You are on page 1of 162

UNANG 800

NG FILIPINAS
EDISYONG HULYO 2012
UNANG 800
SAGISAG KULTURA
NG FILIPINAS
EDISYONG HULYO 2012
Karapatang-ari © Filipinas Institute of Translation, Inc.

Libreng gamitin ng mga guro at ipakopya para sa pagtuturo sa mga pa-


aralan ng Filipinas. Bawal ilathala at palaganapin sa paraang elektroniko,
lalo na sa layuning komersiyal, kung walang pahintulot ng may hawak
ng karapatang-ari.
Proyekto ng

Sa pakikipagtulungan sa

Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining


National Commission for Culture and the Arts (NCCA)

Prop. Felipe M. de Leon Jr.


Chairman

Emelita V. Almosara
Executive Director

sa pamamagitan ng

Subkomisyon sa Pagpapalaganap ng Kultura


Subcomission for Cultural Dissemination (SCD)

Alice A. Pañares, puno; Dr. Mario I. Miclat, kagawad; Dr. Cecilia M. Dy, kagawad
Pambansang Komite sa Edukasyong Pangkultura
National Committee on Cultural Education

Alice A. Pañares, puno; Arvin Manuel D. Villalon, pangalawang puno; Roselle V. Pineda, kalihim; Glorife S. Samodio, pangalawang kalihim;
Victor C. Sorellano, Joseph J. Cristobal, Gregorio R. Jumao-As, Jose Rodrigo U. Aviles, Juan G. Gepullano, Sunnie C. Noel, Leonardo Rey S.
Carino, Dr. Beatriz G. Torno, Dr. Catherine Q. Castaneda, Jennifer Tupas, mga kasapi

Pambansang Komite sa Wika at Salin


National Committee on Language and Translation

Dr. Mario I. Miclat, puno; Dr. Virgilio S. Almario, pangalawang puno; Dr. Christian G. C. Francisco, kalihim; Prop. Joel B. Labos, pangalawang
kalihim; Dr. Corazon L. Santos, Dr. Roberto B. Torres, Prop. Vina P. Paz, Dr. Severino S. Capitan, Dr. Aurora E. Batnag, Dr. Imelda P. de
Castro, Roberto T. Añonuevo, Dr. Genevieve L. Asenjo, Dr. Purificacion G. Delima, mga kasapi

Pambansang Komite sa Komunikasyon


National Committee on Communication

Dr. Cecilia M. Dy, puno; Estrellita J. Tamano, pangalawang puno; Juan P. Dayang, kalihim; Lelia Chua Sy; pangalawang kalihim; Rodrigo G.
Cornejo, Dr. David A. Genotiva, Daniel G. Fajardo, Ricardo C. Juliano, Leizl A. Deloso, Fr. Jonathan R. Domingo, Evangeline L. Pascual,
Quintin P. Pastrana, Rolando Olog, mga kasapi

Task Force ng Programa sa Edukasyong Pangkultura ng Filipinas


Philippine Cultural Education Program Task Force (PCEP)

Elmar Ingles, tagapamahala

Mga Namamahala sa Proyektong Sagisag Kultura

Virgilio S. Almario, punong tagaugit; Perfecto T. Martin, tagapamahala; Eilene Antoinette G. Narvaez, pangalawang tagapamahala; Mervin
C. Vergara, tagapamahala sa sining at produksiyon; mga manunulat: Giancarlo Abrahan (GCA), Ynna Abuan (YA), Ruby G. Alcantara (RGA),
Virgilio S. Almario (VSA), Merlina Andalecio (MA); Romulo P. Baquiran, Jr. (RPB), Aurora E. Batnag (AEB), Grace Bengco (GB), Gonzalo
A. Campoamor II (GAC),Severino S. Capitan (SSC), Imelda P. de Castro (IPC), Schedar Jocson (SJ), Phillip Y. Kimpo Jr., (PKJ), Marco B.
Lagman (MBL), Cecil Lopez (ACAL), Joanne Manzano (JM), Mario I. Miclat (MIM), Vim D. Nadera (VDN), Eilene G. Narvaez (EGN), Jimmuel
C. Naval (JCN), Raul C. Navarro (RCN), Bernadette V. Neri (BVN), Deborah Rosalind Nieto (DRN), Lolito Nunag (LT), Susan A. Ong (SAO),
Adelfa M. Pascual (AMP), Silvestre M. Pascual III (SMP), Jayson G. Petras (JGP), Rowena V. Rosales (RVR), Corazon Lalu Santos (CLS),
Louie Jon Sanchez (LJS), Delfin L. Tolentino (DLT), Roberto B. Torres, (RBT), Galileo S. Zafra (GSZ); mga mananaliksik: Angelie Mae T.
Cezar, Laurence Anthony G. Narvaez, Joy Villalon, Angeli Marie G. Narvaez; iba pang kasama:Michael M. Coroza, Leuterio C. Nicolas,
Jonathan C. Vergara
PAUNAWA
Ang proyektong Sagisag Kultura ay bahagi ng programa ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) para sa edukasyong pangkultura ng
mga Filipino. Sa nakaraang ilang taon ay tinipon ng NCCA ang umaabot sa 8,000 sagisag kultura mula sa mga impormant na guro at manggagawang
pangkultura sa iba’t ibang rehiyon at probinsiya ng Filipinas. Mula sa naturang koleksiyon at batay sa ibang reperensiya ay pumilí naman ang isang
grupo ng eksperto sa kulturang Filipino ng umaabot sa 2,000 pambansang sagisag kultura upang maigawa ng kaukulang pakahulugan at paliwanag at
magamit na sanggunian ng mga guro at estudyante sa buong bansa. Yugto-yugto ang magiging pagsasapubliko ng mga pambansang sagisag kultura.
Ang ibig sabihin, magsisimula ang publikasyon sa unang 800 itinuturing na pangunahing pambansang sagisag kultura, idadagdag kaagad ang ikalawang
pangkat na 600 sa loob ng taóng ito, at isusunod pa ang ikatlong pangkat kapag ipinahintulot ng pananalapi at kakayahan ng NCCA. Ang kabuuang
proyekto ay isang registry o listahan ng mga sagisag kultura ng Filipinas, at ang ibig sabihin, ito ay patuloy na nakabukás sa pagdaragdag at pagbabawas
ng bilang kung kailangan.

Ang bawat sagisag kultura ay pinilì sang-ayon sa kabuluhan nitó sa nararapat na edukasyon ng mga Filipino. Kinakatawan nitó ang mahalagang
katangian, kasaysayan, kaugalian, at kulay ng kalinangang Filipino samantalang isinasaalang-alang ang kontribusyon ng bawat pook at pulô, bawat
pangkating katutubo, at bawat paniwala tungo sa pagbuo ng kapaki-pakinabang na kamalayang pambansa. Isang paraan din ito ng pagpapaunlad sa
nilalamán (content) ng edukasyon at maaaring gamitin sa pagbago ng mga teksbuk, maging patnubay sa pagdevelop ng kurikulum, at maging aktuwal
na pantulong sa mga leksiyon sa silid-aralan ng alinmang antas at alinmang asignatura. Sa kabuuan, nilalayon ng proyektong Sagisag Kultura na
mapalusog ang kaalaman ng bawat Filipino hinggil sa kaniyang sarili, na sa wakas, ay inaasahang magpapataas sa kaniyang dangal bilang Filipino at
magpapatingkad sa kaniyang pag-ibig sa bayan.

Unang edisyon lámang ito. Sa kabilâ ng mga paghihigpit sa saliksik, pagsulat, at editing, naniniwala kami na malaki ang puwang para sa rebisyon, dagdag
na impormasyon, at pagpapayaman sa mga pambansang sagisag kultura. Inaaanyayahan ang mga guro, mananaliksik, at awtoridad para magbigay ng
puná at makilahok sa pagsinop at pagpapalaganap ng proyektong ito. Ang mga guro mismo ay maaaring lumahok at magdagdag ng kanilang saliksik
kapag ginamit ang impormasyon mula sa proyektong ito upang higit na makinabang ang mga estudyante. Iminumungkahi din ang pagbása sa buong
koleksiyon bago gamitin upang higit na malinawan ang ugnayan sa isa’t isa at ang pambansang kabuluhan ng mga sagisag kultura. (VSA)
NILALAMAN
A 29. Amorsolo, Fernando
30. anahaw
1. Abad Santos, Jose 31. Anak Dalita
2. abaka 32. Ang Kiukok
3. abakada 33. anito
4. Abelardo, Nicanor 34. Antonio, Pablo S.
5. Abueva, Napoleon V. 35. Aquino de Belen, Gaspar
6. Abunnawas 36. Aquino, Benigno Jr.
7. adarna 37. Aquino, Benigno Simeon C III
8. adat 38. Aquino, Maria Corazon C.
9. adobo 39. Aquino, Melchora
10. Adonay, Marcelo Q. 40. araro
11. adwana 41. Araw ng Kasarinlan
12. agimat 42. Araw ng Paggawa
13. Aglipay, Gregorio 43. Arcellana, Francisco
14. Agoncillo, Teodoro A. 44. Arguilla, Manuel E.
15. Aguilar, Faustino 45. arnis
16. Aguinaldo, Emilio F. 46. Arroyo, Gloria M. Macapagal
17. agung 47. aswang
18. Agyu 48. asyenda
19. Aklatang Bayan 49. Ati-atihan
20. albularyo 50. Avellana, Daisy H.
21. Alcuaz, Federico A. 51. Avellana, Lamberto V.
22. Alim 52. Aves de Rapiña
23. Almario, Virgilio S. 53. awit
24. Alunsina 54. ayuntamyento
25. Alvarez, Vicente
26. Alzona, Encarnacion A. B
27. ambahan
28. amihan 55. babaylan
56. Badjao 93. batya
57. Bagong Taon 94. baul
58. bagyo 95. bayabas
59. bahay 96. bayan
60. bahay-kubo 97. Bayan Ko
61. bakawan 98. bayani
62. baklad 99. bayanihan
63. bakunawa 100. baybayin
64. bakya 101. Bernabe, Manuel H.
65. balagtasan 102. Bernal, Ishmael
66. balangay 103. Bernal, Salvador
67. balarila 104. Bernardo Carpio
68. balete 105. Biag ni Lam-ang
69. balikbayan 106. bibingka
70. balimbing 107. Bibliya
71. balitaw 108. Bicol Express
72. Balmori, Jesus 109. binakol
73. Baltazar, Clare R. 110. Binatbatang Bakal ng Butuan
74. Baltazar, Francisco “Balagtas” 111. Binatbatang Platong Tanso sa Laguna (LCI)
75. balut, penoy 112. binturong
76. banaba 113. Birheng Maria
77. Banco Español-Filipino 114. Biyak-na-Bato
78. bánda 115. Biyaya ng Lupa
79. banga 116. bodong
80. bangka 117. bolo
81. Bangkaw 118. Bonifacio, Andrés
82. bangkô 119. Bonus, Ladislao
83. bangus 120. Boracay
84. banig at bayong 121. borda
85. bánoy 122. Brocka, Lino O.
86. Banzon, Julian Arca 123. Bucaneg, Pedro
87. baro at saya 124. Buenaventura, Antonino
88. barong tagalog 125. bugtong
89. basket 126. buhawi
90. Batas Claveria 127. buhay-alamang
91. Batasang Pambansa 128. bulalakaw
92. Bathala 129. bulanglang
130. bulawan 164. Cuenco, Ernani Joson
131. Bulkang Hibok-Hibok
132. Bulkang Kanlaon D
133. Bulkang Mayon
134. bul-ul 165. dagli
135. Bundok Apo 166. Dagohoy, Francisco
136. Bundok Arayat 167. dalág
137. Bundok Caraballo 168. dalagambukid
138. Bundok Makiling 169. Dalagang Bukid
139. bungkaka 170. dalit
140. bunot at walis 171. dambana
141. buntal 172. Dambanang Aguinaldo
142. Burgos, Jose 173. dapdap
143. buro 174. dapò
144. butanding 175. darangan
145. buwaya 176. Darhata Sawabi
177. Darna
C 178. Dasalan at Tocsohan
179. Death March
146. Caballero, Federico 180. Delgado, Martin
147. cabeza de barangay 181. delikadesa
148. Cabrera, Benedicto R. 182. Diariong Tagalog
149. Camiguin 183. Digmaang Filipino-Amerikano
150. Campos, Paulo C. 184. dilis
151. Candaba Viaduct 185. dinuguan
152. Carriedo 186. Divisoria
153. Casa Gorordo 187. diwata
154. Castillo, Gelia 188. Doctrina Christiana
155. Celerio, Levi 189. Domingo, Damian
156. Chinatown 190. Domingo, Ernesto
157. Chocolate Hills 191. drama simbolika
158. Concepcion, Mercedes 192. dúgong
159. Conde, Manuel 193. dula
160. Corpuz, Onofre D. 194. dulang
161. Corregidor 195. dung-aw
162. Cruz, Apolinario de la 196. duryan
163. Cruz, Lourdes J. 197. dyipni
E 227. Gawad Manlilikha ng Bayan
228. Gawad Pambansang Alagad ng Agham
198. Edades, Victorio E. 229. Gawad Pambansang Alagad ng Sining
199. El Filibusterismo 230. gayuma
200. Elorde, Gabriel “Flash” 231. Gimokudan
201. Encarnacion Jr., Jose 232. Ginaw Bilog
202. Epifanio Delos Santos Avenue 233. Gintong Kandit at Sinturon ng Butuan
203. epikong-bayan 234. gitara
204. Escoda, Josefa Llanes 235. gobernador
205. Escuro, Pedro B. 236. gobernador-heneral
206. Espanyol 237. gobernadorsilyo
207. Espiritu Santo, Ignacia del 238. Gonzalez, N.V.M.
208. Estrada, Joseph E. 239. Guerrero, Wilfirdo Ma. O.
240. Guhit-Bato ng Angono
F 241. gulaman
242. gulay
209. Fabella, Raul V. 243. gumamela
210. Fajardo, Anselmo Jorge De 244. Guman
211. FAMAS 245. Guro
212. fatek
213. Filipinas H
214. Filipino
215. Florante at Laura 246. habagat
216. Fort Pilar 247. Haja Amina Appi
217. Fort Santiago 248. haluhalo
218. Francisco, Carlos “Botong” V. 249. harana
219. Fronda, Francisco M. 250. Hari Raya Haji
220. Fuentes, Jovita 251. Hernandez, Amado V.
252. Hidalgo, Felix Resurreccion
G 253. hílot
254. Himagsikang 1896
221. gabbang 255. Hinilawod
222. gabinete 256. hiya
223. gadya 257. hota
224. galunggong 258. Hudhud
225. Ganito Kami Noon… Paano Kayo Ngayon?
226. Garcia, Carlos P.
I K

259. Ibalon 289. kabalyero


260. Iglesia Filipina Inde. 290. Kabayan mummy
261. Iglesia ni Cristo 291. kabesera
262. Ilagan, Hermogenes 292. Kabungsuwan, Shariff
263. ilang-ilang 293. kabyaw, kabyawan
264. ilog 294. kadangyan
265. Ilog Agusan 295. kagwang
266. Ilog Cagayan 296. kaingin
267. Ilog Pasig 297. kakanin
268. Ilustrado 298. kakaw
269. Imao, Abdulmari Asia 299. kakawate
270. Inasal 300. kalabasa
271. Inday 301. kalabaw
272. Indio 302. kalag-luksa
273. Instrumentong Kawayan 303. Kalakalang Galeon
274. Intramuros 304. kalan
275. Islam 305. kalapati
276. Ispiker 306. kalapyaw
277. itik-itik 307. kalaw
278. itlog na pula 308. Kalayaan
309. kalesa
J 310. kamag-anak
311. kamagong
279. Jacinto, Emilio 312. kamanyang
280. Jesus, Gregoria de 313. kamote
281. Jesus, Jose Corazon de 314. Kampanang Balangiga
282. Joaquin, Nick 315. kampilan
283. Jocelynang Baliwag 316. kamuning
284. Jollibee 317. kanduli
285. Jose, Francisco Sionil 318. kangkong
286. Joya, Jose T. 319. kanyaw
287. Juan de la Cruz 320. kape
288. Juliano, Bienvenido O. 321. kapis
322. Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas
323. Kapisanang Panitikan
324. kapre 361. Kumbensiyong Tejeros
325. kapuwa 362. kundiman
326. kare-kare 363. kuratsa
327. karinyosa 364. Kuwentong Kutsero
328. karosa
329. kartilya L
330. Kasilag, Lucrecia R.
331. kasuotan 365. La Liga Filipina
332. Kataas-taasang Hukuman 366. La Solidaridad
333. Katipunan 367. labuyo
334. katon 368. ladino
335. kawali 369. Lagmay, Alfredo
336. kawayan 370. Laguna de Bay
337. kayumanggi 371. lagundi
338. Kenkoy 372. laing
339. kesong puti 373. Lakandula
340. Kilat, Leon (Pantaleon Villegas) 374. lalawigan
341. kinilaw 375. lamang-lupa
342. komedya 376. lamay, lamayan
343. komiks 377. lambat
344. Komisyon sa Wikang Filipino 378. Lang Dulay
345. Komonwelt ng Filipinas 379. langka
346. kopra 380. lansones
347. Koran 381. lantaka
348. korido 382. Lantican, Ricardo
349. Kristiyano 383. Lapulapu
350. kubing 384. lapulapu
351. Kudaman 385. Lara, Hilario
352. Kudarat 386. Laurel, Jose P.
353. kudeta 387. Lawang Buhi
354. kudkuran 388. Lawang Lanao
355. kudyapi 389. Lawang Sebu
356. Kulafu 390. Lawang Taal
357. kulam 391. lawin
358. kulambo 392. Legaspi, Cesar
359. kulasisi 393. Leon, Felipe Padilla de
360. kulintang 394. Leon, Gerardo de
395. letras y figuras 429. Macli-ing Dulag
396. letse plan 430. madrasa
397. letson 431. Magahum, Angel
398. Libingan ng mga Bayani 432. Magbanua, Teresa
399. lihí 433. maglalatik
400. likha 434. Magsaysay, Ramon
401. lilok 435. Mahal na Araw
402. Lim-Sylianco, Clara 436. maharlika
403. lingling-o 437. makabayan
404. Liwanag at Dilim 438. Makabulos, Francisco
405. Liwayway 439. Malacañang
406. Llanera, Mariano 440. Malakas at si Maganda, Si
407. loa 441. maliputo
408. Locsin, Leandro 442. malmag
409. longganisa 443. Malolos, Republikang
410. loob 444. malong
411. Look Maynila 445. Malong, Andres
412. Lopez-Jaena, Graciano 446. malunggay
413. Lozano, Jose Honorato 447. Malvar, Miguel
414. Lucente, Iluminado 448. mamamayan
415. lugaw 449. manananggal
416. lumad 450. Manansala, Vicente S.
417. Lumbera, Bienvenido 451. mandalâ
418. lumpiya 452. Mang
419. Luna, Antonio 453. manggá
420. Luna, Juan 454. Manila By Night
421. lungsod 455. Manila Times
422. Lungsod Baguio 456. Manuel, E. Arsenio
423. Lungsod Vigan 457. Manunggul, Tapayang
424. lupaing-tulay 458. maratabat
425. Luz, Arturo R. 459. Marcos, Ferdinand E.
460. Maria Clara
M 461. Marquez-Benitez, Paz
462. 19 Martir ng Aklan,
426. Mabini, Apolinario 463. 13 Martir ng Bagumbayan
427. Macapagal, Diosdado 464. 15 Martir ng Bikol
428. Maceda, Jose 465. 13 Martir ng Cavite
466. Masino Intaray 500. niyog
467. masjid 501. nobela
468. maya 502. nobena
469. Maynila, Sa mga Kuko ng Liwanag 503. Noli me tangere
470. mestiso
471. misyonero O
472. Molina, Antonio J.
473. Monon, Salinta B. 504. Obusan, Ramon A.
474. Monopolyo 505. Ocampo, Geminiano de
475. Montano, Severino 506. Ocampo, Hernando R.
476. Montelibano, Miguela 507. OFW
477. Monumento (Bonifacio) 508. okir
478. Monumentong Legazpi at Urdaneta 509. Ola, Simeon
479. moriones 510. Oliveros-Belardo, Luz
480. Moro 511. OPM, Original Pilipino Music
481. mulawin 512. orasyon
482. multo 513. Organong Kawayan ng Las Piñas
483. Mundo, Fé del 514. oro, plata, mata
484. munisipyo 515. Orosa-Goquingco, Leonor
485. musang 516. Osmeña, Sergio
486. musikong bumbong 517. Oyayi
487. Mutuc, Eduardo
488. mutya P

N 518. paaralan
519. Paaralang Gabaldon
489. naga 520. Pabalan, Mariano Proceso Byron
490. Nava, Jose Ma. 521. pabitin
491. Navarra, Marcel M. 522. páge
492. Navarro, Jerimias Elizalde 523. pagmamano
493. Nazareno 524. pagoda
494. Nebres, Fr. Bienvenido 525. Pagong at Matsing
495. Nepomuceno, Jose 526. Pahiyas
496. Nepomuceno, Rafael “Paeng” 527. pakbet, pinakbet
497. ngangà 528. pakikisama
498. nilad 529. pakô
499. ninang, ninong 530. pako rabong
531. paksiw 567. Parolang Kabong Bojeador
532. pakyaw 568. pasalubong
533. palay 569. pasiking
534. palayok 570. pasiyam
535. Palayok Calatagan 571. Pasko
536. palengke 572. pasma
537. palosebo 573. Pasong Tirad
538. pamahalaan 574. pastilyas
539. pamahiin 575. pasyon
540. pamanhikan 576. patadyong
541. Pambansang Aklatan 577. pawikan
542. Pambansang Awit 578. payyo
543. Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining 579. pensiyonado
544. Pambansang Komisyong Pangkasaysayan 580. People Power
545. Pambansang Museo ng Filipinas 581. Pepe and Pilar
546. Pambansang Parke ng Hundred Islands 582. perokaril
547. Pambansâng Parké ng Ílog sa Ilálim ng Lupà ng Puerto 583. PETA
Princesa 584. Philippine Airlines (PAL)
548. Pambansang Sinupan ng Filipinas 585. Philippine Deep
549. Pambansang Watawat 586. Philippine General Hospital
550. Pamulinawen 587. Philippine Normal University
551. panata 588. Philippines Free Press
552. Panatang Makabayan 589. pilandok
553. pandanggo 590. Pilar, Gregorio del
554. pangalay 591. Pilar, Marcelo H. del
555. pangangaluluwa 592. pili
556. pangat 593. Pinaglabanan
557. Pangulo ng Filipinas 594. Pineda, Macario
558. pansit 595. pinipig
559. papaitan 596. Pinpin, Tomas
560. paputok 597. pintakasi
561. paraluman 598. pista
562. Parang Sabil 599. plasa
563. Parian 600. Plaza Miranda
564. Parkeng Pandagat ng Tangrib ng Tubbataha 601. Poblete, Pascual H.
565. parol 602. Poe, Ronald Allan K.
566. parola 603. polos y servicios
604. prinsipalya 635. Rosario, Casimiro del
605. punyal 636. Rosario, Deogracias
606. pútong 637. Rotor, Arturo B.
638. Roxas, Manuel A.
Q 639. Ruiz, San Lorenzo

607. Quezon, Manuel Luis S


608. Quirino, Carlos
609. Quirino, Elpidio R. 640. sablay
610. Quisumbing, Eduardo A. 641. Saclag, Alonzo
642. saging
R 643. sakada
644. Sakay, Macario L.
611. raha 645. Sakdal
612. Rama, Honorata Atang de la 646. salabat
613. Ramadan 647. salakot
614. rami 648. salambaw
615. Ramírez, Dolores A. 649. salapi
616. Ramos, Fidel V. 650. salawikain
617. Recto, Claro M. Jr. 651. Salcedo Jr., Juan S.
618. Regalado, Iñigo Ed. 652. Saligang Batas ng Pilipinas
619. rehiyon 653. saling-pusa
620. rekado 654. sampagita
621. Reporma sa Lupa 655. San Juanico, Tulay
622. retablo 656. San Miguel Beer
623. Reyes, Isabelo de los 657. San Pedro, Lucio D.
624. Reyes, Severino 658. Sandiganbayan
625. Reyes-Aquino, Francisca 659. sandugo
626. Reyes-Urtula, Lucrecia F 660. Santakrusan
627. Rizal, Jose 661. Santo Niño
628. Rizal, Paciano 662. Santos Jr., Ildefonso P.
629. Roces, Alejandro R. 663. Santos, Alfredo C.
630. Romero, Eddie S. 664. Santos, Francisco O.
631. Romualdez Sr, Norberto 665. Santos, Lope K.
632. Romulo, Carlos P. 666. Santos-Ocampo, Perla Dizon
633. rondalya 667. sarimanok
634. Rosa, Fabian de la 668. sari-sari istor
669. sarsuwela 706. sungka
670. sawsawan 707. sutukil
671. saynete 708. suyod
672. Senado
673. senakulo T
674. Sentrong Pangkultura ng Filipinas
675. sibat 709. tabako
676. Sierra Madre 710. tabo
677. Silang, Gabriela 711. táka
678. simbahan 712. taklobo
679. Simbahang Barasoain 713. talinghaga
680. Simbahang Katoliko 714. talisay
681. Simbahang Miag-ao 715. Talong Aliwagwag
682. Simbahang Paoay 716. Talong Maria Cristina
683. Simbahang San Agustin 717. Talong Pagsanjan
684. Simbahang San Sebastian 718. taludtod
685. Simbahang Santa Maria 719. tamaraw
686. sinarapan 720. Tamblot
687. singkaban 721. Tampinco, Isabelo
688. singkil 722. tampipi
689. sinigang 723. tanaga
690. sipa 724. tandikan
691. sirena 725. Tanodbayan
692. sitsaron 726. Taong Tabon
693. siyokoy 727. Tapayang Maitum
694. Soto, Juan Crisostomo 728. tapsilog
695. Sotto, Vicente 729. tarsila
696. Spoliarium 730. tawad
697. subli 731. tawilis
698. suki 732. teatro
699. Sulaiman, Sumaon 733. Tecson, Trinidad
700. Sulayman, Raha 734. terno
701. sulibaw 735. Thomasites
702. sultan 736. tibag
703. suman 737. Tiempo, Edith L.
704. Sumuroy 738. tikbalang
705. sunduk 739. tilapya
740. timawa 774. Union Obrero Democratica
741. tinalak 775. UP Church of the Holy Sacrifice
742. tinapay 776. Urbana at Feliza
743. tingi 777. usog
744. tinikling 778. utang-na-loob
745. Tinio, Manuel 779. Uto, Datu
746. Tinio, Rolando S. 780. Uwang Ahadas
747. Tiwi Hot Spring
748. tiyanak V
749. Todos Los Santos
750. Tolentino, Aurelio V. 781. vakul
751. Tolentino, Guillermo E. 782. Valera, Ramon
752. Topacio Jr., Teodulo M. 783. Vega-Mercado, Lydia de
753. torogan 784. Velasco, José R.
754. Torre, Eugene 785. Velásquez, Carmen C.
755. tosino 786. Velasquez, Gregorio T.
756. trambiya 787. Veneracion, Andrea O.
757. traysikel 788. Vergara, Benito
758. trumpo 789. Villa, Jose Garcia
759. Tsino 790. Villa, Pancho
760. tsunami 791. Villanueva, Anthony
761. tubaw 792. vinta
762. tubó 793. Vinzons, Wenceslao Q.
763. tugma at sukat 794. Virgenes Cristianos Expuestas al populacho
764. tulì
765. turo-turo W
766. Tuwaang
767. tuyo at tinapa 795. Walang Sugat
796. waling-waling
U
Y
768. Ullalim
769. Ultimo Adios 797. yakal
770. Umali, Dioscoro L. 798. yantok
771. Unang Sigaw 799. yo-yo
772. Unibersidad ng Pilipinas 800. Yungib Callao
773. Unibersidad ng Santo Tomas
Z

801. Zara, Gregorio


Jose Abad Santos
(19 Pebrero 1886-2 Mayo 1942)
Si Jose Abad Santos (Ho·sé A·bád Sán·tos) ay isang kagawad ng gabinete,
estadista, at ang ikalimang punòng mahistrado ng Korte Suprema.
Nagsilbi rin siyáng Acting President ng bansa noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig at naging martir sa kamay ng mga Hapones.
Ipinanganak si Abad Santos noong 1886 sa San Fernando, Pampanga, at
pampito sa sampung anak nina Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Nag-
aral siyá bilang pensiyonado sa Estados Unidos, nagtapos ng abogasya sa
Santa Clara College at Northwestern University sa Illinois noong 1908 at
master sa batas sa George Washington University nang sumunod na taon.
Napangasawa niyá si Amanda Teopaco noong 1918 at lima ang naging
anak nilá: Jose, Jr., Osmundo, Luz, Amanda, at Victoria.
Naging instrumental si Abad Santos sa pagsulat ng mga tuntunin at
konstitusyon ng Philippine Women’s University, ang unang pribado at
sektaryong pamantasan para sa kababaihan sa buong Asia. Siyá rin ang
naging unang Filipinong abogadong pang-korporasyon ng Philippine
National Bank. Naging tagapayong teknikal siyá ng misyong pangkasarinlan
ng Filipinas sa Estados Unidos noong 1919, humawak ng iba pang mga
tungkulin sa pamahalaan gaya ng abogado ng Manila Railroad Company
noong 1920, punò ng misyong pang-edukasyon sa Estados Unidos noong
1926, at kalihim ng katarungan noong 1931.
Noong 1942, isinasáma siyá ni Pangulong Manuel Quezon sa paglikas
ng pamahalaang Komonwelt sa Australya ngunit pinili niyáng manatili sa
Filipinas. Inatasan siyá ni Quezon na maging Acting President at mangasiwa
sa mga bahagi ng bansa na hindi pa nasasakop ng mga Hapones.
Nahúli siyá ng mga Hapones sa Cebu, kasáma ang anak na si Jose Jr. o
Pepito, noong 11Abril 1942. Hinatulan siyá ng kamatayan dahil ayaw
makipagtulungan sa mga mananakop. Bago siyá barilin noong 2 Mayo
1942 sa Malabang, Lanao (Lanao del Sur ngayon), sinabi niyá kay Pepito:
“Huwag kang umiyak. Ipakita mo sa mga táong ito na matapang ka. Isang
karangalan ang mamatay para sa iyong bayan.”
Ilang pangunahing lansangan sa mga lungsod ng bansa ang ipinangalan
sa kaniya; kabílang dito ang isang abenida sa Maynila na kinatitirikan ng
Abad Santos LRT Station. (PKJ) (ed VSA)
abaká
Ang abaká (Musa textilis) ay isang halamang hemp o napagkukunan ng
himaymay. Berde ang mga dahon nitó na kawangis ng dahon ng saging.

Bagaman nakakatulad ang anyo ng saging, madaling makilala ang abaka sa


pamamagitan ng ilang katangian nitó. Una, ang dulo ng dahon ng abaka ay
mas patulis kompara sa saging. Pangalawa, ang ibabang bahagi ng dahon
nitó ay hindi pantay. Pangatlo, ang magkabilâng bahagi ng dahon nitó ay
parehong makintab at madulas.

Ang taas ng punòng abaka ay umaabot nang apat hanggang walong metro.
Katutubo sa Filipinas ang halamang ito at pinaniniwalaang nagmula sa
rehiyong Bicol.

Maraming kapakinabangang pang-ekonomiya ang abaka. Ang mga


himaymay o hibla nitó ay hinahabi upang maging tela na ginagamit
sa paggawa ng damit o kortina. Ginagawa rin itong lubid, basket, at
katulad. Ang himaymay ay makukuha hindi sa mga dahon nitó kundi sa
pinakakatawan ng halaman na tinatawag ding saha. Ginagamit din ito sa
paggawa ng kilalang papel na kung tawagin ay papel de manila o manila
paper.

Ang punòng abaka pati na ang puting himaymay na nagmumula rito ay


tinatawag ding ibilaw, labayo, lain, at paguwa. (SAO) (ed GSZ)
abakáda
Abakáda ang tawag sa pangkat ng mga titik o letra sa wikang Tagalog at
kumakatawan ang tawag sa apat na unang titik nitó (A-Ba-Ka-Da). Ang
abakáda ay binubuo ng 20 titik: A,B, K, D, E, G, H, I , L, M, N, Ng, O, P,
R, S , T, U, W, Y. Lima rito ang patinig (A, E, I, O , U) at labinlima ang
katinig. Ang mga titik na ito ang ginamit sa pagtuturo ng Wikang Pambansa
bilang pagsunod sa atas ng 1935 Konstitusyon. Ginamit ang abakada sa
aklat ng balarila ni Lope K. Santos at ilang henerasyon ng mga mag-aaral
ang natuto ng Wikang Pambansa sa pamamagitan nitó.

Sinusundan ng abakada ang papantig na pagbigkas ng mga titik ng


wikang Tagalog na kalapit na kalapit rin sa mga sagisag ng baybáyin, ang
sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Tagalog. Mapapansin lamang na ang
E-I at O-U ay kinakatawan ng isang tunog sa baybayin kayâ tatlo lamang
ang patinig ng lumang alpabetong ito. Nagdulot ito ng kalituhan noon at
hanggang ngayon dahil hindi nabibigkas nang magkaiba ang E sa I at ang
O sa U.

Sa pagbabago ng konsepto ng Wikang Pambansa tungo sa Pilipino at


sakâ Filipino ay nadagdagan rin ang titik ng abakada. Pinalitan ito ng
pinagyamang alpabeto na may 31 titik noong dekada 1970. Labing-isang
titik ang idinagdag mula sa alpabetong Espanyol. Kaugnay ng 1987
Konstitusyon at ng pagpapahayag sa Filipino bilang Wikang Pambansa,
nirebisa at naging 28 ang titik ng alpabeto ng wikang Filipino. Pinanatili
ang 20 titik ng abakada kasáma ang mga titik na C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z
at tinawag alinsunod sa alpabetong Ingles maliban sa katutubong NG at
Espanyol na Ñ. Idinagdag ang naturang mga titik upang kumatawan sa
mga tunog na wala sa orihinal na abakada ngunit nasa Ingles at Espanyol
at sa ilan sa mga katutubong wika ng Filipinas. Halimbawa, ang F at V ay
may tunog na nasa pangalan na ng Ifugaw at Ivatan. (JGP) (ed VSA)
Nicanor Abelardo
(7 Pebrero 1893-21 Marso 1934)
Kinikilala si Nicanor Abelardo (Nikanór Abelárdo) bilang isa sa “Tatlong
Haligi ng Musikang Filipino.” Kasama sa tatlo sina Francisco Santiago,
unang Filipinong Direktor ng UP Konserbatoryo ng Musika, at Antonio
Molina na ginawaran ng Gawad sa Pambansang Alagad ng Sining sa
Musika noong 1973.

Si Abelardo ang unang Filipinong kompositor na lumikha ng Concerto in


B Flat Minor para sa piyano at orkestra noong 1923, na gumamit ng mga
temang batay sa awiting-bayan. Higit na kilala si Abelardo sa kaniyang
mga likhang awit na kadalasan ay siyá rin ang sumulat ng titik. Kabílang
sa mga awit sa estilong kundiman na kaniyang nilikha ang Nasaan ka
Irog? (titik: Nemesio Asistio), Kung Hindi Man , Magbalik Ka Hirang
(titik: Filomena Alcanar), Himutok, Paghanga, Sa Libingan ng Irog (titik:
Pedro Icasiano), at Kundiman ng Luha (titik: Jose Corazon de Jesus). Ang
kundiman ayon kay Abelardo, ay “isang awit na nagtatampok sa isang
lalaking nagmamahal na nagdedeklara ng pagkakait sa sarili upang sundin
ang nasa ng babaeng minamahal.” Ang halimbawa naman ng mga awit na
may makabayang titik na nilikha niyá ay Ang Aking Bayan at Ultimo Adios
(titik: Jose Rizal).

Lumikha rin siyá ng musika para sa mga sarsuwelang Tagalog. Kabílang


dito ang Sumilang ni Basilio Lanuza at Dakilang Punglo ni Servando de
los Angeles. Ang kilalang awit na Bituing Marikit ay nilikha ni Abelardo
para sa sarsuwelang Dakilang Punglo. Tinagurian din siyáng “Ama ng
Filipinong Sonata” para sa kaniyang mga obrang Sonata in G Major
(1921), Sonata for violin and piano (1931), at Sonata for String Quartette
(1932).

Isinilang siyá sa San Miguel de Mayumo, Bulacan noong 7 Pebrero 1893.


Ang bulto ng komposisyon niyá ay nasa anyo ng awit. Marahil, dahil
kabataan pa siyá’y mang-aawit na at piyanista. Noong 1931-1932, nag-aral bilang mahusay na guro sa UP Konserbatoryo ng Musika. Namatay si
siyá bilang pensionado sa Chicago Musical College at dito’y lumikha siyá Nicanor Abelardo noong 21 Marso 1934 nang hindi natapos ang operang
ng mga komposisyong pang-instrumento. Nagtangka rin siyáng lumikha Florante at Laura, Concerto para sa biyolin at piyano, at ang nabanggit
ng Symphony na hindi natapos dahil sa kaniyang maagang pagkamatay nang Symphony. (RCN) (ed GSZ)
noong 1934.

Bukod sa pagiging mahusay na kompositor ay kinikilala rin si Ablelardo


Napoleon V. Abueva
(26 Enero 1930—)
Itinanghal na Pambansang Alagad ng Sining para sa Eskultura noong 1976
si Napoleon V. Abueva (Na·pol·yón Vi Ab·wé·va). Sa edad na 46, siyá ang
pinakabatang nagkamit ng parangal na ito. Kinikilala rin siyáng Ama ng
Makabagong Eskultura sa Filipinas.
Bihasa si Abueva sa iba’t ibang larangan ng eskultura. May kakayahan din
siyáng gamitin ang iba’t ibang uri ng materyales tulad ng kahoy, metal,
at bato. Ilan sa mga obra ni Abueva na matatagpuan sa mga espasyong
publiko ay ang sumusunod: Transfiguration (1979), isang matayog
na pigurang Kristo sa Eternal Gardens Memorial Park sa Caloocan;
magkabilaang krusipiho, altar (1957) at busto ni Padre Delaney sa Chapel
of the Holy Sacrifice sa kampus ng UP Diliman; labing-apat na estasyon
ng krus ng Kapilya ng Paaralang Claret sa Teacher’s Village, Diliman at
ng EDSA Shrine; Siyam na Musa sa UP Faculty Center (1994); rebulto ni
Teodoro M. Kalaw sa harap ng Pambansang Aklatan; marmol na miyural
sa Bantayog ng mga Bayani sa Bundok Samat, Bataan; at Sunburst sa
Peninsula Manila Hotel (1994).
Maibibilang naman sa kaniyang mahahalagang obra ang mga sumusunod:
Allegorical Harpoon, kabílang sa limang gawa niyá na lahok ng Filipinas
sa XXXII Venice Biennale noong 1964; Kaganapan (1953), itinuturing
na pinakamaestilo sa kaniyang mga likha; Halik (adobe), nagtamo ng
ikalawang gantimpala sa ika-4 taunang eksibisyon ng Arts Association
of the Philippines, 1951; lumulutang na eskulturang Moses (1951); Kiss
of Judas (kahoy), nagwagi ng unang gantimpala sa Eksibisyon ng mga
Relihiyosong Likhang Sining sa Detroit, Michigan, USA (1955); Water
Buffalo (Marmol), itinanghal sa St. Louis , Missouri, USA (1956); at
Unknown Political Prisoner, ginawaran sa Internasyonal na Patimpalak sa Noong 1978, hinirang si Abueva bilang Dekano ng College of Fine Arts
Eskultura ng Institute of Contemporary Arts, London (1953). sa Unibersidad ng Pilipinas, at nanatili sa posisyong ito hanggang 1989.
Naging kabiyak niyá si Sergia Valles na naging Kalihim ng National
Maaga siyáng naulila ng mga magulang na sina Kongresista Teodoro Center for Mental Health. May tatlo silang anak, sina Amihan, Mulawin
Abueva ng Tagbilaran, Bohol at Purificacion Veloso ng Cebu na pinaslang at Duero.
ng mga Hapones noong 1944 dahil sa pagiging mga gerilya. Nakapag-
aral siyá at nagtamo ng digri sa Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas sa Kabílang sa iba pa niyáng nakamit na parangal ang mga sumusunod: mga
pamamagitan ng iskolarship mula kay Pura Villanueva Kalaw. Nagtapos gawad mula sa Art Association of the Philippines (1951, 1952, 1953, 1954,
siyá ng Master sa Sining sa Cranbrook Academy of Art sa Michigan, USA 1958, 1974 at 1977); Natatanging Alumnus ng School of Fine Arts, UP
noong 1955 bilang iskolar ng Fulbright/Smith-Mundt. Nagpatuloy pa siyá Golden Jubilee (1958); Republic Award para sa Eskultura (1959); Ten
ng pag-aaral ng Ceramics sa University of Kansas at Kasaysayan ng Sining Outstanding Young Men of the Philippines (1959); Cultural Heritage
sa Unibersidad ng Harvard sa Estados Unidos. Award (1966). (RVR) (ed GSZ)
Abunnawas
Si Abunnawas ang popular na pilyong tauhan sa mga katakata, kuwentong
bayan ng mga Tausug at Samal. Hindi tulad ng ibang uri ng panitikang oral
ng mga Tausug at Samal, isinasalaysay lamang ang mga katakata at hindi
inaawit. Isinasalaysay rin ang mga ito bilang pampalipas-oras.

Sa lahat ng mga kuwento ni Abunnawas, lagi niyáng naiisahan ang sultan


sa mga pagsubok at pagtatangkang gawing katatawanan si Abunnawas.
Isang kuwento ni Abunnawas ay pinamagatang Lumakad si Abunnawas sa
Ibabaw ng Kawayan. Sa nasabing kuwento, nang napadaan si Abunnawas
sa kaharian ng sultan, kaniyang ibinida na nakapaglakad siyá sa ibabaw ng
kawayan. Hindi naniwala ang sultan kayâ hinamon niyá si Abunnawas na
maglakad sa ibabaw ng kawayan mula sa bahay nitó hanggang sa kaharian.
Kapag nagawa ito ni Abunnawas, bibigyan siyá ng salapi ng sultan ngunit
kapag hindi niyá natugunan ang hamon ng sultan ay kamatayan ang parusa.
Kaagad na umuwi si Abunnawas at naghanda ng tayakád, mga piraso ng
kawayan na itinali nang mahigpit sa isa’t isa at may nakausling bahagi ng
kawayan upang may mahawakan ang pilyong tauhan. Sunod, nagtungo
siyá sa kaharian at nang matapat na sa bintana na tanaw ng sultan, kaniya
itong tinawag upang tingnan siyá. Nagulat ang sultan at hinangaan na
lamang ang katalinuhan ni Abunnawas.

Kawangis ng pag-uugali ni Abunnawas ang iba pang popular na tauhan sa


iba’t ibang kuwentong-bayan, gaya ni Juan Púsong ng mga Bisaya at Juan
Usong ng mga Bikol. Ngunit, ayon sa mga iskolar ng panitikan ng Tausug,
taliwas sa kaugalian ng pangkat-etniko na maging masunurin ang asal ni
Abunnawas. (SJ) (ed VSA)

Lumakad si Abunnawas gamit ang tayakad,


Guhit nina Erika Sevilla at Jean Estella
adárna
Ayon sa mga paniniwala ng mga Tagalog, isang maalamat na ibon ang
adárna. Batay sa mga deskripsiyon, ang tuka nitó ay hindi gaanong matulis,
may makulay na balahibo at mahahabà ang balahibo sa bandang puwitan
nitó. May kakayahan ang adarna na makapagpagaling ng anumang sakit
kapag ito’y humuni at umawit na. Dahil dito, pílit na hinuhuli ng mga tao
ang mitolohikal na ibon.

Sa koridong Ibong Adarna, naging mahalaga ang ibon sa pagpapagaling


sa hari ng Berbania, si Haring Fernando. Ngunit, hindi naging madali ang
paghuli sa ibon. Sa tamis ng huni at pag-awit ng ibon, nakakatulog ang
sinumang nakarinig nitó at kapag nataehan ng ibon ay nagiging bato. At
iyon nga ang nangyari sa dalawang anak ni Haring Fernando, sina Prinsipe
Pedro at Prinsipe Diego, na naging bato matapos makatulog nang marinig
ang pagkanta ng ibon at mataehan nitó. Ngunit, ang bunsong anak ni
Fernando na si Prinsipe Juan ay naging matagumpay matapos mapayuhan
ng matandang pulubi sa dapat gawin upang hindi makatulog at maging
bato at kung paanong makababalik ang dalawang kapatid niyá mula sa
pagiging bato. Binigyan siyá ng labaha at kalamansi. Sa bawat awit,
hinihiwa niyá ang bisig at pinapatakan ng kalamansi. Dahil sa kirot, hindi
siyá nakatulog hanggang matapos ang pitong awit ng adarna.Nang mahuli
na ni Juan ang ibon at bumalik mula sa pagiging bato ang dalawa niyáng
kapatid, umuwi na ang tatlong prinsipe sa kaharian. Mahabà pa ang mga
sumunod na pangyayari sa korido.

