You are on page 1of 28

LINGGO NG

PASKO NG MULING PAGKABUHAY


Commentator: Magandang umaga/hapon po sa lahat.

Magsitayo po ang lahat at ating dasalin ang Panalangin sa


Parokya..
Sa ngalan ng Ama….

(Pause)

Sa araw na ito ipinagdiriwang natin ang pangunahing


sandigan ng ating pananampalataya bilang mga Kristiyano
—ang Muling Pagkabuhay ni Kristo. Ang muli niyang
pagkabuhay ay tanda ng ganap na pagbabago ng
sangnilikha. Buong galak nating ipagdiwang ang
Eukaristiyang ito kung saan pinadadaloy ng Panginoon ang
mga pagpapalang bunga ng kanyang muling pagkabuhay.

(Pause)

Ang ating Punong Tagapagdiwang ay si:

Reberendo Padre Antonio P. Perez, Jr.


o
Reberendo Padre Nathaniel Masendo, MSFS

(Pause)

Tayo ay sumabay sa pambungad na awit at aktibong makiisa sa ating


Banal na Pagdiriwang.
PAUNANG SALITA

Pari: Sa araw na ito ipinagdiriwang natin ang pangunahing


sandigan ng ating pananampalataya bilang mga Kristiyano
—ang MULING PAGKABUHAY NI KRISTO. Ang muli niyang
pagkabuhay ay tanda ng ganap na pagbabago ng
sangnilikha. Buong galak nating ipagdiwang ang
Eukaristiyang ito kung saan pinadadaloy ng Panginoon ang
mga pagpapalang bunga ng kanyang muling pagkabuhay.

PAGBATI
(Gawin dito ang tanda ng krus.)

Pari: Sa ngalan ng Ama (), at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen

Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-


ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.

Bayan: At sumaiyo rin.

(Ang Pagsisisi sa Kasalanan gayun din ang Sumasampalataya ay lalaktawan


sapagkat ang mga ito ay nasasaad na sa Pagsariwa sa Pangako sa Pagbibinyag.)

Habang kinakanta ang Papuri, ang mga kampana ay patutunugin muli sa


Simbahan habang ginaganap ang pag-awit dito.
GLORIA

Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga


taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka
namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking
kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang
makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na
Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo
ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw
lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-
taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Pari: Manalangin tayo.(Tumahimik)


Ama naming makapangyarihan, ngayo’y binuksan mo
para sa amin ang pinto ng kalangitan sa pananaig ng iyong
Anak sa kamatayan. Ipagkaloob mong sa pagdiriwang
namin sa Pasko ng Pagkabuhay kami’y mabuhay sa
pagpapanibagong dulot ng iyong Espiritu sa kaliwanagan
ng buhay mo sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Commentator: Ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

UNANG PAGBASA

Sa Unang Pagbasa, ang muling pagkabuhay ni Hesus ang pinakapuso


ng Mabuting Balitang ipinahahayag ng mga sinaunang Kristiyano at
nagpapatuloy na batayan ng ating pananampalataya sa Panginoon.

Pakinggan natin ang Salita ng Diyos.

Pagbasa mula sa mga Gawa ng mga Apostol


(Gawa 10:34a, 37–43)

NOONG mga araw na iyon: Nagsalita si Pedro, “Alam ninyo


ang nangyari sa buong Judea na nagsimula sa Galilea nang
mangaral si Juan tungkol sa binyag. Ang sinasabi ko’y
tungkol kay Hesus na taga-Nazaret. Ipinagkaloob sa kanya ng
Diyos mga Judio at sa Jerusalem. Gayunman, siya’y ipinako
nila sa krus. Ngunit muli siyang binuhay ng Diyos sa
ikatlong araw. Napakita siya, hindi sa lahat ng tao kundi sa
amin lamang na noon pang una’y pinili na ng Diyos bilang
mga saksi. Kami ang nakasama niyang kumain at uminom
pagkatapos na siya’y muling mabuhay. Inatasan niya kaming
mangaral sa mga tao at magpatotoo na siya ang itinalaga ng
Diyos na maging Hukom ng mga buhay at mga patay. Siya
ang tinutukoy ng mga propeta nang kanilang ipahayag na
bawat mananalig sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa
kanilang mga kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang
pangalan.”
- Ang salita ng Diyos.
Bayan: Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN
(Slm 117)
ARAW NGAYON NG MAYKAPAL,
MAGALAK TAYO’T MAGDIWANG.

