You are on page 1of 18

Our Lady of Hope Rectorate – Bahrain

Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay

UNANG BAHAGI (PAGPAPARANGAL SA ILAW)


[Magtitipon ang pari at mga magsisimbang may dalang palaspas sa labas ng simbahan na siyang
patutunguhan ng prusisyon.]

P – Mga minamahal na kapatid, limang linggo na tayong naghahanda ng


sarili para sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagpapakasakit at Pagkabuhay ng
Panginoon. Sinikap nating unawain at tuparin ang ating pananagutan sa
Diyos at sa kapwa tao alinsunod sa aral at halimbawa ni Hesukristo. Kaisa
ng buong Simbahan, sinisimulan natin ngayon ang mga Mahal na Araw. Si
Kristo ay matagumpay na pumasok sa kanyang lunsod upang tuparin ang
kanyang gawain bilang Mesiyas: ang magpakasakit, mamatay, at muling
mabuhay para sa ating kaligtasan. Taimtim nating sariwain sa alaala ang
kanyang pag-aalay ng sarili para sa kapwa at sundan natin siya nang may
buhay na pananampalataya. Kaisa niya sa pagdurusa sa krus, tayo nawa
ay makahati niya sa kanyang pananaig sa kamatayan at sa kanyang
bagong buhay

P – Manalangin tayo. (Tumahimik sandali.) Ama naming makapangyarihan,


ang mga palaspas na ito ay iyong pagpalain () at pabanalin upang sa
masaya naming pagbubunyi sa Mesiyas na aming Hari, siya’y aming
masundan at sa pamamagitan niya’y aming sapitin ang hindi magmamaliw
na lunsod ng Jerusalem na kanyang pinaghaharian, kasama mo at ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

B – Amen

[Babasbasan ng pari ang mga palaspas nang walang anumang sinasabi.]

P.        Sumainyo ang Panginoon.

B.        At sumainyo rin.

P.        + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San …

            Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Mabuting Balita Lu 19:28-40 P –

P- Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

B – Papuri sa iyo, Panginoon!

Noong panahong iyon, nagpauna si Hesus patungong Jerusalem. Nang


malapit na siya sa Betfage at Betania, sa bundok na kung tawagi’y Bundok
ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawang alagad. Sinabi niya sa kanila,
„Pumunta kayo sa susunod na nayon. Sa pagpasok doo’y matatagpuan
ninyo ang isang bisirong asnong nakatali; hindi pa ito nasasakyan
ninuman. Kalagin ninyo at dalhin dito. Kapag may nagtanong kung bakit
ninyo kinakalag, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon”. Kaya’t lumakad
ang mga inutusan at natagpuan nga nila ang asno, ayon sa sinabi sa kanila
ni Hesus. Samantalang kinakalag nila ito, tinanong sila ng mga may-ari,
“Bakit ninyo kinakalag iyan? ”Kailangan ito ng Panginoon,”tugon nila.
Dinala nila kay Hesus ang asno, at matapos isapin sa likod nito ang
kanilang mga balabal, siya’y pinasakay nila. Nagpatuloy si Hesus sa
kanyang paglalakbay, at sa kanyang daraanan nama’y inilalatag ng mga
tao ang kanilang mga balabal. Nang malapit na siya ă palusong na sa libis
ng Bundok ng mga Olibo - nagsigawan sa galak ang buong pangkat ng
mga alagad at malakas na nagpuri sa Diyos dahil sa mga kababalaghang
nasaksihan nila. Ang wika nila, “Purihin ang hari na dumarating sa ngalan
ng Panginoon! Kapayapaan sa langit! Purihin ang Diyos! ” Sinabi sa kanya
ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, “Guro, sawayin mo nga ang
iyong mga alagad. Sumagot siya, “Sinasabi ko sa inyo: kapag tumahimik
sila, ang mga bato na ang sisigaw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon!

B – Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo!


[Maaaring magbigay ng maikling homiliya. Bago magsimula ang prusisyon
ay sasabihin ng pari:]

P – Mga minamahal na kapatid, tularan natin ang mga taong nagbunyi kay
Hesus. Halinang magprusisyon sa kanyang karangalan, taglay ang
kapayapaan
IKALAWANG BAHAGI (PAGBABASBAS NG PALASPAS)

PAMBUNGAD NA AWIT

Tayo po ay pumapasok na Panglimang na


Linggo ng Kuwaresma.
at atin pong inaalay ang Banal na Misa sa lahat ng mga may sakit at
karamdaman maging sa kapayapaan ng dalawang bansa sa Europa ang
Ukraine at Russia maging ang Syria, Yemen at Afghanistan.

