You are on page 1of 10

Department of Education

Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Street, Corner Rizal Avenue, East Tapinac
Olongapo City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

Baitang/ Pangkat: BEP 9 pangkat 10, 20


Petsa: Ika-04 ng Pebrero, 2019 Araw: Unang Araw
TEMA: Noli Me Tangere sa Puso ng mga Asyano
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mahalagang pangyayari
sa buhay ni Maria Clara.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakasusulat ng isang maikling kuwentong dekonstruksiyon tungkol sa dapat
na kalakasan ng katangian ng isang Maria Clara sa kasalukuyan.
PANITIKAN: Noli Me Tangere
I. LAYUNIN:
1. Nailalahad ang mga kahanga-hangang katangian ng mga kababaihan noon at ngayon.
2. Natutukoy ang ipinahihiwatig na kahulugan ng matatalinghagang salita at nakasusulat ng
halimbawang pangungusap.
3. Naiuugnay ang mga pangyayari sa kabanata sa sariling karanasan.
4. Nasusuri ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga kababaihan noon at ngayon.

II. PAKSANG ARALIN: Ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Maria Clara


Kabanata VI: Si Kapitan Tiyago; Kabanata XXII: Liwanag at Dilim
SANGGUNIAN: Kayumanggi sa.. Noli Me Tangere, pahina 98
ISTRATEHIYA: Picture mo, show mo, Feel na feel mo, Paglinang ng Talasalitaan, Ikonek Mo, Noon at
Ngayon
III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtala ng liban sa klase
c. Pagsasaayos ng silid-aralan
2. Pagganyak: Picture Mo Show mo
Magpakita ng larawan ng ilang mga kilalang kababaihan sa mundo

Magtawag ang guro ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kahanga hangang katangian ng mga
nasa larawan.

3. Paglalahad at Pagtalakay
.Iuugnay ng guro ang ginawang pagganyak sa tatalakaying paksa ngayon. Magpapanood ng
isang video clip ng Kabanata VI at Kabanata XXII.

https://www.youtube.com/watch?v=X3Qpyr6RnxY
https://www.youtube.com/watch?v=wgNtmyf0vfQ

Upang mapalawak pa ang talakayan ay papangkatin sa 4 ang klase.

Unang Pangkat: Feel na feel mo!


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at ilahad sa klase ng may damdamin.
1. Ibigay ang katangian ni Kapitan Tiyago?
2. Paano naging malapit sa pamahalaan si Kapitan Tiyago?
3. Ano ang naging problema ng mag-asawang kapitan Tiyago at Donya Pia Alba?
4. Bakit ayaw ni Maria Clara na kasama si Padre Salvi sa piknik?
5. Bakit pinakawalan ng alperes si Sisa?

Ikalawang Pangkat: Paglinang ng Talasalitaan


Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Street, Corner Rizal Avenue, East Tapinac
Olongapo City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

Panuto: Ibigay ang ipinahihiwatig na kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Pagkatapos
gamitin ito sa pangungusap.

1. Hindi mapalagay si Maria Clara nang malamang darating si Crisostomo Ibarra.


2. Naku, mahahalikan ko ang lahat ng santo! Sa wakas, dumating din siya.
3. Hindi na naituloy ng binata ang sinasabi nang makaharap ang prinsesang sinasamba.
4. Sinabi niyang may katandaan na siya kaya kailangang ihanda na ang hinaharap.
5. Mabuti na ang magbayad ng mamahaling kandila kaysa magbayad ng tubos sa mga
ulupong.

4. Pinatnubayang Pagsasanay (Pangkatang Gawain)


Ikatlong Pangkat: Ikonek Mo!
Panuto: Iugnay sa sariling karanasan ang kamusmusan ni Maria Clara.

Mula sa Kabanata Sariling Karanasan

Ikaapat na Pangkat: Noon at Ngayon


Panuto: Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kadalagahan nong panahon ni Maria Clara
sa Kasalukuyan sa larangan ng pag-ibig.
Pagkakaiba

Noon Ngayon
Pagkakatulad

5. Paglalapat
Iugnay si Padre Salvi sa mga pari ngayon, sa inyong palagay, sino ang higit na malaya, ang
mga pari noon o ang mga pari ngayon? Ipaliwanag

6. Paglalahat
Bakit pinamagatang Liwanag at Dilim ang kabanata XXII? Sino ang tinutukoy na liwanag
at sino naman ang dilim? Ipaliwanag.

