You are on page 1of 26

Gabay sa pagbubuo ng Katekesis

para sa Pampublikong Mababang Paaralan


Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila
Research, Planning and Development Office
Revised 2010

Anyaya ni Jesus: Halina sa Ama, sa pamamagitan Ko at


sa patnubay ng Espiritu Santo
Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang
Buhay, walang makakarating sa Ama kundi
sa pamamagitan Ko. (Juan 14:6)
(Ang mga katagang ito ng Panginoong Jesus ang siyang
naging inspirasyon sa pagpili ng titulo ng syllabi na ito.)
PANGKALAHATANG LAYUNIN
Ninanais ng syllabina ito ang i p a h a y a g a n g M i s t e r y o n g Pagkakatawang Tao ni
Jesukristo,
ang Bugtong na Anak ng Ama at tanging Tagapagligtas, hindi lamang ang ipakilala
kundi iugnay
sa matalik na pakikiisa ang mga tao sa Kanya (NCDP 2007,#121), na Siya lamang ang
mag-aakay sa
atin na mahalin ang Ama kasama ng Espiritu Santo at magbahagi sa atin
n g b u h a y n g B a n a l n a Santatlo (KIK 426).
DAGLAT [ ABBREVIATIONS ]
NCDP - National Catechetical Directory for the Philippines
KIK - Katesismo ng Iglesia Katolika
KPK - Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko
PCP II - Second Plenary Council of the
Philippines Vatican Council II
[ The Conciliar and Post Conciliar Documents ]
GS - Gaudium et spes
( Pastoral Constitution on the Church
in the Modern World )
SC - Sacrosanctum concilium
( The Constitution on the Sacred Liturgy )
LG - Lumen Gentium ( Dogmatic Constitution on the Church )
DV - Dei verbum
( Dogmatic Constitution on Divine Revelation )

IKA-LIMANG BAYTANG
PAKSA 1: KAHANGA-HANGA ANG DIYOSNA LUMIKHA NG LAHAT!
PAKSA 2: JESUS DAKILANG TANDA NG PAG-IBIGNG DIYOS AMA
PAKSA 3: ESPIRITU SANTO NANANAHAN SA ATIN
PAKSA 4: BANAL NA KASULATAN TANDANG PAG-IBIG NG DIYOS
PAKSA 5: SIMBAHAN BILANG SAKRAMENTO NG KALIGTASAN
PAKSA 6: MGA SAKRAMENTO: PAGDIRIWANG NGMAPANLIGTAS NA
PAG-IBIG NG DIYOS
PAKSA 7: MGA SAKRAMENTAL: MGA BANAL NA TANDA . 154
PAKSA 8: BINYAG PAGDIRIWANG NGBAGONG BUHAY KAY JESUS
PAKSA 9: SA KUMPIL NAGIGING GANAP ANGATING PAGIGING
KRISTIYANO
PAKSA 10: BANAL NA EUKARISTIYA:SAKRAMENTO NG
PAGMAMAHALAN
PAKSA 11: SAKRAMENTO NG PAKIKIPAGKASUNDO, PAGDIRIWANG
NG PAGPAPATAWAD NG DIYOS
PAKSA 12: SAKRAMENTO NG PAGPAPAHID NG LANGIS SA MAYSAKIT:
PAGPAPAGALING NI JESUS
PAKSA 13: SAKRAMENTO NG KASAL:TAWAG SA KABANALAN

PAKSA 14: SAKRAMENTO NG BANAL NA ORDEN: TAWAG


SA PAGLILINGKOD SA BAYAN NG DIYOS.
PAKSA 15: SANTA MARIA, PINARANGALAN NG DIYOS, PARANGALAN
DIN NATIN SIYA
PAKSA 16: BUNGA NG PAGTANGGAP SA MGA SAKRAMENTO:
BUHAY NA WALANG-HANGGAN
1

PAKSA 1: KAHANGA-HANGA ANG DIYOS NA LUMIKHA NG LAHAT!


LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Makikilala na ang Diyos ang lumikha ng lahat.
Makakapagpakita ng mga gagawing pag-aalaga sakalikasan.
Makakapag-alay ng papuri sa Diyos na may likhang lahat .
SITWASYON NG BUHAY: Pagbibilang ng mgabiyayang natatanggap sa arawaraw.Ano kahalagahan nito sa ating buhay? Saan nanggagaling ito?
( Halimbawa: 3 pinakamahalagang tao sa buhay mo,3 importanteng bagay na
mayroon ka, 3 pinakagusto at pinakamasarap na nakain mo)
KAHALAGAHAN : Pagpapahalaga o paghanga sa mga
kaloob ng Diyos (appreciation)
SALITA NG DIYOS : Salmo 145: 1-13
Dakila si Yahweh, at karapat-dapat na Siyay purihin; ang kadakilaan niya ay
mahirap nating unawain.
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Pagsamba : Sa Banal na Eukaristiya, pinupuri atpinasasalamatan natin ang Diyos
Amang may likha ng lahat, sapamamagitan ni Kristo, kaisa ngEspiritu Santo.
(KPK 349,1682;1683,1687; Eucharistic Prayer no. 2)
143
Katotohanan : Ang Diyos Ama ay Manlilikha, Siya ang pinagmumulan ng lahat
ng biyaya. (KIK 279; KPK 271,300)
Pagsasabuhay : Sa ating patuloy na pagpapahalaga,paghanga at mabubuting
pangangalaga sa mga nilikha ng Diyos niluluwalhati natinSiya.
(KPK 348; KIK 307)
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan : Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
na may gawa ng langit at lupa.
Pagtatalaga : Itala ang mga gagawin kung paano ipakikita ang pagpupuri at
patuloy na paghanga at pangangalaga sa mga nilikha ng Diyos.

