You are on page 1of 56

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region III- CENTRAL LUZON

SCHOOL DIVISION OF TARLAC PROVINCE 9


CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Dolores Capas, Tarlac

Batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)

NOLI ME TANGERE
NOBELA ni Dr. Jose Rizal
Ikaapat na Markahan

Unang Markahan

2021 MAY-AKDA:
K TO 12 CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL MAYCA R. CAPUL
Basic Education Curriculum
Address: Mac Arthur Highway, Dolores, Capas,
Tarlac JANELYN U. CAPUL
Telephone Number: (045) 925-3350 JASON C. RODRIGUEZ
1
Email Address: JESSA C.SICAT
300994.capashs@deped.gov.ph
99

Batay sa Most Essential Learning Competencies


(MELC)

NOLI ME TANGERE
NOBELA ni Dr. Jose Rizal

Ikaapat na Markahan

Ang aklat na ito ay naglalaman ng modyul ng mga mag-aaral na magkatuwang na


inihanda, sinuri at pinagsama-samang kaalaman ng mga guro sa ikasiyam na baitang
ng Capas National High School.

Ang inyong feedback o mungkahi ay makatutulong upang higit pang mapagyaman ang
modyul na ito.

2
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL
DOLORES, CAPAS, TARLAC
DR. RONALDO A. POZON, CESO V
Schools Division Superintendent
Division of Tarlac Province

Sir,
Malugod po naming idinudulog sa inyo ang mga nabuong Modyul na ito para sa Ikaapat na
Markahan na inihanda sa ilalim ng Grade 9 Filipino para sa taong pampanuruan 2020-2021.
Ang mga nilalaman gaya ng mga gawain, pagsasanay at mga larawang nakapaloob ay alinsunod
sa mga kompetensi sa ilalim ng MELC. Nakabatay po ito ayon sa kakayahan at pangangailangan ng mga
mag-aaral.
Ito ay nabuo sa pagtutulungan at pinagsama-samang ideya ng mga guro at sa pag-aantabay ng
ulong guro at punungguro ng Capas National High School sa layuning makatulong at makaangkop ang mga
guro at mag-aaral sa bagong kalakaran ng pagtuturo sa ilalim ng New Normal. Kalakip po ng paggawa nito
ang maalab na damdamin na maiparating ang aming pakikiisa tungo sa iisang layunin.
Sa ibaba po ay ang mga pangalan ng mga manunulat ng Modyul na ito:

MAYCA R. CAPUL, T- III JANELYN U. CAPUL, T-III


a, MT- III
JASON C. RODRIGUEZ, T- III JESSA C. SICAT, T-I
Mga Konsultant:

IMELDA R. TADEO, PhD YOLANDA M. GONZALES, EdD


Head Teacher VI Principal IV
Sinuri nina:

DR. ALLAN T. MANALO DR. BOBBY P. CAOAGDAN


EPSvr 1-Filipino EPSvr 1-LRMDS

Rekomendasyon ng Pagtanggap:

DR. PAULINO D. DE PANO


Chief Education Supervisor
Curriculum and Implementation Division
Pinagtibay:

DR. RONALDO A. POZON, CESO V


Schools Division Superintendent
3
Division of Tarlac Province
MGA MANUNULAT

MAYCA R. CAPUL JANELYN U. CAPUL


Teacher III Teacher III

JASON C. RODRIGUEZ JESSA C. SICAT


Teacher III Teacher I

SINURI

IMELDA R. TADEO
Head Teacher VI

PINAGTIBAY

YOLANDA M. GONZALES, Ed.D

CAPAS NATIONAL HIGH SCHOOL


Baitang 9 Filipino
Batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
SUPLEMENTARYONG AKLAT SANAYAN
IKAAPAT NA MARKAHAN

TALAAN NG NILALAMAN
IKAAPAT NA MARKAHAN

PAKSA: Noli Me Tangere

Panimula 5
ARALIN 4.1

Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda………….……………………...6


KONTEKSTUWAL NA PAHIWATIG SA PAGBIBIGAY-KAHULUGAN….…………...... 13

ARALIN 4.2

MGA TAUHAN NG NOLI ME TANGERE.……………….…………………………………27


PANG-URI SA PAGBIBIGAY-KATANGIAN.……………………………………………....30

ARALIN 4.3

SI CRISOSTOMO IBARRA……………………………………………………….………...22

PORMALISMO NG SALITA……………………………………………….….…………..27

ARALIN 4.4

SI MARIA CLARA……………………………………………….. ……………………...35

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBIBIGAY-PAHIWATIG SA KAHULUGAN.…….…..38

ARALIN 4.5

SI SISA…………………...…………………………………..…….……………….44
PAGGAMIT NG ANGKOP NA PAHAYAG………………………………………………...47

4 2021
capasnhs.com
Panimula

Ang Noli Me Tangere ang pinakatanyag na nobela na isinulat ni Dr. Jose Rizal na
nagtataglay ng makatotohanang pangyayari na gumising sa mga Pilipino ng kalupitan at kawalang
katarungang pag-aalipin ng mga Kastila mananakop sa mga Pilipino.

Sinimulan nyang isulat ang nobela sa Madrid noond 1884 habang nag-aaral ng medisina.
Nang makatapos ng pag-aaral ay itinuloy nya ang pagsulat ng Noli MeTangere sa Paris at natapos
nya ang huling bahagi ng nobela sa Berlin.

Ang pagsulat niya ng Noli Me Tangere ay bunga ng pagbasa nya sa”Uncle Tom’s Cabin ni
Harriet Beacher Stowe na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga
puting Amerikano. Inihambing nya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Kastila.

Ang pamagat na Noli Me Tangere ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay “Huwag Mo
Akong Salingin” na hango sa Ebanghelyo ni San Juan. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan
na nagpapahirap sa buhay ng tao.

5
Aralin 4.1
Dr. José Protacio Rizal
Mercado y Alonzo Realonda
Kontekstuwal na Pahiwatig sa Pagbibigay-kahulugan

Panimula

Sa araling ito, tatalakayin kung sino at ano ang angkang pinagmulan ni Dr. Jose
Rizal. Malalaman kung ano ang kalagayan ng kaniyang pamilya ng panahong isinilang siya
at kung paano siya hanggang sa lumaki at nagkaisip. Malalaman ang kasaysayan kung
saan at kalian nagsimulang lumawak ang kaisipan ni Rizal at kung ano ang nagtulak sa
kaniya na kahiligan sa pagsusulat. Alalahanin natin na ang pagsusulat ang sandata ng
paglaban at pag-alma sa pananakop ng Espanya sa Pilipinasna naging dahilan upang
paratangan siyang filibustero at taksil sa Inang Espanya, ang kaniyang kauna-unahang
nobela naisulat at maipalimbag ay ang Noli Me Tangere sa tulong ng isang tao at mga
kaibigan nito. Pagtalakay sa bawat simbolong makikita sa pabalat ng nobelang Noli
MeTangere.

Subukan

Gawain 1: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlag.


______ 1. Ano ang kapanganakan ng bayani?
a. Hunyo 18, 1861 c. Hunyo 19, 1861
b. Hulyo 19, 1861 d. Hulyo 18, 1861
______ 2. Kauna-unahang tulang naisulat niya sa kaniyang katutubong wika?
a. Sa Aking mga Kababata c. Isang Alaala sa Aking Bayan
b. Huling Paalam d. Bayang Sinilangan
______ 3. Unang guro ni Rizal na tinuruan siyang magbasa at magdasal
a. Maestro Celestino c. Maestro Lucas Padua
b. Teodora Alonzo Realonda d. Padre Pablo Ramon
______ 4. Kursong kinuha ni Rizal na payo ni Padre Pablo Ramon at upang
matulungan ang kaniyang ina.
a. Abogasya c. Medisina
b. Guro d. Inhinyero
_____ 5. Tumulong kay Rizal upang maipalimbag ang kaniyang unang nobela.
a. Graciano Lopez Jaena c. Valentin Ventura
b. Dr. Maximo Viola d. Antonio Paterno

6
Balikan
Gawain 2: Isulat ang katangian ng bawat tauhan sa natalakay na epiko na
pinamagatang Rama at Sita.

RAMA SITA

____________________________ _______________________________
____________________________ _______________________________
____________________________ _______________________________
____________________________ _______________________________

SURPANAKA RAVANA

____________________________ _______________________________
____________________________ _______________________________
____________________________ _______________________________
__________________________ ____________________________

7
Tuklasin

Gawain 3: Sipnayan Time! I-add o i-subtract ang bawat nemuro upang makuha ang
wastong sagot at hanapin sa kahon ang katumbas na titik upang makabuo
ng mga sa salitang matatalakay sa bagong aralin.

