You are on page 1of 19

ANG LITURHIYA PARA SA ORDINASYON NG PAGKA-DIYAKONO

PANIMULA

Kapag handa na ang lahat, tatayo ang kongregasyon.

Pambungad na Awit
Ang Paghahanda

Obispo : Sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan : Amen.

Obispo : Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, lahat ng puso


sa Iyo’y nakabukas; lahat ng nasat hangarin ay nakalantad
at walang lihim na nalilingid sa Iyo; linisin ang aming mga
puso sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, upang kami’y
lubos na umibig sa Iyo, at maging karapat-dapat na
magbigay papuri sa Iyong banal na Pangalan; sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Bayan : Amen.

Ang Paghaharap

Tatayo ang oordinahan sa harap ng Obispo samantalang ang mga


tagapagharap ay tatayo sa kanyang likuran.

Mga Tagapagharap: Kagalang-galang na Obispo, inihaharap namin sa inyo


ang taong ito upang siya ay tumanggap ng banal na Orden
ng Pagka-Diyakuno.

Obispo : Inyo bang siniyasat na ang taong ito na inihaharap ninyo sa


amin ay naihandang mabuti at siya ay marapat sa kanyang
pinag-aralan at sa banal na pamumuhay? Buong higpit ba
niyang tutuparin ang kanyang ministeryo para sa
ikararangal at sa ikatatatag ng ating Iglesya?

Mga Tagapagharap: Nagpapatotoo po kami sa kanyang kakayahan ayon sa


aming pagsusulit sa kanya, at sa naipakita na niyang
halimbawa.

Titingin ang Obispo sa kongregasyon

Obispo : Mga Kapatid, ang sinuman sa inyo na nakakaalam na


mayroong balakid o hayag na krimen na maaring matagpuan
sa taong ito na kanilang iniharap upang tanggapin ang
Orden ng Pagka-Diyakuno, at ng dahil sa mga nabanggit,
siya ay hindi nararapat na italaga sa tungkulin: ngayon ay
lumapit, sa Ngalan ng Diyos at kanilang ipakilala kung ano
ang kanyang balakid o krimen.
1
Kung walang tututol, haharap ang Obispo sa oordinahan.

Obispo : Ikaw ba ay magiging tapat sa tinanggap na Doktrina,


Disiplina at Pagsamba kay Kristo ng Simbahang ito? Ikaw
ba, sang-ayon sa Pamantayan nitong Simbahan, ay handang
makipagtulungan sa Iyong Obispo at mga ministro na may
kapangyarihan sa Iyo at sa Iyong gawain?

Ordinado : Sumasang-ayon po ako at handang isagawa, taimtim kong


ipinahahayag na ako ay naniniwala sa Banal na Kasulatan
ng Luma at Bagong Tipan na siyang Salita ng Diyos at ng
lahat ng nilalaman ay mahalaga sa kaligtasan ng tao; at
taitim akong sumasang-ayon sa Doktrina, Disiplina, at
Pagsamba ng Iglesia Filipina Independiente.

Haharap muli ang Obispo sa Kongregasyon

Obispo : Sa panunumpang ginawa ni __________ sa Diyos at sa tao,


nais ba ninyo na siya ay tumanggap ng Orden ng Pagka-
Diyakuno?

Bayan : Iyan po ang aming nais!

Obispo : Itataguyod ba ninyo siya sa kanyang tungkulin?

Bayan : Siya’y aming itataguyod!

Ang Paghahabilin

Obispo : Kayong mga naririto ngayon; sa inyo at gayundin sa inyong


mga panalangin ay inihahabilin ko ang taong ito!

Ang Litanya

Luluhod ang Obispo na may mitra; luluhod rin ang bayan, samantala ang
Oordinahan ay dadapa.

Namumuno : O Diyos Ama

Sagot : Maawa ka sa amin.

Namumuno : O Diyos Anak

Sagot : Maawa ka sa amin.


Namumuno : O Diyos Espiritu Santo
Maawa ka sa amin.

Namumuno : O Santisima Trinidad

Sagot : Maawa ka sa amin.


2
Namumuno : Isinasamo namin sa Iyo na kami ay pakinggan Mo. Mabuting
Panginoon na maging kasiyahan mo sanang ipagkaloob ang
kapayapaan sa buong sandaigdigan at sa iyong Iglesya.

Sagot : Mabuting Panginoon, isinasamo namin sa Iyo, na kami ay


dinggin mo.

Namumuno : Na maging kasiyahan mo sanang banalin at pagpalain ang


iyong banal na Iglesya sa buong sandaigdigan.

Sagot : Mabuting Panginoon, isinasamo namin sa iyo, na kami ay


dinggin mo.

Namumuno : Na maging kasiyahan mo sanang pagkalooban ng


magandang diwa ang lahat ng mga Obispo, mga Pari, at mga
Diyakuno, na ikaw ay kanilang mahalin, sampu ng
katotohanan.

Sagot : Mabuting Panginoon, isinasamo namin sa iyo, na kami ay


dinggin mo.

Namumuno : Na maging kasiyahan mo sanang ipagkaloob sa lahat ng mga


Ministro ng Iyong Iglesya ang debosyon sa iyong
kaluwalhatian at kaligtasan ng mga kaluluwa.

Sagot : Mabuting Panginoon, isinasamo namin sa iyo, na kami ay


dinggin mo.

Tatayo ang Obispo na may bakulo, upang basahin ang sumusunod.

