You are on page 1of 28

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 9
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Noli Me Tangere
(Mahahalagang Pangyayari
sa Buhay ni Crisostomo Ibarra)

Self-Learning Module
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Noli Me Tangere (Mahahalagang Pangyayari sa
Buhay ni Crisostomo Ibarra)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cindy C. Menor
Editor: Jocelyn S. Pablo
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Dulce M. Esteban,
Joanne M. Nuñez
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Bernadeth D. Magat,
Gerwin L. Cortez
Tagasuri ng Disenyo Glehn Mark A. Jarlego
at Balangkas:
Tagaguhit: Kimberly S. Liwag
Tagalapat: Katrina C. Matias
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD

Alexander F. Angeles, PhD


Rubilita L. San Pedro
Inilimbagsa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –
Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang pag-ibig ay hindi mawawala sa buhay ng tao. Hindi ito mapipigilan


o maitatago ng sino man sapagkat ito ay likas na sa buhay natin. Ito man
ay may iba’t ibang anyo o uri, isa ang ating matitiyak, ang pag-ibig ay
makapangyarihan.

Sa modyul na ito, makababasa ka ng mga kabanata mula sa nobelang


Noli Me Tangere at ibibigay mo ang iyong sariling pananaw kung paano
ipinakita sa mga pangyayari sa kabanata ang kapangyarihan ng pag-ibig sa
magulang, sa kasintahan, sa kapuwa, at sa bayan. Ilalahad mo rin ang
iyong sariling damdamin tungkol sa mahahalagang pangyayaring naganap
sa buhay ng tauhan. Matututuhan mo rin ang pagpapangkat ng mga salita
ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito.

Bago ang lahat, nais kong malaman mo, ang modyul na ito ay inihanda
upang malinang ang iyong kasanayan sa pamantayan ukol sa:
1. naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga
pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan (F9PN-IVd-58);
2. nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa
magulang, sa kasintahan, sa kapuwa at sa bayan (F9PB-IVd-58); at
3. napapangkat ang mga salita ayon sa antas ng pormalidad ng gamit
nito (level of formality) (F9PT-IVd-58).

1
Subukin

Bago ka magsimula sa aralin, subukin mo muna ang iyong kaalaman


sa paksang iyong tatalakayin. Madali lamang ito, tiyak na kayang-kaya mo!

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Piliin at


isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ang sumusunod na salita ay napapangkat sa antas ng wikang


kolokyal maliban sa _______.
A. kelan C. paano
B. meron D. sakin

2. Ang sumusunod na salita ay napapangkat sa antas ng wika na


pambansa maliban sa _______.
A. erpat C. libro
B. kapatid D. pamahalaan

3. Ang lespu, ermat, tsimay, at gurang ay napapangkat sa antas ng


wikang ______.
A. balbal C. lalawiganin
B. kolokyal D. pampanitikan

4. Hindi maliparang uwak, mabulaklak ang dila, at ‘di mahulugang


karayom ay pangkat ng mga salita na nabibilang sa antas na_______.
A. kolokyal C. pambansa
B. lalawiganin D. pampanitikan

5. Hindi mapalagay si Maria Clara habang hinihintay ang kasintahang


pitong taon nang hindi nakikita. Ang bawat sasakyan na humihinto
sa harap ng kanilang bahay ay nagpapakaba sa kaniya. Ang
damdaming nangibabaw sa pangyayari ay ______.
A. pagkasabik C. pagkatuwa
B. pagkatakot D. pagkayamot

2
6. Nasindak si Ibarra nang ipagtapat ng sepulturero na kaniyang
sinunog ang krus at hindi sinasadyang itinapon ang bangkay ng
kaniyang ama sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote. Ang damdaming
naramdaman ng tauhan ay ______.
A. pagkagalit C. pagkasabik
B. pagkalito D. pagkatakot

7. Habang ang lahat ay nasasabik sa mahuhuling isda, si Leon na


katipan ni Iday ang kumuha ng panalok at isinalok ito sa baklad,
ngunit laking gulat ng lahat na ang nasalok ay buwaya. Ang
damdaming nangibabaw sa pahayag ay _______.
A. pagkaaliw C. pagkatakot
B. pagkasabik D. pagkayamot

8. Pagkalipas ng pitong taong pagkakalayo, nagkitang muli sina Maria


Clara at Ibarra na tila walang nagbago sa kanilang nararamdaman
para sa isa’t isa. Ang ipinahihiwatig sa pangyayaring ito ay _______.
A. kahanga-hanga ang kanilang pag-iibigan
B. pambihira ang ipinakita nilang katapatan
C. nagsisilbi silang ehemplo ng tapat na pagmamahalan
D. pinatutunayan nila na ang tunay na pag-ibig ay hindi
nagbabago

