You are on page 1of 9

MANUAL

Pagsapi sa samahan:

1. Ang isang batang nagnanais na maglingkod bilang altar server ay dapat na:
- 10-18 taong gulang
- Binyagan
- Kumpilan
- Tumatanggap na ng komunyon
- Nakatira sa nasasakupan ng parokya ng banal na mag-anak (brgy. Karuhatan at sitio
ng pinalagad)
- May pagnanais na maglingkod sa simbahan
2. Kung kwalipikado, makipagugnayan sa kanilang mga spc heads o sa officers ng samahan
3. Manghingi ng application form (intention sa paglilingkod) at punan ang mga hinihinging
impormasyon
4. Siguraduhing nabasa ang misyon ng parokya bago lagdaan ang Application form
5. Ipasa sa inyong SPC head at makipagugnayan sa mga officers ng Altar servers at ibigay
ang inyong contact number
6. Dumalo sa mga pagpupulong at training na ipatatawag ng mga officers

Mga antas ng pagiging altar server:

1. Aspirants
- Ang mga bagong miyembro ng samahan
- Dadaan muna sa mga pagaaral at pagsasanay upang maintindihan ang kanilang
gagawin
2. Neophytes
- Mga aspirants na tumagal sa samahan ng tatlong buwan
- Patuloy ang pageensayo upang maglingkod sa mga spc
- Matapos ang unang tatlong buwan ng pagiging neophyte, maari na siyang
maglingkod sa misa ng spc depende sa magiging evaluation
- Kapag nakakapaglingkod na sa misa sa mga spc, maaari na silang sanayin sa
paglilingkod sa simbahan sa ordinaryong araw
- Kapag nakakapaglingkod na sa simbahan ng ordinaryong araw, maaari na silang
sanayin upang maglingkod sa mga misa tuwing lingggo
3. Juniors
- Mga miyembrong nanatili sa samahan ng walong buwan
- Nakakapaglingkod na sa mga spc, simbahan at mga misa ng linggo
- Nakapagsusuot na ng alba
- Nakasuot ng cincture na kulay puti
4. Seniors
- Mga miyembrong patuloy na naglilingkod sa loob ng dalawang taon
- Naglilingkod sa mga spc at sa mga misa sa simbahan
- Nakapagsusuot ng alba
- Nakasuot ng cincture na silver
- Sa kanila kinukuha ang mga pontifical servers
5. Pontifical Servers
- Pinakamataas na antas ng pagiging altar server
- Naglilingkod sa misa konselebrado
- Nakasuot ng cincture na gold

Training:

Ang paglilingkod ng isang bata bilang isang altar server ay hindi lamang natatapos sa
pagkilos sa loob ng banal na misa, bagkus ay dapat din nilang maunawaan ang dahilan at mga
turo ng simbahan na dapat muna nilang maintindihan upang lubos na maunawaan kung ano
talaga ang kanilang ginagawa. Ang mga sumusunod ay mga modyul na itinuturo sa mga batang
aspirants at neophytes hanggang sa maging ganap na silang mga altar servers.