Pagdiriwang : Awit: Kahanga-hanga


Panalangin: Papuri sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo O gumawa ng sariling
panalangin ng pasasalamat at pagpupuri sa Diyos.
144
PAKSA 2: JESUS DAKILANG TANDA NG PAG-IBIG NG DIYOS AMA
LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Makikilala si Jesus ang dakilang tanda ng pag-ibig ng Ama.
Mahahamon na mag-ipon ng 25 sentimos para sa Pondo ng Pinoy bilang tanda
ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.
Makakapagbigay ng papuri sa Diyos.
SITWASYON NG BUHAY : Mga bagay, salita at kilos na ginagawa o sinasabi
bilang pagpapadama ng pagibig sa iba. Mga tanda ng pagmamahal ng Diyos:
Materyal na tanda: bagay: pagkain, atbp.
tao: magulang, atbp.
Espiritwal na tanda: pagpapatawad ng kasalanan, atbp. Masasabi mo bang mahal
ka ng Diyos? Bakit?
KAHALAGAHAN: Tanda ng pagmamahal
SALITA NG DIYOS: Juan 3:16
Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay Niya ang
Kanyang bugtong na Anak.
1 Juan g4: 9-11 Inihayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang suguin
Niya ang Kanyang bugtong na Anak
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Katotohanan : Si Jesus ang pinaka-naunang sakramento at dakilang tanda ng
pag-ibig ng Diyos Ama. (Juan 3:16; KPK 1524,1526)
145
Pagsamba: Sa pagdiriwang natin ng mga Sakramento patuloy nating
tinatanggap ang pag-ibig at pagliligtas ng Diyos. (KPK 1531, 1519, 1525)
Pagsasabuhay : Tinatawag tayo na maging tanda din ng pagmamahal ng Diyos sa
iba. (Juan 15:12). (I-integrate diwa ng Pondo ng Pinoy : Pag-ibig ng Panginoon,
Pag-asa ng mga Pilipino)

TUGON NG PANANAMPALATAYA:
Paninindigan : Naniniwala ako na si Jesus ang pinaka-naunang sakramento at
dakilang tanda ng pag-ibig ng Diyos Ama.
Pagtatalaga : Kaya ba ninyong mag ipon ng 25 sentimos araw-araw para sa Pondo
ng Pinoy sa loob ng isang buwan at ialay sa inyong buwanang Misa o Misa para sa
mga bata sa inyong Parokya. Pagdalo sa Banal na Eukaristiya na kung saan ay
patuloy nating tinatanggap ang pag-ibig ni Jesus.
Pagdiriwang : Papurihan natin ang Diyos na walang sawang nagmamahal sa atin.
Iaalay natin sa Kanya ang awit na ito : Purihit Pasalamatan Koro & V 2 (Songbook
Bayan Umawit # 126)
146
PAKSA 3: ESPIRITU SANTO NANANAHAN SA ATIN
LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Mauunawaan na ang Espiritu Santo ay nananahan sa atin.
Mahahamong makapaglaan ng oras upang ipakita ang pag-ibig sa kapwa.
Makakagawa ng panalangin at makakapagdasal sa Espiritu Santo.
SITWASYON NG BUHAY: Kuwento ng mga taongnagpakita ng dakilang pagibig sa Diyos at kapwa.
[ Hal. Kwento ni San Tarcisius, Mother Teresa, Sahjid Bulig, Rhona Mahilum]
Karanasan ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa sa kabila ng mga pagsubok at balakid.
Sino ang nagbibigay sa atin ng kakayahang na magmahal?
KAHALAGAHAN: Pagmamalasakit sa kapwa
SALITA NG DIYOS: 1 Corinto 3:16-17
Hindi ba ninyo alam na kayoy templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang
Kanyang Espiritu.. Roma 5: 5 Sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa
ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin.
147
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Katotohanan: Tayo ay templo ng Diyos at nananahan sa atin ang Espiritu Santo.
(KIK 797, 813,809, Juan 14:17)
Pagsamba: Sa Sakramento ng Binyag, nananahan sa atin ang Espiritu Santo at sa
Kumpil pinagkakalooban tayo ng di karaniwang lakas ng Espiritu Santo.

(KPK 1626-1628)
Pagsasabuhay: Nagagawa nating ibigin ang Diyos, at ibigin ang lahat ng tao sa
pamamagitan ng Espiritu Santo.
( KPK 972 ; mga kawanggawang pangkatawan ; KPK 1311)
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan : Naniniwala ako na tayo ay templo ng Espiritu Santo.
Pagtatalaga : Magtala ng mga gagawing pagtulong sa kapwa. Maglalaan ako ng
oras sa pananalangin sa Espiritu Santo upang magkaroon ng kakayahang umibig
sa Diyos at sa kapwa. Gumawa ng panalangin para sa Espiritu Santo.
Pagdiriwang : Awit: Come Holy Spirit
14
PAKSA 4: BANAL NA KASULATAN TANDA NG PAG-IBIG NG DIYOS
LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Mauunawaan na ang Banal na Kasulatan ay tanda ng pag-ibig ng Diyos.
Makakapaglaan ng oras sa pagbabasa ng Biblia at mahamong isabuhay ang
mensahe nito.
Mabibigyan ng paggalang at parangal ang Banal na Kasulatan.
SITWASYON NG BUHAY: Karanasan sa pagbabasa, paghawak sa Biblia.
Ano ang paborito mong teksto mula sa Biblia?
Ano ang mga alam mong aklat sa Biblia?
Maaring magbigay ng maikling pagsusulit ukol ditto (short bible quiz)
KAHALAGAHAN: Pagbabasa ng Biblia
SALITA NG DIYOS: 2 Timoteo 3:16-17
Lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng
katotohanan
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Katotohanan : Ang Banal na Kasulatan ay kinapapalooban ng Salita ng Diyos,
nasusulat dito ang kasaysayan ng pag-ibig ng Diyos sa tao.
( Vatican II DV 24; KIK 135; KPK 69-70)

