You are on page 1of 10

Diocese of Malolos

Vicariate of Saint Augustine - Baliuag

MINISTERS OF THE ALTAR


Motto: “MINISTREMUS ET NON MINISTREMUR”

ANG BANAL NA MISA

Panimulang Paliwanag:
Isang mapagpalang araw sa inyong lahat. Ngayon ay Biyernes sa Ikadalawampung Linggo sa
Karaniwang Panahon at Paggunita kay Papa San Pio X.
Ialay natin ang Banal na Misa na ito para sa mga Tagapaglingkod sa Dambana ng Bikarya ni San
Agustin kasama ang mga intensiyon ng kanilang mga pamilya.
Bilang nagkakaisang bayan, ihanda natin ang ating sarili para sa Paghahain ng Banal na Misa na
pangungunahan ni Reberendo Padre Nap Baltazar.

Pambungad na Awit: Laudate Dominum


Koro: Laudete Dominum, Purihin ang Diyos, O Sangkatauhan, Santinakpan, Laudate Dominum.
I. Sa bayang sinalanta, bubong ang ‘Yong kalinga sa binagyo ng dahas, kaloob Mo ang lakas.
II. Sa aming mga may-sakit, lunas ang Iyong pag-ibig. Sa aming dahop sa buhay, yaman ang may
kaagay.

P: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


B: Amen.
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumaiyo rin.

P: Mga kapatid, aminin nati ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat na gumanap sa
Banal na Pagdiriwang.
P: Isinugong tagapagpagaling sa mga nagsisisi, Panginoon kaawan Mo kami.
B: Panginoon kaawan Mo kami.
P: Tagapag-anyaaya ng mga makasalanan upang magsisi, Kristo, kaawan Mo kami.
B: Kristo, kaawan Mo kami.
P:Ikaw ay nakaluklok sa kanan ngAma upang ipamagitan kami, Panginoon kaawan Mo kami.
B: Panginoon kaawan Mo kami.
P: Kaawaan tayo ng Makapangyarihang Diyos, patawarin sa ating mga kasalanan, at patnubayn
hanggang sa buhay na walang-hanggan.
B: Amen.

Pambungad na Panalangin:
Ama naming makapangyarihan,
Pinuspos Mo ng Iyong karunungan
at lakas na likas ang Iyong mga sugo
ang Papa na si Pio
upang kanyang patatagin ang Pananampalatayang Katoliko
at pagkaisahin ang tanan kay Kristo.
Sa pagsunod sa itinuturo niya at ipinakitang halimbawa
Ipagkaloob Mong makamtan namin
ang walang maliw na gantimpala
Sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan.
Amen.
LITURHIYA NG SALITA

UNANG PAGBASA
Ruth 1, 1. 3-6. 14b-16. 22

Ang simula ng aklat ni Ruth

Nang ang Israel ay pinamumunuan ng mga hukom, nagkaroon ng taggutom sa buong bayan. Kaya’t
may isang lalaking taga-Betlehem, Juda na sandali munang nanirahan sa Moab, kasama ang kanyang
asawa’t dalawang anak na lalaki. Namatay si Elimelec at naiwan si Noemi. Ang dalawa nilang anak ay
nakapangasawa ng mga Moabito, sina Orpa at Ruth. Pagkalipas ng mga sampung taon, namatay
naman sina Mahalon at Quelion, kaya’t si Noemi ay naiwang ulila sa asawa’t mga anak.
Nabalitaan ni Noemi na ang kanyang bayan ay pinagkalooban ng Diyos ng mabuting ani kaya’t
humanda sila ng kanyang mga manugang ng umalis sa Moab.
hinagkan ni Orpa ang kanyang biyenan, at tuluyang bumalik sa kanyang bayan. Ngunit nagpaiwan si
Ruth.
Sinabi ni Noemi kay Ruth: “Ang bilas mo’y nagbalik na sa kanyang bayan at sa kanyang mga diyos.
Umuwi ka na rin.” Tumugon si Ruth: “Huwag na ninyong hilinging iwan ko kayol. Hayaan na ninyo
akong sumama sa inyo. Saanman kayo pumaroon, doon ako paroroon. Kung saan kayo tumira doon
din ako titira. Ang inyong bayan ang magiging aking bayan. Ang inyong Diyos ang kaing magigng
Diyos.”
Iyan ang nangyari kaya mula sa Moab ay nagbalik si Noemi, kasama si Ruth, ang manugang niyang
Moabita. Nang dumating sila sa Betlehem ay sinisimulan nang anihin ang sebada.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 145, 5-6. 7. 8-9a. 9bk-10