Pari:   Sa ngalan ng Ama, at ng anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen

P.    Ang biyaya ng Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos, at


pakikiisa ng Espiritu Santo ay SUMAINYONG LAHAT!

B.        At sumainyo rin.

P.   Habang pinaghahandaan nating ipagdiwang ang mga misteryong


banal, ating alalahaning kailangan natin ang pagpapatawad at
kapayapaan ng Diyos.

Sabay sabay po tayong manalangin sa Diyos…..

P.        Inaamin ko sa makapangyarihang Dios at sa inyo mga kapatid


na lubaha akong nagkasala……………

P.     Para sa mga pagkakataong inuna namin ang mga makamundong


pagpapahalaga at nakaligtaan naming ikaw ang aming pinakadakilang
yaman, Panginoon, kaawaan mo kami!

B.        Panginoon, kaawaan mo kami.

P.    Para sa mga pagkakataong humiling kami ng iyong


pagpapatawad kahit di naman namin pinagsisisihan ang aming mga
kasalanan. Panginoon, kaawaan mo kami
B.        Kristo, kaawaan mo kami.
P Para sa mga pagkakataong tinanggihan namin ang iyong
paanyayang bumalik sa iyo nang buong kababaang-loob at pagsisisi,
Panginoon, kaawaan mo kami!
B.        Panginoon, kaawaan mo kami.

P.        Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


            Patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
            At patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

B.        Amen.

PANALANGING PAMBUNGAD
           

*P.        Manalangin tayo. (mula sa Aklat ng Pagmimisa)

Ama naming makapangyarihan, ginawa mong halimbawang dapat


tularan ang Tagapagligtas naming naging di iba sa amin para ang
krus namin ay akuin. Pagindapatin mong sa mga pagdiriwang ay
aming kamtin ang kanyang ulirang pagkamatiisin at ang pakikisalo sa
pagkabuhay niyang maningning, sa pamamagitan niya kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan

B            Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA (mula sa Aklat ng mga


Pagbasa)                                                                         

Pagbasa mula sa…

           

         
            Ang Salita ng Diyos.
B.        Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN (batay sa Aklat ng mga Pagbasa)


                                                           

N. Ang ating pong itutugon: …. (batay sa Aklat ng mga Pagbasa)

B. (tutugon)

N. …

IKALAWANG PAGBASA (kung Linggo at mga


kapistahan)                                                

Pagbasa mula sa…

           

            Ang Salita ng Diyos.

B.        Salamat sa Diyos

ALELUYA
           

MABUTING BALITA

P.        Sumainyo ang Panginoon.

B.        At sumainyo rin.

P.        + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San …

            Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

B.        Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo


HOMILIYA - PANGARAL

CREDO

Sumasampalataya ako sa Diyos


Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay
Hesukristo, iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya
lalang ng Espiritu Santo, ipina-
nganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao. Nang may ikatlong araw
nabuhay na mag-uli. Umakyat sa
langit. Naluluklok sa kanan ng
Diyos Amang makapangyarihan
sa lahat. Doon magmumulang
paririto at huhukom sa nangabu-
buhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman
ako sa Diyos Espiritu Santo, sa
banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal, sa
kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng na-
ngamatay na tao at sa buhay na
walang hanggan. Amen!
PANALANGING PANGKALAHATAN
(maaaring gumawa ng sariling mga kahilingang
angkop sa okasyon ng MIsa)
           
Pari:   Buong pagtitiwala sa mahabaging pagmamahal ng Panginoon
na nakauunawa sa ating mga kahirapan at pangangailangan,
idulog natin ang ating mga kahilingan. Manalangin tayo:

Panginoon, dinggin Mo kami!

          

B: Panginoon, Salita Mo’y aming lakas!

Namumuno:
           
            Para sa mga namumuno sa ating Simbahan
upang sila ay maging tunay na lingkod at huwaran.
Manalangin tayo sa Panginoon.

B.        Panginoon, dinggin mo kami.

N.        Para sa mga namumuno sa ating pamahalaan at bayan


Upang laging isaalang-alang ang kapakanan ng tanan,
Higit sa lahat ng mga dukha at nahihirapan.
Manalangin tayo sa Panginoon.

B.        Panginoon, dinggin mo kami.

N.        Para sa mga maysakit, may suliranin, at may


Iba’t-ibang pangangailangan sa buhay
Na tapat na umaasa sa Diyos.
Manalangin tayo sa Panginoon.

B.        Panginoon, dinggin mo kami.

N.        Para sa mga yumao nating kapatid


At sa lahat ng mga kaluluwa sa Purgatoryo.
Manalangin tayo sa Panginoon.

B.        Panginoon, dinggin mo kami.

Pari: Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil


sandali.)

Pari: Manalangin tayo!