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON
Panuto: Isulat ang titik ng pinakamabuting sagot sa mga sumusunod na tanong.

1. Si Kapitan Tiyago ay naging


a. gobernadorsilyo sa malusog na gremio ng mga mistiso
b. alkalde ng lalawigan
c. kapitan ng Guardia Civil
2. Ang asawa ni Kapitan Tiyago ay si
a. Donya Victorina
b. Donya Consolacion
c. Donya Pia
3. Si Maria Clara ay pinalaki sa pangangalaga
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Street, Corner Rizal Avenue, East Tapinac
Olongapo City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

a. Ni Tiya Isabel
b. Ng kaniyang ina
c. Ni Kapitan Tiyago
4. Noon bata pa si Kapitan Tiyago ay naging bataan siya at pinag-aral ng isang
a. Kastila
b. Dominiko
c. Mayamang ginang
5. a. Sang-ayon si Don Rafael at si Kapitan Tiyago sa pagkakaibigan ni Maria Clara at
Ibarra.
b. Hindi sila sang-ayon
c. Sang-ayon si Kapitan Tiyago kung matatapos ng pag-aaral si Ibarra.

V. TAKDANG ARALIN:
Basahin at unawain ang Kabanata XXIV: Sa Kagubatan at sagutin ang mga sumusunod.
1. Anong galing ang napapasa isang tao pagnakatagpo ng isang pugad ng gansa? Totoo ba ang
ganitong paniniwala?
2. Anong bagay ang pinagtatalunan ni Pare Salvi at ng alperes? Paano ang ginawa ni Ibarra upang di
matuluyang magkagalit ang dalawang ito?
3. Paano ang paglalaro sa tinatawag na Gulong ng Kapalaran? Ano ang ibig sabihin ng sagot kay
Sinang ng tinurang Gulong na “Pag nagkabalahibo ang palaka”?
4. Ano ang nilalaman ng pahatid-kawad na tinanggap ni Ibarra?

Sanggunian: Kayumanggi sa… Noli Me Tangere


Pahina 98
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Street, Corner Rizal Avenue, East Tapinac
Olongapo City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

Baitang/ Pangkat: BEP 9 pangkat 10, 20


Petsa: Ika-05 ng Pebrero, 2019 Araw: Ikalawang Araw

HOLIDAY - CHINESE NEW YEAR


Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Street, Corner Rizal Avenue, East Tapinac
Olongapo City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

Petsa: Ika-06 ng Pebrero, 2019 Araw: Ikatlong Araw


Baitang/ Pangkat: BEP 9 pangkat 10, 20
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mahalagang pangyayari
sa buhay ni Maria Clara.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakasusulat ng isang maikling kuwentong dekonstruksiyon tungkol sa dapat
na kalakasan ng katangian ng isang Maria Clara sa kasalukuyan.
PANITIKAN: Noli Me Tangere
I. LAYUNIN:
1. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa kabanata sa pamamagitan ng
pagsasadula.
2. Naikikilos ang pinapahiwatig na kahulugan ng mga matalinghagang salita.
3. Naisusulat ang tiyak na kabanata na nagpaantig ng damdamin sa karanasan ni Maria
Clara.
4. Naiuugnay ang isang bagay kay Maria Clara na nais tularan sa pamamagitan ng
pagguhit.
II. PAKSANG ARALIN: Ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Maria Clara
Kabanata XXVII: Sa Pagtatakipsilim
Kabanata XXVIII: Isang Sulat
SANGGUNIAN: Kayumanggi sa.. Noli Me Tangere, pahina 106
ISTRATEHIYA: Tara, pasyal Na!, Dramarama sa hapon, Ikilos ng maayos!, Damdamin mo Ilahad mo,
Guhit mo, tularan mo
III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtala ng liban sa klase
c. Pagsasaayos ng silid-aralan
2. Pagganyak: Tara, Pasyal na!
Magpapanood ang guro ng isang video clip ng mga pasyalan sa Pilipinas at tatawag ng ilang
mag-aaral na sasagot sa mga sumusunod na tanong:
1. Napasyalan nyo na ba ang mga lugar na inyong nakita sa video clip?
2. Sa mga pamamasyal o lakaran, may mga suliranin ka bang naranasan?
3. Paano mo ito hinarap at binigyan ng kalutasan?