1. Liturgical Colors – Ang isang altar server ay dapat maging maaam sa mga kulay ng
liturhiya dahil ito ay makakatulong sa kanila sa paghahanda ng damit ng pari at iba pang
kagamitan sa altar
2. Liturgical Calendar – Ang isang altar server ay dapat maging maalam sa iba’t ibang mga
panahon ng ating simbahan upang higit na maunawaan ang daloy ng ating
pananampalataya sa pagbatay pagsunod sa naging buhay ni kristo dito sa lupa.
3. Church hierarchy – Ang simbahan ay pinapangunahan ng santo papa, mga Obispo at
mga pari, ngunit sa isang parokya, mayroon din tayong kapwa layko na nangunguna sa
iba’t ibang komisyon at samahan sa loob ng simbahan.
4. Sacraments – Ang mga sakramento ay kinakailangang matanggap ng bawat kristyanong
katoliko dahil ito ay nagsisilbing daluyan ng biyaya ng Diyos sa atin. Sa pagdiriwang din
ng mga sakramentong ito nagaganap ang paglilingkod ng mga altar server kaya dapat
nilang maunaawan ang mga pahdiriwang na kanilang pinaglilingkuran
5. Liturgical Books – Hindi lamang ang mga gamit ang dapat na alamin ng mga altar server
dahil ang mga libro din ay inihahanda ng sakristan o ng altar server bago ang misa
6. Liturgical vestments – Ang gagamiting damit ng pari ay inihahanda ng sakristan o ng
altar server. Dapat nilang malaman kung ano ang iba’t ibang uri ng damit at saan ang
mga ito ginagamit. Lalo na kung hindi sa simbahan ang pagdiriwang (halimbawaya misa
ng patay, house blessing at iba pa) Dapat ay maging maalam ang altar server sa kung
ano ang ipapadala ng pari.
7. Liturgical Vessels - Ang bawat gamit sa loob ng banal na misa ay dapat malaman ng mga
altar server, kung ano ang mga tawag, saan at paano ang mga ito gagamitin.
8. Mga hakbang sa paglilingkod – Matapos ipaintindi ang mga bagay na dapat nilang
maunawaan, Sisimulan nang sanayin ang mga altar server sa mga dapat nilang gawin sa
loob ng banal na misa
9. Practicum – Ito ang aktwal na pagsasanay sa isang altar server sa pamamagitan ng
pagsunod sa daloy ng banal na misa.
Bago ang misa:
- Hubarin ang anumang kasuotan na ipinagbabawal sa paglilingkod
- Magbihis ng alba, magtali ng cincture at isuot ang krus
- Sa mga kababaihan: Itali ng pa-bun ang buhok, magsuot ng hairnet. Pahihintulutan
lamang ang ponytail kung hindi kakayaning ibun ang buhok.
- Dasalin ang panalangin bago ang misa sa likod ng tabernakulo
- Ihanda ang mga gamit na kakailanganin sa misa
- Siguraduhing nakahanda na ang lahat ng gamit

MISA

Bago ang misa:


- Hintayin ang hudyat ng commentator sa pagsisimula ng misa
- Makiisa sa pagdadasal ng banal na orasyon (sa mga misa tuwing ika 6 ng umaga at gabi)

Entrance
- Ang hanay ng mga lingkod ay pangungunahan ng mga altar servers, susundan ng mga
lector, lay ministers at ang nasa huli ay ang pari.
- Ang hanay ng mga altar servers ay pangungunahan ng lingkod na nakaatas na magbell at
susundan ng iba pang lingkod na altar servers (tuwing ordinaryong araw)
- Ang hanay ng mga altar servers sa pagpuprusiyon mula sa pintuan ng simbahan ay ang
sumusunod; Bell, kandila (sa kaliwa at kanan), krus, at susundan ng labis na altar server
(kung mayroon man)
- Ang lingkod na magpapatunog ng bell ay dapat na mas maliit kaysa sa iba pang lingkod
na kasabay niya sa misa.
- Ang lingkod na magkakandila ay dapat na magkasing tangkad, babae man o lalaki.
- Kapwa babae at lalaki lamang ang pwedeng magpartner sa pagkakandila (pahihintulutan
lamang na magpartner ang lalaki at babae kung alanganin ang tangkad ng mga
maglilingkod)
- Ang lingkod na hahawak ng krus ay dapat na mas matangkad sa lahat ng lingkod na
kasabay niya sa paglilingkod sa misa.
- Pagkatapos sambitin ng commentator ang “magsitayo ang lahat” patunugin ang bell
- Sabayan ang pagtugtog ng choir sa pagpapatunog ng bell (kung mayroong choir)
- Maglakad ng normal na bilis hanggang sa bandang kaliwa sa harapan ng altar (tuwing
ordinaryong araw) siguraduhing hindi nakatapat sa gitna para sa espasyo ng pari
- Maglakad ng normal na bilis sa center aisle at maghead bow pagdating sa dulo ng center
aisle, bago ang mga hakbang papuntang sanktwaryo
- Para sa lingkod na humahawak ng krus, dumiretso hanggang sa sanktwaryo at
magheadbow kapag nakaapak na sa sanktwaryo. Dumiretso sa stand ng krus at
pumwesto sa gawing kanan ng harapan ng altar at hintayin ang pari.
- Ang krus ay dapat itapat sa altar.
- Hintayin na makarating sa gitna ang pari bago tumigil sa pagpapatunog ng bell
(ordinaryong araw)
- Hintayin na makadaan sa inyong hanay ang pari bago tumigil sa pagpapatunog ng bell
(misa ng lingo)
- Sabayan ang pari at ang iba pang lingkod sa pag-body bow at pag genuflect
- Pagkatapos mag-genuflect, pumunta sa mga upuang nakalaan sa mga lingkod.
- Para sa lingkod na may hawak ng kandila, ibababa lamang ang kandila kapag nakarating
na sila sa upuang nakalaan sa mga lingkod. Ibaba ang kandila ng sabay at maayos at saka
patayin ang ningas ng kandila.