149
Pagsasabuhay : Sa pagbabasa at pakikinig sa Salita ng Diyos ay natutulungan
tayo na ibigin ang Diyos at ang ating kapwa. (KIK 141; KPK 112)
Pagsamba : Sa Liturhiya ng Salita ng Diyos, sa Banal na Eukaristiya, patuloy
nating naririnig ang salita ng pagmamahal ng Diyos. (Vatican II SC 33; KPK 87)
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan : Naniniwala ako na ang ang Banal na Kasulatan ay kinapapalooban
ng Salita ng Diyos, nasusulat ditto ang kasaysayan ng pag-ibig ng Diyos sa tao.
Pagtatalaga :
1. Sikaping magkaroon ng Bibliyasa bahay.
2. Maglaan ng oras o panahon nabasahin ang Bibliya.
3. Magsimba tuwing araw ngLinggo at makinig sa Salita ng Diyos.
4.Magtala ng mga gagawin bilangpagsasabuhay sa mensaheng narinig
sa Salita ng Diyos.
Pagdiriwang : Pagluluklok ng Bibliya
Aawitin: Gabay at Buhay/ Wika Moy aming Dinggin
150

PAKSA 5: SIMBAHAN BILANG SAKRAMENTO NG KALIGTASAN


LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Maliliwanagan na ang Simbahan ay Sakramento (tanda) ng kaligtasan.
Makakapagplano ng mga gagawin upang maipakita na sila ay asin at ilaw ng
sanlibutan.
Makakapagpasalamat sa Diyos sa biyaya ng Simbahan bilang Sakramento ng
kaligtasan.
SITWASYON NG BUHAY: Pagkaunawa ng batang nasa ikalimang baitang sa
salitang Simbahan. Bakit may Simbahan? Sino ang nagtatag at paano naitatag ang
Simbahan? Naranasan na ba ninyo sa inyong sarili ang pagtulong ng Simbahan?
Ano ba talaga ang misyon ng Simbahan?
KAHALAGAHAN : Misyon ng Simbahan

SALITA NG DIYOS : Mateo 28:19-20


Kaya humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng bansa, binyagan
silaituro.
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Katotohanan : Itinatag ni Kristo ang Simbahan upang ipagpatuloy ang
mapanligtas na misyon sa daigdig. (KPK 1412,1448 ; KIK 780)
151
Pagsasabuhay : Ang bawat kasapi sa Simbahan ay tinatawagang maging asin at
ilaw ng sanlibutan. ( KPK 1415-1416
ikalawang talata ; Mateo 5:13-14; KIK 782 pampitong talata, KIK 849)
Pagsamba : Sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya, ang Simbahan ay samasamang nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos Ama sa kaligtasang dulot ni Kristo
kaisa ng Espiritu Santo. (KIK 1358-1360 ; KPK 1696)
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan : Naniniwala ako na ang Simbahan ay Sakramento ng kaligtasan.
Pagtatalaga : Magplano ng mga gagawin sa loob ng isang linggo upang maipakita
na ikaw ay asin at ilaw sa inyong tahanan, paaralan at pamayanan.
Pagdiriwang : Panalangin ng pasasalamat sa Diyos para sa Simbahan.

PAKSA 6: MGA SAKRAMENTO: PAGDIRIWANG NG MAPANLIGTAS


NA PAG-IBIG NG DIYOS
15
LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Malalaman ang kahulugan ng mga Sakramento.
Maipapahayag ang pananampalataya sa mga Sakramento sa pamamagitan ng
pagtatala ng mga Sakramentong malimit na tatanggapin.
Makakapagpuri sa Diyos sa pag-awit ng Isang Bansa.
SITWASYONG NG BUHAY : Karanasan sa pagdalo sa mga ibat-ibang
Sakramento ng Simbahan. Ilahad ang mga Sakramento ng Simbahan at magbigay
ng maikling kahulugan ng bawat isa. Bakit kailangan ang mga Sakramento?
KAHALAGAHAN : Pagtanggap sa mga Sakramento

SALITA NG DIYOS: 1 Juan 4:9


Inihayag ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin nang suguin Niya ang Kanyang
bugtong na Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan Niya.
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Pagsamba : Ang mga Sakramento ay pagdiriwang ng mapanligtas na pag-ibig ng
Diyos. ( KPK 1518; 1524-1525; KIK 1131 )
153
Katotohanan : Si Jesus sa Kanyang pagiging tao ay ang Sakramento ng
mapanligtas na pag-ibig ng Diyos para sa lahat, ang Simbahan ay ang Sakramento
ni Jesus, at ang pitong Sakramento ay mga Sakramento ng Simbahan.
(KPK 1524-1526 )
Pagsasabuhay : Sa pagtanggap ng mga Sakramentong may pananampalataya ay
unti-unti tayong hinuhubog sa pagiging kawangis ni Kristo. ( KPK 1529-1531)
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan : Naniniwala ako na si Jesus sa kanyang pagiging tao ay ang
Sakramento ng mapanligtas na pag-ibig ng Diyos para sa lahat.
Pagtatalaga : Gumawa ng talaan kung gaano kadalas tatanggapin ang mga
Sakramento.
Hal. Binyag- minsanan,
Kumpil- minsanan .....
Eukarisitya lingo-lingo
Pagdiriwang : Awit: Isang Bansa

PAKSA 7: MGA SAKRAMENTAL: MGA BANAL NA TANDA


LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Mauunawaan na ang mga Sakramental ay mga banal na tanda.
Mapapahalagahan at igagalang ang mga Sakramental.
Makikiisa sa Panalangin ng Pasasalamat sa biyaya ng Sakramental
SITWASYON NG BUHAY: Karanasan sa pagsusuot ng eskapularyo, pagdarasal
ng rosaryo...at paggamit ng iba pang mga Sakramental.

