You are on page 1of 27

PRE MODULE -

PANGUNAHING KATESISMO

Pangunahing Kaalaman tungkol sa Pananampalataya


Apat na saligan ng pananampalataya
Kredo
Sampung Utos ng Diyos
Pitong Sakramento
Panalangin

KREDO
1. Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na
may gawâ ng langit at lupa.
2. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos,
Panginoón nating lahat.
3. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espíritu Santo, ipinanganak ni Santa
Mariang Birhen.
4. Pinagpakasakit ni Póncio Pilato, ipinakò sa krus, namatay, inilibing.
5. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw,
nabuhay na mag-ulî.
6. Umakyat sa langit, náluluklók sa kanan ng Diyos Amang
Makapangyarihan sa lahat.
7. Doon magmumulang paririto't huhukom sa mga nangabubuhay at
nangamatay na tao
8. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espíritu Santo,
9. sa Banal na Simbahang Katólika;
10. sa kasamahan ng mga Banal;
11. Sa kapatawaran ng mga kasalanan,
12. Sa pagkabuhay na mag-ulî ng mga nangamatay na tao, at sa buhay na
walang-hanggán. Amen.

SAMPUNG UTOS NG DIYOS

1. Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat ng bagay.


2. Huwag kang magpahamak at manumpa sa Ngalan ng Diyos.
3. Mangilin ka tuwing Linggo at mga pistang pangilin.
4. Igalang mo ang iyong ama’t ina.
5. Huwag kang papatay.
6. Huwag kang makikiapid.
7. Huwag kang magnanakaw.

1|Page
8. Huwag kang maninirang puri sa kapwa mo tao at huwag ka ring
magsisinungaling.
9. Huwag mong pagnasahan ang hindi mo asawa.
10. Huwag mong pagnasahan ang hindi mo pag-aari.

ANG PITONG SAKRAMENTO

1. Binyag
2. Kumpil
3. Kumpisal
4. Pakikinabang/ Komunyon
5. Pagpapahid ng banal na langis sa may sakit
6. Pagpapari
7. Pagpapakasal

Banal na Kasulatan
Kasaysayan ng Kaligtasan
Ang Pagkakasala ng Tao
Ang Tipan ng Diyos kay Noe
Ang Tipan ng Diyos kay Abraham
Ang paglalakbay ng mga Israelita mula sa pangaalipin ng paraon (sa
Ehipto) patungo sa lupang pangako.
Ang labindalawang lipi ni Israel
Ang Kaharian ng Israel
Ang kaharian ng Israel at Juda
Ang mga pangyayari bago at pagkatapos ipatapon ang mga Israelita
Ang Kapanganakan ng Mesiyas
Ang pagpapakasakit at pagkamatay ng Mesiyas
Ang pagkabuhay na mag-uli ng Mesiyas

Mga Tradisyonal na Panalangin

Ama Namin
Ama namin, sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo kami ngayon
Ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
Sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.

2|Page
Aba Ginoong Maria
Aba, Ginoong Maria
Napupuno ka ng grasya
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang iyong anak na si Hesus

Santa Maria, Ina ng Diyos


Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.

Papuri
Papuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo
Kapara noong una ngayon at magpasawalang hanggan
Amen.

Pagsisisi
Panginoon kong Hesuskristo, ako ay nagkasala laban sa iyong
kabutihang walang hanggan. Ako ay nagsisisi ng buong puso at
nangangakong hindi na muling magkakasala sa tulong ng Iyong
mahal na grasya. Amen.

Uri ng Panalangin
Pagsamba
Pagsisisi
Pasasalamat
Paghiling

Pinaka-mataas na Uri ng Panalangin


Banal na Misa

ANG TUNGKULIN NG ISANG LINGKOD DAMBANA


Ang magkaroon ng kaalaman patungkol sa pananampalataya at isabuhay ito araw-araw.

3|Page
MODULE 1-
PANIMULA
Ang isang Lingkod dambana ay tinawag bilang isang katiwalang naglilingkod sa
sambayanan. Bilang isang lingkod-katiwala siya ay inaasahang maging gabay ng sambayanan sa
bawat banal na pagdiriwang na siyang buhay na saksi ng kanilang pagkilala, pagmamahal, at
paglilingkod sa Diyos. Ka-agapay sila ng mga pari sa kanilang pangunguna sa pananalangin na
siyang pangunahing gawain ng isang pari. Sila ay lingkod-katiwala at hindi isang ‘performer’. Ang
kanilang matapat na pagtupad sa kanilang gawain bilang isang Lingkod dambana ay nagpapatunay
na sila ay Lingkod ng Diyos sa kanilang kinabibilangang sambayanan at Parokya. Katulad ng
patotoo ni San Juan Pablo II, “hindi ka lamang ‘katulong ng pari’. Higit sa lahat, ikaw ay lingkod
ni Hesus ang pinakamataas na Pari.”

MGA PANALANGIN
Panalangin bago magsimula ang Misa
Ama naming Makapangyarihan, tinipon mo kami upag magdiwang ng
Banal na Eukaristiya. Buksan mo ang aming isipan sa pakikinig sa iyong
salita, pag alabin mo ang aming mga puso sa pagtanggap ng Banal na
Katawang ng iyong anak. Naway magbuklod kami sa pag-ibig at
pananampalataya sa inyo. Sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Panalangin pagkatapos ng Misa
Ama naming mapagmahal, nagpapasalamat kami sa pagdiriwang ng banal
na Eukastiya. Narinig namin ang iyong salita. Tinanggap namin si
Hesukristo na Iyong Anak sa hapag ng pag-ibig at pagkakaisa. Nawa’y
magbuklod kami sa pag-ibig at pananampalataya sa iyo. Sa pamamagitan
ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo, magpasawang hanggan. Amen.
ANO ANG ISANG LINGKOD DAMBANA
Katulad ng paglilingkod ng mga Lektor at Extraordinary Ministers of Holy
Communion ang mga lingkod dambana ay temporal na itinalaga. Ito ay
nangangahulugan na ang mga lingkod dambana ay commissioned at hindi
instituted.
Sila ay tatawaging mga Lingkod dambana o sa Ingles ay Altar Servers (i.e.,hindi
Sakristan, Akolito o Knights of the Altar.

4|Page
Ang pangunahing gampanin ng mga lingkod dambana ay ang maging katuwang ng
lingkod ng pari bilang modelo ng aktibong pakikiisa ng sambayanan sa
pagdiriwang ng Banal na Misa.
Hindi ipinagbabawal ang pagkakaroon ng mga babaeng lingkod dambana. Ngunit,
dahil sa katanggap tanggap na dahilan at upang maka-akit ng bokasyon sa
pagpapari, inirerekomenda na lalaki ang maging kasapi nito.
MGA KATANGIN NG ISANG LINGKOD DAMBANA
1. Paggalang- Ang masidhing paggalang sa Diyos at sa mga bagay na banal ang
pinaka mahalaga sa kanilang gawaing paglilingkod. Kaya naman, solemneng
pagkilos ang inaasahan sa kanila sa kanilang paglilingkod sa dambana.

