nilalaman ng nobela ? Ipaliwanag.
2. Bakit itinuturing na walang kamatayan ang nobelang Noli Me
Tangere ? Sumasang-ayon ka ba dito?
3. Bilang kabataang Pilipino , paano mo maisasabuhay o magagamit sa
kasalukuyang panahon ang mga aral at prinsipyong isinatitik ni Rizal
sa nobelang ito ?

Susi sa Pagwawasto
4
Gawain 1
1. nangahas
2. kabuktutan
3. itinambad
4. pagdaralita
5. maisiwalat
Gawain 2
1. b 4. a
2. d 5. e
3. c
Gawain 3
1. ∕ 4.
2. ∕ 5. ∕
3.
(Sa pagbibigay ng mga patunay , may iba’t ibang sagot ang mga bata.)

5
Sanggunian
K to 12 Most Essential Learning Competencies 2020
Pinagyamang Pluma 6, Batayan at Sanayang Aklat sa Filipino

Inihanda ni:
Maribel M. Marayan, Dalubguro II

Sinuri ni:
Magdalena B. Morales, Tagamasid Pansangay -Filipino

6
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City, Philippines 1600
Telephone No. (02) 863-14070
Email Address: mimaropa.region@deped.gov.ph

You might also like