A. 7+3 =__ 20-5 =__ 15+4 =__ 1+4 = __ 10+8 = __ 5+4 = __ 31-5 =__ 4-3 =__ 6+6= __

B. 7+5= __ 2-1= __ 9+4 = __ --7-4= __ 11+4 = ___

C. 9+7= __ 2-1= __ 2+1 = __ 5+4= __ 2-1= __ 9+5 = __ 10+5= ___

D. 8+8= __ 30-9= ___ 10-4 = ___ 3+6 = ___ 9+5 = __ 32-17= ___

E. 20-7= __ 3+2 = __ 5-1 = __ 3+6= __ 14+5 __ 7+2= __ 7+7 = __ 2-1 = __

A B C D E

1 2 3 4 5

F G H I J K L

6 7 8 9 10 11 12

M N O P Q R S T

13 14 15 16 17 18 19 20

U V W X Y Z

21 22 23 24 25 26

8
Suriin

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal


(1861-- 1896)

Si Jose Rizal ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 araw ng miyerkules sa Calamba,
Laguna. Ang kapanganakan niya ay muntik maging sanhi ng kamatayan ng kaniyang ina
dahil sa paghihirap nitong iluwal siya. Pagkaraan ng tatlong araw ay bininyagan siya sa
simbahang katoliko sa pamumuno ni Padre Rufino Collantes na nagmula sa bayan ng
Batangas. Ang tumayong ninong ni Jose ay ang kaibigang pari ng pamilya na si Padre
Pedro Casanas. Ang pangalang nakatala ay JOSE RIZAL MERCADO na lehitimong anak
ninaDon Francisco Rizal Mercado at Donya Teodora Alonzo Realonda. Ang lumagda sa
Partido de Bautismo I Jose Rizal ay si Leoncio Lopez. Si Leoncio Lopez ay isang paring
naging kaibigan ng pamilya at nagkaroon ng malalim na impluwensiya sa kabataan ni
Jose. Ang pamangkin nitong si Antonio Lopez ang napangasawa ng kanyang kapatid na
si Narcisa.
Nagmula si Jose Rizal Mercado sa angkan ni Domingo Lam-co, isang Chinese
merchant na nakapag-asawa ng isang Chinese mestiza sa katauhan ni Ines dela Rosa.
Ang pamilya ni Domingo ay nagtungo sa Binan, Laguna at naging tenant ng mga
Dominikanong prayle.
Ang anak ni Domingo na si Francisco ay naging kapitan ng Binan noong 1783.
Napalitan ang Lam-co ng apelyidong Mercado sa ilalim ng Claveria Decree kung saan
ipanag-utos na ang lahat ng Filipino ay kailangang magpalit ng apelyidong Kastila. Ang
ibig sabihin ng Mercado sa wikang Kastila ay market place o pamilihang bayan.
Napangasawa ni Francisco Mercado si Bernarda Monicha at nagkaroon sila ng
dalawang anak na sina Juan at Clemente. Si Juan ay nagpakasal kay Cirila Alejandra
na isang mestisang Intsik at nagkaroon sila ng labing apat na anak. Kabilang sa kanilang
anak si Francisco Mercado, ang ama ni Jose Rizal Mercado.
Si Francisco Mercado ay isinilang sa Binan, Laguna noong Mayo 11, 1818. Siya
ay nakapag-aral Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Kolehiyo ng San Jose
sa Maynila. Nagpunta siya ng Calamba makaraang mamatay ang mga magulang at
nakipagsapalaran sa hasyendang pag-aari ng mga Dominikano.
Ang in ani Jose Rizal Mercado na si Teodora Alonzo Realonda ay nagmula sa
isang mas prominente at mayamang angkan kumpara sa mga Mercado. Ang Alonzo ay
nagluwal ng mga inhinyero, abogado, pari at mga opisyales ng gobyerno. Maging si
Teodora Alonzo Realonda ay nag-aral at hinangaan. Ipinanganak siya noong Nobyembre
8, 1826 sa Maynila. Nakapag-aral siya sa Kolehiyo ng Santa Rosa, paaralan para sa
kababaihan. May talion at hilig siya sa panitikan, retorika, matematika at maging sa
pagnenegosyo.

9
Namatay ang mga magulang ni Jose Rizal Mercado na kapwa may edad na. Ang
kaniyang ama ay namatay sa edad 80 noong Enero 5, 1898 at ang kaniya namang ina ay
namatay noong Agosto 16, 1911 sa edad naming 85.
Si Jose ay ikapito sa labing isang anak nina Francisco Rizal Mercado atTeodora
Alonzo Realonda. Ang magkakapatid ay sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia,
Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad.
Kabilang ang pamilya ni Rizal sa mga nakaririwasa at kanikilalang principalia sa
bayan ng Calamba. Masipag at masinop sa buhay ang mga magulang niya kaya’t
nakapamauhay sil nang maayos at masagana. Ang ama niya nangupahan sa isang ordeng
Dominiko na may malawak na lupain kung saan nag-aani ng palay, mais at tubo. May mga
alaga silang baboy, manok, at pabo sa kanilang likog-bahay. Ang inang si Donya Teodora
ay may maliit na tindahan, gilingan ng harina at gawaan ng hamon. Nagmamay-ari din
ang pamilya ni Rizal g isang karwahe, ang palatandaan ng pagiging isang ilustrado.
Mayroon silang pribadong aklatan at lahat sila’y pawang mga nagsipag-aral sa kolehiyo
sa Maynila.
Tulad ng ina, si Jose ay nahilig sa panitikan at pagsulat ng tula. Ang butihing
ina ang humikayat sa kaniya upang sumulat ng mga tula. Ang una niyang tula na naisulat
sa katutubong wika ay pinamagatan niyang “Sa Aking mga Kababata” sa tulang ito
unangnaipakita ni Jose ang kaniyang pagiging Makabayan at pagiging isang henyo sa
edad niyang walong taong gulang ay binigyan na niya ng kahalagahan at kagandahan n
paggamit ng sariling wika.
Ang unang naging guro ni Rizal ay ang kaniyang ina. Tinuruan siyang magbasa at
magdasal. Sa edad na tatlo ay nakakaunawa na si Jose ng alpabeto. Ang kaniya ring ina
ang nakakita ng potensiyal at pagkahilig ni Jose sat ula at ito ang nanghikayat sa kaniya
upang magsulat ng tula, magmemorya at magkahilig sa panitikan sa pamamagitan ng
pagkukuwento.
Kabilang sina Maestro Celestino at Maestro Lucas Padua sa mga naging guro ni
Jose noong siya’y bata pa. Ang pinakahuli ay si Maestro Leroy Monroy na nagturo sa
kaniya ng wikang Espanyol at Latin. Nanirahan sa kanila ang matandang lalaki ngunit
nang sumakabilang buhay ito ay nagpasya ang mga magulang ni Jose na pag-aralin siya
sa isang pribadong paaralan sa Binan. Noong siya naman ay tumuntong ng siyam na taon,
pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng pamamatnubay ni Justiano
Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan niya ang magulang ni Rizal na pag-
aralin siya sa Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na kaniyang
pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Sa kaniyang pananatili sa paaralang ito,
natanggap niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat
ng aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na may
notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa Pamantasan
ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng Pagsasaka.
Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (Santo

10
Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo
5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo
ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y
pumasok siya sa Universidad Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay
natapos niya ang karerang Medisina, bilang “sobresaliente” (napakahusay). Nang
sumunod na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa
Pransya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon.
Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang
titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang
Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses. Isang
dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles, Pranses, Aleman,
Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit, Espanyol, Tagalog,
at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

Gawain 4: Suring Basa

Sagutin ang mga gabay na tanong.

__________ 1. Ang naging guro ni Rizal sa Binan na naging guro din ng kaniyang kuya
Paciano?
__________ 2. Unibersidad kung saan natapagtapos ng kursong Medisina?
__________3. Ano edad naisulat ni Rizal ang kauna-unahang tulang naisulat sa
kaniyang katutubong wika?
__________ 4. Gradong o notang nakuha ni Rizal?
__________ 5. Ama ni Dr Jose Rizal?
__________ 6. Sino ang paring nagbinyag kay Rizal?
__________ 7. Sino ang naging ninong ni Rizal na malapit sa kaniyang pamilya?
__________ 8. Maestrong nagturo sa kaniya ng wikang Espanyol at Latin?
__________ 9. Kauna-unahang tulang naisulat ni Rizal?
__________ 10. Pang-ilan si Rizal sa kanilang magkakapatid?
__________ 11. Sino sa mga kapatid ni Rizal ang namatay at ito ang naging kauna-
unahang kalungkutang naramdaman ni Rizal?
__________ 12. Ang nag-iisang kapatid na lalaki ni Rizal?
__________13. Ang pamilya ni Rizal ay nabibilang sa _____?
__________14. Ano ang kursong kinuha ni Rizal sa Pamantasan ng Santo Tomas?
__________15. Ano ang ibig sabihin ng Mercado sa wikang Kastila?

11
Think! Think!
NOBELA

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga


pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng
hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may
kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling
balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

LAYUNIN

1. Gumising sa diwa at damdamin


2. Nananawagan sa talino ng guni-guni
3. Mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
6. Nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
7. Napupukas nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela

KATANGIAN

1. Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan


2. Pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
3. Dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. Pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. Kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
6. Maraming ligaw na tagpo at kaganapan
7. Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
8. Malinis at maayos ang pagkakasulat
9. Maganda
10. Maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga
tauhan

12
Kontekstuwal na Pahiwatig sa Pagbibigay-kahulugan
Sa pagbibigay ng interpretasyon, nangangailangan ito ng mas mataas na antas ng
pagiisip. Ang mga sagot sa mga tanong sa kategoryang ito ay hindi tuwirang nakalahad
sa teksto ngunit nakapahiwatig lamang. Upang masagot ang mga katanungan kailangang
taglay ng tagabasa ang kakayahan sa paglutas ng mga suliranin at pagbibigay ng
inaasahang kahulugan ng mga salita na hindi tuwirang sinabi ng may akda.

Narito ang mga paraan upang makilala ang tunay na hangarin at layunin ng may-
akda.

 Pagbibigay-kahulugan sa tulong ng pahiwatig. Ang pahiwatig ay ang pagbibigay


sa isa o grupo ng mga salita ng ibang kahulugan, sa halip na totoong kahulugan.

