You are on page 1of 9

OUR LADY OF LA NAVAL CHAPEL

Sangley Point, Cavite City

KNIGHTS OF THE ALTAR


REVIEWER

PAGKAKASUNOD SUNOD NG MGA BAHAGI SA MISA

1. ENTRANCE PROCESSION
- Maglalakad patungong dambana ang pari at mga tagapaglingkod ng misa habang umaawit ng angkop na
himno ang sambayanan.

2. GENUFLECTION AND VENERATION OF THE ALTAR


- Luluhod ang mga tagapaglingkod ng misa at ang pari sa harap ng tabernakulo bilang pagbibigay galang kay
Kristong naroon. Pagkatapos nito hahalik ang pari sa altar bilang pagbibigay galang sa lugar kung saan
ginaganap ang Eukaristiya.

3. SIGN OF THE CROSS


- Sisimulan ang Banal na Pagdiriwang sa pamamagitan ng pagtatanda ng Krus bilang pagbibigay galang sa
ating Diyos na tatlong Persona sa iisang Diyos na siyang sentro ng pagdiriwang.

4. PENITENTIAL RITE
- Sa parteng ito ng Banal na Misa aaminin natin ang ating mga pagkakasala. Dito rin napapatawad ang ating
mga "venial sin."

5. GLORIA
- Sa mga Linggo (at sa mga dakilang kapistahan), liban kung Kuwaresma at Adbiyento, ay inaawit natin ang
Papuri sa Diyos.

6. OPENING PRAYER
- Sasambitin ang pambungad na panalangin na nakasentro sa ipinagdiriwang sa araw na iyon.

7. READINGS
- Makikinig tayo sa mga pagbasa mula sa bibliya na halaw mula sa Luma at Bagong Tipan, Salmo at
Ebanghelyo

8. HOMILY
- Atin namang pakikinggan ang mga pagninilay mula sa mga pagbasa. Atin ding maririnig ang mga pangaral
ng pari upang tayo'y maging isang mabuting Kristiyano Katoliko.

9. PROFESSION OF FAITH
- Dito ipinapahayag natin ang sentro ng ating pananampalataya, ang ating sinasampalatayanan bilang
Kristiyano

10. PRAYERS OF THE FAITHFUL


- Pagkatapos nating ipahayag ang ating pananampalataya, bilang isang sambayanan ng Diyos tayo ay
dadalangin para sa kahilingan ng simbahan, ng mundo, ng ating komunidad, at para sa ating sariling
kahilingan at intensiyon.

11. OFFERTORY/PREPARATION OF THE GIFTS


- Dito ginagawa ang pangongolekta ng mga alay habang umaawit ng angkop na himno ang sambayanan.
Kadalasan ding iniaalay ang alak at ang tinapay na gagamitin sa Banal na Pagdiriwang. Matapos na
maihandog lahat ng alay ay aayuisin naman ang altar para sa pagdiriwang.
12. WASHING OF THE HANDS
- Kasunod naman ay ang paghuhugas ng kamay ng pari habang sinasambit ng mahina ang ganitiong
panalangin: "Wash me, O Lord, from my iniquity and cleanse me from my sin."; bilang pagpapayahag ng
kanyang nais na maging isang banal at dalisay habang naghahanda para sa pag-aalay ng Banal na
Eukaristiya.

13. PRAYER OVER THE GIFTS


- Dito naman sasambitin ng pari ang panalangin ukol sa mga alay upang maging banal at katanggap-tanggap
sa paningin ng Diyos.

14. PREFACE
- Bago tumungo sa Eucharistic Prayer, ang pari, sa ngalan ng sambayanan ay nagbibigay puri sa Diyos at
nagpapasalamat sa kaloob niyang kaligtasan Ang panalangin ay susundan ng pag-awit o pag-sambit ng
Hosanna, Hosanna, Hosanna.