Sagot : Mabuting Panginoon, isinasamo namin sa iyo, na kami ay


dinggin mo.

Namumuno : Na maging kasiyahan mo sanang patnubayan sa


pamamagitan ng iyong lumalangkap na Espiritu yaong mga
tinawag mo para sa Ministeryo ng iyong Iglesya; upang sila
ay magpatuloy na may matatag na loob, at magtiyaga
hanggang sa katapusan.

Sagot : Mabuting Panginoon, isinasamo namin sa iyo, na kami ay


dinggin mo.

Namumuno : Na maging kasiyahan mo sanang palaguin ang bilang ng


iyong mga Ministro sa iyong Iglesya, upang ang Ebanghelyo
ay mapangaral sa lahat ng bansa.

Sagot : Mabuting Panginoon, isinasamo namin sa iyo, na kami ay


dinggin mo.

3
Namumuno : Na maging kasiyahan mo sanang pagmadaliin ang
katuparan ng iyong layunin na ang iyong Iglesya ay maging
isa na lamang.

Sagot : Mabuting Panginoon, isinasamo namin sa iyo, na kami ay


dinggin mo.

Namumuno : Na maging kasiyahan mo sanang ipahintulot na kami, na


kasama na iyong mga banal, ay maging kabilang sa iyong
walang hanggang kaharian.

Sagot : Mabuting Panginoon, isinasamo namin sa iyo, na kami ay


dinggin mo.

Namumuno : Panginoon, maawa ka sa amin.

Sagot : Kristo, maawa ka sa amin.

Namumuno : Panginoon, maawa ka sa amin.

Gloria in Excelsis

Obispo : Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan.

Bayan : At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong may mabuting


kalooban. Panginoong Diyos, Haring Makalangit,
makapangyarihang Diyos at Ama. Sinasamba ka namin,
pinasasalamatan ka namin, pinupuri ka namin dahil sa
iyong kaluwalhatian. Panginoong Hesukristo, bugtong na
Anak ng Ama, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, ikaw na
nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, tanggapin mo ang
aming kahilingan. Sapagkat ikaw lamang ang Banal, ikaw
lamang ang Panginoon, ikaw lamang ang kataastaasang
Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, sa kaluwalhatian ng
Diyos Ama. Amen.

Obispo : Ang Panginoon ay sumainyo,

Bayan : At sumainyo rin.

Obispo : Tayo’y manalangin.


O Diyos na makapangyarihan sa lahat, na nagkaloob ng
mabuting bagay, na sa pamamagitan ng Iyong banal na
Espiritu ay nagtalaga ka ng iba’t-ibang Orden ng mga
Tagapaglingkod sa Iyong Iglesya; buong awa mong
tunghayan itong lingkod mo na iyong tinawag para sa
tungkuling Pagka-Diyakuno; puspusin mo siya ng
katotohanan ng iyong katuruan, at siya ay bigyan mo ng
4
buhay na malinis,upang sa pamamagitan ng kanyang
pamumuhay at magandang halimbawa ay buong katapatan
ka niyang mapaglingkuran sa gawaing ito para sa
ikaluluwalhati ng iyong Pangalan, at sa ikatatatag ng iyong
Iglesya; sa pamamagitan ni Hesukristo, siya na nabubuhay
at naghaharing kasama mo at kaisa ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.

Bayan : Amen.

Kapilyan ng Obispo: Mga Kapatid, halina’t pakinggan ang Banal na


kasulatan ng makintal sa ating puso at diwa ang aral na
liwanag ng buhay.

Pagbasa Mula Sa Lumang Tipan Jeremias 1:4-


9

Uupo ang lahat

Tagapagbasa: Isang pagbasa mula sa Aklat ni Propeta Jeremias, Unang


Kabanata, nagsisimula sa Ika-apat na talata.

Sinabi sa akin ni Yahweh, “Pinili na kita bago ka ipinaglihi


upang maging Propeta sa lahat ng bansa.” Sinabi ko naman,
“Yahweh hindi pa ako marunong magsalita, bata pa po ako.”
Subalit sinabi niya sa akin, “Huwag mong sabihing bata ka.
Sinugo kita kaya’t humayo ka. Ipahayag mo sa lahat ang
aking iuutos sa iyo, huwag mo silang katatakutan pagkat
ako ay sasaiyo at iingatan kita. Akong si Yahweh ang
nagsasabi nito.” Pagkatapos, iniunat ni Yahweh ang kanyang
bisig, hinipo ang mga labi ko, at sinabi, “Hayan, ibinibigay
ko sa iyo ang dapat mong sabihin.”

Ito ang salita ng Diyos.

Bayan : Salamat sa Diyos.

Awit

Ang Epistola 1 Timoteo 3:8-


13

Tagapagbasa: Isang pagbasa mula sa Unang Sulat ni San Pablo kay


Timoteo, Ikatlong kabanata, nagsisimula sa Ikaw-walong
talata.

Kailangan naman ang mga magiging Diyakuno sa Iglesya ay


marangal; tapat magusap, hindi sugapa sa alak at hindi
5
sakim. Kailangang sila’y tapat sa pananampalataya na ating
ipinahayag at walang dapat ikahiya. Kailangang subukin
muna sila at makitang marapat bago gawing Diyakuno.
Kailangang ang kanilang mga asawa ay matitino, hindi
mapanirang-puri kundi mabait, at tapat sa lahat ng bagay.
Kailangan din iisa lang ang asawa ng isang Diyakuno sa
Iglesya, maayos siyang mamahala sa sariling sambahayan at
mabuting magpasunod sa kanyang mga anak. Ang Diyakuno
na tapat sa tungkulin ay igagalang ng lahat, at buong tapang
nilang maipapahayag ang pananampalatayang napapasaatin
dahil sa ating pakikipagkaisa kay Kristo Hesus.

