You are on page 1of 15

IKALAWANG KABANATA

ANG PAGKUKUMPIL NA WALANG MISA

34. Kapag natitipon na ang mga kukumpilan at kanilang mga ninong at ninang at
mga magulang; gayun din ang ibang mga tao na sasaksi sa pagkakataong ito,
tutungo sa gawi ng altar ng obispo at ang mga paring tutu long sa kanya, ang
diyakono at ang iba pang mga tumutulong. Samantalang, an g mga tao ay
maaaring umawit ng anumang naaangkop.

35. Kasama ang mga tumutulong sa kanya, ang obispo ay magpupugay sa altar.
Pagkaraa'y babatiin niya ang mga tao at darasalin ang Panalanging Pambungad.

Pari:

S a ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan:

Amen

[kung obispo: Sumainyo ang kapayapaan]

Pari:

A ng pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,


ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipag-isa ng Espiritu Santo
nawa'y sumainyong lahat.

Pari:

At sumaiyo rin.
64 KUMPIL: ANG SAKRAMENTO NG PAGKAKALOOB NG ESPIRITU SANTO

LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS

36. lsasagawa ang Liturhiya ng Salita ng Diyos. lsa man lamang sa mga
pagbasang nauukol sa Misa ng Kumpil (big. 61 -65) ay ihahayag.

37. Kung dalawa o tatlong pagbasa ang mapili, ang karaniwang pagkasunod-
sunod ang gagawin: Lumang lipan, Sulat, at Ebanghelyo.
Pagkatapos ng bawa't pagbasa ay dapat na may salmo, awit, o sandaling
katahimikan.

Maaring makapili ng iba pang mga pagbasa sa pahina 88- 109.

UNANG PAGBASA
Ezek1el 36: 24-28

1/alagay ko ang bagong Espiritu Santo sa inyong piling.

Pagbasa mula sa sulat ni Propeta Ezekiel

r I to ang sinasabi ng Panginoon:

"Titipunin ko kayo mula sa iba't-ibang bansa upang ibalik sa inyong bayan.


Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo'y luminis. Aalisin ko rin ang
mantsa ninyo dahil sa inyong diyus-diyusan. Bibigyan ko kayo ng bagong espiritu.
Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong masunurin. Bibigyan ko kayo ng
aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod
ninyong mabuti ang aking mga utos. ltitira ko kayo sa inyong mga nirmno. Kayo
ay magiging bayan ko at ako ang inyong Diyos."

Ang Sa/ita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN

Sagot: Panginoon, isugo mo lyong Espiritu Santo


nang ang daigdig na ito ay ganap na mapagbago
at lahat magpuri sa' yo.

Pinupuri ikaw,
Yahweh nitong aking kaluluwa,
lkaw Yahweh na aking Diyos,
ANG PAGKUKUMPIL NA WALANG MISA 65

kay dakila mong talaga!


Ang taglay mong kasuuta'y
dakila ri't marangal pa.
Sa daigdig, ikaw Yahweh,
kay rami ng iyong nilikha,
pagkat ikaw ay marunong
kaya ito ay nagawa.
Sa dami ng nilikha mo'y
nakalatan itong lupa.

Sagot· Panginoon, isugo mo lyong Espiritu Santo


nang ang daigdig na ito ay ganap na mapagbago
at lahat magpuri sa'yo .

Lahat sila'y umaasa,


sa iyo ay nag-aabang,
umaasa sa pagkain
na kanilang kailangan.
Ang anumang kaloob mo
ay kanilang tinatanggap,
mayro'n silang kasiyahan
pagkat bukas ang 'yong palad.

S<~go Panginoon, isugo mo lyong Espiritu Santo


nang ang daigdig na ito ay ganap na mapagbago
at lahat magpuri sa'yo.

Taglay mo ang katangiang


buhay nila ay ibalik,
bagumbuhay ay dulot mo
sa nilikha sa daigdig.
Sana ang 'yong karangala'y
manatili kailanman,
sa lahat ng iyong likha
ang madama'y kagalakan.

Sagot: Panginoon, isugo mo lyong Espiritu Santo


nang ang daigdig na ito ay ganap na mapagbago
at lahat magpuri sa'yo.
66 KuMPIL: ANG SAKRAMENTO NG PAGKAKALOOB NG EsPIRITU SANTO

Aawitan kosi Yahweh,


palagi kong aawitan,
siya'y aking pupurihin
habang ako'y nabubuhay.
Ang awit ng aking puso
sana naman ay kalugdan,
Habang aking inaawit
ang papuri sa Maykapal

Sagot: Panginoon, isugo mo lyong Espiritu Santo


nang ang daigdig na ito ay ganap na mapagbago
at lahat magpuri sa' yo.