Ginagamit na ang adarna bilang pangngalang pantangi ng iba’t ibang


institusyon sa bansa. Una, ang Adarna Publishing House, ang kauna-
unahang lathalaan ng mga aklat pambata sa Filipinas. Ang UP Cine Adarna
(dating UP Film Center) na teatro para sa mga pelikula sa Unibersidad
ng Pilipinas. Ipinangalan din sa ibon ang proyektong ADARNA o Aerial
Dynamic Assessment Robot for National Advancement ng Pamantasang
De La Salle. (SJ) (ed VSA)
ádat
Ang ádat sa wikang Arabe ay “kaugalian.” Sa mga pangkating Muslim sa
Filipinas, ito ang kabuuan ng di-nakasulat na mga hálagáhan at pamantayan
ng asal at kilos sa lipunan. May ádat ukol sa tradisyonal na pananamit. May
ádat hinggil sa paraan ng paglutas ng usaping panlipunan. Halimbawa pa,
sa mga Tausug sa Lungsod ng Zamboanga, ang salitâng ádat ay karaniwang
ginagamit sa “pang-adatan pangalay” (kinaugaliang sayaw), “pang-adatan
pagkawin” (banal na gawain na ginagawa tuwing kasal), “malingkat adat”
(magandang pag-uugali) at “mangi adat” (masamâng pag-uugali). (RBT)
(ed VSA)
adóbo
Isang putaheng karne na tinimplahan ng sukà, asin, bawang, at paminta.
Sa Espanyol, ang orihinal na adóbo ay tinimplahan sa langis, bawang, at
oregano. Ngunit marami ang nagpapalagay na ang putaheng ito ng mga
Filipino ay mulang Mexico. Sa Oaxaca, Mexico ang karne ay ibinababad
sa sili, bawang, sidrang sukà, tomílyo (thyme), dahon ng lawrel, dahon ng
abokado, oregano, itim na pamintang buo, at kanéla.

Sa kabilâng dako, marami din ang nagtuturing na “pambansang ulam”


ang adobo. Narito na ito diumano at tinawag lámang na “adobo” ng mga
Espanyol dahil kahawig ng alam nilá. Hindi rin magkasundo sa mga
rekado nitó. Iginigiit ng mga tradisyonalista na dapat itong lagyan ng asin,
isang sangkap na napalitan ng toyo at ipinalalagay na impluwensiya ng
mga Tsino. Iba-iba ang adobo sa iba-ibang kusinera at iba-ibang lugar.
Isang restoran ang sikát sa adobong baboy na may pritong taho, at pusit na
pinakuluan sa sukà at toyo. Sa Batanes, ang lúnyis o adobo ng mga Ivatan
ay may asin lámang.

Mabisàng paraan ang adobo para sa pag-iimbak ng karne para hindi ito
masira noong wala pang repridyireytor. At kahit ngayon kung walang
imbakan. Maaaring adobuhin ang karneng baboy, báka, manok, isda, at
kahit gulay. Maaasahang handa ito sa mga tahanan kung pista at báon
sa piknik o mahabàng biyahe. Noong 1898, sa inaugurasyon ng Unang
Republika ng Filipinas ay nása wikang Pranses ang menu ng grandeng
hapunan. Isa sa handa ang “Abatis de Poulet a la Tagale” na kung isasalin
ay “adobong atay at balumbalunan.” Kataká-taká bang tawaging “Adobo
Country” ang Filipinas? (VSA)
Marcelo Q. Adonay
(6 Pebrero 1848-8 Pebrero 1928)
Kilalang musiko sa pagtatapos ng siglo 19, si Marcelo Q. Adonay (Marsélo
Kyu Adónay) ay isang kompositor, organista, direktor pangmusika, at
guro.
Noong 1856, walong taon lamang si Adonay nang dalhin siyá ng kaniyang
tiyuhin sa Maynila upang pag-aralin sa kumbento ng Simbahang San
Agustin. Sa kumbento ay pormal niyáng natutuhan ang pagtugtog ng piyano,
organo, at kaalaman tungkol sa mga pangunahing tuntunin ng armonya.
Noong 1870, bukod sa pagiging organista ng Simbahang San Agustin, ay
iginawad kay Adonay ang titulong “Maestro di Capella.” Ang responsabilad
na ito ay ginampanan niyá hanggang 1914. Noon ding 1870 ay binuo niyá
ang orkestra ng kumbento na may kabuoang 20-25 miyembro, bukod pa
ito sa orkestra ng Katedral na lingguhan niyáng ineensayo. Bukod sa mga
gawaing pansimbahan, nagturo rin si Adonay sa mga paaralang Colegio
de Santa Catalina, Colegio de Santa Rosa, Colegio de San Sebastian, at La
Campañia de Jesus. Nagturo rin siyá ng solfeggio, armonya at komposisyon
sa Centro de Bellas Artes.
Kinikilala si Adonay bilang prinsipe ng musikang pansimbahan ng
Filipinas. Panrelihiyon ang tuon ng kaniyang musika, ngunit mayroon din
siyáng mga likhang sekular na musika. Narito ang ilang likhang musikang
pansimbahan ng maestro: Benedictus, para sa tenor at orkestra; Libera Me
Domine, para sa mga boses at doble bajo; Gazos a la Santissima Virgen
(a Nuestra Sra. de la Consolacion), para sa koro at organo o harmonium;
Gazos a la Santissima Virgen de Remedios, para sa koro at orkestra; Pequeña
Misa Solemne sobre Motivos de la Missa Regia del Canto Gregoriano,
para sa koro at orkestra; Rosario Difunto, para sa koro at maliit na orkestra;
Salve Regina, para sa isang boses at piyano. Narito naman ilang musikang
sekular: Martsa, alay kay Anotnio Luna; Rizal Glorified, unang itinanghal
noong 30 Disyembre 1911 sa Manila Grand Opera House para sa paggunita
ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal (kinomisyon ang musikang ito ni Pablo paggunita sa Pakil, Laguna bilang pagkilala sa kontribusyon ng maestro sa
Ocampo para sa nasabing okasyon); La Procesion de Turumba en Pakil, pagpapayaman ng musikang pansimbahan ng Filipinas.
para sa banda at mga boses; Ang Querot ng Reuma, na nilikha niyá noong
1912 marahil bilang pag-aalaala sa sariling karanasan sa sakit; Tocata Ipinanganak siyá noong 6 Pebrero 1848 sa Pakil, Laguna at yumao noong
para sa organo, ibinigay niyá kay Col. Walter Loving nang dumalaw ang 8 Pebrero 1928 sa kaniyang tahanan sa Malate, Maynila. Panganay na
koronel sa kaniyang bahay at humingi ng orihinal na komposisyon para anak sa labing-isang magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay sina
sa nabanggit na instrumento. Noong 1983, bilang pag-alaala sa ika-135 Mariano Adonay at Prudencia Quinteria na pawang magsasaka. (RCN) (ed
kaarawan ni Maestro Marcelo Q. Adonay, ay nagtayo ng isang panandang GSZ)
Adwána
Tinatawag na Adwána ang ahensiya o opisina ng pamahalaan na may
tungkuling mangolekta ng mga ipinapataw na buwis sa mga kalakal na
ipinapasok mula sa ibang bansa at ng bayad para sa paggamit ng mga
kasangkapan at serbisyo sa mga piyer at paliparan. Pinamamahalaan at
kinokontrol din nitó ang pagpasok at paglabas sa bansa ng iba’t ibang uri
ng produkto kagaya ng mga personal na kagamitan, sasakyan, pagkain,
hayop, halaman, at iba pang gamit na maaaring patawan ng buwis. Mula
ito sa Espanyol na aduana at may gayunding kahulugan. Sa panahon ng
kolonyalismong Espanyol nagtatag ng opisina upang maningil ng kaukulang
buwis sa mga tao at kalakal na nagdaraan sa mga piyer ng Maynila.

Ang Kawanihan ng Adwana (Bureau of Customs) ngayon ang may ganitong


tungkuling mag-inspeksiyon at magtása sa mga kalakal na pumapasok sa
Filipinas. Nagiging bahagi ang nalilikom na salapi ng pambansang pondo
ng gobyerno para sa mga proyektong pambayan.

Mayroon nang sariling sistema ng adwana ang mga katutubong Filipino


bago pa dumating ang mga Espanyol. Nagbibigay ng buwis noon pa ang
mga dayuhang mangangalakal sa naghaharing raha o datu ng barangay.
Ipinagpatuloy ng mga mananakop na Espanyol ang ganitong kalakaran sa
pamamagitan ng pagpataw ng buwis na ad valorem sa lahat ng kalakal.
Noong panahon ng pananakop ng Estados Unidos, nagbalangkas ang
Philippine Commission ng mga batas na gagabay sa pangongolekta
ng buwis sa mga inaangkat na kalakal. Sa kasalukuyan, ang sistema Gusali ng Bureau of Customs, Maynila 1945-1947
ng adwana sa Filipinas ay ginagabayan ng Tariff and Customs Laws Retrato ni John T Pilot
of the Philippines. Ang Kawanihan ng Adwana sa Filipinas ang isa sa
pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng gobyerno. Nakalilikom ito ng
mahigit isang bilyong piso taon-taon mula sa ipinapataw ng buwis sa mga
inaangkat at iniluluwas na kalakal. (SMP) (ed VSA)
agímat
Agímat ang tawag sa anumang bagay na pinaniniwalaang nagtataglay
ng kapangyarihang nakapagbibigay ng pambihirang lakas at iba pang
kakayahang higit sa taglay ng karaniwang tao. Sinasabing nakaugat
angagimat sa relihiyon ng mga sinaunang Filipino na naniniwalang ang
lahat ng bagay na likas ay may kaluluwa kung kayâ’t maging hanggang
sa kasalukuyan, ang maliliit na bato o piraso ng kahoy, lalo na iyong
mga nakuha sa sagradong lugar o kakaibang paligid, ay itinuturing na
makapangyarihan. Dulot na rin ng impluwensiya ng Kristiyanismo sa
bansa, maging ang mga kuwintas na krus at eskapularyo ay itinuturing
kung minsan na agimat. Sa katunayan, maraming nabibiling agimat maging
sa tabi ng simbahan sa Quiapo.

Tinatawag din itong anting-anting, o kayâ ay alipugpóg sa Iloko, dagón


sa Sebwano, galíng sa Tagalog, Iloko, Kapampangan, at Pangasinan,
samantalang ang mga terminong amuléto at birtúd ay mula sa Espanyol.

Bagaman nasasaksihan na lamang sa mga pelikula at telebisyon, o nababasa


sa mga kuwentong kababalaghan at komiks, bahagi rin ang agimat ng
maraming epikong Filpino at kuwentong bayan. Sa katunayan, nagiging
bahagi rin ito ng kasaysayan ng Filipinas. Hindi maihihiwalay, halimbawa,
ang pagkabantog ni Macario Sakay sa damit niyáng kinasusulatan ng
Latin at may mga dibuhong relihiyoso na sinasabing nagsanggalang sa
kaniya laban sa mga bala ng kaaway na Espanyol at Amerikano. (GAC)
(ed GSZ)
Gregorio Aglipay
(5 Mayo 1860-1 Setyembre 1940)
Si Gregorio L. Aglipay (Gre·gór·yo El Ag·lí·pay) ay isang makabayang
lider ng mga paring Filipino at unang Obispo Maximo ng Iglesia Filipina
Independiente, ang simbahang kilalá ngayon sa tawag na “Simbahang
Aglipay.”

Ipinanganak si Aglipay noong 5 Mayo 1860 sa Batac, Ilocos Norte. Sa


muràng edad ay naulila siyá at lumaki sa mga sakahan ng tabako. Sa edad
katorse, nakulong siyá dahil hindi nakamit ang takdang dami ng aning
tabako. Nag-aral siyá ng pagpapari sa seminaryo ng mga Agustino sa
Vigan at ng mga Dominiko sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila.
Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Espanyol, isa na siyáng kura
paroko at hindi ito nakasagabal para kumilos siyá at tumulong sa mga
Katipunero.

Noong 1898, hinirang siyá ni Hen. Emilio Aguinaldo na Vicario General


Castrense ng rebolusyonaryong pamahalaan. Ibig sabihin, siyá ang
pinunòng espiritwal ng mga Filipino at doon nagsimula ang tinatawag
ngayong rebolusyong panrelihiyon sa bansa. Nang panahong iyon, nakita
niyá na walang karapatan ang mga paring Filipino, hawak ng mga fraile
ang malalaking lupain, at walang hinihirang na obispong Filipino ang
Papa. Dahil dito, siyá at ang iba pang paring Filipino ay humiwalay sa
Simbahang Katoliko. Itinatag nilá noong 26 Oktubre 1902 ang Iglesia
Filipina Independiente. Noong Enero 1903, hinirang siyá bilang Obispo
Maximo ng bagong simbahan ng mga obispo ng Maynila, Cavite, Nueva
Ecija, Isabela, Cagayan, Pangasinan, at Abra.

Tatlumpu’t walong taon niyáng pinamunuan ang simbahang ito. Bago


namatay, kumandidato siyáng presidente sa eleksiyon ng Komonwelt
(kasama si Norberto Nabong ng Partido Komunista bilang bise-presidente)
pero natalo kina Manuel L. Quezon at Sergio Osmeña.

Noong 1939 ikinasal siyá kay D. Pilar Jamias y Ver. Namatay siyá noong
1 Setyembre 1940. Hanggang ngayon, ang simbahang itinatag niyá ay
nananatiling simbolo ng pagnanais ng mga Filipino na maging malaya
mula sa mga dayuhan. (PKJ) (ed VSA)
Teodoro A. Agoncillo
(9 Nobyembre 1912-14 Enero 1985)
Pambansang Alagad ng Agham, si Teodoro Agoncillo (Tyo·dó·ro
A·gon·síl·yo) ang kinikilálang ama ng makabansang pananaw sa pagsulat
ng kasaysayan. Iginiit niyá na dapat sulatin ang kasaysayan ng Filipinas
ng isang Filipino at sa pananaw na Filipino at ipinakita ito sa kaniyang
mga aklat, upang matigil ang lubhang pananalig noon sa historyang likha
ng mga dayuhan. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham
(National Scientist), postumo, noong11 Hulyo 1985.

Si Agoncillo ang pangunahing may-akda ng History of the Filipino


People. Ito ay naging pamantayang sanggunian sa pag-aaral ng
kasaysayan ng Filipinas. Bahagi ng kaniyang umaabot sa 22 aklat ang
Filipino Nationalism 1872-1971, Malolos: The Crisis of the Republic, The
Fateful Years: Japan’s Misadventure in the Philippines, at The Burden of
Proof: The Vargas-Laurel Collaboration, na kinikilala ngayon bilang mga
saligang babasahin upang maunawaan ang naratibo ng bansang Filipinas
sa modernong panahon.

Ang librong The Revolt of the Masses: The Story of Bonifacio and the
Katipunan ang itinuturing na pinakamahalagang akda ni Agoncillo sa
larangan ng makabayang historyograpiya. Umani ito ng maraming
papuri ngunit binatikos ng mga konserbatibong historyador ang
kaniyang makabayan at radikal na naratibo ng kasaysayan. Dahil sa mga
kontrobersiya, ipinatigil ni Pangulong Ramon Magsaysay noong 1948
ang pagpapalimbag sa aklat. Nalathala lámang ito noong Pebrero 1956.
Nagkamit si Teodoro Agoncillo ng mga parangal, at tampok sa mga ito ang
Republic Cultural Award (1967), UNESCO Prize for Best Essay (1969), at
ang Diwa ng Lahi (1982) -- ang pinakamataas na parangal na iginagawad
ng Lungsod ng Maynila.

Ipinanganak si Agoncillo noong 9 Nobyembre 1912 sa Lemery, Batangas.


Nagtapos siyá ng batsilyer sa pilosopiya (1934) at masterado sa sining
(1935) sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagsimula siyáng makilála bilang
makata at kritiko sa panitikan, naging pundador na kasapi ng Kapisanang
Panitikan, ngunit higit na natuon ang isip sa kasaysayan nang magturo
sa UP. Naging punò siyá ng Kagawaran ng Kasaysayan sa UP at naging
University Professor, pinakamataas na ranggong akademinko sa UP.
Namatay siyá sa sakít noong 14 Enero 1985. (SMP) (ed VSA)
Faustino Aguilar
(15 Pebrero 1882-24 Hulyo 1955)
Itinuturing na haligi ng panitikang Tagalog bago ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, si Faustino Aguilar (Faws·tí·no A·gi·lár) ay isang nobelista,
peryodista, at lider-manggagawa.
Ipinanganak siyá noong 15 Pebrero 1882 sa Malate, Maynila at anak nina
Claro Vergara Aguilar at Juana Ongjoc de los Santos. Sa gulang na 14
taón, nasaksihan niyá ang pamamalò ng mga fraile sa kaniyang ama at
sinasabing may malaking impluwensiya sa kaniyang pakikibáka laban sa
kolonyalismo.
Nagsimulang maging bahagi ng Katipunan si Aguilar bilang mensahero ni
Vicente Fernandez, isang Katipunerong kinupkop ng kaniyang pamilya.
Pagkaraan, naging kawani siyá ng Kalihim ng Digmaan at naging Kalihim
Panloob ng Republika ng Malolos noong 1899. Napiit siyá noong 1899.
Nalingkod din siyá laban sa mga Amerikano sa Digmaang Filipino-
Amerikano at ipinagpatuloy ang pakikibáka sa larangan ng peryodismo.
Naging editor siyá ng seksiyong Tagalog ng pahayagang La Patria noong
1902; pangkalahatang editor ng pahinang Tagalog ng El Renacimiento.
Siyá ang kahuli-hulihang editor ng pahayagang Muling Pagsilang at
naging unang editor ng pumalit na pahayagang Taliba.
Naging aktibo si F. Aguilar sa mga usaping pangmamagawa kayâ naging
pangalawang direktor siyá ng Bureau of Labor noong 1913 at pagkaraan
ay naging direktor nitó sa panahong 1918-1923. Naging kalihim siyá
ng Senado mula Enero 5, 1923 hanggang mabalik siyá sa Kagawaran
ng Paggawa at maging pangalawang kalihim sa mga taóng 1933-1939.
Nagpakasal siyá kay Isidora Ortiz Alonzo noong 1904 at nagkaroon silá ng
apat na anak. 1949 nang muli siyáng mag-asawa at nagpakasal kay Emilia
Warren. Yumao siyá noong 24 Hulyo 1954 sa Maynila.
Ang malasákit niyá sa kapakanan ng manggagawa ay nakatampok sa
Pinaglahuan (1907), itinuturing na pangunahing nobela niyá at hinggil
sa malungkot na kapalaran ng lider-manggagawang si Luis Gatbuhay. Diyos (1911) na nagsalaysay naman sa mga paraan ng pamamalakad ng
Tinalakay pa niyá ang masaklap na búhay ng karaniwang tao sa mga mga Heswita upang magpayaman; at Kaligtasan (1951) na naglalahad sa
nobelang Busabos ng Palad (1909) na tungkol sa isang anak-mayamang mga tunggaliang bunga ng urbanisasyon ng isang maliit na bayan. Ang
tinakwil ng lipunan nang piliing maging mananayaw; Nangalunod sa Lihim ng Isang Pulo (1927) ay ukol sa alamat ng magkasintahang naging
Katihan (1911) na ukol kay ni Dimas-ilaw, isang lalaking namunò sa punò ng aguho ngunit katangi-tangi dahil sa ekperimento sa paggamit ng
pakikibáka laban sa masamâng pamahalaan at simbahan; Sa Ngalan ng dalisay na wikang Tagalog. (JGP) (ed VSA)
Emilio F. Aguinaldo
(26 Marso 1869-6 Pebrero 1964)
Si Emilio Famy Aguinaldo (E·míl·yo Fá·mi A·gi·nál·do) ang una’t hulíng
pangulo ng Unang Republika ng Filipinas. Ipinanganak si Aguinaldo sa
Kawit, Cavite noong 26 Marso 1869 kina Carlos Aguinaldo at Trinidad
Famy. May kabuhayan ang pamilya niyá, ngunit tumigil sa pag-aaral sa
Aguinaldo noong nása ikatlong taon ng segunda enseñanza at tumulong
sa negosyo ng mga magulang. Noong 1895, nahalal siyá ng Kawit na
capitan municipal, ang binagong tawag sa gobernadorsilyo o punò ng
bayan sa ilalim ng Batas Maura. Ikinasal din siyá kay Hilaria del Rosario.
Nang mabalitaan ang Katipunan, nagpunta siyá ng Maynila at nanumpang
kasapi. Pagsiklab ng Himagsikang 1896, nakilála siyá sa mga matagumpay
na labanan sa Cavite. Nang magkaroon ng halalan sa Tejeros noong 22
Marso 1897, siyá ang nahalal na pangulo ng binagong pamahalaang
mapanghimagsik.

Inilipat niyá ang himpilan ng pamahalaang mapanghimagsik sa Biyak-


na-bato, San Miguel de Mayumo, Bulacan. Doon din siyá lumagda sa
kasunduan, ang Kasunduang Biyak-na-bato noong 14-15 Disyembre 1897,
na pansamantalang nagtigil sa himagsikan hábang kusa siyáng nadestiyero
sa Hong Kong kasáma ang iba pang lider rebolusyonaryo. Pagkaraan ng
ilang buwan, bumalik si Aguinaldo sa Filipinas, ipinahayag ang kasarinlan
ng Filipinas noong 12 Hunyo 1898 mula sa kaniyang tahanan sa Kawit, at
sinimulan ang ikalawang yugto ng Himagsikang Filipino. Noong 23 Enero
1899, pormal na ipinahayag ang Unang Republika ng Filipinas sa Malolos,
Bulacan. Halos kasunod nitó ang pagsiklab din ng Digmaang Filipino-
Filipino noong Pebrero 1899 na nauwi sa pag-urong ng hukbong Filipino
pa-Hilagang Luzon. Nadakip si Aguinadlo sa Palanan, Isabela noong 23
Marso 1901 at tuluyang bumagsak ang Republikang Malolos.

Nabiyudo siyá noong 1921 at pinakasalan si Hilaria Agoncillo noong 1930.


Kumandidato siyáng pangulo ng pamahalaang Komonwelt ngunit tinálo ni
Manuel L. Quezon. Namatay siyá noong 6 Pebrero 1964 ngunit naabutan
pa niyáng ipinahayag ni Pangulong Diosdado P. Macapagal ang Hunyo 12
bilang Araw ng Kalayaan ng Filipinas. (VSA)
águng
Ang águng, na kilala rin sa pangalang blowon, bua, gaggung at sembakung,
ay isang pares ng nakasabit na gong. Ito ay may bilog na umbok sa gitnang
bahagi at may malapad na papaloob na tagiliran. Karaniwang makikita
ang agung sa katimugang bahagi ng Filipinas—Palawan, Mindoro, at mga
isla ng Sulu, Mindanao at sa kalookan nitó—Ata, Bagobo, Bukidnon,
Hagaonon, Mandaya, Mangguangan, Manobo, Mansaka, Matigsalog,
Subanon, Tagakaolo, Tiboli, at Tiruray. Kinabibilangan din ng Mamanua,
Tiboli, Hanunuo, Bagobo, Magindanaw, Maranaw, Tagbanua, Tiruray at
Yakan ang iba pang Filipinong gumagamit ng tradisyonal na instrumentong
agung.Q
Sa okasyon ng Batak sa Palawan, tinutugtog ang agung kasaliw ng gimbal,
isang uri ng tambol, hábang nanggagamot ang mga babaeng babaylan.
Ang gawaing ito ay halaw sa Tagbanua ng Palawan. Sa Tiboli naman, ang
isang kasiyahan katulad ng moqninum, na pagdiriwang ng anibersaryo ng
kasal ng kilalang mag-asawa, ay okasyon upang tugtugin ang agung.
May iba’t ibang uri ng agung: ang mabigat na tembag na hindi tinutugtog
ngunit prominenteng makikita sa tahanan bilang simbolo ng kayamanan ng
may-ari nitó. Malaking porsiyento nitó ay gawa sa tingga at maliit lamang
na bahagi nitó ang tanso. Ang benegulitok ay katulad ng tembaga ngunit
mas magaan. Tinutugtog ito kasama ng gong na tinatawag na sembakung.
Ang blowon naman ang pinakamagaan at pinakamakinis na gong.
Kompara sa Mindanao at Palawan, ang gong ng Hanunuo ay mas maliliit.
Nakasabit ang pares ng agung at magkaharap ang umbok ng mga ito.
Sa pagtugtog, hábang pinupukpok ng mga patpat ng isang musiko ang
parehong umbok, may isa o dalawa pang pumupukpok naman sa gilid ng
mga instrumento—dalawa ang ritmong lumalabas dito, ang mabilis na
binalinsay at ang mabagal na dinulut. Ang tugtog na ito ay idinaraos sa
sayaw ng kalalakihan. Ang musika ng agung ay tinutugtog sa kasiyahan
matapos ang anihan na tinatawag na panludan. Bukod sa mga agung, ang
iba pang instrumentong maririnig sa pagdiriwang ay plawta, gitara, at mga
patpat na perkusyon.
Sa Tiruray, ang salitang agung ay maaaring mangahulugang tono ng gong.
At agung din ang titulo ng isang uri ng musikang tinutugtog sa tangunggu.
(RCN) (ed GSZ)
Agyu
Si Agyu ang pangunahing bayani ng sinaunang epikong-bayan na Olaging
at Ulahingan sa Mindanaw. Olaging ang tawag sa epikong-bayan ng mga
Bukidnon at sinasabing ukol lámang ito sa búhay at pakikipagsapalaran
ni Agyu. Sa kabilâng dako, ayon kay Elena G. Maquiso (1977), ang
Ulahingan ay isang sanga ng epikong-bayang Bendigan at nakaukol sa
búhay ni Agyu at kaniyang angkan. Ang Bendigan diumano ay epikong-
bayan ng mga Manobo at may sanga ito na tinatawag na Tulalangan at
hinggil naman sa bayaning si Tulalang.

Malimit na ang paksa ng Ulahingan ay ang paglalakbay ni Agyu, angkan, at


mga alagad upang hanapin ang Nalandangan o Nelendangan. Nagsisimula
ito sa pagdating ng isang malupit na kaaway o mananakop kayâ kailangang
tumakas ng komunidad ni Agyu. May episodyo tungkol kay Mungan,
asawa ng kapatid ni Agyu na si Vanlak. Nagkasakit ng ketong si Mungan
at nagpasiyang magpaiwan. Ngunit pinagaling siyá ng mga naawang
diwata at tinuruan pa kung paanong makaliligtas ang komunidad ni Agyu.
May episodyo din sa mga kapatid ni Agyu na gaya nina Tabagka at Lena,
gayundin sa anak niyáng si Bayvayan. Isang lumilipad na malaking
bangka, ang sarimbar, ang sinakyan nina Agyu upang makaligtas. Sa dulo,
narating nilá ang pangakong lupain, ang Nalandangan, at doon naghari si
Agyu sa habang-panahon kasáma ang mga adtulusan o pinagpalà.

Gayunman, may nakararating ding kaaway at ibang problema sa


Nalandangan. Sa isang Olaging na nakolekta ni Ludivina R. Opeña (1972),
inilarawan ang isang malaki’t madugong labanan nang lusubin ng mga
kaaway ang Nalandangan. Nagwagi ang mga taga-Nalandangan dahil sa
kapangyarihan ni Agyu at sa husay niyá sa pakikidigma. Ang isang katangi-
tangi sa Olaging na ito ay ang paglalarawan sa tila-paraisong kalagayan ng
Nalandangan at sa malaking bahay ni Agyu. (VSA)
-Agyu, guhit nina Erika Sevilla at Jean Estella
Aklátang Báyan
Ang Aklatang Bayan
noong 1930.

Isang malaki’t pangunahing kapisanan ng mga manunulat ang Aklátang Tagalog bilang wikang pambansa sa 1935 Kumbensiyong Konstitusyonal.
Báyan na naitatag sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano noong Nanguna ito sa pagdiriwang ng mga araw nina Balagtas, Bonifacio, at
1910 sa Tondo, Maynila. Naging pangulong tagapagtatag si Rosauro Plaridel, at kaipala ay pangunahing kasangkot sa pag-iisip at pagdaraos
Almario samantalang naging kalihim naman si Gerardo Chanco. Sinundan ng unang balagtásan. Sa hanay nitó hinugot ang mga kilaláng nobelista,
ni Precioso Palma si Almario bilang pangulo, at pagkatapos, ni Julian sarsuwelista, makata, at peryodista sa bungad ng ika-20 siglo.
Cruz Balmaceda na naging pangulo noong 1920 hanggang sa kaniyang
kamatayan noong 1947. Maraming sumulpot na samahang pangmanunulat Nanguna din ang mga kasapi ng Aklátang Báyan sa pagsusúlong
sa Filipinas, lalo na sa Kamaynilaan, sa panahong iyon. Ngunit sa Aklátang
ng panitikang makabayan at laban sa Amerikanisasyon. Narito ang
Báyan natipon ang mga unang haligi ng panitikang Tagalog na gaya nina kontradiksiyon sa tinatawag ni Virgilio S. Almario na taglay niláng diwa
Lope K. Santos, Carlos Ronquillo, Faustino Aguilar, Severino Reyes, Iñigo
ng “Balagtasísmo.” Sa isang bandá, masigasig siláng buhayin ang mga
Ed. Regalado, Hermenegildo Cruz, Patricio Mariano, at marami pa. adhikang mapagpalaya ng Himagsikang 1896. Sa kabilâng bandá, sa
pagsalungat nilá sa modernisasyong hatid ng mga Amerikano ay nasadlak
Naging makabuluhan ang Aklátang Báyan sa pagsusúlong ng kapakanan naman silá sa lubhang konserbatibong pagkupkop sa anumang tradisyonal,
ng wika’t panitikan sa Tagalog. Nagdaos ito ng mga tertulya at programa gaya ng tugma at súkat, at lubhang pagmamahal sa nakalipas. (SJ) (ed
para sumigla ang mga manunulat. Nanguna ito sa pagkampanya para sa VSA)
albuláryo
Ang albuláryo ay tumutukoy sa manggagamot na gumagamit ng sinaunang
paraan ng panggagamot. Kabílang sa mga pamamaraang ito ang pagtatapal
ng mga halamang gamot at langis, pag-oorasyon o pagbulong, pagtawas,
pagbabanyos o pagpunas sa maysakit.

Bago ang pananakop ng mga Espanyol, ang tungkulin ng panggagamot


ay nakaatang sa babaylan o ang pinunòng espiritwal ng katutubong
pamayanan. Naisantabi ang mga babaylan nang ipakilala ng mga Espanyol
ang bagong relihiyon. Kasunod nitó’y lumitaw ang mga arbularyo. Ang
mga dating inuusal ng mga babaylan ay nahalinhan ng mga Kristiyanong
orasyon at dasal, at sa gayo’y napaglangkap ng arbularyo ang katutubo at
ang bagong paniniwala.

Mga matandang babae o lalaki ang kalimitang nakikilalang albularyo


na sa tuwi-tuwina ay matatagpuan sa mga liblib na lugar at malayo sa
kabihasnan. Karaniwang iniaasa nila sa pananalig o pananampalataya ang
bisa ng kanilang gawain kasama ang malawak na karanasan sa pagpapabuti
ng isang may karamdaman.

Laganap ang albularyo sa buong kapuluan ng Filipinas lalo na sa mga


lugar na hindi naaabot ng makabagong medisina. Tinatawag din silang
erbolaryo at baglan sa wikang Iloko. (JCN) (ed GSZ)
Federico A. Alcuaz
(6 Hunyo 1932-2 Pebrero 2011)
Si Federico A. Alcuaz (Fe·de·rí·ko Ey Al·ku·wáz) ay isang prolipikong
pintor, eskultor, at tanging Filipinong artista na nagkamit ng pinakamaraming
gantimpala at parangal sa internasyonal sa larang ng pintura. Nominado
siyá para maging Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal noong
2009.

Isa siyá sa mga itinuturing na maestro ng abstraksiyon. Kung ang karamihan


ng mga artist sa kaniyang panahon ay naging alagad ng modernismo at
abstraksiyon dahil sa ito ang napapanahon, si Alcuaz ay nagsimula at
nagpakahusay muna sa klasikong estilo bago tuluyang naging bihasa at
nakilala sa abstraksiyon.

Una siyáng Filipino na nagwagi ng Prix Francisco Goya (1958). Sa Espanya,


natamo rin niyá ang prestihiyosong Premio Moncada (1957), nagkamit
siyá ng unang gantimpala sa Pintura Sant Pol del Mar (1961), at ikalawang
gantimpala sa Premio Vancell sa Fourth Biennial ng Tarrasa, Barcelona
(1964). Dito, gagamitin ni Alcuaz ang apelyido ng kaniyang ina upang
makilala siyá sa iba pang Aguilar na kasama niyá sa grupong La Puñalada
at apelyido ng karamihan noon sa Barcelona. Sa gulang na 24, itinanghal
si Alcuaz na pinakabatang nagkaroon ng eksibit sa prestihiyosong Sala
Direccion General, Museum of Contemporary Art sa Madrid. Susundan
pa ito sa Galerias Layetanas at Galerias Manila sa Barcelona. Sa Pransiya
ay pinarangalan siyá ng Diploma of Honor sa International Exhibition of
Art Libre (1961), Decoration of Arts, Letters and Awards na may ranggong
Chevalier mula sa pamahalaang Pranses (1964) at Order of French Genius
(1964). Si Alcuaz lamang ang tanging Filipino na nagkaroon ng mga
pagtatanghal sa Alemanya, Pransiya, Amerika, at Espanya.

Bagaman mahabàng panahon naglagi siyá sa Europa, di niyá nalimot


bumalik sa Filipinas. Nakamit niyá dito ang maraming karangalan, kabílang
ang Republic Cultural Heritage award, 1965; Araw ng Maynila Award,
1966, Outstanding Manileño, 2001; at Presidential Medal of Merit, 2006.
Isang aklat na pinamagatang Parallel Texts sa panulat din ni Alcuaz at Rod isang abogado siyá ngunit nanaig ang hilig sa sining. Ikinasal siyá kay Ute
Paras-Perez ay inilathala ng Artlink Group Inc. Gisela Schmitz, ang Alemang kumukuha ng kursong business at languages
na nakilala niyá sa Barcelona. Nagkaroon sila ng tatlong anak—sina
Isinilang siyá sa Santa Cruz, Maynila noong 6 Hunyo 1932 kina Mariano Christian Michael, Andreas Frederic, at Wolfgang Matthias. Pumanaw si
Aguilar, isang abogado at Encarnacion Alcuaz. Layon ng amang maging Alcuaz noong 2 Pebrero 2011. (RVR) (ed GSZ)
Álim
Ang Álim ang isa sa dalawang epikong-bayan ng mga Ifugaw. Isa itong
epikong panrelihiyon na inaawit kapag may namatay o kapag mayroong
may sakit sa pamilya. Inaawit din ang Alim kapag inilalagay ang hagabi
o ang bul-ul sa tahanan ng mga Ifugaw. Kasabay ng pag-awit ng Alim ay
ang pagdaraos ng kanyaw.

Nagsisimula ang epikong-bayan sa panahong masagana ang pamumuhay


ng mga tao. Nakakukuha ng pagkain ang mga tao kailanman nilá ito naisin
at naibibigay ng kalikásan ang kanilang nais. Ngunit dahil sa pagmamalabis
ng tao, nagalit ang mga diyos. Nagkaroon ng malaking bahâ at namatay
ang lahat ng tao, maliban kay Bugan na umakyat sa Bundok Kalawitan.
Nang humupa ang bahâ, inakala ni Bugan na siyá na lámang ang natirang
tao. Sa kaniyang paghahanap ng makakain, kaniyang natagpuan na buháy
rin ang kaniyang kapatid na si Wigan. Magkasáma siláng naghanap ng
makakain. Tumira silá sa tabi ng ilog upang mas madalî siláng makakuha
ng pagkain. Ilang araw ang lumipas, nalaman ni Wigan na nagdadalang-
tao siyá. Nagpunta si Bugan sa tabing-ilog upang magpakamatay dahil sa
kahihiyan na nabuntis niyá ang kapatid. Ngunit, nagpakita ang diyos na si
Makanungan upang pigilin siyá. Ikinasal ni Makanungan ang dalawa at
nagkaroon ng siyam na anak. Nagkaroon ng taggutom sa kanilang lugar.
Nag-alay ang mag-asawa ng dagâ upang matigil ang kahirapan ngunit
hindi pa rin nawala ang taggutom. Ipinasiya ng mag-asawa na ialay ang
kanilang bunsong anak na si Igon. Hindi natuwa si Makanungan sa ginawa
ng mag-asawa. Bilang parusa, kaniyang ipinaghiwalay ang mga tao sa
iba’t ibang bahagi ng kalupaan at isinumpang mag-aaway silá sa tuwing
magkakatagpo. (SJ) (ed VSA)

Guhit nina Erika Sevilla at Jean Estella


Virgilio S. Almario
(9 Marso 1944—)
Si Virgilio S.Almario (Ver·híl·yo EsAl·már·yo) ay isa sa mga nangungunang
makata, iskolar, at kritiko sa bansa, bukod sa pagiging mahusay na propesor,
tagasalin, pabliser, editor, leksikograpo, at tagapamahalang pangkultura.
Dahil sa mga naiambag niyá sa iba’t ibang larangan ng sining at kulturang
Filipino, lalo na sa larangan ng panitikan, kinilala siyáng Pambansang
Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 2003.
Bilang makata, kilala siyá bilang si Rio Alma. Inilathala niyá noong 1967
ang kaniyang unang koleksiyon ng mga tula, ang Makinasyon at Ilang
Tula. Sinundan ito ng sampu pang koleksiyon. Lahat ng nailathala niyáng
tula ay tinipon ng U.P. Press at inilimbag sa dalawang tomong Una Kong
Milenyum.
Isa rin si Almario sa pinakamasigasig na iskolar at kritiko sa panitikan
ng Filipinas, lalo na sa panulaang Tagalog. Noong 1972, inilathala
niyá ang Ang Makata sa Panahon ng Makina, isang kalipunan ng mga
panunuring pampanulaan. Sinundan pa ito ng mga pag-aaral hinggil sa
kasaysayang pampanulaan at mga pananaliksik tungkol sa katutubong
tradisyon ng pagtula, kabílang ang Taludtod at Talinghaga (1965; 1991),
Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino (1981), Balagtasismo
Versus Modernismo (1984), Kung Sino ang Kumatha Kina Bagongbanta,
Ossorio, Herrera, atbp. (1992), Panitikan ng Rebolusyon (g 1896) (1993),
at Pag-unawa sa Ating Pagtula (2006), Mahigit Sansiglo ng Makabagong
Tula sa Filipinas (2006).
ng Sining (1992) ng Lungsod Maynila; Gantimpalang Quezon (1993) ng
Ang kaniyang pagsubaybay sa wikang Filipino ay makikita sa Filipino Lungsod Quezon. Pinakahuling pagkilalang natanggap niyá ang Gawad
ng mga Filipino (1993; 2009) at Tradisyon at Wikang Filipino (1998), Diwa ng Lahi ng Lungsod Maynila (2010).
Patnubay sa Masinop na Pagsulat (1981), isang manwal sa estilo, at
UP Diksiyonaryong Filipino (2001; 2010), ang maituturing ngayong Ipinanganak si Almario sa Camias, San Miguel de Mayumo, Bulacan
pinakakomprehensibong monolingguwal na diksiyonaryo sa wikang kina Ricardo Almario at Feliciana Senadren. Nagtapos siyá ng A.B.
pambansa. Nagsalin din si Almario ng mga halimbawa ng pinakamahuhusay Political Science sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1963 at naging guro
na akda ng daigdig at inilibro sa Makabagong Tinig ng Siglo (1989). sa San Miguel High School, na kaniya ring pinagtapusan ng kaniyang
Nagsalin din siyá para sa teatro, at isinalin ang Noli at Fili (1999) ni Rizal, sekundaryang pag-aaral. Pagkaraan, nagturo siyá sa Department of
na kinilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagsasalin ng Manila Philippine Studies ng Pamantasang Ateneo de Manila noong 1969. Nang
Critics Circle. Bukod dito, naging lider siyá sa akademya, at sa mga magturo siyá sa Philippine Science High School, kumuha siyá ng M.A.
organisasyong pangkultura, at naging guro ng mga kabataang manunulat sa Filipino sa U.P. at natamo niyá ang digri noong 1974. Noong 2009,
gaya sa LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo). pinagkalooban siyá ng honoris causa ng University of Regina Carmeli ng
Bulacan at sa kasalukuyan, siyá ay professor emeritus sa U.P.
Dahil dito, tumanggap siyá ng maraming gawad at gantimpala, gaya ng
TOYM para sa panitikan (1983), Southeast Asia Write Award of Bangkok Ikinasal siyá kay Emelina B. Soriano at biniyayaan ng tatlong anak, sina
(1989), Dangal ng Lipi Award (1993; 2008) ng Bulacan; Gawad Patnubay Asa Victoria, Ani Rosa, at Agno Virgilio. (GSZ)
Alunsína
Isang sinaunang alamat sa Panay ang naniniwalang walang langit at lupa
noong araw hanggang biglang lumitaw sina Tungkúng Lángit at Alunsína.
Niligawan ni Tungkung Langit si Alunsina, at nang magkaibigan ay
nanirahan silá sa isang pook na maluwalhati. Doon sa ang tubig ay laging
maligamgam at ang simoy ay laging malamig. Ngunit masipag na bathala
si Tungkung Langit at malimit na naglalakbay sa malayò sa pagsasaayos
ng bagay-bagay sa santinakpan. Malimit sa gayong maiwang mag-isa si
Alunsina at sa dulo’y naging panibughuin.

Isang araw na mag-away silá ay biglang nagpasiyang lumayas si Alunsina


at hindi na nagbalik. Malumbay na naiwan si Tungkung Langit at naghintay.
Nang hindi na makatiis ay hinanap niyá ang asawa. Nabigo siyá. Dahil sa
pangungulila, naisip ni Tungkung Langit na lumikha ng bagay-bagay. Una
niyáng nilikha ang lupa at dagat. Upang magkabúhay ang lupa, lumikha
siyá ng mga hayop at halaman.

Hindi pa rin niyá malimot si Alunsina. Sa wakas, kinuha niyá ang mga
hiyas ng asawa at ikinalat sa langit sa pag-asa na mapansin ito ni Alunsina.
Ang mga butil ng kuwintas ang naging mga bituin, ang suklay ang naging
buwan, at ang putong sa ulo ang naging araw. Hindi pa rin bumalik si
Alunsina. Ayon sa matatanda, kapag lubhang namamanglaw ay umiiyak
si Tungkung Langit. Iyon ang bumabagsak na ulan. Kapag tumangis pa
si Tungkung Langit, iyon ang kulog na umalingawngaw sa lahat ng dako
upang marinig ni Alunsina. (VSA)
Vicente Alvarez
(5 Abril 1862-4 Nobyembre 1943)
Matagumpay na pinunò ng Himagsikang Filipino sa Zamboanga,
isinilang si Vicente Alvarez (Vi·sén·te Al·va·réz) noong 5 Abril 1862 kina
Alejo Villasis Alvarez at Isidora Solis. Dahil malapit ang ama niyá kay
Gobernador Heneral Ramon Blanco ay ginawa siyá nitóng segundo oficial
mayor sa Malacañang. Malamit siyáng magbiyahe sa Mindanao at Sulu
kayâ naging kaibigan siyá sa mga katutubo doon. Ngunit sanhi din ito
ng nasaksihan niyáng pagmamalabis ng mga Espanyol sa mga katutubo,
bukod sa mababàng trato sa mga Muslim.
Sumapi siyá sa Katipunan at nagtatag ng sangay nitó sa Zamboanga.
Dahil sa pagsiklab ng Himagsikang 1896 ay hinatak ang mga puwersang
Espanyol mulang Zamboanga upang idestino sa Luzon. Sinamantala ni
Alvarez ang nabawasang puwersang Espanyol at sinimulan ang pag-aalsa
sa Zamboanga noong Marso 1898. Nakuha niyá ang buong peninsula
maliban sa mabigat na tanggulan ng daungan ng Lungsod Zamboanga
at Fuerza Pilar. Dahil sa kaniyang tagumpay, hinirang siyá ni Pangulong
Aguinaldo na lider ng gobyerno sa Zamboanga at Basilan.
Pinakamalaking tagumpay niyá ang pagbihag sa 13 bapor pandigma ng
mga Espanyol noong 7 Abril 1898. Bahagi ang mga bapor ng plota ni
Almirante Patricio Montojo na nakahimpil sa Kipot Basilan. Sa tulong ng
dilim, pinangunahan ni Alvarez ang 100 manghihimagsik na lumusob sa
mga bapor, pinatay ang mga opisyal, at inilipat ang mga ito sa bayan ng
Mercedes. Noong 4 Mayo 1899, kinubkob ng hukbo ni Alvarez ang buong
daungan at kuta ng Zamboanga at kinuha ito pagkaraan ng madugong
labanan. Dahil dito, iginawad sa kaniya ni Aguinaldo ang ranggong
heneral.
Noong 1900, inalok siyá ng mga Amerikano ng P75,000 para sumuko.
Tinanggihan niyá ang alok. Nabihag siyá sa kabundukan ng Oroquieta,
Misamis Oriental noong Marso 1900, dinalá sa Maynila, at ipiniit
hanggang sumumpa ng katapatan sa Estados Unidos noong 2 Agosto 1901.
Minahalaga ng mga Amerikano ang kaniyang karanasan kayâ binigyan
siyá ng posisyon sa pamamahala ng Moro Province. Noong 20 Oktubre
1904, naging opisyal siyá sa Konstabularya ng Filipinas. Namatay siyá
sa panahon ng Hapon noong 4 Nobyembre 1943 sa gulang na 81 taón.
(VSA)
Encarnacion A. Alzona
(23 Marso 1895-13 Marso 2001)
Pambansang Alagad ng Agham si Encarnacion Alzona (En·kar·nas·yón
Al·zó·na) bilang isang pangunahing historyador at mananaliksik sa
kasaysayan. Kilala rin siyáng masugid na tagapagtaguyod ng kagalingan
at karapatan ng kababaihang Filipino. Pinangunahan niyá ang paggiit sa
karapatan ng kababaihan upang makaboto nang malaya. Bilang pagkilala
sa kaniyang natatangi at makabuluhang pag-aambag sa larangan ng
historyograpiyang Filipino at paggabay sa mga sumunod na henerasyon
ng mga akademiko at historyador, iginawad sa kaniya ang Pambansang
Alagad ng Agham (National Scientist) noong 1985.

