You are on page 1of 5

PAGSASARIWA SA MGA PANGAKO SA PAGPAPARI

Obispo: Mga kapatid kong pari,


ipinagdiriwang natin ngayon ang nangyari noong Huling Hapunan
Ang mga alagad at tayong mga kahalili nila
ay pinagkalooban ng Panginoong Hesukristo
ng pakikiisa sa kanayang pagkapari.
Sa harap ng pagtitipong ito ng banal na sambayanan ng Diyos
na aking pinangangasiwaan bilang obispo,
ipinangangako ba ninyo muli
na kayo’y mamalaging tapat na alagad ng Diyos
bilang mga pari ng bagong tipan na pinagtibay ng Panginoong Hesus?

Mga Pari: Opo, Ipinangangako ko.

Obispo: Noong kayo’y ordenan,


inako ninyo ang pananagutan ng pagkapari
bilang panata ng pag-ibig sa Panginoong Hesus
at sa kanyang samabayanan.
Ipinangangako ba ninyo muli
na kayo’y matalik na makikiisa kay Kristo
at patuloy ninyong pagsisikapang tumulad sa kanya
sa pamamagitan ng kusang-loob na pagtalikod sa
pansariling kaluwagan
upang kayo’y mamalaging laan
para sa paghahatid ng kanyang kapayapaan
at pag-ibig sa inyong kapwa?

Mga Pari: Opo, Ipinangangako ko.

Obispo: Ipinangangako ba ninyong muli


na matapat ba ninyong ipahahahayag
ang misteryo ng Pananampalataya
at pangunguluhan ninyo nang taimtim at kaakit-akit
ang banal na paghahain ng Pasasalamat
at ang mga iba pang ginagampanang
pagsamba ng Sambayanan
bilang pagtulad sa Ulo at pastol nitong si Hesukristo
na nagtuturo ng daan ng pananampalataya
at naglilingkod sa kapwa tao
nang walang hangad gamitin ito para sa pansariling kapakanan?

Mga Pari: Opo, Ipinangangako ko.


Pagtatanong ng obispo sa mga tao

Obispo: Mga kapatid, magdasal kayo para sa mga pari.


ipakiusap ninyo kay kristo na palakasin niya ang loob ng mga pari
upang mapangatawanan ang kanilang pananagutan
nang may ganap na pag-ibig at katapatan
at upang kayo’y kanilang maakay
sa masaganang batis ng kaligtasan.

Mga tao: Panginoong, Hesukristo,


pakiusap naming sa’yo:
mga pari tulungan mo
maglingkod sa mga tao
nang may diwa mong totoo.

Tatayo ang obispo hawak ang kanyang bacolo

Obispo: Ako rin, na inyong Obispo, ay inyong ipagdasal.


Ako’y maraming kapintasan at kakulangan.
ang mga ito’y huwag nawang maging sagabal
sa tapat na pagtupad sa pananagutan ng mga apostol
na iniatang sa akin ng Panginoong Hesus.
Ipakiusap ninyo sa kanya na siya’y aking matularan
sa pagiging Dakilang Pari at Mabuting Pastol,
Tagapagturo at Tagapaglingkod ng lahat
upang ang aking buong pagkatao ay maging tagapaghatid
ng maasahan niyang paglagi sa piling ninyo araw-araw.

Mga tao: Panginoong, Hesukristo,


pakiusap naming sa’yo:
ang Obispo’y tulungan mong
maglingkod sa mga tao
nang may diwa mong totoo.

Obispo: Lingapin nawa tayong lagi ng mapagmahal na Panginoon,


panatilihin tayong nakikiisa sa kanyan,
bilang mga pari at kaanib ng kanyang samabayanan,
at inaakay niya sa buhay ngayon at magpasawalang hanggan

Mga tao: Amen.