9. Nahalata ng alkalde at ng iba pang panauhin sa tanghalian na panay


ang pasaring ni Padre Damaso kay Ibarra, sa kabila nito nagsawalang
kibo na lamang si Ibarra. Ang pananaw sa pangyayaring ito ay
_______.
A. kahanga-hanga ang pagpipigil ni Ibarra
B. malaking interes ang ipinakita ng mga tagapakinig
C. hindi interesado ang mga panauhin sa isinasalaysay ni Ibarra
D. naging matiyaga sa pagtatanong at pakikinig ang mga panauhin

10. Kumuha ng punyal si Ibarra at dali-daling tumalon sa tubig upang


tulungan si Elias laban sa buwaya. Ang pangyayaring ito ay
nagpapahiwatig na _______.
A. maparaan si Ibarra sa pagtulong
B. maalam sa pangyayari si Ibarra
C. mahilig makipagsapalaran si Ibarra
D. kahanga-hanga ang kahandaan ni Ibarra sa pagtulong

3
Aralin Noli Me Tangere

1 (Mahahalagang Pangyayari
sa Buhay ni Crisostomo Ibarra)

Mahusay! Tiyak na nasagutan mo nang wasto ang inihanda kong


gawain para sa iyo sa bahaging Subukin.

Ngayon ay ipagpatuloy mo na ang pagtuklas ng panibagong kaalaman


na sadyang makatutulong sa iyo.

Makababasa ka ng mga kabanata mula sa nobelang Noli Me Tangere


tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra.
Aalamin mo kung paano ipinakita sa mga pangyayari sa kabanata ang
kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa kasintahan, sa kapuwa, at sa
bayan. Ilalahad mo ang iyong sariling damdamin tungkol sa mahahalagang
pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan. Matututuhan mo ang
pagpapangkat ng mga salita ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito.

Balikan

Ipinakilala sa nakaraang aralin ang mga tauhan sa nobelang Noli Me


Tangere, gayon din ang mahahalagang papel na kanilang ginampanan sa
akda.

Alam kong marami kang natutuhan mula rito, kaya balikan mo ang
nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa kasunod na gawain.

4
Ipakilala mo!
Panuto: Magbigay ng limang (5) mahahalagang tauhan sa Noli Me Tangere
at sumulat ng maikling pagpapakilala tungkol sa kanila. Gayahin ang
pormat at isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Mga Tauhan sa Noli Me Tangere Maikling Pagpapakilala

5
Tuklasin

Mahusay! Matapos mong maibahagi ang iyong mga natutuhan sa


nakaraang aralin, ngayon naman ay gawin mo ang gawain sa ibaba na
inihanda ko para sa iyo. Tiyak na kayang-kaya mo ito!

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa loob ng kahon. Gayahin ang pormat sa
hiwalay na papel at isulat ang sagot sa loob ng hugis puso.

Sino-sino ang mga taong


malalapit sa iyong puso?

Paano mo mapatutunayan
ang kapangyarihan ng pag-
ibig na mayroon ka para sa
kanila?

6
Suriin

Nakilala mo sa nakaraang aralin ang mga tauhan sa nobelang Noli Me


Tangere at ang mga impormasyon tungkol sa kanila.

Sa bahaging ito makababasa ka ng buod ng mga piling kabanata sa


nobelang Noli Me Tangere at aalamin mo kung paano ipinakita sa mga
kabanata ang kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa kasintahan, sa
kapuwa, at sa bayan. Ilalahad mo rin ang iyong damdamin sa tinalakay na
mga pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan. Maaari mo itong ipabasa
sa sinomang kasama sa bahay o makatutulong sa iyo, o kaya’y panoorin sa
YouTube gamit ang link na ito: https://youtu.be/HyTacKRZ9S4.

Bago mo simulang basahin ang buod ng mga piling kabanata ng Noli


Me Tangere, narito ang pagpapakahulugan sa ilang mga salita na
matatagpuan sa akda para sa iyong lubos na pag-unawa.

Paglinang sa Talasalitaan
1. asotea – balkonahe
2. baklad – palaisdaan
3. beateryo – kumbento
4. hatid-kawad – sulat o telegrama
5. kabuktutan – kasamaan
6. kalupi – pitaka
7. karuwagan – kahinaan
8. nakaluklok – nakaupo
9. namandaw – nangisda
10. nitso – libingan
11. pagpapasaring – pagpaparinig
12. pilosopo – matalino
13. pinipintuho – nililigawan
14. punyal – patalim
15. sepulturero – tagapaglibing
16. heroglipiko – pagsulat na ang ginagamit ay mga simbolo

7
Kabanata 7: Suyuan sa Asotea

Maagang-maaga pa ay
nagsimba na sina Maria Clara
at Tiya Isabel. Pagkatapos
ng misa, nagyayang umuwi si
Maria Clara. Pagkaagahan ay
nanahi ang dalaga upang hindi
mainip sa paghihintay. Si Tiya
Isabel ay abala sa pagwawalis
ng mga kalat nang sinundang
gabi. Si Kapitan Tiyago naman
ay abala sa pagbubuklat ng
mga itinatagong kasulatan.
Labis ang kaba sa dibdib ni
Maria Clara sa tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Napansin ni Kapitan
Tiyago na namumutla siya, kaya ipinayo nitong magbakasyon siya sa
Malabon o sa San Diego.