3. Paglalahad at Pagtalakay
Matapos nito ay iuugnay ng guro sa tatalakaying paksa ngayong araw. Upang palawigin ang
talakayan ay hinati ang klase sa apat na pangkat.

Unang Pangkat: Dramarama sa hapon


Panuto: Isadula ang mga Kabanata XXVII at Kabanata XXVIII.

Ikalawang Pangkat: Ikilos ng maayos!


Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa tulong ng mga pahiwatig na kilos.
1. Walang sabi-sabing hinablot ang alat at pinagpupunit ito.
2. Sinadya niyang higitan sa dami ng handa ang mga taga- San Diego.
3. Hinagkan ng ketongin ang mga bakas ng yapak ni Maria Clara.
4. Naibulong ni Maria Clara na mayroon pa lang mga tanong kulang-palad.
5. Ikaw raw ay maysakit. Ipagdarasal kita.

4. Pinatnubayang Pagsasanay (Pangkatang Gawain)


Ikatlong Pangkat: Damdamin mo, ilahad mo!
Panuto: Sipiin ang tiyak na bahagi sa kabanata na nagpaantig sa iyong damdaamin batay sa
naranasan ni Maria Clara.

Mula Sa Kabanata Naging Damdamin


Katayuan sa buhay
Saloobin sa kapuwa
Damdamin kay Ibarra
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Street, Corner Rizal Avenue, East Tapinac
Olongapo City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

Ikaapat na Pangkat: Guhit mo, tularan mo!


Panuto: Gumuhit ng isang bagay na iyong maiuugnay kay Maria Clara na iyong nais tularan sa
kaniya.

5. Paglalapat Sumulat ng isang


paglalahad hinggil sa
pangyayari sa kabanata
na nakapagpabago sa
iyong ugali at katangian.

6. Paglalahat
Paano ipinakita ni maria Clara ang pagmamalasakit sa kapwa? Bakit nagpadala ng liham si
Maria Clara kay Ibarra?

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON
Panuto: Isulat T kung ang pahayag ay tama at M naman kung ito ay mali.

1. ____ Bawat dumalo sa pista ay nagbabalita ayon sa kapakanan ng iba.


2. ____ Sa isang dako namay ang komedyang tagalong ang naibigan ng mga Pilipino lalo na ng
kapitan.
3. ____ Di pa natatapos ang prusisyon ay sinimulan na ang misa kantada.
4. ____ Sa larong monte ay kasama si kapitan Basilio, si Ibarra at si Pare Salvi.
5. ____ Si Ibarra’y tumanggap ng isang maiksi’t mabangong liham na dinala sa kanya ni
Andeng.

V. TAKDANG ARALIN:
Basahin at unawain ang Kabanata XXXVI: Ang Unang Suliranin at ibigay ang kahulugan ng mga
sumusunod na salita.

1. Kabayuhan
2. Kaunin
3. Excomunion
4. Gamusa
5. Ipagkakait
6. Nabakla
7. Pag-alo
8. Ulirat

Sanggunian: Kayumanggi sa… Noli Me Tangere


Pahina 106
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Street, Corner Rizal Avenue, East Tapinac
Olongapo City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

Petsa: Ika-07 ng Pebrero, 2019 Araw: Ikaapat na Araw


Baitang/ Pangkat: 9 pangkat 10, 20
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mahalagang pangyayari
sa buhay ni Maria Clara.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakasusulat ng isang maikling kuwentong dekonstruksiyon tungkol sa dapat
na kalakasan ng katangian ng isang Maria Clara sa kasalukuyan.
PANITIKAN: Noli Me Tangere
I. LAYUNIN:
1. Nasasagot ng mahusay ang mga tanong tungkol sa akdang tinalakay sa paraan patula.
2. Naipaliliwanag ang epekto sa sarili ng mga pangyayari sa buhay ni Maria Clara.
3. Nakapagsasalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan na naglalantad ng katulad sa
isyung panlipunang ipinakita sa kabanatang tinalakay at naitatanghal ito sa pamamagitan
ng maikling dula-dulaan.