2. Disiplina- sa pamamagitan ng pagsasanay at disiplina, ang solemneng


selebrasyon ng mga gawaing pagsamba ay tunay na maipapahayag. Gayun
paman, ang pagsasanay ay nangangailangan ng displina. Ang disiplina ng mga
lingkod dambana ay makikita sa pamamagitan ng mga sumusunod:

a. Sa kanilang aktibong pakikiisa sa bawat banal na pagdiriwang.


b. Pag-iwas sa mga kilos na nagiging dahilan ng kalituhan sa disposisyon
ng mga mananampalataya.
c. Nalalaman nila ang kanilang mga responsibilidad at mga gawain bago,
pagkatapos, at habang isinasagawa ang Banal na Misa.
d. Sa kanilang pagbibigay respeto at pagmamahal sa mga lugar sa loob
ng simbahan lalo’t higit sa santuwaryo at sakristiya.
e. Sa maayos nilang pakikisama sa kapwa nilang laykong ministro at mga
pari sa labas ng bawat pagdiriwang.
f. Sa kanilang relasyon sa kanilang mga magulang, kaibigan, kamag
aaral, at mga taong kanilang nakakasalamuha.
g. Sa kanilang pangangalaga, pagrespeto at paggalang sa mga bagay na
kailang ginagamit sa liturhikong paglilingkod, gayundin sa simbahan
at iba pang lugar sa loob ng simabahan.
h. Sa kanilang pagrespeto sa mga nakatatanda sa kanila.
i. Sa kanilang kagustuhang magpasailalim sa mga pormasyon at
pagsasanay.

3. Decorum- ang decorum ay nangangahulugang “kung ano ang naaayon”. Bilang


mga lingkod dambana mahalaga rin na sila ay malinis sa kanilang pananamit.
Ang uri ng kanilang pananamit ay nagpapahayag ng kanilang dignidad. Kaya
naman inaasahan sa kanila na sila ay mag susuot at kikilos nang naaayon sa
kanila bilang isang lingkod dambana. Ito ay naipapakita sa pamamagitan ng
mga sumusunod:

5|Page
a. sa malinis at maayos nilang pagsusuot ng kanilang mga sotana sa lahat
ng mga kinakailangang pagkakataon lalo’t higit sa bawat liturhikong
pagdiriwang.
b. Sa kanilang pag-aayos at pangangalaga sa kanilang mga sarili.
c. Sa kanilang pagkilos ng may paggalang, respeto at kabanalan sa bawat
gawaing pagsamba.

4. Kabanalan - ang kabanalan ay hindi nakikita sa kung papaano sila naglilingkod


sa altar. Ito ay nakikita sa kung papaano nila naiipahayag ang kanilang
pagmamahal sa Diyos at sa kapwa sa pamamagitan ng mga sumusunod:
a. Sa kanilang buhay pananalangin
b. Sa kanilang pagmamahal kay Hesus sa Banal na Sakramento sa Altar.
c. Sa kanilang debosyon sa Mahal na Birheng Maria
d. Sa kanilang pagmamahal sa Eukaristiya at iba pang mga sakramento
e. Sa kanilang pagbabasa at pag-aaral ng Banal na Kasulatan

5. Kapatiran- Ang katangi tanging ugali ng bawat lingkod dambana ay ang


kasiyahan sa kanilang paggawa o pagtutulungan bilang isang grupo. Nalalaman
ng bawat lingkod dambana na ang pagtupad ng kanilang mga tungkulin ay
nakaugnay sa kanilang paglilingkod sa Diyos. Ang kapatiran ng lingkod
dambana ay binibuo ng mga sumusunod:
a. Pagiging saksi
Sa kanilang paggawa ng mabuti sa kapwa sa lahat ng pagkakataon.
Pagiging tapat sa kanilang mga responsibilidad hindi lamang sa
simbahan maging sa kanilang pamilya, paaralan, at sa bawat estado
na kanilang kinabibilangan.
Pag-iwas sa masasamang gawi at bisyo
Sa kanilang pagiging mabuting halimbawa para sa iba.
b. Pagkakaisa-
Ang paglilingkod sa dambana ay hindi isang indibidwal na
paglilingkod. Ito ay paglilingkod bilang isang samahang magkakapatid
kay Kristo. Ito ay makikita sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Sa kanilang pag alam sa mga nakatakda sa kanilang mga gawain
gayundin sa iba.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan, pagiging palakaibigan at mabait,
hindi mayabang, matigas ang ulo at competitor.
Sa kanilang maayos na pagtanggap sa mga bagong kasapi ng
kapatiran at pagtuturo sa kanila ng may kababaang loob.
Sa pamamagitan ng kanilang pagdadasal kasama ng mga kapwa nila
lingkod (lectors, Extraordinary Ministers of Holy Communion, etc.) at
pari bago at pagkatapos ng bawat liturhikong pagdiriwang.
Sa kanilang pagiging kapatid sa kanilang kapwa lingkod.

6|Page
ANG MGA GAMPANIN NG ISANG LINGKOD DAMBANA
a. Ang tumulong sa bawat tagapagdiwang katulad ng mga itinalagang mga
Akolito, Diyakono, Pari, at Obispo sa bawat liturhikong pagdiriwang
lalo’t higit sa banal na Misa.
b. Ang makiisa sa mga layko-ministro katulad ng mga Extraordinary
Ministers of Holy Communion, Lectors, Commentators, Ushers,
Greeters, and collectors; Music ministry at fellow altar servers sa
kanilang paghahanda at paglilingkod sa bawat pagdiriwang.
c. Ang palagiang pagdalo sa bawat pagpupulong at paghuhubog at
programa ng parokya at diyosesis.
MGA DAPAT TANDAAN NG ISANG LINGKOD DAMBANA
• Ang matapat na pagtupad sa bawat responsibilidad bilang isang lingkod dambana lalo’t
higit sa mga gawaing pagsamba;
• Ang dumating ng 30 minuto bago ang paglilingkod. Ito po ay para sa mga sumusunod na
Gawain: paghahanda ng mga gamit para sa pagdiriwang; pag aralan muli ang mga ritu at
natatanging daloy ng pagdiriwang lalo’t higit sa mga pagdiriwang na mayroong
natatanging ritu, personal at para sa samasamang pananalangin
• Ang dumalo sa mga pagsasanay at pagaaral para sa mga natatanging pagdiriwang na
mayroong bago at komplikadong pamamaraan o natatanging ritu nang paglilingkod. Sa
ganitong mga pagkakataon ang paglilingkod ng hindi man lamang nakapag sanay ay
dapat sundin.
• Ang maglingkod sa iba pang liturhikong pagdiriwang gaya ng mga Binyag, Kasal, Misa
para sa Yumao, Pagbabasbas at iba pa.
• Ipagbigay-alam sa lider ng Samahan sa mga pagkakatang hindi makakagampan ng
gawain sa paglilingkod. Sila rin mismo ang inaasahang hahanap ng sakristang hahalili
para sa hindi nila magagampanang gawain.
a. Motto
TO SERVE THE LORD WITH GLADNESS
b. Patrons
San Tarcisio (August 15)
San Pedro Calungsod (April 12)
c. Pledge
Panginoon, Narito ako, handang iaalay ang aking buhay sa Iyo sa pamamagitan ng
paglilingkod, magsusumikap akong maging tapat sa aking pagtupad ng aking mga
tungkulin bilang isang lingkod dambana at sa aking paglilingkod sa banal na Misa,
lalo’t higit sa aking pagtulong sa Inang Simbahan. Magsusumikap akong maging
mabuting halimbawa sa lahat at akitin ang aking kapwa na igalang at mahalin ang
iyong tahanan. Ako nawa ay maging tapat na lingkod dambana sa tulong ng Mahal
na Birheng Maria, aking Ina at modelo ng matapat na paglilingkod sa Diyos at
kapwa. Amen