Iminungkahi ni Tiya Isabel na sa San Diego na lamang magbakasyon


sapagkat bukod sa malaki ang bahay doon ay malapit na ring ganapin
ang pista.Tinagubilinan ni Kapitan Tiyago si Maria Clara na kapag kinuha
niyaang kaniyang mga gamit ay magpaalam na siya sa mga kaibigan
sapagkat hindi na siya babalik sa beateryo. Nanlamig at biglang nabitawan
ni Maria Clara ang kaniyang tinatahi nang may biglang tumigil na
sasakyan sa tapat ng kanilang bahay. Nang maulinigan niya ang boses ni
Ibarra, agad siyang pumasok sa kaniyang silid. Tinulungan siya ni Tiya
Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.Pumasok na sa
bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama
ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang mga puso.

Nagtungo ang magkasintahan sa asotea upang iwasan ang alikabok na


nililikha nang pagwawalis ni Tiya Isabel. Tinanong ni Maria Clara si Ibarra,
kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming
magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakalilimot.
Katunayan aniya, siya ay laging nasa kaniyang isipan. Binigyang-diin ni
Ibarra na isinumpa niya sa harap ng bangkay ng kaniyang ina na wala
siyang ibang iibigin at paliligayahin kundi si Maria Clara lamang. Si Maria
Clara man, aniya, ay hindi nakalilimot kahit na pinayuhan siya ng kaniyang
Padre Kompesor na limutin na niya si Ibarra. Binigkas pa ni Maria Clara
ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan,
muling pagkakasundo, at pagtawa ni Maria Clara nang tawaging mangmang

8
ng kaniyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay nagtampo kay Maria
Clara. Nawala lamang ang kaniyang tampo nang lagyan ni Maria Clara ng
dahon ng sambong ang loob ng kaniyang sumbrero upang hindi siya
mainitan.

Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kaniyang


kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong dahon ng sambong na
nangingitim na ngunit mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria Clara ang
isang liham na ibinigay naman sa kaniya ni Ibarra bago tumulak patungo
sa ibang bansa.

Binasa ito ni Maria Clara


nang pantay mata upang
hindi makita ang kaniyang
mukha.Nakasaad sa sulat
kung bakit nais ni Don Rafael
na papag-aralin si Ibarra sa
ibang bansa. Siya aniya ay
isang lalaki at kailangan
niyang matutuhan ang
tungkol sa mga bagay-bagay
upang mapaglingkuran niya
ang kaniyang bayang
sinilangan. Bagama’t,
matanda na si Don Rafael at kailangan niya si Ibarra, siya ay handang
magtiis na ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanan ng
bayan. Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra.

Namutla siya, napatigil sa pagbabasa si Maria Clara. Tinanong


niya ang binata kung napa’no ito. Sinabi ni Ibarra na nalimutan niya ang
kaniyang tungkulin dahil kay Maria Clara. Kailangan na pala niyang
umuwi dahil bukas ay undas na.Kumuha ng ilang bulaklak si Maria Clara
at iniabot iyon kay Ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na
pakisabi kay Andeng na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat
magbabakasyon doon ang mag-ale. Tumango si Ibarra at umalis. Pumasok
sa silid si Maria Clara at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiyago at
inutusan na magtulos ng dalawang kandila sa mga patron ng manlalakbay
na sina San Roque at San Rafael.

9
Kabanata 13: Mga Unang Banta ng Unos

Dumating si Ibarra sa
libingan at hinanap ang
puntod ng kaniyang ama na si
Don Rafael. Kasama niya ang
isang matandang utusan.
Sinabi ng matanda kay Ibarra,
na si Kapitan Tiyago ang
nagpagawa ng nitso ni Don
Rafael. Ito ay nilagyan niya ng
krus at tinaniman ng mga
bulaklak ng Adelpa at
Sampaga. Nakita nina Ibarra at
ng matandang utusan ang
sepulturero. Sinabi nila ang
palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero,
nasindak si Ibarra nang ipagtapat ng sepulturero na kaniyang sinunog ang
krus at hindi sinasadyang itinapon ang bangkay ng kaniyang ama sa lawa
dahil sa utos ni Padre Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang
bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga Intsik.