KALAWANG PAGBASA
Roma 8: 26-27

Ang Esprritu ang nakikiusap para sa atin sa paraang di magagawa ng sa/ita.

Pagbasa mula sa Sulat ni San Pablo sa mga taga Roma

G ayon din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi


tayo marunong manalangin nang wasto kaya't ang Espiritu ang lumuluhog para sa
atin, sa paraang di magagawa ng pananalita. At nauunawaan ng Diyos na
nakasasaliksik sa puso ng tao, ang ibig sabihin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu'y
lumuluhog para sa mga banal, ayon sa kalooban ng Diyos.

Ang Sa/ita ng Diyos...

MABUTING BALITA
Juan 14:23-26

Ang Espiritu Santo ang magt_uturo sa inyo ng Jahat ng bagay.

+ Ang mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

S umagot si Hesus, "Ang umiibig sa akin ay tutupad ng aking sal ita; iibigin
siya ng aking Ama, at kami'y sasakanya at mananahan sa kanya. Ang hindi umibig
ANG PAGKUKUMPIL NA WALANG MISA 67

sa akin ay hindi tumutupad sa aking mga salita. Hindi akin ang salitang narinig
ninyo, kundi sa Amang nagsugo sa akin.

"Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito samantalang kasama pa ninyo ako.
Ngunit ang patnubay, ang Espiritu Santo na susuguin ng Amasa pangalan ko, ang
siyang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng sinabi ko
sa inyo.

Ang Mabuting Balita ng panginoon.

HOMILYA 0 PALIWANAG

Noong araw ng Pentekostes, ayon sa pangako ng Panginoon, tinanggap ng


mga apostol ang Espiritu Santo. Gayon din, tinanggap nila ang kapangyarihang
ipagkaloob sa kapwa tao ang Espiritu Santo upang maging ganap ang pagka-
Kristiyano ng mga nabinyagan na. Sa aklat ng Mga Gawa ng Mga Apostol ay
sinasabing noong ipatong ni San Pablo ang kanyang mga kamay sa mga binyagan,
dumating sa kanila ang Espiritu Santo at nagsimula silang magsalita sa iba't ibang
wika at nagpapahayag ng sal ita ng Diyos.

Silang kahalili ng mga apostol, ang mga obispo ay nagtataglay ng gayon ding
kapangyarihang magkaloob ng Espiritu Santo sa mga nabinyagan na. Ang
pagkakaloob na ito ay maaaring isagawa ng mga obispo mismo o ng mga paring
kanilang aatasang tumulong.

Sa ngayon ang pagdating ng Espiritu Santo sa sandali ng pagkukumpil ay wala


nang kasabay na mga pambihirang kaloob tulad ng pagsasalita sa iba't ibang wika.
Gayon pa man, sa tulong ng ating pananampalataya nadarama natin ang pagdating
ng Espiritu Santo. Ang ating puso ay pinupuspos niya ng pag-ibig ng Diyos. Tayo
ay pinagbubuklod niya sa iisang pananampalataya bagama't ang bawa't isa sa ati'y
may kanya-kanyang atas na gawain buhat sa Diyos. Sa paraang lingid sa ating
paningin, ang Simbahan ay pinagkakaisa at inilalapit ng Espiritu Santo sa Diyos.

Minamahal na mga kapatid na ngayo'y kukumpilan, ang pagkakaloob sa inyo


ng Espiritu Santo ay magiging isang espirituwal na tanda at tatak. Tutulungan
kayo nitong maging higit na katulad ng ating Panginoong Hesukristo. Tutulungan
kayo nitong maging lalong maaasahang kaanib ng kanyang katawan. Kahit na si
Hesus ay tumanggap din ng Espiritu Santo noong siya'y binyagan ni San Juan
Bautista. Ito ang nagsugo sa kanya upang pag-alabin ang diwa ng mga tao.
68 KuMPIL: ANG SAKRAMENTO NG PAGKAKALOOB NG EsPIRITU SANTO

Nabinyagan na kayo kaisa ni Hesukristo. Ngayon nama'y tatanggapin ninyo


ang ipinangako niyang Espiritu Santo. lto'y magaganap samantalang tinatatakan
kayo sa noo ng krus ni Hesukristo.