Tinatawag din itong alusyon. Ayon kay Maggay (2002), ang pahiwatig ay isang
katutubong pamamaraan ng pagpapahayag ng di-tuwirang ipinapaabot ngunit nababatid
at nahihiwatigan sa pamamagitan ng matalas na pakiramdam at matunog na pagbasa ng
himaton o impormasyon; o ng mga palatandaang kaakibat nito.

Mga Paraan sa Pagpapalawak ng Kontekstuwal na Pahiwatig

1. Synonym (Magkasingkahulugan) mga salitang may kasingkahulugan sa


ibang salita na maaaring gamitin sa loob ng pangungusap upang matukoy
ang tiyak na pahiwatig ng salita.
Halimbawa: Aksidente: Sakuna, Alila: Utusan, Bagyo: Unos,
Asal: Ugali
2. Antonyms (Magkasalungat) mga salitang kabaligtaran ng isang salita
paraan magkaroon ng iba pang ideya sa isang salita.
Halimbawa: Masaya: Malungkot, Hila: Tulak, Maingay: Tahimik,
Harap: Likod
3. Explanation (Pagpapaliwanag) isang kontekstuwal na pahiwatig na kung
saan binibigyan ng mas mahabang katuturan ang salita upang maunawaan
ng lubusan.
Halimbawa: Ilustrado: mga taong nakapag-aral noong panahon ng
Kastila.

13
Isipin

Taong 1886 ito’y isang taong hindi malilimutan ni Rizal dahil sa nakaranas si
Rizal ng matinding gutom at paghihirap sa salapi at sa taong ito naisulat ni Rizal ang
obra maestrang Noli Me Tangere.
Naisipan ni Rizal na sumulat ng Noli Me Tangere dahil sa tatlong aklat na
nagbigay sa kaniya ng inspirasyon ang The Wandering Jew ni Eugene Sue, Uncle Tom’s
Cabin ni Harriet Beecher Stowe at Biblia. Ang The Wandering Jew ay tungkol sa isang
lalaking kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon
ay pinarusahan na maglakad sa buong mundo nang walang tigil. Uncle Tom’s Cabin
tungkol ito sa pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga Negro. Tumindi ang
pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa pagmamalupit ng Kastila sa
mga Pilipino.
Ipinanukala niya ang ideya ng pagsulat ng Noli sa mga miyembro ng Circulo-
Hispanico upang gawing proyektong libro na tatalakay sa pamumuhay at kalagayan ng
Pilipinas noong Enero 2, 1884. Sumang-ayon kaya’y hinati-hati na agad ang mga
kabanata upang isulat ng kaniyang mga kasama. Sa kasamaang-palad, ang panukala ay
nabigo. Walang naisulat ang mga kasama ni Rizal dahil nawili ang lahat sa sugal at
tungkol sa pambababae ang nais nilang isulat. Walang nagawa si Rizal kundi isulat ito
nang mag-isa.
Sinimulan niyang isulat ang Noli Me Tangere noong 1884 at natapos niya ang
kalahati ng nobela sa Madrid. Ipinagpatuloy niyiang isulat ang nobela sa Paris noong
1885 at tinapos ang aklat sa Germany sa panahong nagtatrabaho siya bilang assistant
ng German doctor na si Dr. Otto Becker noong 1886.
Ano nga ba ang ibig sabihin ng “Noli Me Tangere”? Ito ay nagmula sa banal na
katagang “Huwag mo akong saligin” o sa Ingles ay “Touch me not” na nanggaling sa
Biblia. Inihandog ni Rizal ang nobela sa bayang Pilipinas.
Ginawa niya ang ilang rebisyon sa panahon ng taglamig at kaniyang paghihikahos
sa Berlin. Pagkaraan ng ilang taon, sinabi niya sa kaibigan at dating kamag-aral na si
Fernando Canon na muntik na niyang sunugin ang Noli Me Tangere dahil sa matinding
depresyon at pag-aakalang hindi na maililimbas pa.
Dumating ang tagapagligtas ni Rizal na si Dr. Maximo Viola. Tumanggap siya ng
telegram ana nagsasaad na darating itio ng Berlin. Mula sa angkan ng mayamang taga-
San Miguel, Bulacan si Dr. Viola. Dinatnan nito si Rizal sa Berlin sa kaawa-awang
kalagayan na mayroong sakit at naghihikahos ilang araw bago mag-pasko taong 1886.
Pinautang niya si Rizal ng pera panggastos sa araw-araw at pinondohanang ang

14
paglalathala ng Noli Me Tangere. Berliner Buchdruckrei-Action-Gesseichaft ang
palimbagang nag-imprenta ng Noli Me Tangere sa halagang P300 para sa 2000 kopya.
Nang dahil sa pagkagipit at pagtitipid ni Rizal, inalis niya ang isang kabanata sa Noli.
Inalis niya ang “Elias at Salome”. Isinulat niya ang Noli Me Tangere upang mabuksan
ang mga mata ng Pilipino sa KANSER NG LIPUNAN na nangyayari sa bansa. Ito ay ang
pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

Gawin

Gawain 6: Gamit ang Diagram na inihanda sa ibaba ibigay ang


mahahalagang detalye kung paano naisakatuparan ang sulat at paglimbag ng nobela.

A. PAGSULAT NG NOBELA

PAGSULAT
NG
NOBELA

15
B. PAGLIMBAG NG NOBELA

PAGLIMBAG
NG NOBELA

ANG PABALAT NG NOLI ME TANGERE

16
17
18
Tayahin
Gawain 7
Iguhit ang pabalat ng nobelang Noli Me Tangere Sa loob ng Kahon.

19
Linangin
Karagdagang Gawain

MEET NEW FRIENDS: Saliksikin ang mga katangian ng mga kilalang tauhan sa
nobelang Noli Me Tangere.

20
Aralin 4.2
Mga Tauhan ng Noli Me Tangere
Pang-uri sa Pagbibigay-katangian

Panimula
Iniwan ni Jose P. Rizal ang Pilipinas upang mag-aral sa Europa ganoon pa man hindi niya
nalilimutan ang bansang kanyang sinilangan at ang mga taong nakasalamuha niya noong siya ay
nasa bansa pa. Sa katunayan, ginamit niya ang mga personalidad na ito upang bigyang buhay
ang kanyang unang nobelang Noli Me Tangere. Kung kaya’t masasabing may bahid ng
katotohanan ang kanyang obra maestrang ito, mula sa mga tauhan, mga lugar na may
pagkakahawig sa ilang mga bayan o lugar ng Pilipinas at maging ang mga pangyayaring naganap
sa bansa siglong taon na ang nakakaraan.
Mula sa mga tauhang ginamit ni Jose Rizal mahihinuha na may kaparehong personalidad
ang mga ito na bumubuo at nagpapagalaw sa lipunan ating ginagalawan sa kasalukuyan.
Nakakatuwang isipin na buhay pa rin ang mga tauhang ito na kapagdaka’y nasasalubong lang
natin sa daan sa araw-araw.

Subukan
Panuto: Bilugan ang tamang titik ng tauhang inilalarawan ng bawat pahayag.

1. Siya ang binatang nangibang bayan upang doon mag-aral.


a. Elias b. Crisostomo c. Albino d. Pepe
2. Siya ang kumakatawan kay Leonor Rivera sa Noli Me Tangere mula sa Camiling Tarlac na
naging kasintahan ni Jose Rizal.
a. Maria Clara b. Josephine Bracken c. Sinang d. Victoria
3. Siya ang kumakatawan kay Paciano, kuya at lubos na hinahangaan ni Jose.
a. Kapitan Tiyago b. Padre Damaso c. Tandang Tasyo d. Don Rafael
4. Martir na asawa at mapagmahal na ina. Nagkaroon ng sakit sa pag-iisip dahil sa trauma
na sinapit.
a. Maria Clara b. Tiya Isabel c. Consolacion d. Sisa
5. Makisig na binata na tumulong at nagbukas sa isipan ni Crisostomo sa tunay na
kalagayan ng kanilang bayan.
a. Elias b. Guro c. Basilio d. Crispin

Balikan
Natatandaan mo pa ba?

1. Sa anong lengguwahe nagmula sa pamagat na Noli Me Tangere? __________________


2. Ano ang salin ng Noli Me Tangere sa Filipino? __________________________________

21
3. Saan-saang bansa naroroon si Jose P. Rizal noong sinusulat niya ang kanyang unang
nobela. Punan ang globo.

4. Sa anong aspetong panlipunan ang inilalarawan ng Noli Me Tangere.


_____________________
5. Sa anong sakit maihahalintulad ang mga problemang inilalarawan sa nobela.
______________________

Tuklasin
Gawain 1: Kilalanin ang mga personalidad sa mga larawan. Ibigay ang kanilang
kontribusyo sa lipunan at kanilang maaaring maging sagisag.

Suriin
Gawain 2: Tuklas Tauhan
Suriin ang bawat pahayag at kilalanin kung sino ang nagpahayag sa mga ito.

Bago po ako pumupunta sa isang bayan, pinag-aaralan ko muna


ang kasaysayan ng bayang iyon.

_____________________

22
Kung ako lamang ang masusunod ipagbabawal ko ang pagpapadala
ng Indiyo sa Europa.

______________________

Mamatay akong hindi man lamang namasdan ang ningning ng


pagsikat ng araw sa aking bayan

_________________

Ang umilag sa punglo ay hindi karuwagan, katangahan ang


sumagupa sa kamatayan.

____________________
Naalaala mo kaya ako? Sa dami ng mga lungsod at magagandang
dalagang nakita mo sa iyong paglalakbay ay naalaala mo kaya ako?