15. THE EUCHARISTIC PRAYER


- Marami ang nakapaloob sa panalangin na ito. Ang mga sumusunod:

 Epiclesis: Dito hinihimok ang Espiritu Santo upang ang mga haing inialay ay maging Katawan at Dugo ni Kristo.
 Institution Narrative and Consecration: Ang mga katagang winika ng ating Panginoong Hesu-Kristo noong
Huling Hapunan at nang itatag niya ang Eukaristiya ay sinasambit ng pari. Dito nagaganap ang tinatawag
na "transubstantiation" o ang tinapay at alak ay nagiging totoong katawan at dugo ni Kristo.
 Memorial Acclamation: Hihimukin ng pari ang sambayanan na ipahayag ang misteryo ng pananampalataya sa
pamamagitan ng pagsambit ng: "Aming ipinahahayag na namatay ang 'yong Anak, nabuhay bilang Mesias
at babalik sa wakas para mahayag sa lahat."
 Anamnesis: Dito ginugunita ang paghihirap, kamatayan at muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesus.
 Offering: Dito ang Santa Iglesya sa pangunguna ng pari, si Kristo na naroon sa Banal na Eukaristiya ay iaalay sa
Ama.
 Intercessions: Ipinamamalas natin dito na ang Eukaristiya ay pakikipagkaisa sa buong Simbahan maging dito
man sa lupa o sa langit. Ipinagdarasal din natin ang ating Simbahan, ang Santo Papa, ang mga obispo, ang mga
pari, ang sambayanan, at ang mga namayapa na.
 Final Doxology: Ang huling panalangin ng pagpupuri sa Diyos ay ipinahahayag sa pamamagitan ng pagsambit o
pag-awit ng mga katagang, "Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya, at sa Kanya, ang lahat ng parangal at
papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan."
 The Great Amen: Ang sambayanan ay tutugon sa pamamagitan ng pag-awit ng Amen. Sa pagbanggit natin
ng Amen ay ating ipinahahayag ang pagsang-ayon sa mga sinabi at ipinagdiwang sa Eucharistic Prayer
 The Lords Prayer: Sa pagbubuod ng Eucharistic Prayer tayo ay tatayo at ating dadasalin ang panalanging
itinuro sa atin ng ating Panginoong Hesus, ang Ama Namin.
 Sign of Peace: Bago tayo makinabang sa katawan at dugo ni Kristo tayo ay inaanyahan na magbigay ng
kapayapaan sa kapwa.
 Lamb of God: Aawitin ng samabayan ang panalanging Kordero ng Diyos bilang pag-alala na si Kristo ang
Kordero ng Diyos na nag-alay ng kanyang katawan at dugo para iligtas ang sansinukob.
 Breaking of the Bread: Habang inaawit ang Kordero ng Diyos, puputol ng kapiraso ang pari ng kapirasong
ostiya upang ihalo sa dugo ni Kristo na nasa kalis. Ito ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng katawan at dugo ni
Kristo.
 Holy Communion: Dito ay ipapakita sa sambayan ang Kordero ng Diyos na nasa anyong tinapay at babanggitin
ng pari ang, "Narito ang Kordero, narito siyang nag-aalis ng ating mga kasalanan. Mapapalad ang
inaanyayahan sa kanyang Banal na Piging." At kasabay ng samabayanan ang pari ay tutugon
ng, "Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay
gagaling na ako." At sisimulan na ang pagbibigay ng banal na Komunyon.
 Prayer after Communion: Pagkatapos matanggap si Kristo ay dadasalin na ang pangwakas na panalangin na
hihilingin niya sa Diyos na tayo nawa ay lubos na makinabang sa ating sakramentong natanggap.
 Final Blessing: Ang pari ay babasbasan ang Sambayanan nang sa gayon sila ay humayo at isabuhay ang pag-
ibig ni Kristo. At sa muli, hahalik ang pari sa altar at maglalakad palabas ng santwaryo habang inaawit ang isang
angkop na himno. At pagkatapos nito, dito pa lang matatapos ang banal na misa.
 Exit: Ang pagtatapos ng Banal na Misa.
Mga Gamit sa Simbahan at sa Misa

Sanctuary – Ito ang pinakabanal na bahagi ng simbahan, dito matatagpuan ang altar,
ambo, at upuan ng pari.