Ito ang Salita ng Diyos.

Bayan : Salamat sa Diyos.

Gradual

Ang Banal na Ebanghelyo Lukas 22:24-


27
Pari : Ang Panginoon ay sumainyo,

Bayan : At sumainyo rin.

Pari : Ang Banal na Ebanghelyo ng ating Panginoong Hesukristo


ayon kay San Lukas, Ika-22 kabanata, nagsisimula sa Ika-
24 na talata.

Bayan : Luwalhati sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Pari : Nagtalu-talo ang mga alagad kung sino sa kanila ang


kikilalaning pinakadakila. At sinabi sa kanila ni Hesus, “Ang
mga Hari sa mundong ito’y siyang pinapanginoon ng
kanilang nasasakupan, at mga may kapangyarihan ay
napatatawag na mga taga-tangkilik nila. Ngunit hindi gayon
sa inyo. Sa halip, ang pinaka dakila ang dapat lumagay na
siyang pinaka-bata, at ang namumuno’y tagapaglingkod.
Sino ba ang higit na dakila, ang nakadulog sa hapag o ang
naglilingkod? Hindi ba ang nakadulog sa hapag? Ngunit ako
ay kasama-sama ninyo bilang naglilingkod.”

Ang Sermon Uupo ang


lahat

Ang Sumasampalataya

Sumasamapalataya kami sa iisang Diyos, Amang


makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa,
ng lahat ng nakikita at di nakikita.

6
Sumasampalataya kami sa iisang Panginoong Hesukristo,
bugtong na Anak ng Diyos, nagmula Sa Ama, bago pa
nagsimula ang panahon. Diyos buhat sa Diyos, liwanag
buhat sa liwanag, Diyos na totoo buhat sa Diyos na totoo,
inianak, hindi nilikha, kaisa sa pagka-Diyos ng Ama, Na sa
pamamagitan Niya ay nilikha ang lahat. Na dahil sa ating
mga tao, at sa ating kaligtasan ay nanaog mula sa
kalangitan. Nagkatawang-tao siya, lalang ng Espiritu Santo.
Kay Mariang Birhen at naging tao. Ipinako sa Krus dahil sa
atin, sa panahon ni Poncio Pilato, namatay at inilibing. At
muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa Kasulatan.
Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Ama. At pariritong
muli, puspos ng kaluwalhatian upang hukuman ang mga
patay at ang kaharian niya ay walang hanggan.

Sumasampalataya kami sa Espiritu Santo, Ang Panginoon at


ang nagbibigay-buhay. Na nanggaling sa Ama, na sinasamba
at niluluwalhating kasama ng Ama at ng Anak.
Sumasampalataya kami sa iisang Iglesyang Banal, Katolika
at Apostolika. At sa iisang Binyag sa ikapagpapatawad ng
mga kasalanan. At hinihintay namin ang muling
pagkabuhay ng mga namatay, at ang buhay na walang
hanggan. Amen.

Ang Pagsusulit

Uupo ang Obispo na may mitra at bakulo. Ang Ordinado ay tatayo sa harap
ng Obispo.

Obispo : Upang malaman ng kongregasyon ng Panginoon ang inyong


iniisip at niloloob sa tungkuling tatanggapin at gayundin
upang ang iyong pangako ang siyang magpapagalaw sa iyo
at lalo mong tupdin ang iyong tungkulin, iyong sagutin ng
malinaw ang mga bagay na ito, na sa Ngalan ng Diyos at ng
kanyang Iglesia, ay aming itatanong ugnay sa naturan.

Naisip mo na ba kung ikaw ay tunay na tinawag sa


tungkulin at paglilingkod na ito na pamamagitan ng Espiritu
Santo, ng ayon sa kalooban ng ating Panginoong Hesukristo,
sampu ng mga batas ng Iglesia Filipina Independiente?

Ordinado : Naisip ko po na gayun nga.

Obispo : Sumasampalataya ka ba na ang Banal na Kasulatan ay


naglalaman ng lahat ng mga katuruan na lubhang kailangan
para sa walang hanggang kaligtasan, sa pamamagitan ng
pananampalataya kay Hesukristo?

Ordinado : Sumasampalataya po ako at paninindigan, sa tulong ng


biyaya ng Diyos.

7
Obispo : Nakapaloob sa tungkulin ng isang Diyakuno na saan man
siyang simbahan ipadala, kailangang siya ay maglingkod,
tumulong sa gumaganap ang Banal na Gawain, lalung-lalo
na sa sandaling ginagawa ang banal na Komunyon,
nararapat na kaniyang tulungan ang pari sa pamamahagi
niyon.

Babasahin rin ang mga Banal na Kasulatan at ang mga


Nakapagpapabanal na Aral sa loob ng Simbahan. Tuturuan
din niya ang mga kabataan ng Katekismo. At sa oras na wala
ang Kura Paroko ay kanyang bibinyagan ang mga sanggol. At
kung siya ay pahihintulutan ng Obispo, siya rin ay
mangangaral.