Tugon: Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Mapalad ang tao, na ang kanyang Diyos


na laging katulong ay ang Diyos ni Jacob;
Sa Diyos na Panginoon, umaasang lubos.
sa Diyos na lumikha niyong kalangitan,
ng lupa at dagat, at lahat ng bagay.

Ang maaasahang lagi’y Panginoon,


panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.

Pinalaya niya ang mga nabihag;


isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapi ay itinataas,
ang mga hinirang niya’y nililingap.

Isinasanggalang ang mga dayuhang


sa lupain nila’y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo’t ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.
Walang hanggang Hari, ang Diyos na Poon!
Nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion!

ALELUYA (Antonio)
Aleluya, Aleluya, A-le-luya
Aleluya, Aleluya, A-le-luya

MABUTING BALITA
Mateo 22, 34-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Hesus
ang mga Seduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan, ang nagtanong kay Hesus upang
subukin ito: “Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” Sumagot si Hesus, “Ibigin mo
ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito
ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong
sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga
propeta.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Homiliya

Panalangin ng Bayan
P: Mga kapatid, buong pagtitiwala tayong dumulog sa nag-uumapaw na pag-ibig ng Diyos upang
tayong Kanyang mga anak ay makasunod sa Kanyang mga kautusan. Ating isamo, Panginoon,
dinggin Mo ang aming panalangin.
B: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
T: Ang mga tinawag sa ministri ng orden nawa’y maging tapat at matiyaga sa kanilang banal na
tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.
B: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
T: Ang mga magulang at mga guro nawa’y maituro sa mga kabataang nasa kanilang pangangalaga
ang mabuting halimbawa ng kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
B: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
T: Ang Salita ng Diyos nawa’y maging gabay natin sa ating mga kilos at nawa’y lagi nating asamin na
gumawa ng mabuti, manalangin tayo sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.
B: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
T: Ang mga matatanda, nalulumbay, at mga maysakit nawa’y tingnan natin nang may habag, at
pagaanin ang kanilang pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.
B: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
T: Ang mga Tagapaglingkod sa Dambana ng Bikarya ni San Agustin ay kumilos ayon sa kalooban ng
Diyos at umalalay sa mga kapos-palad, manalangin tayo sa Panginoon.
B: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
T: Ang mga taong naririto ngayon sa ating pagpupuri sa Panginoon nawa’y tanggapin ang mga
kautusan ng Panginoon at isabuhay sa pamamagitan ng pagmamahal, manalangin tayo sa
Panginoon.
B: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
T: Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kapahingahan at bagong buhay sa
Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
B: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
T: Sa katahimikan ng ating mga puso, ialay natin sa Panginoon ang ating mga pansariling
kahilingan, manalangin tayo sa Panginoon.
B: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.

P: Ama naming Diyos, dinadala namin sa Iyong harapanang mga pangangailangan ng mga
nakaakakilala sa Iyo at yaong mga hindi pa nakakarinig sa Iyong pangalan. Ipagkaloob Mo ang
aming mga kahilingan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo Magpasawalang
hanggan. Amen.

LITURHIYA NG EUKARISTIYA

Awit sa Pag-aalay: Alay sa Diyos


1. O Diyos, awng ‘di mabilang tanggapin Mo yaring aming alay; gawin ito bilang tanda ng aming kaligtasan.
Narito O Ama, alak at tinapay bunga ng lupa at ng aming paggawa aming paggawa.
2. O Diyos, awang ‘di mabilang tangngapin Mo yaring aming alay; gawing alaala ng pagkamatay, muling
pagkabuhay ni Hesukristo.
3. O Diyos, awang ‘di mabilang tanggapin Mo yaring aming alay; sa bisa nitong sakripisyo, mapasaamin ang
buhay na walang hanggan.