Parang pinagsukluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak


siya nang husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kaniyang
narinig. Parang baliw na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa
makasalubong niya si Padre Salvi na nakabaston na may puluhang garing.
Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Padre Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra
ang naglalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni Padre
Salvi. Tinanong ni Ibarra si Padre Salvi kung bakit nagawa nila ang
malaking kalapastangan sa kaniyang ama. Sumagot si Padre Salvi
na hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na
tinatawag na Padre Garrote.

Kabanata 23: Ang Pangingisda

Madilim-dilim pa’y nagsigayak na ang mga kabinataan, kadalagahan at


ilang matatandang babaeng patungo sa dalawang bangkang nakahinto sa
dalampasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong sunong-sunong na
mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga bangka ay
nagagayakan ng mga bulaklak na may iba’t ibang kulay. Mayroon ding mga
instrumento gaya ng gitara, alpa, akurdiyon at tambuli. Si Maria Clara ay
kaagapay ang matatalik niyang kaibigan na sina Iday, Victoria, Sinang at

10
Neneng. Habang naglalakad, masaya silang nagkukuwentuhan at
nagbibiruan. Paminsan-minsan ay binabawalan sila ng matatandang babae
sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin ang kanilang kuwentuhan.

Nagtig-isang bangka ang mga dalaga sapagkat baka lumubog daw ang
kanilang sinasakyan. Dahil dito, mabilis na lumipat ang ilang kabinataan
sa bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra
ay napatabi kay Maria Clara. Si Albino ay kay Victoria. Ang piloto o ang
sumasagwan sa bangka para umusad sa tubig ay isang binatang may
matikas na anyo, matipuno ang pangangatawan, maitim, mahaba ang
buhok at siksik ang laman. Ito ay si Elias.

Habang hinihintay na maluto ang agahan, si Maria Clara ay umawit.


Ang lahat ay tahimik na nakinig. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang
sabaw para sa isisigang na isda. Ang mga magpipiknik ay nasa may baklad
na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang mangingisda ang
namandaw sa baklad. Ngunit, kaliskis man ng isda ay walang nasalok.Si
Leon na katipan ni Iday ay kumuha ng panalok. Isinalok itong muli at
laking gulat ng lahat na imbis na mga isda ang nasalok, buwaya ang laman
nito. Nabatid nila na ang kawalan ng isda ay dahil sa buwaya. Agad na
lumundag si Elias, sigawan ang mga babae sa takot na baka mapahamak
ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay
si Elias na humuli ng buwaya. Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang
buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito,
kumuha ng isang punyal si Ibarra at lumundag din sa lawa. Labis ang
takot ni Maria Clara na baka mapahamak ang kasintahan.

Biglang umalimbukay ang


pulang tubig. Lumundag pa
ang isang anak ng mangingisda
na may tangang gulok. Maya-
maya’y lumitaw na sina Ibarra
at Elias. Nagpasalamat si Elias
dahil iniligtas siya ni Ibarra sa
tiyak na kapahamakan, utang
niya ang kaniyang buhay dito.
Natauhan mula sa pagkapatda
si Maria Clara nang lumapit sa
kaniya si Ibarra. Nagpatuloy
ang magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli sila nang marami. Nagtungo
sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra at nananghalian sila sa
lilim ng mayabong na punongkahoy na tumutunghay sa batisan.

11
Kabanata 25 : Sa Bahay ng Pilosopo

Nagtungo si Ibarra sa tahanan ni


Pilosopo Tasyo. Nais niyang isangguni
ang binabalak na pagtatayo ng
paaralan sa kanilang bayan. Nakita
niyang abala ang matanda sa isinusulat
nito. Napansin ni Ibarra na sumusulat
ito sa heroglipiko. Gayonman, si Tasyo
na mismo ang huminto sa ginagawa at
sinabing ang susunod na henerasyon
pa naman daw ang makauunawa at
makikinabang sa kaniyang isinusulat.

Binuksan ni Ibarra ang kaniyang plano upang ipakita kay Pilosopo


Tasyo. Sinabi ng matalinong matanda na hindi dapat sa kaniya
isinasangguni ang mga plano, bagkus sa mga makapangyarihang tao tulad
ng mga kaparian sa simbahan. Sumagot si Ibarra na ayaw na umano niyang
mabahiran ng kabuktutan ang maganda niyang hangarin. Mauunawaan
umano siya ng pamahalaan at ng taumbayan dahil maganda ang kaniyang
hangarin. Sinalungat naman siya ni Tasyo at sinabing mas
makapangyarihan pa ang simbahan kaysa pamahalaan. Kung nais daw ni
Ibarra na magtagumpay sa kaniyang mga plano, marapat daw na padaanin
ito sa simbahan na siyang may hawak sa lahat, kabilang ang pamahalaan.
Iba naman ang pananaw ni Ibarra. Pagkat galing sa Europa, naniniwala siya
sa kapangyarihan ng pagiging liberal. Muli naman siyang sinalungat ng
matanda at sinabing hindi angkop sa bansa ang kaisipang mula sa Europa.

