You are on page 1of 34

Iglesia Filipina Independiente

Diyosesis Ng Zambales
Lupon Ng Pagsamba

Ang Kaayusan Ng Banal Na


Misa Sa Sabado De Gloria
ANG LITURHIYA PARA SA DAKILANG PAGBABANTAY
SA ARAW NG MULING PAGKABUHAY (SABADO DE GLORIA)
Unang Kaayusan
Sa takdang oras ng takipsilim, (hangga't maaari ay simulan sa paghahati ng umaga at
gabi) sisimulan ang Banal na Misa, ang altar ay nakadamit, at nakatakip ng kulay lila
(violet) na tela. Ang mga kandila ay mananatiling hindi nakasindi, at walang mga
bulaklak ang ilalagay sa altar.
Ang Bagong Apoy ay ihahanda sa labas ng pinto papasok sa Simbahan, at ilalagay sa
isang angkop na mesa ang "Cirio Pascual" (Paschal Candle o Kandilang Pampista).
Ilalagay din ang banal na tubig, limang butil, at ilang mga kandila para sa prusisyon.
Ang Punong Tagapagdiwang, na nakasuot ng "amice", alba, "girdle", estola na lila (at
kapa na lila, kung nanaisin), ay magtutungo sa harap ng simbahan, kasama ang
Diyakono na nakasuot ng "amice", alba, "girdle", estolang puti at dalmatika; kasama
ang mga sakristan bitbit ang mga seryales, insenso at insensaryo. Ang lahat ay
magtitipon-tipon sa labas ng Simbahan, malapit sa apoy na inihanda, at sisindihan ng
Punong Tagapagdiwang ang Bagong Apoy. Ang mga ilaw ng simbahan ay nararapat na
hindi nakasindi, upang ang mga ito ay masindihan sa Bagong Apoy. Ang Pari ay
babasbasan ang Bagong Apoy, na gamit ang mga sumusunod:

Ang Pagbabasbas Ng Bagong Apoy At Ng Cirio Pascual


Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.
Lahat: At sumainyo rin.
Pari: Tayo’y manalangin: O Diyos na sa pamamagitan ng Iyong Anak na
Siyang tunay na pangunahing haligi, ay ipinagkaloob sa lahat ng
sumasampalataya ang liwanag ng Kaniyang apoy: isinasamo
namin na + pakabanalin Mo ang Bagong apoy na ito at ipagkaloob
na kami’y mag-alab ng mga makalangit na hangarin, upang
kami’y magkaroon ng malinis na kaisipan na makarating sa
Paskuwa ng walang-hanggang liwanag, sa pamamagitan ni
Hesukristong aming Panginoon. Amen.
Bebenditahan ng Pari ang Bagong Apoy at iinsensuhan. Matapos ay ibibigay ang "Cirio
Pascual" sa Pari at isusunod ang paghuhugis sa Cirio Pascual.
Uukitan / Lalagyan / Susundan ang Hugis ng Krus ang Cirio Pascual

Pari: Si Kristo noon at ngayon.


Lalagyan / Susundan ang bakas ng letrang Griyego na "Alpha" sa ibabaw ng
Krus at "Omega" sa baba ng Krus habang sinasabi:

Pari: Ang Simula at ang Wakas.


Sa bawat anggulo ng Krus ay lalagyan/susundan ng pari ang bakas ng bilang
ng kasalukuyang taon habang sinasabi:

For Trial Use Only 2 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil


Pari: Sa Kaniya ang lahat ng panahon: sa Kaniya ang kaluwalhatian at
kapangyarihan, sa lahat ng panahon ng mga panahon.
Ilalagay ng pari ang sa Krus ng Cirio Pascual ang limang butil sa apat na dulo
at gitna ng Krus habang sinasabi:

Pari: Sa Kaniyang banal at maluwalhating sugat, nawa’y patnubayan


tayo ni Kristo magpakailanman. Amen.
Sisindihan ang Cirio Pascual mula sa nabasbasan na apoy

Pari: Ang Ilaw ni Kristo na nagniningning ay liliwanag sa lahat ng dilim


sa bawat puso at isipan.
Babasbasan ng Pari ang Cirio Pascual na sinasabi:

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.


Lahat: At sumainyo rin.
Pari: Tayo’y manalangin
Aming ipinamamanhik sa Iyo, Makapangyarihang Diyos, na
ibuhos sa nasindihang kandilang ito ang kasaganaan ng Iyong +
pagpapala: at tulad Mo, ang Iyong sarili na hindi nakikita, Ikaw
na nagbigay ng bagong buhay sa santinakpan, nananalangin
kami sa Iyo na magningas ng liwanag upang liwanagan ang
kadiliman; upang ang aming sakripisyo na iniaalay sa Iyo sa
gabing ito ay mapaningning sa pamamagitan ng banal na liwanag
ng Iyong panloob na presensya, at saanmang mga pook, ang
liwanag na ito ay dalhin mula dito ang misteryo na aming
pinababanal, na sa pamamagitan Mo pa rin ay makaiwas mula sa
likha at pag-atake ng kasamaan, at mapuno ng
makapangyarihang lakas ng Iyong makalangit na kamahalan. Sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Lahat: Amen
Ang Prusisyon ay ihahanda, ang tagahawak ng Insensaryo ang mauuna kasunod ang
tagahawak ng seryales na Krus, kasunod ang dalawang tagahawak ng mga seryales
na kandila, ang Diyakono o ang Pari na hawak ang nasindihang Cirio Pascual. Ang
prusisyon ay titigil sa pinto ng Simbahan at itataas ang Cirio Pascual habang sinasabi o
kinakanta ang sumusunod:

Pari: Ang Ilaw ni Kristo.


Lahat: Salamat sa Diyos.
Ang Pari ay magsisindi ng kandila (kung mayroong Diyakono na maghahawak ng Cirio
Pascual) at ang mga kandila ng mga tao ay sisindihan. Ang prusisyon ay muling
magpapatuloy at muling titigil sa gitna ng Simbahan at itataas ang Cirio Pascual
habang sinasabi o kinakanta ang sumusunod ng mas mataas na tono:

For Trial Use Only 3 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil


Pari: Ang Ilaw ni Kristo.
Lahat: Salamat sa Diyos.
Ang mga tao na nasa prusisyon ay sisindihan din ang kanilang mga kandila at gayun
din ang mga taong malapit sa kanila. Ang prusisyon ay ay muling titigil sa bago ang
pasukan sa "Chancel", muling itataas ang Cirio Pascual habang sinasabi o kinakanta
ang sumusunod ng mas mataas na tono:

Pari: Ang Ilaw ni Kristo.


Lahat: Salamat sa Diyos
Ang lahat ay magsisindi ng kanilang mga kandila at hahawakan ang mga ito habang
binabanggit ang Maringal na Pagpapahayag ng Muling Pagkabuhay o "Exultet." Ilalagay
ang Cirio Pascual sa gitna ng santuario, tutungo ang Punong Tagapagdiwang sa
"sedilia", at ang Maringal na Pagpapahayag ng Muling Pagkabuhay o "Exultet" ay
bibigkasin o aawitin.

Praeconium Paschale (Exultet)


Diyakono/Pari:
Mangagalak kayo at magsi-awit, mga anghel sa langit; hayaang isigaw ng
inyong trumpeta ang kaligtasan, sa tagumpay ng Haring
Makapangyarihan. Mangagalak kayo at magsi-awit, kayo na buong
daigdig, kumikinang nasakdal dikit, pagkat naitaboy ni Hesus na Hari
ang kadilimang pusikit. Magalak ka at magsaya, O mahal na Inang
Iglesia, hayaan mong ang nagliwanag mong mga dambana ay karinggan
ng papuri mula sa iyong bayan. Kayong mga nasa tabihan, ng kamangha-
mangha at banal na ilaw, manalangin sa Diyos na Makapangyarihan, ng
biyayang awit upang papurihan, ang liwanag ng kadakilaan. Sa
pamamagitan ni Hesukristong Kaniyang Anak at aming Panginoon na
nabubuhay at naghaharing kapisan Niya, sa pakikiisa ng Espiritu Santo,
iisang Diyos, ngayon at kailanman.
Lahat: Amen
Diyakono/Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.
Lahat: At sumainyo rin.
Diyakono/Pari: Itaas ang inyong mga puso.
Lahat: Itinataas namin sa Panginoon.
Diyakono/Pari: Magpasalamat tayo sa ating Panginoong Diyos.
Lahat: Nararapat na Siya'y ating pasalamatan at purihin.
Diyakono/Pari:

For Trial Use Only 4 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil


Tunay na marapat at matuwid, sa tuwina at saan man ay pasalamatan
Ka at papurihan ng buong puso at kaisipan. Ang Espiritu,
makapangyarihan at walang hanggang Diyos at ang Bugtong Mong Anak,
si Kristo Hesus aming Panginoon; sapagkat Siya ang tunay na Kordero ng
Paskuwa, na sa Kapistahan ng Paskuwa ay nagbayad para sa atin ng
utang ng kasalanan ni Adan, at sa pamamagitan ng Kaniyan Dugo ay
iniligtas Mo ang matapat Mong bayan. Ito ang gabi, nang Iyong hanguin
mula sa pagka-alipin ang aming mga ninuno, ang mga anak ng Israel
mula sa Ehipto, at itinawid Mo sila sa Dagat na Pula na ang nilalakaran
ay tuyong lupa. Ito ang gabi, na ang lahat na naniniwala kay Kristo ay
pinalaya mula sa kadiliman ng kasalanan at ibinalik sa biyaya at
kabanalan ng buhay. Ito ang gabi ng lagutin ni Kristo ang sumpa ng
kamatayan at impiyerno, at matagumpay na bumangon mula sa hukay.
Kagila-gilalas at 'di abot ng aming isipan, O Diyos ang Iyong awa,
kabaitan at pag-ibig sa amin, na upang tubusin ang isang alipin ay
ipinagkaloob Mo ang kaisa-isa Mong Anak. Kabanal-banalan ang gabing
ito, pagkat ang kasamaan ay tumakas na sugatan, at ang kasalanan ay
nahugasan. Pinapanumbalik rin nito ang kawalang-walay sa mga
nagkasala at ligaya sa mga nalulungkot. Nagpapaalis ng lungkot at
nagdadala ng kapayapaan at pagkakaunawaan. Pinagpala ang gabing ito,
ang langit at lupa ay pinag-isa at ang tao ay nagbalik na muli sa kandili
ng Diyos.
Sa bahaging ito ay sisindihan ang mga kandila sa altar mula sa "Cirio Pascual" at ang
lahat ng ilaw sa Simbahan ay sisindihan upang ito ay magliwanag.
Magpapatuloy ang Diyakono o Pari sa mga sumusunod:

Diyakono/Pari:
Banal na Ama, tanggapin Mo itong pang-gabi naming handog, ang pag-
aalay sa kandilang ito ay para sa Iyong karangalan, patuloy nawa itong
magluningning upang itaboy ang kadiliman. Nawa'y patuloy itong
papagliyabn ni Kristo, ang Talang Pang-umaga na laging maningning ang
sikat, ang nagbibigay liwanag sa lahat ng nilalang, na nabubuhay at
naghahari magpakailanman.
Lahat: Amen.
Papatayin ng mga tao ang kani-kanilang mga kandila. Ang Diyakono o Pari ay babalik
sa kaniyang upuan kasama ang mga Ministro.
Uupo ang lahat at magpapatuloy sa mga Aral Sa Dakilang Paghihintay Ng Muling
Pagkabuhay.
_______________________________________________________________________________________________________________________________

For Trial Use Only 5 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil


Ikalawang Kaayusan
Ang Pagbabasbas Ng Bagong Apoy
Sa takdang oras, ang altar ay tatakpan ng mga tela, ngunit ang mga kandila sa altar
ay nararapat na hindi nakasindi. Samantala, ang apoy ay sisindihan sa labas ng
Simbahan, at ang uling sisindihan din sa apoy.
Ang Punong Tagapagdiwang, na nakasuot ng "amice", alba, "girdle", estola na lila (at
kapa na lila, kung nanaisin), o walang kasulya, kasama ang ibang mga Sakristan na
tangan Krus, banal na tubig, at insenso ay magtutungo sa harap ng Simbahan upang
basbasan ang Bagong Apoy.

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.


Lahat: At sumainyo rin.
Pari: Tayo’y manalangin: O Diyos na sa pamamagitan ng Iyong Anak na
Siyang tunay na pangunahing haligi, ay ipinagkaloob sa lahat ng
sumasampalataya ang liwanag ng Kaniyang apoy: isinasamo
namin na + pakabanalin Mo ang Bagong apoy na ito at ipagkaloob
na kami’y mag-alab ng mga makalangit na hangarin, upang
kami’y magkaroon ng malinis na kaisipan na makarating sa
Paskuwa ng walang-hanggang liwanag, sa pamamagitan ni
Hesukristong aming Panginoon. Amen.
Bebenditahan ng Pari ang Bagong Apoy at susuuban ito ng insenso ng tatlong ulit.

Ang Pagbabasbas Ng Limang Butil Ng Insenso


Pari: Aming ipinamamanhik sa Iyo, Makapangyarihang Diyos, na
ibuhos sa insensong ito ang kasaganaan ng Iyong + pagpapala: at
tulad Mo, ang Iyong sarili na hindi nakikita, Ikaw na nagbigay ng
bagong buhay sa santinakpan, nananalangin kami sa Iyo na
magningas ng liwanag upang liwanagan ang kadiliman; upang
ang aming sakripisyo na iniaalay sa Iyo sa gabing ito ay
mapaningning sa pamamagitan ng banal na liwanag ng Iyong
panloob na presensya, at saanmang mga pook, ang liwanag na ito
ay dalhin mula dito ang misteryo na aming pinababanal, na sa
pamamagitan Mo pa rin ay makaiwas mula sa likha at pag-atake
ng kasamaan, at mapuno ng makapangyarihang lakas ng Iyong
makalangit na kamahalan. Sa pamamagitan ni Kristong aming
Panginoon.
Lahat: Amen
Habang binabasbasan ang mga butil ng insenso, ang isang sakristan ay kukuha ng
mga may bagang uling mula sa nabasbasang apoy at ilalagay ito sa insensaryo: kapag
matapos na ang panalangin ng Pagbabasbas Ng Limang Butil Ng Insenso, ang pari ay
maglalagay ng insenso sa insensaryo at babasbasan ito ayon sa nakagawiang
pamamaraan. Matapos ay tatlong beses na wiwisikan ng banal na tubig ang limang
For Trial Use Only 6 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
butil ng insenso at ang apoy na sinasabi ang: "Linisin Mo ako ng esopo at ako’y
magiging busilak, hugasan Mo ako at ako ay magiging dalisay tulad ng niyebe." at
susuuban ito ng insenso ng tatlong ulit.
Samantala ang lahat ng mga ilaw o kandila sa Simbahan ay nararapat na hindi
nakasindi, upang ang masindihan ito mula sa Bagong Apoy. Ang Diyakono (kung
mayroon) na nakadamit ng puting dalmatika, ay kukuhanin "Tricereo" (Seryales na may
tatlong pirasong kandila sa ibabaw na naka-ayos ng tatsulok). Mauuna sa prusiyon ang
tagahawak ng insensaryo at insenso, sakristan o isang nakatalaga na maghawak ng
nabasbasang limang butil ng insenso, ang tagahawak ng Krus na seryales, ang
Diyakono (o ang Pari mismo kung walang Diyakono) na hawak ang "Tricereo" katabi
ang isang sakristan hawak ang kandilang may sindi galing sa nabasbasang Bagong
Apoy.
Titigil ang prusisyon sa bungad ng Simbahan, ibababa ng bahagya ang "Tricereo" at
sisindihan ng sakristan ang isang kandila nito. Kapag nasindahan na ay itataas ang
"Tricereo" at sasabihin o kakantahin ang sumusunod:
Luluhod ang lahat

Pari: Ang Ilaw ni Kristo.


Lahat: Salamat sa Diyos.
Tatayo ang lahat.
Ang prusisyon ay muling magpapatuloy at muling titigil sa gitna ng Simbahan, ibababa
ng bahagya ang "Tricereo" at sisindihan ng sakristan ang ikalawang kandila nito.
Kapag nasindahan na ay itataas ang "Tricereo" at sasabihin o kakantahin ang
sumusunod ng mas mataas na tono:
Luluhod ang lahat

Pari: Ang Ilaw ni Kristo.


Lahat: Salamat sa Diyos.
Tatayo ang lahat.
Ang prusisyon ay muling magpapatuloy at muling titigil sa harap ng Banal na Altar,
ibababa ng bahagya ang "Tricereo" at sisindihan ng sakristan ang ikatlong kandila nito.
Kapag nasindahan na ay itataas ang "Tricereo" at sasabihin o kakantahin ang
sumusunod ng may mas mataas na tono:
Luluhod ang lahat

Pari: Ang Ilaw ni Kristo.


Lahat: Salamat sa Diyos.
Tatayo ang lahat.
Ibibigay sa isang Sakristan ang "Tricereo" at magpapatuloy sa pagsambit o pag-awit ng
"Exultet" ang Diyakono o Pari sa Pulpito.

For Trial Use Only 7 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil


Praeconium Paschale (Exultet)
Diyakono/Pari:
Magsaya ngayon, makalangit na bayan at koro ng mga anghel at hayaang
ang iyong mga tambuli ay umawit ng kaligtasan, para sa tagumpay ng
ating Makapangyarihang Panginoon. Magsaya at mangagsi-awit ngayon,
lahat ng nasa ibabaw ng mundo, magningas ng maluwalhating liwanag.
Sapagkat ang dilim ay pinawi ng ating walang hanggang Hari. Magsaya at
magalak ngayon, Inang Simbahan, at hayaang ang Iyong banal na
larawan na may ningning na liwanag ay magbunyi sa mga papuri ng
Iyong bayan. Lahat kayong nakaharap sa banal na apoy, manalangin sa
Diyos na makapangyarihan para sa Kaniyang biyaya. Umawit ka ng
karapat-dapat na papuri sa dakilang ilaw. Sa pamamagitan ni
Hesukristong Kaniyang Anak na ating Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Niya, sa pakikiisa ng Banal na Espiritu Santo iisang
Diyos, ngayon at magpakailanman.
Lahat: Amen
Diyakono/Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.
Lahat: At sumainyo rin.
Diyakono/Pari: Magpasalamat tayo sa ating Panginoong Diyos.
Lahat: Nararapat na Siya'y ating pasalamatan at purihin.
Diyakono/Pari:
Tunay na marapat at matuwid, sa tuwina at saan mang pook, ng aming
buong puso, isip at salita na Ikaw ay purihin, 'di nakikita,
makapangyarihan at walang hanggang Diyos, at ang Iyong bugtong na
Anak na si Hesukristong aming Panginoon: Sapagkat Siya ang tunay na
Pampistang Tupa, na tumubos sa lahat ng aming pagkakasala, sa
pamamagitan ng Kaniyang Dugo, ay naligtas ang lahat ng
sumasampalataya. Ito ang gabi nang Iyong iligtas ang bayang Israel mula
sa pagkaalipin sa Egipto, at pinadaan Mo sila sa pulang dagat. Ito ang
gabi, na'ng lahat na maniniwala kay Kristo, ay mailigtas sa dusa ng
kasalanan, at tumanggap ng pagpapala, at buhay na banal. Ito ang gabi,
nang pinuto ni Kristo ang ugnayan ng kamatayan at impiyerno, at
tagumpay na bumangon sa kadiliman. Ang Iyong hiwaga O Diyos ay 'di
malirip ng Iyong nilikha, na sa Iyong awa at kadakilaan sa amin na
nabilanggo sa kasalanan ay ibinigay Mo ang Iyong Bugtong na Anak.
Napakabanal ang gabing ito, na kung saan ay nagapi ang kasamaan, at
kasalanan ay nahugasan. Pinanumbalik ang dalisay na kamalayan sa
mga nagkasala, at nagdulot ng galak sa mga nahahapis. Nilupig ang poot
at pagmamataas, at dulot ay kapayapaan at pagkakaisa. Dakila ang
For Trial Use Only 8 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
gabing ito, na ang langit at lupa ay pinag-isa, at ang sangkatauhan ay
nakipagkasundo sa Diyos.
Sa bahaging ito, ang Limang Butil ng Insenso ay ilalagay sa "Cirio Pascual" sa hugis ng
Krus:

4 2 5

Banal na Ama, tanggapin Mo ang aming pang-gabing pag-aalay ng


kandilang ito sa ikapupuri ng Iyong Pangalan.
Sa bahaging ito, ang "Cirio Pascual" ay sisindihan mula sa "Tricereo" at sisindihan na
rin ang lahat ng mga kandila at ilaw ng Simbahan.