7|Page
MODULE 2-
LITURHIYA
Ang salitang liturhiya ay mula sa salitang Griego na “Leitourgein” na ang ibig sabihin sa ingles
ay “work of the people’’. Ginagamit ito ng simbahan bilang pagpapaliwanag ng kanyang gawaing
pagsamba. Kaya naman mula sa dati nitong kahulugan na ‘public duty or action’ ito ngayon ay isa
nang ‘public services’.
Ang ating liturhiya ay nagpapahayag ng mga gawain ng Diyos at tayo bilang mga lingkod-
katiwala ay kanyang mga instrumento. Ang Ikalawang Konsilyo Vaticano ay nagpapahayag ng
ganito “Ang liturhiya ay ang pagkilos ni Hesukristo, isang paanyaya sa ating lahat bilang
miyembro ng iisang katawang mistiko Niya, ang simbahan, para sa walang hanggang pagsamba.”
(the liturgy is the action of Jesus Christ, an action of eternal worship in which he involves us, the
members of his mystical body, the church).

URI NG LITURHIKONG PAGDIRIWANG:


• Solemnidad – o Solemnity ay ang mahahalagang mga araw na ipinagdiriwang ng
Inang Simbahan. Ito ay tumutukoy sa mga araw ng linggo na nagsisimula sa gabi
bago sumapit ang linggo (sabado ng gabi) na siyang mayroong natatanging Misa
para sa mga piling solemnidad na ipinagdidiwang.
• Kapiyestahan – o Feast ipinagdiriwang ito sa mga araw lamang na nakatakda.
• Memorial – isang kapiyestahan na ipinagdiriwang sa mga nakatakdang araw. Ito
ay maaaring obligatory o ‘dapat lamang na ipagdiwang’ na may simbulong (M) o
maaari ding optional na may simbulong (m). Ang mga pari ay maaaring mamili ng
kanilalng misa na ipagdiriwang ngunit ito dapat ay naaayon sa kalendaryo ng
Simbahan.

ANG HANAY NG MGA PANAHON:


• Adbyento – Ito ang simula ng kalendaryo ng simbahan. Sa panahong ito ay
ginugunita ang dalawang papraan ng pagdating ng Panginoong Hesukristo, (ang
Kanyang pagkakatawang tao o Incarnation at Huling Paghuhukom). Sa Espiritu ng
Kagalakan natin ipinagdiriwang ang kanyang unang pagdating at sa Espiritu naman
ng pag-asa natin hinihinytay ang kanyang pagbalik. Ang panahon ng adbyento ay
binubuo ng apat na linggo, kasama dito ang siyam na mga araw ng Simbang gabi.
Nagsisimula ito sa unang linggo pagkatapos ng Kristong Hari at matatapos sa gabi
bago ang pagsilang ni Hesus.
• Pasko ng Pagsilang – ito ang mga panahong ipinagdiriwang natin ang
kapanganakan ni Kristo, ang kanyang pagkakatawang tao, at ang pagiging tao ng
Ikalawang persona ng Diyos. Ito ay mayroong dalawang mahahalagang parte: 1)
Ang araw ng Pasko (Dec. 25) hanggang solemnidad ng pagdiriwang sa karangalan
ng Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos. 2) ang solemnidad ng Epipaniya
(epiphany) hanggang sa kapiyestahan ng pagbibinyag kay Hesus.
• Kuwaresma – ang apatnapung mga araw ng pananalangin at pag-aayuno,
pakikinig sa mga salita ng Diyos at bukas-palad na pagbibigay. Ito ay ang mga
panahon ng paghahanda para sa Muling pagkabuhay ni Hesus at pagasariwa ng

8|Page
ating mga pangako sa Binyag. Ito ay nagsisimula sa Miyerkules ng abo hanggang
sa Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon.
• Easter Triduum – ito ay ang tatlong araw na pagdiriwang ng pagpapakasakit,
kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus. Ito ang rurok ng lahat ng liturhikong
pagsamba. Nagsisimula ito sa Misa ng huling hapunan ng Panginoon hanggang sa
Bihilya ng Linggo ng Muling Pagkabuhay.
• Linggo ng Muling Pagkabuhay – araw na pinaka tangi tangi sapagkat
ipinagdiriwang ng buong simbahan ang tagumpay ni Hesus laban sa kamatayan at
kasalanan sa kanyang matagumpay na muling pagkabuhay.
• Panahon ng Muling Pagkabuhay – ang panahong ito ay mayroong limampung
mga araw ng pagdiriwang ng muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo.
Nagsisimula ito sa bihilya ng Linggo ng Pagkabuhay hanggang sa Linggo ng
Pentekostes. Ang unang walong araw ay tinatawag na Easter octave.
• Karaniwang Panahon – ang panahong ito ay nag-aanyaya para sa paglago ng
ating pananampalataya. Ito ay mayroong dalawang bahagi: 1) ang linggo ng
pagbibinyag kay Hesus hanggang bago sumapit ang Miyerkules ng abo. 2) ang
linggo pagkatapos ng Pentekostes hanggang sa kapyestahan ng Kristong Hari.

