You are on page 1of 84

7 SAKRAMENTO

NG SIMBAHANG
KATOLIKO
HAPPY !
NO
SLIPPERY SURFACE
ICHTHUS (CHRISTIAN FISH)
GENDER (FEMALE AND MALE)
EQUALITY
 \
GAWAIN
IDIKIT ANG LARAWAN SA
SAKRAMENTONG
SINISIMBULO NITO.
Sacra – nangangahulugang ‘banal’ o
‘galing sa Diyos’
Mento/Mentum – nangangahulugang ‘tanda’ o
‘sagisag’

• Mga tanda ng mabisang grasya na itinatag ni Kristo at


ipinagkatiwala sa Simbahan na nagkaloob sa atin ng buhay
ng Diyos
•SAKRAMENTO
Isang nakikitang tanda na itinatag ni Kristo upang magbigay
ng biyaya
PITONG SAKRAMENTO NG
SIMBAHANG KATOLIKO
1. SAKRAMENTO NG PANIMULANG PAGPASOK NG
KRISTIYANO (INITIATION)
• Binyag (Baptism)
• Kumpil (Confirmation)
• Banal na Eukaristiya (Holy Eucharist)
2. Sakramento ng Pagpapagaling
o Paglulunas (Healing)

• Kumpisal o Pagbabalik-loob (Confession)


• Pagpapahid ng Banal na Langis sa Maysakit
(Annointing of the Sick)
3. Sakramento ng Bokasyon o
Paglilingkod (Commitment)
URI NG SAKRAMENTO AYON SA PAGTANGGAP

1. ISANG BESES LANG DAPAT TANGGAPIN


• Binyag
• Kumpil
• Banal na Orden
2. MALIMIT DAPAT TANGGAPIN
• Kumpisal
• Banal na Komunyon (Banal na Misa o Banal
na Eukaristiya)
• Pagpapahid ng Langis sa maysakit
3. PWEDENG TANGGAPIN MULI
• Kasal (kung balo na)
SAKRAMENTO NG
BINYAG
SALITA NG DIYOS
MATEO: 28:19
“Humayo kayo at gawin ninyong alagad ko
ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan sila
sa ngalan ng Ama, Anak at Espiritu Santo.”
KAHULUGAN NG BINYAG
• Ang Binyag ang Unang Sakramento na dapat tanggapin bago
pa ang ibang Sakramento
• Ang Binyag ay Sakramento ng pananampalataya
• Ang Binyag ay ang bagong pagsilang sa buhay ni Kristo
• Ang pag-anib sa Sambayanang Katoliko
• Sa Binyag nagiging kabilang tayo sa malaking pamilya ng Diyos
• Pakikibahagi sa paghihirap, pagkamatay at muling
pagkabuhay ni Kristo (Misteryo Paskuwal)
BIYAYA NA TINATANGGAP SA SAKRAMENTO NG
BINYAG
• Nalilinis mula sa kasalanang mana
• Nakikibahagi sa Banal na Santatlo
• Nagiging ampong Anak ng Diyos
• Ipinagkakaloob ang grasyang nagpapabanal
• Nakikibahagi sa misyon ni Kristo bilang Hari, Pari at
Propeta
• Tayo ay nagiging Templo ng Espiritu Santo
MINISTRO NG BINYAG

Obispo, Pari at Diyakono


SINO ANG MAAARING BINYAGAN?

Maaaring binyagan
ang lahat ng taong
hindi pa nabibinyagan.
INFANT BAPTISM
ADULT BAPTISM
ADULT BAPTISM
7 taong gulang pataas
May Birth certificate
Dumalo sa 3 beses na paghuhubog
ang bibinyagan.
Dumalosa 1 beses na paghuhubog
ang mga magulang, ninong at ninang
MGA BAGAY, SALITA, AT KILOS
a. TUBIG
- nagbibigay ng buhay, naglilinis at sagisag rin ng
kamatayan
- tanda ng Bagong Buhay kay Kristo
- ang pagbubuhos ng tubig ay pakikibahagi sa
kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo
Ang bata ay binubuhusan ng tubig, sabay sinasabi ng Pari:

“Pangalan ng Bata, ikaw ay binibinyagan ko sa ngalan ng


Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.”
b. KRISMA
- Langis o olibo na hinaluan ng pabango at binabasbasan
ng Obispo tuwing Misa ng Huwebes Santo
- sagisag ng paggalang at pagpapahalaha sa tao,
pakikiisa sa Diyos at pagtatalaga ng isang
responsibilidad

c. PUTTING DAMIT
- sagisag ng muling pagsilang kay Kristo

d. KANDILANG MAY SINDI


- tinatanggap ng batang bininyagan si Kristo bilang
liwanag na tanglaw
SAKRAMENTO NG KUMPIL
JUAN 20:21-22
“Gaya ng isinugo ako ng Ama, isinugo ko kayo.
Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.”

GAWA 19:5-6
“Nang marinig nila ito, sila’y nagpabautismo sa
pangalan ng Panginoong Jesus. Ipinatong ni Pablo ang
kanyang mga kamay sa kanila. Bumaba sa kanila ng
Espiritu Santo at sila’y nagsalita sa iba’t-ibang wika at
SAKRAMENTO
NG KUMPIL

SALITA NG DIYOS
JUAN 20:21-22
“Gaya ng isinugo ako ng Ama, isinugo ko kayo.
Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.”
KAHULUGAN NG KUMPIL
- Ang Sakramento na sa pamamagitan ng
Espiritu Santo ay higit na napapalapit ang
ugnayan ng binyagan sa Simbahan at
napagkakalooban ng lakas na aktibong
ipalaganap ang Salita ng Diyos.
MGA BUNGA NG SAKRAMENTO NG KUMPIL
a. Pinalalakas at pinatotohanan ng Kumpil ang grasya ng Binyag
b. Pinalalakas at pinatotohanan ang misyon na magbigay ng
pampublikong saksi kay Kristo sa Simbahan
c. Hayag na nagpapatotoo ng pananampalataya, sa Kaharian
ng Diyos, kay Jesu-kristo, sa kalayaan mula sa pagka-alipin sa
kasalanan at presensiya ng Diyos Ama.
d. Nagiging sundalo ni Kristo
e. Tinatanggap ang mga Kaloon ng Espiritu Santo
MGA KALOOB NG ESPIRITU SANTO

a. KARUNUNGAN (WISDOM)
b. KAALAMAN (KNOWLEDGE)
c. PAGKA-UNAWA (UNDERSTANDING)
d. PAMAMATNUBAY/PAGPAPAYO (COUNSEL)
e. LAKAS NG LOOB (COURAGE)
f. TAKOT SA DIYOS (FEAR OF THE LORD)
g. KABANALAN (PIETY)
SINO ANG NAGKUKUMPIL?

Ang pagdiriwang ng Sakramento ng


Kumpil ay pinangungunahan ng OBISPO (O
PARING KINATAWAN). Bilang pinuno ng isang
Diyosesis at bilang kahalili ng mga Apostoles ni
Jesus.
SINO ANG KINUKUMPILAN?
• Lahat ng nakatanggap ng Sakramento ng Binyag
• May sapat na gulang na napagkasunduan ng
local na Simbahan (12 taong gulang pataas)
• May paghahansang ginawa at nakatanggap ng
Katekesis
MGA SAGISAG AT TANDA NG SAKRAMENTO NG
KUMPIL
a. Pagpapatong ng kamay – upang maiahagi ang mga biyaya
ng Espiritu Santo na siyang nagiging daan upang maging
ganap at lubos ang pagpapalang ipagkakaloob sa Kumpil.
b. Pagbabahid ng Banal na Krisma – pakikiisa sa Kristo bilang
pari, hari at propeta.
c. Pagtatatak ng krus sa Noo – sumasagisag na tayo ay buong-
buo na pag-aari ni Kristo.

