You are on page 1of 30

Pag-aaral Tungkol

Sa Bawtismo
Bakit Tayo Ay
Nagpapabawtismo?
MGA MALING DAHILAN SA PAGBABAWTISMO
1. Para maligtas
2. Para maging Kristyano
3. Para maging kasapi ng relihiyon
4. Para maging anak ng Diyos
5. Para mapatawad ang kasalanan
KALIGTASAN
• Ayon sa Biblia, paano tayo maliligtas?
GAWA 16:31 31 Sumagot sila, “Sumampalataya
ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka at ang
iyong pamilya.”
PAGIGING ANAK NG DIYOS
• Ayon sa Biblia, paano tayo magiging anak ng Diyos
JUAN 1:12 12 Ngunit ang lahat ng tumanggap at
sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng
karapatang maging anak ng Dios.
KAPATAWARAN NG
KASALANAN
Ayon sa Biblia, paano mapapatawad ang ating mga kasalanan?
GAWA 10:43 43 Si Jesu-Cristo ang tinutukoy ng lahat ng
propeta nang ipahayag nila na ang lahat ng sumasampalataya
sa kanya ay patatawarin sa kanilang mga kasalanan sa
pamamagitan ng kanyang pangalan.”
PAGIGING KRISTYANO
• Ayon sa Biblia, paano naging Kristyano ang isang tao?
MGA GAWA 11:26 26 Nang siya'y kanyang matagpuan ay
kanyang dinala siya sa Antioquia. At nangyari na sa buong
isang taon ay nakasama nila ang iglesya, at nagturo sa
napakaraming tao; at sa Antioquia ang mga alagad ay
pinasimulang tawaging mga Cristiano.
MGA TAMANG DAHILAN SA
PAGBABAWTISMO
1. Bilang Pagsunod sa Utos ng Panginoong Jesus
MATEO 28:19 19 Kaya't sa paghayo ninyo, gawin
ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan
ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu
Santo,
MGA TAMANG DAHILAN SA
PAGBABAWTISMO
2. Dahil sa pagpapahayag ng pananampalataya
sa Panginoong Jesus.
MGA GAWA 8:12 12 Ngunit nang naniwala sila kay
Felipe na nangangaral ng mabuting balita tungkol sa
kaharian ng Diyos at sa pangalan ni Jesu-Cristo, sila ay
nabautismuhan, mga lalaki at mga babae.
MGA TAMANG DAHILAN SA
PAGBABAWTISMO
3. Dahil sa pagpapahayag ng pakikipag-isa kay Cristo.
ROMA 6:3-5 3 O hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na
mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay mga nabautismuhan
tungo sa kanyang kamatayan?