Magningning nawa ito sa tuwina, upang pawiin ang kadiliman; at si


Kristo, ang Tala ng Umaga ay walang pagbabago, ay matagpuang laging
nakasindi Siya na nagkakaloob ng Kaniyang Ilaw sa lahat ng nilalang, na
nabubuhay at naghahari ngayon at magpakailanman.
Lahat: Amen.
Papatayin ng mga tao ang kani-kanilang mga kandila. Ang Diyakono o Pari ay babalik
sa kaniyang upuan kasama ang mga Ministro.
Uupo ang lahat at magpapatuloy sa mga Aral Sa Dakilang Paghihintay Ng Muling
Pagkabuhay.
_______________________________________________________________________________________________________________________________

Mga Aral Sa Dakilang Paghihintay Ng Muling Pagkabuhay

Pari: Ating pakinggan ang mga kasaysayan ng pagliligtas ng Diyos sa


Kaniyang piniling bayan sa mga panahong nakaraan at tayo’y
manalangin upang dalhin tayo ng Diyos sa kanyang mapagpalang
pagliligtas.
Uupo ang lahat para sa mga pagbasa mula sa Banal na Kasulatan.

Ang Kasaysayan Ng Paglalalang


(Genesis 1:1-2:2)
Tagabasa: Pagbasa mula sa Aklat ng Genesis, kabanata isa, nagsisimula
sa talata isa haggang kabanata dalawa, talata dalawa.
Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa at ang langit, ang lupa ay wala
pang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at umiihip ang
malakas na hangin sa ibabaw ng tubig. Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng
liwanag!” At nagkaroon nga. Nasiyahan ang Diyos nang ito’y mamasdan.
For Trial Use Only 9 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
Pinagbukod niya ang liwanag at ang dilim. Ang liwanag ay tinawag niyang
Araw, at ang dilim naman ay tinawag niyang Gabi. Dumaan ang gabi, at
sumapit ang umaga – iyon ang unang araw. Sinabi ng Diyos: “Magkaroon
ng kalawakang maghahati sa tubig upang ito’y magkahiwalay!” At
nangyari ito. Ginawa ng Diyos ang kalawakan na pumagitan sa tubig na
nasa itaas at nasa ibaba. Langit ang itinawag niya sa kalawakan.
Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga – iyong ang ika-2 araw. Sinabi
ng Diyos: “Magsama sa isang dako ang tubig sa silong ng langit upang
lumitaw ang lupa.” At ito’y nangyari. Ang lupa ay tinawag niyang Daigdig,
at Karagatan naman ang nagsama-samang tubig. Nasiyahan siya nang
ito’y mamasdan. Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Magkaroon sa lupa ng
lahat ng uri ng halamang namumunga at nagbubutil!” At nangyari ito.
Tumubo nga sa lupa ang gayong mga halaman. Nasiyahan siya nang ito’y
mamasdan. Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga – iyon ang ika-3
araw. Sinabi pa ng Diyos: “Magkaroon ng mga tanglaw sa langit para
mabukod ang araw sa gabi. Ito ang magiging batayan sa bilang ng mga
araw, taon, at kapistahan. Mula sa langit, ang mga ito’y magsasabog ng
liwanag sa daigdig.” At gayon nga ang nangyari. Nilikha ng Diyos ang
dalawang malaking tanglaw: ang Araw, upang tumanglaw sa maghapon,
at ang Buwan, upang magbigay ng liwanag kung gabi. Nilikha rin niya
ang mga bituin. Inilagay niya sa langit ang mga tanglaw na ito upang
magsabog ng liwanag sa daigdig, tumanglaw kung araw o gabi, at
magbukod sa liwanag at dilim. Pinagmasdan ng Diyos ang kanyang
ginawa at siya’y nasiyahan. Dumaan ang gabi, at sumapit ang umaga –
iyon ang ika-4 na araw. Sinabi pa ng Diyos: “Magkaroon sa tubig ng
maraming bagay na may buhay, at magkaroon din ng mga ibon sa
himpapawid.” Nilikha ng Diyos ang mga dambuhala sa dagat, at lahat ng
bagay na nabubuhay sa tubig, at lahat ng uri ng ibon. Minasdan niya ang
kanyang ginawa, at siya’y nasiyahan. Pinagpala niya ang mga ito at
sinabi: “Magpakarami ang lahat ng bagay na nabubuhay sa tubig at
punuin ang karagatan; magpakarami rin ang mga ibon at punuin ang
daigdig.” Dumaan ang gabi at sumapit ang umaga – iyon ang ika-5 araw.
Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa – maaamo,
maiilap, malalaki at maliliit.” At gayon nga ang nangyari. Nilikha nga niya
ang lahat ng ito, at siya’y lubos na nasiyahan nang mamasdan ang mga
ito. Pagkatapos likhain ang lahat ng ito, sinabi ng Diyos: “Ngayon,
lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang
mamamahala sa mga isda, mga ibon, at lahat ng hayop, maging maamo o
mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang
larawan. Lumalang siya ng isang lalaki at isang babae, at sila’y pinagpala.
Wika niya, “Magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling ang
buong daigdig, at pamahalaan ito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan
sa mga isda, sa mga ibon, at sa lahat ng maiilap na hayop, maging
malalaki o maliliit. Bibigyan ko rin kayo ng lahat ng uri ng butil at mga
bungangkahoy na inyong makakain. Ang lahat ng halamang luntian ay
For Trial Use Only 10 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
ibibigay ko naman sa lahat ng maiilap na hayop, malaki man o maliit, at
sa lahat ng mga ibon.” At ito nga ang nangyari. Pinagmasdan ng Diyos
ang lahat niyang ginawa, at lubos siyang nasiyahan. Dumaan ang gabi, at
sumapit ang umaga – ito ang ika-6 na araw. Gayon nilikha ng Diyos ang
lupa, ang langit at lahat ng bagay na naroroon. Sa loob na anim na araw,
tinapos niyang likhain ang lahat ng ito, at siya’y nagpahinga sa ika-7
araw. Pinagpala niya ang ika-7 araw at itinangi, sapagkat sa araw na ito
siya nagpahinga matapos likhain ang lahat. Ganito ang pagkalikha sa
lupa at sa langit.
Ito ang Salita ng Panginoon.
Lahat: Salamat sa Diyos.
Matapos ang pagbasa ay isang awit o imno aawitin ng lahat. Matapos ang awit o imno
ay tatayo ang lahat para sa Panalangin.

Pari: O Diyos, Ikaw na lumalang at nagbigay ng karangalan sa tao:


Ipagkaloob Mo na makibahagi kami sa Banal Niyang Buhay, Siya
na nagpakababa upang makibahagi sa aming pagkatao, ang Iyong
Anak na si Hesukristong aming Panginoon. Amen.
Matapos ang panalangin ay uupo ang lahat para sa Pagbasa

Ang Pagsasakripisyo Ni Abraham Kay Isaac


(Genesis 22:1-18)
Tagabasa: Pagbasa mula sa Aklat ng Genesis, kabanata dalawampu at
dalawa, nagsisimula sa talata isa hanggang labing walo.
Pagkalipas ng ilang panahon, sinubok ng Diyos si Abraham. Tinawag siya
ng Diyos at tumugon naman siya. Sinabi sa kanya, “Isama mo ang
pinakamamahal mong anak na si Isaac, at magpunta kayo sa lupain ng
Moria. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo, at ihandog mo siya
sa akin.” Kinabukasan, maagang bumangon si Abraham, at sumakay sa
asno, kasama si Isaac at ang dalawang aliping lalaki. May dala silang
kahoy na panggatong. Matapos ang tatlong araw na paglalakbay, natanaw
nila ang dakong kanilang patutunguhan. Kaya’t sinabi ni Abraham sa
kanyang mga alipin, “Bantayan na ninyo rito ang asno at kami na lamang
ni Isaac ang magtutuloy. Sasamba lamang kami sa dako roon, at
babalikan namin kayo.” Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang kahoy na
panggatong, dala naman niya ang apoy at patalim, at magkasama silang
lumakad. Tinawag ni Isaac ang pansin ng Ama, “Ama!” “Ano iyon, anak?”
tugong patanong ni Abraham. “Mayroon na tayong apoy at panggatong,
ngunit nasaan ang korderong ihahandog?” tanong ni Isaac. Sumagot si
Abraham, “Anak, ang Diyos ang magbibigay niyon sa atin.” kaya’t
nagpatuloy sila sa paglakad. Pagsapit nila sa dakong itinuro ng Diyos,
gumawa ng dambana si Abraham. Inayos niya sa ibabaw nito ang
For Trial Use Only 11 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
panggatong at inihiga si Isaac, matapos gapusin. Nang sasaksakin na
niya ang bata, tinawag siya ng anghel ni Yahweh at mula sa langit ay
sinabi: “Abraham! Abraham! Huwag mong patayin ang bata. Huwag mo
siyang saktan! Naipakita mo nang handa kang sumunod sa Diyos,
sapagkat hindi mo ipinagkait ang kaisa-isa at pinakamamahal mong
anak.” Paglingon niya’y may nakita siyang isang lalaking tupa na ang mga
sungay ay napasabit sa mga sanga ng kahoy. Ito ang kinuha ni Abraham
at inihandog kapalit ng kanyang anak. Ang lugar na iyo’y tinawag ni
Abraham na, “Ang Panginoon ang Nagkakaloob.” At magpahanggang
ngayon, sinasabi ng mga tao: “Sa bundok ni Yahweh ay may nakalaan.”
Mula sa langit, nagsalitang muli kay Abraham ang anghel ni Yahweh.
Wika nito, “Akong si Yahweh ang nangangako sa iyo: yamang hindi mo
ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak, pagpapalain kita. Ang lahi
mo’y magiging sindami ng bituin sa langit at ng buhangin sa dagat.
Lulupigin nila ang mga lunsod ng kanilang mga kaaway. Sa pamamagitan
ng iyong lahi, pagpapalain ang lahat ng bansa sa daigdig sapagkat ikaw
ay tumalima sa akin.”
Ito ang Salita ng Panginoon.
Lahat: Salamat sa Diyos.
Matapos ang pagbasa ay isang awit o imno aawitin ng lahat. Matapos ang awit o imno
ay tatayo ang lahat para sa Panalangin.