__________________

Ang karunungan ay para sa lahat, ngunit huwag mong lilimuting


iya’y natatamo ng mga may puso lamang

____________________

May mga dakilang bagay na dapat mong isipin- ang hinaharap ay


nabubuksan pa lamang para sa iyo, ang sa akin ay ipinipinid na.

____________________

Gawain 3: Kilalanin ang taong naging inspirasyon


Naririto ang ilan sa mga tauhan ng Noli Me Tangere at mga taong kinakatawan o naging
inspirasyon ni Dr. Jose Rizal sa pagliha sa mga karakter. Magsaliksik tungkol sa mga taong
naging inspirasyon

23
Tauhan Naging inspirasyon Karakter sa nobela
Juan Jose Rizal – nag-aral sa ibang bansa Binatang nangibang bayan
Crisostomo/ upang mag-aral/
Elias
Maria Clara Leonor Rivera – kasintahang pinakaiibig Kasintahan ni Crisostomo na
ni Jose Rizal na taga Camiling Tarlac naiwan sa Pilipinas
Padre Damaso/ Padre Antonio Piernavieja – Kalaban ni Crisostomo at ama
Padre Salvi kinapopootang paring Agustino sa Cavite ni Maria Clara
na napatay ng mga rebolusyunaryo
Don Rafael Ama ni Crisostomo na
nagmamay-ari ng malaking
bahagi ng lupaing San Diego
Tandang Tasyo Paciano- Katatandang kapatid ni Jose Matangang ulila sa magulang
Rizal na madalas niyang hinihingan ng at asawa na madalas hingan
payo ng payo ni Crisostomo
Kapitan Tiyago Kapitan Hilario Sunico- Mayamang ama-amahan ni
Maria Clara
Sisa Narsisa- pangalawang panganay na Martir na asawa at mapag-
kapatid na babae ni Jose Rizal mahal na ina.
Donya Victorina Donya Agustina Medel de Coca – isang Social climber; nag-hahanap
mayamang nagmamay-ari ng Teatro ng kastila o mestizong
Zorilla at mga lupain, ayaw tanggapin ang mapapangasawa upang
kanyang pagka-Pilipina maitatwa ang pagiging indiyo
Donya Asawa at kasawian ng Alperes
Consolacion
Guro Ana nagsiwalat ng tunay na
kalagayan ng edukasyon sa
bayan ng San Diego

Pagyamanin

Pang-uri – salitang ginagamit upang magbigay – turing sa pangngalan at panghalip.


Pang-uring panlarawan ay kadalasang nagpapahayag ng katangian ng ukol sa laki,
kulay, hugis, kalagayan at katangian ng mga pangngalan o panghalip na binibigyang-
turing.
Hal. Mayuming dalaga ang anak ni Mang Pedring
Hindi maitatangging matapang ang pamilyang Santos

24
Gawain 4: Magsaliksik at Kilalanin ang mga tauhan batay sa kanilang kilos, pananalita at
ideyalismo.

Tauhan Katangian Simbolismo


Crisostomo

Padre Damaso

Don Rafael

Pilosopo Tasyo

Kapitang Tiyago

Maria Clara

Sisa

Donya Victorina

Donya Consolasion

Isipin
Gawain 5: Paghambingin ang mga tauhan

Juan Padre Don Tandang


Crisostom Damaso Rafael Tasyo
Ibarra Ibarra

A. Gamit ang diagram sa itaas, Ibigay ang kahalagahan at kaugnayan ng bawat tauhan sa
isa’t isa.

25
Gawin
Pansinin ang mga dayalogo ng bawat tauhan. Ano ang kakaiba sa kanilang pananalita?
Tama, napakapormal nilang magsalita? May naririnig pa ba kayong nagsasalita sa ganitong
istilo? Kung gayon, Pumili ng isang tauhan mula sa nobela at sumulat ng isang napapanahong
script (monolog) para sa kanyang karakter.

Tayahin
Tukuyin ang tauhang inilalarawan ng bawat pangungusap.
__________1. Mahinhin at madasaling kasintahan ni Crisostomo.
__________2. Maginoong binata na nangibang bayan upang mag-aral
__________3. Nakulong at namatay sa loob ng bilangguan.
__________4. Matandang lalaki na hinihingan ng payo ng mag-amang Ibarra.
__________5. Bungangerang asawa ng Alperes
__________6. Donya na itinatangging isang indiyo
__________7. Mapagmahal na ina nina Crispin at Basilio
__________8. Sunud-sunuran sa pamahalaan at simbahan
__________9. Tunay na ama ni Maria Clara at mortal na kaaway ni Crisostomo
__________10. Tuluyang nakatakas at napabalitang namatay sa pagkakabaril sa lawa.

Linangin
Karagdagang Gawain

Time Machine: Kung babalik ka sa nakaraan sino sa mga tauhan ng Noli Me Tangere ang
nais mong makausap at bakit? Maghanda ng 6-10 mga tanong para sa tauhang ito (Isulat ang
mga katanungan sa ibaba).

26
Aralin 4.3
Si Crisostomo Ibarra
Pormalismo ng Salita

Panimula
Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin; pangunahing tauhan ng nobelang Noli Me Tangere,
binatang nangibang bayan upang doon sa ibayong lugar ay mag-aral dahil na rin sa kagustuhan
ng ama. Ngunit sa kanyang pagbabalik habang bitbit ang pag-asang nauukol sa mga
kababayang naghihintay ng pag-asa ay kay laking pagbabago ang dinatnan. Halos di na makilala
ang bayang iniwan pitong taong na ang nakakaraan.
Sinadya ng may-akda na patakasin si Crisostomo sa dakong huli ng nobela upang
mabuhaya ng loob at bigyang pag-asa ang mga mambabasa nito.

Subukan
Panuto: Bilugan ang tamang titik ng tauhang inilalarawan ng bawat pahayag.
1. Saan nag-aral si Crisostomo Ibarra?
a. America b. Europa c. Russia d. Africa
2. Ilang taong nawala si Crisostomo sa Pilipinas?
a. 10 taon b. 5 taon c. 7 taon d. 8 taon
3. Sino ang nagpadala sa kanya sa ibang bansa?
a. Don Rafael b. Padre Damaso c. Kapitan Tiago d. Don Anastacio
4. Saan namatay ang kanyang ama?
a. Bahay b. ospital c. simbahan d. bilangguan
5. Ayon kay Crisostomo sino ang kanyang pinakaiibig?
a. Maria Clara b. ang kanyang ina c. Espanya d. ang ama
6. Kanino madalas humingi ng payo ang mag-amang Ibarra?
a. Padre Damaso b. kapitang Tiyago c. Tandang Tasyo d. Alpheres
7. Ano ang ibig sabihin ng erehe at pilibustero?
a. Taong sumusuway sa batas ng simbahan at pamahalaan
b. Taong sumusuway sa mga pulis at doktor
c. Taong sumusuway sa mga magulang at lipunan
d. Taong sumusuway sa mayor at sakristan
8. Anong araw umuwi si Crisostomo sa San Diego?
a. Araw ng Pasko b. Mahal na Araw c. Araw ng mga Puso d. araw ng mga Patay
9. Ayon kay Ibarra, ano ang gingawa niya bago siya pumunta sa isang bayan?
a. Pinag-aaralan niya muna ang kasaysayan ng bansang iyon.
b. Inaaral muna niya ng lingguwahe ng bansang iyon
c. Naghahanap muna siya ng kakilala
d. Naghahanap muna siya ng makakasama

27
10. Sino ang naging mortal na kaaway ni Ibarra sa nobela?
a. Padre Salvi b. padre Damaso c. ang Alpheres c. Kapitan Tiyago

Balikan
Magtala ng ng limang (5) tauhan mula sa nobelang Noli Me Tangere at tukuyin ang
sinisimbolo ng bawat isa,

Tauhan Simbolo

Tuklasin
Gawain 1: Pag-ibig mo tutumbasan ko.
A. Ibigay ang kahulugan ng iba’t ibang uri ng pag-ibig

Eros/Romantic
Filial Love
Love

Nationalism Platonic Love

Parental Love

28
Suriin
Basahin ang mga sumusunod na mga kabanatang may kaugnayan sa buhay ni
Crisostomo Ibarra.
Kabanata
I Isang Pagtitipon
II Si Crisostomo Ibarra
III Ang Hapunan
IV Erehe at Pilibustero
V Isang Tala sa Gabing Madilim
VII Suyuan sa Asotea
IX Mga Bagay-bagay Ukol sa Bayan
X Ang Bayan ng San Diego
XI Ang mga Makapangyarihan
XII Araw ng mga Patay
XIX Mga Karanasan ng Guro
XX Ang Pulong sa Tribunal
XXIII Ang Pangingisda
XXIV Sa Gubat
XXVI Bisperas ng Pista
XXIX Ang Umaga
XXX Sa Simbahan
XXXI Ang Sermon
XXXII Ang paghuhugos
XXXIV Ang Naganap sa Tanghalian
XXXV Mga Usap-usapan
XXXVI Suliranin
XLVIII Mga Talinghaga
XLIX Tinig ng Pinag-uusig
LIV Ang Nabunyag na Lihim
LV Ang Pagkapahamak
LVIII Ang mga Isinumpa
LX Ang Pagpapakasal ni Maria Clara
LXII Nagpaliwanag si Padre Damaso

Gawain 2: Damdamin mo itatala ko


A. Mula sa mga kabanatang binasa magtala ng mga pangyayari sa mga karanasan ni
Crisosmo Ibarra at sabihin kung anong damdamin ang nangingibabaw rito.