Obispo: Mga Minamahal kong Kaparian’ at Inyong ipahayag muli ang ating Sinasampalatayanan.
bilang bahagi ng Simbahang Brasiliano sa Pilipinas

Ang lahat ng pari ay kanilang ipapahayag ANG SINASAMPALATAYANAN NAMIN


PAGBABASBAS SA LANGIS PARA SA MAYSAKIT
Oil of the Sick
Obispo: Ama naming makapangyarihan, ikaw ang
nagbibigay ng tanang kaaliwan at kagalingan na
dulot ng iyong Anak sa mga may karamdaman.
Paunlakan mo ang pagdalangin naming
nananampalataya upang itong langis na katas ng
halaman para sa aming kagalingan ay puspusin
mo ng Espiritu Santo na aming Patnubay at
iyong pagbabasbas + nawa’y makamtam ng mga
papahiran ng langis na nakalaan sa ika-gagaling
at ikalulusog ng mga may karamdaman kaya’t
basbasan mo + ang langis na ito sa ngalan ng
aming Panginoong Hesukristo (kasama mo at ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.)

Bayan: Amen.

PAGBABASBAS SA LANGIS PARA SA MGA INIHAHANDA SA BINYAG


Oil of Catechumens

Obispo: Ama naming lumilingap sa mga may


pananampalataya, basbasan mo + ang
langis na ito at bigyan mo ng
karunungan at lakas ang mga papahiran
nito bilang paghahanda sa pagbibinyag.
Tulungan mo silang makinig sa
Mabuting Balita, matugunan ito sa
kanilang pamumuhay, at makasapit sa
ligaya ng bagong pagsilang bilang mga
kaanib ng sambayanang iyong angkan sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PAGTATALAGA NG KRISMA SA DIYOS


Chrism oil (Ilagay na ang balsamo)

Obispo: Manalangin tayo upang itong langis ay basbasan ng Diyos


Amang makapangyarihan para makamtam ang pagbabago sa
kaibuturan ng katauhan ng mga papahiran nito sa ika-
pagkakamit ng buhay at dangal ng Poong Maykapal.
Ama naming makapangyarihan, kapuri-puri ka at dapat
pasalamatan sa mga kaloob mong sumasa amin dahil sa
iyong pagmamahal. Pinasasalamatan ka namin dahil sa
aming buhay at sa mga sakramentong nagdudulot ng ibayong
pamumuhay. Sa matandang Tipan, nabanaag na ng hinirang
mong sambayanan ang kapangyarihan nitong langis na banal.
Noong sumapit ang panahon mong itinakda natupad nang
hayagan ang lihim mong panukala sa pagkakatawang-tao at
paglilingkod ni Hesukristo na Panginoon naming at bugtong
na Anak mo. Ang kanyang pagpapakasakit, pagkamatay, at
pagkabuhay ay naghahatid ng kaligtasan sa sangkatauhan.
Ang pagsusugo niya mula sa iyo ng Espiritu Santo sa
sambayanan mo para puspusin ito ng ganap mong pagliligtas
sa tao. Mula noon hanggang ngayon, ang Krisma ay naging
tagapagbigay ng iyong buhay at pagmamahal sa
sangkatauhan. Ang pagpapahid ng langis na ito ay
nagpapakilala ng pagbubuhos mo ng Espiritu Santo sa mga
muling isinisilang sa binyag upang sila’y maging matatag sa
pagiging katulad ng iyong Anak at sa pakikihati sa kanyang
pagkahari, pagkapari, at pagkapropeta.

Lahat ng Pari ay maglalahad ng nakataob ang kanang kamay na nakaturo sa


Krisma

Kaya nga kami’y nananawagan sa iyo, Ama namin, upang


ang kapangyarihan ng iyong pag-ibig ay siya nawang
magpagindapat na ang langis na ito na hinaluan ng pabango
ay maging tanda at bukal ng pag-papalang bigay mo. Ibuhos
mo sa mga papahiran nito ang mga kaloob ng Espiritu Santo.
Ang sinag ng iyong banal na buhay ay mag-ningning nawa sa
lahat ng tao at bagay na papahiran nitong Krismang banal.
Magdulot din nawa ito ng pagdami at pag-unlad sa kabutihan
ng mga kaanib sa iyong sambayanan hanggang sa dumating
sa iyong kaluwalhatiang ikaw ang lahat para sa tanan sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

You might also like