You are on page 1of 1

Spiritual Influencer

1 Corinthians 7:14, 16
14 For the unbelieving husband is made holy because of his wife, and the unbelieving wife is made holy
because of her husband. Otherwise your children would be unclean, but as it is, they are holy. 
16 For how do you know, wife, whether you will save your husband? Or how do you know, husband,
whether you will save your wife?

Ang kaligtasan ay hindi naipapasa o naipapamana ngunit ang isang kristiyano ay maaaring maging
instrumento ng Dios upang maligtas ang iba.

Katulad ng sinabi ni Pablo sa mga taga-Corinto, ang mananampalataya ay spiritual influencer sa kanyang
asawa at mga anak na di mananampalataya. Kung ang mananampalataya ay mamumuhay ng kalugod-
lugod sa Dios sa kabila ng anumang kalagayan. Maaaring tanggapin ng di mananampalataya ang
mabuting balita at makilala ang Panginoon Hesus bilang tagapagligtas.

Madami man at sobrang aktibo ng mga influencer ng mundo na humihila sa maraming tao papalayo sa
daan ng katotohanan at buhay na kaloob ng Dios. Tayong mga kristiyano ay tinatawag at inaasahang
maging spiritual influencer upang makita at makilala ng mundo ang Panginoong Hesus na siyang daan,
katotohanan at buhay.

At upang magawa at malakaran natin iyon, huwag nating kalimutan that the holy spirit dwells in us.
Hayaan nating kumilos ang banal na espiritu at gabayan tayo upang mamuhay ng kalugod-lugod sa Dios
at mapagtagumpayan ang anumang impluwensiya ng mundo.
Maging buhay na patotoo ang bawat isa sa atin na ang Dios na ating pinaglilingkuran ay buhay, mabuti at
tapat. Makita sa ating buhay na tayo ay tunay na ligtas at napalaya na ng ating Panginoong Hesus.

For how do you know, wife, whether you will save your husband? Or how do you know, husband,
whether you will save your wife?

Isang pahayag ng pag-asa, kahit na wala man tayong hawak na pangako na ang mga unbeliever friend or
relatives natin ay maliligtas, ngunit katulad ng nais ni Pablo, manatiling magamit ang ating buhay upang
madala ang kaligtasan sa kanila at sa ibang tao sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa ating
Panginoong Hesukristo.

Panalangin:
Panginoong Hesus, maraming Salamat sa buhay at kaligtasan na ipinagkaloob ninyo. Dalangin ko po na
patuloy pong magamit ang buhay na ito upang madala ang mabuting balita at kaligtasan sa maraming tao.
Amen.

You might also like