SALITA NG DIYOS: Markos 8 : 22 26


( pinagaling ni Jesus ang bulag )
Dinala kay Jesus ang isang bulag ... ipinamanhik na hipuin ito...niluran sa mata,
ipinatong ang kanyang kamay... muling hinipo ni Jesus ang mga mata ng bulag
nanumbalik ang kanyang paningin Markos 5:25-34 (Pinagaling ni Jesus ang Isang
Babae) Mahipo ko lang ang kanyang damit ay gagaling na ako.
KAHALAGAHAN : Pagpapahalaga at pagbibigay galang sa mga Sakramental
155
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Katotohanan : Ang mga Sakramental ay mga banal na tanda. Ito ay mga bagay ,
kilos, kinagawian, lugar at iba pa, na tumutulong sa ating makita ang presensiya ni
Kristo na pinagmumulan ng biyaya. ( KIK 1667 - 1671 ; KPK 1532 & 1578 )
Pagsamba : Sa paghahanda natin sa pagdiriwang ng mga Sakramento,
ipinagpapatuloy ng mga Sakramental ang mga gawain ng Sakramento .
( KPK 1533 )
Pagsasabuhay : Sa ating paggalang at tamang paggamit ng mga Sakramental
tinutulungan tayo upang higit na maging mabunga ang pagtanggap natin ng mga
Sakramento at pinababanal tayo sa ating pang-araw-araw na buhay.
( KPK 1532 ; KIK 1677 )
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan : Naniniwala ako na ang mga Sakramental ay tumutulong sa atin na
makita ang presensiya ni Kristo na pinagmumulan ng biyaya.
Pagtatalaga : Itala ang mga sakramental na mayroon ka sa bahay. Pahahalagahan
at igagalang ko ang mga Sakramental ng Simbahan.
Pagdiriwang : Panginoon , salamat sa mga Sakramental na ipinagkaloob sa
amin ng Simbahan. Sa pamamagitan nito ay nakikita namin ang iyong pananatili,
at sa tulong nito kami ay nagiging banal.
PAKSA 8: BINYAG PAGDIRIWANG NG BAGONG BUHAY KAY
LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Maipapahayag na ang bagong buhay na tinatanggap natin sa Sakramento ng
Binyag, ay pakikibahagi natin sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo.

Makakapagtala ng mga gagawin bilang pagsasabuhay sa mga binhing tinanggap


sa Binyag.
Makakapagsariwa ng mga pangako noong bininyagan.
SITWASYONG NG BUHAY : Talakayan: Madaling maging kristiyano subalit
mahirap magpaka-kristiyano
KAHALAGAHAN: Ang pagiging kristiyano
SALITA NG DIYOS: Ikuwento : Si Jesus at si Nicodemo Juan 3:1-7
...Maliban na ang taoy ipanganak sa tubig at espiritu
hindi siya paghaharian ng Diyos.
2 Corinto 5:17 Kayat ang sinumang nakipag-isa kay Kristo ay isa nang bagong
nilalang. Wala na ang dating pagkatao; siyay bago na.
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Pagsamba : Sa Sakramento ng Binyag ay sinisilang tayo sa bagong buhay kay
Kristo..(KIK 1216,1277,1426; KPK1604, 1598, 1599 No. 6)
( Ipaliwanag dito ang ritu at simbulo na ginagamit sa binyag.)
Katotohanan : Ang bagong buhay na tinatanggap natin sa Sakramento ng Binyag
ay pakikibahagi natin sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo.
(KPK 1604, 1599 #6)
Pagsasabuhay : Bilang binyagan, tinatawagan tayong makibahagi sa banal na
buhay ng Diyos sa pamamagitan ng pagiging mabuting kristiyano .
(KIK 1266 ; KPK 1615)
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan : Naniniwala ako na ang bagong buhay na tinanggap ko sa
Binyag ay pakikibahagi ko sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo.
Pagtatalaga : Paano mo maisasabuhay ang mga binhi ng pananampalataya, pagasa
at pag-ibig na tinanggap mo sa Sakramento ng Binyag ? Magtala ng mga
konkretong gagawin mo para sa isang linggong darating.
Pagdiriwang : Awit: Isang Pananampalataya
Pagsasariwa ng Pangako sa Binyag

Awit: ANG PITONG SAKRAMENTO .BOW !


( Fr. Carlo Magno S. Marcelo at mga katekista ng Arkidiyosesis ng Maynila )
BINYAG
Sa Binyag natamo ang kaligtasan
Pagmamahal ng Diyos ay nakamtam
Si Hesus kapatid, kaibigan ;
Espiritung tanglaw kailanman.
Salamat, salamat, O Ama,
Sa iyong bigay na biyaya
Kami naway magkaisa
Sa ngalan mo, Poon, aming Ama.

PAKSA 9: SA KUMPIL NAGIGING GANAP ANG ATING PAGIGING


KRISTIYANO
LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Malalaman na tinatanggap natin ang mga kaloob ng Espiritu Santo sa
Sakramento ng Kumpil upang maging ganap ang mga biyayang tinanggap natin sa
Binyag.
Makakapagbigay ng mga gagawin sa araw-araw bilang pakikibahagi sa 3
Misyon ni Kristo.
Makakapanalangin ng buong puso sa Espiritu Santo.
SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng pagiging makasarili at maka-kapwa
tao o maka-iba ( may puso sa iba)
KAHALAGAHAN: Pagbibigay ng sarili sa iba
SALITA NG DIYOS: Gawa 8: 14- 17
At ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa kanila at tumanggap sila
ng Espiritu Santo
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Pagsamba : Sa pagtanggap ng Sakramento ng Kumpil ay pinalalakas at
binibigyan tayo ng kapangyarihan ng Espiritu Santo upang aktibong
maipalaganap ang pananampalataya. (KIK 1285; KPK 1626)
( Ipaliwanag ang ritu at simbolo na ginagamit sa kumpil)