Pari: Diyos at Ama ng lahat ng naniniwala, ang kaluwalhatian ng Iyong


Pangalan ay pinatitingkad ng pagdalo ng Iyong Anak sa
Sakramentong ito, upang ang Iyong Simbahan ay masayang
mamalas ang ikatutupad ng Iyong mga pangako sa aming amang
si Abraham, sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.
Amen.
Matapos ang panalangin ay uupo ang lahat para sa Pagbasa

Ang Pagpapatnubay Ng Diyos Sa Israel Sa Pulang Dagat


(Exodo 14:24-15:1)
Tagabasa: Pagbasa mula sa Aklat ng Exodo, kabanata labing apat,
nagsisimula talata dalawampu at apat.
Nang magbubukang-liwayway na, ang mga Egipcio’y ginulo ni Yahweh
mula sa haliging apoy at ulap. Nalubog ang gulong ng mga karwahe at
hindi na sila makatugis nang matulin. Kaya sinabi nila, “Umalis na tayo
rito sapagkat si Yahweh na ang kalaban natin.” Sinabi ni Yahweh kay
Moises, “Itapat mo ang iyong tungkod sa ibabaw ng dagat at tatabunan ng
tubig ang mga Egipcio pati ng kanilang karwahe.” Ganoon nga ang ginawa
ni Moises, at pagbubukang-lwayway, nanumbalik sa dati ang dagat. Ang
mga Egipcio’y nagsikap makatakas ngunit pinalakas ni Yahweh ang
For Trial Use Only 12 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
dating ng tubig kaya’t sila’y nalunod na lahat. Nang manauli ang dagat,
natabunan ang mga karwahe’t kabayo ng Faraon, pati ng kanyang mga
kawal at walang natira isa man. Ngunit ang mga Israelita’y nakatawid sa
dagat, na tuyo ang dinaanan, sa pagitan ng animo’y pader na tubig. Nang
araw na yaon, ang mga Israelita’y iniligtas ni Yahweh sa mga Egipcio;
nakita nila ang bangkay ng mga Egipcio, nagkalat sa baybay-dagat. Dahil
sa kapangyarihang ipinakita ni Yahweh laban sa mga Egipcio, nagkaroon
sila ng takot sa kanya at sumampalataya sila sa kanya at sa alagad
niyang si Moises. Ito ang inawit ni Moises at ng mga Israelita para kay
Yahweh: “Itong si Yahweh ay aawitan ko sa kanyang kinamtang Dakilang
tagumpay; Ang mga kabayo’t kawal ng kaaway sa pusod ng dagat, lahat
natabunan.
Ito ang Salita ng Panginoon.
Lahat: Salamat sa Diyos.
Matapos ang pagbasa ay isang awit o imno aawitin ng lahat. Matapos ang awit o imno
ay tatayo ang lahat para sa Panalangin.

Pari: O Diyos na Siyang napakadakilang gawa at tumatanglaw sa


aming panahon: Minsan ay Iyong iniligtas ang Iyong piniling
bayan mula sa pagka-alipin sa ilalim ng Paraon, upang
magsilbing sagisag ng kaligtasan sa lahat ng bansa sa
pamamagitan ng pagbibinyag: Ipagkaloob na ang lahat ng tao sa
mundo ay mapabilang na Anak ni Abraham at magsaya sa kaloob
Mo sa Israel, sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon.
Amen.
Matapos ang panalangin ay uupo ang lahat para sa Pagbasa

Ipinagkaloob Ang Kaligtasan Sa Lahat


(Isaiah 55:1-11)
Tagabasa: Pagbasa mula sa Aklat ni Propeta Isaias, kabanata limampu at
lima, nagsisimula sa talata isa hanggang talata labing isa.
Sinabi ni Yahweh, “Narito ang tubig, mga nauuhaw, ang mga walang
salapi ay kumuha rito at bumili ng pagkain. Halikayo at bumili ng alak at
gatas, bumili kayo, ngunit walang bayad. Bakit ginugugol ang salapi sa
mga bagay na hindi nakabubusog? Bakit inuubos ang pera sa mga bagay
na walang halaga? Makinig kayo sa akin at sundin ang utos ko at
matitikman ninyo ang pinakamasarap na pagkain. Pumarito kayo, kayo
ay lumapit at ako’y pakinggan, makinig sa akin nang kayo’y mabuhay;
ako’y may gagawing walang hanggang tipan, at ipalalasap sa inyo ang
pagpapalang ipinangako ko kay David. Ginawa ko siyang hari at puno ng
mga bansa at sa pamamagitan niya’y ipinamalas ang aking
kapangyarihan. Iyong tatawagin ang mga bansang hindi mo kilala, mga
For Trial Use Only 13 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
bansang di ka kilala’y sa iyo pupunta. Dahilan kay Yahweh, Banal ng
Israel, ang Diyos na nagpala’t sa iyo’y dumakila.” Hanapin si Yahweh
samantalang siya’y iyong makikita, siya ay tawagin habang malapit pa.
Ang mga gawain ng taong masama’y dapat nang talikdan, at ang mga
liko’y dapat magbago nang maling isipan. Sila’y manumbalik, lumapit kay
Yahweh upang kahabagan, at mula sa Diyos, matatamo nila ang
kapatawaran. Ang wika ni Yahweh: “Ang aking isipa’y di mo isipan, at
magkaiba ang ating daan. Kung paanong ang langit higit na mataas,
mataas sa lupa, ang daa’t isip ko’y hindi maaabot ng inyong akala. Ang
ulan at niyebe paglagpak sa lupa’y di na nagbabalik, aagos na ito sa balat
ng lupa’t nagiging pandilig, kaya’t may pagkai’t butil na panghasik.
Ganyan din ang aking mga salita, magaganap nito ang lahat kong nasa.
Ito ang Salita ng Panginoon.
Lahat: Salamat sa Diyos.
Matapos ang pagbasa ay isang awit o imno aawitin ng lahat. Matapos ang awit o imno
ay tatayo ang lahat para sa Panalangin.

Pari: O Diyos, ginawa Mo ang lahat ng bagay sa kapangyarihan ng


Iyong Salita at pinaging bago Mo ang sanlibutan sa Iyong Banal
na Espiritu: Ipagkaloob ang tubig ng buhay sa mga nauuhaw sa
Iyo, upang makapagdala sila ng masaganang bunga ng Iyong
maluwalhating kaharian, sa pamamagitan ni Hesukristong aming
Panginoon. Amen.
Matapos ang panalangin ay mananatiling nakatayo ang lahat.

Ang Pagpapabanal Ng Tubig


Pari: Ang Panginoon ay sumainyo
Lahat: At sumainyo rin

Pari: Tayo’y manalangin: Makapangyarihan at walang hanggang Diyos,


buong kaawaan Mong pakinggan ang panalangin ng Iyong mga
lingkod ngayong sila’y naghahanap ng kalinga, at sa Iyong
kabutihan, ipagkaloob sa lahat ng nauuhaw sa pananampalataya
na sila’y maibsan sa misteryo ng Banal na Pagbibinyag at
makatanggap ng pagpapala sa katawan at kaluluwa, sa
pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay
at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman.
Lahat: Amen.
Pari: Ang Panginoon ay sumainyo
Lahat: At sumainyo rin
For Trial Use Only 14 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
Pari: Itaas ang inyong mga puso
Lahat: Itininataas namin sa Panginoon.
Pari: Pasalamatan natin ang Panginoon
Lahat: Nararapat na Siya’y ating pasalamatan at purihin.
Pari: Tunay na marapat at aming tungkulin na kami'y magbigay ng
pasasalamat sa Iyo, O Panginoon, Banal, Makapangyarihang Ama,
at Walang Hanggang Diyos. Sapagkat sa pamamagitan ni
Hesukristong Iyong minamahal na Anak, kami’y Iyong pinatawad
sa aming mga kasalanan at binigyan ng utos ang Kaniyang mga
alagad upang magpahayag sa lahat ng Bansa, magbinyag sa
Pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Banal na Espiritu.
O Panginoon, na ang Espiritu ay umiinog sa ibabaw ng mukha ng
tubig, nang ang mundo ay walang kaayusan at hungkag sa
paglikha nito: na kahit noon ang katangian ng tubig ay sumibol
ang kabanalan ng paglilinis ng lahat ng karumihan.

O Panginoon, na Siyang nagpuno ng tubig sa mundo at linisin


ang kabuktutan and Siyang nagpakita ng pagliligtas sa walong
kaluluwa ng parehong tubig, isang anyo ng aming pagbabagong
buhay: upang sa pamamagitan ng elementong tubig na ito, Iyong
patigilin ang kasalanan, at magbigay buhay sa katuwiran.

Narito kasama ng Iyong magandang kasiyahan ang pamilya ng


Iyong Simbahan, at pagindapatin na ang Iyong biyaya ng
pagbabagong buhay ay managana, sapagkat Ikaw ay gumagawa
ng mga Ilog ng Iyong dakilang kaawaan galakin ang bayan ng
Iyong tinubos: at mabuksan sa amin ang bukal ng Binyag at sa
buong mundo para sa pag-galing ng mga bansa: upang sa mga
salita Mong may karangalan, amin nawang matanggap ang biyaya
ng Iyong Bugtong na Anak, sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Hahatiin ang tubig ng Pari sa hugis ng Krus at magpupunas ng
kamay habang sinasabi ang sumusunod:
Pari: Nawa, Siya sa lihim na pagdatal ng Kaniyang kapangyarihan ay
gawin ang tubig na ito na magsisilbing ikapaninibago ng tao:
Ipagkaloob na makatanggap ng pagpapala ang lahat, bata at
matanda, lalaki at babae, na mabibinyagan dito ay maging anak
ng biyaya, maipanganak na mag-uli at maging tagapagmana ng
mga makalangit na pangako.

