You are on page 1of 5

Walang Gloria mula lunes hanggang sabado liban sa kapistahan o pagdiriwang:

Manalangin tayo.

Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang
sandali, ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayag ang panalanging
pambungad.

Ama Naming makapangyarihan,


Ginawa mong maging dalubhasa sa pagtuturo
Tungkol sa pananampalatayang Katoliko
At uliran sa paninindigang gaya ng mga Apostol si San Ambrosio.
Pukawin mo sa iyong sambayanan ang mga hinirang mo
Para makapamahala nang may karunungan at katatagan
Alinsunod sa nakalulugod sa iyo
Sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:


Amen.
Manalangin kayo, mga kapatid,
upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.

Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang panalangin
ukol sa mga alay. Sa katapusan nito’y sasagot ang mga nagsisimba bilang pagbubunyi:

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


Sa aming ginaganap sa pagdiriwang na ito
Silayan nawa ang aming pananalig ng sinag ng Espiritu Santo
Na tumanglaw kay San Ambrosio
Para palaganapin ang kadakilaan mo
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT


Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumaiyo rin.

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan: itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan
Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga
nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang
sinasabi:

Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon: Amen.

Para sa pakikinabang sa Dugo ni Kristo, gaganapin ang nasasaad sa ika-240 hanggang


sa ika-252 talata ng Pagkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na


huhugasan ng pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari,
pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinaggap ngayon
ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan


o makaaawit ng papuri o salmo.

Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap


sa mga nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.

Ama naming mapagmahal,


Kaming mga nakinabang na dinulutan mo ng lakas
Ay gawin mong umunlad sa pagtupad sa mga halimbawa ni San
Ambrosio
Upang sa lakas-loob na pagtahak sa iyong mga landas
Kami’y maging handing lasapin sa iyong piging
Ang tamis na hindi magwawakas
Sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen
Ama naming makapangyarihan,
Tunay ngang marapat
Na ikaw ay aming pasalamatan
Sa pamamagitan ni Hesukristo
Na aming Panginoon.

Ngayong si San Ambrosio ay pinararangalan


Sa pamumuhay niyang totoong uliran
At pagiging maasahan sa panunungkulan
kaya't si Hesukristo na maasahan sa katapatan
ay inihahayag sa pangangasiwa ng sambayanan.
Ang malasakit ng mga ulirang tagapangasiwa noon
ay nagpapatuloy magpahanggang ngayon
sa mga panalanging kanilang inuukol
kasia ng sambayanan mong dito’y natitipon.

Kaya kaisa ng mga anghel


Na nagsisiawit ng papuri sa iyo
Nang walang humpay sa kalangitan,
Kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
ORATIO IMPERATA PARA SA DENGUE FEVER AT LEPTOSPIROSIS
Makapangyarihan at mapagmahal na Ama,
nagpapasalamat kami sa handog mong buhay,
sa pagkalinga mong nagpapanatili sa amin,
at sa karunungan mong gumagabay sa takbo ng aming buhay.

Patawarin mo ang aming mga kasalanan sa iyong pag-ibig,


sa aming kapwa, at sa kalikasan.
Gawin mo kaming mabuting katiwala ng iyong mga nilikha.
Sumasaamin ngayon ang salot ng dengue fever at leptospirosis
na nagpapahirap sa marami
at kumitil ng maraming buhay.
Nagmamakaawa kami, mapagmahal na Ama.
Iligtas mo kami sa mga ito at sa lahat ng uri ng karamdaman.
Pagalingin mo ang mga maysakit.
At buhayin mo sa amin ang pagkakawanggawa
upang kalingain namin ang bawat isa.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristong Anak mo
na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo
iisang Diyos, magpasawalang hanggan.
Amen.
Mahal na Birhen, mapagpagaling sa maysakit, ipanalangin mo kami.
San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

You might also like