Nilimbag noong 1932 ang A History of Education in the Philippines 1565-


1930. Ito ang kauna-unahang aklat na sinulat ni Alzona. Komprehensibong
tinalalakay nitó ang pag-unlad at mga makabuluhang pangyayari sa
sistema ng edukasyon at kultura sa Filipinas mula sa pananakop ng mga
Espanyol hanggang sa kolonyal na paghahari ng Estados Unidos. Ayon sa
mga dalubhasa, ang akdang pangkasaysayan ni Alzona ay maituturing na
pinakakompleto at lahatang-panig na pananaliliksik hinggil sa kalagayan ng
edukasyon. Naging pangunahin din siyáng tagasalin at tagapagpaliwanag
ng mga akda ni Rizal. (SMP) (ed GSZ)
ambáhan
Nabanggit ni Fray Ignacio Francico Alcina (1668) ang ambáhan bilang
isa sa mga sinaunang anyo ng pagtula ng mga Bisaya. Walang dagdag
na impormasyon si Alcina. Ngunit naging popular ngayon ang ambáhan
dahil kay Antoon Postma at sa kaniyang saliksik sa buhay at kultura ng
Hanunoo Mangyan sa Mindoro. Naglabas pa ng isang aklat na koleksiyon
ng mga tulang Mangyan si Postma (muling nalathala 1981). Alinsunod sa
paliwanag at mga halimbawang tula, ang ambáhan ay isang katutubong
anyo ng pagtula ng mga Hanunoo Mangyan at may sukat na pipituhin
ang bawat taludtod. Regular ding may tugma ang bawat dalawang
magkasunod na taludtod, bagaman walang tiyak na bilang ng taludtod
ang bawat magkakatugmang mga taludtod. Wala ding tiyak na bilang ng
mga taludtod. May ambáhang tatlo lámang taludtod ngunit may ambáhang
umaabot sa 20 taludtod. Binibigkas/inaawit ang tula para sa isang okasyon,
mula sa ganitong halimbawa sa mapagbirong pag-aalaga ng batà:

Kaw danga maglumi Huwag ka ngang umiyak


Kita madnugan kuti Bakâ magising ang pusa
Kuti gin sa siyangi Pusang mula pa sa siyangi
Mag-ingaw magyangyangi Ngumiyaw at mag-ingay
Kita ud may ibawi Wala kitang pambugaw
Kantam bangkaw nabari Sibat natin ay nabali
Kita utak nalumbi. Itak natin ay nabingaw.

Hanggang pangingibig, pagtatrabaho, at paglalarawan ng kanilang daigdig.


Hitik ito sa talinghaga, gaya ng sumusunod:

Tigday na nawa naw-an Ang tabak kung bago pa


Tigdayan sa daramgan Ikiskis sa hasaan
Bag-o tigday sa kaywan Itaga sa kakahuyan
Siyan nga panmanlangan At sakâ ito subukan
Sa kiling sa kawayan. Sa pagkayas ng kawayan.
Tula ito hinggil sa edukasyon ng kabataan. Inihambing sa tabak ang mga
karanasang kailangang matutuhan at pagdaanan ng kabataan upang higit
na maging kapaki-pakinabang sa lipunan. (VSA)
amíhan
Amíhan ang tawag sa simoy mula sa hilaga o hilagang-silangan.
Nagmumula ito sa bahaging Siberia at Tsina. Nagdudulot ito ng
katamtamang temperatura, may daláng ulan ngunit madalas ay wala, at
hanging mula sa silangan. Nagsisimula ito tuwing Setyembre o Oktubre
at nagtatapos ng Mayo o Hunyo subalit maaaring magbago depende sa
kondisyon ng panahon sa bawat taon. Tinatawag itong aguy-óy, balás
o sabalás ng mga Tagalog at Kapampangan, at amyán ng mga Ilokano,
Maranaw, at Panggasinense.
Itinuturing ng sinaunang paniwala na isang mahinhin at mapagpalàng
simoy ang amihan, lalo’t humihihip ito sa panahon ng anihan ng palay
kung Disyembre. Sa malaking titik, ang Amihan ay isa ring mitikong ibon
sa alamat ng mga Tagalog at isa sa mga nilaláng na nabuhay sa santinakpan
kasáma sina Bathalà at Amansináya. Ito ang tumuka sa kawayan na
nang mabiyak ay naglabas sa mga unang tao sa mundo—sina Malakás at
Magandá. (AMP) (ed VSA)
Fernándo C. Amorsólo
(30 Mayo 1892-24 Abril 1972)
Si Fernándo C. Amorsólo ang pinakaunang ginawaran ng karangalang
Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1972. Si Amorsolo ang
pinakamaningning na kinatawan ng panahong klasiko sa sining biswal sa
Filipinas. Kinikilala rin siyáng “Ang Maestro” at “Grand Old Man” ng
sining sa Filipinas noong nabubuhay pa.

Ang malikhaing paggamit ng liwanag, sa partikular, ng backlighting, ang


pinakamalaking kontribusyon ni Amorsolo sa pagpipinta sa Filipinas. Ang
tingkad ng maningning na liwanag na nagmumula sa likuran ng kaniyang
mga paksa ay nagtatampok sa isang bahagi ng kaniyang kambas—sa mga
dahon ng mga punò, tikwas ng buhok, ngiti sa mga labì, at umbok ng dibdib
ng dalagang Filipina. Masaklaw ang larangan ng mga obra ni Amorsolo—
mula sa mga portrait ng mga kilala at mayayamang tao, larawan ng mga
tanawin, hanggang sa dibuho sa mga pabalat ng libro at magasin. Ngunit
naging tatak ng likhang Amorsolo ang pagtatanghal ng mga payak, payapa,
at pang-araw-araw na buhay ng mga naninirahan sa lalawigan.

Ang mataas na antas ng kasiningan ay napanatili ni Amorosolo sa kabila ng


dalas at dami nitó. Ang mga pinturang oleo pa lamang niyá ay tinatayang
aabot na sa libo. Dahil sa mga tiyak na hagod ay mabilis na natatapos
ni Amorsolo ang kaniyang mga likha. Ang tatlong malalaking pintura
niyá para sa Philippine Pavillion na ginamit sa 1931 Paris Exposition ay
natapos niyá sa loob lamang ng isang buwan. Ilan pa sa mga kilalang obra
ni Amorsolo ay ang Maiden in a Stream, Dalagang Bukid, Lavanderas,
Family in a Banca, Tinikling, Harvest Scene at Barrio Fiesta. Ang Rice
Planting na ginawa ni Amorsolo noong 1922 ay naging pinakapopular na
hulagway sa panahon ng Komonwelt. Lumikha rin siyá ng mga obrang
nagtatanghal sa kasaysayan ng Filipinas gaya ng Early Filipino State
Wedding, Traders, Sikatuna, The First Mass in the Philippines, The Self-Portrait (1942)
Building of Intramuros, at Burning of the Idol.
Kabílang sa mga pagkilalang iginawad sa kaniya ang Outstanding UP
Isinilang siyá noong 30 Mayo 1892 sa Calle Herran sa Paco, Maynila sa Alumnus, 1940; Rizal Pro-Patria Award, 1961; Patnubay ng Sining at
mag-asawang Pedro Amorsolo at Bonifacia Cueto. Ang malaking bahagi Kalinangan Award mula sa Lungsod Maynila, 1963; Republic Cultural
ng kaniyang kabataan ay ipinamalagi niyá sa Daet, Camarines Norte. Nag- Heritage Award, 1967; at Gawad CCP para sa Sining, 1972.
aral siyá sa Unibersidad ng Pilipinas School of Fine Arts na pinagturuan
din ng kaniyang tiyuhing pintor na si Fabian de la Rosa. Isa siyá sa mga Lumikha siyá ng mga obra hanggang sa mamatay noong 24 Abril 1972.
pinakaunang nagtapos doon at nagkamit pa ng maraming karangalan. (RVR) (ed GSZ)
anáhaw
Ang anáhaw (Livistona rotundifolia) ay katutubong palma na may makinis
na bunged o punò ng kahoy at may mga dahong nakakumpol sa dulo ng
bunged. Itinuturing itong Pambansang Dahon ng Filipinas.

Ang dahon ng anahaw ay malapad at pabilog at kulay berde. Ang tangkay


ng dahon ay matinik at tumutubò nang paikot sa sariling katawan nitó.
Ang anahaw ay umaabot sa taas na 20 metro kung ito ay tumutubò sa likas
na kaligiran sa kagubatan. Ngunit kung ito nama’y nasa hardin o iba pang
artipisyal na lugar, tila napipigil ang paglaki at pagtaas ng palmang ito.

Ang dahon ng anahaw ay maaaring gamitin bilang materyal sa paggawa


ng bubong ng mga bahay kubo. Dahil sa kintab at hugis ng dahon nitó,
nagagamit din itong pandekorasyon kapag may espesyal na pagdiriwang.
Ang dahon nitó ay pinagtatagni at ginagamit noong kalapyaw, ang tawag
sa sinaunang kapote. Ang buko nitó ay iginugulay at kinakain. Ang punò
ng kahoy o katawan nitó ay ginagamit namang sahig ng mga sasakyang
pandagat o pundasyon ng bahay. (SAO) (ed GSZ)
Anák Dálitâ
Idinirihe ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro at Pelikula
Lamberto Avellana ang pelikulang Anák Dálitâ (1956). Hinggil ito
sa paghihirap at pagsisikap ng isang beterano ng digmaan sa Korea sa
loob ng pamayanang umusbong sa guho ng Intramuros. Nasangkot siyá
sa trabahong ilegal at sa pag-ibig ng isang mang-aaliw sa nightclub.
Ginampanan nina Tony Santos Sr. at Rosa Rosal ang mga pangunahing
tauhan ng kuwento. Ginawaran ang pelikula ng Gantimpalang Gintong
Ani para sa pinakamahusay na pelikula ng 1956 Asian Film Festival at
naglunsad sa katanyagan ng pelikulang Filipino sa mga internasyonal na
timpalak at festival.

Bunga ng pagnanais ng ikalawang henerasyong prodyuser na si Manuel de


Leon ng LVN Pictures na gumawa ng pelikulang mailalaban sa pamanta-
yang internasyonal hindi man kumita, binigyan ng laya ang direktor sa
paglikha. Sa ganitong sistema din nabigyan ng pagkakataon ang tambalan
ng dáting kontrabidang si Rosa Rosal at ng dáting tagasuportang aktor
lámang na si Tony Santos Sr.

Kinikilála ng mga iskolar ang Anák Dálitâ bilang mahalagang pelikula ng


Unang Gintong Panahon ng Sineng Filipino. Neo-Realismo ang estilo ng
pelikula at naitampok na tagpuan ang sinematikong arkitektura ng mga
pook ng karukhaan. Naihahambing ng mga iskolar ang ganitong padron
sa ibang mahahalagang direktor sa Filipinas ng mga sumunod pang mga
dekada, gaya ni Lino Brocka ng 1970s hanggang 1980s at ni Brillante
Mendoza sa kasalukuyan. (GCA) (ed VSA)
Ang Kiukok
(1 Marso 1931-9 Mayo 2005)
Si Ang Kiukok (Ang Ki·yú·kok) ay hinirang na Pambansang Alagad ng
Sining para sa Sining Biswal noong 2001. Kinikilala siyáng pangunahing
modernistang pintor sa Filipinas.
Ang likhang Kiukok ay may matingkad na partikularidad sa estilo, disenyo,
at pamamaran. Mayroon itong tiyak na kaisahan, identidad na biswal, at
sistema ng metapora kayâ ang mga obra niyá ay kagyat na nakikilala.
Tanyag sa kaniyang mga ekspresyonistang rendisyon ang karaniwang mga
bagay-bagay gaya ng aso, pusa, isda, kalansay, tinik, sabong, basurang-
pabrika, barb wayr, gayundin ang mga kadalasang tema sa sining na mag-
ina, magsing-irog, hubad na katawan, at krusipiho.
Sinasabing nagpapahiwatig ng maiigting na damdamin, tulad ng pusok,
dahas, hinagpis, pagpapakasakit, at linggatong ang kalakhan ng mga
larawang ipininta ni Kiukok. Mga imaheng karima-rimarim at kagila-gilalas
ang mahalagang bahagi ng kaniyang mga pinta. Matingkad ang mga kulay,
marahas ang hagod ng pinsel, siksik at makipot ang mga espasyo, dinamiko
at tensiyonado. Mababanaag ang pagsasanib ng impluwensiyang kubismo,
ekspresyonismo, at surealismo sa kaniyang mga likha. Ang mga tauhan
sa kaniyang mga pintura ay mga payaso, magbubukid, manggagawa, at
mangingisda. Madalas niyáng itinatampok ang tema ng pagkakabitag at
pagpupumiglas.
Mahalagang bahagi ng mga obra ni Kiukok ay ang serye ng krusipiho.
Malayo sa taimtim o realistikong kopya ng importanteng sagisag na ito ng
Katolisismo, sa sining ni Kiukok ay naging mabisang pagpapahayag ng
pighati at pagpapakasakit ang krusipiho. Naging mabisang behikulo ito sa
sining na nakagigitla, umaantig, at sa proseso ay nagmumulat.
Hagip ng sining ni Kiukok ang konteksto ng pasismo ng batas militar.
Sinagisag ito sa kaniyang mga sundalong unipormado at may aserong
helmet na mabalasik at sumisinghal. Ipinahihiwatig sa kaniyang mga Kinatawan niyá ang Filipinas sa maraming internasyonal na pagtatanghal
pigurang hubo’t hubad ang paghuhumiyaw, ang pagkalugmok, at pag- pansining sa Asia kayâ naman ang kaniyang mga gawa ay isa sa mga mas
alpas. kilala sa bahaging ito ng daigdig.

Sina Vicente Ang at Chin Lim, mga migranteng Tsino na nanahanan sa Nagtamo na si Kiukok ng mga gawad mula sa Arts Association of the
Lungsod Davao, ang kaniyang mga magulang. Nagtapos siyá ng digri sa Philippines (AAP), pambansang patimpalak sa sining ng Shell, National
sining sa UST (1952- 1954). Si Vicente Manansala ay isa sa kaniyang mga Museum of Modern Art sa Hawaii, at Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.
naging guro. Kayâ naman mababanaag ang impluwensiya ng kubismo ni Kinilala rin siyáng Outstanding Overseas Chinese (1961) at pinagkalooban
Manansala sa kaniyang mga naunang pintura. ng Araw ng Maynila Award (1976). (RVR) (ed GSZ)

aníto
Aníto ang tawag sa sinaunang espiritu ng mga ninuno o espiritu ng
kalikasan na sinasamba ng mga Filipino noong araw. Itinuturing na
mabubuting espiritu, ang mga anito ay nagsisilbing tagapagtanggol laban
sa masasamang espiritu sa lawas ng kagubatan. Itinuturing rin sila ng ilang
grupong etniko bilang tagapangalaga ng kalikasan at bilang bantay o kawal
ng mga di-binyagan.

Laganap ang mga anito sa mga agrikultural na pamayanan ng Luzon.


Kalimitang nag-aalay sa mga anito ng pagkain o atang at iba pang bagay
ang mga tao para magkaroon sila ng masagana at payapang pamumuhay.
Mga anito ang pinaniniwalaan at sinasamba ng mga katutubong Filipino
bago dumating ang Espanyol.

Ang mga anito ay maaaring katawanin ng anomang bagay: imaheng


kawangis ng tao na yari sa kahoy, isang pirasong kahoy, inukit na bato o
maaari ring bagay na hindi nahihipo o nakikita tulad ng hangin, liwanag at
dilim, o isang tinig.

Nang dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristiyanismo,


nahalinhan ang mga anito ng pagsamba sa Diyos at iba pang mga santo.
Gayunman, masasabing ang ilang paniniwala kaugnay ng anito ay maaaring
nagpatuloy hanggang sa kasalukuyan. Dahil dito, may ilang Filipinong
iskolar na naglarawan sa relihiyong ipinakilala ng mga Espanyol na
isinapraktika ng mga Filipino bilang Folk Christianity. (JCN) (ed GSZ)
Pablo S. Antonio
(25 Enero 1901-14 Hunyo 1975)
Isang arkitekto si Pablo S. Antonio (Páb·lo Es An·tón·yo) at itinuturing
na tagapaghawan ng landas para sa modernong arkitektura na umaangkop
sa kaligiran, kaugalian, at pangangailangan ng mga Filipino. Iginawad sa
kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Arkitektura noong 1976.

Sa kaniyang mahigit 43 taon sa larangan ng arkitektura, ang kaniyang


mataas na kalidad ng paggawa at walang kapares na pagpapahalaga sa
propesyon ay katangi-tangi at nagsilbing inspirasyon sa mga sumusunod
sa kaniyang yapak. Pinili niyá na gumawa nang may pagpapahalaga sa
kalikasan. Kilalá ang likhang Antonio sa paggamit ng natural na liwanag
at bentilasyon at kung gayon ay walang pag-aaksaya sa enerhiya, malilinis
at makikinis na mga linya, mga kurbang nakapaloob sa mga estruktura, at
malalaking bukás na espasyo at mayayabong na hardin. Naniniwala siyá
na ang mga Filipino ay mga bukás na tao, hindi nakagawian ang harang
o hanggahan. Kayâ naman ang mga bahay na likha ni Antonio ay may
malawak na sala na nakaugnay sa iba pang parte ng bahay nang walang
harang o dibisyon.

Binago ni Antonio ang mukha ng Kamaynilaan. Si Antonio ang namahala


sa konstruksiyon ng Executive Building sa Taft Avenue kanto ng P. Burgos
St. (ngayon ay National Museum). Siyá ang arkitekto ng maraming gusali
ng mga paaralan-Nicanor Reyes Hall, Administration Building, Home
Economics Building, at Girls High School ng Far Eastern University;
Auditorium at Executive Offices ng University of the East; at Afable
College of Medicine. Itinayô rin niyá ang mga opisina, ospital, at iba pang
gusaling pampubliko tulad ng PNB head office at mga branch offices, Singer
Sewing Machine Office, mga estasyon at terminal ng Manila Railroad
Company, Cartimar Shopping Center, Bel-Air Apartment na matatagpuan
sa Roxas Blvd., Taliba-Vanguardia-Times Annex Bldg, Ramon Roces
Publications Building (ngayon ay Guzman Institute of Technology),
Manila City Hospital (ngayon ay National Children’s Hospital), at De La Works upang matustusan ang sariling pag-aaral sa paaralang sekundarya
Salle Chapel. at sa Mapua Institute of Technology hanggang makatapos ng kursong
Arkitektura. Kumuha siyá ng karagdagang pag-aaral sa University of
Ipinanganak siyá noong 25 Enero 1901 sa Balanga, Bataan. Nakaisang- London sa England sa tulong ni Don Ramon A. Arevalo. Sa kompanya
dibdib siyá ni Marina Reyes, isang bantog na pangalan sa haute couture ni Don Ramon na Sta. Clara Lumber Company maglilingkod si Antonio
noon at biniyayaan ng anim na anak. Tatlo rito ay naging mga arkitekto rin, bilang ganap na arkitekto hanggang sa maitayô nitó ang sariling kompanya.
sina Pablo Jr., Luis, at Ramon. Naging draftsman siyá sa Bureau of Public (RVR) (ed VSA)
Gaspar Aquino de Belen
Itinuturing na unang pangunahing makatang Tagalog sa panahon ng
kolonyalismong Espanyol si Gaspar Aquino De Belen (Gas·pár A·kí·no
De Be·lén). Kinikilála siyá sa kaniyang Ang Mahal na Passion ni Iesu
Christong P. Natin na Tola, ang unang nalathalang pasyong tula sa bansa.
Nalathala ang nasabing pasyon bilang bahagi ng kaniyang librong Manga
panalanging pagtatagobilin sa caloloua nang tauong naghihingalo
(1703), na salin ng Recomendacion del alma ni Tomas de Villacastin.
Naglalaman ito ng mga hakbang sa pagpapahid ng santo oleo sa maysakít
at naghihingalo at iba pang ritwal at dasal para sa pagliligtas ng kaniyang
kaluluwa. Ito ang dahilan, ayon kay Bienvenido Lumbera, kayâ ang Ang
Mahal na Passion ni Aquino de Belen ay sumasaklaw lámang sa hulíng
yugto ng búhay ni Hesukristo.

Itinatag ng Ang Mahal na Passion ang anyo ng saknong ng pasyón.


Binubuo ang saknong ng limang taludtod na may isáhang tugma at ang
bawat taludtod ay may súkat na walong pantig. Kinilála rin ni Lumbera
ang husay ni Aquino de Belen tungo sa pagsasakatutubo ng ilang diwa ng
búhay ni Kristo at nakatulong upang madalî itong maunawaan ng madla.
Halimbawa, sinurot ng awtor si Hudas matapos pagtaksilan si Hesus
ngunit hindi dahil nagkasála sa Diyos. Sa halip, ang ipinansurot ay ang
katutubong konsepto ng utang-na-loob. Ipinaalaala na lumaki si Hudas na
matalik na kaibigan ni Hesus, itinuring siyáng “kasambaháy” sa bahay
ni Maria, nagsálo silá sa pagkain, at ipinaghahain ng kahit bahaw kapag
naligaw sa tahanan nina Hesus. Sa maikling salitâ, sa hálagáhang Filipino,
si Hudas ay walang utang-na-loob:

Di cayo,y, nagsasangbahay,
Iysa ang inyong dulang?
Cun icao ay longmiligao,
May laan sa iyong bahao,
Canin, at anoanoman.
Walang gaanong ulat sa búhay ni Aquino de Belen. Isinilang siyá sa
Rosario, Batangas at naging tagapangasiwa ng imprenta ng mga Heswita
sa Maynila mula 1704 hanggang 1716. Bahagi siyá ng principalia at
nagkaroon ng edukasyong naghanda sa kaniya bilang isang mahusay na
tagapangasiwa ng imprenta. (VSA)
Benigno Aquino Jr.
(27 Nobyembre 1932-21 Agosto 1983)
Si Benigno Simeon Aquino Jr. (Be·níg·no Sim·yón A·kí·no), mas kilala
bilang “Ninoy,” ay isang Filipinong senador na naging pangunahing kritiko
laban kay Pangulong Ferdinand E. Marcos noong panahon ng diktadura.
Pinaslang siyá sa Paliparang Pandaigdig ng Maynila pagkauwi mula sa
destiyero sa Estados Unidos. Ang kaniyang pagkamatay ang nagsilbing
mitsa ng pagkakaluklok ng kaniyang maybahay, si Corazon Cojuangco
Aquino, bilang Pangulo na pumalit sa 20 taóng rehimeng Marcos.

Isinilang siyá sa Concepcion, Tarlac noong 27 Nobyembre 1932 kina


Aurora Aquino-Aquino at Benigno S. Aquino Sr., dating Assemblyman.
Ang kaniyang lolo, si Servillano Aquino, ay isang heneral sa hukbong
rebolusyonaryo ni Emilio Aguinaldo. Pumasok siyá sa Ateneo de Manila
upang mag-aral ng batsilyer sa sining. Hindi niyá ito natapos sapagkat
pinilìng maging peryodista. Sa edad 17, si Aquino, para sa pahayagang
The Manila Times ni Joaquin “Chino” Roces, ang naging pinakabatàng
korespondent para sa Digmaang Korea, at sinundan niyá doon ang mga
gawain ng mga sundalong Filipino (PEFTOK). Natamo niyá dahil sa
Korea ang Philippine Legion of Honor na iginawad sa kaniya ni Pangulong
Elpidio Quirino sa edad na 18. Kumuha siyá ng abogasya sa Unibersidad
ng Pilipinas, ngunit hindi niyá rin ito natapos.

Sa edad na 22, nahalal si Aquino bilang alkalde ng Concepcion, Tarlac. Siyá


ang naging pinakabatàng bise-gobernador noon ng bansa sa edad na 27.
Dalawang taon lang ang lilipas bago siyá maging gobernador ng lalawigan.
Noong 1967, sa edad 34, siyá ang naging pinakabatàng halal na senador
sa kasaysayan ng Filipinas. Di malaon ay umusbong si Aquino bilang
pangunahing kritiko laban kay Marcos at sa asawa nitóng si Imelda.

Nang ipahayag ang Batas Militar noong Setyembre 1972, dinakip si kaniyang anak na si Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III.
Aquino at nakulong ng maraming taon. Nagkaroon siyá ng sakit sa puso at
pinahintulutang lumabas ng bansa upang maoperahan sa Estados Unidos. Bilang pagpapahalaga, ipinangalan ang paliparang tagpo ng kaniyang
Sinubok niyáng bumalik sa Filipinas noong 1983, ngunit pagtuntong pa kamatayan bilang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Makikita
lamang niyá sa paliparan ng MIA, binaril siyá sa ulo. Ang pagpaslang ang kaniyang imahen sa 500 pisong papel ng Bangko Sentral ng
sa kaniya ang isa sa mga pangyayaring nagdulot sa People Power Pilipinas, at matatagpuan ang kaniyang monumento sa sentrong distritong
(EDSA) Revolution ng 1986 na nagbalik ng kalayaan sa taumbayan, at pangkalakaran ng Lungsod Makati. (PKJ) (ed VSA)
sa pagkakaluklok sa kaniyang iniwang maybahay na si Corazon Aquino
bilang Pangulo ng bansa. Noong 2010, nahalal din bilang pangulo ang
Benigno Simeon C. Aquino III
(8 Pebrero 1960—)
Tulad ng kaniyang inang si Pangulong Corazon C. Aquino, isang “di-
akalaing” pangulo ng Republika ng Filipinas si Benigno Simeon C.
Aquino III (Be·níg·no Sim·yón Si A·kí·no) nang kumandidato at magwagi
sa halalang 2010. Hindi siyá kasáma sa mga pinagpipiliang kakandidato
sa simula ng kampanya para sa eleksiyon. Sa gayon, bukod sa nahulí sa
pagtakbo ay minaliit ang kaniyang kakayahan, mahiná ang makinaryang
pampolitika, at kulang sa pondo. Ngunit sinasabing dinalá siyá sa tagumpay
ng bagong silakbo ng “Cory phenomenom” dahil sa pagpanaw ng ina
noong 1 Agosto 2009.

Isinilang si Noynoy (ang palayaw niyá) o PNoy (ang itinawag sa kaniya


pagkaraang manalo) noong 8 Pebrero 1960 sa Maynila at pangatlo sa limang
anak nina Benigno (Ninoy) Aquino Jr at Corazon (Tita Cory) Cojuangco
Aquino. Ikaapat na salinlahi na siyá ng mga politiko sa pamilya, mula kay
Servillano Aquino na delegado sa Kongresong Malolos, lolong si Benigno
Aquino Sr. na ispiker sa Mababàng Kapulungan noong 1943-1944, at mga
magulang. Nagtapos siyá sa Ateneo de Manila noong 1981 at kasáma ng
pamilya nang kusang madestiyero si Ninoy sa Estados Unidos. Nagbalik
siyá pagkatapos paslangin si Ninoy noong 1983 at tahimik na nagtrabaho
sa pribadong sektor. Nahalal siyá sa Mababàng Kapulungan noong 1998 at
muling nahalal noong 2001 at 2004. Kumandidato siyáng senador noong
2007 at nagwagi. Sa panahong ito, sinabi nang dinalá siyá sa tagumpay ng
magkatulong na popularidad ng ina at ng artistang kapatid na si Kris.

Umugong ang panawagang kumandidato sa pagkapangulo si Noynoy


nang mamatay si Pangulong Corazon Aquino, lalo na upang ituloy
ang kampanya noon ni Tita Cory laban sa mapagmalabis na gamit sa
kapangyarihan ni Pangulong Arroyo. Matagal bago nagpasiya si Noynoy.
Kinailangan pa ang kampanyang lumikom ng sangmilyong lagda ng
taguyod sa kaniya. Kumonsulta siyá ng mga tao hanggang Mindanao.
Nang tanggapin niyá ang nominasyon sa Partido Liberal, ginawa niyang
islogan ang paghanap ng “daang matuwid” para sa pagkakaisa at kaunlaran
ng bansa. Ipinamalas niyá ang dibdibang pagsunod sa kaniyang islogan
nang ipahayag niyá pagkapanumpa bilang pangulo ang kampanya laban sa
ugaling “wangwang.” Sinundan ito ng pag-usig sa sari-saring katiwaliang
naganap sa nakaraang administrasyon. (VSA)
Maria Corazon C. Aquino
(23 Enero 1933-1 Agosto 2009)
Isang “di-akalaing” pangulo si Maria Corazon Cojuangco Aquino
(Mar·yá Ko·ra·zón Ko·hwáng·ko A·kí·no) nang iluklok siyá sa
Malacañang ng People Power sa EDSA at maging unang babaeng pangulo
ng Republika ng Filipinas. Tinapos ng Pag-aalsang EDSA ang mahigit
20 taóng pamumunò ni Pangulong Marcos at ibinalik ng pamumunò ni
Pangulong Aquino ang demokrasya sa bansa.

“Tita Cory” ang popular na tawag kay Pangulong Aquino. Taglay ng


palayaw ang pangyayaring tila isa lámang siyáng tahimik na maybahay ng
martir na si Benigno (Ninoy) Aquino Jr. ngunit isinulong sa politika dahil
sa pagpaslang kay Ninoy noong 21 Agosto 1983. Isinilang si Tita Cory sa
Maynila noong 23 Enero 1933 at anak nina Jose Cojuangco Sr. at Demetria
Sumulong na kapuwa mula sa mariwasa at politikong pamilya. Noong
1946, nagpunta sa Estados Unidos ang kaniyang pamilya kayâ doon siyá
nagtapos ng mataas na paaralan at ng kursong Batsilyer sa Sining. Bumalik
siyá sa Filipinas at kumuha ng abogasya sa Far Eastern University ngunit
hindi nakatapos dahil ikinasal kay Ninoy. Nagkaroon silá ng limang anak:
sina Maria Elena, Aurora Corazon, Victoria Eliza, Benigno III (Noynoy)
na naging pangulo ng Filipinas, at Kristina Bernadette (Kris) na isang
popular na artista.

Bago ang 1983, isang tapat na maybahay at mapagmahal na ina ang


tungkulin ni Tita Cory. Kailangan iyon upang maitaguyod ang masiklab
na karera ni Ninoy bilang politiko. Si Ninoy ang itinuturing na nag-iisang
tinig ng oposisyon sa panahon ng pamumunò ni Pangulong Marcos. Sa
eleksiyong 1967, si Ninoy lámang ang nagwaging kandidatong senador
ng tiket Liberal. Si Ninoy din ang patuloy na tumuligsa at nagbubulgar ng
mga anomalya sa administrasyon. Nang pairalin ang Batas Militar, isa si
Ninoy sa unang-unang dinakip at ipiniit. Pinawalan lámang siyá dahil sa
karamdaman at sa kondisyong magtitira sa Estados Unidos. Saksi at nása Pebrero 1986 ay nanumpa na sa umaga ng araw na iyon si Tita Cory bilang
likod ni Ninoy si Tita Cory sa buong pangyayari. pangulo. Bumuo ng Komisyong Konstitusyonal si Tita Cory upang bumuo
ng bagong Saligang-Batas. Sa kabilâ ng mga kudeta, isa-isang ibinalik ng
Nang tumawag ng Snap Elections si Pangulong Marcos noong 7 Pebrero kaniyang administrasyon ang mga demokratikong institusyon. Sinunod din
1986, napagkaisahang ilaban ng oposisyon si Tita Cory. Napasalin sa kaniya niyá ang bagong 1987 Konstitusyon na bumabâ sa tungkulin pagkatapos
ang paghanga kay Ninoy. Nang magwagi ang protesta ng taumbayan sa ng anim na taón. Ngunit patuloy siyáng pumatnubay sa takbo ng politika
pamamagitan ng mapayapang na People Power (tinatawag ngayong Pag- at hindi lumipas ang kaniyang pambihirang popularidad hanggang igupo
aalsang EDSA) at mapatalsik si Pangulong Marcos noong gabi ng 25 ng karamdaman noong 1 Agosto 2009. (VSA)
Melchora Aquino
(6 Enero 1812-2 Marso 1919)
Binansagang “Tandang Sora” si Melchora Aquino (Mel·tsó·ra A·kí·no)
bilang pagkilala sa kaniyang paglilingkod at pagkakanlong sa mga
kababayan noong Himagsikang 1896 kahit na siyá ay nasa katandaang
gulang na. Itinuturing siyá bilang “Ina ng Rebolusyong Filipino,” “Ina ng
Katipunan,” at “Ina ng Balintawak.”

Isinilang siyá sa Balintawak noong 6 Enero 1812 sa bayan ng Kalookan


(at ngayon ay matatagpuan sa Lungsod Quezon) kina Juan at Valentina
Aquino, pawang mga maralita. Sa kaniyang pagtigulang, ikinasal siyá
kay Fulgencio Ramos, isang cabeza del barrio. Nagsilang siyá ng anim
na anak. Pumanaw si Ramos noong pitong taon pa lamang ang kanilang
bunso. Kahit nag-iisang magulang, naging abala si Aquino sa mga pista,
binyag, at kasal bilang hermana mayor.

Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Espanyol noong 1896 ay 84


taong gulang na si Aquino. Ngunit hindi naging sagabal ang kaniyang edad
upang makapaglingkod sa mga Katipunero. Naging kanlungan ng mga
hapo at sugatang mandirigmang Filipino ang kaniyang tahanan at munting
tindahan, na ginagamit ding lihim na pulungan ng mga ito. Pinakakain sila
ni Tandang Sora at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pang-uusig ng mga
Espanyol. Nangangalap din siyá ng mga damit at gamot para sa kanila.
Nasaksihan niyá at ng kaniyang anak na si Juan Ramos ang pagpunit ng
mga sedula sa Unang Sigaw.

Dahil sa pagkakasangkot sa Himagsikan, hinúli siyá ng guwardiya sibil at


dumaan sa interogasyon. Tumanggi siyáng magpahayag ng kaalaman ukol
sa mga gawain ng Katipunan. Ipinatapon siyá ng mga Espanyol sa Guam
sa Islas Marianas. Nang masakop ng mga Amerikano ang Filipinas noong -Guhit ni Romulo Olazo
1898, kasama si Aquino sa mga pinalaya at pinabalik sa bansa. Namatay
siyá noong 1919 dahil sa katandaan at inilibing sa sarili niyáng bakuran, na
ngayon ay bahagi na ng Himlayang Pilipino Memorial Park. Ipinangalan
sa kaniya ang isang distrito, isang barangay, at isang pangunahing daan Ipinahayag ang taong 2012 bilang Taon ni Tandang Sora bilang paggunita
ng Lungsod Quezon. Siyá ang kauna-unahang Filipina na mailagay sa sa ikalawang sentenaryo ng kaniyang kapanganakan; inilipat ang mga labí
salaping papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas (100 pisong papel mula ni Aquino mula sa Himlayang Pilipino patungo sa Pambansang Dambana ni
1951 hanggang 1966); lumabas din siyá sa 5 sentimong barya mula 1967 Tandang Sora sa Banlat Road, Barangay Tandang Sora, Lungsod Quezon.
hanggang 1992. (PKJ) (ed VSA)
aráro
Isang pangunahin at tradisyonal na kasangkapan sa pagsasáka ang aráro
(mula sa Espanyol na arado). May mga varyant itong dáro sa Sebwano
at dádo sa Maranaw at tinatawag na lókoy sa Pangasinan. Ginagamit
ito sa pagbungkal ng malaking piraso ng bukirin, lalo na sa kapatagan,
at karaniwang hinihila ng kalabaw o báka. May paniwala na ipinakilála
lámang ito sa agrikultura ng Filipinas sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol. Hindi ito ginagamit sa pagbabakál ng bakood at kaingin. Hindi
rin gumagamit ng aráro ang pagsasáka noon ng payyo sa Cordillera.
Kinailangan ang aráro sa maluluwang at pinatubigang bukirin.

Ang tradisyonal na aráro ay binubuo ng bahaging kahoy at bahaging bakal.


Apat na piraso ng kahoy ang pinakabalangkas nitó, kasáma ang tinatawag
na lúnas, ang nakaarkong kahoy na kinakabitan ng lubid na may singkaw
ng kalabaw, at ang mataas na puluhan na tinatawag na úgit. Ang lúnas ay
pinakatiyan ng aráro at binubuo ng dalawang maikling piraso ng kahoy na
pinaghugpong sa anggulong 90 digri. Sa hugpungan ng lúnas nakakabit
ang bahaging bakal, na binubuo naman ng sudsód at lípya. Ang sudsód ay
patulís na piraso ng bakal at tulad ng ibig sabihin ng pangalan ay tumutusok
sa lupang binubungkal. Ang lípya ay hugis-pusong piraso ng bakal at
humahawi sa isang tabi sa mga tiningkal o malalaking piraso ng lupa na
iniaalsa ng sudsód. Sa kasalukuyang modernong pagsasáka, pumalit na sa
aráro ang mekanisadong traktora bilang pambungkal. May tinatawag na
kuliglíg, na tatak ng isang maliit at popular na traktorang-kamay. (VSA)
Áraw ng Kasarinlán
Opisyal at pambansang pagdiriwang ang Áraw ng Kasarinlán tuwing
Hunyo 12. Ginugunita sa araw na ito ang pagpapahayag ng kalayaan
noong ikaapat ng hápon ng 12 Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite. Ginanap ito
sa balkonahe ng matandang bahay-na-bato ni Hen. Emilio Aguinaldo na
kababalik noon mulang Hong Kong upang ipagpatuloy ang Himagsikang
Filipino laban sa mga Espanyol. Bukod sa pagbása ni Ambrosio Rianzares
Bautista sa Akta ng Pagpapahayag ng Kasarinlan, iwinagayway sa
pagkakataóng ito ang tinatawag ngayong Pambansâng Watáwat at
tinugtog ang Marcha Filipina Magdalo na naging musika ng Pambansâng
Áwit ngayon.

Ang Akta ay nilagdaan ng 98 katao, kabílang ang isang Amerikanong


koronel sa hukbo ng Estados Unidos. Noong nása Malolos, Bulacan na ang
hukbong Filipino, ipinabago ni Apolinario Mabini ang teksto ng Akta dahil
waring ipinaiilalim ang Filipinas sa proteksiyon ng mga Amerikano.

Ang pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan tuwing Hunyo 12 ay sinimulan


ni Pangulong Diosdado Macapagal sa pamamagitan ng Republic Act
No. 4166 noong 4 Agosto 1964. Bago ito, ipinagdiriwang sa Araw ng
Kasarinlan ang pagbibigay ng kalayaan sa Filipinas ng Estados Unidos
noong 4 Hulyo 1946. (VSA)
Araw ng Paggawâ
Ang Araw ng Paggawâ ay ginaganap tuwing unang araw ng Mayo
bilang pagdiriwang at pagpapahalaga sa mga manggagawa’t anakpawis.
Ang unang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ay nangyari sa Estados
Unidos noong 1882 at itinaguyod ng Knights of Labor, isang samahan ng
mga anakpawis. Gayunman, nang lumaon ay ginawang unang Lunes ng
Setyembre ang opisyal na pagdiriwang ng araw na ito sa Estados Unidos at
Canada. Sa Filipinas, higit na sinunod ang tradisyong namayani sa Europa
na ipagdiwang ang araw na ito tuwing unang araw ng Mayo. Ang araw na
ito ay unang ipinagdiwang sa Filipinas noong 1903 at ang bansa ay nasa
ilalim pa ng Estados Unidos. Mahigit isang daang libong manggagawa
ang nagmartsa sa harap ng Palasyo ng Malacañang upang humingi ng mga
kondisyon para sa ikabubuti ng lahat ng manggagawa at ito’y pinamunuan
ng organisasyong Union Obrero Democratica de Filipinas (UODF).
Hudyat ito ng pagtubò ng unyonismo sa Filipinas. Dahil dito ay naalarma
ang pamahalaang Amerikano. Sinalakay ng mga Amerikano at Filipinong
kabilang sa Philippine Constabulary ang imprenta ng UODF at inaresto
ang presidente nitó na si Dominador Gomez sa salang “illegal assembly
and sedition.”
Pagkaraan ng limang taón, pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang
Batas Blg. 1818 na nagtatadhanang isang pista opisyal ang unang araw
ng Mayo bilang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa. Idinadaos sa araw
na ito ang mga parada at palatuntunang pangmadla. Walong taón sng
lumipas, 1 Mayo 1913, nabuo ang Congreso de Obrero de Filipinas
(COF), na pinamunuan ni Herminigildo Cruz. Ang organisasyong ito ay
naglalayon na ipaglaban ang walong oras na pagtatrabaho sa isang araw,
ang abolisyon ng pagtatrabaho ng mga batàng wala pa sa wastong gulang,
ang pamantayan para sa paggawa ng kababaihan, at ang paglinaw sa mga
pananagutan ng mga kapitalista. Simula din noon ay nagbago na ang
tradisyon ng paggunita sa Araw ng Paggawa. Kung noong mga nakaraang
taón ay ipinagpipista ito sa pamamagitan ng parada, sa ngayon ay
ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng pagprotesta ng mga manggagawa.
Naging araw din ito ng paglalatag ng mabibigat na isyung pampolitika at
suliraning pangkabuhayan at may nagaganap na mga araw ng welga’t rali
bago sumapit ang Mayo 1. Karaniwang pinangungunahan ng pederasyon
ng mga unyon ng manggagawa ang naturang protesta. (LN) (ed VSA)
Francisco Arcellana
(6 Setyembre 1916-1 Agosto 2002)
Isang manunulat ng maikling kuwento at sanaysay, peryodista, kritiko, at
guro si Francisco Arcellana (Fran·sís·ko Ar·se·lyá·na). Zacarias Eugene
Francisco Quino Arcellana ang buo niyáng pangalan. Si Arcellana, na kilala
rin bilang Franz, ay isa sa mga tagapanguna sa pagsusulat ng maikling
kuwento sa Ingles. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining
sa Panitikan noong 1990.

Nakilála ang kahusayan ni Arcellana sa pagsusulat noong 1932 at estudyante


pa lámang sa Torres High School dahil sa pagkakalathala sa Graphic ng
kaniyang kauna-unahang katha, “The Man Who Could Be Poe.”

Ang kaniyang inilathalang Expression (1934) ay pagsisimulan ng kanilang


mahabàng panahon ng pagsusulatan at samahan ni Jose Garcia Villa, isa
ring Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan sa wikang Ingles. Bahagi
siyá ng Veronicans na binubuo ng 13 manunulat bago ang Ikalawang
Digmaang Pandaigdig na sumasalungat sa tradisyonal na porma at paksa
sa panitikang Filipino.

Ang mga akda ni Arcellana ay naisalibro sa The Francisco Arcellana


Sampler (1990). Kabílang sa mga kuwento niyáng malimit isáma sa
mga antolohiya ang “Divide by Two,” “Flowers of May,” at “The Mats.”
Isa namang kuwento niyáng ekperimental ang “Trilogy of Turtles.”
Hinahangaan siyá ng maraming kritiko dahil sa masinop at disiplinadong
gamit ng wika.

