You are on page 1of 8

PANIMULA

Namumuno Noong nakaraang linggo ay ipinahayag sa atin


ng Ebanghelyo ng ating Panginoon ang tungkol
sa muling pagpapakita Niya sa Kanyang mga
alagad sa pamamagitan ng Kanyang paghahati
ng tinapay na siyang palatanadaan ng Kanyang
pagka-Diyos, at sa pagpapahalaga sa Banal na
Sakramento ng Eukaristiya. Sa araw na ito, ang
ating Panginoong Hesus ay muling tumutukoy
sa Kanyang pagiging Diyos bilang Pastol sa
mga tupa. Muli Niyang pinatotohanan na ang
mga nakikinig at sumusunod sa pastol ang
siyang tunay na mga alagad ng Panginoon.
Kaya’t sa ating pakikinig at pagtalima sa Kanya,
panatilihin natin na maisabuhay ang Kanyang
mga aral at gayundin ang bigyan Siya ng
malaking pagpaparangal sa pamamagitan ng
Banal na Misa, na siyang sentro ng ating
pagdiriwang ngayon.
1
Tatayo ang lahat para sa pagsisimula ng Banal na Misa.
Mag-aalay ng isang awit.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari Ama naming makapangyarihan, akayin Mo
kami upang kami’y mapabilang sa mga
maliligayang kapiling Mo sa kalangitan upang
sa pagsunod namin bilang abang kawan kami’y
makarating sa sinapit ng pastol na idinangal na
siyang namamagitan kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.

Uupo ang lahat para pakinggang ang mga pagbasa.

UNANG PAGBASA | Gawa 2:42-47 |

Mula sa pagkaunawa ng Muling Pagkabuhay ng Diyos,


patuloy din nating nauunawaan ang kahalagahan ng
kaligtasang Kanyang gagawin. Dahil sa tinapay
pinagbubuklod tayo sa iisang pananampalataya, at dahil kay
Kristo napapanatili natin ang ating pagkatao bilang tupang
ipinapastol sa sanlibutan.

Tagabasa Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol.

Noong mga araw na iyon, ang mga sumampalataya ay


nanatili sa itinuro ng mga apostol, sa mga pagsasama-sama
bilang magkakapatid, sa pagpipira-piraso ng tinapay, at sa
pananalangin. Dahil sa maraming himalang nagawa sa
pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat ang
magkahalong pitagan at takot. At nagsama-sama ang lahat
ng sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian.
Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa
lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-araw,
2
sila’y nagkakatipon sa templo, nagpipira-piraso ng tinapay
sa kanilang tahanan, at nagsasalu-salong masaya ang
kalooban. Nagpupuri sila sa Diyos at kinalulugdan ng lahat
ng tao. Bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon
ang mga iniligtas.

Tagabasa Ang Salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMO RESPONSORIO | Awit 23 |

SI YAHWEH ANG AKING PASTOL,


HINDI AKO MAGKUKULANG

Namumuno Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan, at


inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.
At sang-ayon sa pangako na kaniyang
binitiwan sa matuwid na landasi’y doon ako
inaakay. TUGON.

Namumuno Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa


karimlan, hindi ako matatakot pagkat ikaw’y
kaagapay; at tungkod mo at pamalo ang gabay
ko at sanggalang. TUGON.

Namumuno Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may


handang dulang, ito’y iyong ginagawang
nakikita ng kaaway; nalulugod ka sa akin na
ulo ko ay langisan at pati na ang saro ko ay
iyong pinaaapaw. Tunay na ang pag-ibig mo at
ang iyong kabutihan, sasaaki’t tataglayin
habang ako’y nabubuhay; doon ako sa templo
mo lalagi at mananahan. HULING TUGON.

3
IKALAWANG PAGBASA | 1 Pedro 2:19-25 |

Dahil kay kristo, ang kasalanan ng sanlibutan ay napawi, at


ito’y dahil sa Kanyang pagmamahal. Binigyan Niya tayo ng
pagkakataong magbagong muli at kilalanin Siya bilang ating
Tagapagligtas. Bigyan natin ng buhay ang Kanyang ginawa
sa pamamagitan ng ating pagsasama-samang iisa sa ating
pananampalataya.

Tagabasa Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San


Pedro.

Mga pinakamamahal ko: Kalulugdan ng Diyos ang nagtitiis


ng parusa kahit walang kasalanan, bilang pagsang-ayon sa
kanyang kalooban. Maipagkakapuri kaya ang magtiis ng
parusa kung ito ay dahil sa paggawa ng masama? Hindi!
Ngunit pagpapalain kayo ng Diyos kung kayo’y maparusahan
sa paggawa ng mabuti. Ang pagtitiis ng hirap ay bahagi ng
pagkahirang sa inyo ng Diyos; sapagkat nang si Kristo ay
magtiis para sa inyo, binigyan niya kayo ng halimbawang
dapat tularan. Hindi siya gumagawa ng anumang kasalanan
o nagsinungaling kailanman. Nang siya’y alipustain, hindi
siya gumanti. Nang siya’y pahirapan, hindi siya nagbanta.
Nanalig siya sa Diyos na makatarungan. Sa kanyang
pagkamatay sa krus, dinala niya ang bigat ng ating mga
kasalanan upang tuluyan na nating iwan ang pagkakasala at
mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo’y gumaling sa
pamamagitan ng kanyang mga sugat. Sapagkat nagkawatak-
watak kayo gaya ng mga tupang naligaw, ngunit tinipon
kayong muli ng Pastol at Tagapangalaga ng inyong mga
kaluluwa.

