You are on page 1of 5

Walang Gloria mula lunes hanggang sabado liban sa kapistahan o pagdiriwang:

Manalangin tayo.

Ang lahat kaisa ng pari ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng ilang
sandali, ilalahad ng pari ang kanyang kamay at ipahahayag ang panalanging
pambungad.

Ama Naming makapangyarihan,


Sa iyong habag na din namin malirip
Minarapat mong hiranging apostol si San Mateo.
Kaming tinutuwangang lubos ng kanyang halimbawa at pagdalangin
Ay padindapatin mong maging matalik mong kaugnay
Sa pagsunod namin sa iyo sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:


Amen.
Manalangin kayo, mga kapatid,
upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

Pagkaraa’y, ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang panalangin
ukol sa mga alay. Sa katapusan nito’y sasagot ang mga nagsisimba bilang pagbubunyi:

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,


Sa paghahain namin ng panalangin at mga alay
Ngayong kapistahan ni San Mateo,
Kami’y nagsusumamong iyong maawaing tunghayan
Ang sambayanan
Na iyong ianruga sa pananampalatayang
Itinuro ng mga apostol
Sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT


Sumainyo ang Panginoon.
Bayan: At sumaiyo rin.

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


Bayan: itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan
Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga
nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang
sinasabi:

Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon: Amen.

Para sa pakikinabang sa Dugo ni Kristo, gaganapin ang nasasaad sa ika-240 hanggang


sa ika-252 talata ng Pagkalahatang Tagubilin ng Aklat ng Pagmimisa sa Roma.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na


huhugasan ng pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari,
pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapgmahal,


ang aming tinaggap ngayon
ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.

Makababalik ngayon sa upuan ang pari. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan


o makaaawit ng papuri o salmo.

Pagkaraan, ang pari ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana at paharap


sa mga nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.

Ama naming mapagmahal,


Sa pakikinabang namin sa galak ng katubusan
Na siyang sanhi ng masayang pagpapatuloy ni San Mateo sa Manunubos
Upang makasalo sa kanyang tahanan.
Ipagkaloob mong lagi naming tanggapin bilang pagkain
Siyang naparito upang tawagin ang mga makasalanan
At hindi lamang ang mga banal
Na ngayo’y kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.
Ama naming makapangyarihan,
Tunay ngang marapat
Na ikaw ay aming pasalamatan.

Ikaw ang pastol na laging pumapatnubay


Sa mga kabilang sa nililingap mong kawan.
Ito ang ginanap na pananagutan
Ng giliw mong Anak at Pastol ng tanan.
Ang mga apostol ay kanyang mga katuwang
Sa pagiging pastol na patnubay ng sambayanan.

Kaya kaisa ng mga anghel


Na nagsisiawit ng papuri sa iyo
Nang walang humpay sa kalangitan,
Kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
ORATIO IMPERATA PARA SA DENGUE FEVER AT LEPTOSPIROSIS
Makapangyarihan at mapagmahal na Ama,
nagpapasalamat kami sa handog mong buhay,
sa pagkalinga mong nagpapanatili sa amin,
at sa karunungan mong gumagabay sa takbo ng aming buhay.

Patawarin mo ang aming mga kasalanan sa iyong pag-ibig,


sa aming kapwa, at sa kalikasan.
Gawin mo kaming mabuting katiwala ng iyong mga nilikha.
Sumasaamin ngayon ang salot ng dengue fever at leptospirosis
na nagpapahirap sa marami
at kumitil ng maraming buhay.
Nagmamakaawa kami, mapagmahal na Ama.
Iligtas mo kami sa mga ito at sa lahat ng uri ng karamdaman.
Pagalingin mo ang mga maysakit.
At buhayin mo sa amin ang pagkakawanggawa
upang kalingain namin ang bawat isa.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Hesukristong Anak mo
na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo
iisang Diyos, magpasawalang hanggan.
Amen.
Mahal na Birhen, mapagpagaling sa maysakit, ipanalangin mo kami.
San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

You might also like