Isinilang sa Sta. Cruz, Maynila noong 6 Setyembre 1916, si Arcellana


na tinatawag sa pamilya na Paking, ay ikaapat sa 18 mga anak nina Jose
Arcellana at Epifania Quino. Nagtapos siyá ng Batsilyer sa Pilosopiya
sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1939. Naging kagawad din siyá
ng Philippine Collegian. Ikinasal siyá kay Emerenciana Yuvienco, na
professor emeritus sa UP at may-akda ng The Relevance of Recto Today, at
nagkaroon silá ng anim na anak. (1996). Mula 1979-1982, nagsilbing guro
si Arcellana sa UP Department of English and Comparative Literature,
tagapayo ng Philippine Collegian, direktor ng UP Creative Writing Center,
at nagpatuloy magturo hanggang magretiro at sumakabilang-buhay noong
1 Agosto 2002. (RVR) (ed GSZ)
Manuel E. Arguilla
(Hunyo 1911-Disyembre 1944)
Isang pangunahing kuwentista sa Ingles si Manuel Estabillo Arguilla
(Man·wél Es·ta·bíl·yo Ar·gíl·ya). Nakilála siyá sa kaniyang mga maikling
kuwento na nalimbag sa iba’t ibang magasin, tinipon sa koleksiyong
How My Brother Leon Brought Home a Wife and Other Stories (1940), at
nagwagi ng unang gantimpala sa kategoryang maikling kuwento sa Ingles
sa Commonwealth Literary Contest. Itinuturing na pinakamahalaga sa
mga kuwento niyá ang “How My Brother Leon Brought Home a Wife,”
“Midsummer,” “Long Vacation,” at “Caps and Lower Case.”

Walang ulat sa tiyak na araw ng kaniyang pagsilang at kamatayan. Isinilang


si Arguilla boobg 1911 sa La Union at anak ng magsasaka at karpinterong
si Crisanto Arguilla at ni Margarita Estabillo. Nagsilbing tagpuan ng mga
tanawing Ilokano ang kaniyang bayan sa mga hinahangaang kuwento niyá
ng katutubong kulay. Mistulang impiyerno naman ang pagtatanghal niyá
ng maralita sa lungsod sa “Caps and Lower Case.”

Nagtapos siyá ng Edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1933.


Hábang nag-aaral ay naging kasapi siyá ng U.P. Writers Club at editor
ng The Literary Apprentice. Nagturo siyá sa University of Manila at
naglingkod na editor ng publikasyon ng Bureau of Public Welfare noong
1943. Naging asawa niyá si Lydia Villanueva na isa ring manunulat. Ang
kanilang tirahan sa Ermita, Manila ay tinaguriang “The Porch” dahil
nagsilbing tagpuan ng mga artist, manunulat, at patron ng panitikan. Sa
panahon ng Pananakop ng mga Hapones ay kumilos siyáng espiya ng mga
gerilya, nadakip noong Oktubre 1944, pinarusahan sa Fuerza Santiago, at
hindi na nakitang buháy. (JGP) (ed VSA)
arnís
Ang arnís ay isang sining ng pakikipaglaban ng mga Filipino na kapuwa
pandepensa at pang-opensa. Bagaman kilala itong gumagamit ng sandata
lalo na ng dalawang patpat na karaniwang yari sa yantok o kamagong, ang
mga kasangkapang ito ay itinuturing na ektensiyon lamang ng mga kamay
at kakayahan ng manlalaro.

Nagsimula ang paglalaro ng arnis bago pa dumating ang mga Espanyol.


Ginagamit ito ng mga tribu sa pakikipaglaban sa kanilang mga kaaway.
Ipinagbawal ito nang dumating ang mga Espanyol. Sa kabila nitó, patuloy
ngunit palihim na nagsanay ang mga Filipino sa paglalaro nitó. May mga
pagkakataong isinasagawa nila ito sa publiko maging sa harap ng mga
Espanyol ngunit sa paraang artistiko, bilang bahagi ng dulang moro-moro.
Dito, nakasuot ang mga Filipino ng damit ng mga Espanyol na sundalo na
tinatawag na arnes at kunwa’y nakikipaglaban sa mga kaaway.

May tatlong pamamaraan sa paglalaro ng arnis: ang espada y daga (espada


at punyal), solo baston (isang patpat), at sinawali (maghabi). Sa huli,
gumagamit ng dalawang patpat na magkatulad ang habà at iminumuwestra
ang galaw ng paghahabi tuwing nakikipaglaban.

Sa kasalukuyan, itinuturo ito sa ilang paaralan bilang bahagi ng Edukasyong


Pampalakasan.

Kabílang sa mga kinikilalang maestro ng modernong arnis sina Venancio


“Anciong” Bacon, Dan Inosanto, Cacoy Canete, Mike Inay, Remy Presas,
at Ernesto Presas. (GB) (ed GSZ)
Gloria M. Macapagal-Arroyo
(5 Abril 1947—)
Nang patalsikin ng Pag-aalsang EDSA II noong 20 Enero 2001 si
Pangulong Estrada, pumalit ang kaniyang pangalawang-pangulo na si
Gloria M. Macapagal-Arroyo (Glór·ya Em Ma·ka·pa·gál Ar·ró·yo).
Tinapos ni Pangulong Arroyo ang natitirang panahon ni Pangulong Estrada,
muling kumandidato at nagwaging pangulo ng Republika ng Filipinas sa
eleksiyong 2004.
Isinilang si Gloria noong 5 Abril 1947 sa San Juan, Rizal (Lungsod San
Juan ngayon) at panganay sa dalawang anak ni Pangulong Diosdado
Macapagal kay Evangelina Macaraeg. Taga-Pampanga din ang Macaraeg
ngunit nagkaroon ng bahay at ari-arian sa Lungsod Iligan. Malaking bahagi
ng kamusmusan ni Gloria ang ginugol sa Lungsod Iligan. Bumalik sa
Maynila si Gloria noong 1957, nag-aral sa Assumption College, nag-aral
sa Georgetown University noong 1964, nagtapos sa Assumption College
ng Batsilyer sa Komersiyo magna cum laude noong 1968, at napangasawa
si Jose Miguel (Mike) Tuazon Arroyo. Tatlo ang anak nilá: sina Juan
Miguel na naging kongresista, Evangeline Lourdes, at Diosdado Ignacio
Jose Maria na naging kongresista din. Nag-Master sa ekonomiks si Gloria
sa Ateneo de Manila, at nagdoktorado sa Unibersidad ng Pilipinas.
Maligalig ang panunungkulan ni Pangulong Arroyo. Una, marami
ang naniniwala na hindi makatarungan at labag sa Konstitusyon ang
pagtanggal kay Pangulong Estrada, bukod sa naging biktima lámang ang
pinaalis ng sabwatan ng mariwasa’t makapangyarihan sa lipunan. Noong
2003, isang pangkat ng sundalo ang nagsagawa ng Makati Mutiny bilang
pagtutol kay Pangulong Arroyo. Nangako siyáng hindi na kakandidato
noong 2002 ngunit biglang nagpahayag ng kandidatura para sa eleksiyong
2004. Nilabanan siyá ng popular na artistang si Fernando Poe Jr. Nanalo
man si Pangulong Arroyo, lumitaw pagkuwan ang kasong “Hello Garci”
at kaugnay ng sinasabing malawakang dayaan sa eleksiyon upang manalo
si Pangulong Arroyo at mga kaalyado. Noong 2003, inimbestigahan ng
Senado ang kasong “Jose Pidal” at bahagi ito ng mga akusasyon hinggil
sa malakihang korupsiyon at pagnanakaw na pinayagan ni Pangulong
Arroyo at nagsasangkot sa kaniyang asawa. Ang malawakang pagkatálo
ng mga kandidato ni Pangulong Arroyo sa eleksiyong 2010 ay itinuturing
na katibayan ng pagbagsak ng kaniyang pangalan sa tingin ng taumbayan.
Gayunman, tumakbo siyá at nagwaging kongresista ng Pampanga. (VSA)
aswáng
Pinaniniwalaan sa iba’t ibang lugar at bayan, ang aswáng ay isang lalang
na bahagi ng kuwentong-bayan ng Filipinas. May kakayahan itong
makapagpalit ng anyo, nakalilipad, at nahahati ang sariling katawan.
Sinasabing nagnanakaw ito at kumakain ng bangkay lalo na ang puso at
atay ng tao. Ang ninakaw na katawan ay hinahalinhan ng katawan ng punò
ng saging. May aswang ding tinatawag na mandurugo o yaong parang
bampirang sumisipsip ng sariwang dugo ng tao. Kabílang rin sa uri nitó
ang mga manananggal at wakwak o kawakwak na nahahati ang katawan
at lumilipad. Naiiwan ang baywang nitó at paa at lumilipad ang ulo at
katawan upang maghanap ng mabibiktima.

Pinansin ng mga kronistang Espanyol na ang aswang ang pinakakinatataku-


tang lalang ng mga katutubong Filipino kahit pa noong siglo 16. Laganap
sa buong Filipinas ang paniniwala rito maliban sa rehiyong Ilocos.
Ang katangian ng aswang at mga kakabit na salaysay tungkol dito ay
nagkakaiba-iba sa bawat rehiyon. Gayunman, may matutukoy na ilang
palagiang katangian. Nagbabago-bago ang hitsura ng mga aswang. Sila
ay namumuhay bilang karaniwang tao, tahimik, mahiyain at palaiwas sa
tao. Sa gabi, nagbabago sila ng anyo—nagiging pusa, baboy, ibon, o aso.
Gustong-gusto nilang kumain ng mga sanggol sa sinapupunan o mga batang
paslit. Napahahabà nila ang kanilang dila na ginagamit nila sa pagsipsip ng
sanggol sa sinapupunan ng ina. Mayroon ding mapupulang mata ang mga
aswang na dulot ng pagkapuyat nila sa paghahanap ng makakain sa gabi.

Madalas, kapag may hindi maipaliwanag na pangyayari sa komunidad,


ginagawang dahilan ang mga aswang. Halimbawa nitó ang mga nakawan
sa mga libingan, pagkawala ng mga bata, di-maipaliwanag na mga ingay,
o mga taong may kakaibang galaw o gawi.

Pinakalaganap sa Kabisayaan, lalo na sa Capiz, ang mga kuwento tungkol Mula sa Aklat Adarna
sa aswang. Sa katunayan, noong 2004, pinasimulan sa Capiz ang Aswang
Festival bilang pantumbas sa Halloween. Tinuligsa ang pistang ito ng
simbahang Katoliko kayâ itinigil ito ng lokal na pamahalaan noong 2007. Sa ilang bahagi ng Kabisayaan, ang aswang ay tinatawag na tamawo,
tumao, kama-kama, at sok-sok. Ang ilan sa mga ito ay nag-aanyong hayop
Sa kulturang popular, marami nang pelikula, programa sa telebisyon, at tulad ng tiyu-an na isang baboy, at tik-tik at silik-silik na isang uri naman
komiks ang nagtampok sa aswang bilang tauhan. ng ibon. (JCN) (ed GSZ)
asyénda
Ang asyénda (mula sa Espanyol na hacienda) ay malawak na lupain na
karaniwang pag-aari ng mga táong nakaaangat sa lipunan at ginagamit
bilang plantasyon. Umusbong ang mga ito sa Filipinas noong ika-19 na
dantaon bunsod ng dalawang pangyayari. Una, ang kolonya ay nagbukas sa
kalakalang pandaigdig at pangalawa, naitatag dito ang ekonomiyang cash-
crop—isang ekonomiya na nakabase sa mga kalakal na pananim tulad ng
abaka, tabako, kape, bigas, at asukal. Sa unang pagkakataon, nabuksan sa
kamalayan ng mga tao ang kahalagahan ng lupa. Bunga nitó, nagsimulang
mag-ari ng lupa ang mga táong may mataas na estado o uri sa lipunan, at
kinalaunan ay tinawag ang kanilang mga lupain na asyenda .

Bukod sa mga relihiyosong korporasyon, mga Espanyol, at creoles (mga
Espanyol na ipinanganak sa Filipinas), naging aktibo din sa pag-aari
ng lupa ang mga mestisong Tsino na sa panahong ito ay nagkaroon na
ng sapat na yaman mula sa kanilang mga negosyo upang tustusan ang
pagbili ng lupa. Ang paglago ng kanilang lupain ay bunsod ng pacto de
retroventa, isang kasunduan na ibinibigay ng táong nangungutang ng pera
ang kaniyang lupa bilang kolateral sa táong kaniyang inutangan. Bahagi
ng kasunduan ang muling pagbili ng una sa kaniyang lupa mula sa huli
sa halagang katumbas ng kaniyang pagbebenta. Gayunman, sa ilalim ng
kasunduang ito, hindi na nababawi ng táong nagbenta ang kaniyang lupa.
Bukod sa pacto de retroventa, naging daan din ang Batas Maura noong Retrato ni Soliman A. Santos
panahong ito sa pag-usbong ng asyenda. Ayon sa batas na ito, may isang
taóng palugit lámang ang sinuman upang patituluhan ang kanilang lupa.
Sinumang hindi makatupad dito ay mawawalan ng karapatan sa kaniyang
pag-aari. Bunsod ng kawalang-alam sa batas na ito, ang lupa na pag-aari
ng mga maliliit na tao ay naglaho at napasáma sa titulo ng mga malaking
nagmamay-ari ng lupa na nakakaalam sa nasabing batas.
Bago pa ang dalawang nabanggit sa itaas, ang mga gawad ng monarkiya
(royal grants) at pagbili sa mga lupaing pag-aari nitó (realengas o
royal estates) ang nagbigay daan sa paglitaw ng malalawak na lupaing
pagmamay-ari ng iilang mariwasang tao sa Filipinas. Sa simula pa lamang
ng pananakop, ang mga opisyal na Espanyol ay binibigyan ng karapatang
pangalagaan ang malalawak na lupaing tinatawag na engkomiyénda
(encomienda). Ang mga lupaing ito ang naging pundasyon ng mga asyenda
sa kasalukuyan. Sa Luzon, ang dalawang malaking asyendang Luisita
at Esperanza ay bunga ng nabanggit na gawad ng monarkiya. (LN) (ed
VSA)
Atí-Atíhan
Ang Atí-Atíhan ay isang pista tuwing ikalawang linggo ng Enero sa
Kalibo, Aklan sa pulô ng Panay upang gunitain ang kapistahan ng Santo
Niño. Ito ay karaniwang ipinagdiriwang pagkatapos ng selebrasyon ng
pagdalaw ng Tatlong Hari kay Hesus sa sabsaban. Gamit ang makukulay
na maskara, uling sa katawan, at iba’t ibang matingkad na kasuotan, ang
mga táong kaisa sa pagdiriwang ay sumasayaw kasabay ang tunog ng mga
tambol at sigaw na “Hala, Bira!.”

Ang salitâng “Atí-Atíhan” ay may kahulugan na “maging katulad ng


isang Ati.” Noong ika-13 siglo, pinaniniwalaang dumating sa Panay ang
sampung datu mula sa Borneo at nakipagsundo sa mga katutubong Ati.
Ang mga Ati ay mga Negrito o maliliit at maiitim na tao, kulot ang buhok,
at naninirahan noon sa Panay. Ayon sa kuwento, binili nina Datu Puti
ang ilang bahagi ng lupain kapalit ng salakot na ginto at iba pang hiyas.
Magmula noon ay sa kabundukan nanirahan ang mga Ati. Bumababâ silá
kapag humihingi ng tulong sa mga datu. Ang mga Ati ay sumasayaw at
kumakanta bílang pasasalamat.

Itinapat ang Ati-Atihan sa pagdiriwang ng pista ng Santo Niño. Kayâ bahagi


ng sanlinggo’t masayáng parada sa Kalibo ang pagtatanghal at pagbubunyi
sa imahen ng batàng Hesus, gaya ng ginagawâ ding pagdiriwang tuwing
Enero sa “Sinulog” ng Cebu, “Dinagyang” ng Iloilo, “Halaran” ng Capiz,
“Maskarahan” ng Bacolod, at “Binirayan” ng Antique. (IPC) (ed VSA)
Daisy Hontiveros-Avellana
(26 Enero 1917—)
Tinaguriang “Unang Ginang” ng Teatrong Filipino si Daisy Hontiveros-
Avellana (Déy·si On·ti·vé·ros-A·vel·yá·na). Isa siyáng aktres, direktor,
prodyuser, at manunulat para sa teatro, radyo at pelikula. Lourdes
Genoveva Dolores Pardo Hontiveros-Avellana ang kaniyang buong
pangalan. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa
Teatro noong 1999.

Walang katulad sa husay ang pagganap niyá bilang Candida Marasigan


sa dula at pelikulang Portrait of the Artist as Filipino ni Nick Joaquin.
Binigyang-buhay rin ni Daisy sa entablado ang tauhang si Doña Lupe
(1978) ni Nick Joaquin sa Tatarin; sina Lady Macbeth (1959) at Desdemona
(1953) ni William Shakespeare; si Bernarda Alba (1967) ni Federico
Garcia Lorca; si Joan of Lorraine (1954) ni Maxwell Anderson; si Mary
Tyrone (1958) ni Eugene O’Neil; sina Medea, Eleanor of Aquitaine, Sarah
Bernhardt; at, marami pang karakter ng mga dulang lokal at inangkat.

Katuwang siyá ng kaniyang asawa na si Lamberto Avellana at may


limampung kapanalig sa pagtatatag ng Barangay Theatre Guild (BTG)
noong 1939. Ang BTG ang unang organisasyong panteatro sa Filipinas.
Itinanghal ng BTG sa kanilang ang unang produksiyon ang Women are
Extraordinary ni Wilfrido Ma. Guerrero, The Potboiler ni Gerstenberg,
Nerves ni Farrar, at sa mga sumunod ay mga orihinal niyáng akda gaya ng
And One was Valiant.

Ang una niyáng akda para sa pelikula ay ang Sakay, na ginarawang


pinakamahusay na iskrip noong 1939. Sumulat din siyá ng mga pinaikling
dula na halaw mula sa Wuthering Heights, Joan of Lorraine, at Cradle
Song na isinahimpapawid sa mga programa ng DZPI, DZHF at DZRP.
Idinirihe para sa teatro ni Daisy ang Diego Silang (1968), at Walang Sugat
(1971-1972). Ang pagtatanghal ni Daisy ng dula ni Severino Reyes na
Walang Sugat noong kapanahunan ng pagkakasuspinde ng writ of habeas
corpus ay tumugon sa pangangailangang buhayin ang kaisipan laban sa Hontiveros. Nagtapos siyá ng Batsilyer sa Pilosopiya sa Unibersidad ng
panunupil. Pilipinas (1937), Master sa Sining sa UST (1938). Nagsanay siyá ng mga
estudyante ng drama at nagdirihe ng mga dula sa Centro Escolar University
Tubòng-Lungsod Roxas, Capiz, ipinanganak siyá noong 26 Enero 1917 (1938), St. Paul College (1949-1961), St. Theresa’s College, Assumption
at panganay sa magkakapatid na walong lalaki at dalawang babae nina Convent, St Scholastica’s College, Holy Ghost College, FEU, at UST.
Huwes Jose Hontiveros, huwes ng Korte Suprema, at Vicenta R. Pardo- College of Medicine.(RVR) (ed VSA)
Lamberto V. Avellana
(12 Pebrero 1915-25 Abril 1991)
Si Lamberto V. Avellana (Lam·bér·to Vi A·vel·yá·na) ay isang mahusay
na direktor sa teatro at pelikula. Makabuluhan ang kaniyang mga ambag sa
pagpapaunlad ng anyo at laman ng pagtatanghal sa entablado at pinilakang
tabing. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa
Teatro at Pelikula noong 1976.
Sa pelikula, tagapanguna siyá sa sinematikong paraan ng punto-de-bista
at mise-en-scene sa paggamit ng kamera. Sa bawat kuwadro ng pelikula
at kabuuang eksena ay napapatampok ang damdamin sa pamamagitan ng
anggulo ng kamera at komposisyon. Inihatid din niyá sa iskrin ang mga
imahen at naratibo ng tunay na buhay ng pangkaraniwang tao, ang kanilang
realidad at pagsisikap mabuhay, at sa gayong paraan ay naghandog siyá ng
salungat na tunguhin laban sa purong komersiyalismo ng pelikula.
Kinilála ng mundo ang kaniyang mga pagsisikap: ang Anak Dalita (1956)
ay nagkamit ng Grand Prix bilang pinakamahusay na pelikula sa Asian
Film Festival sa Hong Kong; ang Badjao (1957) ay nagbigay sa kaniya ng
gawad para sa pinakamahusay na direktor at tatlo pang medyor na parangal
sa Asian Film Festival sa Tokyo; nagwagi ng Conde de Foxa Award sa
Bilbao, Spain, ang El Legado (1960); ang, La Campana de Baler (1961)
ay nagwagi rin ng Conde de Foxa Award, medalyang pilak; at, noong 1969,
nakamit niyá ang gawad para sa pinakamahusay na dokumentaryo para
sa The Survivor, sa Cambodian Film Festival. Si Avellana rin ang unang
Filipinong nagtanghal ng obra sa Cannes International Film Festival,
Ang Kandelerong Pilak (1954). May mga pelikula si Direktor Avellana
na para sa pangdaigdigang pagtatanghal tulad ng Sergeant Hasan (1967),
Destination Vietnam (1969), at The Evil Within (1970).
Tampok sa kaniyang mga obra maestra ay ang pagsasapelikula ng ilang
mga klasikong dula: ang A Portrait of the Artist as Filipino (1965) ni Nick
Joaquin at Walang Sugat ni Severino Reyes.
Ipinanganak siyá noong 12 Pebrero 1915 kina Dr. Jose Avellana at Rita
Vera. Napangasawa niyá ang Pambansang Alagad ng Sining din na si Daisy
Hontiveros at may tatlo siláng anak—Jose Mari, Marivi, at Lamberto Jr.
Ang marubdob na pag-ibig sa dulaan ni Avellana ay nagsimula noong Panandang-bato sa teatro sa bansa ang 1 Marso 1939, nang itinatag ng
estudyante pa lámang siyá ng Ateneo. Siyá ang gumanap na Joan of Arc mag-asawang Lamberto at Daisy at ng may 50 kapanalig na mga aktor,
noong 1935 para sa Diamond Jubilee ng Ateneo sa direksiyon ni Fr. Henry musiko, mananayaw, manunulat, pintor, arkitekto, eskultor, at propesor
Lee Irwin, S.J. Siyá rin ang katulong na direktor ni Fr. Irwin hábang ang Barangay Theater Guild (BTG). Nagkamit siyá ng maraming parangal
gumanap na bida sa dula. Sa Ateneo siyá nagtapos ng Batsilyer sa Sining, bago sumakabilang-buhay noong 25 Abril 1991. (RVR) (ed GSZ)
magna cum laude.
Aves de Rapiña
Editoryal na lumabas sa El Renacimiento, pahayagan sa wikang Espanyol,
noong 30 Oktubre 1908. Sinulat ito ng pangalawang editor na si Fidel
Reyes. Matinding tinuligsa sa editoryal ang isang mataas na pinunò ng
pamahalaang kolonyal ng Amerika sa Filipinas, na pinasaringang “Aves
de Rapiña” (Mga Ibong Mandaragit) dahil ginagalugad diumano ang
kabundukan ng Benguet, Mindanao, at Mindoro upang tuklasin ang susi
sa mga yamang likás ng bansa para sa pansariling pakinabang. Wala mang
binanggit na pangalan, tinamaan ang noo’y Kalihim ng Interior na si
Dean C. Worcester. Nagsampa ito ng kasong libelo laban sa may-ari ng
pahayagan na si Martin Ocampo, sa editor at pangalawang editor na sina
Teodoro M. Kalaw at Fidel Reyes, at iba pang pinunò ng pahayagan (na
inalis sa demanda nang lumaon).

Nanalo si Worcester at naparusahan ng pagmumulta at pagkabilanggo ang


mga akusado. Nasara ang pahayagan at naibenta ang imprenta nitó; ngunit
naghabol hanggang sa Korte Suprema ng Estados Unidos sina Ocampo,
Kalaw, at Reyes. Tumagal ang kaso hanggang 1914, ngunit hindi silá
nabilanggo, dahil pinagkalooban silá ng lubusang kapatawaran ng naupông
Gobernador Heneral Francis Burton Harrison. Hindi napatunayan ang
mga paratang kay Worcester. Ngunit pinatunayan sa kasong ito, minsan
pa, kung paanong ginamit ng mga Filipino ang peryodismo para isulong
ang adhikang makabansa. (AEB) (ed VSA)
áwit
Ang áwit ay pangkalahatang tawag sa kanta o musikang pamboses. Sang-
ayon sa isang matandang diksiyonaryo maraming inabutang awit ang
mga mananakop na Espanyol. Kabílang dito ang diyona (para sa kasal
at iba pang pagdiriwang), talingdaw (lumang awitin), indolanin (may
malungkot na himig), dolayanin (awit hábang nagsasagwan), hila (awit
sa pamamangka), soliranin (awit sa paglalakbay sa karagatan), holohorlo
(awit sa pagpapatulog sa sanggol), at iba pang anyong pampanitikang may
himig, na maihahambing ngayon sa ablon ng dumagat, bayok ng Maranaw
at Mansaka, darangan ng Maranaw, at ogayam ng Kalinga.

Sinasabi na may awit ang mga Filipino sa bawat okasyon ng kanilang


buhay at sa lahat ng kanilang gawain komunal. May awit sa pag-aalaga ng
sanggol, may awit sa kasal, may awit sa pagsasaka at pangingisda, may
awit sa pangangaso, at may awit sa patay. May mga awit ding gaya ng
pamatbat na pasalaysay tungkol sa kaugalian at kasaysayan ng tribu. May
awit na sagutang gaya ng talingdaw at may awit na masayang gaya ng
seryeng Doon Po sa Amin.

Nitóng ika-19 siglo, awit din ang tawag sa isa sa dalawang naging
popular na anyo ng metriko romanse. Ang isa pa ay tinatawag na korido.

Kapuwa mahabàng tulang pasalaysay hinggil sa mga nakagigilalas na


pakikipagsapalaran ng mga prinsipe at kabalyero o mga buhay ng banal
na tao ang awit at korido. Nagkakaiba lamang ang dalawa sa sukat ng
taludtod nitó. Ang korido ay may sukat na wawaluhin at ang awit ay
lalabindalawahin.

Hanggang ngayon, tampok ang awit sa mga kasayahan at pagtitipon


katulad ng kasal at kaarawan. Maaari rin itong maging tampok na aktibidad
para sa kasiyahan ng mga iginagalang na bisita. Maaari itong awitin ng
propesyonal, para sa mga pormal at malalaking pagtitipon. Ngunit sa di
gaanong pormal na pagtitipon, halimbawa ay simpleng kasal at kaarawan,
ang mismong ikinakasal ang gumagawa nitó upang mabigyan sila ng gala
na siyáng salaping regalo ng mga kaanak at kaibigan. Kung kaarawan
ang okasyon, ang nagpapasimula nitó ay maaaring makihati sa regalong
ibinibigay sa nagdiriwang ng kaarawan. (RCN) (ed GSZ)
ayúntamyénto
Ang ayúntamyénto (ayuntamiento sa Espanyol) ay ang sangguniang
panlungsod na itinatag ng mga Espanyol.

Sa balangkas ng organisayon ng ayuntamyento, pinamumunuan ito ng


dalawang alkaldeng napapailalim sa awtoridad ng gobernador-heneral
o alkalde mayor ng probinsiya. Kasama ng alkalde ang labindalawang
konsehal at mga opisyal na gaya ng alguwasil o hepe ng pulisya at eskribano
na tagahawak ng mga talaan.

Matapos ang ika-17 siglo, nakapagtatag ang mga Espanyol ng anim na


lungsod sa Luzon at Kabisayaan: Maynila, Cebu, Vigan, Nueva Segovia
(Lal-lo, Cagayan), Arevalo (Iloilo), at Nueva Caceres (Naga). Hanggang
sa kasalukuyan ay tumatayong sentro ang mga ito ng kultura, politika,
kalakalan, at relihiyon sa kani-kanilang rehiyon.

Ang ayuntamyento ay tumutukoy rin sa casas consistoriales, isang gusali


na matatagpuan sa Aduana, Intramuros sa Maynila. Itinatag ang nasabing
estruktura noong 1738, at matapos masira ng isang lindol ay muling
itinayo noong 1879. Ginamit na gusali ito ng Asamblea ng Filipinas noong
panahon ng mga Amerikano. (MBL) (ed GSZ) Mula sa Philippine Picture Post Cards 1900-1920 (1994)
babaylán
Babaylán ang tawag sa mga nagsilbing manggagamot at tagapamahala
ng katutubong kultura bago ang pananakop ng mga Espanyol sa Filipinas.
Tinatawag din silang baylan o daytan (Bisaya), katalonan (Tagalog), at
maaram (Kiniray-a). Ang iba pang katawagan ay mumbaki, alpogan,
anitera, balyana, bayok, doronakit, mambunong, mandadawak,
mansipok, mirku, munsayaw, at shaman. Kapuwa ginampanan ng mga
babae at lalaki ang mga tungkulin ng babaylan.

Ang mga babaylan ang katuwang ng datu at panday sa pagpapatakbo ng


sinaunang lipunang Filipino. Sila ang tagapayo sa komunidad sa larangan
ng espiritwalidad at ekonomiya. Ang mga babaylan din ang namamahala sa
mga ritwal gaya ng sa panggagamot at sa agrikultura. Sa kontekstong pang-
agikultura, nagagamit ng mga babaylan ang kanilang pagkadalubhasa sa
takbo ng kalikasan. Halimbawa, sila ang sinasangguni hinggil sa panahon
ng pagtatanim at pag-ani dahil sa kanilang kaalaman sa astronomiya. Sila
rin ang tagapangalaga at tagapamahala sa mga salaysay, halimbawa, ng
mga epiko at mitolohiya, at kabuuang kultura ng bayan.

Puwersahang pinapaglaho ng mga mananakop na Espanyol ang mga


babaylan. Binansagan silang mga mangkukulam at kampon ng demonyo
sapagkat naging banta sila sa simbahan at pamahalaang pinatatakbo ng
mga kolonyalista. Sa kabila ng banta ng kolonyalismo sa kanilang pag-
iral, naging bahagi ang mga babaylan sa pakikibáka para sa repormang
agraryo, kalayaan sa relihiyon, at pagpapatalsik ng mga dayuhan. (SABP)
(ed GSZ)

Detalye mula sa Progress of Medicine ni Carlos V. Francisco (1953)


Badjáo
Idinirihe ni Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro at Pelikula
Lamberto Avellana ang pelikulang Badjáo (1957). Muling nagtambal dito
sina Tony Santos Sr. at Rosa Rosal. Inilalahad sa pelikula ang pamumuhay
ng mga katutubong magdaragat ng Mindanao at ang paghihirap ng
magsing-irog na naiipit sa tunggalian ng dalawang tribu, ang mga Badjaw
at mga Tausug.

Iniwan ni Hassan, anak ng pinunò ng mga Badjaw, ang pananahan sa dagat


kasáma ang mga Badjaw at mamumuhay kasáma ang mga Tausug dahil
sa pagpipilit ng kaniyang mapapangasawang si Bala Amai, pamangkin ng
datu ng mga Tausug. Pakikinabangan ng datu ng mga Tausug ang husay ni
Hassan sa pagsisid ng mga perlas. Gayunman, hahamakin ng mga Tausug
si Hassan dahil Badjaw. Ngunit sa hulí, si Bala Amai ang hindi makatitiis sa
pang-aapi sa kaniyang bana at siyáng aangal sa kaniyang mapang-abusong
tiyuhin. Tatalikuran ni Bala Amai ang mga Tausug at sasamáhang umuwi
si Hassan sa mga Badjaw.

Ang produksiyon ay isa sa mga pangahas na sugal sa takilya ng prodyuser


na si Manuel de Leon hábang pinamamahalaan niya ang LVN Pictures.
Humakot ng mga gantimpala sa 1957 Asian Film Festival ang pelikula.
Nagwagi si Lamberto Avellana ng Pinakamahusay na Direksiyon, si Rolf
Bayer ng Pinakamahusay na Dulang Pampelikula, si Gregorio Carballo
ng Pinakamahusay na Editing, at si Mike Accion ng Pinakamahusay na
Sinematograpiya. (GCA) (ed GSZ)
Bágong Taón
Ang Bágong Taón (New Year sa wikang Ingles) ay isang pagdiriwang
bilang pagsalubong sa panibagong taón sa búhay ng mga Filipino. Wika
nga, “Bagong taón, bagong búhay.” Ito ay ipinagdiriwang tuwing unang
araw ng Enero ngunit bisperas pa lámang o Disyembre 31 ay makulay,
masayá, at maingay na ang paghihintay sa hatinggabi at paglipat ng
taón. Ang totoo, ipinagdiriwang ito sa halos buong mundo, bagaman
kung Pebrero ang Bágong Taóng Tsíno batay sa kanilang kalendaryo.
Sa Filipinas, itinuturing itong ikalawang Pasko at nagtitipon ang bawat
pamilya para sa isang salusalo.

Ang pagdiriwang ng Bágong Taón ay mayroong pinagsámang kulturang


Espanyol at Tsino. Ang pagkain kung hatinggabi, ang Media Noche
(Méd·ya Nó·tse), ay Espanyol. Ang paggastos sa makukulay at malalakas
na paputok ay Tsino. Sa gabi ng bisperas ng Bágong Taón, ang buong
pamilya ay pagsisimba bilang pasasalamat sa biyaya ng nakaraang taón.
Pagkatapos, bago sumapit ang alas-dose, ang pamilya ay nagsasálo sa
Media N6che. Sinisindihan ang mga rebentador at kuwitis bilang makulay
na pagsalubong sa bagong taón.

Maraming pamahiin ang mga Filipino sa pagdiriwang ng Bágong Taón. Isa


ang pagkompleto sa labindalawang prutas sa hapag-kainan bilang simbolo
ng labindalawang masaganang buwan sa buong taón. Isa pa ang pagsusuot
ng damit na may disenyong bilóg para sa suwerte. (IPC) (ed VSA)
bagyó
Ang salitâng bagyó ay nangangahulugang napakasamâng lagay ng panahon
na may daláng malakas na hangin at ulan. Tinatawag ding “buháwing
tropikál” (tropical cyclone). May apat na babala o warning ito kapag
daraan ito sa Filipinas sa susunod na 12 hanggang 36 na oras depende
sa lakas ng hangin. Ang Babala Blg 1 ay para sa hanging may bilis na
30-60 kilometro bawat oras na may kasamang pabugso-bugsong ulan. Sa
Babala Blg 2, ang hangin ay may bilis na 60-100 kilometro bawat oras. Sa
Babala Blg. 3, ang hangin ay may bilis na 100-185 kilometro bawat oras.
At Babala blg 4, ang hangin ay may bilis na mahigit sa 185 kilometro
bawat oras. Nagsimulang kasindakan ang bagyo noong 1911 pagkaraang
maitalâ sa Lungsod Baguio ang 46 na pulgada ng ulan sa loob lamang ng
24 oras. Ang mga bagyo sa Filipinas ay kadalasang nabubuo tuwing buwan
ng Mayo hanggang Nobyembre sa hilagang-kanluran ng Dagat Pasipiko
at nagmumula sa Marianas at mga pulô ng Carolinas. Ang mga bagyong
pumapasok sa loob ng Filipinas ay binibigyan ng lokal na pangalan ng
Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal, at Astronomiko
ng Pilipinas (PAGASA), ang ahensiya ng gobyerno na sumusubaybay at
nag-aaral sa galaw ng klima ng bansa. Karaniwang umaabot sa 20 bagyo
ang dumaraan sa bansa kada taón, subalit noong 1993, umabot ang bilang
nitó sa 32.

Sa taunang talâ, ang buwan ng Setyembre ang may pinakaaktibong


galaw ng mga unos sa bansa at ang hilagang Luzon at silangang Bisaya
naman ang madalas tamaan ng mga ito. Ang pinakamapinsalang bagyo na
tumamà sa Filipinas ay ang Bagyong Uring noong 1991 na nagdulot ng
malaking pagbahâ at kumitil ng mahigit 5,000 katao bukod pa sa ilang libo
katáong nawawala. Pumangalawa ang Bagyong Nitang na nakapagtalâ ng
mahigit isang libo katáong namatay. Noong Setyembre 2009, lumubog sa
bahâ ang malaking bahagi ng Metro Manila, partikular ang mga siyudad
ng Marikina at Pasig, at karatig probinsiya dulot ng Bagyong Ondoy. At
Setyembre 2011, inilubog din ng katulad na bahâ ang Luzon, partikular ang
mga bayan ng Bulacan at Pampanga, dulot ng magkasunod na Bagyong
Pedring at Pepeng. (AMP) (ed VSA)
báhay
Ang báhay ay bunga ng pangangailangan, kaligiran, at kasaysayan ng
Filipinas. Hinubog ito, wika ni Augusto Villalon (2001), bilang sagot na
“pangkaligiran, teknolohiko, pang-espasyo, at pangkultura sa paraan ng
pamumuhay na umiral sa bansa sa iba’t ibang panahon ng kasaysayan
nitó.” May arkitektura ito na nakaugat lagi sa kulturang Filipino ngunit
patuloy na umaangkop sa mga impluwensiyang dayuhan na nagpayaman
sa karanasang pambansa.

Nangangahulugan ito ng paglalahok ng katutubong Filipino, ng sangkap


na Asyano, at ng pagbabagong Kanluranin. Ang paglalahok ay hindi
lámang artistiko. Malaki ang papel ng kaligirang tropikal sa naging anyo
ng báhay-kúbo, báhay-na-bató, at pagdisenyo ng mga kondominyo’t
apartment ngayon. Nagkakaisa ang mga arkitekto na hamak na malaki at
gumamit ng bato’t matitigas na kahoy ang báhay-na-bató sa panahon ng
Espanyol ngunit báhay-kúbo pa rin ang pangkalahatang plano nitó bukod
sa nakinabang sa katutubong talino hinggil sa pag-angkop sa klima’t lindol
sa Filipinas. Samantala, di-maikakaila ang paggaya sa mga modelong
Amerikano ng mga unang bahay ng mariwasa sa Forbes Park at San
Lorenzo Village sa Lungsod Makati.

Sa kabilâng dako, ang báhay ng karaniwang Filipino’y patuloy na


nagsasaalang-alang sa praktikal na gamit ng sinaunang tahanan. Tulad
ng báhay-kúbo, gumagamit ito ng materyales na madalîng makuha sa
paligid: kawayan, kugon, pawid. Kailangang nakaangat ito sa lupa para
hindi lumubog sa bahà at para hindi maakyat ng peste. Sa Cordillera
noon, sinusuotan ang mga haligi ng oliang o pabilog na kahoy para hindi
maakyat ng mga dagâ ang mga nakaimbak na ani. Kahit munti ang kubo,
isang espasyo itong maluwag para sa lahat ng gawain, mula sa silungan,
tulugan, palaruan, lutuan, kainan, pagawaan ng likhang-kamay, hanggang
tanggapan ng mga panauhin. (EGN) (ed VSA)
báhay-kúbo
Malaon nang kinikilalang “Pambansang Tahanan” ang báhay-kúbo at
sinasabing kinatawan sa katatagan ng mga Filipino dahil kaagad nakatitindig
kahit magdaan ang bagyo, lindol, at ibang kalamidad. Kinakatawan din
nitó ang pagiging malapit ng Filipino sa kalikásan. Presko ang kalooban
ng bahay dahil maraming puwang para pumasok ang hangin. Ang
pangyayaring ito ay sumasagisag diumano sa nakabukás na kalooban ng
tumatahan, sa katapatang makisáma, at sa pagkakaisa ng pamilya.

Munti at kuwadrado ang estruktura ng báhay-kúbo. Madalî itong maitayô


dahil yari sa materyales na matatagpuan sa kaligiran. Kahoy o kawayan
ang mga haligi at balangkas ng sahig, dingding, at bubong. Pawid o kugon
naman ang ginagamit na pantakip sa dingding at bubong. Mababà man
ito ay nakaangat sa lupa at kailangang akyatin gamit ang hagdan na may
tatlo hanggang limang baitang. Karaniwang ginagawang kulungan ng mga
alagang hayop ang silong.

Madalas itong maging tanda ng bayanihan, dahil malimit ilarawan na


pinagtutulungang pasanin ng magkakapitbahay at magkakanayon kapag
kailangang ilipat ng pook. Paksa rin ito ng isang popular na awiting bayan,
na naglalarawan hindi ng loob o kaanyuan ng báhay-kúbo kundi ng mga
pananim at gulay sa bakuran at “paligid-ligid” nitó. (LJS) (ed VSA)
bakáwan
Ang bakáwan (Rhizopora mucromata) ay isang uri ng punongkahoy na
tumutubò sa tubig alat o tabang. Karaniwan itong makikitang tumutubò
malapit sa karagatan. Natatangi ang mga ugat nitó dahil maaari itong
mabuhay sa ibabaw o ilalim ng tubig. Karaniwang lumalaki ang punòng
ito nang mula dalawa hanggang sampung metrong taas.

Ang terminong bakawan ay may isa pang kahulugan. Maaari itong tumukoy
sa pook na maraming punongkahoy na bakaw o bakawan, isang lugar na
pumapagitna sa lupa at karagatan na tinitirahan ng mga isda.

Ang punongkahoy na bakawan ay sinasabing pinagmumulan ng materyales


sa paggawa ng bangka at muwebles. Ginagamit din ito para gumawa ng
uling. Ang katas ng dahon at balát ng kahoy naman ay nagagamit na
sangkap na pangkulay. Maaari rin itong pagkunan ng pagkain tulad ng
pulut, sukà, at mantikang panluto.

Napakahalaga ng bakawan sa ating kaligiran. Nagbibigay ito ng tirahan


hindi lámang sa mga isda kundi maging sa mga ibon at iba pang ilahas
na hayop. Tumutulong din ito sa paglinis ng ating hangin at tubigan
sa pamamagitan ng matitibay na mga dahon at ugat nitó. Bukod dito,
nagbibigay ito ng proteksiyon sa mga tirahang malapit sa pampang dahil
napipigilan nitó ang paghampas ng hangin at pagragasa ng alon mula sa
karagatan lalo sa panahon ng bagyo.

Ang bakawan ay tinatawag ding bakaw, bakawang babae, bakhaw,


bako, bukaw, mangrove, at tagasa. (SAO) (ed GSZ)
baklád
Ang baklád ay isang uri ng estrukturang pangisda na inilalagay sa may
baybaying-dagat. Mistula itong maluwang na bakod na nagsisilbing
pangharang at panghúli sa mga isdang nagpapalipat-lipat sa malapit sa
pampang at sa karagatan. Maaaring pansamantala o permanente ang isang
baklad na inilalagay kung saan dumaraan ang mga isdang naglalakbay.
Tulad ng isang bakuran, itinatayô ang mga poste ng kawayan nang may
pantay-pantay na agwat. Karaniwang may pasukan ang isang baklad para
sa mga isdang nagkakawan. May matá o bútas ang lambat sa isang baklad
na hindi liliit sa 3 sentimetro.

Kalimitang hugis pana ang isang baklad. Maaaring umabot ng ilang daang
metro ang habà ng bawat isang tangkay sa gilid nitó. Ang kulungan ng
baklad na pansamantalang itinayô ay may panghatak na pukot at dalawang
dulo na nakaangkla sa baybay. Nananatili ang súpot ng pukot sa mababaw
na bahagi ng tubig at nagsisilbi itong lalagyan ng mga isdang nahuhúli.
May isang uri naman na gawa sa kawayan, lambat at alambre, o hibla ng
kawayan na ginagamit panali.

Sa Filipinas, saklaw ng pamahalaang lokal ang regulasyon at pahintulot


sa pagtatayô ng baklad sa baybaying-dagat. Pinapaupahan ang isang parte
ng baybay sa mga indibidwal o grupo na may sapat na puhunan para
magpatayô ng baklad. Subalit may mga pagkakataóng malaki ang sukat ng
baklad kayâ’t sinasakop at isinasara nitó ang malaking bahagi ng baybay.
Nagdudulot ang ganitong sitwasyon ng problemang tulad ng kawalan ng
espasyo para sa maayos na pagdaloy ng tubig at nabegasyon. Dahil dito,
kailangan ng pamahalaang lokal ang regular na pagmonitor at pagbisita sa
mga baybaying-dagat na kanilang nasasakupan. (MA) (ed VSA)
bakunáwa
Tulad ng mga kalapit na bansa ng Filipinas sa Asia, may konsepto rin ng
dambuhalang ahas o dragon ang mga sinaunang Filipino. Ito ang bakunáwa
o lahò. Inilalarawan ito bílang isang higanteng sawá na nakatirá sa dagat,
may pakpak, pulahang dila, at bungangang sinlaki ng lawa. Iniuugnay ang
bakunawa sa eklipse sapagkat may kakayahan daw itong lumamon ng
buwan.