ANG PANGLITURHIKONG MGA KULAY:


• Puti (White) – puti ang kulay na simbulo ng kagalakan at ng kaluwalhatian ng
Diyos. Ginagamit ito sa mga panahon ng Pasko ng Pagsilang (Christmas seasons),
Pagkabuhay (easter) at mga kapiyestahan ng ating Panginoon at ng Mahal na
Birheng Maria gayundin ng mga anghel at banal na hindi martir.
• Lila (Violet) –ito ay tanda ng pagsisisi at pagbabalik-loob. Ginagamit ito sa mga
panahon ng Adbyento at Kuwaresma gayundin sa mga Misa sa Yumao.
• Pula (Red) – Ito ay tanda ng dugo ni Kristo o ng alab na paggabay ng Banal na
Espiritu Santo. Ginagamit ito tuwing Linggo ng Palaspas, Biyernes Santo,
Pentekostes at Kapiyestahan ng mga banal na martir.
• Luntian (Green) – Sumisimbulo sa mgandang ani at paglago sa
pananampalataya. Ginagamit ito tuwing karaniwang panahon.
• Rosas (old Rose) – tanda ng nalalapit na kagalakan. Ginagamit ito tuwing
ikatlong linggo ng Adbyento (Gaudete) at ikaapat na linggo naman ng panahon ng
Kuwaresma (Laetare).
• Ginto (Gold) – Simbulo ng paghahari ni Kristo sa Mundo. Ginagamit tuwing
kapiyestahan ng Kristong Hari at mga natatanging kapiyestahan.
• Bughaw (Blue) – Tanda ng kababang loob ng Mahal na Birhen. Ginagamit ito sa
mga natatanging kapiyestahan ng Mahal na Birheng Maria.

9|Page
MODULE 3-
ANG BANAL NA MISA
Mahalagang malaman ng bawat lingkod dambana ang daloy ng Misa lalo’t higit ang ibig sabihin
ng bawat bahagi nito. Mahalagang gawain ito sapagkat ang Misa ay ang daan patungo sa misteryo
ng pagtatagpo ng Langit at ng Lupa sa dambana.

Mga Bahagi ng Misa

Mayroong dalawang mahalagang bahagi ang Misa:


Ang Liturhiya ng Salita ng Diyos at ang Liturhiya ng Eukaristiya.

Ang Liturhiya ng Salita ng Diyos ay ang bahagi ng Misa na binubuo ng pagpapahayag


ng Salita ng Diyos, ang pagninilay dito at ang pagtugon sa Salitang tinatanggap sa
pamamagitan ng Pagpapahayag ng pananampalataya at ng mga kahiligan.

Ang Liturhiya ng Eukaristiya ay ang bahagi ng Misa kung saan sinasangayon ang
paghahandog na ginawa ni Kristo sa anyo ng tinapay at alak, at ang pagsasalu-salo sa
Katawan at Dugo ng Panginoon bilang magkakapatid kay Kristo.

Pinasisimulan ang Misa sa Panimulang Bahagi, sinusundan ng Liturhiya ng Salita ng Diyos


at Liturhiya ng Eukaristiya, at nagtatapos sa Pangwakas na Bahagi.
Panimulang Bahagi
Prusisyon: pagpasok sa Santuwaryo
Ang pambungad na awit ay isang tanda nang pagsisimula ng Banal na Misa. Kaalinsabay
nito ang prusisyon ng pari kasama ang mga tagapaglingkod sa altar. Nararapat lamang na
ito ay kantahin sapagkat dinadala tayo nito sa mas malalim na pakikiisa sa misteryong
ipinagdidiwang.
Pagbibigay-galang sa Dambana
Ito ay ginagawa ng punong tagapagdiwang. Ang dambana ay tanda ng presensya ni Hesus.
Ang pagbibigay galang ay ipinapakita ng punong tagapagdiwang sa tatlong tadisyonal na
pamamaraan: ang bow bilang tanda ng paggalang, paghalik at pag i-insenso (kung
ginagamit ang insenso).
Pagbati
Binabati ng punong tagapagdiwang ang mananampalataya bilang tanda ng pagkakaisa ng
sambayanan na pinagbuklod sa pag-ibig ng Diyos.
Pagsisisi: (Panginoon, kaawaan Mo kami)
Inihahanda at inaanyayahan tayo nito upang magsisi sa ating mga pagkakasala sa Diyos at
sa ating kapwa upang maging marapat tayong maki-isa sa banal na pagdiriwang. Sa
pamamagitan nito, napapawi ang ating kasalanang benial.

10 | P a g e
(Papuri sa Diyos)
Ito ay natatanging tradisyon ng Inang simbahan simula noong una. Ito ay inaawit o kaya
naman ay binibigkas (maliban sa panahon ng Adviento at Kuwaresma) sa mga natatanging
kapiyestahan.
Pambungad na Panalangin
Ito ay paanyaya ng pananalangin at sandali ng katahimikan. Dito, inihahandog ng pari ang
panalangin ng sambayanan sa Diyos. Kaya naman ang sambayanan ay tutugon ng “Amen”.

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS


Unang Pagbasa
Ito ay mga pagbasa na maaring magmula sa luma at bagong tipan. Ipinapahayag ng unang
pagbasa ang tema o mood ng pagdiriwang.
Salmo
Ipinagpapatuloy ng salmo ang tema o mood na mula sa unang pagbasa. Ang sambayanan
ang tutugon habang ang taga awit ang mangunguna sa pagdarasal o pag-awit ng salmo.
(Ikalawang Pagbasa)
Ito ay pagbasa mula sa Bagong tipan maliban sa mga ebanghelyo sa mga natatanging
kapiyestahan.
Awit-Pambungad sa Mabuting Balita (Aleluya/Bersikulo)
Ito ay masiglang pagbubunyi sa Mabuting Balita ng Panginoon. Ang Antipona nito o
Gospel verse ay nararapat lamang na banggitin.
Mabuting Balita
Ito ay pagbasa mula sa Ebanghelyo ni San Mateo, Marcos, Lukas, at Juan.
Homiliya
Ito ay pagkakataon kung saan ipinapaliwanag ng pari ang mensahe ng nabanggit na mga
pagbasa at mabuting balita at ang mga pamamaraan upang maisabuhay ito.
(Pagpapahayag ng Pananampalataya)
Ito ay ang pagpapahayag ng Kredo ng mga Apostol o ng Kredo ng Constantinople bilang
tanda ng pagpapahayag ng mga turo ni Hesus sa pamamagitan ng kanyang Simbahan.
Panalangin ng Bayan
Ito ay ang mga mumunting panalangin ng sambayanan na idinudulog sa Diyos.

LITURHIYA NG EUKARISTIYA
Paghahanda ng mga Alay
Kung saan inihahandog ang tinapay at ang alak.Ginaganap din dito ang paghuhugas ng
mga kamay ng tagapagdiwang at panalangin ukol sa mga alay.
Panalangin ng Pagpupuri at Pasasalamat
Ang sambayanan ay nagpapasalamat sa Diyos sa Kanyang gawang pagliligtas, ang alay na
alak at tinapay ay ginagawang Katawan at Dugo ni Kristo. Ang mga bahagi nito ay ang mga
sumusunod:
Pasasalamat: Ipinahahayag sa bahagi ng prepasyo, kung saan nagpapasalamat sa Diyos sa
Kanyang gawang pagliligtas o kaya ay sa espesyal na aspeto ng pagdiriwang sa araw na iyon.
Aklamasyon: kasama ang mga anghel ang sambayanan kasama ang tagapagdiwang ay
nagsisi awit ng papuri sa Diyos sap ag awit o pagpapahayag ng Sanctus.