II. PAKSANG ARALIN: Ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Maria Clara


Kabanata XXXVI: Ang Unang Suliranin
Kabanata XXXVII: Ang Kapitan Heneral
Kabanata XXXVIII: Ang Prusisyon
SANGGUNIAN: Kayumanggi sa.. Noli Me Tangere, pahina 113
ISTRATEHIYA: Islogan may kahulugan, Sagot mo, itula mo, Epektib na epektib, DULAysay
III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtala ng liban sa klase
c. Pagsasaayos ng silid-aralan
2. Pagganyak: Islogan may kahulugan!
Ipapabasa ng guro ang isang pahayag sa mag-aaral at tatawag ng magpapaliwanag nito at
sasagot sa ilang katanungan hinggil dito.

“Hindi parang pagpapalit ng damit ang pagpapalit ng kasintahan.”

1. Mula sa pahayag, ilahad ang kaugaliang Pilipinong dapat na pinahahalagahan.


2. Sa iyong palagay, ang nabanggit bang mga kaugalian ay kaugalian din sa ibang bansang
Asyano?

3. Paglalahad at Pagtalakay
Matapos nito ay iuugnay ng guro sa paksa ngayong araw. Magpapanood ang guro ng video
clip ng mga kabanatang tatalakayin.

https://www.youtube.com/watch?v=amEVbGgouEE
https://www.youtube.com/watch?v=zoqsRPdEx40
https://www.youtube.com/watch?v=tQYYrpEFBYg

Upang mapalawak ang talakayan ay hahatiin sa tatlong pangkat ang klase.

Unang Pangkat: Sagot mo, itula mo!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong at ilahad sa klase sa paraang patula.
1. Bakit labis na nagdalamhati si Maria Clara?
2. Paano makatutulong ang Kapitan Heneral kay Maria Clara?
3. Ipaliwanag ang damdaming namamayani ka Maria Clara habang siya ay umaawit?

4. Pinatnubayang Pagsasanay
Ikalawang Pangkat: Epektib na epektib!
Panuto: Ilahad ang mga pangyayaring may kaugnayan kay Maria Clara at ipaliwanag ang
epekto nito sa iyong sarili.
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Street, Corner Rizal Avenue, East Tapinac
Olongapo City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

Naganap sa Kabanata na may Kaugnayan Paliwanag sa Naging Epekto nito sa Sarili


kay Maria Clara

Ikatlong Pangkat: DULAysay!


Panuto: Magsalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan na naglalantad ng katulad sa isyung
panlipunang ipinakita sa kabanatang tinalakay. Itanghal ito sa pamamagitan ng maikling dula
dulaan.

5. Paglalapat
Bumuo ng mahalagang konsepto mula sa mga kabanatang tinalakay sa tulong ng mga
sumusunod.

- Naniniwala ako na ang mga suliranin ay __________________________________


- Hindi lahat ng mga namumuno ay _______________________________________
- Manalig sa Panginoon sapagkat ________________________________________

6. Paglalahat
Anong damdamin ang pinukaw ng awit ni Maria Clara sa mga nakikinig kabilang si Ibarra?

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON
Panuto: Isulat ang titik ng wastong sagot.
1. Lagi na lamang umiiyak si
a. Andeng
b. Sinang
c. Maria Clara
2. Ang ibig sabihin ng excomunion ay:
a. Huwag makinabang
b. Huwag mangumpisal
c. Itiwalag sa simbahan ang isang katoliko bilang kaparusahan
3. Nag-utos kay Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan ukol sa pag-iisang dibdib nina Ibarra at Maria
Clara.
a. Pare Salvi
b. Pare Damaso
c. Arsobispo
4. Halaga ng utang ni Kapitan Tiyago kay Ibarra.
a. 25,000
b. 45,000
c. 50,000
5. Nang dumating ang Kapitan Heneral si Mari Clara ay..
a. Sumalubong
b. Nagtago sa kanyang silid
c. Wala sa bahay

V. TAKDANG ARALIN:
Ibigay ang pangangatuwiran. Isulat sa yellow pad.

“Dapat bang manghimasok ang mga magulang sa pag-ibig ng mga anak?”