Altar – dito ipinagdidiwang ang eukaristiya, at ang kumakatawan kay hesus na ating
panginoon.

Altar Cloth – Putting telang linen na ginagamit na pantakip sa dambana/altar.

Crucifix – ito ang isang malaking krus na may imahe ni Hesus na nakalagay sa altar.

Tabernacle – Ito ay isang nakapirmi at nakakandadong kahon kung saan nakalagay


ang mga reserbang sakramento.

Presider’s Chair – Ito ay ginagamit upang upuan ng pari o diyakono na mag didiwang ng
banal na misa.

Ambo/Lecturn – Ito ay isang uri ng “Reading Desk” dito binabasa ang mabuting balita
ng panginoon at mga pagbasa.

Sacramentary – ito ang Aklat na naglalaman ng panalangin sa misa sa anumang


pagkakataon.
Lectionary – Aklat na nag lalaman ng lahat ng pagbasang ipinahahayag sa misa.

Book of Gospel – Aklat na naglalaman ng mabuting balita na ipinahahayag ng pari o


diyakono tuwing araw ng lingo, mga kapistahan, at iba pang pagdiriwang.

Missalette – Maliit na aklat na naglalaman ng mga panalangin, pagabasa, at awit para


sa mga misa sa nakatakdang panahon.

Ordo – maliit na aklat na naglalaman ng kalendaryo ng simbahan, mga araw ng


kapistahan at iba pa. dito rin mababatid ang mga kulay at pagbasa at iba pang gawain ng
kaugnay ng liturhiya ng simbahan.

Collectio Rituum – nilalaman nito ang mga panalangin tagubilin sa mga ritwal, gaya ng
pagbabasbas ng mga sasakyan, at ang mga pagdiriwang ng sacramento sa labas ng
simbahan.

Seryales – ito ay binubuo ng isang krus at dalawang kandila na nakalagay sa mahabang


kahoy o bakal na ginagamit upang pangunahan ang isang prusisyon.

Processional Candles – ito ay magkapares na kandila na ginagamit ng dalawa o higit pang


sacristan at ginagamit sa prusisyon simual umpisa at dulo ng misa.

Sacramentary Stand – ito ay nakalagay sa ambo o sa altar upang patungan ng


sakramentaryo o maliit na missal.
Monstrance – ito ay sisidlan ng banal na sakramento para sa pagtatanghal at pagbababasbas sa pamamagita
nng banal na sakramento.

Lunette/Luna – ito ay maliit na sisidlan na pinagiipitan ng banal na sakramento na nasa


loob ng Monstrance.

Pyx – ito ay maliit na sisidlan ng ostiya na ginagamit upang dalhin ang pagkokomunyon sa
mga may sakit.

Chalice – Pinaglalagyan at pinagiinuman ng itinalagang alak sa Misa.

Corporal – Hugis parisukat na pirasong tela na inilalatag sa altar at nakapailalim sa


chalice.

Pall – Ito ay hugis parisukat na linen na may pampatigas sa loob, ginagamit ito pantakip sa
kalis upang hindi malaghyan or magkaron ng kahit anong dumi.

Purificator – ito ay ginagamit upang tuyuin ang mga ginagamit sa misa, mayroon itong krus
sa gitna at it ay nakaparihaba kung tupiin.

Paten – Ito ay hugis plato na pinaglalagyan ng malaking ostiya, karaniwan itong nakalagay
sa ibabaw ng kalis.

Sanctus Bell – Ginagamit ito upang makatawag pansin sa mga tao at mag ituon ang
kanilang pansin sa ginagawa sa dambana.
Cruets – Ito ang pinaglalagyan ng alak at tubig na ginagamit sa banal na misa.

Pitcher and Basin – Ginagamit ito sa panghugas ng kamay ng pari matapos ihanda ang
mga alay.