159
Katotohanan : Tinatanggap natin ang mga kaloob ng Espiritu Santo sa
Sakramento ng Kumpil upang maging ganap ang mga biyayang tinanggap natin sa
Binyag. (KIK 1285,1303;KPK 1628-1629)
Pagsasabuhay : Ang mga nakumpilan ay tinatawag sa higit na matinding
pakikibahagi sa misyon ni Kristo bilang Hari, Pari at Propeta.
(KIK 1303; KPK 1629, 1631,)
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan : Naniniwala ako na tinatanggap natin ang mga kaloob ng Espiritu
Santo sa Sakramento ng Kumpil upang maging ganap ang mga biyayang tinanggap
natin sa Binyag.
Pagtatalaga : Kailan mo gustong tumanggap ng Sakramento ng Kumpil? Ngayong
hindi ka pa kumpilan paano mo maipapakita sa pang araw-araw mong buhay ang
iyong pakikibahagi sa pagkahari, propeta at pari ni Kristo.
Pagdiriwang : Panalangin sa Banal na Espiritu Halina Espiritu Santo, punuin mo
ang mga puso ng iyong binyagan, at papagningasin sa kanila ang apoy ng iyong
mabathalang pag-ibig. Ipadala mo ang iyong Espiritu at sila y malilikha. At
mababago mo ang lupang ibabaw. Manalangin tayo. O Diyos na humubog sa puso
ng mga binyagan sa pamamagitan ng karunungan ng Espirtu Santo, ipagkaloob mo
sa tulong din ng Espiritung ito, na aming malasap ang tamis ng kabutihan at
magtamasa magpakailanman sa Kanyang mabathalang pag-aruga, sa pamamagitan
ni Kristong aming Panginooon. Amen.
160
Awit: ANG PITONG SAKRAMENTO .BOW !
( Fr. Carlo Magno S. Marcelo at mga katekista ng Arkidiyosesis ng Maynila )
KUMPIL
Banal na Espiritung nagbibigay lakas
Pinatatag ang buhay sa araw araw,
Kahinaat kaduwagan ay pinapawi
Bunga nitoy pagsulong sa hamon ng buhay
Kumpil sakramentong nagbibigay lakas
Pinatatag ang buhay sa araw araw.
Katalinuhat kakayahan ay pinagyaman
Bunga nitoy pagbabahagi ng kabanalan
La,la,la Kahinaat kaduwagan

PAKSA 10: BANAL NA EUKARISTIYA: SAKRAMENTO NG


PAGMAMAHALAN
LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Malalaman na si Jesus na nasa Banal na Eukaristiya ay patuloy na nag-aalay ng
Kanyang sarili upang ipadama ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa atin.
Makakapangako na dadalo sa Banal na Eukaristiya tuwing araw ng Linggo at
makakapagbigay ng mga gagawin tanda ng pagmamahal sa kapwa.
Makakapagpuri sa Diyos sa pag-awit ng " Si Kristoy gunitain ".
SITWASYON NG BUHAY: Karanasan kung paano ipinakikita ang pagmamahal
sa iba Ang magsabi ng "mahal ko" ang taong ito ay madali, subalit ang ipakita ito
at patunayan sa ating mga gawa at kilos ay napakahirap. Ang tunay na pag-ibig ay
may kaakibat na sakripisyo.Ang sakripisyo ay ang paglimot sa ating sarili, oras,
talino, kayamanan at maging ng buhay para sa kapakanan ng minamahal. Ang
magmahal ay hindi naghihintay ng kapalit.
SALITA NG DIYOS: Juan 15:13
Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang
buhay para sa kanyang mga kaibigan.
162
Juan 13:1 Mahal Niya ang Kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan at
ngayoy ipakikita Niya kung hanggang saan ang Kanyang pag-ibig sa kanila.
KAHALAGAHAN : Pagmamahal
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Pagsamba: Sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya ay ipinagdiriwang natin ang
pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. (KPK 1702; Sacramentum Caritatis 2)
Katotohanan: Si Jesus na nasa Banal na Eukaristiya ay patuloy na nagaalay
ng Kanyang sarili upang ipadama ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa atin.
(Juan 15:13; KIK 1323; Sacramentum Car i tat is 1; KPK 1726 1727)
Pagsasabuhay: Ang hamon ni Jesus sa atin na tumatanggap sa Kanya sa Banal na
Eukaristiya ay magmahalan tayo tulad ng pag-ibig Niya sa atin.
(Juan 13:34; KPK 1736)

TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan : Naniniwala ako na si Jesus na nasa Banal na Eukaristiya ay
patuloy na nag-aalay ng Kanyang sarili upang ipadama ang walang hanggang pagibig ng Diyos sa atin.
Pagtatalaga :
1. Dadalo ako sa Banal na Eukaristiya tuwing araw ng Linggo.
2. Magbigay ng mga gagawin na nagpapakita ng pagmamahal sa iba.
Pagdiriwang: Awit: ANAMNESIS ( Si Kristo ay Gunitain )
163
Awit: ANG PITONG SAKRAMENTO .BOW !
( Fr. Carlo Magno S. Marcelo at mga katekista ng Arkidiyosesis ng Maynila )
EUKARISTIYA
Sa tunog ng kuliling si Hesus ay purihin
Siyay Pag-ibig ng Ama sa atiy ipinadala.
Ang alak at tinapay, dugot katawan na alay
Ni Hesus sa Diyos Amang ating sinasamba.
Bilang isang pamilya, halinat sama sama,
At ang anyaya Niya : Akoy pagsaluhan.

PAKSA 11: SAKRAMENTO NG PAKIKIPAGKASUNDO, PAGDIRIWANG


NG PAGPAPATAWAD NG DIYOS
LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Maipapahayag na ang Diyos ay maawain, mapagpatawad at handang
makipagkasundo sa atin.
Makakapangako na malimit na tatanggapin ang Sakramento ng
Pakikipagkasundo at makikipagkasundo sa kapwa.
Makakagawa ng pagsusuri ng budhi at makakapagsisi sa mga kasalanan.
SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng huling pangungumpisal. Hamon sa
kanila: Kaya na ba ninyong mangumpisal ng mag-isa , walang magpapaalala, wala
ng katekistang mag-gagabay. Kayo mismo ang magkukusa na tanggapin ang
Sakramento ng Kumpisal. Bakit kailangan nating mangumpisal?