P: Manalangin kayo mga kapatid upang angf ating paghahain ay maging kalugod-lugod sa Diyos
Amang Makapangyarihan.
B: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa Iyong mga kamay, sa kabutihan Niya;t
karangalan, sa ating kapakinabangan at sa buong sambayanan Niyang Mahal.

Panalangin Ukol sa mga Alay:


Ama naming Lumikha,
Sa Iyong pagpapaunlak na tanggapin ang aming paghahain,
Loobin Mong kaming nagdiriwang
Nang may pagtalima sa tagubilin ni Papa San Pio
Ay taimtim na magkaganap at mapakinabang nang wagas
Sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan.
Amen.

IKALAWANG PANALANGING EUKARISTIKO


P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumaiyo rin.
P: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
B: Itinaas na namin sa Panginoon.
P: pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
B: Marapat na siya’y pasalamatan.

PREPASYO (para sa mga Tagapangasiwa)


Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na Ikaw ay aming pasalamatan sa
pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Ngayong si Papa San Pio ay pinararangalan sa
paamumuhay niyang totoong uliran at pagiging maaasahan sa panunungkulan kaya’t Hesukristo na
maaasahan sa katapatan ay inihahayag sa pangangasiwa sa sambayanan. Ang malasakit ng mga
ulirang tagapangasiwa noon ay nagpapatuloy magpahanggang ngayon sa mga panalanging kanilang
iniuukol kaisa ng sambayanang Mong dito’y natitipon kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng
papuri ng sa Iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa Iyong kadakilaan.

B: Santo, santo, santo, Panginoong Diyos na Makapangyarihan. Napupuno ang langit at lupa ng
kadakilaan Mo. Hossana sa kaitaasan. Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon, Hossana sa
kaitaasan.
P: Ama naming banal, Ikaw ang bukal ng tanang kabanalan kaya’t sa pamamagitan ng Iyong Espiritu
gawin Mong banal ang mga kaloob na ito upang para sa amin ay maging Katawan at Dugo ng aming
Panginoong Hesukristo.

Bago Niya pinagtiisang kusang loob na maging handog, hinawakan Niya ang Tinapay.
Pinasalamatan Ka Niya. Pinaghati-hati Niya iyon iniabot sa Kanyang mga alagad at sinabi: Tanggapin
ninyong lahat Ito at kanin, Ito ang Aking Katawan na ihahandog para sa inyo.

Gayundin naman noong matapos ang hapunan, hinawakasn Niya ang Kalis. Muli Ka Niyang
pinasalamatan at iniabot sa Kanyang mga alagad at sinabi: Tanggapin Ninyong lahat Ito at inumin.
Ito ang Kalis ng Aking Dugo, ng bago at walang hanggang tipan. Ang aking dugo na ibubuhos para
sa inyo at para sa lahat sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Gawin Ninyo ito bilang pag-alaala sa
Akin.

P: Ipagbunyi natin ang Misteryo ng Pananampalataya.


B: Si Kristo’y namatay, si Kristo’y nabuhay, si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon.