Sanggunian: Kayumanggi sa… Noli Me Tangere


Pahina 113
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Street, Corner Rizal Avenue, East Tapinac
Olongapo City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

Petsa: Ika-08 ng Pebrero, 2019 Araw: Ikalimang Araw


Baitang/ Pangkat: 9 pangkat 10, 20
TEMA: Noli Me Tangere sa Puso ng mga Asyano
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mahalagang pangyayari
sa buhay ni Maria Clara.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakasusulat ng isang maikling kuwentong dekonstruksiyon tungkol sa dapat
na kalakasan ng katangian ng isang Maria Clara sa kasalukuyan.
PANITIKAN: Noli Me Tangere
I. LAYUNIN:
1. Nakasusulat ng isang maikling kuwenton dekonstruksiyon tungkol sa dapat na kalakasan ng
katangian ng isang Maria Clara sa kasalukuyan ng makatotohanan.
II. PAKSANG ARALIN: Paggawa ng Awtput
SANGGUNIAN: Kayumanggi sa… Noli Me Tangere, pahina 131
ISTRATEHIYA: Iba ka na pala ngayon!, Paper En Pen
III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtala ng liban sa klase
c. Pagsasaayos ng silid-aralan
2. Pagganyak: Iba ka na pala ngayon!
Magpapakita ang guro ng larawan ng kababaihan noon at ngayon at tatawag ng ilang mag-
aaral upang maglahad ng pagkakaibang nakikita nila sa larawan.

Naniniwala ka ba na ang babae ay maaaring magbago ng anyo at pag-uugali? Patunayan.

3. Paglalahad at Pagtalakay
Iuugnay ng guro sa gagawing awtput ang ginawang pagganyak.

Ipaunawa sa mga mag-aaral na nasa pananaw ng dekonstruksiyon ang isang maikling kwento
kapag binibigyan ng pansin ang kahulugan ng teksto na nasa bumabasa nito. Ibig sabihin,
habang isinusulat o binubuo ang teksto, ang kahulugan ay nasa may-akda, ngunit kapag ito ay
binasa na ng mambabasa, ang kahulugan ng nilalaman ng teksto ay nasa kaniya na.

4. Pinatnubayang Pagsasanay
Panuto: Sumulat ng isang maikling kwentong dekonstruksiyon tungkol sa kalakasan ng
katangian ng isang Maria Clara sa kasalukuyan.

Isaalang-alang ang sumusunod na pamantayan.

Makatotohanan 20%
Kaangkupan ng mga salita 20%
Wastong gamit ng gramatika at retorika 20%
Taglay ang mga element ng maikling kwento 20%
Napapanahon 20%
Kabuuan 100%

5. Paglalapat
Ano ang iyong sukatan ng tunay na Pilipina? Ipaliwanag.

6. Paglalapat
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Street, Corner Rizal Avenue, East Tapinac
Olongapo City

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

Bakit maituturing na isang huwarang Pilipina si Maria Clara? Anong mga katangian niya ay
nagpatunay dito?

IV. PAGTATAYA/EBALWASYON
Panuto: Isulat sa kahon ang T kung ang pares ng salita ay magkasingkahulugan at X naman
kung hindi.

1. Nagpupumpon – Naggugulo

2. Paglililo – Katapatan

3. Dinalisay – Pinuro

4. Makisabad – Makiaabal

5. Tiim - Ligalig

V. TAKDANG-ARALIN
Basahin at unawain ang Kabanata XV: Ang Mga Sakristan at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
1. Bakit sinabi ni Crispin na ibig niyang magkasakit?
2. Totoo bang nagnakaw si Crispin ng dalawang onsa? Ipaliwanag.
3. Bakit kinaladkad si Crispin ng sacristan mayor sa mga baiting ng hagdan?
4. Sinabi ni Basilio, “Kailan pa kaya ako maaaring mag-araro sa bukid?” Ano’t binanggit niya
ito?
5. Ano ang ginawa ni Basilio matapos mapawi sa kanyang pandinig ang sigaw ni Crispin:
“Nanay!” “Kapatid!” Isaysay.

Sanggunian: Kayumanggi sa…. Noli Me Tangere


Pahina 134

You might also like