Finger Towel – Ito ay piraso ng Linen o Bimpo na ginagamit upang tuyuin ang kamay ng
pari, ang cross nito ay nasa ibaba.

Ciborium – Ito ay sisidlan ng mga maliliit na ostiya na ipinamamahagi sa mga tao sa oras
ng komunyon.

Communion Plate – ginagamit ito upang saluhin ang mga mum una bumabagsak sa
oras ng pagbabahagi ng ostiya.

Holy Water Container – ito ay pinaglalagyan ng banal na tubig o holy water na ginagamit
sa pagbabasbas.

Credence Table – Ito ay gawa sa kahoy at ginagamit itong lagayan ng mga gamit na
gagamitin sa banal na misa.

Thurible – ito ay isang metal na nilalagyan ng baga at kamanyang ang loob nito,
ginagamit ito sa prusisyon at sa pagababasbas.
Thurifer – Tawag sa taong may hawak ng insensaryo/thurible.

Incense Boat – ito ay isang bakal na lalagyan ng kamanyang at may kasamang


kutsarang maliit.

Paschal Candle – Sumisimbolo kay Kristong muling nabuhay, na siyang pinagmulan ng


kaliwanagan.

Matraka – Ito ang kahalili ng bell sa panahon ng adbiyento at kuwaresma.

Sacred Vestments

Cassock/Sutana – ito ang kasuotan ng mga tagapaglingkod ng dambana o sacristan.

Surplice – Ito ang kasuotang ipinapatong sa ibabaw ng sutana.

Alb – ito ay ang damit panloob ng mga pari, diyakono, at obispo.


Chasuble – Kasuotan ng pari na nakapatong sa sa ibabaw ng alb.

Stole/Estola – Makitid na balabala na sinosuot ng Pari, Diyakono, at Obispo.

Cope/Kapa – Damit na ginagamit ng par isa prusisyon.

Humeral Veil – Kasuotan na nakapatong sa kapa, ginagamit ito sa paglilipat ng banal


na sakramento at pagababasbas sa mga sambayanan.

Ibat ibang kulay na ginagamit sa ibat ibang panahon:

Berde/Green – Ginagamit ito tuwing karaniwang panahon.


Pula/ Red – ito ay ginagamit sa panahon ng adbiyento at ng kuwaresma.
Puti/White – Paskong Pagkabuhay, at Pasko ng Pagsilang.
Lila/Violet - Panahon ng adbiyento,kuwaresma, at misa sa yumao.
Rosas/Pink - Ikatlong Linggo ng Adbiyento, at Ika apat na linggo ng Kuwaresma.

Basic Prayers

OUR FATHER
- Our Father, Who art in heaven, hallowed be Thy name; Thy kingdom come; Thy will be done on earth
as it is in heaven. Give us this day our daily bread; and forgive us our trespasses as we forgive those
who trespass against us; and lead us not into temptation, but deliver us from evil.

HAIL MARY
- Hail Mary, full of grace. The Lord is with thee. Blessed art thou amongst women, and blessed is the fruit
of thy womb, Jesus. Holy Mary, Mother of God, pray for us sinners, now and at the hour of our death,
Amen.

THE APOSTLES CREEED


- I believe in God, the Father Almighty, Creator of Heaven and earth; and in Jesus Christ, His only Son,
Our Lord, Who was conceived by the Holy Ghost, born of the Virgin Mary, suffered under Pontius
Pilate, was crucified; died, and was buried. He descended into Hell; the third day He arose again from
the dead; He ascended into Heaven, sitteth at the right hand of God, the Father Almighty; from thence
He shall come to judge the living and the dead. I believe in the Holy Spirit, the holy Catholic Church, the
communion of saints, the forgiveness of sins, the resurrection of the body, and the life everlasting.

GLORY BE
- Glory be to the Father,
and to the Son,
and to the Holy Spirit.
As it was in the beginning, is now,
and ever shall be,
world without end.

You might also like