KAHALAGAHAN: Pakikipagkasundo
SALITA NG DIYOS: Lukas 15: 11-32
Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa
inyo.
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Pagsamba: Sa Sakramento ng Pakikipagkasundo ay ipinagdiriwang natin ang
pagpapagaling ni Jesus, ditto tinatanggap natin ang kapatawaran ng Diyos at
ibinabalik ang nasirang ugnayan natin sa Kanya.
(KIK 1422-1423, 1440; KPK 1771- 1773,)
[ NB: IPALIWANAG DITO KUNG ANO ANG KASALANAN ]
Katotohanan: Ang Diyos ay maawain, mapagpatawad at handing
makipagkasundo sa atin. (KIK 1441,270, 431,589; KPK 1773-1774)
NB: Ituturo din dito na sa bisa ng Sakramento ng Pagpapari ang mga obispo at pari
ay may kapangyarihang magpatawad ng lahat ng kasalanan sa ngalan ng Ama, at
ng Anak at ng Espiritu Santo (KIK 1461, 1495)
Pagsasabuhay: Ang bunga ng pagtanggap ng Sakramento ng Pakikipagkasundo
ay biyaya ng pagpapatawad at pakikipagkasundo sa kapwa.
(Mateo 5:24, Mateo 6:12 ; KPK 1770, 1776)
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan : Naniniwala ako na ang Diyos ay maawain, mapagpatawad at
handing makipagkasundo sa akin.
Pagtatalaga :
1. Mangangako ako na malimitkong tatanggapin ang Sakramento ng
Pakikipagkasundo.
2. Ilista sa notebook ang mga taong nasaktan mo o nagawan mo ng di mabuti,
noong nakaraang Linggo. Ilista din ang mga taong hindi mo mapatawad.
3. Gumawa ng sulat ng pakikipagkasundo, pakikipagbati sa kaaway o nakasamaan
mo ng loob o nasaktan mo. Kaya mo bang patawarin ang mga taong nagkasala sa
iyo?
Pagdiriwang : Panalangin ng Pagsisisi
( Prayer Booklet pahina 14 )
166

Awit: ANG PITONG SAKRAMENTO .BOW !


( Fr. Carlo Magno S. Marcelo at mga katekista ng Arkidiyosesis ng Maynila )
KUMPISAL
Koro :
Panginoong Hesus, narito ako
Handa ng magbago
Panginoong Hesus, patawarin mo akot
Magsisimula muli ako
Ang malayo sa yo daig pa ang talo
Kaya ako ngayoy nagbabalik-loob ( koro )
Bendisyunan akong nagtitika sa yo
Nagbabalik loob ako ngayon sa yo ( koro )
167
PAKSA 12: SAKRAMENTO NG PAGPAPAHID NG LANGIS SA
MAYSAKIT: PAGPAPAGALING NI JESUS
LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Mauunawaan na sa Sakramento ng Pagpapahid ng Langis sa Maysakit, si Jesus
ay patuloy na nagpapagaling at nagpapatawad.
Makakapagtala ng mga pangalan ng mga may karamdaman na dadalawin at
ipagdarasal.
Makakapag-alay ng panalangin sa mga may malubhang karamdaman.
SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng pangangalaga sa mga taong maysakit
SALITA NG DIYOS: Santiago 5:16
Mayroon bang maysakit sa inyo? Ipatawag niya ang matatanda ng Iglesya upang
ipanalangin siya at pahiran ng langis sa ngalan ng Panginoon.
Mateo 8:1-17 - Hinipo siya ni Jesus at sinabi ibig ko gumaling ka. At pagdakay
nawala ang kanyang ketong.
KAHALAGAHAN: Pangangalaga sa maysakit
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Pagsamba: Sa Sakramento ng Pagpapahid ng Langis sa maysakit ay tinatanggap

ng mga may malubhang karamdaman ang maawain at mapagmahal na


pagpapagaling ni Jesus. (KIK 1499; KPK 1822, 1836-1838)
168
Ipaliwanag ang ritu at mga simbolo na ginagamit
Katotohanan: Si Jesus ay nagpapagaling at nagpapatawad.
(KIK 1503 ; KPK 1828)
Pagsasabuhay: Inaanyayahan tayo ni Jesus na dalawin at alagaan ang mga
maysakit. (Mateo 25:36 ; KIK 1506 ; KPK 1870)
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan : Naniniwala ako na sa Sakramento ng Pagpapahid ng Langis
tinatanggap ng mga may malubhang karamdaman ang pagpapagaling at
pagpapatawad ni Jesus.
Pagtatalaga :
1. Tatawag ako ng Pari kung may kilala ako na may malubhang karamdaman.
2. Aalagaan, dadalawin at ipagdadasal ko ang mga kakilala ko na may malubhang
karamdaman. Gumawa ng talaan ng mga dadalawin mong may karamdaman
sa isang linggong darating. Anong panalangin ang maiaalay mo para sa kanila?
Pagdiriwang : Panalangin para sa mga may malubhang karamdaman.
Takdang Aralin: Pasagutan sa mga bata
Paano nananatili ang pagsasama ng inyong mga
magulang?
(mag-interview sa inyong mga magulang)
Pabor ba sila sa maagang pag-aasawa? Bakit?
Ipaliwanag ang iyong sagot. Masama ba ang
mag-asawa ng maaga? Paano ito maiiwasan?
169
Awit: ANG PITONG SAKRAMENTO .BOW !
( Fr. Carlo Magno S. Marcelo at mga katekista ng Arkidiyosesis ng Maynila )

PAGPAPAHID SA MGA MAYSAKIT


O Panginoon, Ikaw ang aming lakas

Sayo nagmumula ang aming buhay


Lakas ng katawan, kapayapaan,
Handog mo sa amiy kagalingan.
Sa Banal na Langis napapawi ang sakit.
Patawad mo, Ama, aming nakakamit.
Ikaw lamang ang tanging sasambahin,
Panginoon, magpakailan pa man.
PAKSA 13: SAKRAMENTO NG KASAL: TAWAG SA KABANALAN
170
LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Mauunawaan na sa simula pa lamang niloob na ng Diyos ang pagmamahalan at
pagtutulungan ng lalaki at babae.
Mahahamon na maging instrumento ng pagmamahal at pagkakaisa sa pamilya.
Makakapag-alay ng panalangin ng pasasalamat para sa biyaya ng pagkakaroon
ng kristiyanong pamilya.
SITWASYON NG BUHAY: Paano nananatili ang pagsasama ng inyong mga
magulang? ( pag-usapan ang mga sagot sa takdang aralin na ibinigay sa mga magaaral) Pabor ba sila sa maagang pag-aasawa? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Masama ba ang magasawa ng maaga? Paano ito maiiwasan?
SALITA NG DIYOS: Markos 10:6-9
sa pasimula pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan: nilalang Niya silang
lalaki at babae. Dahil ditoy iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama
sila ng kanyang asawa at silay magiging isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag
paghiwalayin ng tao.
Mateo 19:3-12
KAHALAGAHAN: Katapatan at pagmamahalan
171
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Pagsamba: Sa Sakramento ng Kasal , ipinagkakaloob sa mag-asawa ang biyaya ng
pagmamahalan sa isatisa, pinagtitibay ang kanilang pagkakaisa na di
mapaghihiwalay at pinagiging banal. ( KIK 1661 ; KPK 1898, 1926) Ipaliwanag
ang ritu at mga simbolo na ginagamit .
Katotohanan: Sa pasimula pa lamang , niloob na ng Diyos na magsama ang isang
babae at isang lalaki dahil sa pagibig. (KIK 1605 ; KPK 1884)