Kabanata Pangyayari Damdamin


Hal. Habang siya ay nag-aaral sa ibang bansa, namatay Malungkot
II ang kanyang ama ngunit walang sinoman ang
nagbalita kanya

29
B. Tukuyin ang iba’t ibang pag-ibig ni Crisostomo mula sa mga kabanatang binasa.
Isulat kung saang kabanata matatagpuan ang mga pag-ibig niyang ito.

Kabanata Uri ng Pag-ibig Detalye

C. Magtala ng mga pangyayaring napapakita ng kapangyarihan ng pag-ibig mula sa


sumusunod:

Magulang
Kasintahan
Kapwa
Bayan

Pagyamanin

Antas ng Wika Ayon sa Pormalidad

PORMAL
Mga salitang itinuturing na pamantayan dahil sa ito'y kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng karamihang nakapag-aral ng wika. Madalas itong ginagamit sa mga
paaralan at opisina.

Halimbawa:
Pambansa at Pampanitikan
Pampanitikan- mga salitang malalim, masining makulay, at malikhain. Ito ang
mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika.
Halimbawa:
1. Kahati sa buhay
2. Bunga ng pag-ibig
3. Pusod ng pagmamahalan

30
Pambansa- ang salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing nailathala sa
iba't ibang kapuluan at sa lahat ng paaralan. Ito ang ginagamit
na wikang panturo.
Halimbawa:
1. Asawa
2. Anak
3. Tahanan

DI-PORMAL
Mga salitang karaniwan na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at
pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan.

Halimbawa:
Lalawiganin
Balbal
Kolokyal

Lalawiganin- Ito rin ay mga salitang dayalektal. Kilala at ginagamit o saklaw


lamang sa partikular na pook o lalawigan; may pagkakaiba-iba sa
tono at kahulugan sa ibang salita.
Halimbawa:
1. Buang! (Baliw)
2. Balay

Balbal- wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kaniya-


kaniyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla.
Katumbas ito ng slang sa Ingles. Ito ay nagbabago sa pag-usad ng
panahon.
Halimbawa:
1. Eklavush (gay lingo)
2. Erpat (wika ng mga tambay)

Kolokyal- Tumutukoy ito sa mga karaniwang salita na ginagamit sa mga


impormal na usapan o dayalogo na makikita ang pagpapaikli ng mga
salita mula sa orihinal na salita.
Halimbawa:
1. pre (para sa pare)

Pagsasanay 1: Tukuyin kung Pormal o Di-Pormal ang sumusunod na salita

_____________1. sa pusod ng dagat ______________6. chikot


_____________2. mahinahon ______________7. balasang
_____________3. mars ______________8. samyo ng bulaklak
_____________4. baintau ______________9. Isa siyang halimaw

31
_____________5. petmalu ______________10. Lodi

Isipin
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa pagmamahal ni Don Rafael sa anak niyang si
Crisostomo na papuntahin ito sa ibang bansa kahit labag sa kagustuhan ng anak
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Gawin
Sa nakaraang mga kabanata natunghayan ang mga tuungalian sa pagitan ni Crisostomo
Ibarra sa iba pang mga tauhan. Batay sa mga pangyayari, sumulat ng
ISCRIPT ng isang MOCK TRIAL

Ang gagawing Iscript ay tatayahin batay sa sumusunod na pamatayan:

Mahusay na katuwiran
Makatotohanan
Kaangkupan ng mga pahayag
Presentasyon

Ano ba ang Mock Trial?

Ang mock trial ay aktibidad kung saan ginagaya ang isang tunay na paglilitis. Ginagawa ito ng
mga:

1. abogado - bilang paghahanda sa kanilang pagsalang sa totoong paglilitis


2. mag-aaral - sa pamamagitan ng guro, ginagamit ang aktibidad na ito upang matulungang
mapagyaman pa ang kanilang kaalaman sa batas, ang kanilang questioning techniques, ang
kanilang critical thinking, at kanilang oral skills.

32
Mga Hakbang sa isang Paglilitis

Calling of Case ng Bailiff: "Magsipagtayo ang lahat. Ang Korte ng _______________ ay nasa
sesyon na ngayon. Ang kagalang-galang na Hukom na si ______________ ang
mamumuno."

(All rise. The Court of _______________ is now in session. Honorable


Judge ______________ presiding).
Pambungad na Pahayag: Una ang tagausig, pagkatapos ay abugado ng nasasakdal,
ipaliliwanag kung ano ang inyong katibayan o ebidensya at kung ano ang susubukan
niyong patunayan.

(Opening Statement: First the prosecutor or plaintiff's attorney, then the defendant's
attorney, explain what their evidence will be and what they will try to prove).

Prosecution’s or Plaintiff's Case: Ang mga saksi ay tinawag upang magpatotoo at ipakita
ang iba pang katibayan. Ang bawat testigo na tinawag ay uusisahin ng depensa.

(Prosecution’s or Plaintiff's Case: Witnesses are called to testify (direct examination) and
other physical evidence is introduced. Each witness called is cross-examined by the defense).

Kaso ng Defendant: Pareho ng ikatlong hakbang na ginawa maliban na lamang sa bahagi


kung saan ang saksi ay direktang susurihin ng prosecution.

(Same as the third step except that defense calls witnesses for direct examination; cross-
examination by prosecution/plaintiff).

Pagtatapos na Pahayag: Sinisiyasat ng abogado ng magkabilang panig ang katibayan na


ipinakita at humihiling ng desisyong na pabor sa kanila.

(Closing Statement: An attorney for each side reviews the evidence presented and asks for a
decision in his/her favor).

Mga Tagubilin ng Hurado: Ang hurado ay ipaliliwanag sa hukom ang mga naaangkop
na mga patakaran ng batas na dapat isaalang-alang sa pagtimbang ng mga ebidensya.

(Jury Instructions: The Judge explains to the jury appropriate rules of law that it is to consider
in weighing the evidence).

33
N Tayahin
Tukuyin ang ipinahihiwatig ng bawat bilang.
______________1. Uri ng pag-ibig na siyang pangunahing tungkulin ng anak sa
magulang.
______________2. Pag-ibig ni Crisostomo Ibarra.
______________3. Aktibidad kung saan ginagaya ang isang tunay na paglilitis.
______________4. Mga salitang malalim, masining makulay, at malikhain. Ito ang
mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika.

Linangin
Karagdagang Gawain
Sagutin ang bawat tanong
1. Bigyang interpretasyon ang salitang inggit.
Inggit ____________ ____________
2. Kailan nagiging positibo at negatibo ang inggit sa kapwa?
Positibo: ____________________________________________________
____________________________________________________
Negatibo: ___________________________________________________
___________________________________________________

34
Aralin 4.4
Si Maria Clara
Iba’t ibang Paraan ng Pagbibigay- Pahiwatig sa Kahulugan

Panimula
Tara’t kilalanin natin ang nag-iisa at natatanging pag-ibig ni Crisostomo Ibarra,
kung saan hinango ang tunay na pag-ibig ni Jose Rizal na si Leonora Rivera ng Camiling
Tarlac. Naging kasintahan nya ng mahabang panahon ngunit hindi rin nya nakatuluyan.
Tunghayan natin ang masalimuot na buhay ni Maria Clara mula sa kanyang pagkatao
hanggang sa kanyang buhay pag-ibig.

Subukan
Gawain 1: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______ 1. Humigit kumulang sa _________ taong naghintay si Maria Clara sa


kanyang kasintahang si Crisostomo Ibarra.
c. Limang c. Pitong
d. Anim na d. Walong
______ 2. Ang pagyuko ni Maria Clara nang unang makaharap ang kasintahan ay
nagpapahayag ng ______.
c. Tuwa c. Hiya
d. Lungkot d. Galit
______ 3. Ang pagtatanong ni Maria Clara kung maraming magagandang dalaga sa
Europa ay nagpapahiwatig ng _______.
batay sa
c. Pag-uusisa c. Pagseselos
d. Pagkagalit d. Pagsusuri
______ 4. Ang pagpapatulos ng kandila kay San Roque at San Rafael ay patungkol
ni Kapitan Tiago sa _____________ na paglalakbay ni Ibarra.
c. Masaya c. Mapayapa
d. Mahaba d. Malungkot
_____ 5. Bukod kay Victoria, Sinang at Iday, matalik na kaibigan din ni Maria Clara
si ________.
c. Ana c. Rosa
d. Lucia d. Neneng

35
Balikan
Gawain 2: Isulat mahahalagang tagpo sa buhay ni Crisostomo Ibarra na nag-
iwan ng kakintalan sa inyong isipan.

Tuklasin

Gawain 3: Guhit Ko, Ekspresyon ko.


Gumuhit ng scenario na nagpapakita ng ekspresyon mo sa pagpapakita ng iyong
damdamin o matibay na paninindigan. Matapos itong iguhit ay ipaliwag sa natitirang bahagi
ng sagutan kung bakit ito ang iyong iginuhit.

36
Suriin

Basahin ang mga sumusunod na kabanata na may kaugnayan sa buhay ni Maria


Clara.
Kabanata Pamagat
7 Pag-uulayaw sa Isang Asotea
23 Ang Pangingisda
24 Sa Kagubatan
26 Ang Bisperas ng Pista
27 Sa Pagtatakipsilim
28 Ilang Sulat
29 Sa Simbahan
32 Ang Paghugos
36 Ang Unang Suliranin
43 Mga Panukala
44 Pagsusuri sa Budhi
55 Ang Kaguluhan
60 Ikakasal si Maria Clara
62 Ang Pagtatapat ni Padre Damaso

Gawain 4: Iugnay sa Totoong Buhay!