Luwalhati:
- Patunugin ang bell sa hudyat ng pagtugtog ng choir
- Matapos ang linyang “luwalhati sa Diyos sa kaitaasan”, ihihinto na ang pagpapatunog sa
bell

Ebanghelyo (tuwing linggo at kapistahan)


- Ang mga lingkod na magkakandila ay dapat nang tumayo at sindihan ang mga kandila
habang binabasa ang ikalawang pagbasa.
- Hintayin ang hudyat ng commentator na “magsitayo ang lahat” bago lumakad papunta
sa gitna.
- Haharap ang magkapareha na lingkod sa gawi ng altar kapag narating na nila ang center
aisle at sabay na aakyat hanggang sa huling hakbang bago ang sanktwaryo
- Hintayin ang pari kunin ang ebanghelaryo
- Kapag itinaas na ng pari ang ebanghelaryo, haharap sa tao ang mga lingkod na may
hawak ng kandila
- Sabayan ang pari sa paglalakad papuntang ambo
- Sabay na haharap ang mga lingkod sa ambo
- Habang tumutugon ng “papuri sa’yo panginoon” ang mga lingkod ay maghe-head bow
habang binabanggit ang “papuri sa’yo” at sabay na haharap sa isa’t isa habang
binabanggit ang “panginoon”
- Makinig at iwasan ang pagiging magalaw habang nagbabasa ang pari
- Pagkatapos ng pagbasa, Habang binabanggit ang tugon na “Pinupuri ka namin,
Panginoong Hesukristo”, Haharap muli sa ambo ang mga lingkod habang binabanggit
ang “pinupuri ka namin” at maghe-head bow habang binabanggit ang “Panginoong
Hesukristo”
- Lilisanin ng mga lingkod ang harapan ng ambo matapos magbow
- Sabay na ibaba at patayin ang ningas ng kandila kapag nakarating na sa upuan para sa
mga lingkod.
- Makinig sa sermon ng pari
Pagsusundo ng alay (tuwing pontifical service)
- Habang panalangin ng bayan, matapos sinambit na ng pari at inulit na ng commentator
ang itutugon sa bawat panalangin ay lalakad na ang mga lingkod papuntang center aisle
habang binabanggit ang “para sa-“ na panimula sa mga panalangin ng bayan.
- Sabay na haharap ang mga lingkod na susundo kapag narrating na nila ang center aisle
at mag hehead bow.
- Matapos ang headbow, haharap na sila sa center aisle at maglalakad hanggang sa dulo
ng ating walang hanggan hanggang ang puso’y wala nang nararamdaman
- Hintayin ang pagtugtog ng choir sa paglalakad pabalik sa sanktwaryo

Pagaalay (tuwing linggo, miyekules at kapistahan)