Mula ngayon, mayroon na kayong pananagutan na maging tagapagpahayag ng


pagpapakasakit, kamataya't muling pagkabuhay ni Hesukristo ng iba't ibang kaloob
na ipinamamahagi ng Espiritu Santo. Bilang nagkakaisang bayan ng Diyos, mamalagi
nawa tayong nagtutulungan at nagmamahalan.

Mula ngayo'y maging masigasig kayo sa pagiging kaanib ng Simbahan. Sa


patnubay ng Espiritu Santo, sikapin ninyong paglingkuran ang isa't isa katulad ng
ginawa ni Hesukristo na naparito hindi upang paglingkuran kundi upang
maglingkod.

Bago ninyo ganap na tanggapin ang Espiritu Santo, ipahayag ninyo ang
pananampalataya na ipinangakong isasalin sa inyo ng inyong mga magulang, mga
ninong at ninang. Ginawa nila ang gayong pangako noong kayo ay binyagan.
Ngayong may kakayanan na kayo upang magsalita para sa inyong sarili, buong
puso ninyong akuin ang pangako nila bilang pagsariwa sa pananampalatayang
saligan ng inyong pag-anib sa angkan ng Diyos, ang Simbahan.
ANG PAGKUKUMPIL NA WALANG MISA 69

PAGSARIWA SA MGA PANGAKO SA BINYAG

40. Pagkatapos ng homilya, ang mga kukumpilan ay tatayo at tatanungin sila ng


obispo:

~ Itinatakwil ba ninyo si Satanas


at ang kanyang mga gawain
at panghihikayat sa masama?

Sabay-sabay na sasagot ang mga kukumpi/an:

ltinatakwil po namin.

Obispo:
/

S umasampalataya ba kayo
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
na may likha ng langit at lupa?

Mga Kukumpilan:

Sumasampalataya po kami.

Obispo:
/
1
S umasampalataya ba kayo kay Hesukkristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon natin,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing,
muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?

Mga Kukumpilan:

Sumasampa/ataya po kami.
70 K UMPIL: ANC SAKRAMENTO NG PACKAKALOOB NC ESPIRITU SANTO

Obispo:

S umasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo,


Panginoon at nagbibigay-buhay,
na bumaba sa mga apostol noong Pentekostes
at ngayon ay inyong tatanggapin sa sakramento ng kumpil?

Mga Kukumpilan:

Sumasampalata ya po kami.

Obispo:

S umasampalataya ba kayo sa Banal na Simbahang Katolika,


sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa muling pagkabuhay ng mga namatay,
at sa buhay na walang hanggan.

Mga Kukumpi/an:

Sumasampalataya po kami.

/pahahayag ng ob1~po ang kanyang pagsang-ayon sa kanilang pananampalataya sa pamamagitan


ng pagbigkas ng pananampa/ataya ng Simbahan .

Ito ang ating pananampalataya.


Ito ang pananampalataya ng Banal na Simbahan.
Ito ang ikinararangal nating ihayag
kaisa ni Kristo Hesus na ating Panginoon.

Sasagot ang lahat:

Amen.

Sa halip na iw ang ating pananampa/c;.taya ... maaaring gumamit ng ibang pangungusap o umawit
N

ng anumang naaangkop bilang pagpapahayag ng pananampalataya, katulad ng */sang


pananampa/atara, isang pagbibinyag, isang Pangmoon - angkinin nating /ahat. N
ANG PAGKUKUMPIL NA WALANG MISA 71

PAGPAPATONG NG MGA KAMAY

41 . Ang mga paring tutu long sa Pagku kumpil ay tatayo ng mal apit sa obispo. A ng
obispo nama'y haharap sa mga tao at magkadaop-palad niyang aawitin o bibigkasin
ang sumusunod:

M ga kapatid,
noong binyagan ang mga kukumpilan ngayon,
sila'y muling isinilang:
ipinagkaloob sa kanila ng Diyos
ang kanyang sari ling buhay
kaya't sila'y naging mga anak niya .

ldalangin natin ngayon sa Diyos Ama


na ipagkaloob niya sa kanila ang Espiritu Santo
upang sila'y mapuspos ng kanyang lakas
at bunga ng pagpapahid ng banal na langis
ay maging higit silang katulad ni Kristo,
ang Anak ng Diyos.

Tahimik na dadalangin ang lahar.

42. lpapatong ng obispo at ng mga pa ring tumutulong ang kanilang mga kamay
sa ul o ng mga kukum pilan. Ang obispo lamang ang aawit o bibigkas ng
sumusunod.

