You are on page 1of 17

“Ang Kwento ng Binyag”

Noong unang panahon dumagsa ang mga tao sa Ilog Jordan para
tumanggap ng binyag mula kay Juan Bautista, na inakala ng marami ay ang
matagal nang hinihintay na Mesiyas o hari. Mabuting tao si Juan; alam niyang
tinawag siya ng Diyos para ihanda ang daraanan ng Mesiyas. Batid niyang hindi
siya ang Mesiyas at kailanma'y hindi siya naghangad na agawin ang karangalang
iyon kay Jesus. Inihayag ni Juan Bautista sa mga tao na ang kasunod niya ang
magbibinyag sa Espiritu at apoy. "Siya'y makapangyarihan kaysa akin, at ni hindi
ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang panyapak." Ayon kay propeta
Isaias, kinilala ng Panginoon ang Mesiyas bilang kanyang lingkod na itataas, pinili
at kinalulugdan. Nang humanay si Jesus sa karamihan ng mga tao para tumanggap
ng binyag mula kay Juan Bautista, narinig ang tinig mula sa langit: "Ikaw ang
minamahal kong Anak; lubos kitang kinalulugdan."
“Ang Kwento ng Binyag”

"Ikaw ang minamahal kong Anak." Pamilyar ang bawat Judio sa linyang ito mula sa Mga Salmo
(2:7) at malinaw sa propesiya na ang tinutukoy na Anak ay ang Mesiyas. Ayon sa ebanghelyo,
"naghahari sa mga tao ang pananabik sa pagdating ng Mesiyas." Tinugon ng Ama sa langit ang
masidhing pananabik ng mga tao para sa isang Mesiyas sa pamamagitan ng pagsusugo sa
kanyang sariling Anak. "Lubos kitang kinalulugdan-bahagi naman ito ng propesiya ni Isaias sa
Unang Pagbasa tungkol sa Mesiyas. Sa Mesiyas na ito ibubuhos ng Diyos ang kanyang Espiritu.
Paiiralin ng Mesiyas ang katarungan sa mga bansa. Siya ang mamamagitan sa Diyos na bubuo
ng Tipan kasama ng tao. Ang Mesiyas ding ito ang magdadala ng liwanag sa mga bansa,
magpapadilat sa mga bulag, at magpapalaya sa mga bilanggo ng kadiliman. Nang lumusong si
Jesus sa Ilog Jordan para magpabinyag, dinamayan niya ang tao sa kanilang abang kalagayan.
Sa pamamagitan ng kanyang presensiya pinabanal niya ang tubig ng binyag at ibinigay niya sa
atin ang bagong buhay ng kaligtasan. Ayon kay San Pedro, ito ang kaligtasang laan hindi
lamang para sa mga Judio kundi para sa lahat ng tao.
Ano nga ba ang Binyag?

● Ito ay mula sa salitang Griyego na (Baptizo) na nanganaghulugang paglulubog o


di kaya ay paghuhugas o paliguan sa tubig, sapagkat sa sakramentong ito ay
nalilibing kasama ni Cristo at muling nabubuhay kasama niya sa kaluwalhatian ng
Ama upang lumakad sa isang bagong buhay (Roma 6:3-4).

● Ito ay isang Sakramento kung saan tayo ay muling ipinapanganak sa isang


panibagong buhay kay Cristo sa pamamagitan ng muling pagsilang sa tubig at
Espiritu (Jn. 3:3-5).

● Ang sakramento ng Binyag ang unang sakramento na tinatanggap ng isang tao


para magingKristiyano upang mapabilang sa Simbahan. Pintuan tungo sa buhay
na walang hanggang ay sa kaharian ng Diyos. Ang karaniwang punong
tagapagdiwang ng sakramentong ito ay ang Obispo, Pari o di kaya'y Diakono.
TUNGKULIN NG MGA MAGULANG

1. Ang pagsang-ayon ng mga magulang na akuin at gampanin na


nakapaloob sa Sakramento ng Binyag.

2. Maging huwaran at gabay ng mga bata sa buhay Kristiyano at


mapalagi ang mga ito ayon sa paniniwalang Katoliko.

3. Ihanda ang mga bata para sa mga susunod pa na Sakramento ng


Banal na Pakikinabang at Sakramento ng Kumpil.
TUNGKULIN NG MGA NINONG AT NINANG

1. Kailangang may labing-anim na taong gulang na at namumuhay ng


ayon sa pananampalatayang Katoliko.