Obispo: “Tanggapin mo ang tatak ng kaloob ng Espiritu


Santo”
Kukumpilan: “Amen”
Obispo: “Sumainyo ang kapayapaan”
Kukumpilan: “At sumainyo rin”
SAKRAMENTO NG BANAL NA
KOMUNYON (BANAL NA MISA O BANAL
NA EUKARISTIYA)
LUCAS 22:14-15, 19-20

Nang dumating na ang oras, dumulog si Jesus sa


hapag, kasama ang kanyang mga apostol. At sinabi sa
kanila: Malaon ko nang inaasam-asam na makasalo siya ng
Tinapay at matapos magpasalamat sa Diyos, kanyang
pinagpirapiraso at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “ITO ANG
AKING KATAWAN AT IBINIBIGAY KO PARA SA INYO. GAWIN
NINYO ITO BILANG PAG-ALAALA SA AKIN”. Gayon din
naman, dinampot nya ang Saro pagkatapos maghapunan,
at sinabi, “ANG SARONG ITO ANG BAGONG TIPAN NG
KAHULUGAN NG BANAL NA KOMUNYON
(BANAL NA MISA O BANAL NA EUKARISTIYA)
EUKARISTIYA
- bukal at rurok ng buhay Kristiyano
- ang sentro ng at tugatog ng buhay ng
Simbahan at bawat Kristiyano.
- paraan ng pagsamba ng mga Katoliko
bilang kaanib ng Katawan ni Kristo, ang Simbahan
IBA’T-IBANG PANGALAN NA ITINATAWAG DITO
• EUKARISTIYA – sapagkat ito’y pasasalamat sa Diyos. Galing sa
salitang Judio na Eukaristein

• PIGING NG PANGINOON – sapagkat ito’y tu,utukoy sa Hapunan na


doon ay ipinagdiriwang ng Panginoon, kasama ng kanyang mga
alagad sa bisperas ng kanyang paghihirap at bilang paunang
gunita ng PIGING SA KASALAN NG KORDERO sa Jerusalem

• PAGHAHARI NG TINAPAY – sapagkat ang ritung ito ay bahagi nng


piging ng Judio ay ginamit ni Jesus noong pagpalain niya at
ipamahagi ang Tinapay bilang pinuno ng mag-anak. Lalo na sa
Huling Hapunan.

• PAGTITIPONG EUKARISTIKO – sapagkat ang Eukaristiya ay pagtitipon


ng mga binyagan, ang Simbahan
• SANTO SACRIFICIO – pinaiiral ang kaisa-isang sakripisyo ni
Kristong Mananakop at isinasama ang handog ng Simbahan

• BANAL AT MABATHALANG LITURHIYA – sapagkat ang buong


liturhiya ng Simbahan ay nakainog ditto at ipinakikitang higit sa
Eukaristiya

• KOMUNYON – sapagkat sa Sakramentong ito, nakikiisa tayo


kay Kristo at ibinabahagi sa atin ang kanyang Katawan at
Dugo upang bumuo ng iisang Katawan

• SANTA MISA – sapagkat sa Liturhiya ay ginaganap ang


Misteryo ng kaligtasan at inaasahan ang mga binyagan
upang magmisyon at tuoarin ang kalooban ng Diyos araw-
araw.
MINISTRO NG BANAL NA EUKARISTIYA

Ang mga pari at tunay na inordenahan


lamang ang maaaring mamuno sa Eukaristiya at
konsagrahin ang Tinapay at Alak upang maging
Katawan at Dugo ng Panginoon.
SINO ANG DAPAT TUMANGGAP NG BANAL NA
KOMUNYON?
Ang lahat ng mg Kristiyanong Katoliko ay
makakatanggap ng komunyon kung sila ay
namumuhay sa grasya ng Diyos. Kung siya ay may
kasalanang mortal, dapat muna siyang
magkumpisal bago tumanggap ng Banal na
Komunyon
MGA BIYAYA NG KOMUNYON

a. Lalong tumitingkad ang pagkakaisa natin kay Kristo


b. Ang komunyon ay pagkain ng ating buhay espiritwal.
Nagpapalago at nagpapabago sa buhay ng grasya na
tinanggap natin sa Binyag
c. Inilalayo tayo ng komumyon sa Kasalanan. Ang Eukaristiya ay
nagpapakalat ng pag-ibig sa araw-araw na pamumuhay.
MGA SAGISAG AT TANDA