Tagabasa Ang Salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos

4
Tatayo ang lahat upang magbigay galang sa paghahatid ng
Banal na Ebanghelyo ng Panginoon.

EBANGHELYO | Juan 10:1-10 |

Aleluya! Aleluya! Sa lupa’y laganap ang awa ng Panginoon,


sa salita ng Panginoon ay ginawa ang kalangitan.
Aleluya! Aleluya!
- Awit 32:5-6

Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon Hesukristo


ayon kay San Juan.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo ito:


ang pumapasok sa kulungan ng mga tupa nang hindi sa pinto
nagdaraan, ay magnanakaw at tulisan. Ngunit ang nagdaraan
sa pintuan ay siyang pastol ng mga tupa. Pinapapasok siya
ng bantay-pinto, at pinakikinggan ng mga tupa ang kanyang
tinig. Tinatawag niya ang kanyang mga tupa sa kani-kanilang
pangalan, at inilalabas sa kulungan. Kapag nailabas na, siya’y
nangunguna sa kanila at sumusunod naman ang mga tupa
sapagkat nakikilala nila ang kanyang tinig. Hindi sila
sumusunod sa iba, bagkus pa nga’y patakbong lumalayo,
sapagkat hindi nila nakikilala ang kanyang tinig.” Sinabi ni
Hesus ang talinghagang ito, ngunit hindi nila naunawaan ang
ibig niyang sabihin. Kaya’t muling sinabi ni Hesus, “Tandaan
ninyo: ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa. Ang mga
nauna sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit
hindi sila pinakinggan ng mga tupa. Ako ang pintuan. Ang
sinumang pumapasok sa pamamagitan ko’y maliligtas.
Papasok siya’t lalabas, at makatatagpo ng pastulan. Kaya
5
lamang pupunta rito ang magnanakaw ay upang magnakaw,
pumatay, at magwasak. Naparito ako upang ang mga tupa’y
magkaroon ng buhay – isang buhay na ganap at kasiya-siya.”

Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!


Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Isusunod ang Homilya at ipagpapatuloy sa Liturhiya ng Banal


na Eukaristiya.

PANALANGIN NG BAYAN

Pari Kailanma’y hindi pinababayaan ng Mabuting


Pastol na si Hesus ang Kanyang kawan. Sa lahat
ng panahon, nanawagan Siya sa mga bukas-
palad upang maging nakikitang kasangkapan
ng Kanyang pagmamahal. Manalangin tayo
ngayon sa isang natatanging paraan para sa
lahat ng kumakatawan kay Hesus dito sa atin
at para sa mga tinawag Niyang tumupad sa
ganitong tungkulin. Manalangin tayo: Hesus na
Mabuting Pastol, dinggin mo kami!

Lektor Para sa buong Simbahan: Nawa magkaroon


siya ng maraming mabubuting pari at mga
relihiyosong makagaganyak sa mga tao sa
pamamagitan ng kanilang mabuting
halimbawa at paggabay sa kanila sa kabanalan.
Manalangin tayo! Hesus na Mabuting Pastol,
dinggin mo kami!

Lektor Para sa Obispo Maximo, ating Obispo, at mga


pari: Sila nawa’y maging malinaw na
palatandaan ng pagpapasiyensiya, malasakit,

6
at pagmamahal. Manalangin tayo! Hesus na
Mabuting Pastol, dinggin mo kami!

Lektor Para sa lahat ng mga magulang, guro, at


pinunong pambayan: Maging tapat nawa sila
sa kanilang misyong magtaguyod sa kabutihan
ng mga taong nasa kanilang pangangalaga.
Manalangin tayo! Hesus na Mabuting Pastol,
dinggin mo kami!

Lektor Para sa ating kabataang tinatawagan ng Diyos


para maglingkod sa Simbahan: Nawa maliksi
silang tumugon at magsikap na maging tapat sa
kanilang bokasyon. Manalangin tayo! Hesus na
Mabuting Pastol, dinggin mo kami!

Lektor Para sa mga tagapagtaguyod ng mga bokasyon


at naglilingkod sa mga bahay-sanayan: Nawa
ang kanilang mga pagsisikap at panalangin ay
magbunga ng mga katulong na pastol na
kailangan ng Simbahan. Manalangin tayo!
Hesus na Mabuting Pastol, dinggin mo kami!

Lektor Para sa nalalapit na Sinodo ng Simbahang


Pilipino, ipagkaloob nawa sa mga delegado ang
Banal na Espiritu upang piliin ang pastol na
mag-aakay sa buong simbahan kay Kristo.
Manalangin tayo! Hesus na Mabuting Pastol,
dinggin mo kami!

Lektor Sa katahimikan ay buong puso nating iluhog sa


Diyos ang iba pa nating mga panalangin at
kahilingan.

Maglaan ng sandaling katahimikan.


7
Pari Manalangin tayo.
Panginoong Hesus, magsugo Ka ng marami’t
banal na mga pari at relihiyoso upang maging
pastol ng Simbahang Iyong kawan. Sa pagtulad
sa Iyo, ang Mabuting Pastol, sila nawa’y
makapagpatuloy ng Iyong gawain ng
pagmamahal at habag at mag-akay sa amin sa
kabanalan. Ikaw na nabubuhay at naghahari
magpakailanman. Amen.

You might also like