Ayon sa mga mito, ang laho ang may sala kung bakit nag-iisa na lang ngayon
ang buwan sa langit. Pitó raw talaga ang nilikhang buwan ni Bathala upang
maging tanglaw sa mundo pagsapit ng gabi. Ngunit nilamon ng bakunawa
ang anim dahil sa labis na pagkahumaling sa liwanag ng mga ito. Upang
pigilan ang laho sa tuluyang paglulon sa natitiráng buwan, itinataboy ito
ng mga sinaunang Filipino sa pamamagitan ng paglikha ng ingay. Ito ang
dahilan kung bakit laho ang tawag ng mga sinaunang Tagalog sa eklipse.
Ngunit hindi ito tumutukoy sa simpleng paglaho o pagkawala ng buwan.
Bagkus, inilalarawan nitó ang mismong pagkain ng laho o bakunawa sa
buwan gaya ng matatagpuan sa mga talâ ni Francisco de San Antonio sa
Vocabulario Tagalo (1620): “cqinain nang Laho ang bouan,” “masaquit
ang paglamon ng Laho sa buwan,”,“inaloua nang Laho ang bouan,” at
“linamon pala nang Laho ang bouan caya nangamarillim.” Ganito rin
ang paglalarawan ng mga sinaunang Bisaya sa eklipse gamit naman ang
bakunawa. Matatagpuan halimbawa sa mga talâ ni Alonso de Mentrida
hinggil sa bokabularyo ng mga Bisaya ang “binacunauahan ang bulan.”

Dahil takót ang mga sinaunang Filipino sa tuluyang paglalaho ng liwanag,


nagsilbing tagapaghimatong ng kasamaan at ng kabutihan ang bakunawa:
kasamaan dahil panandalian nitóng pinagdidilim o binabantaang magdilim
ang paligid, at kabutihan sapagkat muling nagbabalik ang liwanag
pagkatapos ng ilang sandaling pagkawala nitó. (BVN) (ed GSZ)
bakyâ
Katutubong sapin sa paa ang bakyâ at yari sa kahoy ang suwelas at katad o
tela ang kaluban. Maaaring impluwensiya ito ng sapin sa paa ng mga Tsino
o ng mga Hapones. Gayunman, maaaring bunga ito ng naramdamang
likás na pangangailangan para sapnan ang paa laban sa subyang at putik.
Nagkaroon din ng masining na pag-ukit sa kahoy ng bakyâ at pagpipinta ng
disenyo sa katad o telang kaluban ng paa. May panahon na isinusuot ito ng
kababaihan kung pista at tanging okasyon. Ito ang nakasaad sa sentimental
na awit na “Ang Bakyâ Mo Neneng”:

Ang bakyâ mo Neneng, luma at kupás na


Ngunit may bakás pa ng luha mo sinta.

Sa pagdating ng makabagong tsinelas at sapatos ay naging sagisag ang


bakyâ ng pagiging probinsiyanong makaluma. Nitóng mga taóng 1960,
nagkaroon pa ito ng higit na masamâng kahulugan. Ginamit ito ng isang
direktor sa pelikula, si Pambansang Alagad ng Sining Lamberto Avellana,
upang tukuyin ang mga manonood na hindi diumano nakauunawa o
walang wastong pinag-aralan hinggil sa mahusay na pelikula. Literal
pang nakabakya noon ang mga dukhang manonood ng pelikulang Tagalog
sa lalawigan. Sinundan ito ng iba upang kutyain ang “pangkaraniwan,”
“probinsiyano,” at “mababàng uri.” At marahil, ang ganitong pangyayari
ang hindi matanggap ng isang nagsisikap gumunita sa matamis na kahapon
ng “Ang Bakyâ Mo Neneng.” (GCA) (ed VSA)
balagtásan
Ang balagtásan ay isang debate o labanan ng katwiran sa paraang patula.
Karaniwang tinatampukan ito ng tatlong makata: dalawang mambabalagtas
na nagtatalo sa isang paksa at isang lakandiwa na nagpapadaloy ng palitan
ng katwiran.

Isinilang ang balagtasan sa isang pulong ng Kapulungang Balagtas


noong 28 Marso 1924. Iminungkahi ni Lope K. Santos ang pagdaraos ng
makabagong duplo bílang pag-aalaala sa kaarawan ni Balagtas. Subalit
pinansing di-angkop sa pagdiriwang ang duplo kayâ bumuo sila ng bagong
anyo na tinawag nilang “balagtasan.”

Itinanghal ang kauna-unahang balagtasan sa Instituto de Mujeres noong


6 Abril 1924. Naglaban dito sina Jose Corazon de Jesus bilang Paruparo,
at Florentino T. Collantes bilang Bubuyog. Si Lope K. Santos naman ang
naging Lakandiwa. May iba pang mga makata na naglaban sa naturang
balagtasan ngunit sina de Jesus at Collantes ang naging paborito ng
madla.

Karaniwan, mga simpleng paksa ang pinagtatalunan sa balagtasan: ginto


o bakal, babae o lalaki, mataba o payat, baso at tabo, sabong o kabaret,
palayok o kawali. Ngunit nang lumaon, naging madalas pagtalunan
ang mga makabuluhang panlipunang isyu tulad ng welgista at eskirol,
manggagawa at makina, wikang Ingles o wikang Espanyol.

Pagkatapos ng unang balagtasan, marami pa ang sumunod. Naging


napakapopular ng anyong ito kung kayâ’t halos lahat ng mga kilalang
makata noon ay lumahok sa pagtatanghal nitó. Nagkaroon din ng mga
balagtasan kahit sa wikang Espanyol at Ingles. Gayundin naman sa iba’t
ibang wikang katutubo. May crissotan ang mga Kapampangan na isinunod
sa pangalan ni Juan Crisostomo Soto na kilala bílang “Crissot.” Tinawag
naman itong bukanegan ng mga Ilokano sunod sa pangalan ni Pedro
Bukaneg. Noon pang 1926 ay mayroon na ring naitalâng mga pagtatanghal
ng balagtasan sa Kabisayaan.
Emilio Mar. Antonio
Noong 1937 naman, itinaguyod ng Kompanyang Elizalde ang balagtasan
sa radyo. Maraming tinatawag na hari ng balagtasan kasunod nina de pambansang hari ng balagtasan. Patuloy ang pagtatanghal ng balagtasan
Jesus at Collantes. Ngunit si Emilio Mar. Antonio ang kinikilalang huling hanggang ngayon lalo tuwing Buwan ng Wika. (GSZ)
balangáy
Sinaunang malaking sasakyang-dagat ang balangáy na gamit sa
paglalakbay at kalakalan. Ito rin ang mga sasakyang-dagat na nahukay
sa Surigao noong dekada 70 at tinawag na “balanghai.” Tawag din ito sa
isang pamayanang binubuo ng 30 hanggang 100 magkakalapit na pamilya
na pinamumunuan ng isang datu. Malaki ang posibilidad na ang nabanggit
na pagtawag sa pamayanan ay batay sa pangalan ng sasakyang-dagat.

Noong panahon ng Espanyol, isinulat itong barangay at walang makatiyak


sa paraan ng bigkas. May haka ang ilang historyador na naging barangay
ang anyo ng balangay dahil hindi mabigkas nang wasto ng mga dayuhan
ang orihinal. Ngunit hindi nagbago ang bigkas (ba·ra·ngáy). Gayunman,
popular ngayon ang bigkas na (ba·ran·gáy) mula sa pa-Ingles na pagtukoy
na naging tawag sa lokal na pamahalaan sa kasalukuyan.

Nang sakupin ng mga Espanyol ang Filipinas, ang mga nayon at ili ay
tinawag na báryo mula sa Espanyol na barrio. Sa panahon ni Pangulong
Ferdinand E. Marcos, ipinahayag niya ang isang “lipunang barangay” upang
bigyang halaga ang tungkulin ng pinakamaliit na yunit ng pamahalaan sa
gawaing pambansa. Sinimulan niyang tawagin ang mga baryo na barangay
sa bisà ng dekretong nilagdaan noong 21 Setyembre 1974. (VSA)

Mula sa Aklat Adarna


balarilà
Inimbentong salitâ ang balarilà katumbas ng gramatica sa Espanyol at
grammar sa Ingles, o ang pag-aaral ng estruktura ng wika. Tinatalakay
nitó ang mga tuntunin ng isang wika ukol sa mga uri, pagbuo at wastong
paggamit ng mga salita, at pagsulat. Si Mamerto Paglinawan ang iniulat
na unang gumamit ng salitâng balarilà sa kaniyang aklat ng gramatika sa
wikang Tagalog. Gayunman, naging popular ito dahil ginamit sa aklat ni
Lope K. Santos at siyáng unang naging teksbuk sa pagtuturo ng Wikang
Pambansa.

Nalikha ang salitâng ito ng dáting Samahan ng mga Mananagalog


noong mga taóng 1905-1906. Mula ito sa mga salitâng badyá, na
nangangahulugang pagpapahayag, pagsasasaad o paggagad, o babalâ,
na nagpapahayag ng isang kautusan, at dilà, na nagpapahiwatig ng wika.
Isinasaad ng pinagsámang badya+dila o babala+dila ang paggamit
ng dila sa pagsasalita upang maipahayag ang nais sabihin. Nabuo ang
salitâng balarilà dahil sa panuntunang nagiging titik R ang titik D kapag
napagigitnaan ng dalawang patinig.

Malaki ang posibilidad na ang pagsusuri sa gramatika ng wikang Filipino


ni L.K. Santos ay ibinatay sa mga unang pag-aaral ng mga misyonero. Sa
ating kasaysayan, ang mga misyonero ang unang nag-aral sa estruktura
ng mga wika sa Filipinas at ilan sa mga pag-aaral na ito ay nalathala.
Halimbawa, ang Artes y reglas de la lengua tagala (1610) ni Fray Francisco
de San Jose. May iba pang misyonero na naglathala din ng artes y reglas
sa ibang mga katutubong wika ng Filipinas na nasakop ng mga Espanyol.
May puna na dahil sa pangyayaring ito ay lubhang sumusunod sa mga
tuntunin ng klasikong gramatikang Europeo ang balarila ni L.K. Santos.
May dagdag ding mga tuntunin mula sa makabagong lingguwistika ang
mga bagong aklat sanggunian sa gramatika.

Bukod sa pagpapalaganap ng imbentong salita na balarila ay nagtagumpay


din ang aklat ni L.K. Santos sa pagpapalaganap ng isang buong sistema ng
katawagan sa gramatika, gaya ng pangngálan para sa noun, pandiwà para
sa verb, pang-urì para sa adjective, pang-ábay para sa adverb, panghalíp
para sa pronoun, pantúkoy para sa article, at marami pa. (JGP) (ed VSA)
baléte
Ang baléte (may varyant na balíte o balitì) ay isang grupo ng mga punò
sa Filipinas mula sa genus na Ficus, fig tree o banyan tree sa Ingles at
igos sa Espanyol. Nagsimula ang búhay nitó bílang isang epiphyte kapag
sumibol ang butó nitó sa mga bitak at siwang ng isang punò o sa isang
estrukturang tulad ng gusali at tulay. Marami ang tinatawag na strangler
figs, na tumitira sa simula ng búhay nila sa isang punò, pagkatapos ay
kakapitan ang buong katawan ng punò, at sa hulí ay papatayin ito. Kilala
rin ito bílang hemiepiphytes na nagsimula na parang halamang hangin,
maraming nakalawit na ugat, na kakapit paibabâ sa lupa, at sa dakong hulí
ay pupulupot sa isang punò, yayapusin ito hanggang mamatay.

Sa alamat, kasabihan, at mitolohiyang Filipino, pinaniniwalaan na


maraming engkanto ang nakatira sa balete, tulad ng kapre, babaeng
nakaputî, aswang, duwende, at tikbalang. Ito ay kadalasang ginagamit na
tema sa mga pelikulang Filipino sa klasipikasyong katatakutan o horror.

Ang ibang klase ng balete ay naglalabas ng mahinàng kalidad ng goma.


Isang halimbawa ay ang India rubber (F. elastica) na inaalagaan kahit
paano para sa goma. Ang ibang uri tulad ng tangisang-bayawak (Ficus
variegata) ay malaking punò na maaaring gamitin sa paggawa ng palito ng
posporo. May mga pananaliksik na ang isang uri ng F. elastica ay mayroong
elemento na panlaban sa mikrobyo at kontra sa pamamaga. Ayon sa mga
kuwento at alamat, ang balát ng species na F. benjamina, kasáma ang ugat
at dahon nitó, ay maaaring pakuluan sa langis at gawing pampahid sa mga
sugat at gasgas. Gamot din ito sa rayuma at sakít ng ulo. Itinatanim ang
mga punò ng balete sa mga lagusan at daanan bílang kanlungan o habong
laban sa matinding síkat ng araw. (SSC) (ed VSA)
balikbáyan
Isang likhang salitâ ang balikbáyan, mula sa pinagdugtong na “balík” at
“báyan” upang ipantawag sa mga Filipino na umuuwi pagkatapos manirahan
sa ibang bansa. Nilikha ito upang ipangalan sa programang panturismo
noong 1973 ng itinayông Ministri ng Turismo. Ang programa ay tinawag
mismong “Programang Balikbáyan” (Balikbáyan Program) at may
layuning akitin ang mga Filipino sa ibang bansa na dumalaw sa Filipinas.
Hindi lámang nais ng Ministri na pagkakitahan ang pagbabakasyon ng mga
Filipino mula sa ibang bansa. Nais din ng Ministri na ipagmalaki sa kanila
ang mga pagbabago sa ilalim ng Bagong Lipunan. May mga espesyal na
pribilehiyo sa balikbáyan, gaya ng mababàng pasahe sa eroplano, lalo’t
Philippine Air Lines ang kukunin, at palugit sa bigat ng bagahe kapag
gumamit ng tinawag na “balikbáyan box.”

Ang tagumpay ng programa ay makikita sa naging popularidad mismo ng


salitàng balikbáyan. Naging pantawag na ito sa sinumang umuwi, kahit
mula lámang sa pag-aaral sa Maynila at bumalik sa probinsiya. Sinimulan
din nitó ang uso na paggamit ng “balik-“ bílang tíla unlaping re- para
sa anumang aktibidad na nangangailangan ng pagbalik o paglingon:
“baliksulyap” “baliktanaw,” “balik-aral,” “baliktanong,” “baliksuntok,”
“balikpuna,” “balikliham,” “balikbisyo,” “balikbahay,” “baliktrabaho,” at
iba pang maaaring manatili sa mahabàng panahon. (LJS) (ed VSA)
balimbíng
Ang balimbíng (Averrhoa carambola) ay isang uri ng punongkahoy na
may bungang hugis tatsulok ang limang gilid. Ang punòng ito ay maliit
hanggang katamtaman ang taas, karaniwang hindi tataas sa 5-12 metro.
Kabílang ito sa pamilyang Oxalidaceae at kamag-anak ito ng kalamias
o kamias. Madali itong patubuin at palakihin at maaaring makita sa kahit
saang lugar sa Filipinas.

Ang prutas nitó ay karaniwang lungtian, minsa’y manilaw-nilaw kapag


hinog na at maaari nang kainin. Mataas ito sa bitamina B at C pati na rin sa
Iron. Ang mga dahon at bulaklak naman nitó ay ginagamit na halamang-
gamot.

Dahil sa anyo nitóng may ilang gilid, ang prutas ng balimbing ay


inihahalintulad sa mga baligtaring politiko at pinunòng-bayan na madalas
magpalit ng kinaaanibang partido ayon sa inaakala niláng makukuhang
pakinabang dito. Ang ganitong uri ng mga politiko ay nakagawian nang
bansagang balimbing na ang kahulugan ay “doblekara.” (SAO) (ed GSZ)
balítaw
Ang balítaw ay isang tradisyong Sebwano. Ito ay kombinasyon ng awit,
sayaw, at debate ng lalaki at babae. Isang tagisan ito ng husay sa musika at
katwiran. Ang debate ay karaniwang umiikot sa paksang pag-ibig.
Ang sayaw ay karaniwang nagsasadula ng pag-aalay ng lalaki ng bulaklak
sa napupusuang babae. Ang pagtanggap ng bulaklak ay tanda ng pagsang-
ayon ng babae sa iniaalay na pag-ibig sa kaniya.
Sinasabing nagmula pa sa sinaunang tradisyon ang balitaw, bago pa
man dumating ang Espanyol sa kapuluan. Ito ay ginaganap tuwing may
kasayahan at iba pang mga pagdiriwang. Sa pagdaraos ngayon ng balitaw,
karaniwang sinasaliwan ito ng gitara o arpa. Lalaki ang tumutugtog ng
gitara hábang idinaraos ito.
Ang balitaw ay isinusulat sa tunugang mayor at menor. Ang balitaw sa
tunugang mayor ay karaniwang nása estruktura at katangiang Europeo.
Sa tunugang menor naman, ito ay umampon ng ritmong Espanyol na
tinatawag na bolero.
Ang balitaw ay tumutukoy rin sa isang uri ng estruktura ng likhang musika
ng Tagalog. Isinusulat ito sa batayang kompás na 3/4. Ginagamit din
ito bilang indikasyon ng bilis sa mga likhang musika ng mga klasikong
kompositor. Halimbawa, ang “Arimunding-munding” nina C. Reyes at J.
Benasa, at ang “Bakya Mo Neneng” nina Levi Celerio at S. Suarez ay nása
tiyempong balitaw. Samantala, ang “Dalagang Filipina” nina J. Santos at
Jose Corazon de Jesus at “Larawan” ni Francisco Buencamino ay nása
pormang balitaw.
Narito ang isang halimbawa ng balitaw mula sa rehiyong Tagalog:
Inday, Inday sa balitaw Neneng, Neneng sa balitaw
Batang nabalian, Kahoy nakahapay,
Kahoy na sariwa, Sandok nakasuksok,
Saging na nilaga, Siyansing nabaluktot,
Kinuha sa lungga, Palayok nakataob,
‘Binabad sa suka, Sinigang na matabang,
Gamot sa sikmura. Kulang sa sampalok. (RCN) (ed GSZ)
Jesus Balmori
(10 Enero 1887-23 Mayo 1948)
Itinuturing na isa sa pangunahing makata ng Filipinas sa wikang Espanyol,
halos buong búhay ni Jesus Balmori (He·sús Bal·mó·ri) ay nagugol sa
pagsusulat. Kilala din siyá sa alyas na “Batikuling” na ginamit sa pagsulat
ng kolum na “Vida Manileña” sa La Vanguardia na nagtatanghal sa buhay
Filipino sa nakatatawang paraan bago magkadigma. Tugatog ng tagumpay
niya bilang makata ang pagwawagi ng kaniyang koleksiyong Mi Casa
de Nipa ng unang gantimpala sa timpalak pampanitikan ng Komonwelt
noong 1938.

Isinilang si Balmori noong 10 Enero 1887 sa Ermita, Maynila at nag-


aral sa Colegio de San Juan de Letran at sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Sa paaralan pa lámang ay umani na ng papuri ang kaniyang talinong
pampanitikan. Napangasawa niya si Dolores Rodriguez. Noong 1904, sa
gulang na 17 taón, inilathala niya ang kaniyang unang aklat ng tula, ang
Rimas Malayas. Sa isang timpalak sa pagdiriwang ng Araw ni Rizal, ang
kaniyang tatlong lahok na may magkakaibang sagisag ay nagwagi ng una,
ikalawa, at ikatlong gantimpala. Noong 1908, ang kaniyang tulang “Gloria”
ay nagtamo ng unang gantimpala sa timpalak ng El Renacimiento.

Sumulat din siyá ng mga nobela, ang Bancarrota de Almas, Se Deshojo la


Flor, at Pajaros de Fuego. Natapos ang ikatlong nabanggit sa panahon ng
pananakop na Hapones. Sa panahon ding ito itinanghal ang ilang dula niya
sa Espanyol.

Ipinadalá siyá sa ibang bansa bilang embahador ng pagkakaibigan at


nakarating siyá sa Espanya, Mexico, Timog Amerika, at Japan. Nása
Mexico siyá nang magkasakít at bahagyang naging paralisado. Namatay
siyá noong 23 Mayo 1948 sa kanser sa lalamunan. Sinasabing namatay
siyá ilang sandalî pagkatapos idikta ang kaniyang tulang “A Cristo” sa
kaniyang asawa. Tula pa rin ang nilalamán ng kaniyang hulíng hininga.
(PKJ) (ed VSA)
Clare R. Baltazar
(1 Nobyembre 1927—)
Pambansang Alagad ng Agham, si Clare R. Baltazar (Kleyr Ar Bal·ta·zár)
ang tinaguriang “Ina ng Pag-aaral ng Entomolohiya sa Filipinas” at ang
kaunaunahang Filipina na nagpakadalubhasa sa nasabing larangan. Sinulat
niya ang librong Philippine Insects, ang unang komprehensibong pag-aaral
sa mga katangian, búhay, at gawi ng mga lokal na insekto sa Filipinas.
Dahil sa kaniyang natatanging kontribusyon sa pagpapaunlad ng pag-aaral
ng entomolohiya sa Filipinas, iginawad sa kaniya Pambansang Alagad ng
Agham (National Scientist) noong taóng 2001.

Ang Hymenoptera ang isa sa pinakamalaking order ng mga insekto.


Mahigit nang 130,000 na species ang natuklasan sa buong mundo at
marami pa ang hindi kilála. Kabílang sa order na ito ang mga insektong
putakti, bubuyog, langgam, at ilang uri ng langaw. Dahil isang tropikal
na bansa ang Filipinas, napakaraming katutubong insekto na dito lámang
matatagpuan. Si Dr. Baltazar ang nakatuklas ng walong genera at isang sub-
genus ng Hymenoptera. Nagawa rin niyang kilalanin ang 108 na bagong
species ng insektong putakti na makikita lámang sa Filipinas. Siyá ang
unang Filipinang nagtangka at matagumpay na nag-ayos ng taksonomiya
ng mga insektong katutubo sa Filipinas.

Naglathala siyá ng talaan at bibliyograpiya ng mga insekto sa Filipinas, A


Catalogue of Philippine Hymenoptera (1759-1963). Ang pag-aaral na ito
ay lumabas sa monograp na Pacific Insects noong 1966. Sinulat rin niya
ang tatlo pang mahahalagang pag-aaral: ang New Generic Synonyms in
Parasitic Hymenoptera (1961) na inilathala Philippine Journal Science,
ang The Genera of Parasitic Hymenoptera (1962), at ang A New Genus
and Nine New Species of Philippine Braconidae (Hymenoptera) (1963). Sa
pamamagitan ng mga pananaliksik ni Baltazar, nagkaroon ng pagkakataon
ang iba pang mga dalubhasa na maintindihan ang iba’t ibang bagong
uri ng insekto sa Filipinas. Naging susi ito sa pag-intindi kung ano ang
epektibong paraan ng pagkontrol sa insekto. Napaunlad rin ni Baltazar ang mag-aral sa Estados Unidos ay nagbalik si Baltazar sa Filipinas upang
siyensiya at metodolohiya ng pag-aaral ng entomolohiya sa Filipinas. magturo ng sistematikong entomolohiya sa UP at ipagpatuloy ang
pananaliksik sa mga katutubong insekto ng Filipinas. (SMP) (ed VSA)
Isinilang si Baltazar noong 1 Nobyembre 1927. Nagtapos siyá ng Batsilyer
sa Siyensiya ng Entomolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1947.
Nakapagtapos siyá ng master sa Siyensiya (Economic Entomology) at
doktorado (Systematic Entomology) sa University of Wisconsin. Matapos
Francisco “Balagtas” Baltazar
(2 Abril 1788-20 Pebrero 1862)
Itinuturing si Francsico “Balagtas” Baltazar (Fran·sís·ko Ba·lag·tás
Bal·ta·zár) na “Prinsipe ng Makatang Tagalog” dahil sa kaniyang obra
maestra na Florante at Laura. Itinuturing din siyáng pasimuno ng mga
pagbabago sa panitikan sa loob ng pananakop ng mga Espanyol.

Hinangaan nina Rizal at Bonifacio ang halimbawa ni Balagtas ng mahusay


at makinis na pagtula sa Florante at Laura. Hinangaan din nila at ng iba
pang mga makata sa ika-20 siglo ang mga mapanghimagsik na ideang
pampolitika at panlipunan ni Balagtas. Ngunit marami pang ibang nasulat si
Balagtas na awit at komedya. Nakalulungkot na nasunog ang mga ito nang
masunog ang kaniyang bahay sa Bataan. Isang natira ang saynete na La
india elegante y el negrito amante, na tumatalakay sa komikong paraan sa
pagkakapantay ng tao anuman ang lahi. Natagpuan naman kamakailan ang
manuskrito ng komedyang Orosman at Zafira na nagpapatunay sa husay
niya bilang mandudula at sa kaniyang mataas na paninging pampolitika.

Ipinanganak siyá noong 2 Abril 1788 sa Panginay, Bigaa (ngayo’y


Balagtas), Bulacan sa mag-asawang Juan Balagtas at Juana Cruz. Noong
batà pa siyá, ipinadalá siyá ng kaniyang ina sa isang malayong kamag-anak
sa Tundo, Maynila, na siyáng nagpaaral sa kaniya kapalit ng paninilbihan
sa bahay. Nag-aral siyá sa Colegio de San Jose at sa Colegio de San Juan
de Letran. Ayon sa ulat, nakalista siyáng estudyante sa Colegio de San Jose
ngunit sa pangalang “Francisco Baltazar”. Ito rin ang pangalan niya sa
dokumento ng kasal kay Juana Tiambeng noong 22 Hulyo 1842. Walang
tiyak na paliwanag sa pagbabago ng kaniyang apelyido.

Noong 1835, umibig siyá kay Maria Asuncion Rivera, anak ng mayamang
angkan sa Pandacan. Si Rivera ang pinag-alayan ni Balagtas ng tulang
“Kay Celia,” ang pambungad na tula ng Florante at Laura. Gayunman,
hindi sila nagkatuluyan ng dalaga. Sa Pandacan, nakulong siyá sa isang di-
malinaw na dahilan. Lumaya siyá noong 1838, taón na sinasabing unang
inilathala ang Florante at Laura. Lumipat si Baltazar sa Udyong (ngayo’y
Orion), Bataan, at doon pinakasalan si Juana Tiambeng, anak ng isang sa Balanga, Bataan, at nang sumunod, sa Tundo, Maynila. Hábang nása
mayamang pamilya. Nagkaroon sila ng 11 supling. Muli na naman siyáng Tundo, mula 1857 hanggang 1860, nagsulat siyá ng maraming komedya
nakulong noong 1856 kaugnay ng reklamo ng isang katulong na diumano’y para sa Teatro de Tundo. Nang makalaya, bumalik siyá sa Udyong at dito
ginupitan niya ng buhok sa di-malamang dahilan. Naghirap ang pamilya ni niya naisulat ang marami pang tula at komedya hanggang sa mamatay siyá
Balagtas dahil sa kasong ito. Pinagdusahan niya ang kaniyang sentensiya noong 20 Pebrero 1862. (GSZ)
balút, pénoy
Isang bantog na pagkaing Filipino ang balút, nilagàng itlog ng itik at
pinaniniwalaang pampalakas ng katawan at pampasigla sa pakikipagtalik.
Ginagamit itong pulutan sa inuman at katerno ng sitsaron. Kamakailan,
nauso ang binalatán at ipinritong balút.

Ngunit hindi ito basta nilagàng itlog ng itik. Sa bayan ng Pateros, na bantog
sa industriya ng balút, maingat na pinipilì ang mga itlog ng itik na kinukulob
sa isang pook halimhiman sa loob ng 17-19 araw para magkaroon ng kitî o
sisiw. Ngunit hindi hinahayaang mapisâ ang itlog. Pagkatapos ng naturang
paghalimhim, kinukuha ang itlog na may sisiw, hinuhugasan, at inilalaga.
May mahilig sa balút sa putî, itlog na kinulob sa loob ng 16-17 lámang
kayâ maliit pa ang sisiw. Karaniwang bahagyang binubuksan ang balát
ng isang dulo ng itlog, binubudburan ng asin, at hinihigop ang sabaw at
lamán.

Ang pénoy ay nilagàng itlog ng itik na nabilíg o hindi nagkasisiw. Sa


halip, nagkaroon lámang ito ng malaking masa na putî at dilaw sa loob.
Kung tutuusin, para itong karaniwang nilagàng itlog ng manok. Naiiba
ang penoy dahil walang tiyak na hugis ang putî at dilaw bukod sa malimit
na magkahalò. May uri itong masabáw at may uring tuyô. Penoy ang
pinipilì ng mga tao na hindi káyang kumain ng itlog na may sisiw. (YA)
(ed VSA)
banabá
Ang banabá ay isang punongkahoy, kabílang sa pamilyang Lythraceae,
at may botanikong pangalan na Lagerstroemia speciosa. Ito ay may
katamtamang taas na 5 hanggang 10 metro ngunit minsan ay tumataas
hanggang 20 metro. Ang kulay ng dahon nitó ay berde ngunit nagiging
kulay dalandan kapag mataas ito sa corsolic acid, isang sangkap na mainam
para sa may sakít na diyabetis.

Ang iba’t ibang parte nitó ay may kani-kaniyang gamit bilang alternatibong
gamot. Ang ugat nitó ay ginagamit para sa mga karamdaman sa tiyan at
ang mga dahon naman nitó ay ginagamit sa diyabetis at bilang diyuretiko
o kayâ ay pampurga. Mahusay na tabla ang punò ng banaba.

Simple lang ang paggawa ng tsaa na maaaring inumin bilang gamot sa


diyabetis at pampapayat. Kumuha ng mga dahon ng banaba at ibilad
hanggang matuyo sa loob ng dalawang linggo. Durugin ang mga dahong
tuyo at ilaga sa loob ng tatlumpung minuto. Kailangan ang isang tasang
durog na dahon katumbas ng isang tasang tsaa. Salain ang nilaga para
maalis ang mga durog na dahon. Inumin ang tsaa.

Makikita itong tumutubò sa maraming bahagi ng Filipinas, lalo na sa


Batanes, Hilagang Luzon, at Palawan. (SAO) (ed GSZ)
Banco Español-Filipino
Ang Banco Español-Filipino (Báng·ko Es·pan·yól-Fi·li·pí·no) na itinatag
noong 1 Agosto 1851 ang kauna-unahang bángkong itinatag sa Maynila at
sa buong Timog-Silangang Asia. Una itong tinawag na El Banco Español
de Filipinas de Isabel II. Mula ang pangalan sa ina ng hari ng Espanya
noon na si Haring Alfonso XIII. Ito ay naitatag 23 taón pagkaraang ideklara
ni Haring Ferdinand VII ang pagtatatag ng isang pampublikong bangko sa
Filipinas.

Ang pangunahing gawain ng mga bangko sa bansa noon ay limitado lámang


sa mga gawaing pampubliko o obras pias. Subalit sa paglago ng kalakalan
sa bansa, nagkaroon ng malaking pangangailangan sa pera at pagpapautang.
Layunin ni Haring Ferdinand VII na pataasin ang komersiyo at kalakalan
sa bansa sa pamamagitan ng bangkong ito. Pormal na nag-umpisa ng
operasyon ang bangko noong 1852 at ito lámang ang may ekslusibong
pribilehiyo na makapaglabas ng perang papel noong 17 Oktubre 1854.
Ang tawag sa unang inilabas ng perang papel ng bangko ay pesos fuertes o
malakas na piso. Ito ay may denominasyong mula 10 hanggang 200 piso.
Maaari itong ipalit sa Mehikanong sensilyong ginto at pilak.

Ang unang opisina ng bangko ay nása Casa de la Aduana Real na tinawag


ding Intendencia sa loob ng Intramuros. Ito ay pinamahalaan ng dalawang
halal na tagapamahalang direktor na nagpapalitan kada taón. Ito ang
unang bangkong nagpautang sa pamahalaan para sa pagpapatayô ng isang Mula sa Philippine Picture Post Cards 1900-1920 (1994)
pampublikong pamilihan.

Pinaikli ang pangalan ng bangko noong 3 Setyembre 1869 at tinawag itong


El Banco Español de Filipinas pagkaraang mapatalsik sa kaniyang trono
si Reyna Isabel II noong 1868. Subalit noong 1 Enero 1912, pinalitan ito ng
pangalan upang mawala ang anumang koneksiyon ng bangko sa Espanya.
Tinawag na itong Banco de las Islas Filipinas o Bank of the Philippine
Islands. Ang unang sangay nitó ay binuksan sa Lungsod Iloilo.
Sa kasalukuyan, ito ang bangkong may pinakamaraming parangal na
natanggap. Noong 2005, 2006, at 2008, ginawaran ito ng The Banker
bilang pinakamahusay na bangko sa Filipinas. (AMP) (ed VSA)
bánda
Ang salitâng bánda ay maaaring tumukoy sa iba’t ibang grupong
pangmusika na tumutugtog ng instrumento mula sa panahon ng Espanyol
hanggang sa kasalukuyan. Sinauna man o bago, ang banda ay bunga ng
impluwensiyang kanluranin sa mga Filipino.
Ang mga unang grupo ng banda ng musiko ay binuo ayon sa estruktura ng
bandang panghukbo ng Espanya. Naging mahalagang bahagi ito ng mga
gawain ng pamahalaang militar para sa mga opisyal na pagtitipon, at ng
maimpluwensiyang simbahan para sa mga prusisyon. Paglipas ng panahon
ng Espanyol ay itinatag ng mga Amerikano ang Philippine Constabulary
Band noong 15 Oktubre 1902 sa pangunguna ni Koronel Walter H. Loving.
Ang mga miyembro ng PC Band ay nagmula sa mga nagkawatak-watak
na grupo noong panahon ng labanang Filipino-Espanyol at Filipino-
Amerikano.
Sa St. Louis Exposition noong 1904, nakamit ng grupo ang ikalawang
puwesto sa paligsahan sa pagtugtog. Nakipagtagisan sila sa pinakamagaga-
ling na banda mula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ang grupo rin ang
tumugtog sa paglulunsad sa pagiging Pangulo ni William Howard Taft sa
Estados Unidos.
Ang isa pang tanyag na banda sa bansa noong panahon ng Espanyol
ay ang Banda Arevalo na kilala bilang Pasig Band, at nang lumaon
ay pinangalanang Pambansang Banda dahil sa paglilingkod nitó sa
gobyernong rebolusyonaryo ng Malolos mula 1898 hanggang 1899. Ang
unang lokal na banda naman ay ang Banda Zabat na itinayo ni Padre
Eliodoro Chico noong 22 Nobyembre 1820 sa Gapan, Nueva Ecija.
Sa kasalukuyan, ang mga bándang ganito ay karaniwang maririnig na
lámang sa mga serenata at mga tagisan ng galíng tuwing bisperas ng pista
sa iba’t ibang bayan sa paligid ng siyudad.
Ang bagong henerasyon ng banda naman ay pinanday ng popular na media.
Nagsimula noong dekada 1970, ang musikang popular ng Filipinas ay
pinasigla ng mga bagong sulpot na banda. Naging mga popular na banda
ang Parokya ni Edgar, Pupil, Rivermaya, Spongecola, Syato, The Dawn,
Truefaith, Unbandub, UpDharmaDown, at Yano. (RCN) (ed GSZ)
bangâ at tapáyan
Ang bangâ ay sisidlan na yari sa luad at karaniwang ginagamit bilang
sisidlan ng tubig. Karaniwang katulad ito ng tapáyan, bagaman higit na
malaking sisidlan ang ikalawa. Ang banga at ang tapayan ay ginagamit ding
sisidlan ng iba pang bagay, gaya ng alak o alamang. Gamitín ang banga
at tapayan hanggang sa kasalukuyan sa halos lahat ng bahagi ng bansa.
Halimbawa, sa bahaging hilaga ng Luzon, iba’t iba ang hugis at gamit ng
mga banga. Ang bornáy sa Ilocos ay may katawang malaki at matambok
at bungangang makipot. Ang boyog naman na ginagamit sa Pangasinan, La
Union, at Ilocos ay halos silindriko ang hugis, palapád ang ibabang bahagi
mula sa bunganga. Gorgorita naman ang tawag sa bangang maliit na may
mabilog na katawan at mahabàng leeg. Mas malaking bersiyon nitó ang
pasig-pasig na ang karaniwang inilalagay naman ay bagoong o alamang.
Ang banga ay tinatawag na buyóg sa Pangasinan, duláy sa Bikol, at tibód
sa Hiligaynon at Waray.

Hindi lahat ng sisidlan ng tubig sa bansa ay yari sa luad. Halimbawa, ang


soboy ng mga T’boli (Rehiyon 12) ay yari sa pinatigas na balat ng upo.
Ang kararao na karaniwang ginagamit ng mga Maranaw sa paghuhugas
ng kamay bago at matapos kumain ay yari sa tanso.

Marami mang gamit ngayon ang banga at tapayan. Noong araw, ang isang
mahalagang silbi ng tapayan ay bilang pangalawang sisidlan ng mga butó
ng katawan ng mga yumaong sinaunang Filipino. Natagpuan sa Palawan
ang tinatawag natin ngayong Tapáyang Manunggul. Natagpuan naman
sa Saranggani ang mga sinaunang Tapáyang Maitum. (GAC) (ed GSZ)
bangkâ
Maliit na sasakyang pantubig ang bangkâ. Karaniwan itong gawa sa
kahoy at ginagamitan ng sagwan. Kung minsan, may nakakabit na
kawayan sa magkabilâng gilid ng bangka upang balanse ang takbo nitó
sa tubig. Tinatawag ang kawayang ito na kátig. Lundáy ang pinakamaliit
na bangka, parang inukang kahoy, at isa lámang ang sakay. Maaari ding
kabitan ang bangka ng láyag, isang malapad na telang nagpapausad sa
bangka sa pamamagitan ng hangin. Biráy ang tawag sa maliit na bangkang
may layag na ginagamit sa pangangalakal. Paráw ang higit na malaki at
nagkakarga ng pasahero.

Sa Butuan nahukay ang pinakalumang malalaking bangka o balangáy sa


buong Asia. Ginawa ito noong taóng 320 A.D. at ginamit bilang bangkang
pangkalakal sa mga sinaunang kaharian ng India, Malaysia, at Tsina. Isa
ring tanyag na sinaunang bangka ang karakoa, ang malaking sasakyang-
dagat na ginamit ng mga Filipino sa digmaan. Ayon kay Padre Combes,
isang Espanyol na fraile at historyador, mas mabilis ang takbo ng karakoa
kompara sa malalaking barkong gamit ng mga Espanyol na tinatawag na
galeón.

Sinasalamin ng itsura ng bangka at ng paggawa nitó ang paniniwala ng


mga katutubong Filipino. May mga pamahiin tungkol sa dami ng kahoy na
gamit o sa paraan ng pagkakabit nitó sa bangka. Marami ding mga ritwal
ang tungkol sa bangka o pagsakay nitó. Halimbawa ang pagtatanong ng
mga sinaunang Filipino sa kanilang mga anito kung ligtas ang pagpalaot o
ang pagbalik sa dalampasigan. Pinaniniwalaan niláng nása kibáng o pag-
ugoy ng bangka sa tubig ang sagot ng mga anito. Isa ring mahalagang
ritwal ang pagtatapon mula sa balangay o bangka ng isang baul na punô ng
damit ng yumao. Ginagawa ito kapag ang anak o kamag-anak ng yumao
ay nagkasakit.

Bangka ang pangkalahatang tawag sa mga sasakyang pantubig. Sa Badjaw,


bangka ang tawag sa mga sasakyang pantubig na hindi nila ginagamit
na tirahan o lepa. Tinatawag din ang bangka na awáng sa Magindanaw,
barángay sa Iloko, at baróto sa Bikol, Maranaw, Sebwano, at Tagalog.
Bantog ang makulay na layag ang vínta sa Zamboanga. May tsínarém at
mas malaking paluwá ang mga Ivatan. (DRN) (ed VSA)
Bangkáw
(sirka 1622)
Si Bangkáw ay datu ng Limasawa at mga karatig na lugar sa Leyte na
namunò ng isang pag-aalsang pampananampalataya laban sa mga Espanyol.
Bilang pinunò ng isla ng Limasawa, malugod niyang tinanggap ang
pagdating noong 1565 ng kongkistador na si Miguel Lopez de Legaspi. Isa
siyá sa mga unang katutubong Filipino na nagpabinyag sa Kristiyanismo.
Bilang pagkilála sa kabutihang ipinakita ni Bangkaw, nakatanggap ang
datu ng isang liham ng pasasalamat mula sa Hari ng Espanya, si Felipe II.

Noong 1622, pagkatapos ng lagpas kalahating siglo ng pagiging Kris-


tiyano, itinakwil ni Bangkaw ang relihiyon at pinamunuan ang isang pag-
aaklas sa edad na humigit-kumulang 75 taón. Dahil ipinagbawal ng mga
misyonerong Espanyol ang katutubong pananampalataya, halos lahat,
maging batà, babae at matanda, ay lumahok sa pag-aalsang ito. Tinawag
ng mga misyonero na demonyo ang mga diwata at bathala, at sinunog ang
mga katutubong imahen. Winasak naman ni Bangkaw, ng kaniyang mga
anak, at ni Pagali (isang babaylan na sinangguni ni Bangkaw tungkol sa
pagbabangon) ang mga simbahang Katoliko at nagtayô ng sariling dambana
para sa mga diwata. Nasupil lamang ang pagbabangon nang magpadalá ng
isang hukbo mula Cebu ang mga Espanyol. Pinugutan ng ulo si Bangkaw
at isang anak na lalaki, hábang binitay din si Pagali. (PKJ) (ed VSA)

Guhit nina Erika Sevilla at Jean Estella


bangkô
Tumutukoy ang bangkô sa mahabàng upuan para sa tatlo o higit pang tao
at walang sandalan. Ang karaniwang balangkas nitó ay isang palapád at
mahabàng piraso ng kahoy (ang pinakaupuan) at apat na maikli’t pabilóg
na kahoy na nagsisilbing mga paa at ikinakabit nang magkapares sa
magkabilâng dulo ng mahabàng kahoy. Sari-sari ang uri nitó, mula sa mga
karaniwang gawa sa kahoy at hanggang sa may lilok pa’t pampagandang
disenyo. Funsiyonal ang bangkô sa pang-araw-araw na búhay, lalo na sa
sáma-sámang pamamahinga mula sa trabaho at pagkukuwentuhan kapag
nagkakatipon.

Marahil, ang unang bangkô ay isang kaputol na troso o isang nabuwal na


punongkahoy. Kinailangang kinisin ang upuan upang higit na maginhawa
kapag inupuan at kailangang lagyan ng mga paa upang umangkop sa
pisikal na pangangailangan ng umuupô. May bangkô ang mga Ifugaw
na ginagamit sa ritwal at bangkô na para lámang sa iginagálang na tao
sa komunidad. Kilalá na ngayon sa ibang bansa at tinatangkilik ng mga
kakaibang bangkông disenyo ni Kenneth Cobunpue ng Cebu. Samantala,
bahagi na ang bangkô ng pananalinghagang Filipino. Pinaaalalahanan ang
mayabang na “huwag magbuhát ng sariling bangkô.” Kinaaawaan naman
ang “nababangkô”—ang atleta sa basketbol na hindi ipinapasok sa laban o
ang dalagang hindi naaanyayahang sumayaw sa isang pagdiriwang. (LJS)
(ed VSA)
bangús
Ang bangús o Chanos chanos ay isda na nag-iisang miyembro ng
pamilyang Chanidae. Tinatawag itong sábaló kapag husto na sa gulang para
makapagparami na karaniwan ay nása edad na limang taón at may habàng
50-150 sentimetro. Dinalá ang bangus sa Filipinas mula sa Indonesia o
Tsina mahigit-kumulang sa 300 taón na ang nakalilipas. Matatagpuan
ito sa mga baybaying-dagat na mainit (higit sa 20 sentigrado) ang tubig,
malinaw at mababaw. Inaalagaan din ang bangus sa mga palaisdaan at
iba pang uri ng kural pang-isda. Bihirang mahúli ang sabalo sa malalim
na tubig dahil sa bilis at lakas nitóng lumangoy. Nahuhúli lang ito kapag
dumadayo sa mga baybayin sa panahon ng pangingitlog. Kilaláng lugar
ang isla ng Panay na dinadayo ng sabalo para mangitlog. Karaniwang
matatagpuan ang mga itlog sa parteng malapit sa baybayin na may lalim
na 10-20 metro.

Pahabâ ang katawan ng bangus, bahagyang impis, at walang kaliskis sa


tiyan bagaman natatakpan ng mga bilugan, maliliit, at makinis na kaliskis
ang mga palikpik. Parang kumikinang na pilak ang katawan nitó lalo na
kung bagong hango mula sa tubig. May hilatsa ng balát na tumatakip sa
mga matá. Maliit ang bibig at walang ngipin ang bangus.

Nakakáya ng bangus ang masasamâng kondisyon ng temperatura, alat,


oxygen, ammonia, nitrite, pagsisikip, at gútom. Kayâ naman popular na
inaalagaan at pinalalago ang bangus sa iba’t ibang uri ng palaisdaan. Sa
Filipinas, ang bangus ang pangunahing isda na inaalagaan at napakahalaga
sa ekonomiya ng bansa. (MA) (ed VSA)
baníg at bayóng
Ang baníg ang pinakasikát na produkto mula sa masinsing paglála
ng hinimay na dahon ng bulé (o bulí) o pandán (pandanus). Parihabâ,
maaaring pang-isahang tao, pandalawahan, o pampamilya ang súkat, at
ginagamit na higaan. Ginagamit din itong sapin sa sahig upang maupuan.
Mainam na higaan ang baníg dahil nakapagpapanatili ng lamig kahit mainit
ang panahon.

