You are on page 1of 3

Diocese of Malolos

Vicariate of Saint Augustine - Baliuag


Sta. Monica de Angat Parish
Poblacion, Angat, Bulacan 3012

MINISTERS OF THE ALTAR


Motto: “MINISTREMUS ET NON MINISTREMUR”

Katitikan ng Pagpupulong  Ika – 17 ng Hulyo, 2015


Saint Augustine Hall – Sta. Monica Parish Pastoral Center

Mga Nakadalo: Dionicio, John Feljen


Fajardo, Noel Angelos M.
Barawid, Tristan Jay T. Flores, Raven Uriel C.
Correa, Darius Matthew D. Gonzales, Karl Grenz C.
Cruz, Mark Jacob C. Matias, Louise Augustine S.
De Guzman, Kell Vanjo D. Santos, Lawrence Gerard J.
De Mesa, Simon Wilfred C. Sarmiento, Mark Justne A.
Espiritu, Elmer S.
Francisco, Juan Miguel G. De Leon, Jose Clarence M.
Lopez, Dominic Manuel S. Flores, Rafael Miguel S.
Noriega, Lorenzo Miguel S. Pallorina, Ronald Christian B.
Pascual, Pierre Augustine S.
Ramos, Jorell Franco C. Mga Lumiban:
Rosacay, Marc Renier D. Samaniego, Daryell Joshua A.
Salvador, Neil Harvey DG.
Santos, John Daelle S. Alba, Clarence Emmanuel B.
Valdez, Rob Anthony DG. Dela Torre, Carlos Jerico SP.
Vergara, Miguel Angelo Emmanuel V. Valonda, Joseph Angelo P.

De Vera, Charles Andrye Gabriel C. Carpio, Karlo S.


Enriquez, Ryan Andrew T. Hizon, Jose Emmanuel V.
Lopez, Arjay Manuel S. Hizon, Joshua Miguel R.
Pascual, Reymart Christian p. Ignacio, Christian Paul S.
Roda, Julio Zhen Rei S. Juatas, Kervin S.
Roda, Matthew Brent Alexander S. Paredes, Patrick Jetro C.
Salvador, Charles Justin DG.
Santos, Paul Gerard J. Cruz, Christian M.
Tiaga, Carlos Jairo L. Gabriel Jr., Rodrio Gabriel T.
Santiago, Fort Rodsen Joseph R.
Castro, Joh Lloyd V. Sayo, Alford Yancy F.

I. Panimula

Ang Pagpupulong ay pinasimulan ni Bro. Rafael Miguel S. Flores, President, sa ganap na


ika – 9 ng umaga.

II. Pagbasa ng Mabuting Balita

Pinangunahan ni Lawrence Gerard, ang Pagbasa ng Mabuting Balita ayon kay San Marcos.
(Mk. 6: 30-34)

III. Pagninilay at Pagbabahagi / Liturgical Events


Ayon kay Charles Justine, “Ang habag ng Panginoon sa bawat isa ay nagmumula sa
kanyang maawaing Puso na laging ninanais na tayo’y makaisa sa Kanyang kawan. Hindi
tayo dapat magdalawang isip sa pakikitungo sa ating maga maralitang pinaglilingkuran
dahil ito ang hamon ng Diyos sa bawat isa na nakakikilala sa Kanya.” Bilang karagdagan,
sinabi ni Jose Clarence, “Ang Diyos ay ating laging hinahanap sa araw-araw. Hindi siya
nawawala sa ating tabi. Lagi siyang nariyan sa mukha ng mga mahihirap na dapat nating
akayin patungo sa Kanya.”

IV. Roll Call

Isinunod ang Roll Call na pinangunahan ni Bro. Jose Clarence. Ang bilang ngmga
dumalong kasapi ay tatlumput-lima (35). Ang Ministri ay nakabuo ng “quorum” sa
nasabing pagpupulong.