11 | P a g e
Epiklesis: (invocation) ang simbahan ang humihiling sa Kapangyarihan ng Diyos na ang
mga alay na handog ay gawing Katawan at Dugo ni Kristo at maging bukal ng kaligtasan ng
tatanggap dito.
Institution narrative at Konsagrasyon: sa mga salita at gawi ni Kristo, ang pag aalay ng
sarili na kanyang itinatag sa Huling Hapunan ay ipinagdiriwang. Sa anyo ng tinapay at alak ay
iniaalay ni Hesus ang Kanyang Katawan at Dugo na Kanyang ibinagay sa Kanyang mga alagad
para kanilang kanin at inumin at gawin nila sa pag alala sa misteryo ni Kristo.
Anamnesis (Memorial): Sa sandalling ito ipinapahayag ang misteryo ng pananampalataya;
ang pagkamatay, muling pagkabuhay, at pagbabalik ng Pangioon.
Oblation: offering of the victim. ang sambayanang nagdiriwang ay inihahandog ang
spotless victim (Hesus) sa Ama sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Intercessions: Sa pamamagitan ng Eukaristiya ay nagdiriwang kaisa ng buong simbahan
(patay man o buhay) sa ginanap na pagliligtas ni Hesus. Tinatapos ito sa paggunita sa mga banal
na inaasahan nating tayo ay makikibahagi.
Final Doxology: Ang papuri sa Diyos ay ipinapahayag kung saan ang sambayanan ay
tumutugon ng “Amen.”

Pakikinabang
Ama Namin - Kung saan dinarasal ng sambayanan ang panalanging tinuro ni Hesus sa
kanyang simbahan.
Pagbabahagi ng Kapayapaan - Ito ang sandali kung saan humihingi ng kapayapaan ang
bumubuo ng simbahan sa bawat isa.
Kordero ng Diyos - Sandali kung saan idinidulog ng sambayan ang pagpawi ng kasalanan sa
buong sansinukob.
Komunyon - Kung saan ipinapamahagi ang katawan ni Kristo sa bawat mananampalataya ng
mga pari at Extraordinary Ministers of Holy Communion.
Panalanging Pagkapakinabang - Dito ipinapahayag ng pari ang pasasalamat sa Diyos ng
mga tao. Ang sambayanan ay tutugon ng “Amen.”

Pangwakas na bahagi
Pagbabasbas - Binabasbasan ng pari ang sambayanan sa pamamagitan ng Banal na SanTatlo,
Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo habang isinasawa ang tanda ng Krus na siyang tanda ng
pananampalataya.
Paghahayo - Kung saan ang diyakono o pari ay nagpapaanyayang mahalin at paglingkuran
ang Diyos sa Kapwa.
Paghalik sa Dambana

Ang mga bahaging inilagay dito ay ang mga bahagi sa karaniwang Misang pang-Linggo at mga
dakilang Kapistahan. Ang mga nasa loob ng saknong ay karaniwang hindi kasama sa Misa sa
karaniwang araw.

12 | P a g e
MODULE 4-
ANG SIMBAHAN
Mahalaga ring malaman ng bawat lingkod dambana ang mga mahahlagang lugar sa loob ng
simbahan. Ang simbahan ay isang lugar o tagpuan ng Diyos at ng kanyang sambayanan. Kaya
naman, masidhing paggalang ang inaasahan sa bawat isa sa kanila.
Ang Santuwaryo (The Sanctuary)
Ang santuwaryo ang pinakabanal na bahagi ng simbahan. Ito na rin ang
siyang dahilan kung kaya sa pangalan pa lang nito ay mababanaag na ang
salitang “santo”, na wala naman ibang nais ipakahulugan sa atin kundi banal.
Dito rin nagaganap ang mga ipinagdiriwang na sakramento ng simbahan.
Dito matatagpuan ang dambana, ang basahan, ang upuan ng pari at ang
tabernakulo.
Krusipiho (Crucifix)
Ang imahen ni Kristong nakapako sa krus. Ito ay nagpapaalala sa atin ng
kaugnayan ng madugong sakripisyo ni Kristo sa kalbaryo sa ipinagdiriwang
na Banal na Misa, na pagsasakasalukuyan ng sakripisyo ni Kristo sa isang
hindi madugong pamamaraan.
Upuan ng Paring Nagmimisa (Presider’s Chair)
Ang upuan kung saan nauupo ang pari sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Ito
ang kumakatawan sa gampanin ng pari bilang tagapangulo ng pagdiriwang.
Tabernakulo (Tabernacle)
Ang lagakan ng mga itinalagang tinapay (at alak), na pangunahing itinatabi
para sa mga maysakit o bilang pabaon sa papanaw. Ito rin ang siyang
pinagtutuunan ng pansin ng mga taong nagnais sumamba sa banal na
sakramento kahit tapos na ang pagdiriwang ng Misa.
Dambana (Altar)
Ang hapag kung saan ginaganap ang paghahandog ng sambayanan. Hangga’t
maaari, ito ay dapat na nakikita ng buong sambayanan sa loob ng simbahan.

13 | P a g e
Ambo (Lectern)
Dito ipinahahayag ng Lektor ang Salita ng Diyos, at ng pari ang Mabuting
Balita gayundin ang homiliya.

Paminyagan (Baptismal Font)


Dito isinasagawa ang Sakramento ng Binyag.

Sacristy
Dito nakatabi/nakalagay ang mga gamit sa misa, kasuotan ng pari at iba
pang mga gamit kapag hindi ipinagdiriwang ang mga sakramento.

Ambry
Dito inilalagak ang mga banal na langis (Chrisma, langis para sa mga may
sakit at oil for catechumens)

Sacrarium
Ang espesyal na lababo kung saan hinuhugasan ang mga sacred vessels
(kalis at patena) na ginamit sa misa. Sa kadahilanang mga banal na bagay
lamang ang hinuhugasan dito, bawal itong gamiting hugasan ng kamay,
mukha o anuman na hindi angkop para dito.

14 | P a g e
MODULE 5-
ANG MGA GAMIT SA MISA
Nalalaman ng bawat lingkod dambana ang bawat gamit o ‘vessels’. Ito’y kanilang iniingatan.
Gayundin naman, inaasahan na nalalaman din nila ang mga damit na susuotin ng pari sa
bawat pagdiriwang.

Kalis (chalice)
Ito ang pinaglalagyan at iniinuman ng itinalagang alak sa Misa. Ang
tawag dito ay galling sa salitang Latin na calix, na nangangahulugang
kopa o mangkok.