1. O pasalamatan ang D’yos na Panginoon, pagkat siya’y


mabuti;/ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili./
Ang taga-Israel, bayaang sabihi’t kanilang ihayag,/
“Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi kukupas.” (T)

2. Ang lakas ng Poon, ang siyang nagdulot ng ating tagumpay/


sa pakikibaka sa ating kaaway./Aking sinasabing di ako
papanaw,/ mabubuhay ako upang isalaysay ang gawa ng
Diyos na Panginoon ko. (T)

3. Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng tirahangbahay,/


sa lahat ng bato’y higit na mahusay./
Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos./
Kung iyong mamasdan ay kalugud-lugod. (T)

IKALAWANG PAGBASA
(1 Cor 5:6b–8)

Sa ikalawang pagbasa, sa pamamagitan ng pagbibinyag, nakikibahagi


ang Kristiyano sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. Bilang
isang bagong nilikha, ang Kristiyano ay namamatay sa kanyang dating
makasalanang pamumuhay at nabubuhay sa Espiritu ni Kristo.

Pakinggan natin ang Salita ng Diyos.


Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga
taga-Corinto

MGA KAPATID: Hindi ba ninyo alam ang kasabihang,


“Napaaalsa ng kaunting leba-dura ang buong masa”? Alisin
ninyo ang lumang lebadura, ang kasalanan, upang kayo’y
maging malinis. Sa gayon, matutulad kayo sa isang bagong
masa na walang lebadura—at ganyan nga kayo. Sapagkat
naihandog na ang ating Korderong Pampaskuwa—si
Kristo. Kaya’t ipagdiwang natin ang Paskuwa, ngunit hindi
sa pamamagitan ng tinapay na may lumang lebadura ng
kasamaan at kahalayan, kundi sa pamamagitan ng tinapay
na walang lebadura, sagisag ng kalinisan at katapatan.

- Ang salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos.


(Manatiling nakaupo)

Awit tungkol sa Mabuting Balita

Koro: Purihin si Hesukristo hain para sa tao. Nagligtas na Kordero


nang makasundo tayo ng Amang Lumikha nitong mundo.
Buhay at kamatayan kapwa nagtunggalian at ang
nagtagumpay “Pagkabuhay.”
Ano ba Maria, ang ’yong mga nakita? Puntod ni Kristong
nabuhay, liwanag niya’t kaningningan. Anghel na malinaw,
kumot at kasuotan.
Buhay si Kristong pag-asa pupunta s’ya sa Galilea. Kami’y
sumasampalatayang buháy kang talaga, Hari ng ligaya,
magbasbas ka.

Commentator: Tayo’y magbigay galang sa Mabuting Balita.


ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Si Kristo’y inihain na
pamaskong maamong tupa.
Magsalo tayo sa kanya!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 20:1-9

P: Sumainyo ang Panginoon Juan

B: At sumainyo rin.

Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

Bayan: Papuri sa iyo Panginoon.

Pari: Madilimdilim pa nang araw ng Linggo, naparoon na si


Maria Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na
ang batong panakip sa pinto ng libingan. Dahil dito,
patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na
mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha sa libingan ang
Panginoon at hindi namin alam kung saan dinala!” Kaya’t si
Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa libingan.
Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro’y naunahan ng
kasamang alagad. Yumuko ito at sumilip sa loob. Nakita
niyang nakalagay ang mga kayong lino, ngunit hindi siya
pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at
tuloytuloy itong pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga
kayong lino, at ang panyong ibinalot sa ulo. Hindi ito
kasama ng mga kayong lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa
isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating;
nakita niya ito at siya’y naniwala. Hindi pa nila
nauunawaan ang nasasaad sa Kasulatan, na kailangang
muling mabuhay si Hesus.

- Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Bayan: Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

HOMILIYA

Commentator: Magsitayo po ang lahat. Ngayon po ay sasariwain natin


ang ating mga pangako noong tayo’y bininyagan.
Maaari pong ihanda na natin ang ating mga kandila at
hintayin ang mga lingkod na lalapit upang magsindi sa
mga ito.