B.        Panginoon, dinggin mo kami.

Pari: Panginoong Diyos, alalayan Mo kaming mabuhay alinsunod sa turo ni


Hesus. Sa pakikibahagi namin sa kanyang paghihirap, makibahagi rin
nawa kami sa kanyang kaluwalhatiang walang hanggan

B.        Amen.

AWIT SA PAG-AALAY

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

(tahimik na paghahaluin ng pari ang alak at tubig)

P.        Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


            Sa iyong kagandahang-loob,
            narito ang aming maiaalay.
            Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
            para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
           
B.        Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

P.        Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


            Sa iyong kagandahang-loob,
            narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

B.        Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

            Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang


pabulong:

            Diyos Amang Lumikha


            nakikiusap kaming mga makasalanan.
            Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
            upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

            Pagkatapos ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana,


maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

            Diyos kong minamahal,


            kasalanan ko’y hugasan
            at linisin mong lubusan
            ang nagawa kong pagsuway.
           
P.        Manalangin kayo, mga kapatid,
            upang ang paghahain natin ay kalugdan
            ng Diyos Amang makapangyarihan.

B.        Tanggapin nawa ng Panginoon


            itong paghahain sa iyong mga kamay
            sa kapurihan niya at karangalan
            sa ating kapakinabangan
            at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN SA MGA ALAY (batay sa Aklat sa Pagmimisa)

*P.         – Ama naming Lumikha, pakundangan sa pagpapakasakit ng


iyong Bugtong na Anak, sumaamin nawa ang iyong pagpapaunlak na
di makakamit ng tanang aming pagganap kundi ng paghahaing
minsan lamang para sa lahat na mula sa iyo’y pinakikinabangan
namin at tinatanggap, sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

B.        Amen.

PAGBUBUNYI O PREPASYO
(batay sa Aklat sa Pagmimisa – angkop sa okasyon)

P.        Sumainyo ang Panginoon

B.        At sumainyo rin.

P.        Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

B.        Itinaas na naming sa Panginoon.

P.        Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

B.        Marapat na siya ay pasalamatan.

*P.        
Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay
aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming
Panginoon.

Wala siyang kasalanan ngunit inaring salarin sa pagmamalasakit


niyang kami’y palayain sa
kamatayang kinasuungan namin
kaya’t namatay siya upang kami’y
buhayin

  Kaya kaisa ng mga anghel


            na nagsisiawit ng papuri sa iyo
            nang walang humpay sa kalangitan,
            kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

B.        SANTO… (aawitin or bibigkasin)
            Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos na makapangyarihan
Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian mo
Osana sa kaitaasan
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon
Osana sa kaitaasan

PANALANGING EUKARISTIKO II
           

P.        Ama naming banal,


            Ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
            Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu
            gawin mong banal ang mga kaloob na ito

           
            Upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo +
            ng aming Panginoong Hesukristo.

           
            Bago niya pinagtiisang kusang loob
            na maging handog,
Hinawakan niya ang tinapay,
            pinasalamatan ka niya,
            pinaghati – hati niya iyon,         
            iniabot sa kanyang mga alagad
            at sinabi:
           

            TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


            ITO ANG AKING KATAWAN
            NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
           
           
Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,
hinawakan niya ang kalis,
            muli ka niyang pinasalamatan,
            iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
            at sinabi:
            TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:
            ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
            NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
            ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
            PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
            SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

            GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALAALA SA AKIN.

           
            Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

B.        Si Kristo’y namatay!


            Si Kristo’y nabuhay!
            Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon.

           
P.        Ama,
            ginagawa namin ngayon ang pag – alala
            sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
            kaya’t iniaalay naming sa iyo
            ang tinapay na nagbibigay-buhay
            at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
            Kami’y nagpapasalamat
            dahil kami’y iyong minarapat
            na tumayo sa harap mo
            para maglingkod sa iyo.

            Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


            sa Katawan at Dugo ni Kristo
            ay mabuklod sa pagkakaisa
            sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
           
            Ama,
            lingapin mo ang iyong Simbahang
            laganap sa buong daigdig.
            Puspusin mo kami sa pag-ibig
            kaisa ni FRANCISCO., na aming Papa,
            at ni CELESTINIO., na aming Obispo
            at ng tanang kaparian.
            Alalahanin mo si N., na tinawag mo
            mula sa daigdig na ito.
            Noong siya’y binyagan,
            siya’y nakaisa ni Kristo sa pagkamatay.
            Ngayong siya’y pumanaw,
            nawa’y makaisa siya ni Kristo sa pagkabuhay.