A. Batay sa binasang mga kabanata na may kaugnayan kay Maria Clara, magbigay ng
mga pangyayari na makatotohanan na maaari nating iugnay sa mga pangyayari sa
kasalukuyan.

Pangyayaring Makatotohanan Pangyayari sa Kasalukuyan


Kabanata

37
Isipin

B. Batay pa rin sa mga kabanatang binasa isa-isahin at ilagay sa kahon ang mga
kaugalian at tradisyon na pagkakakilanlan ng ating pagka-Pilipino.

Pagyamanin

Innn Iba’t Ibang Paraan ng Pagbibigay-Pahiwatig sa Kahulugan ng Salita

Bukod sa pagbibigay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ay may iba


pang paraan upang makilala ang kahulugan ng salita. Ito ay mabisang paraan
upang mapalawak ang talasalitaan ng isang mambabasa, tagapanood o
tagapakinig.

Ang kahulugan ng mga salita ay makikilala ayon sa :

1. Talinghaga at Idyoma
 Ang matalinghagang pahayag ay mga salitang may kahulugang
taglay na naiiba sa karaniwan.
 Ito ay mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan.
 Karaniwang hinango ang kahulugan nito sa karanasan ng tao
gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay-bagay sa ating
paligid.
 Katulad din ito ng idyoma. Sa pamamagitan ng idyoma ay
nakikilala ang yaman ng isang wika.

1.

38
Narito ang halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito:

 Balat-sibuyas -- maramdamin
 Basang-sisiw -- kaawa-awa, api
 Buto’t balat -- payat na payat
 Huling hantungan -- libingan
 Ikapitong langit -- malaking katuwaan
 Laylay ang balikat -- bigo
 Magbilang ng poste -- walang trabaho
 Magdildil ng asin -- maghirap
 Mahaba ang pisi -- pasensyoso
 Pabalat-bunga -- hindi totoo

2. Konotasyon at Denotasyon

 Ito ang dalawang dimension sa pagpapakahulugan ng salita.


 Ang DENOTASYON ay karaniwang kahulugang mula sa diksyonaryo
o salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
Halimbawa:
a. Ang ganda ng bulaklak sa kanyang halamanan.(bahagi ng isang
halaman na karaniwang makulay)
b. Lumalaki na ang punong itinanim ko sa aming likod-bahay.
(halamang lumalaki nang mataas)
 Samantalang ang KONOTASYON ay may dalang ibang kahulugan o
maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa
karaniwang kahulugan.
Halimbawa:
a. Maraming magagandang bulaklak na anak si Bulan. (babae)
b. Ang kanyang anak ay mababait. Nanggaling kasi sa mabuting
puno.(magulang/ angkan)

3. Tindi ng KAHULUGAN o CLINING

 Ito ay pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng


kahulugang nais ipahiwatig.
Halimbawa:
Pikon (damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay lamang)
Tampo (munting galit na mdaling mawala)
Inis (tumatagal na tampo)
Galit (tumatagal na inis)
Suklam ( matinding galit sa dibdib na matagal bago mawala)
Poot (matinding galit na halos
39 gusto nang makapanakit)
Inn 4. Paggamit ng Contextual na clue

 Ang kahulugan ng salita ay mauunawaan ayon sa pagkakagamit sa


pangungusap.
Halimbawa:
a. Nagliwanag ang paligid sa pagsikat ng araw.
b. Makitid ang tulay kaya’t mahirap tawirin.

2.

Pagsasanay: Tukuyin ang paraan na ginamit sa pagbibigay kahulugan sa salitang ginamit.


Isulat ang TI kung ito ay talinghaga o idyoma, KD kung ito ay konotasyon o denotasyon, KC
kung ito ay sa tindi ng kahulugan o clining at CC kung ito ay context clue.

______1. Ang dalaga ay kabigha-bighani sa damit Pilipiniana. (kaibig- ibig)


______2. Tinatalo kitang madalas ngunit hinihinaan ko lamang ang pagbantil. (kutos sa litid)
______3. Kung iyong titingnan si Padre Salvi para na itong buto’t balat. (napakapayat)
______4. Sa sobrang hilam sa luha ng mata ni Maria Clara hindi na niya alam ang daang
tinatahak. (dinadaanan)
______5. Sumpalan mong mabuti ang butas ng Bangka at baka mapasok tayo ng tubig.
(barahan)
______6. Ubos-kaya ang paghahandang ginagawa sa tahanan ni Kapitan Tiyago. (marami)
______7. Pinahid nya ng panyo ang luhang nagbabatis sa mukha. (dumadaloy)
______8. Sa amuki ng alkalde ay napilitan ng bumaba si Ibarra. (pakiusap)
______9. Kasabay ng pagdidilim ang nakapanghihilakbot na sigawan ng tao. (nakakatakot)
______10. Si Maria Clara ay laging umiiyak at hindi inaalintana ang ginagawang pag-aliw ng
kanyang tiya at ni Andeng na kapatid nya sa suso. (pinapansin)

Gawin

Gawain 5: Naisip Mo, Isulat Mo!

Piliin sa Hanay B ang pinakamalapit na kahulugan ng mga salita sa hanay A.


A B

______1. Pag-aalinlangan a. inilabas

______2. Pagwikaan b. sasadyain

______3. Titikisin c. tinakot

40
______4. Binantaan d. maisip

______5. Nabahala e. napuno

______6. Nakalaan f. nakahanda

______7. Natigib g. pangamba

______8. Malirip h. daing

______9. Hibik i. pagsabihan

______10. Ibinulalas j. nag-alala

Tayahin
Panghuling pagsusulit

Gawain 6: Isulat ang tamang sagot sa patlag.

1. Anu- ano ang naging ala-ala ni Maria Clara kay Ibarra?______________________


______________________________________________________________
2. Bukod sa pagmamahal, anu-ano pa ang laman ng liham ni Ibarra kay Maria Clara?___
______________________________________________________________
3. Bakit natigilan si Ibarra at ang piloto naman ay napatingin sa malayo nang matapos
ang awit ni Maria Clara?____________________________________________
______________________________________________________________
4. Anong kahulugan ang makukuha ninyo sa sinabi ni Sinang kay Maria Clara na; “
Kaiingat ka at ang panibugho ay nakapagapayat at nagpapalalim ng mata.”_________
______________________________________________________________.
5. Ano ang pagkakaiba ng buhay sa loob ng Beateryo at sa labas nito ang natuklasan ni
Maria Clara?_____________________________________________________
______________________________________________________________.
6. Ano ang binalak na gawin ni Kapitan Tiyago upang gumaling agd si Maria Clara?____
______________________________________________________________.
7. Bakit sinabi ni Sinang kay Maria Clara na ito’y salawahan pala?_________________
______________________________________________________________.
8. Bakit kinailangan pang sabihin ni Ibarra kay Tiya Isabel, kay Maria Clara at sa mga
manggagawa na siya ay hindi na eskomulgado?_____________________________
______________________________________________________________.
9. Bakit inibig ni Maria Clara na limutin na siya ni Ibarra?______________________
______________________________________________________________.
10. Saan at kailan nalaman ni Maria Clara ang lihim ng kanyang pagkatao?___________
______________________________________________________________.

41
Gawain 7: Para sa Antas ng Iyong Pag-unawa

1. Ano ang iyong isasagot kung isang araw ay sabihin ng anak mong siya’y mag-aaral
sa Beateryo? Bakit?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Sumasama pa ba ang ating mga magulang sa pagpipiknik ng mga kadalagahan at
kabinataan ngayon? Bakit?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
3. Ang mga tao ba ngayon ay naniniwala pa sa mga kasabihan at matatandang
pamahiin? Ipaliwanag.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
4. Sa pagpunta mo sa pistang bayan, anu-ano ang iyong napupuna? Anu-ano ang
nabibigyan mo ng pagpapahalaga? Bakit?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
5. Anu- ano ang kaibhan ng kabinataan at kadalagahan natin ngayon sa mga
kabinataan at kadalagahan natin noon? Ipaliwanag. ______________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

42
Linangin

Nakilala mo ang ugali, katauhan, paniniwala ng isang Maria Clara batay sa mga
kabanata na binasa mo.
Ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na bigyang buhay muli si Maria Clara sa
kasalukuyan, paano mo bibigyang hustisya ang bagong Maria Clara? Gumuhit o
gumupit ng isang larawan na kumakatawan sa bagong Maria Clara sa loob ng kahon
at ilarawan siya batay sa nais mong maging siya sa kasalukuyang henerasyon.

43
Aralin 4.5
Si Sisa
Paggamit ng Angkop na Pahayag sa Pagpapaliwanag,
Paghahambing at Pagbibigay ng Sariling Opinyon

Panimula
Sa dalawang nobela ni Jose Rizal, maraming uri at katangian ng babae ang
kanyang ipinakilala. Bawat babae na ipinakilala niya ay matuturing na kakaiba sa bawat
isa. Isa na dito ay si Sisa. Sino nga ba si Sisa at bakit siya mahalaga at katangi-tanging
karakter sa Noli Me Tangere?