At higit sa lahat, sapagkat ito ang siyang maliwanag na


itinakda sa ilalim ng kanyang tungkulin, at ito ay walang iba
kundi ang pagharap sa mga may sakit at sa mga dukha,
upang sila ay maibsan sa kanilang hirap sa pamamagitan ng
limos ng mga kapatid sa Iglesya o abuloy ng iba pa. Buong
lugod at kusang-loob mo bang tutuparin ito?

Ordinado : Lubha ko pong tutuparin, ang Diyos ang siyang aking


katulong.

Obispo : Iyo bang gagamitin ang lahat ng pagsisikap na mabalangkas


mo at mahubog ang iyong sariling buhay, sampu ng iyong
pamilya sa mga doktrina ng Panginoong Hesukristo; at
kapwa gagawin mo at ng iyong pamilya, sapagkat siya
namang nararapat, na maging pamarisan ng katawan ni
Kristo.

Ordinado : Lubha ko pong tutuparin, ang Diyos ang siyang aking


katulong.

Obispo : Buong galang mo bang susundin ang iyong Obispo, ang iba
pang pangunahing Ministro, na ayon sa mga Batas ng
Simbahan, sila ang may pananagutan at pamamahala sa iyo;
tutuparin mo ba ang kanilang banal na habilin sa
pamamagitan ng iyong nalulugod na puso at kalooban?

Ordinado : Pagsisikapan ko pong tuparin, ang Diyos ang siyang aking


katulong.

Tatayo ang Obispo at sasabihin:

Obispo : Nawa ay pagtibayin ng Panginoon sa tungkuling ibinigay


niya sa iyo.

Ordinado : Amen.

8
Veni, Creator Espiritus

Aalisin ng Obispo ang mitra, habang ang ordinado ay luluhod sa kaniyang


harapan. Tatayo ang bayan.

Obispo : Halina, Espiritu Santo, tigibin ang kaluluwa.

Bayan : Sa makalangit na apoy ay liwanagan siya.

Obispo : Ang Espiritung nagpapahid ay ikaw.

Bayan : Sa pitong kaloob ang siyang nagbibigay.

Obispo : Ang iyong banal na ungguentong galing sa itaas.

Bayan : Ay ang buhay, apoy ng pag-ibig, at lakas.

Obispo : Silayan mo ng walang hanggang liwanag.

Bayan : Ang kalabuan ng aming paninginng binulag.

Obispo : Pahiran at pasayahin ang nabatikang mukha.

Bayan : Sa kasaganaan ng iyong mga biyaya.

Obispo : Palayuin ang kalaban sa tahanan, kapayapaan ay ibigay.

Bayan : Saan man na ikaw ang patnubay, walang sakit na daratal.

Obispo : Ituro mo sa amin nang makilala ang Ama, Anak.

Bayan : At ikaw, galing sa dalawa, ay isa lamang.

Obispo : Upang sa kahabaan ng takbo ng mga panahon.

Bayan : Ito sana ang awit na walang hantong.

Obispo : Papuri ay sumainyong walang hanggang kakanyahan.

Bayan : Ama, at Anak, at Espiritu Santo. Amen.

Obispo : O Diyos, maawaing Ama, pinupuri ka namin dahil ibinigay


mo ang iyong bugtong na Anak na si Hesukristo, at sa
pamamagitan niya ay nabatid namin na kung sino man ang
makapangyarihan ay dapat maging taga-paglingkod ng lahat.
Pinupuri ka rin namin dahil sa mga iba’t-ibang Ministeryo ng
iyong Iglesya, at sa Lingkod mong ito na tinawag mo upang
maging isang Diyakuno.

Gawin mo siyang maamo, mapagkumbaba, at masikap sa


kanyang tungkulin, at siya ay magkaroon sana ng
9
nahahandang-kalooban na sumusunod sa lahat ng mga
disiplinang espiritual; at gayundin, nang dahil sa siya ay
laging may matatag na kalooban at may taglay na lakas sa
iyong Anak na si Kristo; na sa kanya natutungkol, na
kasama ka at ng Espiritu Santo, ang dangal at
kaluwalhatian, sa lahat ng panahon ng mga panahon.

Ang Pagpatong ng Kamay

Uupo ang Obispo nang may mitra at bakulo. Ipapatong niya ang kanyang
mga kamay sa ulo ng ordinado. Ang ibang Obispo at mga pari ay
magpapatong rin ng kanilang mga kamay.

Obispo : Tanggapin mo ang kapangyarihan makaganap ng tungkulin


ng isang Diyakuno sa Iglesya ng Diyos, na sa Iyo ibinigay; sa
Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan : Amen.

Ang Pagpatong ng Estola sa Kaliwang Balikat

Pahahalikan ng Obispo ang Krus na nasa estola, at saka ipapatong ang


kaliwang balikat ng Ordinado.

Obispo : Tanggapin mo ang Estolang ito bilang simbolo ng


kadalisayan ng buhay na dapat mong pagsikapang matamo,
at ito’y magpapagunita sa iyo na dapat mong gampanan
nang may kasiglahan ang ministeryo.

Ang Pagbuhol sa Dulo ng Estola

Habang ibinubuhol ang dulo ng estola sa gawing kanan ng Ordinado ay


sasabihin ng Obispo ito:

Obispo : Hari nawang tulungan ka ng Diyos na lubhang


makapangyarihan sa pamamagitan ng kaniyang biyaya
upang matamo ang dalisay na buhay.
Bayan : Amen.