Pagsasabuhay: Nais ni Jesus na magmahalan, maging tapat, at magtulungan ang


bawat miyembro ng pamilya,upang maging matatag ang kanilang pagsasamahan.
(KPK 1907- 1908)
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan : Naniniwala ako na sa pasimula pa, niloob na ng Diyos na
magmahalan at magkatulungan ang isang babae at isang lalaki .
Pagtatalaga : Bilang anak , paano ako magiging instrumento ng pagkakaisa at
walang hanggang pagmamahalan sa aking pamilya. Magtala ng limang bagay na
gagawin sa loob ng isang linggo at sa mga darating pang araw. Tanungin ang
inyong mga magulang kung anong sekreto nila bakit nananatili ang kanilang
pagmamahalan at katapatan sa isat-isa.
172
Pagdiriwang : Panalangin ng pasasalamat sa biyaya ng pagkakaroon ng
Kristiyanong pamilya. (Gagawin ng katekista at ipapabasa sa isa sa kanyang
mag-aaral)
Awit: ANG PITONG SAKRAMENTO .BOW !
( Fr. Carlo Magno S. Marcelo at mga katekista ng Arkidiyosesis ng Maynila )
MATRIMONIO
Si tatay, si nanay, pinag-isa,
Sa hirap at ginhawa silay magsasama
Hanggang kamatayan ay magmamahalan
Sa harap ng Diyos silay nagsumpaan.
Magmahalan, magbigayan at magtulungan,
Magsilbing daan ng kapayapaan.
Magmahalan, magbigayan at magtulungan.
Magsilbing daan ng kapayapaan.
173
PAKSA 14: SAKRAMENTO NG BANAL NA ORDEN : TAWAG SA
PAGLILINGKOD SA BAYAN NG DIYOS
LAYUNIN: Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Maipapahayag na ang pari ay alagad na tinawag upang sumunod kay Jesus at isa
ring apostol na isinugo upang maglingkod sa Kanyang misyon at ng Simbahan

Makakapagtala ng mga gagawin araw araw bilang paggalang, pagtulong at


pagmamahal sa mga pari at makakagawa ng pangako na palaging ipagdarasal ang
kabanalan ng mga pari.
Makakapag-alay ng panalangin para sa mga kaparian.
SITWASYON NG BUHAY: Pag-usapan ang mga ginagawa ng isang pari sa
kanyang parokya o parish (ex. Nagmimisa, nagbibinyag, at iba pa .)
Nakikilala ba ninyo ang inyong kura paroko ?
Sino dito sa inyo ang balang araw nais mag-alay ng
sarili sa Diyos bilang pari?
Kung may nais sa inyo, ano ang ginagawa mo para makamit iyon?
Ang lahat ng ginagawa ng isang pari ay pag-aalay ng sarili
KAHALAGAHAN: Pag-aalay ng sarili
SALITA NG DIYOS: Hebreo 5:1-4
Ang bawat dakilang saserdotey pinili sa mga tao at itinalagang maglingkod sa
Diyos para sa kanila upang maghandog ng mga kaloob at maghain dahil sa mga
kasalanan.
174
Lukas 22:14-20 Gawin ninyo ito bilang pag-alala-ala sa akin Sa huling hapunan
itinatag ni Jesus ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya at Banal na Orden.
Gawin ninyo ito... sinabi Niya ito bilang pagbibigay sa kanila ng kapangyarihan
na ipagdiwang ang Banal na Eukaristiya.
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Pagsamba : Sa pamamagitan ng Sakramento ng Banal na Orden, ang pari ay
tumatanggap ng biyaya ng katapatan na ilaan ang sarili sa paglilingkod sa
Simbahan . (KIK 1598 ; KPK 1947) Ipaliwang ang ritu at mga simbolo na
ginagamit
Katotohanan : Ang Pari ay isang alagad na tinawag upang sumunod kay Jesus
at isa ring apostol na isinugo upang maglingkod sa Kanyang misyon at ng
Simbahan. ( KPK 1951-1952)
Pagsasabuhay : Sa bisa ng ating Binyag at Kumpil , tayo ay nakikibahagi sa
pagkapari ni Jesus, kaya tinatawagan tayo na mag-alay ng sarili sa pamamagitan ng
pagpapahayag , pagsasabuhay at pagdiriwang ng Salita ng Diyos.
(KIK 1547 ; KPK 1960)