Patena o Pinggan (paten)


Ito ang hugis platitong lalagyan ng ostiya. Ang ngalan nito ay galing
sa salitang Griyego na patane, na ang ibig sabihin ay platito o mangkok.

Siboryo (ciborium)
Ito ay sisidlan ng mga maliliit na ostiyang itatalaga, ipamamahagi sa
mga tao sa komunyon, o ilalagak sa tabernakulo. Mas kaaya-ayang
gawin na ang mga ostiyang itatalagang maging Katawan ni Kristo ay
mailalagay sa nababagay na malaking lalagyan (patena o siboryo) na
makapagtataglay ng ostiya para sa pari at sa mga nagsisimba (GIRM,
293).

Binahera (Cruets)
Ito ay mga lalagyan ng alak at tubig para sa Misa. Kinakailangang
madaling makilala kung alin ang naglalaman ng alak at ng tubig.
Ang tawag dito ay galing sa tinataglay nitong alak, na vino sa wikang
Latin.

15 | P a g e
Panakip sa Kalis (Pall)
Hugis parisukat na linen na may pampatigas sa loob at may krus (+) o
disenyo sa gitna na ginagamit na pantakip sa kalis upang hindi ito malagyan
ng dumi.

Gamit sa Paghuhugas ng Kamay (Pitcher and Basin or Lavabo)


Ito ay ginagamit ng mga tagapaglingkod upang hugasan ang mga kamay
ng pari.

Pyx
Ito ay maliit na sisidlan ng itinalagang ostiya (Banal na Sakramento) na
ginagamit sa pagdadala ng komunyon sa maysakit. Ang tawag dito ay hango
sa salitang Griyego na puxis, na nangangahulugang isang sisidlang kahon.

Luna o Lunette
Ito ay sisidlang pinag-iipitan sa itinalagang ostiya (Banal na sakaramento)
na ginagamit sa pagtatanghal ng Banal na Sakrament, upang ito ay tumayo
habang nasa ostenseryo. Ito ay hugis-buwan, kaya luna ang itinawag dito.

Lalagyan ng mga Banal na Langis (Holy Oil Container o Oil Stock)


Ito ay sisidlang lalagyan ng mga banal na langis. Kung iisa lamang ang
lalagyan at krisma lamang ang laman, tinatawag din itong
krismera(chrism container).

16 | P a g e
Aspersorium/ Aspergillium (holy water container)
Ito ay kagamitang naglalaman ng Banal na Tubig. Ang tawag dito ay
galing sa simula ng antipona sa pagwiwisik (Salmo 50:9) na naisalin sa
wikang Latin bilang “Asperges me…”

Insensaryo (thurible)
Ito ay isang metal na sisidlan na kadalasang may tatlong kadenang
nakakabit sa lalagyan, isa pang kadenang nakakabit sa takip upang
maitaas ito at malagyan ng kamanyang/insenso ang baga sa loob nito.
Ang tawag dito sa wikang Ingles ay hango sa salitang Latin na
thuribulum, na ang ibig sabihin ay insenso.

Lalagyan ng Insenso (Incense Boat)


Ito ay metal na sisidlan ng kamanyang/insenso na ginagamit sa pag-
iinsenso. May kasama itong kutsarita upang makapaglagay ng
kamanyang/insenso sa insensaryo. Incense boat ang tawag dito sa
wikang Ingles dahil sa hugis bangka ang lalagyang ito.

Ostensoryo (monstrance o ostensorium)


Ito ay sisidlan ng malaking ostiyang itinalaga sa Misa (Banal na
Sakramento) para sa pagtatanghal at pagbabasbas sa pamamagitan ng
Banal na Sakramento.
Ang tawag dito ay hango sa mga salitang Latin na monstrare o
ostenderena ang kahulugan ay ipakita.

Pinggang Pansalo sa Maaaring Malaglag na Ostiya sa Komunyon


(Communion Plate)
Ginagamit ito upang saluhin ang mga mumo/mugmog na nalalaglag sa
pagbabahagi ng komunyon. Hawak ito ng mga tagapaglingkod sa ilalim
ng baba ng nangongomunyon o sa may ilalim ng kamay kung sa
paraang ito niya tatanggapin ang komunyon.

17 | P a g e
Bell
Ginagamit ito ng mga tagapaglingkod upang matawag ang pansin ng
mga nagsisimba at ituon nila ang kanilang pansin sa ginagawa sa
dambana, lalo na sa mahahalagang bahagi nito.

Matraka
Ito ay kahalili ng bell mula pagkatapos ng pag-awit ng Papuri sa Misa
sa Huling Hapunan sa Huwebes Santo hanggang bago ipagdiwang ang
Misa ng Pasko ng Muling Pagkabuhay sa gabi ng Sabado Santo.

Seryales
Ito ay binubuo ng isang krus at dalawang kandila na nakalagay sa
mahabang kahoy (o bakal), at ginagamit upang pangunahan ang mga
prusisyon.
Ang tawag dito ay hango sa salitang Kastila na cirio na ang kahulugan
ay malaking kandila.

Mga Kandilang Pamprusisyon (Processional Candles)


Ito ay matayog at magkaparis na lalagyan at kandilang dinadala ng
dalawang lingkod dambana sa pagprusisyon sa simula at wakas ng
Misa, gayundin sa pagpapahayag ng Mabuting Balita (kung hindi
panahon ng Pagkabuhay na Muli ng Panginoon) at sa pagtatalaga ng
tinapay at alak bilang Katawan at Dugo ni Kristo.

Patungan ng Sakramentaryo/ Misal (Sacramentary/ Missal Stand)


Ito ay inilalagay sa ibabaw ng dambana habang inihahanda ang mga
alay upang siya namang patungan ng sakramentaryo.

18 | P a g e
Mga Kandila sa Dambana (Altar Candles)
Ito ay mga kandilang nakalagay sa dambana o sa paligid nito bilang
sagisag ng ating pananampalataya sa pananatili ni Kristo sa ating
sambayanan lalo na sa ginaganap na pagdiriwang.

Ilaw sa Santuwaryo (Sanctuary Lamp)


Ito ay isang ilawang inilalagay malapit sa tabernakulo na
nananatiling may sindi kapag may laman itong Banal na
Sakramento.

Munting Hapag ng mga Kagamitan (Credence Table)


Ito ay isang maliit na hapag na matatagpuan sa may gilid ng
dambana at naglalaman ng mga gamit sa Misa tulad ng kalis,
binahera, mga siboryo at iba pa.

Kandila ng Pagkabuhay (Paschal Candle)


Ito ay ang kandila na sumasagisag sa Pagkabuhay na mag-uli ng
Panginoon. Ginagamit ito sa Panahon ng Pagkabuhay ng Panginoon,
sa pagdiriwang ng Binyag at sa misa para sa Yumao.