Subukan
Gawain 1: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______ 1. Si Sisa ay nakapangasawa ng isang lalaking;.


e. Walang Trabaho c. Walang ginagawa kundi maglasing
f. Walang Pananagutan sa buhay d. Lahat ng nabanggit

______ 2. Si Sisa sa kanyang pagiging asawa ay pinapanaig lagi ang;


e. Kanyang puso c. Kanyang damdamin
f. Kanyang Isip d. Kanyang damdamin at pag-iisip

______ 3. Ang dalawang anak ni Sisa ay sina;


e. Basilio at Crispin c. Elias at Lucas
f. Ibarra at Lucas d. Basilio at Ibarra

______ 4. Napaiyak si Sisa nang malamang pinagbintangan si Crispin na kumuha ng


onsang ginto dahil sa;
e. Si Crispin ay mabait na bata c. Si Crispin ay bata pa
f. Si Crispin ay di-magnanakaw d. Lahat ng nabanggit

_____ 5. Nang hulihin sa Sisa at dumating sila sa bayan; napakiusap ni Sisa sa sibil
na siya ay;
e. Paunahin ng 20 hakbang c. Paunahin ng 30 hakbang
f. Paunahin ng 25 hakbang d. Paunahin ng 35 hakbang

44
Balikan
Gawain 2: Ilarawan si Maria Clara batay sa mga kabanatang binasa sa
nakaraang aralin.

Tuklasin

Gawain 3: Katangian ng Ina ko!


Isulat ang mga katangian ng iyong ina sa loob ng mga dahon . Sa ibabang bahagi ng
kahon ay ikuwento kung paano ginagampanan ng iyong ina ang kanyang tungkulin sa iyo
bilang anak niya.

45
Suriin

Basahin ang mga sumusunod na kabanata na may kaugnayan sa buhay ni Sisa.


Kabanata Pamagat
16 Si Sisa
17 Si Basilio
18 Mga Kaluluwang Naghihirap
21 Kasaysayan ng Isang Ina
39 Si Donya Consolacion
63 Ang NocheBuena

Gawain 4: Ina Ko! Ina Mo!

C. Batay sa binasang mga kabanata na may kaugnayan kay Sisa, magbigay ng mga
katangian ni Sisa na kumakatawan sa ina noon at katangian ng nanay mo na
kumakatawan sa ina sa kasalukuyan.

Sisa (Ina noon) Nanay mo (ina sa kasalukuyan)

Isipin

D. Batay pa rin sa mga kabanatang binasa isa-isahin ang mga pangyayari kung paano
tinupad ni Sisa ang kanyang tungkulin sa kanyang mga anak.

46
Pagyamanin

Paggamit ng Angkop na Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Opinyon o


Innn

Pananaw

Ilahad ang opinyon sa paraang maayos kahit pa salungat ang iyong


pananaw sa pananaw ng iba.
Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap. Kung sakaling hindi man
kayo pareho ng pananaw o opinyon ay mabuting maipahayag mo rin
ang iyong pinaniniwalaan.
Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong
pananaw kung may matibay siyang dahilan para maniwala sa
kasalungat ng iyong pananaw.
Maging magalang at huwag magtaas ng boses kung sakaling
kailangan mo naman sumalungat sa ideya o opinyon ng iba.
Makabubuti kung ang iyong ipapahayag ay nakabase sa
katotohanan o kaya’y sinusuportahan ng datos.
Kung nasa pormal na okasyon, gumamit rin ng pormal na pananalita
at huwag kalilimutang gumamit ng “po at opo”.
Mga paghayag ng nagpapahayag ng iyong pananaw o opinyon.
 Sa aking palagay…
 Sa tingin ko…
 Para sa akin…
 Ang paniniwala ko ay…
 Ayon sa nabasa kong datos…
 Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo sapagkat…

47
Innn Paggamit ng Angkop na Pahayag sa Paghahambing

Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay nakatutulong sa


pagbibigay- linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.

Hindi natin namamalayan, ngunit kung papansinin ang paghahambing ay bahagi na ng


ating pang-araw-araw na buhay. Sa pagpili n gating gagamitin , sa pagkain na ating kakainin,
sa sasakyang ating sasakyan o sa lugar na ating pupuntahan , kadalasan ang mga ito ay
naisasagawa natin kung mayroon tayong paghahambingan.

Isang mahalagang sangkap sa uri ng paglalahad na ito ay ang hambingan ng pang-uri. Ito
ay naglalarawan ng tao, hayop, bagay, lugar at pangyayari.

2 uri ng Paghahambing

1. Pahambing na Magkatulad-magkatulad ng katangin, magkasing, sing, kasing, sim,


sin, magsing, magsim, magsin, ga, pareho at kapwa.
Halimbawa:
Parehong may pusong mamon ang kambal ni Aling Nena kaya sila kinagigiliwan ng
lahat.
2. Pahambing na Di-Magkatulad
 Hambingang Palamang- ang isa ay nakalalamang ng katangian
Halimbawa: Mas matangkad si Alex kay Jojo.
 Hambingang Pasahol- ang isa ay mas kulang o mas maliit ang katangian.
Halimbawa: Di-masyadong marunong bumasa si Anna kaysa sa mga kapatid
niya.

Pahayag sa Pagbibigay Patunay o Pagpapaliwanag

May mga salita o pahayag na ginagamit sa pagpapatunay upang maging kapani-paniwala at


katanggap- tanggap ang impormasyong inilalahad mo. Ito ay maaaring dugtungan o dagdagan
ng mga datos o pisikal na ebidensya tulad ng larawan, babasahin, video, panayam, mga
dokumento at marami pang iba na lalong magpapatibay sa katotohanan o impormasyong iyong
pinatutunayan.

1. Mga Dokumentaryong Ebidensya- ito ay mga patunay na maaaring nakasulat, larawan


o video.
Halimbawa:
Pinatunayan ng ‘ I- Witness” na sadyang maraming kabataan ang nagsusumikap sa
buhay makatapos lamang ng pag-aaral.
2. Kapani-paniwala- sa paggamit ng salitang ito, ipinapakita na ang ebidensya

48
patunay o datos ay makatotohanan at maaaring makapagpatunay.
Halimbawa:
Ayon sa mga nakalap na larawan, kapani-paniwala nga ang matinding
problema ng Mindanao na makaapekto sa ekonomiya nito.
3. Taglay ang Matibay na Kongklusyon- ang tawag sa katunayang pinalalakas
ng ebidensya, pruweba o impormasyong totoo.
Halimbawa:
Taglay ang matibay na kongklusyon, hinatulan ng Korte Suprema ang mga
Senador hinggil sa Pork Barrel Scam.
4. Nagpapahiwatig- ito ang tawag sa pahayag na hindi direktang makikita,
maririnig o mahihipo ang ebidensya ngunit sa pamamagitan nito ay
masasalamin ang katotohanan.
Halimbawa:
Ang pagtulong ng DIHS sa mga nasalanta ng bagyo ay nagpapahiwatig ng
pagiging mabuti nito.
5. Nagpapakita- salitang nagsasabi na ang isang kilos o pangyayari (na nakita o
nasaksihan) ay patunay sa isang katotohanan.
Halimbawa:
Ang tulong mula sa iba’t ibang bansa na umabot sa mahigit 14 bilyong piso ang
nagpapakita sa likas na kabutihang-loob ng tao anuman ang kulay ng balat at
lahi mo.
6. Nagpapatunay/ Katunayan/ Patunay –ang salitang nagsasabi o nagsasaad ng
pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.
Halimbawa:
Ang Pilipinas ay nakapaloob sa tinatawag na Pacific Typhoon Belt na nanga-
ngahulugang dinaraanan ito taon- taon ng maraming bagyo. Katunayan, sa ba-
wat taon ay may 8 hanggang 9 na bagyo ang pumapasok sa ating PAR o
Philippine Area of Responsibility.
7. Pinatutunayan ng mga Detalye- makikita mula sa mga detalye ang patunay
ng isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang kato-
tohanan sa pahayag.
Halimbawa:
Pinatutunayan lamang ng mga DIHS ay isang tunay na mabuting paaralan.

Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo ay makapgpatunay at ang ating
mga paliwanag at ebidensya ay maging katanggap-tanggap at kapani-paniwala sa mga
tagapakinig maging sa mga nakakakita.

49

3. Kapani-paniwala
4. Taglay ang Matibay na Kongklusyon
Pagsasanay A. Ekspresyon sa pagpapahayag ng sariling opinyon.

Batay sa pagpapahayag ayon sa sariling opinyon, ano ang masasabi mo sa ginawang


parusa sa magkapatid na Basilio at Crispin? ______________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

Pagsasanay B. Ekspresyon sa paghahambing?

Paghambingin ang pagiging ina ng ina ni Maria Clara at ni Sisa?_________________


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

Pagsasanay C. Ekspresyon sa Pagbibigay Patunay o Pagpapaliwanag.

Paano pinatunayan ni Sisa ang kanyang pagiging mabuting asawa at ina?__________


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

Gawin

Gawain 5: Opinyon mo!Sabihin mo!


1. Kung ikaw ang anak ni Sisa, paano mo siya kikilalanin? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
2. Ano ang ikinatatangi ni Sisa bilang isang ina? Gusto mo ba siyang maging ina? Bakit?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
3. Tama ba na ikinulong si Sisa? At nararapat ba ang parusang natanggap niya? Bakit?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

50
Tayahin
Panghuling pagsusulit

Gawain 6: Isulat ang tamang sagot sa patlag.