175
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan: Naniniwala ako na ang Pari ay alagad at apostol ni Kristo.
Pagtatalaga: 1. Itala ang mga gagawin mo sa araw-araw na nagpapakita ng
paggalang, pagtulong at pagmamahal sa mga pari.
2. Gumawa ng pangako na palaging ipagdadasal ang katapatan ng mga pari.
Pagdiriwang: Panalangin para sa mga Pari Panginoong Jesukristo ikaw ang
kataastaasan at walang hanggang pari. Idinadalangin namin sa iyo ang aming
kaparian. Tinawag mo sila upang maipalaganap sa tao ang pagkilala at pagibig
sa Diyos na buhay. Pabanalin mo sila at pagkalooban ng sigasig sa pagpapahayag
ng iyong Mabuting Balita. Ipadala mo sa kanila ang Espiritung Banal upang
makapagturo sa mga tao at mapalalim ang kanilang pananampalataya Matupad
nawa nila ang dakilang misyon : na gabayan at ilapit ang mga tao sa Diyos, at
ihanda ang mga pamilya sa pagtanggap ng mga sakramento. Amen.
176
Awit: ANG PITONG SAKRAMENTO .BOW !
( Fr. Carlo Magno S. Marcelo at mga katekista ng Arkidiyosesis ng Maynila )
BANAL NA ORDEN
Sa tawag ng Diyos siyay sumunod
Iniwan ang lahat upang maglingkod
Buong buhay niya ay alay
Sa kawan ng Diyos , upang kanyang
Paghahari ay maging lubos
PAKSA 15: SANTA MARIA, PINARANGALAN NG DIYOS,
PARANGALAN DIN NATIN SIYA
LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Maipapahayag na dahil sa grasya ng Diyos, itinampok si Santa Maria higit sa
lahat ng mga anghel at tao bilang pinakabanal na Ina ng Diyos.
Makakapagtala ng mga katangian ni Santa Maria na sisikaping matularan.
Mapaparangalan ang Diyos kasama si Santa Maria sa awiting niyang
Magnificat.
SALITA NG DIYOS: Lukas 1:26-38
[ Ipinahayag ang panganganak kay Jesus ]

Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos


SITWASYON NG BUHAY: Karanasan ng pagbibigay ng parangal kay Santa
Maria (pagrorosaryo, pagdiriwang ng mga kapistahan ni Santa Maria,
pagpuprusisyon , pag-aalay ng bulaklak kay Santa Maria tuwing buwan ng Mayo,
at iba pa ...)
KAHALAGAHAN: Pagmamahal kay Santa Maria
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Katotohanan : Dahil sa grasya ng Diyos, itinampok si Santa Maria higit sa lahat
ng mga anghel at tao bilang pinakabanal na Ina ng Diyos na kaugnay sa mga
misteryo ni Jesus. (KPK 1537)
178
Pagsamba : Ang ating debosyon sa Mahal na Birheng Maria ang maituturing na
mahalagang bahagi ng pagsambang katoliko dahil ditto iniuugnay ang pag-aalala
sa Ina ni Kristo sa taunang inog ng mga misteryo ng Kanyang Anak.
(KPK 1539)
Pagsasabuhay : Ang tunay na debosyon natin kay Inang Maria ay nagdadala sa
atin sa pagtulad sa kanyang pananampalataya, pag-asa at pagibig sa Diyos at
kapwa. (KPK 1552 huling talata)
TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan : Naniniwala ako na dahil sa grasya ng Diyos, itinampok si Inang
Maria higit sa lahat ng mga anghel at tao bilang pinakabanal na Ina ng Diyos na
kaugnay sa mga misteryo ni Jesus
Pagtatalaga : Itala sa iyong notebook ang mga katangian ni Inang Maria na simula
ngayon sisikapin mong matularan
Pagdiriwang : Bilang pagpupuri sa Diyos at pagpaparangal natin kay Inang Maria,
aawitin natin ang inawit ni Inang Maria Magnificat Ang Puso Koy Nagpupuri
17

9\

PAKSA 16: BUNGA NG PAGTANGGAP SA MGA SAKRAMENTO:


BUHAY NA WALANG-HANGGAN
LAYUNIN : Pagkatapos na maituro ang paksang ito ang mga bata ay inaasahang
Maipapahayag na si Jesus na naroon sa lahat ng Sakramento ang magdadala sa
atin sa buhay na walang-hanggan kapiling ang Ama.
Mahahamong maisabuhay ang mga biyayang tinanggap sa mga Sakramento.
Makikiisa ng buong pusong dasalin ang Panalangin ng Pag-asa at makapag-aalay
ng panalangin para sa mga yumao.
SITWASYON NG BUHAY : Balikan ang pitong Sakramento.
Ano ang kahalagahan ng pitong Sakramento sa buhay mo ?
Sa pagtanggap natin ng mga Sakramento saan tayo nito dadalhin ?
Naroon kay Jesus ang katiyakan ng ating hahantungan sa pamamagitan ng
pagtanggap natin ng mga sakramento
SALITA NG DIYOS : Juan 6: 25 - 40
Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama: ang lahat ng makakita at manalig sa
Anak ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. At silay muli kong
bubuhayin sa huling araw.
KAHALAGAHAN: Pag-asa
180
PAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Pagsamba : Sa pagtanggap natin sa mga Sakramento ng may pananampalataya
tinatanggap natin ang mga biyaya ng Diyos at nararanasan na natin ang buhay
na walang hanggan samantalang hinihintay natin ng may pag-asa ang
maluwalhating pagpapakita ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas.
( KIK 1130 & 1419)
Katotohanan : Si Jesus na naroon sa lahat ng Sakramento ang magdadala sa atin
sa buhay na walang-hanggan kapiling ang Ama. ( Juan 14:6, Juan 6:58 ; KIK 1419
; KPK 1526 )
Pagsasabuhay: Nais ni Jesus na lagi nating tanggapin ang mga Sakramentong
ibinigay Niya sa Simbahan upang tayoy maging larawan at kawangis Niya at
umasa na makakamit natin ang buhay na walang hanggan.
( Juan 6: 54-55 ; KPK 1526 )

TUGON NG PANANAMPALATAYA
Paninindigan : Naniniwala ako na si Jesus na naroon sa lahat ng Sakramento ang
magdadala sa akin sa buhay na walang-hanggan kapiling ang Ama.
Pagtatalaga : Itala ang mga Sakramentong
natanggap mo na at isulat ang
biyayang natanggap mo sa bawat
Sakramentong ito.
181
Paano mong naisasabuhay at patuloy na isasabuhay ang mga biyayang tinanggap
mo ( Halimbawa : Binyag nagging ampong anak ng Diyos Bilang anak ng Diyos
ako ay magiging masunuring anak sa aking mga magulang
Kumpil pinalakas ng Espiritu Santo. Bilang kinumpilan, ako ay testigo at saksi
ng pananampalataya )
Pagdiriwang : Awit: Bubuhayin Kita ( I am the bread of life )
Dasalin ang panalangin ng pag-asa at mag - alay ng munting panalangin para sa
lahat ng mga yumao

You might also like