- Ang mas maliit na lingkod and dapat na humawak ng basket. Siya ay pupwesto sa
harapan ng pari, sa gitna ng center aisle (kapag tatlo o higit pa ang lingkod) at sa
bandang kaliwa (kung ang lingkod ay dalawa lamang)
- Ang isang lingkod na galing sa gawing kanan ng sanktwaryo ay kukuha ng holy water
container (tatlo o higit pa) at pupwesto sag awing kanan ng pari upang iabot ang holy
water container. Dapat niyang siguraduhing nakabukas ang holy water at maging alerto
kapag naubusan na ng laman ang hawak ng pari. Kung sakaling maubos na ang lahat ng
kinuha, maaring bumalik upang kumuha muli ng holy water
- Kung sakaling dalawa lamang ang nagpunta sa paglilingkod, ang isang lingkod ay
hahawak ng holy water at ang isa naman ay hahawak ng basket. Ang lingkod na may
hawak ng basket ay hindi pupwesto sa gitna, ngunit siya ay pupwesto sag awing kaliwa
ng pari, ngunit ang paghahawak niya ng basket ay dapat na nakagitna parin
- Ang lingkod na humawak ng krus ay pupunta sa gitna, sa gawing kaliwa ng pari at aapak
sa unang hakbang upang ayusin ang mga sobre sa basket, kunin ang alay (kung mayroon
man) at ang alak
- Ang lingkod na matitira ay inaasahang magayos ng gamit sa altar katuwang ng sakristan
o Ayusin ang bookstand at micstand
o Kunin ang bookstand ng ebanghelaryo
o Ilipat ang sakramentaryo mula sa ambo at ang mic sa altar
o Ilagay ang kalis sa altar
o Ilagay ang mga siboryo sa altar
o Itapat ang air cooler sa pwesto ng pari
- Habang pagaalay, maaari nang ipasok sa sacristy ang mga kandilang ginamit
- Matapos ang hanay ng mga taong nagaalay ng love offering, pupunta sa gilid ang lingkod
na may hawak ng basket upang bigyang daan ang pagtanggap ng pari sa alak at siboryo
- Matapos ang alay, ang basket ay ilalagay sa tapat ng kordero sa ilalim ng altar
- Ang mga alay ay ilalagay sa igigilid sa kordero sa ilalim ng altar
- Ang lingkod na pagaabutan ng alak ng pari ang siyang maglalagay ng cruets sa altar
o Hintaying makabalik sa altar ang pari
o Alisin ang takip ng cruets
o Hawakan ang alak sa kaliwa at ang tubig sa kanan
o Ilapag ang alak at tubig malapit sa corporal
o Habang hinihintay ang cruets, tumayo sa gilid ng altar ng nakabenia
o Matapos isalin ng pari ang alak at tubig, kunin ang cruets at ibalik sa credens
table
- Habang ang isang lingkod ay nasa altar para sa cruets, ang lingkod na humawak ng Holy
water ang siyang maghuhugas ng kamay ng pari
o Habang ang isang lingkod ay nasa altar para sa cruets, ang lingkod na
maghuhugas ng kamay ay dapat nang maghanda
o Hawakan ang pitcher sa kanan at ang basin sa kaliwa. Ang finger towel ay ilalagay
sa kanang braso malapit sa kamay at iipit ang dulo nito sa ialim ng basin upang
hindi liparin
o Pagkaalis ng lingkod na nagcruets sa altar ay lalapit na sa altar ang lingkod na
maghuhugas ng tubig
o Itapat basin sa kamay ng pari mas mababa sa kanyang tiyan
o Ibuhos ang tubig ng dahan dahan sa kamay ng pari
o Matapos maghugas, hayaang kunin ng pari ang finger towel para magpunas
o Pagkablik ng finger towel ng pari, maari nang lisanin ang altar at bumalik sa
credens table
o Itupi ang finger towel at ayusin ang pagkakalagay na mga gamit sa credens table
- Ang lingkod na naghugas ng kamay ng pari ay maaari nang bumalik sa dako ng mga
lingkod kung hindi pa natatapos sa pagkanta ang choir
- Kapag naabutan ng panalangin ang lingkod sa credens table, tumigil muna sa
kinatatayuan at makiisa sa panalangin
- Kapag binaggit na ang tugon na “tanggapin nawa ng panginoon itong paghahain sa iyong
mga kamay, sa kapurian niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong
sambayan niyang mahal” maari nang lisanin ang sanktwaryo.
- Kung sakaling hindi umabot ang lingkod sa tugon, ang susunod na yugto kung saan
pwede niyang lisanin ang sanktwaryo ay kapag inawit na ang santo

Consecration:
- Ihanda ang bell habang inaawit ang santo
- Lumuhod sa pagtatapos ng awit
- Ang lahat ng lingkod ay dapat na maghead bow habang nagaganap ang epiclesis
(paglukob ng espiritu santo sa mga alay upang maging katawan at dugo ni kristo)
maliban sa lingkod na magpapatunog ng bell
- Habang epiclesis, ang bell ay dapat patunugin kapag itinapat na ng pari ang kanyang
mga kamay sa mga alay.
- Ihihinto ang pagpapatunog ng bell kapag binasbasan na ng pari ang mga alay sa
pagkukrus niya sa mga alay
- Patunugin ang bell matapos magsalita ng pari habang nakataas ang ostia. Patutunugin
ang bell hanggang hindi ito ibinababa ng pari
- Matapos ibaba ng pari ang ostia, magbody bow habang nakaluhod tanda ng paggalang
sa sakramento
- Patunugin ang bell matapos magsalita ng pari habang nakataas ang kalis. Patutunugin
ang bell hanggangg hindi ito ibinababa ng pari
- Matapos ibaba ng pari ang kalis, magbody bow habang nakaluhod tanda ng paggalang
- Tumayo pagkatapos magbody bow