11. Anu- ano ang ikinabubuhay ni Sisa?____________________________________


______________________________________________________________
12. Maaari bang mangyari sa kasalukuyan ang nangyari kay Sisa?__________________
______________________________________________________________
13. Mainam ba ang labis na pagmamahal sa mga anak? Ipaliwanag._________________
______________________________________________________________
14. Bakit hindi ipinagtapat ni Basilio ang kanyang panaginip sa kanyang ina?__________
D
______________________________________________________________.
R
15. Bakit napaluha si Sisa nang hindi mabanggit ni Basilio ang ama sa kanyang balak?___
.
______________________________________________________________
R 16. Ano ang kahuli-hulihang bagay na nagpayanig sa katinuan ng isip ni Sisa? _________
O ______________________________________________________________.
N 17. Ano ang unang ginawa ni Sisa kinabukasan para makita ang kanyang anak na si
A Crispin?________________________________________________________
L ______________________________________________________________.
D 18. Ano ang pamagat ng inawit ni Sisa?____________________________________
O ______________________________________________________________.
19. Ano ang kasalanan ni Sisa bakit siya nakulong ng dalawang araw?_______________
A ______________________________________________________________.
. 20. Paano nanumbalik ang katinuan ni Sisa ng makita si Basilio?___________________
______________________________________________________________.
P
O
Z Linangin
O
N Ngayong natapos mo na ang nobelang Noli Me Tangere, Sino sa mga tauhan ang
, pinaka-nakaapekto sa iyo at nakapagpabago ng opinyon mo sa nobela? Pumili ng isa
hanggang dalawang tauhan sa nobela , gumawa ng isang videoclip,bigkasin nang
C may damdamin ang pinakapaborito nyang linya ng pagkakakilanlan. Sa huling
E bahagi ng video ay ibigay ang inyong opinyon patungkol sa natutuhan at mga aral
S na naikintal sa iyo ng Nobelang Noli Me Tangere.
O

V
S
c
h
o
o 51
l
s
Susi sa pagwawasto (Aralin 4.1) 2. Universidad Central de Madrid
3. Along taong gulang
Subukan
4. Sobresaliente
1. c
5. Francisco Mercado
2. a
3. b 6. Padre Rufino Collantes
4. c 7. Padre Pedro Casanas
5. b 8. Maestro Leroy Monroy
9. Sa Aking mga Kababata
10. Pito
Balikan 11. Concepcion/Concha
1. Rama – Asawa ni Sita na handang
12. Paciano
ibuwis ang buhay para sa kaniyang
13. Prominente/May kaya sa buhay
minamahal at matapat na pag-ibig sa
14. Pilosopiya at Panitikan
kabila ng tuksong nakapaligid sa kaniya.
15. Market place
2. Sita - siya ay matapat na nagmamahal
at tunay na maganda ang kalooban
dahil sa kabila man ng kahit anong Gawin
ihandog kay Sita hindi siya nasisilaw
pagkat alam nIya sa sarili nIya na hindi 1. Pagsulat ng Noli Me Tangere
mapapalitan ng mga bagay ang tunay a. The Wandering Jew ni
na pagmamahal nIya sa kaniyang Eugene Sue/ Uncle Tom’s
asawa. Cabin ni Harriet Beecher
3. Surpanaka - Makasarili iniisip lamang Stowe/ Biblia.
ang tibok ng kaniyang puso kahit na b. Nagsimulang isulat noong
ikasisira ito ng isang relasyon. 1884 natapos ang kahati sa
4. Ravara – Kapatid Surpanaka na Madrid.
handang gawin ang lahat upang c. Natapos sa Germany
masunod lamang ang kaniyang gusto at d. Ibig sabihin sa Banal na
makuha ang pag-ibig ni Sita. Kahit ang aklat na “Huwag mo akong
paslangin ang asawa ni Sita ay gagawin saligin”. Sa Ingles ay “Touch
niya upang mapasakamay lamang ang me not.
babaeng sinisinta. e. KANSER NG LIPUNAN

Tuklasin 2. Paglimbag ng Noli Me Tangere


a. Fernando Canon
b. Dr. Maximo Viola
1. Jose Rizal
c. Berliner Buchdruckrei-
2. Lam-co
Action-Gesseichaft
3. Paciano
d. Napalimbag sa halagang
4. Rufino
P300 para sa 2000 kopya.
5. Medisina
e. Inalis niya ang “Elias at
Salome”
Suriin

1. Justiano Aquino Cruz


mestisong Espanyol may pangarap Jose Rizal
na pag- unlad para sa bansa
Tayahin Masalita at lubhang magaspang Pamahalaang
kumilos Nagparatang kay Don Kastila
Rafael ng erehe at pilibustero
Paring nangutya kay Ibarra sa
isang salu-salo.
Amang nagpadala sa kaisa-isang Bansang Pilipinas
anak sa ibang bansa upang na winalanghiya
makapag-aral, pinakamayaman sa ng mga sumakop
bayan ng San Diego
“baliw” para sa mga di nakapag-aral Marurunong na
at “pilosopo” para sa mga edukado. Pilipino
Hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral
at maagang nabalo kaya’t ginugol
ang panahon sa pagbabasa ng mga
aklat.
Laging nagreregalo kayat kakapimpi Taong takot at
niya ang simbahan at pamahalaan walang
Susi sa pagwawasto (Aralin 4.2) paninindigan/
sipsip
Subukan isang maganda, madasalin at Pagmamahal ni
mayuming dalaga. Rizal sa Pilipinas
1. b
2. a Isang mapagmahal na ina, Martir na asawa
Nagpalaboy at tuluyang nabaliw nang at mapagmahal
3. c hindi na niya mahanap ang dalawang na ina
4. d anak,
5. a Isang Pilipinang nagpapanggap na Mapagpanggap at
taga-Europa. Nagnais mayabang
Balikan makapangasawa ng dayuhan
1. Latin Katawa-tawa kung manamit at Mapagpanggap
2. Huwag Mo Akong Salingin ikinahihiyang isama ng alperes. GGSS
3. (Spain) (France ) (Germany) Nagpapalagay na siya’y higit na
4. Socio-Politikal maganda kay Maria Clara
5. Kanser
Isipin
Tuklasin Gawain 5
Entertainment - Coco Martin - Ang Probinsyano a. Crisostomo – Padre Damaso
Presidente - Rodrigo R. Duterte -
Pangunahing tauhan, mortal na
Palakasan Manny Pacquio People’s Champ
kalaban ni Padre damaso
Suriin
1. Crisostomo b. Padre Damaso - Don Rafael
2. Padre Damaso
3. Elias Kinaiingitan ni Padre Damaso
4. Tandang Tasyo dahil sa yaman at mahal siya
5. Maria Clara ng mga mamamayan
6. Guro
7. Don Rafael c. Don Rafael – Tandang Tasyo
Pagyamanin
Gawain 4 Hinihingan ng Payo ni Don
Rafael at isa sa pitong
nakipalibing kay Don Rafael
Gawin
Nasa guro na ang pagpapasya

Gawin
Nasa guro na ang pagpapasya Tayahin
1. Filial Love
Tayahin 2. Maria Clara
1. Maria Clara 6. Donya Victorina 3. Mock trial
2. Crisostomo Ibarra 7. Sisa 4. Pormal na wika
3. Don Rafael 8. Kapitan Tiyago
4. Tandang Tasyo 9. Padre Damaso Linangin
5. Donya 10. Crisostomo Ibarra Nasa guro na ang pagpapasya
Consolascion
Susi sa pagwawasto (Aralin 4.4)
Linangin Subukan
Nasa Guro na ang pagpapasya 1.c
2. c
Susi sa pagwawasto (Aralin 4.3) 3. c
Subukan 4. c
1. b 6. c 5. b
2. c 7. a Balikan
3. a 8. d Nasa guro na ang pagpapasya
4. d 9. a
5. a 10. b Tuklasin
Balikan Nasa guro na ang pagpapasya
Nasa guro na ang pagpapasya
Suriin
Tuklasin Gawain 4
1. Pag-ibig ng anak sa magulang Nasa guro na ang pagpapasya
2. Pag-ibig sa bayan
3. Pag-ibig sa asawa Isipin
4. Pag-ibig pang-ispiritual Nasa guro na ang pagpapasya
5. Pag-ibig ng magulang sa anak
Suriin Pagyamanin
Gawain 2 Pagsasanay
(A-B-C) Nasa guro na ang pagpapasya 1. KD
2. CC
Pagyamanin 3. TI
1. Pormal 6. Di-pormal 4. KD
2. Pormal 7. Di-pormal 5. KD
3. Di-pormal 8. Pormal 6. TI
4. Di-pormal 9. Pormal 7. KC
5. Di-pormal 10 Di-pormal 8. CC
9. KD
Isipin 10. KD
Nasa guro na ang pagpapasya
Gawin
Gawain 5 1. Pakikipamasukan
1. G 2. Maaring mangyari lalo na sa mga inang
2. I mahihirap.
3. B 3. Mali, dapat tama lamang.
4. C 4. Upang hindi ito masaktan ng todo.
5. J 5. Dahil mahal nya ang kanyang asawa
6. F ngunit ang anak nito ay walang
7. E pagmamahal sa ama.
8. D 6. Nang Makita nya ang duguang damit sa
9. H kanilang tahanan.
10. A 7. Nagdala ng gulay sa kumbento at
magtanong tungkol sa kanyang anak.
Tayahin 8. Aking anak
Gawain 6-7 9. Sa salang panggugulo
Nasa guro na ang pagpapasya 10. Pilit pinaalala ni Basilio sa kanyang ina
ang kanyang boses.
Linangin
Nasa guro ang pagpapasya Linangin
Nasa guro ang pagpapasya
Susi sa pagwawasto (Aralin 4.5)
Subukan
1. D
2. A
3. A
4. D
5. C

Balikan
Nasa guro ang pagpapasya

Tuklasin
Nasa guro ang pagpapasya

Suriin
Gawain 4
Nasa guro ang pagpapasya

Isipin
Nasa guro ang pagpapasya

Pagyamanin
Nasa guro ang pagpapasya

Gawain
Nasa guro ang pagpapasya

Tayahin
Gawain 6

You might also like