Ang Pagsuot ng Dalmatika

Obispo : Hari nawang bihisan ka ng Panginoon ng damit ng kabaitan


at kagalakang espiritual ng mga banal na kaluluwa. Nawa’y
lagi kang sukluban ng Daimatika ng Katarungan; sa Ngalan
ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan : Amen.

10
Ang Pagkakaloob ng sipi ng Banal na Bibliya

Obispo : Tanggapin mo ang kapangyarihang makabasa ng


Ebanghelyo sa loob ng simbahan ng Diyos, at ng
kapangyarihang mangaral sa naturan kung ikaw ay
pahihintulutan ng iyong Obispo.

Ang Pagtanggap sa Kaayusan ng mga Subdiakono

Uupo ang lahat, tatayo ang Diocesan Council sa harap ng Obispo at hihilingin
ang pagtanggap sa Kaayusan ng mga Subdiakono

Diocesan Council: Minamahal naming Obispo, ibig po naming iharap sa


inyo ang mga Lay Minister, upang tanggapin sa Kaayusan ng
mga Subdiakono.

Obispo: Ang mga tao ba na inyong ihaharap ay ganap na nakahanda sa


pamamagitan ng kanilang dalisay na pamumuhay;
nalalaman ba nila ang kanilang tungkulin bilang
Subdiakono, at maisasagawa ba nila ang ministriya na
ipagkatiwala sa kanila ng Iglesia Filipina Independiente para
sa karangalan ng Diyos at sa ikakaunlad ng Kanyang
Simbahan?

Diocesan Council: Sila po'y dumaan sa pagninilay ukol sa Ministriya na


ipinagkatiwala sa kanila at tinuruan sa kanilang mga
tungkulin bilang mga Subdiakono.

Obispo: Inyong tawagin ang kanilang pangalan.

Isa-isang tatawagin ng Tagatala ng Konseho ng Diocese ang kanilang


Pangalan

Obispo: Mga minamahal na kapatid:

Sa loob ng simbahan ni Kristo ay mayroong mga iba't-ibang


mga bahagdan ng ministeryo. Ang sinumang tinawag sa
alinmang ministeryong ito ay tumatanggap ng biyaya mula
sa Banal na Espiritu upang kanilang maisakatuparan ang
kanilang paglilingkod para sa kaluwalhatian ng Kanyang
Pangalan, at sa ikakaunlad ng Kanyang Simbahan. Bilang
Subdiyakono ng ating simbahan, kayo ay mangunguna sa
pagbabasa ng mga nakalaang aral, lalong-lalo na sa
Liturhiya ng Salita at sa mga Banal na Gawain. Ang
Subdiakono ay maaring magbigay ng sermon sa
kapahintulutan at patnubay ng Kanyang Obispo o kaya'y ng
Pari na namamahala sa kanya. Ang bawat isa sa inyo ay
maari ring tumulong sa pamamahala ng komunyon sa mga
pagdiriwang ng Banal na Misa, at ng mga bagay hinggil sa
pagtulong sa pagtuturo, pagsubaybay sa mga

11
mananampalataya sa pagsamba at iba pang mga gawain sa
simbahan na maaring i-atas sa inyo.

Inyo bang magagampanan ang ministeryong ito ng may katapatan?

Mga kandidato: Gagampanan ko po, sa tulong ng Diyos.

Obispo: Bilang mga Subdiakono kayo ay mapapasailalim sa partikular na


responsibilidad na panatilihin ang inyong sarili na maging
matuwid at marangal. Buong pananampalataya at
kabanalan ba ninyong isasagawa ang mga kaakibat na
tungkulin ng Kaayusan na inyong kabibilangan ayon sa
Kautusan ng Diyos?

Mga Kandidato: Opo, sa tulong ng Diyos.

Obispo: Magiging matapat ba kayo sa Katuruan , Disiplina at Pagsamba ng


ating simbahan, ang Iglesia Filipina Independiente? Inyo
bang susundin ang kanyang mga batas at ang mga tagubilin
ng inyong Obispo at ng iba pang mga ministro na mayrong
karapatan na mamuno sa inyo?

Mga Kandidato: Gagawin ko sa tulong ng Diyos.

Obispo: Nawa'y ang Diyos na nagkaloob sa inyo ng mga layunin na


maglingkod ay magbigay sa inyo ng biyaya na ito'y inyong
maisakatuparan.

Tatayo ang Obispo at sasabihin sa bayan:

Obispo: Mga minamahal na bayan ng Diyos, inyong napakinggan ang ating


mga Lay Minster na ipinakilala upang tanggapin bilang mga
Subdiakono ng ating simbahan at kung papaano nila
isasakatuparan ang kanilang ministeryo. Hinihiling ko sa
inyongayon na kung maroong isa man sa inyo na
nalalamang dahilan upang ang ating pagtanggap sa kanila
ay hindi dapat matuloy ay mangyaring magsalita na ngayon.

Kung walang hadlang ay luluhod ang mga kandidato

ANG PAGKAKALOOB NG MGA KAGAMITAN SA PAMAMAHAGI NG


KOMUNYON

Dadalhin ang mga gamit sa pagpapakomunyon sa Obispo upang ilapag sa


maliit na lamesa na nasa harapan ng mga kandidato, sagisag
ng pagkakaloob ng kanilang tungkulin sa Simbahan. Habang
inilalapag sa lamesa ay sasabihin ng Obispo

Obispo: Tanggapin ninyo ang mga gamit sa pamamahagi ng banal na


komunyon. Sa lahat ng oras, panatilihin ninyo itong malinis.
At alalahanin rin na panatilihing malinis ang inyong puso at
12
isip upang sa gayo'y manatili kayong karapatdapat na
templo ng Espiritu Santo.