PAGSARIWA SA PANGAKO SA PAGBIBINYAG


(Sisindihan ang mga kandila)

Pari: Mga kapatid, sa misteryo ng Pasko ng Pagkamatay at


Pagkabuhay ni Kristo, tayo’y nalibing kasama niya
noong tayo’y binyagan upang kasama rin niya tayo’y
makabangon at makapagbagong-buhay. Naganap na
natin ang Apatnapung Araw na Paghahanda, kaya’t
sariwain natin ngayon ang ating pangako sa
pagbibinyag. Talikdan natin ang kasamaan at
kasalanan. Harapin natin ang matapat na paglilingkod
sa Diyos bilang mga maaasahang kaanib ng kanyang
banal na Simbahang Katolika. Kung kayo’y
makapangangakong tatalikod sa lahat ng hadlang sa
katuparan ng panukala ng Diyos upang kayo’y
makapamuhay bilang matapat at maaasahang kaanib
ng kanyang angkan, pakisagot ninyo itong tatlong
katanungan.

Pari: Para kayo makapamuhay bilang mga malayang anak


ng Diyos, ang kasalanan ay itinatakwil ba ninyo?

Bayan: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Para kayo’y huwag mapailalim sa kasalanan, ang


kaakit-akit na tukso ng kasamaan ay itinatakwil ba
ninyo?

Bayan: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Si Satanas na pinanggagalingan ng kasalanan at


pinuno ng kadiliman ay itinatakwil ba ninyo?

Bayan: Opo, itinatakwil namin.

Pari: Ngayon nama’y ating harapin ang ating


pananampalataya. Kung kayo’y makapangangakong
magsisikap mamuhay bilang mga ikinararangal na
anak ng Diyos Ama, kung tutularan ninyo siya sa
kanyang kabutihan, pagmamahal sa lahat, at
pagmamalasakit para sa pang-kalahatang kapakanan,
pakisagot ninyo ang katanungang ito:
(Tumahimik)

Sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat at


Lumikha ng langit at lupa kayo ba ay
sumasampalataya?
Bayan: Opo, sumasampalataya kami.

Pari: Kung kayo’y makapangangakong magsisikap


mamuhay bilang mga tunay na kapatid ng
Panginoong Hesus, kung gagawin ninyong simulain sa
buhay ang kanyang katwiran, katarungan, at
paglilingkod sa lahat alinsunod sa kanyang
pagmamahal, pakisagot ninyo ang katanungang ito:
(Tumahimik)

Sa iisang Anak ng Diyos, ang ating Panginoong


Hesukristo, na ipinanganak ni Santa Mariang Birhen,
ipinako sa krus, namatay, inilibing, muling nabuhay at
naluluklok sa kanan ng Ama kayo ba ay
sumasampalataya?

Bayan: Opo, sumasampalataya kami.

Pari: Kung kayo’y maka-pangangakong susunod sa


patnubay ng Espiritu Santo at kung sisikapin ninyong
mapaunlad ang kaloob niyang buhay at pagmamahal
upang maging mga maipagmamalaking anak ng Diyos
Ama at kapatid ng Panginoong Hesus, pakisagot ninyo
ang katanungang ito:
(Tumahimik)

Sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa


kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga
kasalanan, sa muling pagkabuhay ng mga namatay, at
sa buhay na walang hanggan kayo ba ay
sumasampalataya?

Bayan: Opo, sumasampalataya kami.


Pari: Bunga ng pagmamahal ng Diyos na
makapangyarihang Ama ng ating Panginoong
Hesukristo, tayo ay pinatawad sa ating kasalanan
noong tayo’y muling isilang sa tubig at Espiritu Santo.
Tulungan nawa niya tayong mamalaging tapat sa
ating Panginoong Hesukristo ngayon at
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

(Papatayin ang sindi ng mga kandila matapos ang pagwiwisik ng banal na tubig.)

PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Sa maluwalhating pagkabuhay ng ating Panginoon,


binigyan niya tayo ng karangalan bilang tunay na mga anak
ng Diyos sa pamamagitan ng sakramento ng binyag. Kaya
naman buong pagtitiwala tayong umaasang ipagkakaloob
niya ang ating mga kahilingan. Manalangin tayo:

AMANG MAPAGMAHAL, DINGGIN MO KAMI.