Dahil sa makukulay na disenyo ng baníg ng Samal at Badjaw, sinasabing


ginagawa sa Filipinas ang pinakamagagandang baníg. Napabantog ang
Laminusa, lalo na nang parangalan ang isang manlalála ng baníg dito bilang
Manlilikha ng Bayan. Pinakagamitin naman ang baníg mulang Basey,
Samar na ginagamitan ng himaymay ng tíkog. Sa Lanao at Cotabato,
halamang sésed ang nilalála.

Nilalála din nang masinsin ang bule at pandan bilang sisidlan. Pangunahin
dito ang bayóng, isang malalim na sisidlan na may tambal na hawakan sa
bibig. Wala itong takip. Nilalagyan ito ng gulay, prutas, at ibang binili sa
pamamalengke. Lalagyan ito ng bigas ng mga Tagbanwa. Naglalála din
ngayon ng ibang kasangkapan at dekorasyon. May laruang hugis isda o
ibon, nakakatulad ng origami sa papel ng mga Hapones, na gawa sa bule
o pandan. Nilála ding himaymay ang popular na “sombrerong Baliuag” at
ang karaniwang balanggót ng mga magsasaka. (YA)(ed VSA)
bánoy
Ang bánoy (pithecophaga jefferyi) ay isa sa mga lokal na pangalan ng
pambansang ibon ng Filipinas na may pangalan sa Ingles na Philippine
Eagle at Monkey-eating Eagle. Kabílang ito sa pamilyang Accipitridae na
dito lámang matatagpuan sa kagubatan ng Filipinas. Kulay kayumanggi
ang plumahe o balahibo nitó, karaniwang may sukat na 86-102 sentimetro
(2.82-3.3 piye) ang habà, at tumitimbang ng 4.7-8 kilo (10-18 libra).
Tinatawag din itong agilá (mula sa Espanyol), manaul sa matandang
Bisaya, mamboogook at malamboogook sa Mandaya at Manobo, tipule
sa Subanon, at bánog dahil napagkakamalang lawin.

Ang bánoy ay itinuturing na nanganganib nang hayop dahil sa pagkawala


ng tirahan bunga ng pagkasira ng kagubatan. Matatagpuan ang ibong ito
sa apat na malalaking isla na kinabibilangan ng silangang Luzon, Samar,
Leyte, at Mindanao. Pinakamarami ngayon ang naninirahan sa Mindanao,
mga 82 at 233 parehang naglalahian. Matatagpuan ang mga ito sa Northern
Sierra Madre National Park sa Luzon, at sa Mount Apo at Mount Kitanglad
National Park sa Mindanao.

Noong una, tinawag na Philippine Monkey-Eating Eagle ang banoy dahil


pinaniniwalaang tanging unggoy lámang ang pagkain, subalit napatunayang
hindi ito lubos na tama. Ang pangunahing pagkain nitó ay nag-iiba depende
sa matatagpuan sa kinaroroonan. Ang buong siklo ng pagpapalahi ay
tumatagal ng dalawang taón. Ang kakayahang seksuwal sa reproduksiyon
ay naaabot ng babaeng banoy sa gulang na limang taón, samantalang ang
lalaki ay pitong taón. Katulad ng ibang agila, ang banoy ay monogamous.
Kapag ang dalawang banoy ay nagkapareha na, mananatiling magkapareha
ang mga ito hábang-buhay. Naghahanap lámang ng ibang kapareha ang isa
kapag namatay ang kapareha. Matagumpay nang nakapagpalahi ng bánoy
hábang nakakulong at makikita ang mga ito sa parke ng Malagos sa Davao.
(SSC) (ed VSA)
Julian Arca Banzon
(25 Marso 1908-14 Setyembre 1988)
Pambansang Alagad ng Agham, si Julian Arca Banzon (Hul·yán ár·ka
Bán·zon) ang kauna-unahang siyentistang nagsagawa ng pananaliksik at
pagsubok upang pagkunan ng alternatibong panggatong ang bunga ng
niyog. Matagumpay siyáng nakalikha ng ethyl esther mula sa katas ng
tubó at niyog. Ang kaniyang pananaliksik at mga natuklasang proseso ay
nagpaunlad sa pag-aaral ng kemistri at siyensiya sa pagkain sa Filipinas.
Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Agham (National Scientist)
noong 1986 bilang pagkilála sa kaniyang ambag sa pagpapaunlad ng
agham at teknolohiya ng bansa.

Noong 1937, sinulat niya ang Studies on Coconut Oil: Pyrolysis at Studies
on Coconut Oil: Conversion into Solids. Sa pakikipagtulungan kay Dr. Jose
Velasco, sinulat niya noong 1982 ang librong The Coconut: Production
and Utilization. Ang mga akdang nabanggit ang pinakaunang pag-aaral
sa paggamit ng niyog upang pagkunan ng murang pagkain, kemikal, at
langis. Ginamit niya ang mga prinsipyo ng kemistri upang mapaunlad at
mapabilis ang proseso ng paglikha ng langis.

Bukod sa pagiging imbentor at mananaliksik, si Banzon ay isa ring mahusay


na administrador at dalubguro. Siyá ang unang direktor at punòng siyentista
ng Philippine Atomic Energy Center. Itinatag rin niya ang Division of
Food Science and Technology sa Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños
noong 1970. Kinilála siyá ng Professional Regulation Commission bilang
Chemist of the Year noong 1978. Iginawad rin sa kaniya ang prestihiyosong
Distinguished Service Award ng Intergrated Chemists of the Philippines
noong 1980.

Isinilang si Banzon sa Balanga, Bataan noong 25 Marso 1908. Siyá ang


panganay na anak nina Manuel S. Banzon at Arcadia Arca. Nagtapos siyá ng
kursong kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1930. Isa siyá sa mga
pensiyonado ng U.P. na nagtungo sa Estados Unidos upang ipagpatuloy
ang mas mataas na pag-aaral. Natapos niya ang kaniyang doktorado sa
biyopisikang kemistri sa Iowa State University noong 1940. Bumalik
siyá sa bansa matapos ang pag-aaral upang ipagpatuloy ang pagtuturo sa
Unibersidad ng Pilipinas hanggang magretiro. Namatay siyá noong 14
Setyembre 1988. (SMP) (ed VSA)
barò at sáya
Bago pa dumating ang mga dayuhang Espanyol, ang barò at sáya na ang
maituturing na pambayang kasuotan ng mga Filipina. Ang salitâng baro na
henerikong tawag sa pang-itaas na kasuotan ng mga katutubo ay laganap
sa buong kapuluan bago pa man dumating ang mananakop. Bado ito sa
mga Ilokano samantalang bayo naman sa Kabisayaan. Ang saya naman ay
ang maluwang na pang-ibabang kasuotan.

Ang baro at saya ay may apat na bahagi: ang kamísa o maikling blusang
may manggas na halos kawangis ng isang bestido; ang alampáy o balabal
na ipinapatong sa kamisa; ang saya o paldang mahabà na kalimita’y
hanggang sakong; at ang tápis o kapirasong telang ipinapatong sa saya.

Nang lumaon, isinantabi na ang alampay dahil nakagagambala ito sa


paggalaw. Nawala rin ang tapis at naging mas payak ang saya. Natira na
lang ang dalawang pirasong kasuotan na di nagtagal ay pinag-isa. Para
sa mas pormal na okasyon, nabuo ang iisang pirasong kasuotan na may
pinatayong manggas na kahalintulad ng mga pakpak ng paruparo. Ito ang
tinatawag na térno.

Dahil sa Amerikanisasyon, nawala sa uso ang mga terno. Ngunit muling


pinasikat ito ng dating Unang Ginang Imelda Marcos na nakilala sa La Banca (1876) ni Felix Resurreccion Hidalgo
pagsusuot na magagarang terno na ipinasasadya pa niya sa mga batikang
tagadisenyo ng damit. (JCN) (ed GSZ)
bárong tagálog
Simula noong panahong Komonwelt, itinuturing na pormal at pambansang
kasuotan ng kalalakihan ang bárong tagálog. Ngunit kasuotan na ito ng
mga Filipino noon pang panahon ng mga Espanyol at mauugat sa panahong
iyon ang ilang katangian nitó. Ang bárong tagálog ay pang-itaas na damit
panlalaki, may mahabàng manggas, may bukás hanggang dibdib, walang
bulsa, karaniwang manipis ang tela at walang kulay, at isinusuot nang
hindi nakaparagan.

Pangkaraniwang kasuotan ito noon ng mga Indio. Manipis ang tela, dahil
mas presko ito kung mainit ang panahon. Ngunit sinasabi ring ganito
ang nais ng mga kolonyalista upang hindi makapagkubli ng patalim o
sandata ang Indio sa ilalim ng damit. Hindi nakaparagan ang pagsusuot
dahil praktikal ito para sa maginhawang pagtatrabaho. Ngunit sinasabi
ring ganito ang nais ng mga kolonyalista upang magmukhang imperyor
ang Indio at madalîng maibukod sa mga Espanyol na nakaparagan ang
kamisadentro. Wala ring bulsa ang bárong tagálog upang hindi makapang-
umit sa bahay o tindahan.

Si Pangulong Manuel L. Quezon ang nagdeklarang “pambansang kasuotan”


ang bárong tagálog. Sinimulan din itong gamitan ng mámaháling telang husi
at pinya at bordado upang maging elegante. Noong 1975, nagproklama pa
ang Pangulong Ferdinand E. Marcos ng isang “Linggo ng Barong Tagalog”
tuwing Hunyo 5-11, bago ang Araw ng Kasarinlan, at lalong naging simbolo
ang bárong tagálog ng paglaban sa kolonyalismo. Ginagamit ngayon ito
sa mga opisyal na pagdiriwang at importanteng okasyon. Pormal ang tao
kapag sinabing “nakabaróng.” Nauso naman noong dekada 60 ang “pólo
baróng” na maikli ang manggas at karaniwang mumurahin ang tela para sa
pang-araw-araw na pagpasok sa opisina. (LJS)(ed VSA)
básket
Básket, mula sa wikang Ingles, ang karaniwang itinatawag sa sisidlang
maluwang ang pagkalála, yari sa matigas na materyales, at ginagamit sa
pamamalengke. Básketrí (mula sa Ingles na basketry) ang pangkalahatang
tawag ngayon sa gayong uri ng likhang-kamay. Gayunman, hindi ito laging
sisidlan at hindi laging yari sa mga nilapát na kawayan, mga hinimay na
bule at pandan, at mga biniyak na yantok at baging. Sisidlan ang bayóng
ngunit yari sa malambot na bule o pandan at masinsin ang pagkalála.
Matigas ang materyales ng salakót, masinsin ang pagkalála, ngunit
putong sa ulo at hindi sisidlan. Sa sining ng katutubong likhang-kamay,
tinutukoy ng basketri ang sining ng paglála, na iba sa kahawig na sining
ng paghábi. Magkaiba ang dalawa sa uri ng materyales na ginagamit sa
paglikha. Matigas na yantok o kawayan o magaspang na baging o malapad
na dahon ng bule ang materyales sa paglála samantalang pinong-pinong
himaymay o sinulid ang materyales sa paghábi. Magkaiba din ang dalawa
sa produkto. Tela na karaniwang kasuotan ang produkto ng paghábi; sari-
saring sisidlan at kasangkapan ang ginagawa sa paglála.
Isang sinaunang sining at industriya ang paglála ng mga sisidlan at may iba’t
ibang pangalan ang uri, alinsunod sa laki, materyales, gamit, at pinagmulang
pangkatin. Sa Tagalog, may maliit na sisidlan na maaaring sunungin at
tinatawag na bákul. May malaki’t hindi mayayakap ng dalawang tao at
tinatawag na mátong. Ang batuláng ay malalaki ang bútas, magaspang
ang materyales, isinasakay sa paragos o kareta, at ginagamit na panghakot
ng mga binigkis na punla ng palay. Biláo ang pantahip ng palay at bigas.
Ang bistáy ay kahugis ng bilao, ngunit maluwang ang lála. Nilalála din sa
kawayan ang mga sisidlang buslô at ang mga panghúli ng isdang gaya ng
salakáb at búbo. Kauri ng bákul ang labba ng mga Ilokano bagaman higit
na pino ang materyales at ang pagkalála. Mula sa Cordillera ang naging
popular na pasikíng kapalit ng backpack at ang kayábang na nakasaklay
sa likod at sinasaló ng isang tali na nakatapal sa noo ng bumubuhat.
May mga produkto ng paglála na kinulayan ang materyales o nagtataglay
ng mga disenyong bulaklak, dahon, butiki, at iba pang nagpapakilála sa
pangkating pinagmulan. May mga laki at hugis na angkop para maging
sisidlan ng regalo o pandekorasyon sa tahanan. (DRN) (ed VSA)
Batas Claveria
Sa bisa ng Batas Claveria (Ba·tás Kla·vér·ya) na ipinanukala noong 21
Nobyembre 1849, lahat ng Filipino ay kailangang mamili ng apelyido mula
sa listahang nasa librong Catalogo Alfabeticos de Apellido. Ipinangalan ang
nasabing batas sa tagapagsulong nito na si Gobernador-Heneral Narciso
Claveria, tubong-Geronia, Espanya na nagsilbing gobernador-heneral
ng Filipinas mula 1844 hanggang 1849. Hangarin ng Batas Claveria na
mapadali ang pagpapalaganap ng hustisya, pagsesenso, pagkolekta ng
mga buwis, at pagpapabuti ng pamamahala ng kolonya.

Ang nasabing batas ang dahilan kung bakit maraming Filipino sa


kasalukuyan ay may mga apelyidong Hispaniko o mga pangalang hinango
sa mga halaman, hayop, at pook heograpiko. Bukod dito, karamihan sa mga
puweblo o bayan ay hindi nakatanggap ng buong kopya ng Catalogo kundi
tig-ilang pahina lamang nito kung kaya’t limitado ang mga apelyidong
mapagpipilian. Bunga nito, maaaring malaman kung saang bahagi ng bansa
nagmula ang isang Filipino batay sa kaniyang huling pangalan. Halimbawa,
sa probinsiya ng Albay, karamihan sa mga tagalungsod ng Tabaco ay may
mga apelyidong nag-uumpisa sa letrang “B” habang malimit na ang mga
huling pangalan ng mga taga-Polangui ay nag-uumpisa sa letrang “S.”

Ang ibang pamilyang Filipino ay patuloy na gumamit sa kanilang


mga katutubong apelyido tulad ng Gatmaitan, Dimagiba, Dimaano, at
Batungbakal. Gayunman, ang nasabing patakaran ay nagbunga ng isa sa
pinakamalinaw na tatak ng kolonisasyon ng Espanya sa Filipinas. (MBL)
(ed GSZ)
Batásang Pambansâ
Batásang Pambansâ ang itinawag sa sangay ng gobyerno na gumagawa
ng batas ng Filipinas noong panahon ng Batas Militar sa ilalim ni
Pangulong Ferdinand E. Marcos. Isa itong kapulungang may isahang
kamara (unicameral) na binubuo ng mga halal na kinatawan mula sa mga
probinsiya, distrito, lungsod, at mga sektoral na kinatawan ng kabataan,
manggagawa, at magsasaka. Ang pangkalahatang kapulungan ng Batasang
Pambansa ay may katungkulang maghalal ng Ispiker, Pangulo, at Punòng
Ministro, magbalangkas ng mga batas, magpatibay ng mga internasyonal
na kasunduan, magsagawa ng imbestigasyong makatutulong sa paglikha
ng batas, magbalangkas ng badyet ng gobyerno, at magdeklara ng giyera.

Ang Batasang Pambansa ay binuo ayon sa Konstitusyong 1973 na


pinagtibay noong 17 Enero 1973 sa bisà ng Presidential Proclamation
No. 1102 ni Pangulong Marcos. Pinalitan ng konstitusyong ito ang uri ng
gobyernong umiiral sa Filipinas mula sa presidensiyal na sistema tungo
sa isang binagong parlamentaryong sistema. Noong 16 Oktubre 1976,
naglunsad si Pangulong Marcos ng isang reperendum-plebisito upang
susugan ang Konstitusyong 1973 at itakda ang pagbubuo ng isang Interim
Batasang Pambansa (IBP). Matapos nitó, pinulong ng pangulo ang isang
Batasan noong Agosto 1977 na tumalakay sa pagbubuwag ng presidensiyal
na sistemang panggobyerno at pagtatakda ng pormal na halalan upang
maitatag ang IBP.

Naging masalimuot ang isinagawang halalan para sa Interim Batasang


Pambansa noong 16 Abril 1978. Binoykot ng ilang prominenteng
personalidad sa oposisyon ang halalan subalit lumahok dito si Senador
Benigno Aquino Jr. kasáma ng ilang nakapiit na oposisyonista sa ilalim
ng koalisyong Lakas ng Bayan (LABAN). Sa kabilâng panig, inorganisa
ni Pangulong Marcos ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ng mga
Nacionalista, Liberal, at iba pang partido. Noong Abril 6, sumiklab
ang espontaneong kilos protesta ng mamamayan sa pamamagitan ng
malawakang pag-iingay sa mga lansangan ng Maynila. Pagkatapos ng 17 Enero 1981 at umiral hanggang Pebrero 1986. Binuwag ni Pangulong
halalan, mayorya ng posisyon sa IBP ang nakuha ng KBL samantalang 13 Corazon Aquino ang Batasang Pambansa noong 25 Marso 1986 sa bisà
puwesto lámang ang napagwagian ng oposisyon. ng Proklamasyon Blg. 3. Gayunman, nanatili ang pangalang “Batasang
Pambansa” para sa gusali at pook sa Lungsod Quezon na ginamit ng IBP
Pinasinayaan ang unang pulong ng Interim Batasang Pambansa noong 12 at ginagamit ngayon ng Mababàng Kapulungan ng Kongreso ng Filipinas.
Hunyo 1978. Naging ganap na isahang kamara ang kapulungang ito noong (SMP) (ed VSA)
Bathalà
Sa mga sinaunang Tagalog, si Bathalà ang kinikilalang diyos na lumikha
sa sansinukob at kumukupkop sa mga tao. Siyá ang pinakamataas sa
mga diyos at diyosa na katulong niya sa papapanatili ng katiwasayan ng
mundo. Sinasabing nakatira siyá sa kalangitan. Bilang dakilang lumikha
at itinuturing na pinakamakapangyarihan ng mga sinaunang Tagalog,
tinawag rin siyáng Maykapal.

Ayon sa mga kuwento, si Bathala ay nakapangasawa ng isang mortal na


nilaláng ngunit namatay ito sa panganganak. Nagkaroon sila ng tatlong anak
na magagandang babae. Sila sina Mayari, ang diyosa ng buwan; Hanan,
diyosa ng umaga; at Tala, diyosa ng mga bituin. Maunawain at maawain si
Bathala ngunit hindi nag-aatubiling magparusa sa sinumang lumalabag sa
kagandahang-asal. Gayunma’y madali rin siyáng magpatawad kung ang
nagkasala’y taimtim na nagsisisi.

Labis din siyáng magpakita ng kaniyang pagmamahal sa mga masunurin


at mapagpakumbaba. Sinasabing ang ganitong paniniwala sa kaniyang
katangian ang pinagmulan ng ugaling Filipino na malimit na pagsambit ng
ekspresyong “bahala na.” Ang bukambibig na ito ay maaaring pinaikling
“Bathala na” o ipinauubaya na ang lahat kay Bathala.
Retrato ni Christian Fernandez (2009)
Ang bathala, na nása maliit na titik, ay ginagamit din ngayon katumbas
ng diyos at diyosa sa mitolohiyang Europeo. May paniwala na may mga
bathala na nangangasiwa sa mga bahagi ng kalikasan at pumapatnubay sa
bawat gawain ng tao. Halimbawa, si Ikapati ay bathala ng agrikultura. Si
Balangaw ay bathala ng bahaghari. (JCN) (ed GSZ)
batyâ
Isang napakahusay na pintor ng katutubong kulay ang Pambansang Alagad
ng Sining Fernando Amorsolo. Nabihag niya sa pintura ang mga karaniwan
at naglahò nang tanawin noon sa nayon. Isa sa mga ito ang larawan ng
dalaga o mga dalagang labandera, nakatapis hanggang dibdib o nakabarò’t
sáya, at maligayang nagkukuskos ng damit sa tabi ng umaaliw-iw na batis
sa lilim ng lumalawiswis na kawayan. Wala pa noong washing machine
at laundromat. Ngunit ano ang gamit ng dalaga sa paglalaba? Banyéra?
Palanggána?

Hindi babagay ang banyera o palanggana sa lumipas na panahon ni


Amorsolo. Sa halip, dapat asahan ang batyâ bilang kasangkapan sa
paglalaba. Katulad din ito ng banyagang banyera o palanggana, may hugis
itong nakalukong upang masidlan ng tubig, ngunit yari sa inukit na kahoy.
Mahirap na ngayong makakita ng batyâ katulad ng pangyayaring mahirap
ding makakita ng malaking punongkahoy na maaaring ukitan ng batyâ.
Isang matimyas na parangal at paggunita sa batya ang bugtong na ito ng
mga Batanggenyo:

Kakabiyak na dayap
Sa gubat pa hinanap.

Wala rin noong sabon. Kayâ sa paglalaba noon, karaniwang ibinababad


ang damit sa batyâ, pagkatapos ay kinukusot. Kung matigas ang tela ay
ikinukuskos sa malapad at makinis na bato, at hinahampas ng kahoy na
palupalò. Anupa’t ang “batyâ’t palupalò,” wika nga sa isang kanta, ang
magkaternong kasangkapan ng labandera noon. (DRN) (ed VSA)
baúl
Ipinasok ng mga Espanyol ang salitâ at konsepto ng baúl. Isang malaki
itong sisidlan, parihaba, tila napakalaking kahon, yari sa matibay na kahoy
(karaniwang nága o mulawin) at kayâ mabigat, at may susian o kandado.
Kailangan ang dalawang hulíng nabanggit na katangian dahil ginagamit ang
baúl sa mahabà at mahirap na paglalakbay noon. Kailangang napakatibay
ang kahoy upang makatagal ito sa matagtag na pagtawid-dagat, lalo na’t
isinasáma noon ang mga baúl sa karaniwang mga kargamentong lulan ng
barko’t galeon. Kailangan ding de-susi ito para sa seguridad, lalo’t mga
importanteng gamit ng may-ari ang nilalamán nitó. Napakabigat ng baúl
kayâ kailangang magkatulong na bitbitin ito ng dalawang tao. Ang bitbitan
ng baúl ang tila mga “tainga” sa magkabilâng gilid nitó at siyáng pinapaksa
ng ganitong bugtong ng mga Ibanag:

Anni nga talinga


Ari makaguinna?

Alin daw tainga ang hindi makarinig? Naging mahalagang gamit noon
kahit sa karaniwang tahanang Filipino ang baúl. Parang status symbol
kung may nakatanghal na baúl sa isang sulok ng tahanan, lalo na’t ang
bahay ay walang partisyon, sapagkat nangangahulugang may nakatago
doong hiyas, salapi, o kung anong importanteng ari-arian. (Lalo na noong
wala pang bángko sa kanayunan.) Ito ang paboritong taguan ng damit at
ibang mahalagang gamit ng mga lola. Kung minsan, nagsisilbing patungan
ng mga unan at nakatiklop na mga kumot at kulambo. Binibili ito ngayon
ng mariwasa sa tindahan ng antik (antique) para gawing dekorasyon sa
sálas—pinapatungan ng flower vase, o diyaryo’t coffeetable book. (YA)
(ed VSA)
bayábas
Ang bayábas ay kabílang sa pamilya Myrtaceae at may botanikong
pangalan na Psidium guajava. Isang uri ito ng punongkahoy na ang
prutas ay nakakain. Makikita ito sa buong Filipinas ngunit ang lugar na
pinakasagana nitó ay sa Bundok Banahaw sa Mindanao. Ang punò ng
bayabas ay kadalasang tumataas ng 3 hanggang 10 metro depende sa
uri nitó. May isang magandang bugtong na ginamit ang bayabas bílang
hambingan:

Isang bayabas
Pitó ang butas.

Hipuin ang sariling mukha at ulo para malaman ang sagot.

Ang bayabas ay malawak na ginagamit sa Filipinas bílang alternatibong


gamot sa maraming karamdaman. Ang pinaglagaan ng mga dahon nitó ay
ginagamit bílang panlinis o panlanggas ng mga sugat. Maaari ding inumin
ito upang ipanlunas sa pagtatae, sakít ng ngipin, at pamamaga ng gilagid.
Ang prutas na bayabas, bukod sa masarap ay may purong katas ng bitamina
C. Ipinapayo lámang na limitahan ang pagkain nitó upang hindi maging
sanhi ng konstipasyon. (SAO) (ed GSZ)
báyan
Ginagamit sa iba’t ibang kahulugan noon pa ang salitâng báyan. Maaari
itong tumukoy sa buong bansa, o sa isang malaking pangkat ng tao, o sa
isang dibisyon sa loob ng isang lalawigan. Ang hulíng nabanggit ang higit
na tinutukoy ng báyan sa kasalukuyang pamahalaang lokal ng Filipinas.
Opisyal itong tinatawag na munisipalidád (municipality). Ang báyan
o munisipalidád ay dibisyong pampolitika sa isang lalawigan. Binubuo
ito ng isang pinangkat na mga barangay. Nilikha ito upang mas mahusay
na mapamahalaan ng gobyerno ang mga pamayanan at magsisilbing
pangunahing daluyan ng paghahatid ng batayang serbisyo sa mga
mamamayan. Tanging ang Kongreso ng Filipinas ang may kapangyarihang
lumikha at magbuwag ng isang báyan at pinagtitibay ng mga apektadong
mamamayan sa pamamagitan ng isang lokal na plebisito. Maaaring likhain
ang isang báyan kung ito ay mayroong taunang kita na hindi bababâ sa
P2,500,000.00, may populasyong umaabot 50,000, at may kabuuang
saklaw na teritoryong hindi bababâ sa 50 kilometro-kuwadrado.

Pinamumunuan ang isang báyan ng alkalde o punòngbayan at bise alkalde


o pangalawang punòngbayan. Ang mga opisyal na ito ay direktang
inihahalal ng mga mamamayan. Naghahalal din ang mamamayan ng
mga konsehal o kagawad ng bayan upang mabuo ang Sangguniang
Bayan. Ito ang nagsisilbing lokal na lehislatura sa isang munisipalidad.
May kapangyarihan itong magbalangkas ng mga ordenansa, magpataw Lumang bahay-na-bato sa bayan ng Bacolor
ng buwis, pamahalaan ang negosyo at daloy ng kalakal sa nasasakupang
báyan, at iba pang tungkuling nasasaad sa Local Government Code of the
Philippines.

May iba’t ibang uri ng munisipalidad sa Filipinas ayon sa taunang kita:


Una o primera na kumikita ng P55 milyon o higit pa; pangalawa o segunda
na kumikita ng mahigit P45 milyon subalit hindi lalagpas sa P55 milyon;
pangatlo o tersera na kumikita ng mahigit P35 milyon subalit hindi
lalagpas sa P45 milyon; pang-apat na kumikita ng mahigit P25 milyon
subalit hindi lalagpas sa P35 milyon; panlima na kumikita ng mahigit P15
milyon subalit hindi lalagpas sa P25 milyon; at pang-anim na may taunang
kita na mababà sa P15 milyon. (SMP) (ed VSA)
Báyan Ko
Ang “Báyan Ko” ay isang kundiman na nilikha noong taóng 1928 ni
Constancio de Guzman batay sa titik ni Jose Corazon de Jesus. Nang
likhain ito, ang awit ay napapanahong diskurso tungkol sa nararanasang
kolonisasyon ng Filipinas sa ilalim ng Estados Unidos. Ikinokompara
ng awit sa ibong nakakulong sa isang hawla ang Inang Bayan, at dahil
sa angkin nitóng ganda ay nahumaling ang mga dayuhan. Ang awit ay
maituturing na kontribusyon ng mga may likha sa literatura ng protesta
noong panahong iyon na kinabibilangan ng mas maagang nilikhang
Tanikalang Guinto, Hindi Aco Patay, Kahapon, Ngayon at Bukas, at iba
pang akdang nagpahayag ng pagtutol sa pananakop sa Filipinas. Narito
ang mga titik ng awit:

Ang bayan kong Pilipinas,


Lupain ng ginto’t bulaklak.
Pag-ibig ang sa kanyang palad,
Nag-alay ng ganda’t dilag.

At sa kanyang yumi at ganda,


Dayuhan ay nahalina.
Bayan ko, binihag ka,
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad,


Kulungin mo at umiiyak!
Bayan pa kayang sakdal dilag,
Ang di magnasang makaalpas?

Pilipinas kong minumutya,


Pugad ng luha ko’t dalita,
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!
Ang awit na “Bayan Ko” ay hindi nawalay sa kamalayan ng mamamayan. din ito sa mga kilos-protesta laban sa mga gobyernong Estrada at Arroyo.
Patuloy itong ginamit sa kilos-protesta laban sa mga mapaniil na gobyerno. Inawit din ito ng taumbayan sa paghahatid sa dating pangulo, si Corazon
Bagaman kasáma ito sa kalipunan ng awit na inilimbag ng rehimeng Marcos Aquino, sa huling hantungan, at sa pagsalubong sa pagiging pangulo ng
sa koleksiyong Mga Awit ng Bagong Lipunan, ito ay naging tampok na kaniyang anak na si Benigno Aquino, Jr. (RCN) (ed GSZ)
awit sa mga kilos-protesta sa pagpapabagsak sa diktador. Naging tampok
bayáni
Ang unang naiisip kung mabanggit ang bayáni ay sina Jose Rizal at Andres
Bonifacio. Batay sa kanila, ang bayáni ay matapang, may matinding pag-
ibig sa bayan, at nagbubuwis ng buhay para dito. Wari namang nagmula
ang salitâng “bayáni” sa “báyan.” Ang kahulugan at halaga ng bayáni kung
gayon ay mahigpit na nakaugnay sa bayan.
Ang kahulugan ng bayani na nakaugnay sa bayan ay nagbabago batay
sa pangangailangan ng bayan sa isang tiyak na panahon. Sa sinaunang
panahon, ang itinuturing na bayani ay mandirigma at pinunò. Mahusay
siyáng lider o timuáy at magiting sa pagtatanggol ng kaniyang sakop. Sa
ilang pangkatin sa Mindanao, tinatawag siyáng bagáni. Sa panahon ng
himagsikan noong 1896, ang bayani ay hindi na lámang tumutukoy sa
matapang na pinunò. Bagkus itinuturing na bayani sa Katipunan kahit ang
karaniwang anak ng bayan, ANB, na nagmamahal at handang mag-alay
ng dugo at pawis para sa bayan. Bunsod nitó, ang bayani ay tumukoy na sa
lahat ng uri ng tao na nakilahok sa Himagsikang 1896 maging babae man
o lalaki, batà o matanda, ilustrado o mangmang. Sa panahong iyon, ang
kabayanihan ay nakabukás para sa lahat na tumutugon sa pangangailangan
ng bayan gamit man ay tabak o panulat.
Sa panahon ng kapayapaan, higit na kailangan ang mga bayani na
maglilingkod sa bayan, lalo na sa serbisyo sibil, kahit maliit ang suweldo.
Hinihingi ito ng panahon bunga ng nakubikóng na hálagáhang pambansa
mula sa pananakop ng mga Amerikano. Bahagi ng nakubikóng na kamalayan
(warped consciousness) ang lubhang pagmamahal sa banyagang kultura
at ang kaalinsabay na kawalan ng malasakit sa sarili. Bahagi rin nitó
ang lubhang pagsisikap para sa pansariling yaman, sukdang magnakaw
at manloko ng ibang tao, at ang kaalinsabay na kawalan ng interes na
makilahok sa gawaing pambayan. Dahil sa ating “napinsalang kultura”
(damaged culture), kailangan ang reoryentasyong pambansa. Kailangan,
wika nga ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang sáma-sámang
pagtahak sa Daang Matuwid laban sa korupsiyon.
Bunsod din ng mga bagong pangangailangan ng bayan, ang konsep-to ng ay tinaguriang mga “bagong bayani” hindi lamang dahil sa mga tulong na
bayani ay nagkaroon ng bagong kahulugan—ito ay ang pagsasakripisyo. naibibigay nilá sa kani-kanilang pamilya kundi gayundin sa ating bayan sa
Tumutukoy ito sa pagsasakripisyo para sa mga mahal sa buhay; gagawin pamamagitan ng pagbuhay nilá sa ating ekonomiya dahil sa kanilang mga
ang lahat para sa ikabubuti at kapakanan ng pamilya. Sinasalamin nitó ang iniuuwi o ipinapadaláng salapi. (LN) (ed VSA)
pagsasakripisyo na dinaranas at tinitiis ng mga Filipinong manggagawa
sa ibang bansa. Bunga nitó, ang mga Overseas Filipino Workers (OFW)
bayaníhan
Isang kapuri-puring kaugalian ng mga Filipino ang bayaníhan o
maramihang pagtutulungan para sa anumang gawain. Karaniwan itong
nakikíta kapag may ililipat o bubuhating bahay sa kanayunan. Kapag
kumalat ang balita, kusang dumarating ang mga kapitbahay at kanayon
upang tumulong sa pagsasaayos at pagbuhat ng mga kasangkapan at sa
mismong sáma-sámang pagbuhat sa bahay. Lumilitaw din ito sa mga
trabaho sa bukid, gaya sa pag-aararo, pagsusuyod, pagtatanim, at paggapas.
Upang bumilis ang pagtatrabaho, dumarating ang mga magsasaká sa buong
nayon upang tulungan ang isang may patanim o may paararo. Tinatawag
din itong ammóyo at tagnáya sa Iloko, aragláyon sa Waray, húngos sa
Sebwano, dagyáw sa Hiligaynon at Aklanon, tarabángan sa Bikol, at
batarisán at pasuyò sa Bulacan.

Itinanghal ito sa kuwentong “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda. Sa


kuwento, may tambal-kahulugan ang “suyuan.” Una, tungkol sa bayaníhan
sa bukid, ang sigla ng mga magsasaká sa pagtulong sa pag-araro. Ikalawa,
tungkol sa labanan nina Pastor at Ore para sa pag-ibig ng isang babae.
Ipinangalan din sa bayaníhan ang Bayanihan Dance Company, isang
pangkat ng mananayaw na nagtatanghal ng katutubong sayaw ng Filipinas
na itinatag sa Philippine Women’s University. Inilahok ang pangkat sa
Brussels Universal Exposition noong 1958, nagtagumpay, at naging bantog
sa buong daigdig. (DRN) (ed VSA)

Guhit ni Carlos V. Francisco


baybáyin
Ang baybáyin ang sinaunang alpabeto ng mga Filipino bago pa dumating
ang mga Espanyol at maituro ang alpabetong Romano. Mula ito sa salitâng
“baybáy” ng mga Tagalog na nangangahulugan ng lupaing nása gilid ng
dagat at ng “pagbaybáy” na nangangahulugan ng ispeling.

Ang baybayin ay nása anyong pantigan na may tatlong patinig (a,e-i,o-u)


at umaabot sa 14 katinig. Makikita ang mga halimbawa ng baybayin sa
Doctrina Cristiana (1593), ang pinakaunang aklat na nalathala sa Filipinas
na isinulat ng mga misyonerong Espanyol.

Sinasabing lahat ng mga katutubo ay marunong magbasá at magsulat


sa baybayin. Balát ng punongkahoy at kawayan ang karaniwang gamit
na sulatan ng mga sinaunang Tagalog at iniuukit dito ang mga titik sa
pamamagitan ng matulis na bagay. May inilalagay na gitling o tuldok sa
ibabaw ng katinig bilang tanda sa tunog ng “e” o “i” at sa ilalim naman
bilang tanda sa tunog ng “o” o “u” na kasáma ng katinig.

Isang ebidensiya ng baybayin ang iniukit na sulat sa isang matandang


palayok na natagpuan ng mga arkeologo sa Calatagan, Batangas. Sa
ngayon, ginagamit pa ng mga Mangyan sa Mindoro at ng mga Tagbanwa
sa Palawan ang baybayin. Ginagamit nila ito sa pagsulat ng maiikling tula,
awit, at paggawa ng liham pag-ibig.

Minsan ding tinawag na alibáta ni Paul Rodriguez Verzosa ang sinaunang


alpabeto dahil sa kaniyang saliksik na ito ay hango sa alpabetong Arabe
na alif ,ba, ta. Tinanggal lámang niya ang “f” kayâ naging alibata.
Gayunman, walang nakitang patunay sa kasaysayan na may kaugnayan
ang baybayin sa alpabetong Arabe. Kahit ang mga wika ng mga bansa sa
Timog-Silangang Asia ay hindi nagpapakita ng katangian o pagkakaayos
ng mga titik na katulad ng wikang Arabe kayâ simula noon ay hindi na
ipinagagamit ang salitâng “alibata” upang tukuyin ang sinaunang alpabeto
ng Filipinas. (EGN) (ed VSA)
Manuel H. Bernabe
(17 Pebrero 1890-29 Nobyembre 1960)
Isang premyadong makata sa wikang Espanyol si Manuel H. Bernabe
(Man·wél Bér·na·bé). Ulit-ulit din siyáng kinilála sa kahusayan niya sa
pagsasalin ng mga akdang pampanitikan. Naging guro siyá sa wikang
Espanyol, peryodista, at naglingkod sa Kamara de Representante
(Mababàng Kapulungan ng Kongreso) noong 1931.

Ipinanganak si Bernabe noong 17 Pebrero 1890 sa Paranaque, Rizal. Sina


Timoteo Bernabe at Emilia Hernandez ang kaniyang magulang. Nag-aral
siyá sa Ateneo de Manila, at isa sa mga gawain niya dito ang pagsasalin
sa Aeneid ni Virgil. Matapos sa Ateneo, kumuha siyá ng abogasya sa
Unibersidad ng Santo Tomas. Pagkagradweyt, pumasok si Bernabe sa
pahayagang La Democracia, at pagkatapos ay sa La Vanguardia bago siyá
naging kontribyutor ng Excelsior. Nagturo siyá ng Espanyol sa iba’t ibang
pamantasan, kasáma na rito ang Unibersidad ng Pilipinas, Far Eastern
University, at Unibersidad ng Santo Tomas. Pinarangalan siyá sa UST
bilang pinakamahusay na makata sa Espanyol noong 1950.

Ngunit, noon pang 1913, napanalunan na niya ang tatlong parangal mula
sa tatlong magkakaibang organisasyon dahil sa mga akda niyang Himno
al Sagrado Corazon de Jesus, El Zapote, at España en Filipinas. Noong
1924, napanalunan niya ang parangal na Premio Zobel nang isalin niya
ang akdang La Pugna. Nagwaging muli ni Bernabe sa nasabing timpalak
noong 1926 dahil sa salin niya ng Rubaiyat. Pinarangalan siyáng “Hari
ng Balagtasan sa wikang Espanyol” noong 1927 at nakalaban si Jesus
Balmori. Tinipon niya ang mga sariling tula sa Cantos del Tropico (1929).
Nakamit ni Bernabe ang dalawang karangalan mula sa Espanya. Dahil sa
kaniyang pagpupunyaging gamitin ang wikang Espanyol bílang midyum
ng pagsulat, iginawad sa kaniya ang parangal na El Yugo y las Flecha
s (1940) at sinundan ito ng parangal na Orden de Isabela la Catolica
(1953). Nang maitalagang pinunò ng Pambansang Aklatan noong dekada
50, isinalin ni Bernabe ang mga sinulat ni Marcelo H. Del Pilar sa wikang
Tagalog. Namatay si Bernabe noong 29 Nobyembre 1960. (SJ) (ed VSA)
Ishmael Bernal
(30 Setyembre 1940-2 Hunyo 1996)
Si Ishmaél Bernál ay hinirang na Pambansang Alagad ng Sining para
sa Pelikula noong 2001. Isa siyáng direktor sa pelikula at itinuturing
na pangunahing haligi ng tinaguriang Ikawalang Gintong Panahon ng
pelikulang Filipino. Isa siyá sa nagpaunlad at nagtaas ng kalidad ng pelikula
sa pamamagitan ng paglihis sa nakagawiang pamamaraan at nilalaman sa
paglikha ng pelikula.
Mga mohon sa larang ng paglikha ng pelikula sa bansa ang mga obra
niyang Pagdating sa Dulo (1971), Nunal sa Tubig (1976), Manila By Night
(inilabas na City After Dark, 1980), Himala (1981) at Hinugot sa Langit
(1985). Ilan pang mahahalagang hiyas sa mahigit sa 50 pelikulang nagawa
ni Bernal ay ang sumusunod: mga tumatalakay sa kasaysayan na El Vibora
(1972) at Lahing Filipino (1976); mga may temang nagpapalawig sa iba’t
ibang uri ng karakter ng indibiwal at pakikipagrelasyon; Pabling (1981),
Ligaw na Bulaklak (1976), Working Girls I (1984), Till Death Do Us Part
(1972), Walang Katapusang Tag-Araw (1977); Galawgaw (1982), Ito Ba
ang Ating Mga Anak (1982); eksperimental na pelikula, ang Scotch on
the Rocks to Remember, Black Coffee to Forget (1975). Ang pelikulang
Wating (1994) ang pinakahuling obra ni Bernal.
Bukod sa paggawa ng pelikula ay nasangkot din siyá sa dulaan. Gumanap
siyá sa mga dulang Kamatayan sa Anyo ng Isang Rosas (1991) at Bacchae
(1992). Nagbigay rin siyá ng mga palihang panteatro at nagdirihe ng mga
dula para sa Sining, isang pederasyon ng mga grupong panteatro ng mga
kabataan sa komunidad.
Kinilala siyá ng Urian bilang Pinakamahusay na Direktor sa mga pelikulang
Dalawang Pugad, Isang Ibon (1977); Broken Marriage (1983); Hinugot
sa Langit (1985); at Pahiram ng Isang Umaga (1989). Kinilala rin siyá
bilang manunulat nang igawad sa kaniya ang Pinakamahusay na Iskrip
para sa City After Dark (1980). Ginawaran din siyá ng FAMAS, Catholic
Mass Media Awards (CMMA), at Metro Manila Film Festival.
Sina Elena Bernal at Pacifico Ledesma ang kaniyang mga magulang. Nag-
aral siyá sa Mababang Paaralan ng Jose Burgos, Mataas na Paaralang V.
Mapa, at Unibersidad ng Pilipinas. Nang makapagtapos sa UP ng A.B.
English, medyor sa Literatura, nagpatuloy siyá ng pag-aral ng panitikan
at pilosopiyang Pranses sa University of Aix-en-Provence sa France.
Nagtungo rin siyá sa India para mag-aral sa Film Institute of Poona. (RVR)
(ed GSZ)
Salvadór F. Bernál
(7 Enero 1945-26 Oktubre 2011)
Si Salvadór F. Bernál ay isang katangi-tanging tagadisenyo sa teatro bukod
sa iginagalang na makata at guro. Ang kaniyang halos apat na dekada sa
pagsasagawa ng disenyo para sa teatro at pelikula ay nag-ambag ng mga
obrang nanguna, orihinal, at nagtaas ng antas ng sining ng paglikha ng mga
kasuotan, set sa entablado, at mga disenyong pamproduksiyon. Iginawad
sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining para sa Disenyong Panteatro
noong 2003.
Nakagawa siyá ng mahigit sa 300 orihinal na disenyong pamproduksiyon,
set, at kasuotan para sa entablado—teatro, sayaw,at musical—at sa pelikula
mula pa noong 1969. Ang kaniyang mga obra ay nagpahusay sa mga
pagtatanghal ng Dulaang UP, Tanghalang Ateneo, Tanghalang Pilipino,
Philippine Ballet Theater, Ballet Philippines, Musical Theater Philippines,
Opera Guild of the Philippines, at sa mga pelikulang (para sa mga kasuotan
ng panahon) Aguila; Oro, Plata, Mata; Gumising Ka Maruja.
Nagtampok , nakatuklas, at nagpamalay siyá ng gamit para sa disenyo at
produksiyon ng mga lokal na materyales, gaya kawayan, abaka (hibla at
lubid), burlap, ratan, at katsa. Nag-eksperimento rin siyá sa mga materyales,
gaya ng klarong plastik na bolpen para gawing chandelier. Natunghayan
ang talinong Bernal sa mga set, kasuotan, at disenyong pamproduksiyon
ng mga hindi malilimutang mga pagtatanghal, gaya sa Francisco Maniago
(1987, Tanghalang Pilipino), Lysistrata (1988, Tanghalang Pilipino),
Walang Sugat (1991, Tanghalang Pilipino), Noli Me Tangere (1995,
Tanghalang Pilipino); Tales of the Manuvu (1974, Ballet Philippines),
Engkantada (1991, Ballet Philippines); sa musikal: Oliver (1978), Ang
Palabas ay Bukas (1979); sa drama: Larawan (1978), Cat on a Hot Tin
Roof (1980), at marami pang iba.
Si Bernal ay ipinanganak noong 7 Enero 1945 at ikalima sa sampung
supling nina Santiago Bernal at Ubalda Floro. Nagtapos siyá ng hay- grantee. Si Bernal ay naging residenteng tagadisenyo ng mga produksiyon
iskul sa Dagupan City High School at nagkolehiyo sa Ateneo de Manila ng Ballet Philippines (1975-1990) at ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas
(1962-1966). Nalimbag sa Heights, magasin pampanitikan ng Ateneo, (1987-1989); at direktor para sa Sentro ng Disenyong Pamproduksiyon
at nagkamit ng mga gawad ang kaniyang mga tula. Nagtapos siyá ng ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (1990-1994). Sa pamamagitan ng
pilosopiya noong 1966 ng may mga gawad at nagkamit ng Mulry Award kaniyang mga programa sa Sentro ng Disenyo at sa mga klase na tinuturuan
para sa malikhaing pagsulat. Mula 1966 hanggang 1970 ay nagturo siyá ng sa Unibersidad ng Pilipinas at sa Ateneo, nabahagihan niya ng kaniyang
Ingles sa Ateneo. Naging direktor siyá ng ilang mga dula para sa Ateneo talento ang ang mga bagong henerasyon ng tagadisenyo sa teatro. (RVR)
Drama Group. Nagtapos si Bernal noong 1973 ng Masters sa Fine Arts (ed VSA)
sa Northwestern University sa Chicago, Illinois, bilang Fullbright-Hays
Bernardo Carpio
Ang Bernardo Carpio (Ber·nár·do Kar·pi·yó) o Historia Famosa ni
Bernardo Carpio sa Reinong Espana, na Anak ni D. Sancho Diaz at Dona
Jimena ay isang awit o mahabang tulang pasalaysay na isinulat noong
siglo 19. Ipinapalagay na sinulat ang Bernardo Carpio ni Jose dela Cruz
o Huseng Sisiw. May limang edisyong Tagalog ito, ang pinakamatanda
ay ang edisyong 1860. Isinalin din ito sa mga wikang Bikol, Ilonggo, at
Iluko.