Tatayo ang Obispo at kanyang aanyayahan ang bayan sa panalangin.

Obispo: Bayan ng Diyos, ipanalangin natin sila sa ating Amang makalangit


upang sila'y gawin Niyang Kanyang mga subdiakono sa
kanyang simbahan, at upang pagkalooban sila ng biyaya ng
Banal na Espiritu, nang sa gayo'y maging karapat-dapat
silang maglingkod sa Kanya sa pamamagitan ng kanilang
ministeryo.

Luluhod ang lahat, samantalang alisin ng mga Obispo ang kanilang Mitra,
Ang Obispo ay mananatiling nakatayo na nakaharap sa
bayan.

Obispo: O Panginoong Diyos, Ama naming Makapangyarihan, igawad mo


ang Iyong + pagpapala sa Iyong mga lingkod na ngayo'y
tinanggap sa Kaayusan ng mga Subdiakono. Panatilihin mo
sila sa Iyong kapamaraanan. Gawin Mo silang laging banal,
masikap, mahabagin, mapagpakumbaba at karapat-dapat sa
Iyong Paglilingkod. Pagtibayin Mo sila sa kanilang Ministriya
taglay ang lakas ng Iyong Banal na Espiritu; na sa kanilang
pagtalima sa Iyong mga Kauutusan at sa kanilang katapatan
sa pananampalataya, ay makasunod sila sa halimbawa ng
Iyong pinagpalang Anak na nag-aaral ng banal na kasulatan
sa sinagoga, at ng may pag-iingat at pang-unawa ay
inihahayag ang Iyong Salita sa iyong sambayanan; sa
pamamagitan pa rin ni Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu
Santo, iisang Diyos ngayon at magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Tatayo ang lahat. Isusuot muli ng mga Obispo ang kanilang Mitra
samantala'y wiwisikan ng Obispo ang mga “Tunicle”

Obispo: Tanggapin ninyo ang kasuotan ng kagalakan at kasiyahan at


patunayan na kayo'y karapat-dapat sa pagsuot niyan sa
pamamagitan ng pag-unlad sa Espiritu ng Panginoon, na
kung saan ang mga bunga ay: pag-ibig, kasiyahan,
kapayapaan, pagtityaga, kahinahunan, kabutihan,
pananampalatay at pagpapakumbaba. Sa Pangalan ng Ama,
Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Tatayo ang mga Subdiyakono. Isang karapat-dapat na imno ang aawitin


habang tinutulungan na bihisan ang mga Lay Minister ng
kanilang mga “sponsors”.

Obispo: Tanggapin ninyo ang “Missal” na sumisimbolo sa inyong


tungkulin na maglingkod sa bawat pagdiriwang ng bayan ng
13
Diyos ng Banal na Misa, basahin at aralin sa lahat ng araw
ng inyong buhay bilang bahagi ng inyong tungkulin.

Lahat: Amen.

Uupo ang Obispo, samantalang isa-isang lalapit ang mga tinanggap bilang
subdiakono ay magbibigay-galang sa Obispo upang
tanggapin mula dito ang “Missal” at ang katibayan ng
pagtanggap sa kanila sa Kaayusan ng Subdiakono.

Tatayo ang Obispo at ihaharap sa bayan ang mga tinanggap.


Obispo: Minamahal na bayan ng Diyos: Ipinakikilala ko sa inyo ang
bagong tinanggap bilang mga Subdiyakono ng Iglesia Filipina
Independiente. Hinihiling ko sa inyo na ipanalangin sila,
bigyan ng paghimok at pagtulong sa kanyang tungkulin.
Halina't sila'y ating batiin sa Pangalan ng Panginoon ng may
buong Kagalakan.

Pagkatapos ay muling magbibigay-galang ang mga Sub-Diyakono at


magtutungo sila sa nakalaang upuan at manatiling nakatayo.

Ipagpapatuloy ang banal na Misa

Ang Kapayapaan Tatayo ang


lahat

Obispo : Mga kapatid, tayo ang Katawan ni kristo; sa pamamagitan


ng isang Espiritu, tayong lahat ay bininyagan sa isang
Katawan.

Bayan : Ingatan natin ang pagkakaisa ng Espiritu sa bigkis ng


kapayapaan.

Obispo : Ang kapayapaan ng Panginoon ay lagi nawang sumainyo.

Bayan : At sumainyo rin.

Yayakapin ng Obispo ang bagong Diyakuno. Ang mga pari ay magyayakapan


at ang mga tao ay magkakamayan.

Awit ng Pagbati

Ang Paghahandog

Obispo : Sa pamamagitan ni Kristo, patuloy nating ialay ang handog


ng papuri, ang bunga ng mga labing nagpupugay sa kanyang
Pangalan. Subalit huwag kaligtaan ang gumawa ng mabuti
at ibahagi ang anumang nakakayanan ninyo, sapagkat ang
alay na ito ay kaaya-aya sa Diyos.
14
Uupo ang lahat, lilikumin ang mga handog at ihahanda ang hapag.
Ang Awit ng Pag-aalay

Pag-aalay ng mga Handog

Bagong Diyakuno: Pinupuri ka namin, O Diyos, ngayon at


magpakailanman.