Tulad ng isang halaman,


kailangan din daw yumuko ni
Ibarra sa hangin kapag hitik na
ang bunga nito upang manatiling
nakatayo nang matatag. Payo pa
ng matanda, hindi karuwagan
ang pagyuko sa kapangyarihan.
Hindi man aminin, ngunit
napaisip si Ibarra sa mga tinuran
ng matandang Pilosopo. Bago
umalis, nag-iwan pa si Tasyo ng
salita kay Ibarra na kung hindi
man siya magtagumpay sa plano nito, ay may uusbong na sinoman upang
magpatuloy ng kaniyang mga nasimulan.

12
Kabanata 34: Ang Pananghalian

Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian


sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina
Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria Clara
at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman
nakaluklok sina Kapitan Tiyago, mga pari, kawani at mga kaibigang dalaga
ni Maria Clara. Abalang kumakain ang lahat nang makatanggap ng hatid-
kawad si Kapitan Tiyago at iba pang panauhin. Ayon dito darating ang
kapitan-heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiyago sa kaniyang
bahay.

Hindi nabanggit sa telegrama, kung ilang araw mananatili ang kapitan-


heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa mga bagay-bagay na kataka-taka.
Kung saan-saan napadako ang usapan ng mga kumakain gaya ng
hindi pag-imik ni Padre Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso,
kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid sa kubyertos at kung anong
kurso ang ipakukuha nila sa kanilang mga anak.

Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat ay


bumati sa kaniya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang
usapan noon sapagkat nagsisimula nang ilagay ang mga tsampan sa kopa.
Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Padre Damaso kay Ibarra.
Sinikap ng alkalde na ibahin ang usapan ngunit patuloy pa rin si Padre
Damaso sa pagpapasaring. Ipinagsawalang kibo na lamang ito ni
Ibarra. Pero, nang ungkatin
ni Padre Damaso ang tungkol sa
pagkamatay ng kaniyang ama ng
may kasamang panlalait, sumulak
ang dugo ni Ibarra at hindi na
nakapagtimpi. Biglang dinaluhong
ng binata si Padre Damaso at
akmang sasaksakin ito sa dibdib.
Pero, pinigilan siya ni Maria Clara.
Gulo ang isip ni Ibarra na umalis
at iniwan ang mga kasalo sa
pananghalian.

Matapos mong basahin ang mga piling kabanata sa nobelang Noli Me


Tangere, alamin mo kung iyong naunawaan ang bawat kabanatang iyong
binasa.

13
Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa
hiwalay na papel.
1. Ano ang damdaming nangibabaw kay Ibarra nang malaman niya na
wala na ang bangkay ng kaniyang ama sa puntod nito at hindi
sinasadyang nahulog sa lawa?
2. Bakit napigilan ni Maria Clara si Ibarra sa gagawin nito kay Padre
Damaso? Anong damdamin ang naghari kay Ibarra para kay Maria
Clara sa tagpong ito?
3. Sa mga kabanatang iyong binasa, paano ipinakita ni Ibarra ang pag-
ibig niya sa kaniyang kapuwa at sa bayan?
4. Kung ikaw si Ibarra, tutulungan mo rin ba si Elias kahit na alam
mong maaaring malagay sa panganib ang iyong buhay? Bakit?
5. Sa iyong palagay, sa anong antas ng wika napapangkat ang mga
salitang ginamit sa mga kabanata tulad ng paaralan, hatid-kawad at
kasintahan?

Matapos mong sagutin ang Pag-unawa sa Binasa tungkol sa mga


piling kabanata sa nobelang Noli Me Tangere at malaman ang ilan sa
mahahalagang pangyayari sa buhay ni Crisostomo Ibarra, ngayon naman ay
basahin mo ang pagtalakay tungkol sa pagpapangkat ng salita ayon sa
pormalidad na gamit nito.

Antas ng Wika Batay sa Pormalidad na Gamit

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang antas na ginagamit ng tao batay sa


kaniyang pagkatao, sa lipunang kaniyang ginagalawan, lugar na tinitirhan,
panahon, katayuan, at okasyong dinadaluhan.