For Trial Use Only 15 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil


Wikain Mo, O Panginoon, at dagliang alisin ang masamang
espiritu at ang lahat ng bagay na maaaring makasakit sa amin:
palayasin sa amin sa pamamagitan ng Iyong Pangalan ang lahat
ng paninilo at pag-atake ng demonyo. At ang aming multong
kaaway ay mawalan ng kapangyarihan upang kami ay
mapabilang sa kanya: upang linlangin ang aming mga puso ng
kanyang katalinuhan: upang ikulong kami sa lihim, at ikalat sa
lahat ang pag-aalsa ng masamang hangarin.
Hihipuin ng Pari ang Tubig.
Pari: Nawa’y ang tubig na ito ay tulad ng Batis na pagmumulan ng
kalinisan at lahat ng lalapit dito ay makatanggap ng biyaya at
kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng
Banal na Espirirtu.
Kukrusan ng tatlong beses ang tubig sa bahaging may +
Pari: Ngayon, pinagpala ka, O Tagapaglikha ng tubig, sa pamamagitan
ng Diyos + na nabubuhay, ng Diyos + ng mga sumasampalataya,
ng Diyos + ng mga Banal, ng Diyos na sa simula ang Kaniyang
Salita ay inihiwalay Ka sa lupa: at ng Espiritu na gumagalaw sa
Iyong ibabaw.
Wiwisikan ang apat na sulok ng Mundo (Simbahan).

Pari: Sa Pangalan ng Iyong Anak na aming Panginoon Hesukristo, ay


pinagpala + Ka namin Tagapaglikha ng tubig, sapagkat minsan ay
ginawa Mo itong alak bilang sagisag ng iyong walang hanggang
kapangyarihan nang siya’y inanyayahan sa Cana.
Ikaw na pumatnubay sa mga alagad at nagbinyag kay Hesus sa
ilog ng Jordan.
Ikaw na kasama-sama ng Dugo ni Hesus sa Kaniyang sugat at
iniutos sa mga alagad na ang sinumang sumasampalataya ay sa
Iyo binyagan.
Makapangyarihang Diyos, kaawaan Mong pakinggan ang aming
mga dalangin bilang pagtugon sa Iyong mga utos at sa iyong
kabutihan, ipagkaloob Mo sa amin ang hininga ng buhay.
Hihipan ng tatlong beses ang tubig at ilulubog ang dulo ng kandila.
Pari: Nawa’y ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay ibuhos sa
tubig na ito at gawing malinis ang lahat na bibinyagan, sa
pamamagitan ni Hesukristong Iyong Anak na aming Panginoon,
Siya na darating upang hukuman ang mga buhay at mga patay at
ang sanlibutan.
For Trial Use Only 16 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
Ilulubog ng bahagya ng Pari ang "Cirio Pascual" sa tubig at
sasabihin:
Pari: Nawa’y ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay ibuhos sa
tubig na ito na aming pinasagana.
Hahanguin ng Pari ang "Cirio Pascual" sa tubig at muli itong
ilulubog ng mas malalim kaysa nauna habang sinasabi:
Pari: Nawa’y ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ay ibuhos sa
tubig na ito na aming pinasagana.
Hahanguin ng Pari ang "Cirio Pascual" sa tubig at muli itong
ilulubog ng mas malalin kaysa mga nauna habang sinasabi:
Pari: Nawa, sa tubig na ito na aming pinasagana, ang kapangyarihan
ng Banal na Espiritu ay ibuhos dito.
Matapos ay tatlong beses na hihingahan ng Pari ang tubig sa
ganitong ayos/anyo: Matapos ang paghinga ng Pari sa tubig ay
magpapatuloy ang Pari:
Pari: At gawing ang kabuuan ng sangkap ng tubig na ito ay maging
mabisang gamit para sa pagbabagong buhay.
Tatanggalin na ng Pari ang "Cirio Pascual" sa Tubig at
magpapatuloy.
Pari: Nawa'y ang lahat ng bahid ng mantsa ng aming kasamaan ay
malinis dito: nawa'y ang aming likas na katangian ay
mapanumbalik sa kaniyang totoong anyo, at maging naaayon
muli sa Iyong sariling wangis ng katuwiran; ito nawa'y mahango
mula sa manang pagkaksala: upang ang lahat, na muling
nabuhay sa pamamagitan ng Sakramento na kaniyang
natanggap, ay mapanumbalik sa kamusmusan bilang Iyong mga
anak.
Sasambitin o kakantahin ng Pari ang mga sumusunod:

Pari: Sa pamamagitan ni Hesukristong Iyong Anak at aming Panginoon.


Na dadating upang hukuman ang mga buhay at ang mga
namayapa na, at ang santinakpan sa pamamagitan ng apoy.
Lahat: Amen.
Sa bahaging ito ay babasbasan ng Pari ang lahat ng mga nanambahan. Matapos ay
lalagyan ng Pari ng Langis ng "Cathecumen" sa hugis ng Krus ang Binyagan habang
sinasabi ang mga sumusunod:

For Trial Use Only 17 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil


Pari: Nawa, ang langis ng kaligtasan ay gawing banal at mabunga ito,
upang ang mga makahanap dito ng kanilang bagong pagsilang ay
makarating sa buhay na walang hanggan.
Lahat: Amen.
Sa bahaging ito ay lalagyan ng Krisma ang Tubig.

Pari: Nawa, ang paglalahok ng Krisma ni Hesukristong ating


Panginoon, at ng Banal na Espiritu ang Paraklito, ay magawa sa
Pangalan ng Santisima Trinidad.
Lahat: Amen.
Sa bahaging ito ang Krisma at ang Langis ng Pangmaysakit (Oil of Unction) ay ibubuhos
sa Tubig sa hugis ng Krus.

Pari: Nawa, ang paglalahok ng Krisma ng kaligtasan at ng Langis na ito


at ng Tubig ng Binyag ay maisagawa sa Ngalan ng Ama +, ng
Anak +, at ng Espiritu Santo +.
Lahat: Amen.
Pari: Isinasamo namin sa Iyo ang pagsamo ng bayang
sumasampalataya sa Iyo: pakabanalin + ang Tubig tungo sa
mahiwagang paglilinis ng kasalanan; at ipagkaloob na sino man
na mabibinyagan dito, ay matanggap ang kabuuan ng Iyong
biyaya, at manataling mapabilang sa Iyong mga matapat na mga
anak: sa pamamagitan ni Kristo Hesus na aming Panginoon, na
kasama Mo, at sa pakikiisa ng Espiritu Santo, ang lahat ng
karangalan at kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman.
Lahat: Amen.
Ang Sakramento Ng Binyag
Sa bahaging ito ay maaaring isagawa ang Sakramento ng Binyag. Kung wala naman
ay magpapatuloy sa Litanya at Banal na Misa.

Ang Litanya
Ang Litanya ay pamumunuan ng isang lingkod at isa pang lingkod na siyang tutugon.
Maaari rin itong kantahin at ang Koro ang siyang tutugon. Luluhod ang lahat.

Namumuno: Panginoon, maawa Ka sa amin.


Tugon: Kristo, maawa Ka sa amin.
Lahat: Panginoon, maawa Ka sa amin.
Namumuno: O Kristo, dinggin kami.
Tugon: O Kristo, magiliw kaming dinggin.
Namumuno: O Diyos Ama sa langit:
Tugon: Maawa Ka sa amin.
For Trial Use Only 18 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
Namumuno: O Diyos Anak, Manunubos ng mundo:
Tugon: Maawa Ka sa amin.
Namumuno: O Diyos Espiritu Santo:
Tugon: Maawa Ka sa amin.
Namumuno: O Santisima Trinidad, iisang Diyos:
Tugon: Maawa Ka sa amin.
Namumuno: Santa Maria:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Banal na Ina ng Diyos:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Banal na Birhen ng mga birhen:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Miguel:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Santa Gabriel:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Rafael:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Lahat ng mga Banal na Anghel at mga Arkanghel:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Lahat ng tumanggap ng Banal na Orden ng pinagpalang
Espiritu:
Tugon: Ipanalangin mo kami.
Namumuno: San Juan Bautista:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Jose:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Lahat ng mga Patriarka at mga Propeta:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Pedro:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Pablo:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Andres:
Tugon: Ipanalangin kami.
For Trial Use Only 19 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
Namumuno: San Juan:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Lahat ng mga Apostol at mga Evangelista:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Lahat ng mga Banal na Alagad ng Panginoon:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Esteban:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Lorenzo:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Vicente:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Lahat ng mga Banal na mga Martir:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Silvestre:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Gregorio:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Agustin:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Lahat ng mga Banal Obispo at mga Kumpisor:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Lahat ng mga Banal na Teologo at Guro ng Santa Iglesia:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Antonio:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Benedicto:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Dominico:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: San Francisco:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Lahat ng mga Banal na Pari at mga Levita:
Tugon: Ipanalangin kami.

For Trial Use Only 20 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil


Namumuno: Lahat ng mga Banal na Monghe at mga Ermitanyo:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Santa Maria Magdalena:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Santa Agnes:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Santa Cecilia:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Santa Agatha:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Santa Anastacia:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Lahat ng mga Banal na Birhen at mga Balo:
Tugon: Ipanalangin kami.
Namumuno: Lahat ng mga Banal, mga Matuwid at mga Hinirang:
Tugon: Ipamagitan kami.
Namumuno: Maging maawain Ka:
Tugon: Iligtas kami, Mabuting Panginoon.
Namumuno: Maging maawain Ka:
Tugon: Sa Iyong kabutihan ay pakinggan kami, mabuting
Panginoon.
Namumuno: Mula sa lahat ng kasamaan:
Tugon: Iadya kami, Mabuting Panginoon.
Namumuno: Mula sa lahat ng nakamamatay na kasalanan:
Tugon: Iadya kami, Mabuting Panginoon.
Namumuno: Mula sa walang hanggang kapahamakan:
Tugon: Iadya kami, Mabuting Panginoon.
Namumuno: Sa misteryo ng Iyong Banal na Pagkakatawang Tao:
Tugon: Iadya kami, Mabuting Panginoon.
Namumuno: Sa Iyong Pagdating at Kapanganakan:
Tugon: Iadya kami, Mabuting Panginoon.
Namumuno: Sa Iyong Binyag at Banal na Pag-aayuno:
Tugon: Iadya kami, Mabuting Panginoon.
Namumuno: Sa Iyong Krus at Pagpapakasakit:
Tugon: Iadya kami, Mabuting Panginoon.

