You are on page 1of 1

Tema: Ang Kaligtasan ng tao

Texto: Juan 3;16; Mga Gawa 4:12; Efeso 2:8-9


Panimula:
Tayo ay naniniwala na ang tanging paraan upang tayo ay malinis mula sa ating mga kasalanan ay sa
pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya sa Banal na Dugo ni Kristo. Ang pagbabagong buhay sa
pamamagitan ng Banal na Espiritu ay kailangang-kailangan para sa ating kaligtasan.

Sa iyong pansariling kakayanan ay wala kang magagawa, pero sa tulong at biyaya ng Diyos ay
pwede mong malaman ang dapat na gawin. Totoo na marami ang nagsasabi na mangangaral, guro at
relihiyon na sila ang tama at sa kanila lamang matatagpuan ang tunay na kaligtasan. Pero ano ang sinasabi
ng Biblia tungkol sa kaligtasan? Pansinin natin ang mga katotohanang ito:

I. ANG MGA KONDISYON NG KALIGTASAN

A. Ang Kaligtasang Tinanggap (Tito 2:11)


1. Sa pamamagitan ng Pagsisisi sa Diyos (Lukas 24:47; 13:3)
2. Sa pamamagitan ng Pananampalataya sa Panginoong Hesu-Kristo (Roma 10:13-15;
Efeso 2:5-8)
B. Ang Tao ay Tagapagmana ng Diyos ayon sa Pag-asa Sa Buhay ng Walang Hanggan
1. Ayon sa Paglilinis na Nagbigay ng Bagong Buhay (Tito 3:5)
2. Ayon sa Pagbabago ng Banal na Espiritu (Juan 3:3)
3. Ayon sa Pagiging Matuwid sa Pamamagitan ng Pananampalataya (Efeso 2:8)

II. ANG MGA KATIBAYAN NG KALIGTASAN


A. Panloob na Katibayan – Ang Patotoo ng Banal na Espiritu (Roma 8:16)
B. Panlabas a Katibayan – Ang Buhay na may:
1. Katuwiran (Efeso 4:24)
2. Totoong Kabanalan (Tito 2:12)

Pangwakas:
Sinasabi nila na ang simbahan, mabubuting gawa, ang pagiging matuwid at pagiging relehiyoso ang
magliligtas sa isang tao para hindi siya mapunta sa impiyerno. Ang mga ito ay pinabubulaanan ang mga
naunang mga katotohanang nabanggit.
Ngayong ikaw ay ligtas na, mahalaga na ang iyong kaligtasang natamo ay manatili at maibahagi sa
hindi panakakakilala sa Panginoong Hesus bilang kanilang Panginoon at Tagapagligtas. Mahalaga na
malaman ng buong mundo na si Hesu-Kristo lamang ang dapat na pagtiwalaan kung ang kaligtasan at
buhay na walang hanggan ang pag-uusapan. Walang ibang Diyos maliban sa Kanya. Walang tao ang
pwedeng magligtas ng kanyang kapwa tao dahil walang tao ang nagbigay ng buhay sa kanyang kapwa tao.
Salamat sa Diyos sa napakahalagang kaloob Niya sa tao, buhay na walang hanggan na ang halaga
ay ang Kanyang buhay mismo. Pahalagahan mo ito at mamuhay ng may pasasalamat. Salamat sa Diyos!

You might also like