P: Ama, ginagawa namin ngayon ang pag-aalaala sa kamatayan at muling pagkabuhay ng Iyong
Anak kaya’t iniaalay namin sa Iyo ang tinapay na nagbibigay-buhay at kalis na nagkakaloob ng
kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat dahil kami’y Iyong minarapat na tumayo sa Iyong harapan para
maglingkod sa Iyo.
Isinasamo naming kaming magsasalu-salo sa Katawan at Dugo ni Kristo ay mabuklod sa
pagkakaisa sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Ama, lingapin Mo ang Iyong Simbahang laganap sa buong daigdig. Puspusin Mo kami sa Iyong
pag-ibig. Kaisa ni Francisco na aming Papa, Ni Jose na aming Obispo at ng tanang kaparian.
Alalahanin Mo rin ang mga kapatid na yumao na na may pag-asang muling mabubuhay gayon
din ang lahat ng mga pumanaw. Kaawan Mo sila at patuloyin sa Iyong kaliwanagan. Kaawaan Mo at
pagindapatin ang lahat na makasalo sa Iyong buhay na walang wakas. Kaisa ng Mgahal na Birhang
Maria, ang Ina ng Diyos, ni San Jose, na kanyang kalinis-linisang esposo, kaisa ng mga Apostol at
lahat ng mga banal na namuhay sa daigdig ng kalugod-lugod sa Iyo. Maipagdiwang nawa namin ang
pagpupuri sa ikararangal Mo, sa pamamagitan ng Iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.
P: Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya’t sa Kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa Iyo,
Diyos Amang Makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
B: Amen.
ANG PAKIKINABANG
P: Sa tagubilin ng nakagagaling na utos at turo ni Hesukristong Panginoon, ipahayag natin ng lakas
loob.
B: Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin
ang loob Mo dito sa lupa gaya nang sa langit. Bigyan kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at
patawarin Mo kami sa aming mga sala para ng pagpapatawad sa mga nagkasala sa amin. Huwag Mo
kaming ipahintulot sa tukso at iadya Mo kami sa lahat ng masama.
P: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, ilayo
sa lahat ng kapahamakan samantalang pinananabikan namnin ang dakilang areaw ng Tagapagligtas
naming si Hesukristo.
B: Sapagkat Iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakaylanman. Amen.
P: Panginoong Hesukristo, sinabi Mo sa Iyong mga apostol: “Kapayapaan ang iniiwan Ko sa inyo. Ang
aking kapayapaan ang binibigay Ko sa inyo.” Tunghayan Mo ang aming pananampalataya at huwag
ang aming pagkakasala. Pagkalooban Mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa Iyong
kalooban, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
B: Amen.
P: Ang kapayapaan ng Panginoon ay laginng sumainyo.
B: At sumaiyo rin.
P: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

B: Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng


Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos na nag-
aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.
P: Natito si Kristo ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad
tayong inaanyayahan sa banal na piging.
B: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa Iyo, ngunit sa isang salita Mo lamang ay
gagaling na ako.

Awit sa Komunyon: Jesu, Panis Vitae


Iesu, panis vitae donum patris.
Iesu, fons vitae, fons vitae acquae.
Cibus et potus noster,cibus
et potus noster,
in itinere, in itinere ad domus Dei.
1. Mula sa lupa sumibol Kang masigla.
Matapos Kang yurakan ng
mga masasama,
sumilang ang liwanag ng mga nawawala.
Tinapay ng buhay, pagkain ng dukha.
2. Pagkain ng buhay, handog ng Ama,
bukal ka ng buhay, batis ng
biyaya. Maging pagkain sa’min at
inumin ng tanan sa paglalakbay
namin sa tahanan ng Ama.

P: Manalangin tayo:

Panalangin Pagkapakinabang:
Ama naming mapagmahal,
Sa paggunita namin kay Papa San Pio
Kaming nagsalu-salo sa banal na hapag
Ay magkaroon nawa ng pananampalatayang matatag
At pagkakaisa sa pag-ibig Mong matapat
Sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan.
Amen.

PAGHAYO
P: Sumainyo ang Panginoon.
B: At sumaiyo rin.
P: Pagpalain kayo ng Makapangyarihanbg Diyos Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
B: Amen.
P: Humayo kayo taglay ang misyon ni Kristo.
B: Salamat sa Diyos

Awit sa Paghayo: Pananagutan


Walang sinuman ang nabubuhay,
para sa sarili lamang
Walang sinuman and namamatay,
para sa sarili lamang
Tayong lahat ay may
pananagutan sa isa’t isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling nya
Sa ating pag mamahalan at panglilingkod
sa kanino man
Tayo ay magdadala ng balita na kaligtasan
Tayong lahat ay may
pananagutan sa isa’t isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling nya.

Sabay sabay mag aawitan


ang mga bansa
Tayo tinuring na panginoon
bilang mga anak
Tayong lahat ay may
pananagutan sa isa’t isa
Tayong lahat ay tinipon ng
Diyos na kapiling nya
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling nya

You might also like