Lektor: Maging matatag nawa ang Santo Papa, mga obispo, mga
pari, at mga diyakono sa kanilang pananampalataya kay
Kristong muling nabuhay at maipahayag nawa nila ang
pananampalatayang ito sa buong mundo hanggang sa
maluwalhating pagbabalik ng Panginoon. Manalangin tayo:
(T)

Lektor: Sa mahiwagang pamamaraan ng Espiritu, magkaisa nawa


ang mga pinuno ng mga bansa sa pagsusulong ng
pandaigdigang kapayapaan, pakikibaka laban sa kahirapan,
at pagtataguyod sa karangalan at karapatang pantao.
Manalangin tayo: (T)
Lektor: Pakinabangan nawa ng mga dukha, mga maysakit, mga
nagdurusa sa iba’t ibang paraan, at mga biktima ng
karahasan ang mga pagpapalang bunga at kaloob ng muling
pagkabuhay ni Kristo tungo sa mabuting pagbabago ng
kanilang kalagayan. Manalangin tayo: (T)

Lektor: Tanggapin nawa ng mga minamahal nating mga yumao ang


walang-hanggang kaligayahan, at kapayapaan sa piling ng
Diyos na muling nabuhay. Manalangin tayo: (T)

Pari: Ama naming mapagmahal, ibuhos mo sa amin ang


masaganang bunga ng pagtatagumpay sa kamatayan ng
iyong Anak na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng
Espiritu Santo, ngayon at magpakailanman.

Bayan: Amen.

Commentator: Ang Liturhiya ng Eukaristiya

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang
Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng


pag- aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang
pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang
pabulong:
Pari: Kapuri-puri ka,
Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa
ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng pari at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Ang Tagapagdiwang ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang
pabulong:

Pari: Sa paghahalong ito ng alak at tubig kami nawa’y makasalo


sa pagka-Diyos ni Kristo na nagpagindapat makihati sa
aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang
nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

Pari: Kapuri-puri ka,


Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.

Mula sa katas ng ubas


at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
Illapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Bayan: Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!

Pagkatapos, yuyuko ang Tagapagdiwang habang dinarasal niya nang pabulong.


Pari: Diyos Amang Lumikha,
nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin mo ang
aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong
sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng Tagapagdiwang ang mga alay at ang dambana
pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at ang mga nagsisimba.

Pagkatapos, ang Tagapagdiwang ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga


kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

Pari: O Diyos kong minamahal, kasalanan ko‘y hugasan at


linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.

PAGHAHAIN NG ALAY
Magsitayo ang lahat

Pagbalik ng Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay
sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Pari: Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin
ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga


kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating
kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Pari: Ama naming Lumikha,


masaya naming ipinagdiriwang ang Pasko ng Pagkabuhay
ngayong aming ginaganap ang paghahaing ito
ng Anak mong mahal
para sa muling pagsilang
at pakikinabang ng iyong Sambayanan
sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PREPASYO

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.

Pari: Ama naming makapangyarihan


tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan
lalo ngayong ipinagdiriwang ang paghahain ng Mesiyas,
ang maamong tupa na tumubos sa aming lahat.
Ang iyong Anak na minamahal
ay naghain ng sarili niyang buhay.
Siya ang tupang maamong umako sa kaparusahan
upang mapatawad ang kasalanan ng sanlibutan.
Sa pagkamatay niya sa banal na krus
ang kamatayan namin ay kanyang nilupig.
Sa pagkabuhay niya bilang Manunubos
pag-asa’t pagkabuhay ay aming nakamit.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

Bayan: "Santo, Santo, Santo,


Panginoong Diyos na Makapangyarihan;
Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian mo;
Osana sa kaitaasan.
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon,
Osana sa kaitaasan."

Magsiluhod ang lahat

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal.


Pari: Ama naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.

Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga


kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.
Pari: Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu gawin mong
banal ang mga kaloob na ito

Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang


tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo ✠ ng aming


Panginoong Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.


Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag
nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga
ito.
Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog,
Hahawakan ng Tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw
ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya,


pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni Kristo,
ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba. Magpapatuloy ang
Tagapagdiwang:
Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,
Hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng
dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan,


iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN, ANG AKING
DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni
Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba. Pagkatapos, ipahahayag ng
Tagapagdiwang:

PAGBUBUNYI
Magsitayo ang lahat

Pari: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Bayan: Si Kristo’y namatay!


Si Kristo ay nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!
Ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay
nagdarasal:
Pari: Ama, ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat dahil kami’y iyong minarapat na
tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.
Isinasamo naming kaming magsasalu-salo
sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ama, lingapin mo ang iyong Simbahang


laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco na aming Papa
at ni Reynaldo na aming Obispo
at ng tanang kaparian.

Alalahanin mo rin
ang mga kapatid naming nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos, ng
kanyang kabiyak ng puso, si San Jose,
kaisa ng mga apostol,
at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin
ang pagpupuri sa ikararangal mo.

Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.

Hahawakan ng Tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas
habang kanyang ipinahahayag.