For Trial Use Only 21 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil


Namumuno: Sa Iyong maluwalhating Muling Pagkabuhay at Pag-akyat
sa Langit:
Tugon: Iadya kami, Mabuting Panginoon.
Namumuno: Sa pagdating ng Banal na Espiritu:
Tugon: Iadya kami, Mabuting Panginoon.
Namumuno: Sa oras ng kamatayan at sa araw ng paghuhukom:
Tugon: Iadya kami, Mabuting Panginoon.
Ang Pari at ang ibang mga ministro ay tatayo upang magtungo sa sakristiya upang
magpalit ng kulay puti o kulay ginto na liturhikal na kasuotan para sa Banal na Misa
ng Sabado de Gloria. Mananatiling nakaluhod ang lahat.

Namumuno: Kahit kami'y mga makasalanan:


Tugon: Ipinamamanhik namin sa Iyo, Mabuting Panginoon, na
kami'y pakinggan.
Namumuno: Upang kalugdan Mong ipag-adya kami:
Tugon: Ipinamamanhik namin sa Iyo, Mabuting Panginoon, na
kami'y pakinggan.
Namumuno: Upang kalugdan Mong pamunuan at pamahalaan ang
Iyong Santa Iglesia:
Tugon: Ipinamamanhik namin sa Iyo, Mabuting Panginoon, na
kami'y pakinggan.
Namumuno: Upang kalugdan Mong mapanatili ang sambahayan ng
Iyong mga Apostol at at lahat ng kaayusan sa Simbahan
sa Iyong tunay na relihiyon:
Tugon: Ipinamamanhik namin sa Iyo, Mabuting Panginoon, na
kami'y pakinggan.
Namumuno: Upang kalugdan Mong magupo ang mga kalaban ng Iyong
Santa Iglesia:
Tugon: Ipinamamanhik namin sa Iyo, Mabuting Panginoon, na
kami'y pakinggan.
Namumuno: Upang kalugdan Mong ipagkaloob sa lahat ng mga
Kristiyanong hari at mga prinsesa ang tunay na
kapayapaan at pagkakasundo:
Tugon: Ipinamamanhik namin sa Iyo, Mabuting Panginoon, na
kami'y pakinggan.
Namumuno: Upang kalugdan Mong mapatatag at mapanatili kami sa
tunay na pagsamba sa Iyo:
Tugon: Ipinamamanhik namin sa Iyo, Mabuting Panginoon, na
kami'y pakinggan.

For Trial Use Only 22 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil


Namumuno: Upang kalugdan Mong pagkalooban ng walang hanggang
kapakinabangan ang lahat ng nagkakawang gawa sa
amin:
Tugon: Ipinamamanhik namin sa Iyo, Mabuting Panginoon, na
kami'y pakinggan.
Namumuno: Upang kalugdan Mong maipamahagi at mapanatili sa
aming pag-gamit ang mga bunga ng sanlibutan:
Tugon: Ipinamamanhik namin sa Iyo, Mabuting Panginoon, na
kami'y pakinggan.
Namumuno: Upang kalugdan Mong pagkalooban sa lahat ng mga
mananampalatayang namayapa na ang walang hanggang
kapahingahan:
Tugon: Ipinamamanhik namin sa Iyo, Mabuting Panginoon, na
kami'y pakinggan.
Namumuno: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng
sanlibutan:
Tugon: Patawarin kami, mabuting Panginoon
Namumuno: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng
sansinukob:
Tugon: Patawarin kami, mabuting Panginoon
Namumuno: Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng
santinakpan:
Tugon: Maawa Ka sa amin.
Mataimtim na aawitin o sasambitin ang Kyrie Eleison (Panginoon Maawa Ka). Habang
inaawit ang Kyrie Eleison, lalapit ang Pari sa Banal na Altar, hahalikan ito, at
susuuban ng insenso.

Panginoon, Maawa ka
Pari: Panginoon, maawa Ka.
Lahat: Panginoon, maawa Ka.
Pari: Panginoon, maawa Ka.
Lahat: Kristo, maawa Ka.
Pari: Kristo, maawa Ka.
Lahat: Kristo, maawa Ka.
Pari: Panginoon, maawa Ka.
Lahat: Panginoon, maawa Ka.
Pari: Panginoon, maawa Ka.
Matapos ang awit at ang pagsusuob ay maringal na aawitin ang Gloria In Excelsis,
patutunugin ang mga kampana at kampanilya at tatanggalin ang mga telang
nakatabing sa lahat ng mga Imahe.
For Trial Use Only 23 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
Luwalhati sa Kaitaasan
Luwalhati sa Diyos sa Kaitaasan, at kapayapaan sa Kaniyang mga tao sa
kalupaan.
Panginoong Diyos, haring makalangit, Makapangyarihang Diyos at Ama,
sinasamba Ka namin, pinasasalamatan Ka namin, pinupuri Ka namin,
dahil sa Iyong kaluwalhatian. Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak
ng Ama, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Ikaw na nag-aalis ng
kasalanan ng sanlibutan, maawa Ka sa amin.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, tanggapin Mo ang aming
panalangin. Sapagkat Ikaw lamang ang tanging banal, Ikaw lamang ang
Panginoon, Ikaw lamang ang kataas-taasang Hesukristo, kasama ang
Espiritu Santo, sa kaluwalhatian ng Diyos Ama. AMEN.
Ang Panalangin
Pari: Ang Panginoon ay sumainyo
Lahat: At sumainyo rin
Pari: Tayo’y manalangin:

Makapangyarihang Diyos, na para sa aming kaligtasan ay ipinagkaloob


ang Bugtong na Anak upang mamatay sa Krus at sa pamamagitan ng
Kaniyang maluwalhating pagkabuhay ay dinala kami sa kapangyarihan
ng kaaway. Ipagkaloob na kami’y malayo sa kasalanan upang mamuhay
kailanman sa galak ng Kaniyang pagkabuhay, sa pamamagitan ni
Hesukristong Iyong Anak, aming Panginoon, Siya na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Banal na Espiritu, iisang Diyos, ngayon at
magpakailanman.
Lahat: Amen.
Matapos ang panalangin ay uupo ang lahat para sa Pagbasa

Ang Pagbasa Ng Epistola (Roma 6:3-11)


Tagabasa: Pagbasa mula sa Sulat ni San Pablo sa mga taga Roma,
kabanata anim, nagsisimula sa talata tatlo hanggang labing isa
Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo
Jesus ay nabautismuhan sa kanyang kamatayan? Samakatwid, tayo’y
namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang
kung paanong binuhay na muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang
kapangyarihan ng Ama, tayo nama’y mabuhay sa isang bagong
pamumuhay. Sapagkat kung nakaisa tayo ni Cristo sa isang kamatayang
tulad ng kanyang kamatayan, tiyak na makakaisa niya tayo sa isang
muling pagkabuhay tulad ng kanyang pagkabuhay. Alam natin na ang
For Trial Use Only 24 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
dati nating pagkatao ay ipinakong kasama niya upang mamatay ang
makasalanang katawan at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan.
Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng
kasalanan. Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni
Cristo kung namatay tayong kasama niya. Alam nating si Cristo na
muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang
kapangyarihan sa kanya ang kamatayan. Nang siya’y mamatay, namatay
siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang buhay niya ngayo’y para
sa Diyos. Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili na patay na sa
kasalanan datapwat buhay naman para sa Diyos sa inyong pakikipag—
isa kay Cristo Jesus.
Ito ang Salita ng Panginoon
Lahat: Salamat sa Diyos
Matapos ang Pagbasa ay tatayo ang lahat at aawitin ang “Alleluia” para sa
Pagpapahayag ng Ebanghelyo. Hindi dadalhin ang seryales sa Pagpapahayag ng
Ebanghelyo ngunit ang insenso ay gagamitin.

Ang Ebanghelyo: Mateo 28:1-10


Sa pagsisimula ng Ebanghelyo ay sasabihin ng Diyakono o Pari:

Diyakono: Ang Panginoon ay sumainyo.


Lahat: At sumainyo rin.
Diyakono: Ang Banal na Ebanghelyo ayon kay San Mateo.
Lahat: Luwalhati sa Iyo, Panginoong Hesukristo.
Makaraan ang Araw ng Pamamahinga, pagbubukang-liwayway ng unang
araw ng sanlinggo, pumunta sa libingan ni Jesus si Maria Magdalena at
ang isa pang Maria. Biglang lumindol nang malakas. Bumaba mula sa
langit ang isang anghel ng Panginoon, iginulong ang batong nakatakip sa
libingan, at naupo sa ibabaw niyon. Ang kanyang mukha ay nakasisilaw
na parang kidlat at kasimputi ng busilak ang kanyang damit. Nanginig sa
takot ang mga bantay at nabulagtang animo’y patay nang makita ang
anghel. Ngunit sinabi nito sa mga babae, “Huwag kayong matakot; alam
kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito,
sapagkat siya’y muling nabuhay tulad ng kanyang sinabi. Halikayo,
tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya. Lumakad na kayo at ibalita sa
kanyang mga alagad na siya’y muling nabuhay at mauuna sa Galilea.
Makikita ninyo siya roon! Tandaan ninyo ang mga sinabi ko sa inyo.” At
dali-dali silang umalis ng libingan. Pinagharian sila ng magkahalong takot
at galak. At patakbong nagpunta sa mga alagad upang ibalita ang
For Trial Use Only 25 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
nangyari. Ngunit sinalubong sila ni Jesus at binati. At lumapit sila,
niyakap ang kanyang paa at sinamba siya. Sinabi sa kanila ni Jesus,
“Huwag kayong matakot! Humayo kayo at sabihin sa mga kapatid ko na
pumunta sila sa Galilea, at makikita nila ako roon!”

Ang Ebanghelyo ng Panginoon.


Lahat: Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.
Hindi sasambitin ang Kredo, ngunit, matapos ang Banal na Ebanghelyo ay sasabihin
ng Pari ang mga sumusunod at ang panalangin.