Dakilang Amen
- Dapat nang hawakan ng lingkod ang bell habang nakataas na ang sakramento habang
nagsasalita pa ang pari
- Patunugin ang bell matapos magsalita ng pari
- Hintayin awitin ang dalawang amen bago huminto
- Hintaying maibaba ang sakramento bago ibaba ang bell

Ama namin
- Ang mga lingkod ay dapat itaas ang mga kamay (orans) at pumikit habang inaawit ang
kanta upang pagnilayan ito

Kordero
- Habang inaawit ang kordero, ang lingkod ay dapat maglagay ng siboryo sa altar kung
sakaling kulang ang siboryo na nailagay habang pagaalay
- Bilangin ang mga lay minister kasama ang pari at ang mga siboryo na nasa altar na,
kasama ang mga siboryong manggagaing sa tabernakulo
- Ilagay ang kulang na siboryo sa altar. Maggenoflect bago lisanin ang altar tanda ng
paggalang sa sakramento
- Ang mga lingkod ay dapat na magbody bow kapag binuksan na ng pari ang tabernakulo,
tanda ng paggalang sa sakaramentong nilalaman nito
- Luluhod ang lahat matapos ang pagkanta ng kordero

Komunyon
- Ihanda ang bell
- Ilagay ang mga kamay sa dibdib habang binabanggit ang tugon “panginoon hindi ako
karapat dapat na magpatuloy sa iyo…” at tumingin sa nakatanghal na sakramento
- Patunugin ang bell kapag ininom na ng pari ang alak
- Tumanggap ng komunyon
- Habang nagkkokomunyon, maaari nang kunin ang mga pall sa altar
- Manatili sa dako ng credens table hanggang hindi pa nakababalik ang lahat ng lay
minister. Maaari lamang pumasok ang lingkod na magsasalin ng tubig kapag naibalik na
sa tabernakulo ang sakramento
- Kung sakaling maunang matapos ang pari sa pagbibigay ng komunyon, magbibigayna
siya ng hudyat na salinana na siya ng tubig sa kalis
- Sa pagsasalin ng tubig, idikit ang dulo ng lalagyan sa kalis at ibuhos ang tubig. Hintaying
itaas ng pari ang kalis bago huminto sa pagsasalin
- Ang isa naming lingkod na kukuha ng mga siboryo ay maaaring maghintay sa gilid ng
altar habang nagsasalin ng tubig
- Hintaying punsasan ng pari ang mga siboryo. Maari ding sabihin sa pari kung may
natirang mugmog dahil ito ay bahagi ng sakramento
- Maghintay hanggang sa makatatlong patong ng siboryo saka ibalik sa credens table at
bumalik sa latar para balikan ang iba pang siboryo
- Hintaying matapos sa pagliligpit ang pari at kunin ang kalis
- Maaari nang lisanin ang sanktwaryo kung hindi pa tapos magannounce ng mga
announcement ang commentator
- Kung naabutan ng pangwakas na panalangin, manatili sa gilid at makiisa sa panalangin.
Maari lamang nyang lisanin ang sanktwaryo kapag inaawit na ang pangwakas na awit

Exit
- Hintayin ang hudyat ng pari bago pumunta sa sanktwaryo
- Magbodybow at genoflect sa tabernakulo
- Patunugin ang bell pagtapos maggenoflect at lisanin ang sanktwaryo
- Huminto sa pagpapatunog ng bell kapag nakarating sa sa sacristy

Pagkatapos ang misa:


- Hintayin ang pari bago magdasal ng panalangin pagkatapos ang misa
- Hubarin ang alba
- Ipasok ang mga kagamitang ginamit sa misa
- Isulat ang pangalan at oras ng paglilingkod sa log book

You might also like