Sa pamamagitan ng konsagrasyon ginaganap


ang TRANSSUBTANSIASION NG TINAPAY AT ALAK
upang maging Katawan at Dugo ni Kriso
SALITA NG DIYOS:
Juan 20:21-23 MBB05
Sinabi na naman ni Jesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung
paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.” Pagkatapos,
sila'y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu
Santo. Ang patatawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay
pinatawad na nga, subalit ang hindi ninyo patatawarin ay hindi
nga pinatawad.”

SAKRAMENTO NG PAGBABALIK LOOB


a. SAKRAMENTO NG PAGSISISI O PAKIKIPAGKASUNDO
- Pakikipagkasundo sa Diyos at sa kapwa (Mateo 5:24)
b. SAKRAMENTO NG KUMPISAL - ang pag-amin sa ating mga
kasalanan at pagsasabi nito sa Pari upang matanggap ang grasya
ng kapatawaran.
c. SAKRAMENTO NG PAGBABALIK-LOOB – ang buong proseso ng
pagbabalik loob ng nagsisisi at nagbabayad-puri na isinasagawa
ng nagsisisi bilang indibidwal na kaanib ng sambayanan ng
Simbahan.

IBAT-IBANG KATAWAGAN NG
SAKRAMENTO (KPK-1770)
 Paglabag sa utos ng Diyos, o sa ating mapagmahal na ugnayan
sa kanya o sa ating kapwa, o paglabag sa ating budhi.
 Asal, pagkilos o di-pagkilos o kapangyarihan o lakas na
naghahatid sa atin sa masama.
 Nakakasira, nakakasakit, lumalapastangan, nagbabaluktot,
lumalason at nagpapabulok sa ugnayan natin sa ating mga
minamahal.

KASALANAN
 KASALANANG MORTAL – malayang pagtalikod sa Diyos, sa
kanyang batas, at sa Tipan ng pag-ibig na inaalok ng Diyos. Mga
kasalanang naghahatid sa kamatayan, sa pagkawala ng tunay
o walang hanggang buhay.
 KASALANANG BENYAL – mga kasalanang pwedeng ipaumanhin,
kasalanang di humahantong sa kamatayang espiritwal.

ANTAS NG KASALANAN
1. Dapat taglay ang tunay na pagsisisi sa kasalanan
2. Pagkukumpisal ng mga kasalanan ng may kababaang loob at
katapatan.
3. Pagiging handing pagbayaran ang mga pagkakasalang
nagawa.
4. Pagsisikap na iwasang magkasalang muli at sa halip ay
mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos.
5. Magkaroon ng masusing pagsusuri ng Budhi.

PAGHAHANDA SA
PANGUNGUMPISAL
Ang mga inordenahang Pari

MINISTRO NG SAKRAMENTO NG
KUMPISAL
 Lahat ng Binyagang Katoliko mula sa ikaapat na baytang o
sampung taong gulang pataas na nakagawa ng kasalanan.

SINO ANG MGA DAPAT TUMANGGAP


NG SAKRAMENTO NG KUMPISAL
a. Pinapawi ng kumpisal ang lahat ng mga kasalanan at
binibigyan tayo ng grasyang nagpapabanal.
b. Tayo ay nagbabalik sa grasya ng Diyos.
c. Muling nakikiisa sa Diyos at sa kanyang bayan.
d. May kapayapaan at katahimikan ng budhi
e. Muling pagkabuhay sa Espiritwal.