19 | P a g e
MGA BANAL NA LINEN (Sacred linen)
Sapagkat si Jesus ay hindi lamang ang nag-aalay at iniaalay, kundi ang mismong
dambanang pinag-aalayan, ang dambana ay pinapatungan (o dinadamitan) din ng telang linen;
kung paanong siya ay binabalot din ng kayong lino bago siya ilibing (tingnan sa Marcos 15:46).

Mantel na Pantakip sa Dambana (Altar Cloth)


Ang puting telang linen na ginagamit na pantakip sa dambana.

Antependium
Pantakip sa dambana na may mga dekorasyon at nakaladlad
sa harapan ng dambana. Karaniwang taglay nito ang kulay ng
pagdiriwang. Mas mainam na ang antependemdium ay maiksi
lamang at hindi natatakpan ang harapan ng dambana.

Telang Patungan ng Kalis at Lalagyan ng Tinapay (Corporal)


Ang hugis parisukat na piraso ng telang linen na tinitiklop sa tatlong
bahagi pahalang at pababa (sagisag ng Santisima Trinidad), at ang
karayagan ay dapat na nasa loob kapag tinitiklop. Nagmula ang
ngalang ito sa salitang Latin na ‘corpus’, na nag ibig sabihin ay
katawan, dahil ito ang pinapatungan ng kalis at mga ostiya na
itinatalaga sa Misa bilang Katawan ni Kristo. Mayroon itong krus (+)
sa gitna.

Purificador o Pamahiran para sa Kalis (Purificator)


Ang linen na ginagamit upang tuyuin at punasan at linisin ang mga
bagay na ginamit sa Misa, na siya ring ibig sabihin ng pangalan nito
sa wikang Ingles at Kastila. Mayroon itong krus (+) sa gitna. Naiiba
ang purificator sa paraan ng pagtutupi nito (nasa labas ang
karayagan).

20 | P a g e
Pamunas ng kamay (Towel)
Isang piraso ng linen/bimpo na ginagamit upang tuyuin ang kamay ng
pari sa paghuhugas niya ng kamay matapos maihanda ang mga alay
o matapos magpakomunyon

MGA BANAL NA KASUOTAN (sacred vestments)


Kung itatanong natin sa karamihan kung paano nila nakikilala ang pari, sasabihin nila,
dahil sa suot nitong mahabang puting damit, at kung itatanong pa nga sa ilan, ang isasagot nila ay
ang mahabang kasuotan nito sa Misa na may iba-ibang kulay.
Mahalaga rin ang kasuotan ng mga naglilingkod sa dambana.
Panali sa Baywang, Pamigkis o Sinturon (cincture)
Ito ay mala-lubid na taling ginagamit upang maiayos ang
pagkakasuot ng alba dahil ang yari nito ay may kaluwangan. Maaari
nitong taglayin ang kulay na hinihingi ng pagdiriwang.

Estola (stole)
Makitid at mahabang balabal na isinusuot ng Obispo, pari at
diyakono sa pagdiriwang ng liturhiya. Ito ay sagisag ng kanilang
pamumuno. Ito ay isinusuot ng Obispo at pari sa paligid ng leeg at
ang laylayan ay nakaladlad sa harap ng dibdib. Sa mga diyakono, ito
ay isinusuot mula sa kaliwang balikat, pararaanin sa harap ng dibdib
at sa likod upang pag-abutin sa kanang baywang. Tinataglay nito ang
kulay na hinihingi ng pagdiriwang.

21 | P a g e
Mahabang Balabal o Kapa (cope)
Ang damit na ginagamit ng pari sa pagprusisyon gaya ng
Candelaria at Linggo ng Palaspas, at sa pagtatanghal ng Banal na
Sakramento, sa halip na kasulyang ginagamit sa Misa.

Belong Pambisig/ Belo Humeral (Humeral veil)


Kasuotan para sa pagdadala sa prusisyon, at pagbabasbas
sa sambayanan, taglay ang Banal na Sakramentong nakalagay sa
Ostensoryo.

Sobrepelis (Surplice)
Kasuotang ipinapatong sa ibabaw ng sotana, lalo na tuwing
naglilingkod. Ito ay damit na may habang hanggang sa may tuhod,
at mas maluwang kaysa sutana.

Dalmatika (dalmatic)
Ang kasuotang ito ay para lamang sa mga diyakono, isinusuot sa
ibabaw ng alba at estola. Ang ngalan nito ay tinatayang mula sa
lugar na pinagmulan nito, ang Dalmatia.

Kasulyang Alba (Chasuble-Alb)


Ito ay isang alba rin na niyaring may higit na kaluwagan upang
magmukha ring kasulya, at karaniwang nagagamit ng pari upang
magsilbing alba at kasulya na rin.
Marcos 9:3 …nagningning ang kanyang kasuotan na naging
putting-puti, anupa’t walang makapagpapaputi ng gayon.

22 | P a g e
Kasulya (chasuble)
Ito ang panlabas na kasuotan ng pari tuwing magmimisa. Maaari
itong magtaglay ng kulay na hinihingi ng panahon ng liturhiya ng
simbahan, o ng kulay na hinihingi ng ipinagdiriwang na panahon o
rituwal.

Mahabang Puting Damit o Alba (alb)


Ito ay puting damit (panloob ng pari kung nagmimisa), mahaba at
maluwang ang manggas at hanggang sakong. Ito ang kasuotang para
sa lahat ng tagapaglingkod na kabilang sa anumang orden.

Sotana (cassock)
Ito ay mahabang kasuotan na siyang tanda ng katayuan ng mga
tagapaglingkod ng simbahan o ng isang seminarista. Dati, ito ang
pangkaraniwang kasuotan ng pari. Ang tawag dito ay hango sa
salitang Latin na subtanea, dahil sa opisyal na gawain sa liturhiya,
ito ay pinapatungan ng surplice o alba kaya nagiging damit na pang-
ilalim.

MGA KULAY SA LITURHIYA AT PANAHON NG PAGGAMIT


Puti (White)
Sagisag ng tagumpay at kawalang-kamalayan. Ginagamit ito sa mga pagdiriwang para sa
ating Panginoon, kay Maria, San Juan Ebanghelista, kapistahan ng lahat ng mga Banal, at sa mga
banal na hindi martir. Ito rin ang ginagamit sa pagdiriwang ng Sakramento ng Binyag, Unang
Komunyon, pag-iisang dibdib, Misa para sa mga Maysakit, Banal na Orden, at sa pagdiriwang ng
mga pagbabasbas maliban sa yumao.
Luntian o Berde (Green)
Sagisag ng buhay at pag-asa. Ginagamit ito sa karaniwang panahon sa kalendaryo ng
simbahan.
Lila (Purple or Violet)
Sagisag ng kalungkutan at pagsisisi. Ginagamit ito sa panahon ng Adbiyento at
Kuwaresma, maging sa mga Misa para sa Yumao, sa pagdiriwang ng Sakramento ng Pagbabalik-
loob sa Diyos (o Kumpisal).