Q Diyos na makapangyarihan sa lahat,


Ama ni Hesukristo na aming Panginoon,
sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu Santo,
hinango mo sa kasalanan ang mga anak mong it o
at binigyan mo sila ng pakikihat i sa iyong buhay.

Suguin mo sa kanila ngayon


ang Espiritu Santo, ang Mang-aa liw
upang siyang maging lakas ni la at patnubay.
lpagkaloob mo
na sila'y mapuspos ng karunungan at pang-unawa,
72 KUMPIL: ANG SAKRAMENTO NG PAGKAKALOOB NG ESPIRITU SANTO

na sila'y maging makatwiran sa pagpapasya


at manatiling matibay ang loob sa lahat ng pagkakataon.
Puspusin mo sila ng kaalaman at pamimitagan
at ng banal na pagkatakot sa harap ng iyong kadakilaan.

43. Ang krisma ay dadalhin sa obispo ng diyakono. Ang mga kukumpilan ay isa-
isang lalapit sa obispo, o kaya ang obispo ang lalapit sa kanila. lpapatong ng ninong
o ninang o ng magulang na naghaharap sa kukumpilan ang kanyang kanang kamay
sa aanakin o anak at sasabih in niya ang ngalan nito sa obispo. Maaari ring ang
kukumpilan ang magsabi ng kanyang ngalan.

44. llulubog ng obispo ang kanyang kanang hinlalaki sa lalagyan ng


krisma at sa pamamagitan nito'y kukrusan sa noo ang kinukumpilan samantalang
sinasabi ito:

(ngalan)...
TANGGAPIN MO ANG TATAK NG KALOOB NG ESPIRITU SANTO.

Kinukumpilan:

Amen.

Jgagawad ang pagbati ng kapayapaan (halimbawa: kakamayan ito) :

Sumaiyo ang kapayapaan.

Sasagol ang kinump1/an:

At sumaiyo rin.

45. Kung may mga paring tumutulong sa obispo, sila ay isa-isang bibigyan ng
obispo ng lalagyan ng banal na langis na kanil ang gagamitin.

Ang mga kukumpi lan ay lalapit sa obispo o sa mga pari, o kaya ang obispo at
mga pari ay lalapit sa mga kukumpilan. Gagawin ng mga pari ang pagpapahid ng
langis at pagbibigay ng kapayapaan ayon sa nasasaad sa blg.44.

46. Samantalang ginagawa ang pagkukumpil, maaaring umawit ang mga tao ng
anumang naaangkop sa pagkakataong ito. Pagkatapos ng pagpapahid ng langis,
maghuhugas ng kamay ang obispo at ang mga tumu long na pari.
ANG PAGKUKUMPIL NA WALANG MISA 73

PANALANGING PANGKALAHATAN

47. Ang mga panalanging pangkalahatan ay isusunod alin sunod sa paraang


naririto o anumang katulad nito na pahihintulutan.

Obispo:

/A'

( M ga kapatid,
taimtim tayong manalangin
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Pag-isahin natin ang ating pagsamo sa kanya
tulad ng ating pagkakaisa sa pananampalataya,
pag-asa, at pag-ibig na kaloob ng Espiritu Santo.

Diyakono o Namumuno:

Para sa mga kapatid nating bagong kumpil,


upang ang kanilang buhay ay mapuspos
ng pananampalataya at pag-ibig
at maging mga tapat silang saksi ni Kristo,
manalangin tayo sa Panginoon.

Lahat :

Panginoon, kami'y iyong dinggin.

Diyakono o Namumuno:

Para sa kanilang mga magulang, ninong at ninang


na umaakay sa kanila sa pananampalataya,
upang mapatnubayan ng kanilang magagandang payo
at mabuting halimbawa
ang pamumuhay ng mga bagong kumpil
na naaayon sa landas ng Panginoong Hesukristo,
manalangin tayo sa Panginoon.

Lahat:

Panginoon, kami'y iyong dinggin.


74 KUMPIL: ANG SAKRAMENTO NG PAGKAKALOOB NG ESPIRITU SANTO

D1vakono o Namumuno:

P ara sa banal na Simbahan ng Diyos,


para sa ating Papa ... para sa ating obispo ...
at para sa lahat ng mga obispo't pari,
upang maitaguyod nila ang pagkakaisa't pagmamahalan
ng mga taong pinagbubuklod ng Espiritu Santo
hanggang sa maningning na pagbabalik ng Diyos Anak,
manalangin tayo sa Panginoon.