1. Pormal – Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng


nakararami.
a. Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at
pambalarila para sa paaralan at sa pamahalaan

Halimbawa: asawa, anak, libro


Si Crisostomo Ibarra ay isang mabuting anak.
Si Pilosopo Tasyo ay mahilig magbasa ng libro.

14
b. Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhaing
manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay, at
masining.

Halimbawa: kahati sa buhay, bunga ng pag-ibig, pusod ng


pagmamahalan
Pangarap ni Ibarra na maging kahati sa buhay si Maria Clara.

2. Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang-araw-


araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap, at pakikipagtalastasan.
a. Lalawiganin – Ito ay mga salitang ginagamit ng partikular na tao sa
isang lalawigan, pook o lugar. Makikilala ito sa tono o sa punto.

Halimbawa:
Tagalog Ilokano Kapampangan

Kumain ka na? Nangan kan? Mengan naka?


Aalis ka na? Agtalaw kan? Mako naka?
Mahal kita! Ay-ayaten ka! Kaluguran daka!

b. Kolokyal – Pang-araw-araw na salita, maaaring may kagaspangan


nang kaunti, maaari rin itong maging pino ayon sa kung sino ang
nagsasalita. Isang katangian nito ay ang pagpapaikli ng isa, dalawa
o higit pang letra sa salita.

Halimbawa: nasa’n, meron, sa’kin, kelan


Meron ba silang nahuling isda sa baklad ni Kapitan Tiyago?

c. Balbal - Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling code,


mababa ang antas na ito. Umuusbong ang mga salitang ito sa mga
lansangan at kadalasang ginagamit ng masa.

Halimbawa: dehins (hindi) jowa (kasintahan)


parak (pulis) orange (beinte pesos)
Dehins alam ni Ibarra ang tunay na nangyari sa kaniyang ama.

15
Pagyamanin

Matapos mong basahin ang buod ng ilang kabanata ng Noli Me Tangere


at malaman ang ilan sa mahahalagang pangyayari sa buhay ni Crisostomo
Ibarra gayon din ang pagtalakay sa antas ng wika batay sa pormalidad na
gamit nito, ngayon naman, gawin mo ang inihanda kong mga gawain para
sa iyo. Huwag mangamba, tiyak na kayang-kaya mo ito!

Gawain 1. Damdaming Namayani, Ibahagi!

Panuto: Ibahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring


naganap sa buhay ng tauhan na nakasulat sa loob ng kahon. Gayahin ang
pormat at isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Damdaming Maikling
Mga Pangyayari
Nangibabaw Paliwanag

1. Walang alam si Ibarra


tungkol sa dahilan ng
pagkamatay ng ama.

2. Dumalaw si Ibarra sa
puntod ng kaniyang ama
at nalaman niyang hindi
sinasadyang itinapon
ang labi nito sa lawa.

3. Nais ni Ibarra na
magpatayo ng isang
paaralan.

4. Kumuha ng punyal si
Ibarra at tumalon sa
lawa upang tulungan ang
piloto laban sa buwaya.

16
5. Nagkita sina Ibarra at
Maria Clara pagkalipas
ng pitong taong
pagkakalayo sa isa’t isa.

Gawain 2. Nasaan ang Pag-ibig?

Panuto: Ilahad ang sariling pananaw tungkol sa kapangyarihan ng pag-ibig


sa magulang, sa kasintahan, sa kapuwa, at sa bayan sa pamamagitan ng
paghahanap ng mga pangyayaring magpapatunay dito mula sa mga
kabanatang tinalakay. Kopyahin sa hiwalay na papel ang pormat sa ibaba at
isulat sa loob ng mga hugis ang iyong sagot.

Kapangyarihan ng Pag-ibig Kapangyarihan ng Pag-ibig


sa Magulang sa Kasintahan

Pangyayaring Magpapatunay Pangyayaring Magpapatunay


________________________________ _________________________________
________________________________ _________________________________

Sariling pananaw sa bahagi Sariling pananaw sa bahagi


_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________

Kapangyarihan ng Pag-ibig Kapangyarihan ng Pag-ibig


sa Kapuwa sa Bayan

Pangyayaring Magpapatunay Pangyayaring Magpapatunay


________________________________ ________________________________
________________________________ ________________________________

Sariling pananaw sa bahagi Sariling pananaw sa bahagi


_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________

17
Gawain 3. Pangkatin ayon sa Ka-team!

Panuto: Suriin ang mga salitang nasa loob ng kahon. Pangkatin ang mga
salita ayon sa antas ng pormalidad ng gamit nito. Kopyahin ang
talahanayan sa hiwalay na papel at isulat ang sagot dito. (Pagbatayan ang
unang halimbawa.)

inay itay ‘pa erpat


‘ma katipan mudra jowa
bf/gf haligi ng tahanan ilaw ng tahanan uyab

Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal

Halimbawa:
bahay tahanan balay haus balur

ama

ina

kasintahan

18
Isaisip

Binabati kita! Matagumpay mong nasagutan ang mga gawaing


inihanda ko para sa iyo. Sa bahaging ito, iyong lagumin ang mga natutuhan
mo sa aralin. Handa ka na ba? Tiyak na kayang-kaya mo rin itong gawin.
Halina’t simulan mo na!