Batà pa si Bernardo ay nagpamalas na siyá ng pambihirang lakas. Matapos


niyang talunin sa isang duwelo ang nagbalatkayong ama niyang si Don
Rubio, siyá ay itinalaga bilang heneral ng hukbo ng Espanya. Kasunod nitó’y
nalupig ni Bernardo ang kaharian ng isang makapangyarihang emperador
na nagngangalang Carpio. Bilang pagkilala sa kaniyang galíng, tinawag
siyáng Don Bernardo Carpio. Pagkaraa’y natuklasan na rin ni Bernardo
ang totoo sa kaniyang pagkatao—ang tunay niyang mga magulang at
ang kinaroroonan ng mga ito. Sandali niyang nakapiling ang kaniyang
magulang—ang kaniyang ama ay pumanaw at ang nagluluksa niyang ina
ay bumalik sa kumbento. Si Bernardo naman ay patuloy sa paglupig sa
mga bansang di binyagan. Dahil sa paghabol sa kidlat, nakulong siyá sa
isang bundok. Natapos ang romanse ngunit may alamat na si Bernardo
ay nakahimlay sa isang marmol na kama sa loob ng kuweba. Diumano,
balang araw ay babangon siyá para sagipin ang bayan.

May mga alamat na si Bernardo Carpio ang Haring Tagalog na nakatanikala


at nakaipit sa dalawang nag-uumpugang bundok. Kapag nakawala si
Bernardo Carpio ay mangunguna siyá sa pagpapalaya ng bayan. Bago
mag-20 siglo, may kuwento pa tungkol sa pagtatagpo ni Bernardo at ni
Rizal. Maaaring binása ito ng taumbayan bilang talinghaga ng mithiin
nilang lumaya.

Ang Bernardo Carpio ay naisalin na rin sa pelikula noong 1951, sa


entablado noong 1976, at sa mga kuwentong pambata. (GSZ)
Bíag ni Lám-ang
Sinasabing pinakapopular na epikong-bayan, ang Biag ni Lam-ang ay
nagmula sa Hilagang Luzon, partikular na sa mga lalawigan ng Ilocos
at La Union. Nag-iisa itong Kristiyanisadong epikong-bayan at pruweba
nitó ang paggamit ng mga pangalang naimpluwensiyahan ng Katolisismo.
Sinasabing ang paring si Gerardo Blanco ang nagtalâ ng epikong-bayan
noong 1889 at si Canuto Medina na nagtalâ noong 1906. Sinundan ito ng
bersiyon na nailathala sa La Lucha, ang bersiyon ni Parayno noong 1927 at
pinagsáma niya ang unang dalawang bersiyon at ang bersiyon ni Leopoldo
Yabes noong 1935.

Umiikot ang epikong-bayan sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lam-


ang. Bago siyá ipanganak ni Namongan, inutusan ng kaniyang ina ang
kaniyang ama na si Don Juan Panganiban na manguha ng mga kahoy.
Ngunit hindi na bumalik si Don Juan hanggang ipinanganak niya si Lam-
ang. Pambihirang batà si Lam-ang dahil káya na niyang magsalita at
may taglay siyáng kakaibang lakas. Itinanong ni Lam-ang kung nasaan
ang kaniyang ama. Nang sinabi ng kaniyang ina na umalis ang kaniyang
ama upang labanan ang mga Igorot, nag-ayos si Lam-ang at pumunta sa
lugar ng mga Igorot kahit hindi pumayag ang kaniyang ina. Nakita niya na
nagsasagawa ng sagang ang mga Igorot. Nang lumapit siyá, nakita niya
ang ulo ng kaniyang ama. Pinagpapatay niya ang mga Igorot.

Nang bumalik siyá sa bayan, may mga dalagang naghihintay sa kaniya


upang paliguan siyá. Nang maligo siyá sa Ilog Amburayan, namatay
ang mga isda sa baho ng kaniyang libag. Hinanap niya ang dalagang
nagnangangalang Ines Kannoyan, anak ng pinakamayamang tao sa
Kalanutian. Pumunta siyá sa nasabing lugar, kasáma ang tandang at aso Mula sa Aklat Adarna
niya. Nakarating siyá matapos ang pakikipaglaban kay Sumarang at
pang-aakit ni Sarindang. Nasindak sa kaniya ang mga lumiligaw kay Ines
Kannoyan. Naibigay din niya ang lahat ng mga hiling ng magulang nitó
kayâ ikinasal ang dalawa. Minsan, nangisda si Lam-ang at nakain siyá ng
berkakan, isang malaking isda. Isang maninisid ang nakakuha ng kaniyang
labí at sa tulong ng kaniyang tandang, muli siyáng nabuhay at namuhay
nang matiwasay. (SJ) (ed VSA)
bibingká
Isang uri ng kakanin ang bibingká na gawa sa giniling na bigas at iniluto sa
gatâ ng niyog at may timplang asukal. Kinakain itong kasáma ang bagong
kudkod na niyog. Kung espesyal, nilalagyan ito ng mga piraso ng itlog na
maalat at kesong putî sa ibabaw. Tinutukoy ng pangalan nitó ang paraan
ng pagluluto sa naturang kakanin. Wika nga ng isang kanta, tumutukoy
ang bibingká sa bagay na iniluluto nang may apoy sa ibabaw at may apoy
sa ilalim.

Inihuhurnong tulad ng tinapay o keyk ang bibingká. Ngunit dahil walang


hurno sa kanayunan noon, inimbento ng mga Filipino ang bibingkahan.
Inihuhurno ang kakaníng ito sa isang platong metal na may sapíng dahon
ng saging at isinasálang sa kalan ng nagbabágang uling. Pagkatapos,
ipinapatong sa plato ang sampirasong kuwadradong yero na may
nagbabágang bunót ng niyog.

Bibingká sa galapóng ang karaniwang iniluluto sa Kamaynilaan, lalo na


kapag panahon ng Pasko. May gilingang bato noon para gawing galapóng
ang bigas. May bibingká ngayong gawâ sa kamoteng-kahoy. May timplang
tubà ang bibingkáng Mandaue. Samantala, may nagtuturing na bibingká
ang bíko dahil inihuhurno din ang bigas na may gatâ at asukal na may
timplang anis. (GCA) (ed VSA)
Bíbliyá
Ang Bíbliyá (Bible sa Ingles at Biblia sa Espanyol) ang banal na aklat ng
mga Kristiyano. Nakapaloob dito ang Salitâ ng Diyos at ang Mabuting Balitâ
na binabása sa pagdiriwang ng Banal na Misa. Sa Katolisismo, binubuo ito
ng dalawang bahagi, ang Lumàng Tipán at ang Bágong Tipán, na may
73 aklat. Ang Lumang Tipan ay naglalaman ng mga salaysay hinggil sa
paglikha ng santinakpan at ukol sa pagkahirang ng Diyos na si Yahweh
sa bayang Israel bilang pinilìng pangkat ng mga tao. Ang Bagong Tipan
naman ay naglalamán ng mga salaysay ukol sa búhay at pangaral ni Hesus,
na anak ng Diyos at isinugo sa lupa ang tubusin ang tao sa kasalanan, lalo
na yaong alinsunod sa kaniyang mga apostol at unang ebanghelista.

Ang salitâng “bibliya” ay nagmula sa Griyego na ang ibig sabihin ay “maliit


na aklat.” Si Moises ang nagpasimula ng pagsulat ng Bibliya noong 1513
B.C.E. Si Juan naman ang hulíng nagbahagi ng kaniyang aklat. Inabot
nang halos 1,610 taón bago napagsáma-sáma ang mga aklat na bumubuo
sa Bibliya sa kasalukuyan. (IPC) (ed VSA)
Bicol Express
Tinaguriang “Bicol Express” (Bí·kol éks·pres) ang rutang Maynila-Bikol
ng Philippine National Railways (PNR), isang kompanyang pagmamay-
ari ng pamahalaan.

Itinatag ang PNR noong 1875 bílang Ferrocaril de Manila-Dagupan at


nagsimula sa rutang papunta ng Pangasinan. Paglaon ay dinugtungan ang
riles pahilaga ng linyang Maynila-Legaspi. Naganap ang unang biyahe
pa-Bikol noong 1931, at pitóng taón ang lumipas bago naman nabuo ang
daambakal mula Dagupan hanggang Legazpi. Sa loob ng ilang dekada,
naging popular ito sa mga manlalakbay na pinili ang mas mura at mabilis na
biyaheng tren kaysa mamahaling eroplano at mabagal na kotse. Gayunman,
mula dekada 70 ay kinaharap ng Bicol Express ang sunod-sunod na hamon
sa popularidad at kaligtasan nitó: pagpapaunlad sa bahaging Maynila-Bikol
ng Maharlika Highway, paglago sa bílang ng mga air-conditioned na bus,
pagbaba sa presyo ng biyaheng eroplano, at pagsabog ng Bulkang Mayon
noong 1993, at iba’t ibang bagyo at baha. Nagdulot ng malaking pinsala sa
daambakal ang mga bagyong Milenyo at Reming noong 2006, at tuluyang
nahinto ang biyaheng Bikol ng PNR.

Pagkatapos ng ilang taón ng masugid na rehabilitasyon ng riles, binuksang


muli ang Bicol Express noong 2011. Sa panahon ng pagkakasulat ng
artikulong ito, araw-araw ang biyahe ng mga treng mulang Maynila
patungong Naga sa Camarines Sur; hindi pa naibabalik ang serbisyong
patungong Legaspi sa Albay. Ipinangalan din ang popular na maanghang
na pagkaing “Bicol Express” sa rutang ito. (PKJ) (ed VSA)
binakól
Maaaring isadula ang posibleng kasaysayan ng binakól sa ganitong
paraan. Maaaring magsimula sa nilagàng manok. Ang pinakasimpleng
sinabawang piraso ng manok na may luya bílang pampalasa. Nilagyan ng
paminta, nilagà pa rin. Nilagyan ng repolyo at patatas, nilagà pa rin. At
saging na saba, nilagà pa rin. Maaari pa ngang ihanda nang hiwalay ang
mga nilagàng repolyo, patatas, saging, at kahit kamote’t sitaw at kainin
kasabay ng paghigop ng sabaw ng manok.

May nakaisip ng pagbabago. Ang nilagàng manok na may luya’t bawang


ay nilagyan ng mga piraso ng hilaw na papaya at úpo. Nakilála itong
tinóla. Isang higit na matipid na putahe ngunit may linamnam ang mainit
na sabaw na hihigop-higupin kung malamig ang panahon. Tandaan ang
tinóla sa malaking piging na handog ni Kapitan Tiyago sa pagdating ni
Crisostomo Ibarra. Nagustuhan din ng mariwasa sa panahon pa ni Rizal
ang linamnam ng sabaw ng tinóla.

Mula sa paghahanap ng bagong linamnam ng sabaw ng manok maaaring


pumasok ang binakól. Nagsisimula din ito sa ginisang luya’t bawang at
ang mga piraso ng manok. Kapag halos luto na ang manok ay magbuhos ng
ilang tasa ng hugas-bigas. Sa wakas, kapag maaari nang ihain ang manok
ay idagdag ang malalaking piraso ng kinayod na lamán ng búko ng niyog,
ilang tasa ng sabaw ng búko, at mga dahon ng sili. Ang mga sariwang
piraso ng lamán at sabaw ng búko ang ikinaiba ng binakól sa mga sabaw
ng iba’t ibang nilagàng manok. Karaniwan din sa binakol ng mga Ilonggo
na inilalagay ang putahe sa loob ng niyog kayâ lalong nagdudulot ito ng
lasang niyog sa ulam. (LJS) (ed VSA)
Binatbatáng Bákal ng Butúan
Ang Binatbatáng Bákal ng Butúan o Butuan Paleograph ay tumutukoy
sa isang piraso ng parihabâng metal na may ibinatbat o iniukit na sinaunang
mga titik ng pagsulat. Ang nasabing metal ay may tinatáyang edad na mula
ika-12 hanggang ika-15 siglo at naglalamán ng 22 simbolo na inukit gamit
ang matulis na bagay. Nahukay ito noong kalagitnaan ng 1970 sa Butuan,
lalawigan ng Agusan.

Hindi pa naisasalin ang kahulugan ng inskripsiyon dahil hindi ito katulad


ng mga sinaunang baybayin sa Filipinas. Ayon sa paleographer na si S.S.
Boechari ng Indonesia, maaaring nag-ugat ito sa sistema ng panulat sa Java.
Isa itong patunay sa kasanayan ng katutubong mga Filipino sa pagsusulat
at pakikipag-ugnayan sa ibang mga kabihasnan sa ibayong dagat. (JM)
(VSA)
Binatbatáng Plátong Tansô sa Lagúna
Ang Binatbatáng Plátong Tansô sa Lagúna o Laguna Copperplate
Inscription (LCI) (La·gú·na Ká·per Pleyt Ins·kríp·syon) ay mga sulat
sa sinaunang baybayin na nakalimbag sa manipis na pirasong tanso na
may sukat na 20 x 30 sentimetro. Kahawig ito ng sistema ng panulat sa
Java, Indonesia noong 750 hanggang 950 A.D. at naglalamán ng Taóng
Saka 822 o 900 A.D. Nalipat sa pangangalaga ng Pambansang Museo ng
Filipinas ang LCI noong dekada 1990 pagkatapos itong bilhin mula sa
isang kolektor ng antigong mga kasangkapan.

Sa pag-aaral nina Antoon Postma at Johan de Casparis, mga eksperto


sa sinaunang pagsulat, ang wikang ginamit sa pagsulat ay matandang
Tagalog na may halòng Sanskrit, matandang Malay, at Java. Ang teksto
diumano ay tungkol sa isang mahalagang tao na hindi pa nababayaran
nang buo ang pagkakautang ng ginto kayâ nahaharap sa panganib ng
pagkakaalipin. Noong Taóng Saka 822, Marso hanggang Abril, Lunes,
ibinigay kay Binibining Angkatan kasáma ang kamag-anak na si Bukah
ang dokumentong nagpapawalang-sála sa Kagalang-galang na si
Namwran. Kasáma sa napalaya ang mga kamag-anak ng nagkautang na
dapat ay magiging kabayaran din. Sinuportahan ng ilang mga pinunò ang
pagpapawalang-bisà sa kaso bagaman nakasaad na sa hinaharap, posibleng
may táong hindi sasang-ayon sa desisyong ito. Pero hindi na maláman ang
kongklusyon dahil putol ang inskripsiyon sa ika-10 linya. Maaaring nása
ibang piraso ng tanso ang karugtong nitó na kailangan pang makita upang
mabuo ang kuwento.

Gayunman, ang LCI ay isang materyal na patunay ng isang maunlad na


katutubong sistema hindi lámang ng edukasyon kundi ng batas at konsepto
ng katarungan. (JM) (ed VSA)
binturóng
Ang binturóng (Arctictis binturong), na kilalá rin sa wikang Ingles na
Asian Bearcat, Palawan Bearcat, o simpleng salita na Bearcat, ay isang
species sa pamilyang Viverridae, at kasáma ang alamid (civet) at isa pang
uri ng hayop na kung tawagin ay genet. Ito lámang ang miyembro ng genus
nitó. Ang binturóng ay hindi isang bear. Likás na tirahan nitó ang mga
punongkahoy sa malalawak na kagubatan ng Bangladesh, Bhutan, Burma,
Cambodia, Tsina, India, Indonesia, Laos, Malaysia, Filipinas, Sri Lanka,
Thailand, at Vietnam. Nokturnal ang binturong. Sa gabi ang mga gawain at
natutulog sa mga sanga kung araw. Pangunahin nitóng pagkain ang prutas,
ngunit kumakain rin ito ng itlog, dahon, mga usbong ng halaman, maliliit
na hayop, insekto, dagâ, at ibon. Ang pagdálang ng bílang ng binturong ay
maliwanag na bunga ng pagkasira ng kagubatan. Mailap ang binturóng at
maaaring lumaban at manakit kapag ito ay nasukol o walang pupuntahan.
Ang buhay nitó ay maaaring tumagal ng higit pa sa 20 taón.

Malaki ang binturóng, karaniwang 60-96 sentimetro (24-38 pulgada) ang


habà ng katawan, at tumitimbang ng 9-14 kilo (20-31 libra). Nababalot ng
makapal at maitim na balahibo ang katawan nitó, samantalang ang mukha
ay maputla o kulay pilak. Ang buntot ay halos singhabà ng katawan at
nagsisilbing panlimang paa nitó. Mahabà ang siklo ng reproduksiyon
(estrous period) ng binturong, tumatagal ito ng 81 araw, samantalang
ang pagbubuntis ay hanggang 91 araw. Karaniwang dalawa ang iniaanak
nitó, subalit puwede rin naman na manganak ang isang babaeng binturóng
ng hanggang anim. Umaabot sa 15 taón ang pertilidad o kakayahang
magsilang.

Nakikipagkomunikasyon ang binturong gamit ang mga gland na


nagbibigay ng mapang-akit na amoy (scent gland). Makikita ito malapit
sa dakong puwit o anus. May karagdagang scent gland ang mga babae na
matatagpuan sa vulva. (SSC) (ed VSA)
Bírheng Mariá
Ang Bírheng Mariá (Bír·heng Mar·yá) ay isang babaeng Hudyo mula
sa Nazareth, Galilea. Sa Bagong Tipan ng Bibliya, siyá ang itinuturing
na ina ni Hesus. Nakasaad sa mga Mabuting Balita nina Mateo at Lucas
na si Maria ay isang birhen. Ang Kristiyano ay naniniwala na himalang
ipinagbuntis ni Maria si Hesus sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Sa
Bagong Tipan, ang búhay ni Maria ay nagsimula nang ipahayag ng anghel
Gabriel ang kaniyang pagdadalang-tao. Sa tradisyon ng Simbahan, ang
mga magulang ni Maria ay sina San Joachim at Santa Anne. Matatagpuan
din sa Bibliya ang pag-aakyat ng mga anghel kay Maria sa langit nang ito
ay mamatay sa lupa.

Ang salitâng “Maria” ay base sa orihinal na pangalan niyang Hebrew na


“Miryam.” Sa Bagong Tipan, mapapansin na ang ginagamit na pantawag sa
kaniya ay Maria. Sa Mabuting Balita ayon kay San Lucas, labindalawang
beses tinawag si Maria sa kaniyang pangalan samantalang limang beses
kay San Mateo. Ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Maria tuwing ika-8
ng Setyembre samantalang ang kanyang kamatayan at pag-aakyat ng
mga anghel sa kaniyang katawan sa langit ay tuwing ika-15 ng Agosto.
Ang kanyang asawa ay si Jose na siyá ring kasáma niya nang isilang si
Hesukristo sa sabsaban. Ang kaniyang pinsang si Elizabeth ay nabuntis
din sa kabilâ ng kaniyang katandaan. Si Maria ay itinuturing na ina ng
Simbahang Katoliko. (IPC) (ed VSA)
Biyák-na-Bató
Matatagpuan sa bayan ng San Miguel, Bulacan, ang Biyák-na-Bató ay bahagi
ng bulubunduking Sierra Madre. Nagmula ang pangalan sa pangyayaring
dinadaanan ito ng isang ilog at may mga yungib sa magkabilâng panig na
mabato. Sa panahon ng Himagsikang 1896, kaagad itong nagsilbing pugad
ng mga Katipunero ng San Miguel at mga karatig bayan.

Noong Hunyo,1897, nakarating sa Biyak-na-Bato ang hukbo ni Heneral


Emilio Aguinaldo na umiiwas mula sa Cavite na magipit ng mga Espanyol.
Nagandahan si Aguinaldo sa silbing pangmilitar ng pook at ipinasiyang
ilipat dito ang kaniyang himpilan. Noong Nobyembre 1, itinatag niya ang
isang pamahalaang tinatawag ngayong Republikáng Biyák-na-Bató
batay sa isang konstitusyong binalangkas nina Isabelo Artacho at Felix
Ferrer. Nakasaad sa saligang-batas ang patuloy na pagpapalaya sa Filipinas
mula sa mga mananakop.

Hindi napasok ng hukbong Espanyol ang Biyák-na-Bató. Gayunman,


noong Disyembre, isang kasunduan tungo sa pagtigil ng paglalaban ang
naisulong sa pamamagitan ni Pedro Paterno. Pinirmahan ni Gobernador-
Heneral Fernando Primo de Rivera ang kasunduan noong Disyembre 14 at
ni Paterno bilang kinatawan ni Aguinaldo kinabukasan. Noong Disyembre
20, pinagtibay ng kapulungang rebolusyonaryo sa Biyák-na-Bató ang
papeles na tinatawag ngayong Kasundúang Biyák-na-Bató. Itinatakda
dito ang pagbabayad ng pamahalaang Espanyol ng halagang 800,000 piso
kapalit ng boluntaryong pagpapatapon kina Aguinaldo sa Hong Kong at
pagsuko ng rebolusyon. Binayaran ito sa tatlong bahagi: 400,000 para kay
Aguinaldo matapos itong umalis sa Biyak na Bato patungo Hong Kong;
200,000 kapag naisuko na ang mga armas; at 200,000 matapos maisagawa
ang Te Deum sa katedral ng Maynila at maiproklama ang pangkalahatang
amnestiya. Sa araw ng Pasko, ipinroklama ni Aguinaldo ang pagwawakas
ng rebolusyon bago siyá tumulak patungong Hong Kong. Sa kabila nitó,
nagpatuloy ang pakikipaglaban ng mga rebolusyonaryo. (LN) (ed VSA)
Biyayà ng Lupà
Pelikulang idinirihe ni Manuel Silos at sa panulat nina Celso Carunungan
at Pablo Naval, ang Biyayà ng Lupà ay produksiyon ng LVN Pictures
noong 1959. Tinampukan ito ng tambalang Tony Santos Sr. at Rosa Rosal,
kasáma sina Leroy Salvador, Carmencita Abad, Carlos Padilla, Jr. Marita
Zobel, at Joseph de Cordova. Nagwagi ang Biyayà ng Lupà ng parangal
mula sa FAMAS bilang pinakamahusay na pelikula ng 1959 at kinilala
sa Asian Film Festival noong 1960 nang matamo ni Leroy Salvador ang
pinakamahusay na tagasuportang aktor bilang pipi-binging anak. Natamo
din ni Celso Al Carunungan ang gawad FAMAS para sa pinakamahusay
na kuwento.

Tungkol ito sa pagsisikap ng isang pamilya (Santos at Rosal) na mapaunlad


ang búhay sa lalawigan sa pamamagitan ng pagtatanim ng lansones.
Nagkaroon sila ng apat na anak at higit pang bumuti ang kanilang ugnayan
sa mga kababayan. Ngunit nasirà ang kanilang katahimikan nang kainggitan
ng isang masamâng loob (de Cordova) ang ama ng tahanan. Ginahasa ng
kontrabida ang dalagang anak at nagpakamatay ito. Napatay ang ama nang
magtangkang maghiganti. Isa sa binatang anak ang umalis upang maghanap
ng kapalaran sa lungsod. Samantala ipinagpatuloy ng ina ang pagsasaka.
Inutusan ang kontrabida ng isang sakim na may-lupa para sirain ang mga
punòng lansones na kasalukuyang namumulaklak. Nagtanggol ang mag-
anak sa tulong ng taumbayan. Sa wakas, napakinabangan ng mag-anak
ang bunga ng kanilang paghihirap. (RPB) (ed VSA)
bódong
Ang bódong ay ang tradisyonal na kasunduang pangkapayapaan sa lipunang
Kalinga. Ang bodong ay isang tratado ng dalawang tribu na nagkasundong
bumalangkas ng mga pagta (batas) na aareglo sa pakikipag-ugnayan nila sa
isa’t isa. Ang bodong ay isinasagawa upang tapusin ang away ng dalawang
tribu at siguruhin ang kapayapaan at seguridad sa kanilang lugar upang
hindi maapektuhan ang kalakalan at iba pang gawaing pangkabuhayan.
Sa pamamagitan ng bodong, sineseguro ang kaligtasan ng mga tao kapag
sila’y naglalakbay, at ang pag-iral ng hustisya kapag may miyembro ng
tribu na nakagawa ng bagay na masamâ sa isang miyembro ng kabilâng
tribu.

Mahabàng proseso ang pagbalangkas ng pagta. Ilang araw na mag-uusap


at magtatalo ang mga papangat (konseho ng matatanda) ng magkabilâng
tribu. Ang nabuong pagta ay naglalaman ng mga probisyon ng kasunduan,
ang hangganan ng tribu o ili na sakop nitó, at ang mga táong may
responsabilidad sa pagpapatupad at pagtataguyod ng mga napagkasunduan.
Dati-rati ay minimemorya ang mga pagta at sa pamamagitan ng salimbibig
ay ipinapasa ang mga ito sa bawat bagong henerasyon.

Nagsimula ang tradisyon ng bodong noong panahon na madalas magkaroon


ng mainit na away ang mga tribo o ili. Karaniwang nauuwi ang awayang
ito sa pamumugot ng ulo o pagsalakay sa lugar ng kaaway, na nagiging Pagta-Kalinga Bodong, mula sa
simula naman ng isang mahabàng serye ng benggansa o gantihan. Isang Treasures of the Baguio Mountain Provinces Museum (2000)
bodong lamang ang makapagbibigay-wakas sa ganitong sitwasyon.

Hindi lamang ang mga Kalinga ang may tradisyon sa kasunduang


pangkapayapaan. Matatagpuan din ang mga kawangking institusyon sa
iba pang grupo sa Cordillera. Ang mga Tingguian ay mayroong kalon,
samantalang ang mga Bontok ay may petsen. (DLT) (ed GSZ)
bólo
Nakalagay ang bólo sa mga diksiyonaryong Espanyol at Ingles bilang
tawag diumano ng mga Filipino sa mahabà at mabigat na patalim na may
isahang talim na ginagamit bilang pantabas ng dawag at bilang sandata.
Gayuman, wala ito sa lumang bokabularyo ng wikang Filipino. Sa halip,
nakalagay naman ang mga singkahulugang gúlok, iták, at sundáng.
Marami pang ibang uri at tawag sa patalim na ito sa ibang katutubong
pangkatin ng Filipinas.

Sa mga retrato at ilustrasyon ng karaniwang magbubukid o mangangahoy


noong panahon ng Espanyol ay malimit na may hawak ito o nakasuksok sa
baywang na bolo. Dahil isa itong patalim na maraming gamit. Sa panahon
ng kapayapaan, sagisag ito ng lalaking masipag at nagtatrabaho. Puwede
itong pandikdik, pansungkit, panghukay, at iba pa. Nagiging sandata lámang
ito sa panahon ng kagipitan at pagtatanggol sa sarili. Sa El filibusterismo,
napilitang humawak ng gúlok sa Kabesang Tales nang pagbawalan siyáng
magdalá ng eskopeta upang bantayan ang kaniyang bukirin. Sa panahon
ng Himagsikang 1896, naging sagisag ng kagitingan ang Katipunerong
may hawak na puláng bandila sa isang kamay at isang sundáng sa kabilâ.
Ganito ang imahen ng bantayog ng Unang Sigaw sa Balintawak. Ito rin
marahil ang pinagmulan ng tulang-pambatà nitóng ika-20 siglo tungkol sa
Supremo ng KKK:

Andres Bonifacio
Standing on the bato
Holding a bolo
Cutting the ulo.

Ang totoo, may tulang-pambatà rin na nagtatawa sa tao na mistulang isang


armadong mandirigma ngunit makikikain lámang palá:

Ako’y ibigin mo lalaking matapang


Ang baril ko’y pito, ang sundang ko’y siyam.
Ang lalakarin ko’y parte ng dinulang,
Isang pinggang pansit ang aking kaaway. (DRN)(ed VSA)
Andres Bonifacio
(30 Nobyembre 1863-10 Mayo 1897)
Si Andres Bonifacio (An·drés Bo·ni·fás·yo) ang tagapagtatag ng Katipu-
nan at itinuturing na “Ama ng Himagsikang Filipino.” Tinatawag siyáng
“Supremo ng Katipunan” at “Haring Tagalog” dahil naging pangulo ng
kapisanang mapanghimagsik.
Isinilang siyá noong 30 Nobyembre 1863 sa Tundo, Maynila at panganay
sa anim na anak nina Santiago Bonifacio, isang sastre, at Catalina de
Castro. Mga kapatid niyang lalaki sina Ciriaco, Procopio, at Troadio at
mga kapatid na babae sina Espiridiona at Maxima. Naulila siláng lubos
noong 14 taón si Andres kayâ binúhay niya ang mga kapatid sa pagtitinda
ng bastong kawayan at papel na abaniko at pagtatrabaho bilang mensahero
at bodegero. Una niyang malaking trabaho ang klerk-mensahero sa
kompanyang Ingles na Fleming and Company. Lumipat siyá pagkuwan sa
Alemang Fresell and Company.
Isa siyáng alagad ng sining. Bukod sa pagguhit ng poster ay mahilig din
siyáng mag-artista at naging kasapi ng samahang pandulaan sa Palomar,
Tundo. Noong 1887, kasáma ang ibang kaibigan ay itinayô nilá ang El
Teatro Porvenir. Isa siyáng mahusay na makata at manunulat. Isinalin niya
sa tula ang sanaysay na El Amor Patrio ni Rizal at siyá ang unang nagsalin
sa Tagalog ng tulang Ultimo Adios ni Rizal. Ang sanaysay niyang “Ang
Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ay isang napakaikli ngunit matalim na
kasaysayan ng Filipinas at tigib sa nag-aalab na damdaming makabayan.
Ang hilig niyang mag-aral ng wika ay natumbasan ng hilig niyang
magbása.
Una niyang asawa si Monica na namatay sa ketong. Sa isang pakikipamista
sa Kalookan ay nakilála niya at niligawan si Gregoria de Jesus. Ikinasal
silá noong 1893 at muling ikinasal sa loob ng Katipunan. Itinatag niya
ang mapanghimagsik na Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan noong 22 Marso 1897. Nahalal ditong pangulo si Heneral Emilio Aguinaldo
ng mga Anak ng Bayan o KKK noong 7 Hulyo 1892. Bunga ito ng at ministrong panloob si Andres. Hindi minabuti ni Andres ang pagmaliit
kabiguan ng mapayapang kampanya para sa reporma ng La Solidaridad at sa kaniyang kakayahan ng isang Magdalo kayâ pinawalang-bisa niya
ng naganap na pagdakip at pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan. Ang lihim ang halalan sa isang dokumento noong Marso 24. Kasáma ang dalawang
na kapisanan ay lumago na sa Kamaynilaan at ibang mga lalawigan bago kapatid, asawa, at ilang tauhan ay sinikap niyang bumalik ng Maynila.
natuklasan at sumiklab ang Himagsikang Filipino noong Agosto 1896. Sinundan ng mga Magdalo ang pangkat niya at dinakip. Sa labanan ay
namatay si Ciriaco at nasugatan si Andres. Dinala silá sa Maragondon,
Dahil sa hidwaan ng dalawang pangkat ng Katipunero, ang Magdiwang at Cavite at nilitis. Nahatulan siyáng nagkasala ng sedisyon at pinarusahan
ang Magdalo, sa Cavite ay inanyayahan siyá doon upang mamagitan. Nauwi ng kamatayan. Noong 10 Mayo 1897, dinalá siyá at kapatid na Procopio
ang lahat sa pagtatayô ng isang bagong pamahalaan ng manghihimagsik sa Bundok Buntis at pinatay. (VSA)
Ladisláo Bónus
(22 Hunyo 1854-28 Marso 1908)
Isang bantog na kompositor at konduktor pangmusika noong magtatapos
ang ika-19 siglo si Ladisláo Bónus (La·dis·láw Bó·nus) at tinaguriang
“Ama ng Operang Filipino.”
Ipinanganak siyá noong 22 Hunyo 1854 sa Pandacan, Maynila kina Pedro
Bonus at Maria Mariano. Batà pa’y mahilig na siyá sa musika at maagang
naging bihasa sa pagtugtog ng biyolin, cello, viola, at iba pang instrumen-
tong de-kuwerdas. Sinasabing dahil sa gayong kahusayan ay mabilisan
siyáng naipapalit sa alinmang miyembro ng orkestra.
Noong 1887, nagtatag si Bonus ng isang kompletong kompanya sa opera
sa Pandacan. Binuo ito ng kompletong mga musiko at mangangantang
Tagalog kabílang sina Teodoro San Luis at Josefa Tiongson, mga soprano;
Victoria Medina, mezzo soprano; Andres Ciria Cruz, Pedro Alcantara, at
Alejo Natividad, mga tenor; Pedro Alcantara at Domingo Guazon, mga
baritono; Eduardo Ciria Cruz at Jose Canseco, mga basso; at Carmen Men-
doza, Juna Natividad, Remigio Natividad, Rufina Bonus, Agustin Nativi-
dad, Marcela Barroga, Simon Natividad, Valetin Natividad, at Mariano
natividad, mga miyembro ng koro. Si Bonus ang naglingkod na direktor at
konduktor ng orkestra. Si Jose Canseco ang direktor ng tanghalan.
Isang malaking tagumpay ang unang pagtatanghal ng pangkat sa sabungan
ng Pandacan. Sinundan ito ng mga paanyaya sa ibang pook ng Maynila.
Umakit ito ng mga patron at hindi naglaon ay naging bukambibig ang
husay ni Bonus sa buong lungsod. Si Ladislao Bonus at ang kaniyang pamilya
Noong 1888, sumapi si Bonus sa orkestra ng Katedral ng Maynila. Nagturo
din siyá ng piyano sa anak ng mga mariwasa at naging konduktor ng mga
bánda sa Marikina, Pasig, at Quiapo. Sa ilalim ng kaniyang pamumunò,
nagwagi ng unang gantimpala ang Bándang Arevalo ng Quiapo sa Expo-
sisyong Panrehiyon sa Hanoi noong 1901. Ang bándang ito ay nagling-
kod sa Republikang Malolos noong 1898-1899. Sinulat din ni Bonus ang
musika ng operang Sandugong Panaginip ni Pedro paterno na itinanghal
sa Teatro Manila noong 16 Agosto 1902. Sumulat pa siyá ng musika para
sa ibang sarsuwela at ng martsa para sa pagbubukás ng Unang Asamblea
ng Filipinas.
Napangasawa ni Bonus si Rosalia Guazon at nagkaroon silá ng walong
anak. Nása kasikatan siyá nang mamatay noong 28 Marso 1908 sa gulang
na 54 taón. (EGN) (ed VSA)
Boracay
Isa sa mga pangunahing pulông bakasyunan sa Filipinas ang Boracay
(Bo·rá·kay) lalo na kung panahon ng tag-init. Sakop ito ng Aklan at nása
dulong hilagang-kanluran ng Panay. Ang baybayin nitó, na may mga
pinong puting buhangin, ay umaabot sa mahigit pitóng kilometro. May
115 kilometro ang layò nitó sa Kalibo. Binubuo ito ng tatlong barangay ng
Manoc-Manoc, Balabag, at Yapak, na bahagi ng bayan ng Malay. Mararating
ang pulô mula sa Caticlan, na isa ring barangay ng Malay, sa pamamagitan
ng pagsakay sa mga bangkang de-motor. Isa ito sa mga sikat at paboritong
pasyalan ng mga turista dahil sa malinis nitóng dalampasigan, mapuputing
buhangin, at maraming makikitang isda at lamandagat. Kinilala na ang
pulong Boracay bilang isa sa mga pinakamagandang baybayin sa buong
mundo at maraming mga dayuhan ang bumibisita dito. Dahil dito, malaki
ang naging ambag ng pulô ng Boracay sa pag-angat ng industriya ng
turismo sa Aklan at sa bansa.

May dalawang pangunahing baybayin sa pulô na popular sa mga


bakasyunista—ang White Beach at ang Bulabog Beach. Ang White Beach
ang pangunahing baybaying panturismo. Halos apat na kilometro ang habà
nitó at maraming establisimyento tulad ng mga hotel, restoran, at iba pang
negosyong panturismo. Nása kabilâng baybayin naman nitó ang Bulabog
Beach, pangalawang sikat na puntahan ng mga bakasyonista lalo na ng
mga windsurfer. Bukod dito, marami pang ibang maliliit na baybayin ang
isla.

Bago naging isang sikat na bakasyunan ang Boracay, ang komunidad nitó
ay payak lamang. Pangingisda at pagtatanim ng niyog ang pangunahing
hanapbuhay. Ang orihinal na naninirahan dito ay ang mga Ati ngunit
nahaluan ng mga tao mula sa iba’t ibang panig ng bansa dulot ng
pandarayuhan. Sa pagitan ng 1960 at 1970, naging puntahan ito ng mga
taga-Panay. Ngunit noong 1978, nang mabanggit at mailarawan ng isang
manunulat na Aleman ang Boracay sa kaniyang aklat hinggil sa Filipinas,
naging interesado sa isla ang buong mundo at nagsimula nang puntahan ng
mga turista. (AMP) (ed VSA)
bordá
Isang sining ang bordá (may varyant na burdá) ng paglikha ng disenyo sa
tela sa pamamagitan ng karayom na may sinulid. Sa Filipinas, kadalasang
ginagawang palamuti ang bordá sa kasuotan at mga kagamitang pambahay.
Marami sa mga dibuho nitó ang hango sa kalikasan, tulad ng araw, mga
bulaklak, dahon, punongkahoy, prutas, baging, at hayop. Sinasangkapan
din minsan ang borda ng ibang materyales, tulad ng mga abaloryo at
takupis.

Para sa karamihan ng katutubong Filipino, malalim ang kahulugan ng bordá


bilang disenyo. Bukod sa pagiging palamuti, karaniwan itong sumasagisag
sa kanilang kultura at tradisyonal na mga paniniwala. Ang paraan ng
pagsuot ng bordá ay halos kasinghalaga rin ng paglikha nitó. May ilan sa
kanilang ginagamit ang bordá bilang pananggalang sa masasamâng tao at
kaluluwa. Para sa ilang katutubong Filipino, mas kaaya-aya ang magsuot
ng mga damit na maraming bordá at abaloryo. Sagisag ito ng kanilang
pagiging malapit sa kanilang mga poon. Nagpapahayag din ito para sa
kanila ng birtud, katapangan, at tagumpay.

Naging higit na tanyag sa ibang bansa ang borda ng Filipinas nang


itanghal ni dáting Pangulong Ferdinand E. Marcos ang barong tagalog
bilang pambansang kasuotan. Kasunod nitó ang pagtalaga rin sa báro’t
sáya bilang pambansang kasuotan para naman sa kababaihan. Kapuwa
bordado ang mga kasuotang ito na yari kadalasan sa mamahaling hinabing
husi o pinya. Itinuturing na mataas ang uri ng mga bordadong barong,
lalo na ang tinatawag na may pinong-pinong bordang kalado, sa Lumban,
Laguna at sa Aklan. (RPB) (ed VSA)
Lino O. Brocka
(7 Abril 1939-21 Mayo 1991)
Postumong ginawaran ng pagkilalang Pambansang Alagad ng Sining sa
Pelikula si Lino O. Brocka noong 1997. Isa siyáng direktor, manunulat
at prodyuser ng pelikula. Ang kaniyang mga obra ay kinilala sa Filipinas
at sa buong daigdig. Maituturing na mapangahas ang kaniyang paglikha
dahil sa paglihis niya sa nakagawiang motibo at pormula ng paggawa ng
pelikula.
Ipinanganak sa Pilar,  Sorsogon  kina Regino Brocka at Pilar Ortiz si
Catalino Brocka. Nagtapos siyá nang may maraming karangalan sa Nueva
Ecija North High School at kasunod nitó’y nakatanggap ng iskolarsyip
sa Unibersidad ng Pilipinas. Kumuha siyá ng Bachelor of Arts in English
Literature sa UP at patuloy na nag-aral sa Estados Unidos. Namatay siyá
sa isang aksidente noong 22 Mayo 1991 sa Lungsod Quezon.
Ang una niyang pelikula ay ang Wanted: Perfect Mother ng Lea Productions.
Tumabo ito sa takilya kayâ sinundan pa ng Santiago  (1970); Tubog sa
Ginto  (1970); Stardoom  (1971);  at iba pa. Nagtayo rin siyá ng sariling
produksiyon, ang Cine Manila na lumikha ng mga pelikulang pinuri
ng mga kritiko gaya ng Tinimbang Ka, Ngunit Kulang (1974) at  Tatlo,
Dalawa, Isa (1974).
Ang pagsangkot ni Brocka sa pagsusulong ng isang lipunang malaya
ay hindi lamang sumentro sa paggawa niya ng pelikula. Itinatag niya at
pinamunuan ang Free the Artist Movement, na kalaunan ay mas nakilala
bilang Concerned Artist of the Philippines (CAP). Nanguna ang CAP sa
paglaban sa pagpataw ng sensura ng gobyerno sa pelikula at sa paggigiit ng
malayang pagpapahayag. Produkto ng kaniyang makalipunang pananaw
ang Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag (1975), Insiang (1977), Ang
Bayan Ko: Kapit sa Patalim (1984), at Orapronobis (1989).
Kinilala si Brocka bilang pinakamahusay na direktor ng maraming
institusyon sa larangan ng pelikula gaya ng FAMAS, Manunuri ng
Pelikulang Pilipino, Film Academy of the Philippines (FAP), Philippine
Movie Press Club, Catholic Mass Media at ng taunang Metro Manila Film sa Nantes Film Festival. Kinilala rin si Brocka bilang isa sa sampung
Festival. Ipinalabas din ang mga obra niya sa internasyonal na eksibisiyon: pinakamahuhusay na direktor ng dekada 1980 sa ginanap na Toronto Film
Insiang (1977), Jaguar (1980), Bona (1981), Bayan Ko: Kapit sa Patalim Festival noong 1986. Tinanggap din niya ang Ramon Magsaysay Award
na pawang ipinalabas sa Cannes Film Festival sa Pransiya. Ang Bayan Ko for Journalism, Literature, and Creative Communication Arts (1985), at
ay tinanghal na pinakamahusay na pelikula ng British Film Institute. Ang ang FAP Lifetime Achievement Award (1992), isang taón pagkatapos
Angela Markado naman ay nagwagi bilang pinakamahusay na pelikula niyang pumanaw. (RVR) (ed GSZ)
Pédro Bucanég
(sirka 1591-1626)
Kinikilála si Pédro Bucanég (Péd·ro Bu·ka·nég) bilang “Ama ng panitikang
Iluko” dahil sa kaniyang ambag sa pagsasalin ng mga akdang Espanyol at
Latin patungong wikang Iluko. Higit sa lahat, dahil sa pagsasatitik niya
ng epikong-bayang Iluko na Bíag ni Lam-áng (Búhay ni Lam-ang), ang
unang bersiyon ng naturang epikong-bayan na binubuo ng 294 na saknong
at mga 1,500 na taludtod.