Lahat : Sapagkat sa Iyo, O Diyos, ang kadakilaan, ang


kapangyarihan, ang kaluwalhatian, ang karangalan, at ng
kabutihan: Ang lahat maging sa langit at lupa ay sa Iyo man.
Sapagkat ang lahat ay mula sa Iyo, ang lahat din ay aming
ihahandog sa Iyo.

Isusunod ang pag-iinsenso ng mga handog, ng mga ministro at ng


kongregasyon. Samantala’y aawitin ng isang natataging awit.

Pagkatapos ng pag-iinsenso, maghuhugas ng kamay ang Obispo at


magtitipon sa paligid ng altar. Manatili nakatayo ang lahat.

Ang Dakilang Pasasalamat

Obispo : Manalangin tayo, mga kapatid, upang ang ating hain ay


maging marapat sa Diyos Amang Makapangyarihan.

Bayan : Tanggapin nawa ng Panginoon ang ating hain, sa ikapupuri


at ikaluluwalhati ng kanyang Pangalan, sa ating ikabubuti
ng buo Niyang Iglesya

Obispo at Pari: Ang kagandahang-loob ng Panginoon ay walang hanggang sa


mga may takot sa kanya, at ang kanyang katarungan sa
sali’t saling lahi.

Bayan : Maging sa mga tumutupad ng kanyang tipan, at nakaala-


alang sumunod sa kanyang mga kautusan.

Obispo at Pari: Itinatag ng Panginoong ang kanyang luklukan sa langit, ang


kanyang paghahari at sumasaklaw sa lahat.

Bayan : Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat niyang mga


angel; kayong malalakas na mandirigma na tumutupad ng
kanyang pag-uutos, na tumatalima sa kanyang
pangungusap.

Obispo at Pari: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat niyang mga
hukbo, ang kanyang mga tagapaglingkod na gumagawa ng
ayon sa kanyang kalooban.

15
Bayan : Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat niyang mga
gawa, saan mang dako ng kanyang kaharian; purihin ang
Panginoon.

Obispo at Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.

Bayan : At sumainyo rin.

Obispo at Pari: Itaas ang inyong mga puso.

Bayan : Itinataas namin sa Panginoon.

Obispo at Pari: Pasalamatan natin ang Panginoon nating Diyos.

Bayan : Nararapat na Siya’y ating pasalamatan at purihin.

Obispo : Tunay na marapat at matuwid, ito’y aming tungkulin at


kasiyahan, sa tuwina at saan mang pook ay magpasalamat
sa iyo, O Panginoon, Banal na Ama, Makapangyarihan,
walang-hanggang Diyos.

Sapagkat sa kasamahan ng iyong mga Banal, kami’y iyong


pinaligiran ng malaking samahan ng mga saksi, upang kami,
nalubos na nasisiyahan sa kanilang pakikipagsamahan ay
tumakbo sa paligsahan inilaan para sa amin nang may
pagtitiyaga: at kasama nila ay kamtin ang korona ng
kaluwalhatian, na kailanma’y di mawawala.

Kaya nga, kasama ng mga Angel at mga Arkangel, at lahat


ng kalipunan ng langit, buong kasiyahan namin
ipinagbubunyi ang iyong kaluwalhatian, laging nagbibigay
papuri sa iyo at nagsasabi:

Lahat : Banal, banal, banal na Panginoon, Diyos ng kapangyarihan


at lakas, ang langit at lupa’y puspos ng iyong kaluwalhatian,
Osana sa kaitaasan, mapalad siya na dumarating sa
Pangalan ng Panginoon, Osana sa kaitaasan.

Magpapatuloy ang Obispo, habang nanatiling nakatayo ang lahat.

Obispo : Lahat ng kaluwalhatian ay sa iyo, Diyos na


makapangyarihan, Amang makalangit, ng dahil sa iyong
pag-ibig at kaawaan ay ipinagkaloob mo ang iyong bugtong
na Anak na si Hesukristo na maging tao na tulad namin at
danasin niyang mamatay sa Krus para sa aming katubusan.
Doon ay kanyang ginawa, sa pamamagitan ng minsang pag-
aalay ng kanyang sarili, ang isang buo at ganap na hain para
sa buong sanlibutan; at kanyang itinatag at iniutos sa amin
na ipagpatuloy ang isang paggunita sa kanyang mahalagang
kamatayan at hain, hanggang sa muli niyang pagdating.

16
Sa mga sumusunod na salita hinggil sa tinapay at kalis, ipapatong ng Obispo
at Pari ang kanilang kamay sa ibabaw ng tinapay at kalis.

Obispo : Noong gabing ipinagkanulo ang Panginoong Hesus, habang Siya


at ang mga alagad ay nagsalu-salo sa huling pagkakataon,
hinawakan Niya ang tinapay, nagpasalamat Siya sa iyo, hinati-
hati iyon, iniabot sa kanila at sinabi: TANGGAPIN NINYO
LAHAT ITO AT KANIN: ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHAIN
PARA SA INYO.

Hahawakan ang kalis

Gayundin naman, pagkatapos ng hapunan, hinawakan Niya


ang Kalis ng Pagpapala, nagpasalamat Siyang muli sa Iyo,
iniabot Niya iyo sa kanyang mga alagad at sinabi:

TANGGAPIN NINYO LAHAT ITO AT INUMIN: ITO ANG AKING


DUGO NG BAGO AT WALANG-HANGGANG TIPAN. ITO’Y
DADANAK SA AKING PAGHAHAIN PARA SA INYO AT PARA SA
LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
IPAGDIWANG NINYO ANG HAPUNANG ITO SA PAG-ALAALA SA
AKIN.