2. Pumapangalawang magulang ng mga bininyagan.

3. Mamuhay at maging huwaran alinsunod sa Kautusan ng Diyos.

4. Maging kaagapay ng mga magulang sa paggabay sa paglaki ng mga


bata sa ating pananampalataya.
Mga Tanda Na Ginagamit Sa Binyag

1. Tubig at espiritu - Simbolo ng buhay at kalinisan.

2. Langis ng kaligtasan – Tanda ng pakikinabang at pakiki-bahagi sa


pagka pari, pagka propeta at pagkahari ni Kristo.

3. Kandila – Ilaw na sumasagisag kay Kristo bilang pagtanggap sa


kaniyang pakikiisa sa lahat ng kaanib. (Jn:8.12)

4. Puting damit – Sagisag ng kaligtasan natin sa orihinal na kasalanan.


Mula sa bagong buhay kay Kristo at pagiging kaisa sa
Kanyang Katawan, ang Simbahan, ang Binyag ang
mabisang tanda ng ating pakikibahagi sa banal na buhay.
Ang Binyag ay panibagong buhay na nagmula sa langit.
(KPK 1615)
Tatlong Gawain ng Pagka-Kristyano

 Pagka-Hari - Maglilingkod, makikiisa sa kapwa, pagiging


matulungin at makikibahagi sa tungkulin sa simbahan.

 Pagka-Pari - Maging simbolo ng pagkaka-isa at maging daan sa


buhay panalangin upang ang mga kapwa ay manalangin sa pagkaka-
isa bilang kumunidad, modelo ng kabanalan (magiging mabuting
halimbawa sa iba)

 Pagka-Propeta – mamuhay sa katotohanan, daan ng kabutihan.


Ipinagkaloob ng Binyag ang pakikibahagi sa Misyon ni
Kristo. Ano ang Bunga at Biyaya ng Binyag.

 Pagiging malinis at kapatawaran mula sa kasalanang orihinal o mana kay Adan at Eva.

 Ito rin ay paggawad ng kapatawaran dahil sa ating mga personal na kasalanan.

 Ito ay nagbibigay daan upang tao ay makaanib sa Santa Iglesya, ang Katawan ni Kristo (Eph.4:4-5)

 Nagiging Ampong anak ng AMA at kaanib ni JesuKristo at Templo ng Espiritu Santo.


PAGSUSULIT 1:
Sagutan at ilagay sa patlang ang tamang sagot.

1. Sino ang pumapangalawang magulang ng mga bininyagan.


A. Kapit bahay C. Lola at lolo
B. Ang Pari D. Ninong at Ninang

2. Ito ay isang Sakramento kung saan tayo ay muling ipinapanganak sa isang


panibagong buhay kay Cristo sa pamamagitan ng muling pagsilang sa tubig at Espiritu.
A. Kumpil C. Binyag
B. Kasal D. Pag-mimisa sa simbahan
3. Sino ang may unang tungkulin maging huwaran at gabay ng bata sa buhay Kristiyano
at mapalagi ang mga ito ayon sa paniniwalang Katoliko.
A. Magulang C. Ang Pari
B. Ninang at Ninong D. Ang Doctor

4. Sino ang punong tagapagdiwang ng sakramentong Binyag.


A. Si nanay at tatay C. Si ninong at ninang
B. Ang Pari D. Lahat nang nabanggit
5. Natanong mo na ba sa magulang mo kung nabinyagan ka na, at kung sino ang mga
ninong at ninang mo? Kung oo, isulat mo sa patlang “Salamat po Lord” at kung ikaw
naman ay hindi pa nabinyagan ilagay mo sa patlang “Salamat po Lord, sasabihan ko po
magulang ko magpapa binyag ako”
PAGSUSULIT 2: Pag-unawa at tukuyin; Panain ang tamang sagot;
Pagsusulit 3: Pag-unawa sa imahe at Ilagay ang tamang sagot.
Pagninilay:

1. Bakit mahalaga ang sakramentong Binyag?

2. Handa ka na ba mag-lingkod, sa Diyos at sa kapuwa mo tao?


Sanggunian:

Motos, F. (n.d.). Ano ang binyag. Scribd. https://www.scribd.com/document/372599271/Ano-Ang-Binyag

https://olblparish.files.wordpress.com/2019/01/enero-13.pdf

Bednar, E. D. A. (n.d.-b). Binyag.


https://www.churchofjesuschrist.org/study/manual/gospel-topics/baptism?lang=tgl

sakramento ng binyag.pptx. (2022, December 2). [Slide show]. SlideShare.

https://www.slideshare.net/JosephDuyanBagongKab/sakramento-ng-binyagpptx

https://philippine-mission.org/wp-content/uploads/Ang-Banal-na-Binyag.docx

https://revjericccortado.files.wordpress.com/2019/03/manwal-sa-pagbautismong-tipan.pdf

https://www.collegesidekick.com/study-docs/1282677

Library. (n.d.). https://www.churchofjesuschrist.org/?lang=tgl

You might also like