You are on page 1of 10

Alay namin sa Iyong

pagdating,
kabutihan, pag-asa't mga
pusong tapat.
Samo namin ay Iyong
dinggin,
galak at kapayapaan nawa
ay kamtin.
Itong alak at tinapay, mga
bungang alay:
halo ng pawis at biyaya ng
langit.
Sa aming pag-ibig sa
kapwang kapatid,
bubunga ng buhay na
Iyong bigay.
Sa isang mapayapang
gabi
Kuminang ang marikit
na bituin
At tumanod sa himbing
na pastulan, nag-abang
Pagkagising ng
maralita
Nabighani sa bagong
tala, naglakad
At tinungo sabsabang
aba
Hesus, bugtong na anak
ng ama
Tala ng aming buhay,
liwanag
Kapayapaan,
kahinahunan
Kapanatagan ng puso
Giliw ng Diyos at pag-
asa ng maralita
Ng abang ulila
Biyayaan Mo kami ng
pagtulad sa Iyo
Nang magningning
bilang 'Yong mga bituin
Sa isang pusong
mapagtiis
Kuminang ang marikit
na bituin
At doon nanatili, nag-
alab, nagningning
Taimtim nating
kalooban
Ginawa Niyang Kanyang
himlayan, dalanginan
Nilikha nIya'ng
sabsabang aba
Hesus, bugtong na anak
ng ama
Tala ng aming buhay,
liwanag
Kapayapaan,
kahinahunan
Kapanatagan ng puso
Giliw ng Diyos at pag-
asa ng maralita
Ng abang ulila
Biyayaan Mo kami ng
pagtulad sa Iyo
Nang magningning
bilang 'Yong mga bituin

You might also like