BUNGA NG SAKRAMENTO NG
KUMPISAL
 PAGPAPATONG NG MGA KAMAY SA NAGSISISI- malasakit at
tulong ang layuning ipinapahayag ng pagpapatong ng kamay.
Nais ng santa iglesya ang kilos ng epiklese, ang paglulukob ng
mga kamay ay maging kaugnay ng absolusyon pagkakalag o
pagpapalaya mula sa kasalanan.

TANDA NG SAKRAMENTO
SALITA NG DIYOS
14 Mayroon bang may sakit sa inyo? Tawagin niya ang mga
matanda sa iglesiya upang siya ay kanilang ipanalangin at pahiran
ng langis sa pangalan ng Panginoon. 15 Ang panalanging may
pananampalataya ay makakapagpagaling sa taong maysakit at
siya ay ibabangon ng Panginoon. Kung mayroon siyang
nagawang mga pagkakasala, siya ay patatawarin.

SAKRAMENTO NG PAGPAPAHID NG
BANAL NA LANGIS SA MAYSAKIT
-Pagpapagaling sa isang natatanging paraan. Inihahatid nito ang
maawain at mapagmahal na pagpapagaling ni Kristo sa mga
nagbabata bg malubhang karamdaman. (KPK 1822)

KAHULUGAN NG SAKRAMENTO
-Ito ay nagbibigay ng biyaya ng Espiritu sa maysakit na naghahatid
ng kalusugan sa buong tao, nagpapatibay ng tiwala sa Diyos at
lakas upang mapaglabanan ang tukso ng kasamaan at
pagkabalisa sa kamatayan,

MGA EPEKTO NG SAKRAMENTO


Mga binyagang kristiyaano na may sakit at hindi lang para sa mga
nasa bingit ng kamatayan. Ang pari ay tinatawag hanggat
nakakausap pa ang maysakit kung maaari at hindi sa SANDALI NG
PAGHIHINGALO

KANINO DAPAT IBIGAY ANG SAKRAMENTO


NG PAGPAPAHID NG LANGIS
MGA PARI

MINISTRO NG SAKRAMENTO NG
PAGPAPAHID NG LANGIS
a. Ang panalangin ng pananampalataya kasama ang mga
pamilya, kaibigan at iba pang kinatawan ng sambayanan.
b. Ang pagpapatong ng kamay bilang pagtawag sa Espiritu
Santo.
c. Ang pagpahid ng banal na langis sa noo at sa mga kamay
habang nagdadasal ang pari.

TATLONG KILOS SA PAGDIRIWANG


NG SAKRAMENTO (KPK=1836)
SALITA NG DIYOS
27 Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y
kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae, 28 at sila'y
pinagpala niya. Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo
ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala
nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa
mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa
ibabaw ng lupa.

SAKRAMENTO NG KASAL O
MATRIMONYO
 Ito ay sakramento ng bokasyon at paglilingkod kay Kristo.
Bokasyon dahil nagmumula sa personal na tawag ng Diyos
upang tumugon sa mga pangangailangan ng kapwa at ng
simbahan. Paglilingkod dahil para palaganapin ang Simbahan
sa kanyang MISYON.

KAHULUGAN NG SAKRAMENTO NG
MATRIMONYO
1. Ang kasal ay ugnayan ng pag-ibig sa pagitan ng mag-asawa.
2. Lahat ng may ugnayan ng pag-ibig ma pantao, walan
makahibigit sa panghabangbuhay na pagtatalaga sa lubos
na ugnayan ng mag-asawa at sa pagbibigay ng kanilang sarili
sa isa’t-isa.
3. Ang pag-ibig ng magnobyo ay pumapaloob sa pagibig ni
Kristo sa simbahan o sa pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.
4. Tanda o salamin ng pag-ibig ng Diyps sa tao. (KPK-1882)