V. Pag-uulat ng mga Puntos ng Paglabag ng mga Miyembro (Deduction Points)

Kasunod ng Roll Call ay nag – ulat si Bro. Charles Justine, Vice President for Discipline,
tungkolsa mga miyembrong nabigyan ng mga Deduction Points para sa buwan ng mayo,
2015. Narito po ang listahan ng mga Miyembrong nabigyan ng Deduction Points.
(please refer to the Report of Deduction Points)

IV. Pagtalakay sa mga Mahahalagang Gawain at Usapin

A. Ang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Carmelo


Ang kapistahang ito ay nagpapaalaala sa atin ng naging bahagi ni Maria sa himalang
naganap sa Bundok ng Carmelo nang pinatunayan ni Propeta Elias na ang Panginoon
ang tunay na Diyos at hindi si Baal at sa pagdating ng ulan sa Israel ng dumanas ng tag-
tuyot. Ang Mahal na Ina ay laging nakaantabay sa ating paglalakbay sa buhay na ito.
Siya ay nananalangin sa Diyos para sa ating kapakanan. Nang napakita ang Mahal na
Ina kay San Simon Stock , ibinigay niya ang scapulario na tanda ng debosyon sa kanya.
Siya rin ay nangako na sino man ang namatay ng may matimyas na debosyon sa kanya
ay magkakamit ng kaligayahan sa langit. Sa pagdaan ng mga panahon, lumaganap ang
Orden ng Carmel sa buong mundo.
Ang triduo ay isinagawa noong ika-13 hanggang 15 ng Hulyo. Ang maringal na
paggunita ay ipinagdiwang noong ika-16 ng Hulyo.

B. Christmas Retreat
Ang Samahan ay nagpaplano ng isang gawain na kung saa’y ang espiriwtal na aspeto
ng mga lingkod ay lalago. Ito ay isasagawa sa Laoag at Vigan mula ika-27 hangngang 30
ng Disyembre. Inaasahang magkakaroon ng mga pagdarasal ng mga panalangin,
pagninilay sa Salita ng Diyos, Pagninilay sa katahimikan at pagdiriwang ng mga
Sakramento ng Pakikipagkasundo at Eukaristiya. Inaasang makapagbibigay ng halagang
Php 2,000.00 ang lahat ng sasama dito.

C. Outreach Program
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Taon ng mga Dukha, magkakaroon ang samahan
ng isang outreach program para sa mga nakatatada na inaasahang gagawin sa
Semestral Break. Ito ay naglalayon na ibahagi ang malasakit sa mga nakatatanda na at
pasayahin sila sa kahit na munting paraan. Gaganapin ito sa ika-30 ng Oktubre sa
Home for the Aged.

D. Aspirants’ Schedule of Observations


Matapos ang ginawang orientation, 17 na batang lalaki ang nakapasa sa mga
paunang pagsusulit. Sa ngayon, sila nama’y tutungo sa ikalawang bahagi ng
paghuhubog. Sila ay dadalo sa mga Banal na Misa upang maging mulat sa mga gawain
ng mga tagapaglingkod sa dambana.
Gayundin, nagsagawa na rin ng pagpapasukat ng Polo (Php 600.00/2 pieces) at Itim
na Sutana kasama na ang Sobrepelis (Php 2,500/per set).

E. Vicarial and Diocesan Updates


1. Vicarial General Assembly
- Ito ay gaganapin sa ika-21 at 31 ng Agosto.
Agosto 21: DRT Community Outreach Program (Dumagats and Drug
Dependents)
Environmental Awareness and Conservation Day
Agosto 31: Lola Corazon Resort, Pampanga
Swimming and Leisure

F. President’s Hour
1. Presidential Election
- Ito ay isinagawa upang alamin kung sino sino angmga maaraing pumalit sa
kasalukuyang pamunuan. Ang resulta ay ibibigay sa PPC para sa eleksyon ng
bagong pamunuan ng PPC para sa Taong 2016 at 2017.

2. Ang mga lumalabag sa mga patakaran ay bibigyan ng bagong parusa tulad ng


pagbibigay ng serbisyo tulad ng pagllinis

VI. Ulat Pinansyal

Nag – ulat si Bro. Arjay Manuel ukol sa naging mga paggalaw sa Pananalapi ng Samahan
para sa Buwan ng Mayo 2015. Narito po ang kanyang ulat:
(please refer to the Financial Report)

Ipinaalala rin po ni Bro. Arjay na kailangan ang palagiang pagbabayad ng kontribusyon


upang maiwasan ang pagdaming balance sa pondo.

VIII. Pangwakas na Panalangin

Nagtapos ang Pagpupulong sa pamamagitan ng isang Pananalangin na pinangunahan ni


Bro. Jose Clarence M. De Leon sa ganap na ika – 11 ng umaga.

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

Bro. Jose Clarence M. De Leon Bro. Rafael Miguel S. Flores


Vice President for Liturgy President
Parish Master of Ceremonies

You might also like