Tinulungan ni Bucaneg si Padre Francisco Lopez na isalin sa wikang Iloko


ang Doctrina Christiana noong 1621, gayundin sa paghahanda ng Arte de
la Lengua Yloca (Sining ng Wikang Iluko) noong 1627. Nagsalin siyá ng
mga sermon mula sa wikang Latin at Espanyol patungong wikang Iluko
at ng mga katutubong awitin at tulang Iluko patungo sa wikang Espanyol.
Bilang pagkilála, ang bucanégan—isang debateng patula sa Iluko at
itinulad sa balagtásan sa Tagalog—ay ipinangalan sa kaniya noong 1930.
Noong 1936, naging bahagi ng Dallang ti Amianan , isang antolohiya ng
tulang Iluko ni Leon Pichay, ang kaniyang tulang “Pampanunot ken Patay”
(Pag-iisip ng Kamatayan).

Nabúhay si Bucaneg noong 1591 hanggang 1626. Misteryoso ang


kanyang pinagmulan. Ipinanganak siyáng bulág na Tinggian o Itneg kayâ
sinasabing noong sanggol siyá’y ipinaanod sa ilog sakay ng isang kahon
at napadpad sa Rio de Abra. Nakita ng isang babae ang kahon at dinalá
ang sanggol sa isang Padre Geronimo Cavero, ang koadyutor ni Padre
Montoya, kura paroko sa Bantay, Ilocos Sur. Bininyagan siyáng Pedro
Bucaneg, at ang apelyido’y nagmula sa katagang “nabukaan nga Itneg” na
nangangahulugang “natagpuang Itneg.” Natuto siyá ng Latin at Espanyol
mula sa mga paring Agustino sa Bantay. (JGP) (ed VSA)
Antonino R. Buenaventura
(4 Mayo 1904-25 Enero 1996)
Pambansang Alagad ng Sining sa Musika, 1989, si Antonino R.
Buenaventura (An·to·ní·no Ar. Bu·we·na·ven·tú·ra) ay kompositor,
konduktor, at guro.

Bilang Kompositor, lumilikha ng mga musikang gumagamit ng mga


katutubong himig at tunog. Matapos ang masusing pananaliksik, ibinabatay
niya dito ang mga nililikhang obra gaya ng Minuet (1937) na hinalaw sa
himig Igorot; Pandanggo sa Ilaw (1936); Echoes from the Philippines
(na itinanghal ng PC Band sa Golden Gate Exposition sa California
noong 1939); Mindanao Sketches (1947) na gumamit ng himig Manobo;
Variations for Piano and Orchestra (1959) likha para sa isang buong
orchestra na halaw sa isang katutubong awit sa kabundukan; at Greetings
(1978) na para sa isang banda ay batay naman sa Kumintang.

Bilang Konduktor, gamit ang mataas na pamantayan ay pinamunuan niya


at ibinalik sa kasikatan ang Philippine Army Band (dating Philippine
Constabulary Band) sa loob ng 16 na taón. Inilapit ang kanilang musika
sa masang Filipino na nanood ng pagtatanghal nitó sa Luneta. Bilang
guro, pinanatili niyang buhay ang makabayang tradisyon sa musika sa
pamamagitan ng paglalantad sa kanyang mag-aaral sa katutubong musika.
Siyá ang pumalit sa pagtuturo sa UP sa pagpanaw ng kanyang guro na si
Nicanor Abelardo noong 1934. Nagsilbi rin siyáng direktor ng musika
ng UST Conservatory of Music (1961) at UE School of Music and Arts
(1964).

Ginawaran ng maraming pagkilala at karangalan si Buenaventura: 1951


Band Conductor of the Year, Music Lovers Society; 1961 Republic Cultural
Heritage Award for Music; 1971 Araw ng Maynila Cultural Award; 1976
Award of Merit for Oustanding Contribution to Philippine Music mula sa
Philippine Army; 1981 Director Emeritus, UE; 1991 Doctor of Humanities,
UP; 1995 Diwa ng Lahi Award, Araw ng Maynila.

Isinilang siyá noong 4 Mayo 1904 sa Baliuag, Bulacan kina Leocandia sa UP at biniyayaan ng apat na anak. Natamo niya ang teacher’s diploma
Ramirez at Lucino Buenaventura, punòng musikero ng bantog na Spanish (major in science and composition) noong 1932 sa Unibersidad ng Pilipinas
Artillery Band ng Intramuros. Sa murang edad, naging mahusay siyáng Conservatory of Music at post-graduate diploma sa Composition sa ilalim
tumugtog ng klarinete, naging konduktor ng Banda Buenaventura at ng Alemang Propesor na si Jeno von Tackacs. Namatay siyá noong 25
lumikha ng mga musika. Ikinasal siyá kay Rizalina Esconde, guro ng violin Enero 1996. (LJS) (ed VSA)
bugtóng
Ang bugtóng ay isa sa pinamaikling tula sa Filipinas. Karaniwang binubuo
ito ng dalawang maikling taludtod at may tugma. Gayunman, may bugtong
na mahigit dalawang taludtod at kung minsan ay walang tugma. Ang paksa
nitóng pinahuhulaan ay dapat na pambalana, kayâ ang nasusubok dito ang
husay humanap ng hambingan para magtila hindi alam ang isang bagay na
alam ng lahat. Ordinaryong paksa ng bugtong ang katawan ng tao, gaya sa
sumusunod na bugtong tungkol sa mga bahagi ng mukha: “Isang bayabas/
Pito ang bútas.” O kayâ ang kalikasan at kaligiran, gaya ng bugtong na ito
sa Bikol tungkol sa niyog: “Si tubig kan langit/ Si langit kan unit.” (Tubig
na binálot ng langit/ langit na binálot ng balát.) O ng bugtong na itong
Waray tungkol sa mga bituin: “Halu-ag nga kapatagan/ Ginpugasan hin
bulawan. (Malawak na kapatagan/ tinamnan ng mga ginto.)

Ginagamit itong aliwan at paligsahan kapag may pagtitipon o namamahinga.


Nilalaro ito kapag may lamay para sa namatay. Ngunit sa ilang pook, may
pamahiin laban sa paglalaro nitó kung gabi o kung kumakain.

Ang bugtong ay tinatawag ding paktákon at patugmahanón sa Aklanon,


bugtong, paukúkudán, at patukód sa Bikol, antukí sa Higaonon,
paktákan o palantí sa Hiligaynon, kabánek sa Ibaloy, burburtiyá sa
Iloko, palantû sa Kiniray-a, antoká sa Maranaw, bugtóng sa Pampanggo,
bonikéw sa Panggasinense, tigmô sa Sebwano, katakatá at pagtukúd sa
Tausug, patitguón o patigó sa Waray. (VSA)
buháwi, buhawì
Ang buháwi ay tumutukoy sa malakas at papaikot na bugso ng hangin
na may dalang ulan at kadalasang naglalakbay sa direksiyong kanluran at
hilagang-kanluran mula sa Karagatang Pasipiko. Tinatawag itong tornado
sa Kanluran. Nabubuo ito kapag umiinit o tumataas ang temperatura ng
hangin mula sa lupa at dagat na nagiging dahilan ng pagsingaw ng tubig
mula sa karagatan. Sa ganitong paraan nabubuo ang mga kulumpon ng
ulap na pinanggagalingan ng mga pagkulog at pagkidlat. Kapag lumamig
ang hangin mula sa mga kaulapang may kulog at kidlat, nagsisimulang
humalò ito sa mainit na hangin mula sa kalupaan at dito mabubuo ang
bugso ng hanging gumagalaw nang paikot hanggang sa lumaki at maging
ganap na buhawi.

Ang buhawi ay lumilikha ng malalaking alon at nakasisira ng pananim


at bahay. Nararanasan ito sa Filipinas at sa iba pang bahagi ng mundo
maliban lamang sa kontinente ng Antartika. Pangkaraniwang 12 hanggang
24 na buhawi ang tumatama sa bansa kada taón. Pinakamalalakas ang
buhawi noong 14 Hunyo 1990 na tumama sa isang nayon, nagwasak
ng umaabot sa 50 bahay, at maraming pininsala; ang buhawi noong 2
Hunyo 1994 na dumaan sa ilang nayon ng Cagayan de Oro at pumatay
ng ilang tao; ang buhawi noong 16 Oktubre 1994 na gumulo sa sentro ng
ebakwasyon sa San Fernando, Pampanga. Maaaring tumama ang isang
buhawi sa anumang lugar sa bansa, lalo na sa mga kalupaaan ng Mindanao
at Gitnang Luzon. Subalit ayon sa mga siyentista, parami nang parami ang
buhawing nararanasan ng Filipinas, halos apat na buhawi kada buwan,
bunsod ng global warming. (AMP) (ed VSA)
búhay-alamáng
Isang kasabihan at ekspresyon ang búhay-alamáng upang ipahayag
ang kawalan ng kabuluhan ng búhay ng isang mahirap. Inihahambing
ang naturang sitwasyon ng tao sa maliit na alamáng (Acetes spp.), isang
lamandagat na hugis hipon, na kapag nahúli at iniahon mula sa tubig
ay kumikislot nang malakas at namamatay. Mula ang kasabihan sa
salawikaing:

Búhay-alamáng:
Paglukso, patay.

Ang ekspresyon ay tila isang himutok ng nagsasalitâ hinggil sa kawalan


ng pag-asa dahil waring wala siyáng nakikitang paraan upang umasenso
o lumigaya anuman ang gawing pagsisikap. Sa kabilâng dako, hindi ito
purong desperasyon. May kalakip din itong pagtitiwala sa bahalà na, o ang
pikitmatang pakikipagsapalaran upang masabi sa sarili na may ginawang
mahalaga sa búhay. Upang tulad ng alamáng ay “lumukso” bago namatay.
(EGN) (ed VSA)
bulalákaw
Maliliit na partikulo sa loob ng sistemang solar ang bulalákaw at nahuhúli
ng paningin sa gabi at kapag nagdulot ng biglang kislap ang pagpasok
nitó sa atmospera ng Lupa. Malimit na ipinantutukoy din ito sa tila buntot
ng liwanag na gumuguhit sa langit at tulad ng nabanggit na ay bunga ng
pagkiskis ng partikulo sa atmospera. Tinatawag din itong “taeng-bituin.”
Bahagi ng pinag-aaralan ng mga arkeologo ang koleksiyon ng mga piraso
ng bulalákaw na nagtagpuan noon sa Lambak Cagayan.

Isang malaganap na paniwala ang pagtingala sa langit kung gabi upang


mag-abang ng bulalákaw. Alinsunod sa paniwala, matutupad ang anumang
hilingin kapag naisip o nabigkas ito bago maglahò ang kislap ng bulalákaw.
Nagiging laro ito ng paligsahan at paliksihan ng paningin sa panig ng mga
musmos. Paramihan ng natatanaw na bulalákaw. Isang romansa naman ito
ng magkasintahan upang humiling ng magandang hinaharap sa kanilang
pag-ibig. (EGN) (ed VSA)
bulangláng
Sa mga Tagalog, ang bulangláng ang pinakapayak na lutuing gulay.
Nangangahulugan lámang ito ng paglalagà ng sari-sari’t anumang gulay
na maaaring iluto. Bukod sa malinamnam ang mainit na sabaw ay taglay
nitó ang lahat ng sustansiya mula sa halamanan ng pamilyang magsasaká.
Karaniwang nakatampok sa palayok ng bulanglang ang kangkóng, sítaw,
bátaw, patanì, sigarílyas, kalabása, ókra, úpo, patóla.

Kahawig na kahawig ito ng laswá ng mga Ilonggo. Kauri din ng bulanglang


ang dinengdéng kung hindi ito tinitimplahan ng bagoong at luya ng mga
Ilokano. Paboritong agahan ang bulangláng, laswá, at dinengdéng ng
mga magsasaká at nais humigop ng mainit na sabaw bago magtrabaho sa
bukid.

Sa mga Kapampangan, ang bulanglang ay sinigáng sa bayábas. Nakasahog


pa rin ang mga nabanggit na gulay, na maaaring dinadagdagan ng gábe o
mustasa, tinatampukan ng hipon, isda, o karne, at pinaaasim sa hinog na
bunga ng bayabas. Isang espesyal na putahe ito kung Linggo at nagtitipon
ang pamilya sa Pampanga. (DRN) (ed VSA)
buláwan
Ang buláwan ay tawag sa gintô ng mga Sebwano, Hiligaynon, Bikolano,
Tagalog, at iba pang pangkatin sa Filipinas. Ang “gintô” ay sinasabing
isang salitâng Tsino. Tinatawag itong balítok sa mga wika ng Hilagang
Luzon. Tumutukoy ito sa isang uri ng metal na kulay matingkad na dilaw,
hindi kinakalawang, at nahuhubog. Dahil sa katangiang ito, ginagamit
ang bulawan sa paggawa ng mga alahas, palamuti, at bilang daluyan o
konduktor ng koryente. Bilang elementong kimikal sa talaang peryodiko,
may sagisag itong Au (mula sa Latin na aurum) at may atomikong bilang
na 79 at timbang na 196.967.

Hindi naihahalò o nagkakaroon ng reaksiyon ang ginto sa maraming


kimikal. Ngunit maaari itong matunaw sa cloro, floro, aqua regia o
nitrohydrochloric acid, at cyanide. Natutunaw din ito sa mercury na siyáng
ginagamit sa mga minahan. Isang kemikal ang hindi nakatutunaw ng ginto
bagaman nakatutunaw ito ng maraming ibang uri ng metal. Ito ang nitric
acid. Ginagamit itong pansubok sa pagiging tunay ng ginto.

Ang pangunahing mga distrito ng minahan ng ginto sa Filipinas ay


matatagpuan sa Paracale, Camarines Norte, Masbate, Bulacan, Surigao, at
Masara, Mindanao. Ngunit ang may pinakamalaking reserba ng ginto ay
matatagpuan sa Baguio.

Ang ginto ay ginamit bilang salapi ng ating mga ninuno sa porma ng mga
gintong butil na tinawag na pilonsitos. Ito ay nanggaling sa salitang pilon,
isang lokal na sisidlan na kawangis ng sinsilyong ito. Ang Casa de Moneda
de Manila ang unang nagbubo noong 1861ng gintong sensilyo na tinawag
na Isabelinas at Alfonsinos. Ang mga sensilyong ito ay may nakalimbag
na salitâng “Filipinas.”

Sa kasalukuyan, ang ginto ang ginagamit na batayan ng sirkulasyon ng


salapi sa bawat bansa. Ito ay ginagamit din ng pamahalaan, sa pamamagitan
ng bangko sentral, na pantuos sa pagkakaiba-iba ng paglalabas at ng pag-
angkat ng mga kalakal ng bawat bansa. (AMP) (ed VSA)
Bulkáng Híbok-Híbok
Aktibong bulkan sa pulo ng Camiguin ang Bulkáng Híbok-Híbok na may
taas na 1,332 metro at paanan na 1,000 metro ang diyametro. Kilala rin
ito sa tawag na Catarman. Isa ang bulkang ito sa mga aktibong bulkan sa
Filipinas at bahagi ng “Pacific Ring of Fire.”

Mayroon itong anim na bukal na naglalabas ng mainit na tubig, ang


Ardent, Tangob, Bugong, Tagdo, Naasag, at Kiyab. May tatlo rin itong
bunganga na pinagmulan ng mga nakaraang pagsabog, ang Kanangkaan
(1948), Itum (1949), at Ilihan Crater (1950). Dahil rin sa mga nakaraang
pagsabog nitó, nabuo ang Mt. Vulcan na nása hilagang kanluran ng Hibok-
Hibok; ang Mt. Mambajao na nása gitna ng Camiguin at kasalukuyang
namiminahan ng asupre; ang Mt. Ginsiliban na nása pinakatimog na bahagi
ng Camiguin; at Mt. Uhay na nása hilaga ng Mt. Ginsiliban. Nabuo rin ang
Campana Hill, Minokol Hill, Tres Marias Hill, Mt. Carling, Mt. Tibane, at
Piyakong Hill.

Unang pumutok ang Bulkang Hibok-Hibok noong 1827 at nasundan noong


1862. Parehong nagdulot ng malaking pinsala sa mga taniman ang mga
pagsabog na ito. Noong Enero 1871, ang mga lindol at pagyanig sa ilalim
ng bulkan na tumagal hanggang Abril ay sinundan ng pagbuga ng mga
bato at abo na sumira sa kalupaan at mga plantasyon sa dulong hilaga ng
Camiguin. Sa pagsabog na ito nabuo ang isa sa mga simboryo ng bulkan na
tinawag na Vulcan at umabot ang taas nitó sa 457 metro. Ang kasalukuyang
simboryo ng bulkan ay nagbuga ng maputing usok ng asupre na sumisira
sa mga pananim sa lugar. Tumagal ang ganitong aktibidad ng bulkan
hanggang 1902 at naulit ang ganitong pagbuga ng asupre noong 1948 na
nagresulta sa pagkakaroon ng panibagong butas sa bulkan. Nang sumabog
ito noong 4 Disyembre 1951, may 500 katao ang namatay, nasunog ang
maraming bahay, at maraming nasirang pananim. Dahil sa pagiging aktibo,
maraming naninirahan sa paligid nitó ang lumipat sa ibang kalapit na pulo.
(AMP) (ed VSA)
Bulkáng Kanlaón
Ang Bulkáng Kanlaón ang tinaguriang kambal na bulkan sa pulo ng
Negros, sa pagitan ng Negros Oriental at Negros Occidental at nása layòng
36 kilometro mula sa Bacolod. Ito ang pinakamataas na bulkan sa pulô
ng Negros, may taas na 2,465 metro ang isa at 2,200 metro naman ang
ikalawa. Aktibo o buháy ang una, ang Lugud crater, samantalang ang
ikalawa, ang Margaja Valley ay isa nang lawa na dinadayo ng mga turista.
Ang bulkan ay may tatlong bukal na pinanggagalingan ng mainit na tubig
na nása dalisdisan nitó, ang Mambucal Hot Spring, Bucalan Hot Spring,
at Bungol Hot Spring. Bahagi ito ng tinatawag na “Negros Volcanic Belt”
at kilalá rin sa tawag na “Cuernos de Negros.” Marami ring talon ang nása
loob ng kagubatan ng Kanlaon, kabílang ang Talong Sudlon at ang Talong
Quipot.

Ang Bulkang Kanlaon ay 25 beses nang sumabog mula 1866. Ang unang
naitalâng pagputok nitó ay noong 1866 at sinundan ng iba pang mga
pagsabog ng mga sumunod na taón. Pinakamalakas ang pagputok noong
1893 nang umulan ng abo at umagos ang kumukulong putik sa kinalalagyan
ngayon ng Lungsod San Carlos. Ang pinakahuling pagputok nitó ay noong
1985. Subalit noong 1996, bigla itong nagbuga ng mga bato at abó na
ikinamatay ng tatlong mountain hikers na naipit sa tuktok ng bulkan.

Ginawang pambansang parke ang paligid nitó noong 8 Agosto 1934 at


may lawak na 246 kilometro kuwadrado ang nasasakop. Ang parke ay may
masukal na kagubatan at dinadayo ng mga mountain climbers. Maraming
uri ng hayop at bulaklak ang makikita sa nasasakupan ng parke. Ang parke
ay may mahigit 40 kilometrong daanan papunta sa pinakatuktok ng bulkan.
Ang pinakamaiksing ruta paakyat ng bulkan ay ang daang Masulog na
may walong kilometro ang layò at ang pinakamahabàng ruta ay ang daang
Wasay na aabutin ng dalawang araw na paglalakad sa masukal na kagubatan
ng parke bago makarating sa tuktok ng bulkan. (AMP) (ed VSA)
Bulkáng Mayón
Kilalá sa kahanga-hangang halos perpektong hugis apa ang Bulkáng
Mayón. Ito ay matatagpuan sa silangang bahagi ng lalawigan ng Albay
at may 300 kilometro sa timog-silangan ng Maynila. Ang Bulkang Mayon
ang pangunahing halina ng rehiyong Bikol. Ito ay may taas na mahigit
2,462 metro mula sa ibabaw ng dagat at may lawak na 314.1 kilometro
kuwadrado na sumasakop sa mga bayan ng Camalig, Malilipot, at Sto.
Domingo. Ang Bulkang Mayon ay isang kompositong bulkan at nabuo
sa pamamagitan ng pagkakapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava.
Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa buong bansa. Ang pangalan
ng Bulkang Mayon ay halaw sa maalamat na kuwento ni Daragang
Magayon.

Sa nakalipas na 400 taón, ito ay nagkaroon ng 47 beses na pagputok. Ang


unang naitalâng pagputok ng bulkan ay noong 1616. Noong Pebrero 1,
1814, naitalâ sa kasaysayan ang pinakamabagsik na pagsabog nitó nang
matabunan ng lahar at lava ang buong bayan ng Cagsawa, Camalig, at
Budiao at may 1,200 mamamayan ang sinasabing namatay, samantalang
gumuho naman ang kalahati ng Guinobatan. Nagsisilbing palatandaan
ng nalibing na mga bayan ang kampanaryo ng simbahan ng Cagsawa
na matatagpuan sa Barangay Busay sa munisipalidad ng Daraga, Albay.
Noong ika-23 ng Hunyo 1897, naitalâ ang pinakamatagal na pagsabog ng
bulkan na umabot ng pitóng araw na walang tigil sa paglabas ng apoy at
lava. Ang hulíng malakas na pagsabog nitó ay noong 1993 at 77 katao ang
namatay dahil sa ibinugang mainit na abo nitó. Ang pinakahulíng pagsabog
ng bulkan ay naganap noong Pebrero 24 hanggang Marso 7, 2000. (AMP)
(ed VSA)
bul-úl
Ang bul-úl ay estatwang kahoy na anyong-tao at kumakatawan sa diyos ng
palay ng mga Ifugaw. Kung minsan sinasabing kinakatawan din nitó ang
espiritu ng mga yumaong ninuno. Isang mahabàng serye ng mga ritwal
ang kailangang idaos upang pumasok sa estatwa ang espiritu.

Nagsisimula ito sa paghanap sa gubat ng kahoy na lililukin at nagtatapos


sa isang marangyang pista. Sa pistang ito idinadaos ang konsekrasyon
ng nililok na estatwa na isinasagawa ng mga mambunong (katutubong
eksperto sa pagdaraos ng ritwal). Hanggang hindi ito natatapos, hindi
maituturing na sagrado ang bul-ul. Sapagkat magastos ang pagdaraos ng
mga kailangang ritwal at pista, ang mga may malalawak na taniman ng
palay lamang ang may kakayahang mag-ari ng bul-ul.

Ang mga bul-ul ay kailangang bigyan ng iba’t ibang alay at hingan ng


tulong upang pangalagaan nila ang mga tanim, tiyakin na magiging
masagana ang ani, at bantayan ang mga inaning palay. Ginagamit din ang
bul-ul sa mga ritwal na walang kinalaman sa mga gawaing agrikultural. Sa
mga bagay na ginagamit sa mga tradisyonal na ritwal ng Ifugaw, ang bul-
ul marahil ang pinakamahalaga.

Karaniwang pares ang mga estatwa—isang lalaki at isang babae na


nakatayo o nakatalungko. Makikíta sa mga bul-ul ang iba’t ibang estilo ng
lilok. Batay sa estilo, malaláman kung saang parte ng Ifugao nagmula ang
bul-ul. Ang mga nakaupong bul-ul ay karaniwang makikíta sa Banaue-
Mayoyao, at ang mga nakatayo naman ay makikíta sa Hapao. Sa Kiangan,
mayroong “nagsasayaw” na bul-ul na doon lamang matatagpuan.

Sinasabi na iilan na lamang ang sagradong bul-ul na natitirá sa Ifugao. Ang


mga bul-ul na ipinagbibili sa mga turista o kolektor ng souvenir ay mga
produktong komersiyal na walang kabuluhan sa ritwalistikong búhay ng
mga Ifugaw. (DLT) (ed GSZ)

Retrato ni Maria Armie Sheila Boco Garde


Bundók Apò
Pinakamataas na bundok sa Filipinas ang Bundók Apò na nása mga
lalawigan ng Davao del Sur at North Cotabato, at may layòng 32
kilometro mula sa bahaging kanluran ng Lungsod Davao. May taas itong
2,954 metro (9,690 talampakan). Bagaman isa ring bulkan, wala pang
naitatalâng pagputok níto. Ang Bundok Apo ay patag sa ibabaw, na may
tatlong taluktok. Sa bahaging timog, sa ibabâ ng bunganga ay may uka o
vent na nilalabasan ng singaw na asupre. Tinatawag din itong Sandawa
(Bundok ng Asupre) ng mga táong naninirahan sa paanan nitó. May anim
na katutubong pangkating nagtuturing sa Bundok Apo bilang sagradong
lupain: ang mga Manobo, Bagobo, Ubos, Atas, Kalagan, at Tagakaola. Sa
lugar na ito nilá sinasamba si Apo Sandawa na kinikilála niláng dakilang
ninunong ama o apò at pinagmulan ng pangalan ng bundok. Ang bunganga
ng bundok na may 500 metrong lawak ay nagsisilbing isang malaking
lawa, ang Lawang Venado, na pinagkukunan ng enerhiyang heotermal.
Ang Mindanao Geothermal Production Field, na nása barangay Ilomavis sa
Lungsod Kidapawan, North Cotabato, ang pinagmumulan ng koryenteng
ginagamit sa Kidapawan at mga karatig lalawigan.

Noong 1936, idineklara ang Mt. Apo National Park na may 80,864
ektarya sa paligid ng bundok, upang mapangalagaan ang maraming di-
pangkaraniwang hayop at halamang matatagpuan dito. Makikita rin
dito ang pinakamalaking agila sa mundo—bánoy o Philippine Eagle,
ang pambansang ibon ng Filipinas. Mayroong 270 uri ng mga ibon na
naninirahan sa kagubatan ng bundok at 100 sa mga ito ay tanging sa bansa
lamang matatagpuan. Dahil dito, isa ang Bundok Apò sa UNESCO World
Heritage Site. (AMP) (ed VSA)
Bundók Aráyat
Nag-iisang bundok sa kapatagan ng Gitnang Luzon at matatagpuan sa
lalawigan ng Pampanga ang Bundók Aráyat. Ang kanlurang bahagi nitó
ay nasasakupan ng bayan ng Arayat hábang ang hilagang bahagi ay nása
bayan ng Magalang. Walang naitalâng pagsabog nitó at ngayon ay isa na
itong patay na bulkan na may taas na 1,030 metro. Nalilibot ang bundok
ng malawak na bukirin ng tubó at palay. Sa ibabaw nitó ay makikita ang
pabilog na bunganga ng bulkan na may mahigit dalawang kilometrong
lawak. Ito ay may dalawang taluktok, ang North Peak at ang Pinnacle
Peak. Sa kanlurang tuktok nitó ay mamamalas ang magandang tanawin
ng Gitnang Luzon, lalo na ang Ilog Pampanga at ang mga kabundukan ng
Zambales at Bataan hábang sa bahaging silangan nitó ay matatanaw ang
mga hanay ng kabundukang Sierra Madre. May tatlo hanggang apat na
oras ang lalakarin upang makarating sa pinakatuktok ng bundok.

Noong 1933, itinayô ang Mt. Arayat National Park na kinapapalooban


ng mga natural na lawa, pook pasyalan, at daanan paakyat sa tuktok ng
Arayat. Mayroon itong 3,715 ektaryang sakop na kalupaan na itinalaga
para sa eko-turismo upang mapangalagaan ang natural na kaayusan ng
lugar.
Pinaniniwalaan itong isang misteryosong bundok at maalamat na tahanan
ng diwatang si Mariang Sinukuan na siyáng nagpoprotekta sa lahat ng uri
ng halaman at hayop ng kabundukan. May kuwentong-bayan na kapatid
siyá nina Mariang Makiling sa Bundok Makiling ng Laguna at Mariang
Banahaw sa Bundok Banahaw ng Quezon. Tulad ng dalawa, diwata siyá
ng mga tula at awit. May pangkating Rizalista na nagtatagpo sa paanan
ng bundok tuwing Disyembre at sumasamba kay Mahal na Inang Birhen
Sinukuan, na pinaniniwalaang babaeng reengkarnasyon ni Rizal. (AMP)
(ed VSA)
Bundók Makíling
Ang pinakamalaking pambansang parke ng Filipinas at maalamat na
tahanan ng diwatang si Mariang Makiling, matatagpuan ang Bundók
Makíling sa lalawigan ng Laguna. Kilala rin ito sa pangalang Bundok
Maquiling. Ito ay isang di-aktibong bulkan na may taas na 1,143 metro mula
sa ibabaw ng dagat at may kabuuang sukat na 4,250 ektarya. Maraming
maalamat na kuwento ang bumabalot sa bundok na ito, lalo na ang
kuwento tungkol kay Mariang Makiling na pinapaniwalaang diwatang
nagbabantay sa bundok. Ang hugis ng bundok na ito ay sinasabing ang
nakahigang posisyon ng diwata.

Ang Bundok Makiling ay paboritong lugar na dinadayo ng mga umaakyat


sa bundok. Ang dalawang pangunahing daan paakyat dito ay nagsisimula
sa kampus ng Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos (UPLB) sa bahagi
ng College of Forestry at sa Barangay San Miguel, Sto. Tomas, Batangas.
Ang daan mula sa UPLB ay kadalasang umaabot ng apat hanggang limang
oras para marating ang pinakatuktok nitó. Sa bahagi naman ng Sto. Tomas,
na mas mahirap ang daan, umaabot ng anim hanggang pitóng oras bago
makarating sa tuktok ng bundok. Halos 3,000 iba’t ibang uri ng halaman
ang matatagpuan dito kung kayâ paborito itong estasyon ng pananaliksik
ng mga naturalista.

Ito ay idineklarang mahalagang lugar para sa mga ibon noong 23 Pebrero


1933 batay sa Proklamasyon Bilang 552 at Bilang 692 noon namang 2
Agosto 1960. Nasasakop nitó ang Mt. Makiling National Park na may
sukat na 3,328 ektarya. Ang kagubatan sa bahaging ibabâ nitó ay nahawan
na o kinaingin upang pagtaniman ng mga produktong pangkalakal, subalit
nananatiling may magandang kalidad ang natitira nitóng gubat sa palibot
ng harding botanikal at sa loob ng kampus ng Unibersidad ng Pilipinas.
Maraming pananim sa dalisdis ng Bundok Makiling, katulad ng niyog,
kape, saging, pinya, mga sitrus, mais, at mga gulay. Ang kagubatan ng
Bundok Makiling ay nagbibigay ng mahalagang balanse sa sistema ng
ekolohiya ng lalawigan. Pinipigilan nitó ang pagguho ng lupa at nagsisilbing
santuwaryo ng mga ilahas na hayop. Ito ay mahalaga ring imbakan ng
tubig na pinagmumulan ng mga natural na bukal ng mainit na tubig para sa
mga pook paliguan na isang pangunahing atraksiyon at malaking negosyo
sa Laguna. (AMP) (ed VSA)
bungkakâ
Kabílang ang bungkakâ sa mga instrumentong kawayan na nása
kategoryang baser at makikita ito sa Hilagang Luzon. Gawa ito sa isang
túbo ng kawayan. Hinahati ang itaas na bahagi hanggang bandang ibaba. Sa
paghahati, nagiging pahabâng letrang U ang itaas na magkabilâng bahagi
nitó. Ang resulta—isang espasyo sa pagitan ng dalawang nabuong hugis.
Sa bandang ibaba ng túbo ay may maliit na butas na tinatakpan ng kanang
hinlalaki upang mabago ang kalidad ng tunog at tono ng instrumento.

Para patunugin, gamit ang kanang kamay, inihahampas sa matigas na


bahagi ng palad ng kaliwang kamay ang itaas na bahagi ng bungkaka.
Sa isang pangkat ng bungkaka,  maririnig ang umuulit na melodiya na
epekto ng sabay-sabay na pagpapatunog ng instrumento. Ito ay resulta ng
magkakaibang timbre, yari, kapal o nipis ng kawayang ginamit, at pagsabay
sa kompás ng pagsara at pagbukas ng butas na inukit sa bungkaka.

May iba’t ibang tawag sa bungkaka ang mga etnolingguwistikong grupo


sa hilagang Filipinas. Bungkaka ang tawag dito ng Itneg, avakko para
sa Bontok, balimbing para sa Kalinga. Tinatawag din itong bilbil ng
mga grupong Itneg, Tinggian at Kankanaey. Pahinghing ito para sa
Isneg, pakkung sa Ibaloi, at ubbeng naman sa Kalinga. (RCN) (ed GSZ)
  
  
bunót at walís
Sa kabilâ ng modernong vacuum cleaner, pinagtitiwalaan pa ring panlinis
sa sahig ng karaniwang bahay ang tambalang bunót at walís. O kahit may
vacuum cleaner na, lagi pa ring may walís para sa mga gawaing hindi káya
ng mekanisado at de-koryenteng panlinis.

May mga singit na maaari lámang kutkutan ng dumi sa tulong ng walís.


Ang sabi din, mas makintab ang sahig na “binunót.”

Dalawang klase ang walís. Una, ang walís tingtíng na tinaliang kumpol
ng mga tingting o tadyang ng dahon ng niyog. Mainam itong pangkutkot
ng dumi, pang-alis ng agiw, at karaniwang panlinis sa bakuran. Ikalawa,
ang walis tambô na tila pamaypay na kumpol ng mga dahon ng tambó o
talahib at nilagyan ng tagdan. Mainam itong panlinis ng alikabok at maliliit
na dumi sa sahig.

Ang bunót ay kalahati ng balát at báo ng bunga ng niyog. Binubusalsal ang


balát upang magmukhang ulo ng sepilyo. Pataob na inilalapat ito sa sahig,
“sinasakyan” ng naglilinis, at ulit-ulit na pinadadaan sa bagong wax na
sahig hanggang kumintab. Sinusundan pa ito ng pagpapadaan ng tuyô at
malinis na basáhan upang maalis ang mugmog ng bunót at lalong kuminis
at magningning ang kintab.

Bukod sa múra, ang paglilinis sa pamamagitan ng bunót at walís ay matipid


dahil hindi kumukonsumo ng elektrisidad at mahusay na ehersisyo. (GCA)
(ed VSA)
buntál
Ang buntál ay isang pino at kulay putîng hibla o himaymay na ginagamit
sa paggawa ng sombrerong buntál sa Filipinas. Mula ang himaymay na ito
sa katawan at dahon ng halamang palma talipot (Corypha umbraculifera).
Ang halamang ito ay kilalá rin sa tawag na bulé o buri. Kabílang ito sa
pitong species ng palma na likás sa India, Malaysia, Indonesia, Filipinas,
New Guinea, at sa hilaga-silangang Australia. Malalaki ang palmang
ito, hugis pamaypay ang mga dahon, at may matatag na tangkay na
may sukat na 2-5 metro ang habà. Lumalaki ito nang 20-40 metro, may
diyametro ang punò na 1-2.5 metro. Lahat ng species ay namamatay
pagkatapos makapamulaklak. Mabagal lumaki ang halamang ito, maaaring
mangailangan ng maraming taón bago magkaroon ng malaking punò.

Ayon sa kasaysayan, ginagamit sa maraming kultura sa timog-silangang


Asia ang mga dahon ng palmang talipot na sulatan, sa pamamagitan ng
panulat na yari sa bakal, upang makagawa ng mga manuskrito. Ang dagta
ay ginagamit sa pagawa ng isang uri ng alak. Kabílang sa produkto na
mula sa dahon ng talipot ang tradisyonal na páyong. Ang mga dahon ay
karaniwang ginagamit sa pagdadatig o paglalála ng mga basket, sombrero,
at iba pa. May tatlong klase ng himaymay ang maaaring makuha mula
sa halamang ito: ang buri, raffia, at buntal. Naging popular ang paggawa
ng sombrerong buntal sa Bulacan. Nagkaroon ng negosyo sa paglalála ng
buntal at paggawa ng buntal hat, handbag at iba pa. Magandang halimbawa
nitó ay ang Baliuag Buntal Enterprises. Naging bahagi na ng turismo ng
Bulacan ang pagdaraos ng taunang Buntal Hat Festival upang ipakita ang
magagandang sombrerong buntal, kasama na rin ang paggunita sa una
at orihinal na buntal hat na ginawa pa noong 1910—noong panahong
nauso sa buong mundo ang sombrerong buntal at mahigpit na naging
kakompetensiya ng panama hat. (SSC) (ed VSA)
Jose Burgos
(9 Pebrero 1837-17 Pebrero 1872)
Si Jose Burgos (Ho·sé Búr·gos) ay lider ng kilusang sekularisasyon,
iskolar, manunulat, at isa sa tatlong paring martir (tinaguriang “Gomburza”)
na binitay ng mga Espanyol kaugnay ng Pag-aalsa sa Cavite noong 1872.
Ipinanganak siyá noong 9 Pebrero 1837 sa Vigan, Ilocos Sur kina Jose
Tiburcio Burgos, isang Espanyol na opisyal, at Florencia Garcia, isang
Filipina. Nag-aral siyá sa Colegio de San Juan de Letran at Unibersidad
ng Santo Tomas, at nagpakadalubhasa sa pilosopiya at batas ng simbahan.
Ang kaniyang dunong at galing ang naging dahilan ng mabilis niyang
pag-akyat sa organisasyon ng Simbahang Katoliko. Nasaksihan niya ang
pagwawalang-bahala ng mga pari at pagtangkilik ng mga ito sa pang-aapi
ng mga Espanyol kayâ sa isang bukás na liham na isinulat niya noong 1871
ay binatikos niya ang labis na kapangyarihan ng simbahan at humingi ng
reporma para sa mga Filipino.
Isa sa mga sinasabing akda niyang hindi nalimbag ay ang Mi Obrita
Novela Historica La Loba Negra (1871) na inihandog niya sa lahat ng
inang Filipino. Dahil sa kaniyang mga pagtatanggol sa karapatan ng mga
paring sekular (ang mga Filipino) ay marami siyáng naging tagahanga
bagaman kinainisan sa kabilâng dako ng mga paring regular (ang mga
fraile). Naging kampeon siyá ng kilusan para sa sekularisasyon.
Dumating ang pagkakataon ng mga fraile nang maganap ang Pag-aalsa
sa Cavite noong 20 Enero 1872. Isinangkot at ipinahúli ang maraming
mayaman at edukado. Marami sa kanila ang ipinatapon sa Guam, Marianas,
at ibang pook. Isa si Burgos sa isinangkot, at kasáma ang mga paring
Mariano Gomes at Jacinto Zamora ay mabilisang nilitis at hinatulan ng
bitay sa pamamagitan ng garote. Binitay silá sa Luneta noong 17 Pebrero Guhit ni Sammy Sta. Maria
1872.
Si Burgos ay malapit na kaibigan ni Paciano Rizal, kuya ni José Rizal.
Lubhang nakaapekto kay Rizal ang pagbitay kina Burgos at nagsilbing
isa sa mga inspirasyon ng pagkakasulat ng El filibusterismo. Ilang bayan
ang ipinangalan kay Burgos, at ilan dito ay matatagpuan sa Ilocos Norte,
Ilocos Sur, Isabela, La Union, Pangasinan, Quezon, Southern Leyte, at
Surigao del Norte. (PKJ) (ed VSA)
búro
Ang búro ay isang paraan ng preserbasyon sa isda, karne, gulay, o hilaw
na prutas sa pamamagitan ng asin, angkak, salitre, at ibang panghalò.
Hanggang ngayon, itinitinda sa lansangan ang mga garapon ng búrong
hilaw na mangga o santol na nakababad sa tubig na may asin. Ang mga
dahon ng mustasa ay medyo ibinibilad, pinagkukumpol, at ibinababad sa
bangang may hugas bigas at asin para maging búrong mustasa. Isang
mahirap na trabaho ang pag-iipon upang ilamas sa kanin ang tabâ ng
búrong talangka.

Sa Pampanga, ang búro ay hipon o isdang may kanin at inasnan. Tinatawag


din itong bálawbálaw o bálubálo. “Binubulok” ito nang ilang araw. Bago
kainin, iniluluto ito at nilalagyan ng kaunting sabaw. Maaari itong kainin sa
pamamagitan lámang ng paglalamas sa kanin o kayâ, tulad ng karaniwang
gawain ng mga Pampanggo, gamiting sawsawan.

Sa mga Pampanggo, ang búro ay pinakamasarap na sawsawan ng inihaw


na dalág o pritong hitò. Inihahanda ang naturang isda na naliligid ng
ensaladang sariwang dahon ng mustasa o pinakuluang ampalaya, okra,
talong, at sigarilyas. Isinasawsaw ang isda at ang mga pinukuluang gulay
sa búro. Samantala, maaaring ibálot na parang lumpiya ang búro sa dahon
ng mustasa. (DRN) (ed VSA)
butandíng
Ang butandíng o Rhincodon typus ang pinamakamalaking isda sa mundo.
Lumalaki ito hanggang 20 metro at may bigat na hanggang 34 tonelada.
May mga natatanging mapusyaw na batik at guhit sa tagiliran ang katawan
ng isang butanding. Nagkakaiba ang pattern na ito sa bawat uri ng butanding
kayâ maaari itong gamitin na pagkakilanlan ng uri nitó. Kitang-kita rin ang
mga pahabâng gulugod sa likod ng katawan nitó. Malapad at sapad ang
ulo ng isang butanding na may malaking bibig sa dulo at maliliit na bibig
at ngipin. Dahil sa kaliitan ng bibig at ngipin nitó, hindi nakakakagat o
nakangunguya ang butanding. Sinisipsip at sinasalà lang nitó ang pagkain
mula sa tubig. Mumunting hayop (1 milimetro), maliliit na isda, pusit,
alimango, at hipon ang karaniwang kinakain ng isang butanding.

Gumagalà ito sa iba’t ibang dako ng mundo, kabílang ang malamig at


mainit na mga dagat ng Atlantiko, Pasipiko at Indian, sa pagitan ng latitude
na 30oHilaga at 35oTimog at paminsan minsan, sa 41oHilaga at 36.5oTimog.
Mabagal lumaki ang isang butanding at maraming taón ang lilipas bago
dumating ang panahon ng panganganak nitó. Mahahabà rin ang patlang sa
pagitan ng panganganak. Pagkapanganak, pinababayaan na ng ina ang mga
anak na mamuhay nang sarili. Dahil sa mababàng kakayahang magparami
at mabuhay, malamang labis na bumabà o maubos ang populasyon ng
butanding sa mga susunod pang taón.

Tradisyon sa Filipinas ang panghuhúli ng butanding. Sa kasamaang palad,


mas dumami ang mga nanghuhúli noong tumaas ang pangangailangan para
sa laman, balát, at palikpik nitó. Upang labanan ang pagkaubos, nagpalabas
ang Filipinas ng mga batas na nagbabawal ng malawakang pagpatay at
pangangalakal ng butanding. Sa katunayan, idineklara ng pamahalaang
lokal ng Donsol, Sorsogon na santuwaryo ng butanding ang buong lawak
ng kanilang baybayin. Sa ngayon, dinadayo ng mga turista ang Donsol
dahil dito. (MA) (ed VSA)
buwáya
Ang buwáya ay isang reptil na kabílang sa pamilya Crocodylidae (minsan
ay nauuri bilang subpamilya Crocodylinae). Tinatawag din na buwáya ang
mga kabílang sa orden ng Crocodylia gaya ng mga kabílang sa pamilya
Alligatoridae (alligator at caiman) at pamilya Gavialidae (gharial).
Ang buwaya ay naninirahan sa mga matubig na lugar, lalo sa mga ilog
na mabagal ang agos. Matatagpuan ito sa malaking bahagi ng tropikal na
rehiyon ng Asia, Aprika, Amerika, at Australia. Maaari itong kumain ng
iba’t ibang uri ng buháy at patay na mga mammal at isda. Ang ilang uri,
tulad ng Crocodylus porosus (Saltwater Crocodile) ng Australia at ng mga
pulô sa Pasipiko, ay napag-alamang nakikipagsapalaran at tumatawid ng
mga dagat. Ang buwaya ay tinatawag na dapi, dapu sa Kapampangan,
krokodilyo (Espanyol: cocodrilo), at vaya sa Ibanag. Sa wikang Tagalog,
kapuwa tinatawag na buwaya ang mga miyembro ng Crocoylidae
(crocodile) at Alligatoridae (alligator). Sa Bibliya, tinagurian itong isang
leviathan.

Ang Crocodylus mindorensis ay isang buwáya na matatagpuan lámang


sa Filipinas. Sa Ingles, tinatawag din itong Philippine crocodile (buwáya
ng Filipinas), Mindoro crocodile (buwáya ng Mindoro) at Philippine
freshwater crocodile (buwáyang tubig-tabang ng Filipinas). Mahigpit
na ipinagbabawal ang pagpatay ng buwáya, dahil lubhang nakababahala
ang mabilis na pag-unti nitó. Ang pinakamalaking buwáya (Crocodylus
porosus) sa buong mundo ay nahúli sa Filipinas noong Setyembre 2011.
Ang habà nitó ay 21 piye (6.4 metro) at tumitimbang ng 1,075 kilo (2,370
libra). Mas malaki ito sa napatalâng dáting pinakamalaki sa buong mundo
na may habàng 17 piye. Nahuli ito sa Nueva Ira, Bunawan, Agusan del
Sur. Ito ay isang lalaki, tinatayâng mahigit nang 50 taóng gulang, kayâ
pinangalanang “Lolong.” (SSC) (ed VSA)

You might also like