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.


Lahat: At sumainyo rin.
Pari: Tayo'y manalangin.
Isinasamo namin sa Iyo, O Panginoon, na buong awa Mong
tanggapin ang panalangin at pagsamo ng Iyong sambayanan:
upang itong pagsisimula ng Iyong Misteryo Paskuwal; sa
pamamagitan ng pagsasagawa ng Iyong biyaya, sa amin ay
maging mabuting lunas patungo sa buhay na walang hanggan. Sa
pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon, na nabuhay na
mag-uli at naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang
Diyos, ngayon at sa magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.
Magpapatuloy ang Banal na Misa sa Banal na Eukaristiya.

ANG BANAL NA EUKARISTIYA


Ang Kapayapaan
Ang Punong Tagapagdiwanga ay haharap sa bayan at sasabihin niya:

Pari: Mga kapatid, tayo ang Katawan ni Kristo: sa pamamagitan ng


isang Espiritu tayong lahat ay pinag-isang katawan ng tayo’y
binyagan.
Lahat: Panatilihin natin ang pagkakaisa na dulot ng Espiritu sa bigkis
ng kapayapaan.
Pari: Lagi nawang sumainyo ang kapayapaan ng Panginoon.
Lahat: At sumainyo rin.
Hindi magbibigayan ng Kapayapaan at magpapatuloy kaagad sa Paghahandog.
Ang mga handog ng bayan ay lilikumin. Ang Banal na Hapag, ang Tinapay at ang Alak
ay ihahanda. Samantala, ang bayan ay nakaupo. Kung handa na ang lahat ay tatayo
ang lahat. Dadalhin sa Altar ng mga kinatawan ng bayan ang mga handog na salapi at

For Trial Use Only 26 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil


iba pang mga alay, pati na ang tinapay at alak, na tatanggapin ng Punong
Tagapagdiwang at iaabot ang mga ito sa Diyakono, katuwang na Ministro o ibang
tagapaglingkod na siya namang maglalagay ng mga ito sa ibabaw ng Banal na Hapag.
Matapos na maibigay ng mga nagsipaghandog ang mga alay, tinapay at alak ay
babasbasan ng Punong Tagapagdiwang ang mga naghandog gamit ang isa sa mga
sumusunod na Panalangin:
Pari: Nawa ay patuloy kayong pagpalain at biyayaan ng Panginoong
Diyos sa inyong paghahandog sa Kaniya at sa Kaniyang
Dambana; sa Pangalan ng + Ama, ng Anak, at ng Espiritu
Santo. AMEN.
Pagkatapos na basbasan ang mga nag-alay, sila ay babalik ng muli sa kanilang mga
upuan.

Sa Pag-aalay ng Handog:
Pari: Maawaing Diyos, ipinagkaloob Mo sa amin ang lahat ng bagay,
sa Iyong kasaganaan ay ibinibigay Mo ang lahat ng aming
pangangailangan.
Lahat: Kami, na Iyong mga mapagkumbabang lingkod, ay nag-aalay sa
Iyo nitong sagisag ng aming pagtanaw ng utang na loob sa
lahat ng Iyong kaawaan. AMEN.
Sa Pag-aalay ng Tinapay:
Pari: Walang hanggang Diyos, pinatubo Mo ang butil, at mula rito ay
ginawa namin ang Tinapay na ito;
Lahat: Iniaalay namin ito sa Iyo upang sa amin ay maging Tinapay ng
Buhay. Ipagkaloob Mo na kaming tatanggap nito ay mabuklod
sa bigkis ng pag-iibigan. AMEN.
Sa Pag-aalay ng Alak:
Pari: Makapangyarihang Diyos, tanggapin Mo ang Alak na ito na
aming ginawa mula sa Iyong mga kaloob:
Lahat: Ito nawa’y maging aming inuming espirituwal upang kaming
tatanggap nito, ay mapasigla at mapanibago sa paglilingkod sa
Iyo. AMEN.
Ang Pagsusuob Ng Insenso At Paghuhugas Ng Kamay
Dito, kung Misa Kantada, ay magsusuob ng insenso. Habang nag-iinsenso, maaaring
umawit ng isang naaangkop na imno. Mananatiling nakatayo ang lahat habang
ginaganap ang pagsusuob ng insenso. Sasambitin ng Punong Tagapaghandog ang
panalangin sa paglalagay ng insenso sa insensaryo.

Pari: Ang aking dalangin sana’y tanggapin Mo, mahalimuyak na


samyong handog na insenso; ariing pang-gabing handog ko sa
For Trial Use Only 27 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
Iyo. (Awit 141:2)
Matapos makapag insenso, ang Punong Tagapagdiwang ay maghuhugas ng kamay
habang binabanggit ang mga sumusunod na panalangin:

Pari: Linisin Mo ako ng esopo at ako’y magiging busilak, hugasan Mo


ako at ako ay magiging dalisay tulad ng niyebe. (Awit 51:7)
Matapos makapagsuob ng insenso ang Punong Tagapagdiwang, makapaghugas ng
kamay at masuoban ng insenso ang lahat, uupo ang lahat upang ipanalangin ng
Punong Tagapagdiwang ang mga pamisa ng mga nanambahan. Matapos ang
panalangin sa mga pamisa ay tatayo ang lahat.

Pari: Manalangin tayo, mga Kapatid, upang ang ating hain ay


maging marapat sa Diyos Amang Makapangyarihan.
Lahat: Tanggapin nawa ng Panginoon ang ating hain, sa ikapupuri at
ikaluluwalhati ng Kaniyang Pangalan, sa ating ikabubuti at ng
buo Niyang Iglesia.
Ang Dakilang Pasasalamat
Manatiling nakatayo ang lahat sa kabuuan ng Pasasalamat. Dapat tandaan na naka-
“Orans Posture” ang Punong Tagapagdiwang habang inaawit ang kaniyang bahagi sa
Dakilang Pasasalamat.
Pari: Ang kagandahang loob ng Panginoon ay mananatiling walang
hanggan sa mga may takot sa Kaniya, at ang Kaniyang
pagkamatuwid sa sali't-saling lahi;
Lahat: Maging sa mga sumusunod sa Kaniyang tipan, at nakaala-alang
sumunod sa Kaniyang kautusan.
Pari Itinatag ng Panginoon ang Kaniyang luklukan sa langit; at ang
Kaniyang paghahari ay sumasaklaw sa lahat.
Lahat: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga anghel;
kayong may lakas at kapangyarihan na tumatalima sa Kaniyang
Salita.
Pari: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga hukbo.
Kayong mga lingkod Niya na sumusunod sa Kaniyang kalooban.
Lahat: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat Niyang mga gawa sa
lahat ng dako na Kanyang nasasaklawan, purihin ang Panginoon!
Sursum Corda
Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.
Lahat: At sumainyo rin.
Pari: Itaas ang inyong mga puso.
Lahat: Itinataas namin sa Panginoon.
For Trial Use Only 28 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
Pari: Magpasalamat tayo sa ating Panginoong Diyos.
Lahat: Nararapat na Siya’y ating pasalamatan at purihin.
Pari: Tunay na marapat, aming tungkulin at kaligayahan, lagi at saan
man na magpasalamat sa Iyo, O Panginoon, Banal na Ama,
makapangyarihan at walang hanggang Diyos.
Tunay na aming tungkulin na Ikaw ay purihin dahil sa
maluwalhating pagkabuhay na mag-uli ng Iyong Anak na si
Hesukristo na Panginoon namin. Sapagkat Siya ang Korderong
Paskuwal, na sa pamamagitan ng Kaniyang kamatayan, ay
napagtagumpayan Niya ang kamatayan, at sa pamamagitan ng
Kaniyang muling pagkabuhay ay nabuksan sa amin ang landas
tungo sa buhay na walang hanggan.
Kaya nga, kasama ang mga anghel at mga arkanghel, at lahat ng
kalipunan ng Langit, buong kagalakan naming ipinahahayag ang
Iyong kaluwalhatian, laging nagpupuri sa Iyo at nagsasabi:
Sanctus
Dapat tandaan na dadagok sa dibdib ng makaikatlong beses ang Punong
Tagapagdiwang sa pagsambit ng mga salitang Banal, Banal, Banal at mag-aantanda
ng Krus sa bahagi ng + Pinagpala….

Lahat: Banal, banal, banal na Panginoon, Diyos ng kapangyarihan at


lakas, ang langit at lupa’y puspos ng Iyong kaluwalhatian,
Osana sa kaitaasan. + Pinagpala ang dumarating sa Pangalan
ng Panginoon. Osana sa kaitaasan.
Magpapatuloy ang Punong Tagapagdiwang, habang nananatiling nakatayo ang lahat.
Dapat tandaan na naka “Orans Posture” ang Punong Tagapagdiwang sa kabuuan ng
panalangin.

Pari: Sumaiyo ang lahat ng kaluwalhatian, Makapangyarihang Diyos,


makalangit na Ama, na dahil sa Iyong pag-ibig at awa ay Iyong
ipinagkaloob ang Iyong Banal na Anak na si Hesukristo upang
mamuhay na tulad namin at magtiis ng kamatayan sa krus para
sa aming kaligtasan. Doon ay Kaniyang ginanap sa pamamagitan
ng pag-aalay ng Kaniyang sarili ang isang ganap at sapat na hain
para sa buong daigdig; at Kaniyang itinatag at iniutos sa amin na
ipagpatuloy ang pag-gunita sa Kaniyang mahalagang kamatayan
at alay hanggang sa muli Niyang pagdating.
Luluhod ang lahat. Sa mga sumusunod na salita hinggil sa Tinapay at Alak,
ipapatong ng Punong Tagapagdiwang ang kaniyang mga kamay sa ibabaw ng Tinapay
at Kalis o kaya’y hahawakan at bahagyang itataas niya ito.