ANG KASAL BILANG TIPAN NG PAG-


IBIG (KPK-1881)
 1. BILANG ISANG SAKRAMENTO – isang patuloy na masimbulong
Gawain ng pagliligtas, nakasalig kay Kristo na ipinagpapatuloy ng
Simbahan.
 2. BILANG KATAPATAN SA ISAT-ISA (KPK-1915)
 Ang mismong katangian likas ng tunay na pag-ibig ng mag-asawa
ay nagpapahiwatig ng palagiang pagiging tapat. Ipinahayag ni
Kristo na ang pinagsama ng Diyos ay di dapat paghiwalayin ng tao
(Mateo 19:6)
 3. BILANG PAGLILINGKOD SA BUHAY (KPK-1920)
Pagkakaroon ng mga supling – ang pag-iibigan ng mag-asawa ay
nakatakda para sa pagsusupling at paghuhubog sa mga anak.

3 KABUTIHAN NG KASAL
 Tinatanggap ng mga Katoliko ang kasal kung ipinapahayag ang
kanilang kasunduan at pagtanggap sa isa’t-isa. Sa harap ng Pari
at dalawang saksi. Ang ministro sa ibang Sakramento ay ang
OBISPO AT PARI ngunit ditto ay ang ikinakasal. Ibinibigay ng
Babae sa lalaki ang sakramento at gayundin ang lalaki sa
babae.

MINISTRO NG KASAL
Sinumang Katolikong nabinyagan, nakumpilan at nasa wastong
gulang. 18 taon pataas ay maaaring ikasal kung walang balakid.

SINO ANG MAARING


MAKIPAGKASUNDO SA KASAL
 Magkadugo
 Ang mga inordenahan
 Mga nagtatalaga sa buhay relihiyoso habang buhay
 Karahasan
 Panlilinlang
 Krimen
 Edad
 Pagkainutil
 Sinumang walang sapat na pangunawa o isip

MGA BALAKID NA
NAGPAPAWALANG BISA SA KASAL
1. PAGHAHAWAK NG KAMAY – na sinasabayan ng kanilang consent
o sumpa o pagsangayon na tanggapin ang isa’t-isa bilang mag-
asawa.
2. PAGSUSUOT NG SINGSING – sagisag ng kanilang tipanan sa isa’t-
isa. Palatandaaan ng katapatan.
3. PAGBIBIGAY NG ARAS – tanda ng kabuhayan ng mag-asawa.
Ang labintatlong salaping pilak ay katumbas ng dowry na
ibinibigay ng lalaki sa pakakasalan
4. ANG BELO – sagisag ng buhay magkasama o komunidad.
5. KORDON O TALI – ang pinagugnay ng Diyos ay huwag
paghiwalayin ng sinuman.

MGA TANDA O SAGISAG


SALITA NG DIYOS
5 Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at
inilagay sa ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa
mga tao. Siya ang nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para
mapatawad ang mga kasalanan. 2 Mahinahon niyang
napapakitunguhan ang mga mangmang at naliligaw ng landas,
sapagkat siya'y mahina ring tulad nila. 3 At dahil sa kanyang
kahinaan, kinakailangang siya'y mag-alay ng handog, hindi
lamang para sa kasalanan ng iba, kundi para rin sa kanyang mga
kasalanan. 4 Ang karangalan ng pagiging pinakapunong pari ay
hindi maaaring makuha ninuman sa kanyang sariling kagustuhan.
Ang Diyos ang pumipili sa kanya.

SAKRAMENTO NG BANAL NA ORDEN


O PAGPAPARI
 11 At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga
apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y mga
ebanghelista, at ang iba'y mga pastor at mga guro. 12 Ginawa
niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga
hinirang, upang maging matatag ang katawan ni Cristo,

EFESO 4:11-12
 Sakramento ng apostolikong paglilingkod na patuloy na
naisasagawa sa simbahan hanggang sa katapusan ng
panahon.
 Orden = pangkat o katipunan ng mga nagsasagawa ng mga
tukoy na tungkulin tulad ng pagtuturo, pagpapabanal o
pamamahala.

KAHULUGAN NG SAKRAMENTO NG
BANAL NA ORDEN

You might also like