            Alalahanin mo rin
        ang mga kapatid naming nahimlay (Sina Evelyn, Ricardo
Reyes, )
at  nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
            gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
            Kaawaan mo sila
            ay patuluyin sa iyong kaliwanagan.
            Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
            na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
            Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,
            kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal.
            Na namuhay dito sa daigdig
            nang kalugud-lugod sa iyo,
            maipagdiwang nawa naming 
            ang pagpupuri sa ikararangal mo,

            s pamamagitan ng iyong Anak


            na aming Panginoong Hesukristo.
*********************

(Itataas ang Kalis at Otsa ng sabay)

           
            Sa pamamagitan ni Kristo,
            kasama niya, at sa kanya
            ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
            Diyos Amang makapangyarihan,
            kasama ng Espiritu Santo
            magpasawalang hanggan.

            Amen.
ANG PAKIKINABANG

Ipahahayag ng pari nang magkadaop ang mga kamay:


           
P.        Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos
            At turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
            Ipahayag natin nang lakas-loob:

            Ama namin, sumasalangit ka.


            Sambahin ang ngalan mo.
            Mapasaamin ang kaharian mo.
            Sundin ang loob mo
            dito sa lupa para nang sa langit.
            Bigyan mo kami ngayon
            ng aming kakanin sa araw – araw.
            At patawarin mo kami sa aming mga sala
            para nang pagpapatawad namin
            sa nagkakasala sa amin.
            At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
            At iadya mo kami sa lahat ng masama.

 P.      Hinihiling naming


            kami’y iadya sa lahat ng masama,
            pagkalooban ng kapayapaan araw – araw,
            iligtas sa kasalanan
            at ilayo sa lahat ng kapahamakan
            samantalang aming pinananabikan
            ang dakilang araw ng pagpapahayag
            ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

B.        Sapagka’t iyo ang kaharian


            at ang kapangyarihan at ang kapurihan
            magpakailan man! Amen.

P.        Panginoong Hesukristo,
            sinabi mo sa iyong mga Apostol:
            “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
            Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
            Tunghayan mo ang aming pananampalataya
            at huwag ang aming mga pagkakasala.
            Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
            at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.

            kasama ng Espiritu Santo


            magpasawalang – hanggan.

B.        Amen.

P.        Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

B.        At Sumainyo rin.


           
P.        Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Hahati-hatiin ng pari ang ostiya at isasawak niya ang kaputol sa


kalis habang pabulong niyang dinarasal:

            Sa pagsasawak na ito


            ng katawan sa Dugo
            ng aming Panginoong Hesukristo
            tanggapin nawa naming sa pakikinabang
            ang buhay na walang hanggan.
           
Samantalang ginaganap ang paghahati sa ostiya, aawitin o
darasalin ang paghulog na ito:

            Kordero ng Diyos,
            na nag – aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
            maawa ka sa amin.

            Kordero ng Diyos,
            na nag – aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
            maawa ka sa amin.
           
            Kordero ng Diyos,
            na nag – aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
            ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Magdaraop ang mga kamay ng pari sa pabulong ng pagdarasal:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot
            ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.
            Alang – alang sa iyong dakilang pag-ibig
            nawa’y aking matanggap
            ang pagkupkop mo sa akin at kaloob
            mong lunas.

            ITO ANG KORDERO NG DIYOS,


            ITO ANG NAG-AALIS NG MGA KASALANAN NG SANLIBUTAN.
            MAPALAD ANG MGA INAANYAYAHAN
            SA KANYANG PIGING.

Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

            Panginoon, hindi ako karapat-dapat


            na magpatuloy sa iyo
            nguni’t sa isang salita mo lamang
            ay gagaling na ako
           

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana


habang pabulong na nagdarasal:

            Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


            para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na


magdarasal:

            Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


            para sa buhay na walang hanggan.
           
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

AWIT SA PAKIKINABANG

Sa bawat nakikinabang sasabihin ng pari:

            Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon:

            Amen

*HOPE & HEALING PRAYER

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

P.        Manalangin tayo. (batay sa Aklat ng Pagmimisa)


           
Ama naming mapagmahal,
ngayong kami’y pinapagsalo mo
sa banal na pakikinabang, kami’y
iyong pinalingong may pag-asa
sa aming sinasampalatayanan
pakundangan sa pagkamatay
ng iyong Anak. Gawin mong
kami’y makarating sa aming
paroroonan pakundangan sa
kanyang muling pagkabuhay bilang Tagapamagitan kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang
Hanggan

B.        Amen.

PAGBABASBAS

P.        Sumainyo ang Panginoon

B.        At sumainyo rin.


P.        Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos
           (+) Ama, Anak at Espiritu Santo

B.        Amen.

P.        Humayo kayo sa kapayapaan ni Kristo

B.        Salamat sa Diyos.

PANGWAKAS NA AWIT

You might also like