Cont…
4
Kaya't tayo ay inilibing na kasama niya sa pamamagitan ng
bautismo tungo sa kamatayan; na kung paanong si Cristo ay
muling nabuhay mula sa mga patay sa pamamagitan ng
kaluwalhatian ng Ama, gayundin naman tayo'y makakalakad sa
panibagong buhay. 5 Sapagkat kung tayo'y naging kasama niya
na katulad ng kanyang kamatayan, ay magkakagayon din
naman tayo sa kanyang muling pagkabuhay.
Ang Bawtismo ay pagpapahayag nang
nangyari sa puso natin nang tayo ay
sumampalataya sa Panginoong Jesus.
• Tayo ay nakipag-isa sa Kanyang kamatayan at
pagkalibing- Tayo ay patay na sa kasalanan.
(Hindi na tayo alipin ng kasalanan )
• Tayo ay nakipag-isa sa Kanyang muling
pagkabuhay- May bagong buhay na tayo dahil
kay Cristo
Sino Ang Dapat Mabawtismuhan
• Ang mga nagsisi sa kanilang kasalanan at ang mga
sumampalataya sa Panginoong Jesus.
MGA GAWA 8:12 12 Ngunit nang naniwala sila kay
Felipe na nangangaral ng mabuting balita tungkol sa
kaharian ng Diyos at sa pangalan ni Jesu-Cristo, sila ay
nabautismuhan, mga lalaki at mga babae.
MGA GAWA 8:36-37 36 Sa kanilang pagpapatuloy sa
daan, nakarating sila sa may tubig, at sinabi ng eunuko,
“Tingnan mo, narito ang tubig! Ano ang nakakahadlang
upang akoy mabautismuhan?” [37 At sinabi ni Felipe:
Kung nananampalataya ka ng buong puso ay
mangyayari. Sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya
ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Diyos.]
MGA GAWA 2:38 38 At sinabi sa kanila ni Pedro, “Magsisi
kayo, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni
Jesu-Cristo upang mapatawad ang inyong mga kasalanan; at
tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
• Ang mga nagsisi sa kanilang kasalanan at sumampalataya sa
Panginoong Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas ng
kanilang buhay ay ang mga dapat magpabawtismo
• Ikaw ay magpapabawtismo hindi sa relihiyon,
bagkus dahil sa relasyon sa Panginoong Jesus.
• Ikaw ay gumawa ng desisyon na magsisi o
talikuran ang kasalanan at magtiwala at sumunod
sa Panginoong Jesus.
PAALALA:
• Ang mga sanggol ay hindi binabawtismuhan
dahil wala pa silang kakayahang gumawa ng
desisyon na sumampalataya sa Panginoong
Jesus.
• Ang mga sanggol ay itinatalaga sa Diyos.
LUCAS 2:21-24 22 Dumating ang araw na maghahandog sina
Jose at Maria sa templo ng Jerusalem ayon sa Kautusan ni
Moises patungkol sa mga babaeng nanganak upang maituring
silang malinis. Dinala rin nila ang sanggol sa Jerusalem para
ihandog sa Panginoon.
PAANO TAYO DAPAT BAWTISMUHAN
•Ano ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa
paraan ng bautismo ?
• Ang salitang bapto, baptidzo, baptismos, baptisma sa
wikang Griyego ay hindi kailanman ginagamit sa
kahulugang magbuhos. Ang paggamit ng salitang ito sa
Bagong Tipan ay sapat na katibayan na ang bautismo
ni Juan at ng mga Apostol ay nangangahulugan ng
paglubog.
Paano tayo dapat Bawtismuhan
JUAN 3:23 23 Nagbabautismo rin si Juan sa Enon, malapit
sa Salim, dahil maraming tubig doon. Pumupunta sa kanya
ang mga tao upang magpabautismo.
GAWA 8:38-39
38
Pinahinto ng opisyal ang karwahe
at lumusong silang dalawa sa tubig
at binautismuhan siya ni
Felipe. 39 Pagkaahon nila sa tubig,
bigla na lang kinuha si Felipe ng
Espiritu ng Panginoon. Hindi na
siya nakita ng opisyal, pero masaya
siyang nagpatuloy sa kanyang
paglalakbay.
Kahulugan Ng Bawtismo
A. PATOTOO PARA SA IBA
Sa pagpapabawtismo, ipinapahayag natin sa iba, na tayo ay
tagasunod ni Cristo Jesus. Nagpapatotoo tayo na tayo ay
nagsisi ng ating kasalanan at gumawa ng desisyon na
magtiwala at sumunod sa Panginoong Jesus.
Ipinapahayag natin ito sa mga tao sa pamamagitan ng
pagbabawtismo.
Kahulugan Ng Bawtismo
B. SIMBOLO PARA SA ATING SARILI
Roma 6:4 4 Kaya noong binautismuhan tayo, namatay tayo
at inilibing na kasama niya. Kung paanong binuhay muli si
Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama,
tayo rin ay mamuhay sa bagong buhay.
A. Paglusong at paglubog ay sumisimbolo
sa ating pakikipag-isa sa kamatayan at
pagkalibing ng Panginoong Jesus.
• Ito ay nagpapahayag na tayo ay patay na sa
kasalanan. Hindi na tayo alipin nito.
B. Pag-ahon sa tubig-sumisimbolo sa ating
pakikipag-isa sa muling pagkabuhay ng
Panginoong Jesus.
• Ito ay nagpapahayag ng pagkakaroon ng bagong
buhay dahil sa Panginoong Jesus.
Ang Buhay Pagkatapos Ng Bawtismo
A. Paglayo sa kasalanan.
B. Paglago sa Pananampalataya sa Panginoong Jesus.
C. Pagsunod sa kalooban ng Panginoong Jesus.
D. Pagiging patotoo para sa Panginoong Jesus.
E. Pakikisama sa kapwa mananampalataya.
F. Paglilingkod sa Panginoong Jesus.

You might also like