Panuto: Kopyahin sa hiwalay na papel ang pormat sa ibaba at punan ito ng


mga angkop na sagot.

I got it... Like ko i-share

Tatlong bagay Mga natutuhang


na natutuhan ko sa aralin nais ibahagi sa iba

I believe....

Ako bilang isang


nagmamahal, ay naniniwala
na makapangyarihan ang
pag-ibig dahil…

19
Isagawa

Magaling! Binabati kita. Ako’y nagagalak na nagawa mo ang lahat ng


pagsasanay nang buong husay! Ngayon naman ay gawin mo ang susunod
na gawain. Huwag mangamba, tiyak na kayang-kaya mo rin ito!

Panuto: Pangkatin ang mga salita ayon sa antas ng pormalidad sa


talahanayan. Gamitin ang mga salitang pinangkat sa paglalahad ng sariling
pananaw at damdamin sa pamamagitan ng pagsulat ng talata tungkol sa
mga kabanatang nagpapakita ng kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang,
sa kasintahan, sa kapuwa at sa bayan. Sundin ang pamantayan sa
pagmamarka bilang gabay sa pagsulat. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Talahanayan sa Pagpapangkat ng mga Salita

kaibigan irog
beshywap igan
minamahal ligaw
kabagang higala
kaporeber sinasamba ng puso

Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Kolokyal Balbal

1
1.
2.

Maikling Talata

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

20
Pamantayan sa Pagsulat

Kraytirya Napakahusay Mahusay Mahusay- Magsanay pa


5 puntos 4 puntos husay 1 puntos
3 puntos
Nilalaman Nailahad nang Nailahad Nailahad ang Hindi nailahad
tama at nang maayos sariling ang sariling
maayos ang ang sariling damdamin at damdamin at
sariling damdamin at pananaw pananaw
damdamin at pananaw tungkol sa tungkol sa
pananaw tungkol sa paksa. paksa.
tungkol sa paksa.
paksa.
Organisado May 1-2 May 3-4 Hindi
Organisasyon
ang mga bahaging bahaging hindi organisado ang
pangungusap hindi organisado mga
maging ang organisado ang mga pangungusap
mga ideya at ang pangungusap maging ang
iba pang pangungusap maging ang mga ideya at
detalye sa maging ang mga ideya at iba pang
kabuoan. mga ideya at iba pang detalye sa
iba pang detalye sa kabuoan.
detalye sa kabuoan.
kabuoan.
Nakapaglahad Nakapaglaha Nakapaglahad Hindi
Paglalahad ng
ng 5 o higit d ng 3-4 ng 1-2 nakapaglahad
damdamin at
pang damdamin at damdamin at ng damdamin
pananaw
damdamin at pananaw sa pananaw sa at pananaw sa
tungkol sa
pananaw sa kabuoan ng kabuoan ng kabuoan ng
naibigang
kabuoan ng talata. talata. talata.
bahagi
talata.
Maayos at Maayos ang Hindi Hindi wasto
Wastong
wasto ang pagpapangka masyadong ang
pagpapangkat
pagpapangkat t ng mga maayos ang pagpapangkat
ng mga salita
ng mga salita salita ngunit pagpapangkat ng mga salita
sa kabuoan may 1-2 na ng mga salita sa kabuoan.
hindi wasto may 3-4 na
hindi wasto.

21
Tayahin

Mahusay! Muli, binabati kita sapagkat napatunayan mo ang iyong


kahusayan sa pagsagot sa iba’t ibang pagsasanay. Ngayon ay subukin mo
ang iyong natutuhan sa kabuoan ng aralin. Halika’t simulan mo na.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga tanong.


Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa hiwalay na papel.