Dapat tandaan na ibababa na ang “Orans Posture” ng Punong Tagapagdiwang sa


bahaging ito ng Anamnesis.
For Trial Use Only 29 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
Anamnesis
Sapagkat ng gabing siya’y ipinagkanulo, kumuha siya ng tinapay. At
matapos Ka Niyang pasalamatan, Kaniya itong pinagpira-piraso at
ibinigay sa Kaniyang mga alagad at sinabi:
“KUNIN, KANIN, ITO ANG AKING KATAWAN NA IPINAGKAKALOOB SA
INYO. GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALAALA SA AKIN.”
Matapos ang hapunan, Kaniyang kinuha ang kopa; at nang matapos
Siyang makapagpasalamat, ibinigay ito sa kanila at sinabi:
“INUMIN NINYO ITO KAYONG LAHAT, SAPAGKAT ITO ANG AKING DUGO
NG BAGONG TIPAN NA IBINUBUHOS PARA SA INYO AT PARA SA
MARAMI SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN. SA TUWING
IINUMIN NINYO ITO, GAWIN SA PAG-ALAALA SA AKIN.”
Pagkatapos magbigay galang ng Punong Tagapagdiwang sa tinapay at alak ay
magsisitayo ang lahat at sasabihin ng Punong Tagapagdiwang ang mga sumusunod:

Pari: Ipahayag natin ang Misteryo ng ating Pananampalataya.


Lahat: Si Kristo ay namatay,
Si Kristo ay nabuhay,
Si Kristo ay muling darating.
Magpapatuloy ang Punong Tagapagdiwang. Dapat tandaan na naka “Orans Posture”
ang Punong Tagapagdiwang sa kabuuan ng panalangin.

Kaya nga, Panginoon at makalangit na Ama, kami na Iyong mga abang


lingkod ay gumaganap sa alaala na iniutos ng Iyong Anak: yayamang
aming ginugunita ang Kaniyang banal na pagpapakasakit at mahalagang
kamatayan, ang Kaniyang makapangyarihang pagkabuhay na muli at
maluwalhating pag-akyat sa langit, at sa aming pag-asang babalik na
puspos ng kaluwalhatian, ay aming iniaala sa Iyo itong Tinapay ng Buhay
at itong Kopa ng kaligtasan.
At kasama ng mga handog na ito ay aming iniaalay ang aming mga sarili.
Aming isinasamo na tanggapin sa Iyong makalangit na dambana itong
aming alay ng papuri at pasasalamat.
Ipapatong ang kamay ng Punong Tagapagdiwang sa mga Alak at Tinapay upang
pabanalin ang mga ito at ku-krusan ang mga ito sa bahaging may nakalagay na +

Amang puno ng biyaya, sa kapangyarihan ng Iyong Espiritu Santo, ay


basbasan + at pakabanalin + itong tinapay at alak upang sa amin ay
maging kamahal-mahalang Katawan at Dugo ng Iyong Anak na si
Hesukristo.
Muling babalik sa “Orans Posture” ang Punong Tagapagdiwang sa panalangin.
For Trial Use Only 30 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
Nawa’y ang lahat ng tatanggap ng Banal na Komunyong ito ay mapuno ng
Iyong biyaya at makalangit na pagpapala, at maging kaisang-katawan
Niya upang Siya’y manahan sa amin at kami ay sa Kaniya.
At bagamat kami’y hindi karapa’t dapat na mag-alay ng anumang handog
(dadagok sa dibdib ang punong tagapagdiwang ng nakayuko) , gayunma’y aming
isinasamo sa Iyo na tanggapin itong aming tungkulin at paglilingkod.
Luluhod ang lahat

Sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Sa pamamagitan


Niya +, at kasama Niya +, at sa Kaniya +, na kaisa ng Espiritu Santo,
Itataas ng Punong Tagapagdiwang ang Tinapay at Kalis.

ang lahat ng karangalan at kaluwalhatian ay sa Iyo, O Amang


makapangyarihan ngayon at magpakailanman.
Sasagot o aawitin ng Bayan nang malakas:

Lahat: AMEN!
Kung naibaba na ng Punong Tagapagdiwang ang Katawan at Dugo ng ating
Panginoong Hesukristo at matapos magbigay galang ay aawitin o sasambitin ng lahat
ang Ama Namin.
Mananatiling nakaluhod ang lahat.

Pater Noster
Pari: Tulad ng itinuro sa atin ng ating Tagapagligtas na si
Hesukristo, tayo’y manalangin:
Lahat: Ama namin sa langit, sambahin ang Ngalan Mo, sumapit nawa
ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo, dito sa lupa gaya rin sa
langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-
araw. Patawarin Mo kami sa aming mga kasalanan gaya rin ng
pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin. Huwag Mo
kaming itulot sa mga pagsubok, kundi iadya Mo kami sa
masama. Sapagkat sa Iyo ang kaharian, ang kapangyarihan at
ang kaluwalhatian ngayon at magpakailanman. AMEN.
Mananatiling nakaluhod ang lahat.

Ang Pagpiraso Ng Tinapay


Sabihin ng Punong Tagapagdiwang ang sumusunod habang pinagpipira-piraso ang
Banal na Tinapay.

Pari: Panginoon, isinasamo namin sa Iyo na iligtas kami sa lahat ng


masama, at ipagkaloob sa amin ang Iyong kapayapaan sa
panahon namin. Sa tulong ng Iyong awa, ilayo kami sa
pagkakasala at iligtas sa ligalig. Sa pamamagitan ng Iyong
For Trial Use Only 31 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil
Anak na si Hesukristong aming Panginoon, na nabubuhay at
naghaharing kasama Mo at ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman.
Lahat: AMEN.
Sa bahaging ito ay ilalagay ng Punong Tagapagdiwang ang maliit na bahagi ng
Konsagradong Tinapay sa Kalis habang sinasabi ang mga sumusunod:

Pari: Nawa ay sa pagsasanib ng Tinapay at Alak at sa pagpapabanal


nito ay maging tunay na Katawan at Dugo ng ating Panginoong
Hesukristo; at ang lahat na tatanggap niyaon ay makamtan ang
buhay na walang hanggan.
Saglit na tumahimik.

Ang Banal Na Komunyon


Ang sumusunod ay maaaring sabihin:

Pari: Dumudulog kami sa Iyong hapag, maawaing Panginoon, na


hindi nagtitiwala sa sarili naming pagkamatuwid, kundi sa
Iyong marami’t dakilang awa.
Lahat: Hindi kami karapat-dapat na mamulot ng mga mumo sa ilalim
ng Iyong hapag. Subalit likas sa Iyo ang pagkamaawain.
Ipagkaloob Mo sa amin, kung gayon, butihing Panginoon, na
aming tanggapin ang Katawan ng Iyong mahal na Anak na si
Hesukristo, at inumin ang Kanyang dugo, upang kami na
pinalalakas at pinagiging bago ng Kaniyang buhay, ay
manahan sa Kaniya, at Siya’y sa amin, magpakailanman.
AMEN.
Habang itinataas ng Pari ang Tinapay at Kalis ay sasabihin sa Bayan:

Pari: Ito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng


sanlibutan. Pinagpala ang mga tinatawag sa Kaniyang
Hapunan.
Lahat: Panginoon, ako’y hindi karapat- dapat na tumanggap sa Iyo,
ngunit sa isang Salita Mo lamang ay gagaling na ako. (Mateo
8:8/ Lukas 7:6C-7)
Magkukumunyon ang Pari, susunod ang mga Ministro, at ang Bayan, ibibigay ang
Tinapay at Alak sa mga magkukumunyon. Habang nagkukumunyon maaring awitin
ang isa o higit pang Imno. Matapos makapagkomunyon ang lahat, ang lahat ng
nalalabing Tinapay at Alak (maliban sa inilaan para sa pagpapakomunyon sa isang
maysakit o malapit nang mamatay) ay uubusin. Ang sisidlan ay huhugasan at lilinisin
at ang hapag ay isasaayos.
Sa bahaging ito ay maaaring gawin ang mga paalala.

For Trial Use Only 32 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil


Matapos ang paalala ay tatayo ang lahat at kakantahin o sasambitin ang Benedictus
kung ang ginamit ay ang Unang Kaayusan Ng Pagsisindi ng Cirio Pascual o Magnificat
na may luwalhati kung ang Ikalawang Kaayusan Ng Pagsisindi ng Cirio Pascual ang
ginamit habang sinusuuban ng insenso ang Banal na Altar.

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo


Lahat: At sumainyo rin
Pari: Tayo'y manalangin.
Ipinamamanhik namin sa Iyo, O Panginoon, na ibuhos sa aming
mga puso ang pag-ibig ng Iyong Espiritu Santo: na kung paano
Mo naganap ngayon sa amin ang Sakramentong Paskuwal, dahil
ninanais Mong kami ay magpatuloy sa lahat ng makadiyos na
pagkakasundo. Sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo at ng
Espiritu Santo, iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Lahat: AMEN
Ang Pagpapala
Lahat ay luluhod. Ang mga sumusunod na Pagbabasbas ay sasabihin ng Obispo.
Maaaring sabihin ng Pari maliban sa mga bersikulong nauukol sa Obispo.

Obispo: Pagpalain ang Pangalan ng Panginoon.


Lahat: Ngayon at magpakailanman.
Obispo: Ang ating tulong ay nasa Pangalan ng Panginoon
Lahat: Na lumikha ng langit at lupa.
Obispo/Pari:
Ang kapayapaan ng Diyos na di-malirip ng buong pang-unawa, matatag
na ingatan kayo sa kaalaman at pag-ibig sa Diyos, at sa Kanyang Anak na
si Hesukristo na ating Panginoon. At ang pagpapala ng
Makapangyarihang Diyos, ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo,
nawa’y sumainyo at laging manatili sa inyo ngayon at magpakailan man.
Lahat: AMEN
Mananatiling nakaluhod ang lahat para sa pagbabasbas. Makatapos ang pagbabasbas
ay tatayo ang lahat.

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo


Lahat: At sumainyo rin
Pari: Humayo kayo sa kapayapaan, Aleluya! Aleluya!
Lahat: Salamat sa Diyos. Aleluya! Aleluya!

For Trial Use Only 33 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil


Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay aawitin. Matapos ang pag-awit ng Pambansang
Awit ng Pilipinas ay aawitin ang pangwakas na imno. Nararapat lamang na hintayin
muna na pumasok ang pari sa sakristiya at matapos ang himno bago lumabas ang mga
tao sa bahay-sambahan.

For Trial Use Only 34 Holy Week Liturgies/Great Easter Vigil

You might also like