La hac:

Panginoon, kami'y iyong dinggin

Diyakono o Namumuno:

Para sa lahat ng mga tao, lipi at bansa,


upang magmahalan ang lahat bilang magkakapatid
at mga anak ng iisang Diyos Ama
at totohanang hanapin ang lahat
ang kaharian ng kapayapaan at kaningningan
ng Espiritu Santo,
manalangin tayo sa Panginoon.

La hac:

Panginoon, kami'y iyong dinggin.

Ob15po:

0 Diyos na aming Ama,


isinugo mo ang Espiritu Santo sa mga Apostol.
sa pamamagitan nila at ng kanilang mga kahalili,
patuloy mong isinusugo ang Espiritu Santo sa amin.
Ang aral na sinimulang ipahayag noong Pentekostes
ay patuloy nawang maihatid sa kabatiran ng lahat.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Kristo na am ing Panginoon
magpasawalang hanggan.
ANG PAGKUKUMPIL NA WALANG MISA 75

La hat:

Amen .

48. Darasalin ng lahat ang AMA NAMIN sa pangunguna ng obispo. Sisimulan


niya ito sa pamamagitan ng sumusunod na pangungusap o anumang katumbas
nito:

( M ga kapatid,
sabay-sabay nating awitin (bigkasin)
ang panalanging itinuro sa atin
ni Hesukristo na ating Panginoon.

La hat:

Ama namin ...

MARINGAl NA PAGBABASBAS

49. Pagkatapos ng AMA NAMIN, igagawad ng obispo ang kanyang pagbabasbas


sa lahat. Sa halip ng pangkaraniwang pagbabasbas, ang sumusunod na maringal
na pagbabasbas o panalangin para sa bayan ang siyang gagamitin.

Obispo:

Isinilang kayo ng Diyos Ama bilang kanyang mga anak


sa pamamagitan ng tubig at Espiritu Santo.
Sumainyo nawa ang kanyang pagpapala
at patnubayan kayo ng kanyang maka-amang pagmamahal.

La hat:

Amen.

Obispo:

lpinangako ni Hesukristo na Diyos Anak sa kanyang Simbahan


ang pananatili ng Espiritu Santo ng katotohanan.
sumainyo nawa ang pagpapala ni Hesukristo
at patatagin nawa kayo sa pamumuhay
ayon sa tunay na pananampalataya.
76 KuMPIL: ANG SAKRAMENTO NG PAGKAKALOOB NG EsPIRITU SANTO

Lahat:

Amen.

Obispo:
(. y;

" P inag-alab ng Espiritu Santo


ang apoy ng pag-ibig sa puso ng mga alagad
noong siya'y bumaba sa mga ito.
sumainyo nawa ang kanyang pagpapala,
pagbuklurin kayo sa isang pananampalataya at pag-ibig,
at akayin kayo sa kaligayahan ng paghahari ng Diyos.

Amen .

Agad idurugtong ng obispo ang sumusunod:

Pagpalain kayo ng makapangyarihan Diyos


Ama at Anak + at Espiritu Santo.

Lahar :

Amen.

0 kaya :

PANALANGIN PARA SA BAYAN

Sa hal1p na maringal na pagbabasbas ang gamitin, maaari rin ang panalangin para sa bayan ang
pilun. <;asabihin ng diyakono o namumuno ang ganito o katumbas na paanyaya:

M agsiyuko kayo para sa paggagawad ng pagpapala.

luunal ng mga obispo ang kanyang mga kamay na waring nilulukuban ang lahat ng mga tao at
aawitin o bibigkasin niya ito:
ANG PAGKUKUMPIL NA WALANG MISA 77

0 Diyos na aming Ama,


loobin mong maging ganap ang sinimulan mo sa am in
at panatilihin mong buhay na buhay
sa katauhan ng lahat na naririto
ang mga pagpapalang hatid ng Espiritu Santo.
Turuan mo kaming mamuhay ayon sa aral ng
Mabuting Balita
at alinsunod sa patnubay ng Espiritu Santo.
Huwag nawa naming ikahiya kahit kailan
ang pagpapahayag sa lahat ng panig ng daigdig
tungkol kay Hesukristo na ipinako sa krus
at ngayo'y nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.

La hat:

Amen.

Agad idurugtong ng obispo:

r A ng pagpapala ng makapangyarihang Diyos


Ama at Anak + at Espiritu Santo
ay manaog nawa at mamalagi sa inyo
magpasawalang hanggan.

Lahat:

Amen.

You might also like