Lahat : Si Kristo ay namatay


Si Kristo ay nabuhay na muli
Si Kristo ay muling babalik.

Obispo : Kaya nga, Panginoon at Amang makalangit, ginaganap namin


na iyong mga abang lingkod: ang pag-ala-alang iniutos ng iyong
Anak; sa aming paggunita sa kanyang pinagpalang
pagpapakasakit at mahalagang kamatayan sa kanyang
maluwalhating pagbabalik, ay aming ini-aalay sa iyo itong
Tinapay ng Buhay ay itong Kalis ng Kaligtasan. At kasama ang
mga handog na ito ay ini-aalay namin ang aming mga sarili, na
isinasamo namin sa iyo na tanggapin sa iyong makalangit na
altar, itong aming haing papuri at pasasalamat. Butihin Ama,
sa kapangyarihan ng iyong Espiritu Santo ay pagpalain mo at
pakabanalin itong Tinapay at Alak, upang para sa amin ay
maging kamahal-mahalang Katawan at Dugo ng iyong Anak na
si Hesukristo. Ang lahat nawa na tatanggap ng Banal na
Komunyong ito ay mapuspos ng iyong biyaya’t makalangit na
pagpapala at maging kaisang katawan niya, upang siya’y
manahan sa amin at kami’y sa kanya. At bagama’t kami’y hindi
karapat-dapat na mag-alay sa iyo ng anumang hain, gayon ma’y
isinasamo namin sa iyo na tanggapin itong aming tungkulin at
paglilingkod, sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon; sa pamamagitan niya, at kasama niya, at sa kanya,
na kaisa ang Espiritu Santo.

Itataas ang Tinapay at Alak

17
Ang lahat ng karangalan at kaluwalhatian ay sa iyo, O Amang
Makapangyarihan, ngayon at magpakailanman.

Bayan : Amen.

Ang Panalangin ng Panginoong Hesukristo

Obispo : Sa tagubilin ni Hesukristo sa atin, manawagan tayo nang buong


pananalig sa ating Amang nasa langit.

Lahat : Ama Namin sa langit, sambahin ang Ngalan mo, sumapit nawa
ang kaharian mo, sundin ang loob mo, dito sa lupa tulad ng sa
langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-
araw. Patawarin mo ang aming mga kasalanan; tulad ng
pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. Huwag mo
kaming ipahintulot sa pagsubok; kundi iadya mo kami sa
masama. Sapagkat sa iyo nagmumula, ang kaharian, ang
kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, ngayon at
magpakailanman.

Pari : Ang Tinapay na ating hahatiin ay ang Katawan ni Kristo.

Bayan : Ang Kalis ng Pagpapala na ating ihahain ay ang Dugo ni Kristo.

Pagkatapos, luluhod ang lahat at dito ay pipirasuhin ng Obispo at mga


katuwang ang tinapay habang aawitin ng mga tao ang sumusunod:

Ang Kordero

Lahat : Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng


sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng
sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Pari : Mga kapatid, halina’t pagsaluhan itong haing Banal nang tayo’y
makapisan sa masaganang hapag ng buhay.

Tatayo ang lahat at ang lahat ay inanyayahan sa komunyo.

Awit ng Pakinabang

Panalangin Pagkaraan ng Komunyo

Obispo : Tayo’y Manalangin.

Lahat : Walang-hanggang Diyos na aming Ama, tinanggap mo kaming


mga buhay na bahagi ng Katawan ng Iyong Anak na si
Hesukristo, at kami’y Iyong pinalakas sa pamamagitan ng
Sakramento ng Kanyang matagumpay na buhay; kami nawa
18
ngayo’y maging pirasong tinapay na maipamahagi sa mga tao,
ang pag-ibig mo sa ami’y lumunas nawa sa mga sugat na
nilikha namin. Ang Iyong Salita sa aming mga labi nawa’y
magpahayag ng kapayapaan sa lahat ng tao. Isugo mo kami
nang may magandang pananaw at lakas upang mapaglingkuran
namin ang Iyong Anak maging sa pinaka-aba Niyang mga
kapatid: Kaya’t pupurihin at luluwalhatiin ang iyong Pangalan
ngayon at sa panahong darating, hanggang ang lahat ay
maganap sa iyong kaharian. Amen.

Ang Pagbabasbas Luluhod ang


lahat

Obispo : Pagpalain ang Pangalan ng Panginoon

Bayan : Ngayon at magpakailanman

Obispo : Ang ating tulong ay nasa Pangalan ng Panginoon.

Bayan : Na lumikha ng langit at lupa.

Obispo : Ang kapayapaan ng Diyos na di-malirip ng buong


pangunawa, ay matatag na ingatan kayo sa kaalaman at
pag-ibig sa Diyos, at sa kanyang Anak na si Hesukristong
ating Panginoon; at ang pagpapala ng Makapangyarihang
Diyos; Ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo, nawa’y
sumainyo at laging manatili sa iyo.

Bayan : Amen.

Ang Paghayo

Obispo : Ang Panginoon ay sumainyo.


Bayan : At sumainyo rin.

Diyakuno : Humayo kayo at ipagpatuloy ang paglilingkod sa Panginoon


sa lahat ng araw ng inyong buhay.
Bayan : Salamat sa Diyos!

Ang Pambansang Awit ng Pilipinas

Ang Imnong Resesyonal

19

You might also like