23 | P a g e
Pula (Red)
Sagisag ng walang hanggang pag-ibig ng Panginoon. Ginagamit ito tuwing Pentekostes at
mga Misa sa karangalan ng Espiritu Santo at sa pagdiriwang ng Sakramento ng Kumpil. Dahil ito
rin ay kakulay ng dugo, ginagamit din ito sa Linggo ng Palaspas, Biyernes Santo, at mga Misa sa
karangalan ng mga apostol at ng mga banal na martir, na namatay sa pamamagitan ng pagdanak
ng kanilang dugo.
Rosas (Rose or Pink)
Sagisag ng tuwa at galak. Ginagamit itong kahalili ng lila tuwing ikatlong Linggo sa
panahon ng Adbiyento (gaudete) at tuwing ikaapat na Linggo sa panahon ng Kuwaresma (Laetare).
Ginto (Gold)
Sagisag ng paghahari ng Panginoon. Ginagamit itong kahalili ng puti sa mga higit na
maringal na pagdiriwang gaya ng kapistahan ng patron ng isang parokya, o Ordinasyon.
Itim (Black)
Sagisag ng labis na kalungkutan. Maaaring gamitin sa Misa patungkol sa mga yumao.

MGA AKLAT NA GINAGAMIT SA MISA

Aklat ng Pagmimisa o Sakramentaryo (Sacramentary)


Ang aklat na naglalaman ng lahat ng panalangin sa Misa sa anumang
pagkakataon.
Aklat ng Salita ng Diyos o Leksyonaryo (Lectionary)
Ang aklat na naglalaman ng lahat ng mga pagbasang ipinahahayag sa
Misa: Unang Pagbasa, Salmong Tugunan, Ikalawang Pagbasa, at
Mabuting Balita.
Ito ang ginagamit ng Lektor sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos, hindi
ang misal.
Aklat ng Mabuting Balita o Ebanghelaryo (Book of Gospels or
Evangelarium)
Ang aklat na naglalaman ng Mabuting Balita na ipinahahayag ng pari o
diyakono tuwing araw ng Linggo, mga kapistahan at ng iba pang
pagdiriwang na kaugnay ng Misa.Ito ay dinadala ng Diyakono sa
prusisyon sa pasimula ng Misa, ngunit maaari rin naming dalhin ng
Lektor kung walang Diyakono. Dapat ding tandaaang tanging ito

24 | P a g e
lamang ang aklat na dinadala sa prusisyon; hindi ang leksyonaryo, misal, o kahit ang Banal na
Kasulatan.

Misal sa Panahon ng Adbiyento at Pasko


Ang aklat na naglalaman ng lahat ng panalangin at pagbasa sa mga
Misang ipinagdiriwang sa panahon ng Adbiyento at Pasko.

Misal sa Panahon ng Kuwaresma at Pagkabuhay


Ang aklat na naglalaman ng lahat ng panalangin at pagbasa sa mga
Misang ipinagdiriwang sa panahon ng Kuwaresma at Pagkabuhay.

Misal sa Karaniwang Panahon


Ang aklat na naglalaman ng lahat ng panalangin at pagbasa sa mga Misang
ipinagdiriwang sa Karaniwang Panahon. May dalawang aklat ito. (1-13;
14-34) Week in ordinary time

Misal para sa Hanay ng mga Banal


Ang aklat na naglalaman ng lahat ng panalangin at pagbasa sa mga Misang
ipinagdiriwang sa karangalan ng mga banal.

Maliit na Misal (missalette)


Maliit na aklat na naglalaman ng mga panalangin, pagbasa at awit para sa
mga Misa sa nakatakdang hanay ng panahon.

Ordo
Ang taunang kalendaryo ng simbahan na naglalaman ng araw ng mga
kapistahan, gayundin ng iba pang mga gawain ng simbahan. Dito rin
nababatid ang mga kinakailangang kulay, pagbasa, awit at ilan pang
Gawain kaugnay ng liturhiya ng simbahan.

25 | P a g e
Collectio Rituum
Nilalaman nito ang mga panalangin at tagubilin sa mga rituwal, gaya ng
pagbabasbas ng mga sasakyan, at sa mga pagkakataong magdiriwang ng
Sakramento nang labas sa pagdiriwang ng Banal na Misa.
Aklat ng Pagdiriwang ng Pag-iisang Dibdib
Aklat na ginagamit sa pagdiriwang ng Sakramento ng Pag-iisang-dibdib o
Kasal.

Aklat ng Pagmimisa sa Paglilibing


Aklat na ginagamit sa pagdiriwang ng Misa para sa mga yumao.
Matatagpuan ditto ang mga pagbasa at panalanging gagamitin sa
pagdiriwang ng Misa sa Paglilibing ng yumaong Kristiyano, o sa Misa o
panalanging patungkol sa mga yumao.

26 | P a g e
MODULE 6-
PANGUNAHING KILOS AT GAWI
Nalalaman ng isang lingkod dambana ang lahat ng natatanging gawi at kilos sa bawat pagdiriwang.
Ang pangunahing kilos at gawi ay inaasahan sa tagapaglingkod sa kanyang aktibong pakikibahagi
sa pagdiriwang. Nararapat lamang para sa isang tagapaglingkod na makita sa kanyang pagkilos at
gawi na siya ay nakikiisa sa gawaing pangliturhiya. Bilang tagapaglingkod, inaasahan sa kanya
ang tamang pag-kilos bago, habang at pagkatapos ng bawat pagdiriwang.

ANG MGA KAMAY:


-Panatilihin ang kalinisan ng mga kamay at kuko. Kaugnay nito, kailangang
maghugas muna ng kamay ang bawat lingkod dambana bago gampanan ang
tungkulin sa dambana.
-Palaging nasa anyo ng panalangin.
-Kung may hawak na gamit ang isang kamay, ugaliing ilagay ang kabilang
kamay sa dibdib.
-Sa tuwing nakaupo, ilagay ang mga kamay sa ibabaw ng hita.

SA TUWING NAKATAYO:
-Nakatayo ng tuwid at hindi nakatungo.

SA TUWING NAGLALAKAD:
-Maglakad ng may paggalang na ang mga kamay ay nasa anyo ng
pananalangin.

SA TUWING NAKAUPO:
-Kapag nakaupo, ugaliin na naka-upo ng tuwid na ang mga kamay ay
nakapatong sa hita at mga paa’y nakalapat sa sahig.
PAGLUHOD:
-Balanse ang pagluhod na ang kamay ay nasa anyo ng panalangin at mga
paa’y tuwid.

Genuflecting:

• Single Genuflecting
• Double Genuflect
Bowing:
• Shoulder Bow
• Waist Bow

27 | P a g e

You might also like