You are on page 1of 2

KALAMANSI o KALAMUNDING

Kalamansi Juice sa Kantina


Kalamansi Juice sa Kantina dulot ay Bitamina

Matatagpuan sa kantina ng paaralang Claro M. Recto Memorial Central


School ang isa sa pinakamasarap na timpla ng kalamansi juice. Nakagawian ng
bilhin ng mga mag-aaral mula sa Kindergarten hanggang sa ikaanim na baitang
ang nasabing inumin.Mayaman sa vitamin C ang kalamansi kaya palagi itong
ginagawang juice. Masarap din ang calamansi juice kaya’t paborito ito hindi
lamang ng mga matatanda kundi ng mga bata.Mas masarap din kung fresh ang
gagamiting kalamansi kaysa sa mga powder. Isa sa kailangan ng katawan upang
mapalakas ang immune system ay ang vitamin C ito ay makukuha natin sa pag-
inom ng calamansi juice. Mainam ding inumin ang calamansi upang bumaba ang
timbang. Ang fresh juice ng kalamansi ay nakakatulong upang maiwasan ang
obesity. Nakita rin sa ilang pag-aaral na nakapagpapababa ng lebel ng
cholesterol ang calamansi juice. Nakatutulong din ito upang maiwasan ang
metabolic syndrome. Nakatutulong din ang calamansi juice upang maiwasan ang
inflammation, ulcers at acid reflux kaya mas mainam na ito ay inumin.

Kalamansi bilang Halamang Gamot

Mga sakit na maaaring magamot sa gamit ang Kalamansi.

1. Tagihawat. Maaaring hiwain lang ang kalamansi at direktang ipahid sa balat


na apektado ng pagtatagihawat. Makatutulong ang matapang na katas ng kalamnsi sa
pagpuksa ng mikrobyong nagdudulot ng tagihawat.2. Pangingitim ng balat. Ang
pangingitim naman sa balat ay maaari ding masolusyonan ng regular na pagpapahid ng
hiniwang kalamansi bago matulog.3. Ubo. Dapat inumin ang katas ng kalamansi na
mayaman sa vitamin C upang matulungan ang sarili laban sa ubo.4. Sipon. Ang
sintomas ng sipon ay maaari ding matulungan ng pag-inom sa sa kalamansi juice na
mula sa katas ng kalamansi.5. Sore throat. Matutulungan din ng katas ng kalamansi na
guminhawa ang pakiramdam ng taong dumaranas ng sore throat. Dapat lamang inumin
ang katas ng kalamansi bilang kalamansi juice.6. Altapresyon. Nakakababa naman
daw ng altapresyon kung iinom ng pinaglagaan ng dahon ng kalamansi.
7. Pagkahimatay. Maaaring pirisin ang balat ng kalamansi sa tapat ng ilong ng taong
hinimatay upang manumbalik ang malay-tao.8. Bagong panganak. Ang pinaglagaan
ng ugat ng kalamansi ay maaaring ipanghugas sa inang bagong silang pa lang.

Benepisyong dulot ng Kalamansi

Ang kalamansi ay isang maliit na puno na may maliliit na mga dahon, puti at
mahalimuyak na bulaklak. Ang berde at bilog nitong bunga ay karaniwan at kilalang-
kilalang sangkap at pampalasa sa maraming pagkain, sawsawan, at inumin. Ito ay
orhinal na nagmula sa Pilipibas,

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:Bunga.
Ang bunga ng kalamansi ay karaniwang kinakatasan upang makagawa ng
inumin na mabisa para sa ilang kondisyon sa katawan. Maaari ding ipampahid sa
balat ang katas ng bunga.Ugat. Karaniwan namang inilalaga ang ugat ng
kalamansi upang magamit sa ilang kondisyon.Dahon. Maaari ding ilaga ang
dahon ng kalamansi upang mapakinabangan ng taong may sakit. Ang kalamansi
ay ginagamit din mga pampaganda katulad sa paghahalo sa sabong pampaligo.
Bakit ka pa nga naman gagastos ng malaki kung may mga simple at murang
paraan naman na magagamit sa pagpapaganda gamit ang kalamansi.

You might also like