SA PAMAMAGITAN NI KRISTO,
KASAMA NIYA, AT SA KANYA
ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.

Bayan: Amen.

PAKIKINABANG

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagling na utos at turo ni Hesus na


Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob:
Bayan: "Ama namin, sumasalangit ka,
sambahin ang ngalan mo
Mapasaamin ang Kaharian mo,
sundin ang loob mo
Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
sa mga nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya mo kami sa lahat ng masama. Amen."

Pari: Hinihiling naming


kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang


panalangin sa ganitong pagbubunyi:

Bayan: "Sapagkat iyo ang Kaharian, at ang Kapangyarihan at ang


Kapurihan magpakailanman! Amen."

Pari: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol:


“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang
aming mga pagkakasaIa.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon
sa iyong kalooban.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawaIang hanggan.

B: Amen.

Ang tagapagdiwang ay paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng


mga kamay sa pagpapahayag.

Pari: Ang kapayapaan ng ating Panginoong Hesukristo ay


sumainyo.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t-isa.

At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay


mabigbigyan ng kapayapaan. Ang tagapagdiwang at ang mga tagapaglingkod ay
makapagbibigayan ng kapayapaan.

PAANYAYA SA PAKIKINABANG

Pagkatapos, hahawakan ng tagapagdiwang ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa


ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang
dinarasal:

Pari: Sa pagsasawak na ito ng Katawan sa Dugo ng aming


Panginoong Hesukristo tanggapin nawa namin sa
pakikinabang ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang
pagluhog na ito.

Bayan: “Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng


sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng


sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng


sanlibutan, ipagkaloob mo po sa amin ang kapayapaan!"

Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay.


Sa huling pag-uulit saka pa lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang
kapayapaan.”
Magkadaop ang mga kamay ng tagapagdiwang sa pabulong na pagdarasal.

Pari: Panginoong Hesukristo,


Anak ng Diyos na buhay,
sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng
masama, gawin mong ako’y makasunod
lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot
na ako’y mawaIay sa iyo kailanman.
Luluhod ang tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na
itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Pari: "Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga


kasalanan ng sanlibutan. Mapapalad ang mga
inaanyayahan sa kanyang piging."
Bayan: “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo
ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.”

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na


nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa


buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.


Pagkatapos, hahawakan ng tagapagdiwang ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay


na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga
nakikinabang, bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang
sinasabi:

Pari: Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon: Amen.

ANTIPONA SA PAKIKINABANG

Bayan: Si Kristo’y inialay na Pamaskong maamong tupa.


Magsalo tayong masaya sa tinapay na pamista bago’t
wagas, Aleluya!
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Magsitayo ang lahat

Pari: Manalangin tayo. (Tumahimik)


Ama naming mapagmahal,
lingapin mong lagi kaming sambayanan mo
upang sa pagdiriwang namin
ng Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo
sapitin namin ang kaliwanagan ng pagkabuhay
sa piling mo sa pamamagitan niya
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PAGTATAPOS
Maisusunod kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maiiksing patalastas na
sasabihin sa mga tao. Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang paring nakalahad
ng mga kamay sa mga tao ay magpapahayag:

Pari: Sumainyo ang Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.

PAGBABASBAS

Pari: Magsiyuko kayo habang iginagawad ang pagbabasbas.


(Tumahimik)
Sa dakilang kapistahang ito ng Pasko ng Muling
Pagkabuhay ni Hesukristo, nawa’y tanggapin ninyo ang
lahat ng mabubuting bagay na bunga at kaloob ng dakilang
misteryong ito, upang sa pakikinabang ninyo sa mga
pagpapalang ito ay maging matatag kayo sa
pananampalataya at maipahayag din ninyo sa inyong
kapwa ang Mabuting Balita ng kaligtasan, alang-alang kay
Kristong Panginoon.

Bayan: Amen.

Pari: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak


(†) at Espiritu Santo.

Bayan: Amen.

Pari: At ang pagpapala ng makapangyarihang Diyos, Ama, at


Anak (+) at Espiritu Santo ay manaog nawa at
mamalagi sa inyo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

PANGWAKAS

Sa ganitong paraan gagawin ang paghayo sa pagmimisa sa walong araw na


pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay:
Pari: Humayo kayong taglay ang kapayapaan
upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran,
Aleluya, Aleluya!

Bayan: Salamat sa Diyos. Aleluya! Aleluya!

You might also like