1. Alin sa sumusunod na mga salita ang hindi napapangkat sa antas ng


wikang balbal?
A. goli C. marikit
B. lafang D. seysung

2. Sa anong antas ng wika nabibilang ang mga salitang libro, asawa,


papel at bola?
A. balbal C. pambansa
B. kolokyal D. pampanitikan

3. Sa anong antas ng wika nabibilang ang salitang istokwa?


A. balbal C. lalawiganin
B. kolokyal D. pampanitikan

4. Alin sa sumusunod na mga halimbawa ang salitang nabibilang sa


antas ng wikang pampanitikan?
A. yosi C. isputing
B. balay D. mabulaklak ang dila

5. Nagtig-isang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang


kanilang sinasakyan. Dahil dito, mabilis na lumipat ang ilang
kabinataan sa ibang bangka. Ano ang damdaming nangibabaw sa
pangyayari?
A. pagkagalit C. pagkasabik
B. pagkatakot D. pagkayamot

22
6. Matapos ang nakaambang kapahamakan nagpatuloy ang
magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli sila nang marami.
Nagtungo sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra at doon ay nananghalian
sa lilim ng mayayabong na punongkahoy na tumutunghay sa batisan.
Ano ang damdaming nangibabaw sa pangyayari?
A. nangangamba pa rin dahil sa pangyayari
B. masayang nagsalo-salo ang magkakaibigan
C. natatakot sila na baka hindi sila makauwi nang ligtas
D. nasasabik silang makakain sa lilim ng mayabong na
punongkahoy

7. Nagpasalamat si Elias dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na


kapahamakan laban sa buwaya, utang niya ang kaniyang buhay dito.
Ano ang damdaming nangibabaw sa pangyayari?
A. pagkatakot dahil baka mapahamak si Ibarra
B. pagkainis dahil si Ibarra lang ang tumulong kay Elias
C. pagkalungkot dahil nahuli nila at napatay ang buwaya
D. pagkatuwa dahil nailigtas si Elias sa kapahamakan at
marunong siyang magpasalamat

8. Nagtungo sina Ibarra at Maria Clara sa asotea at doon masaya nilang


binalikan ang mga alaala noong sila ay mga bata pa gayon din nang
bago umalis si Ibarra upang mag-aral sa Europa. Ano ang
masasalamin sa tagpong ito?
A. kahanga-hanga ang pagdalaw niya
B. hindi na dapat balikan ang nakaraan
C. walang nagbago sa pakikitungo nila sa isa’t isa
D. masayang balikan ang mga nakaraang alaala at pag-iibigan

9. Lumundag si Ibarra sa tubig upang tulungan si Elias laban sa


buwaya. Labis ang takot na naramdaman ni Maria Clara para sa
kasintahan. Ano ang ipinakikita sa tagpong ito?
A. Nais ni Ibarra na magpakitang gilas kay Maria Clara.
B. Naging mabilis ang pagtugon ni Ibarra sa pangyayari.
C. Ginawa ni Ibarra iyon para takutin ang kaniyang kasintahan.
D. Handang tumulong si Ibarra sa kaniyang kapuwa kahit na
maaari siyang mapahamak.

23
10. Nagtungo si Ibarra sa tahanan ni Pilosopo Tasyo. Nais niyang
isangguni ang binabalak niyang pagtatayo ng paaralan sa kanilang
bayan. Ano ang ipinahihiwatig ng pagsangguni ni Ibarra kay Pilosopo
Tasyo?
A. Ipinagmamalaki ni Ibarra ang kaniyang plano.
B. Naniniwala si Ibarra sa maipapayo ni Pilosopo Tasyo.
C. Nanghihingi si Ibarra ng tulong pinansyal kay Pilosopo Tasyo.
D. Iginagalang ni Ibarra ang magiging desisyon ni Pilosopo Tasyo.

Karagdagang Gawain

Mahusay! Binabati kita sa iyong ipinakitang kasipagan sa pagsagot sa


mga nakaraang gawain. Ngayon naman ay narito na ang huling gawain para
sa iyo.

Panuto: Sumulat ng hugot line na naglalahad ng sariling pananaw at


damdamin na maaaring tungkol sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang,
sa kapuwa, sa kasintahan o sa bayan. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Halimbawa:

“Ang pag-ibig ng anak sa kaniyang magulang ay parang orasan na hindi


nauubusan ng baterya, hindi hihinto at patuloy na magpapaalala na
mahalaga ang bawat sandaling kasama sila.”

24
Susi sa Pagwawasto

25
Sanggunian

Roselyn T. Salum. et al. DIWATIK (Diwa at Panitik) Sanayang aklat sa


Filipino III(Baitang 9) Batay sa Kurikulum ng BatayangEdukasyon ng
Sekondarya- Marquise Marketing 199Malinao St., Highway Hills
Mandaluyong City 2012

Facundo, Christine Joy. “Mga Antas ng Wika.”Wordpress. Posted on


November 26, 2016.
https://christinejoyfacundo.wordpress.com/2016/11/26/mga-antas-
ng-wika/

“Ang Buod ng Noli Me Tangere.” Kapitbisig.com.


https://www.kapitbisig.com/philippines/noli-me-tangere-ni-dr-jose-
rizal-book-notes-summary-in-tagalog-ang-buod-ng-noli-me-
tangere_135.html

26

You might also like