You are on page 1of 16

The PRIMALS Compendium of Teaching Resources

ENGLISH LESSON PL ANS FILIPINO LESSON PLANS L I T E R AC Y S T R AT EG I E S

Magician
Baitang 10 | Dagli

Kabalintunaan ng buhay ang binibigyang


diin sa dagling ito sa pamamagitan ng mga
pahiwatig, katimpian at paglalarawan ng
kalagayan ng tauhan sa akda.

Gamit ang iba’t ibang estratehiya sa


pagtalakay sa aralin, ipinakikita ng Banghay
Aralin na ito na mahihimay pa rin ang dagli
gamit ang mga elemento ng kwento.

Talaan ng Nilalaman

Teksto 02
Banghay-Aralin 04
Arawang Tala-aralin 10
BAITA NG 10
BAITA NG 10
T EKSTO

Magician
Ni Eros S. Atalia

L awit ang dila niya pagdating sa kanila. Buti na lang, naidaan na niya sa shop ang
kaniyang mga gamit: ang sumbrerong pinaglalabasan ng kuneho, ang bandanang
nagiging baston at bulaklak, ang kahon na litawan-taguan ng kalapati. Isang bunton ng
mahikang naghatid ng sanlibong ngiti at kagalakan sa mga bata kanina.

Madilim sa kanilang eskinita. Halos wala nang tao. Sarado na ang mga bintana’t
pinto. Bahagyang liwanag na lamang na nagsilbi niyang gabay ang sumisiwang sa
mga singit-singit.

2 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Sayang. Naisanla na niya ang cellphone niya kaninang umaga sa halagang P300.
Pamasahe niya papunta sa trabaho, baon ng dalawa niyang anak at ang iba’y
panggastos. Cellphone kasi ang ginagamit niyang pinaka-flashlight papasok sa
madilim nilang eskinita.

Madilim sa kanilang bahay. Dalawang araw ang kanilang disconnection notice.

Mahina ang kaniyang katok. Bumukas ang pinto. Sinalubong siya ng bunganga ng
kaniyang asawa. “Kung may magic lamang sana ako,” wika niya sa sarili.
BAITA NG 10

Magician 3
BANGHAY-A RA L IN

Masusing Banghay-Aralin
LAYU NIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan.

B. Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social media).

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto/Layunin

A. Nabibigyang-reaksyon ang pagiging makatotohanan/di makatotohanan ng mga


pangyayari sa kwento (F10PB-IIe-76)

1. Natutukoy ang mga makatotohanang pangyayari sa kuwento.


2. Natatalakay ang buhay ng tauhan sa akda bilang magician at tao na
nagpapakita kabalintunaan.
3. Nakasusulat ng isang hugot line batay sa sariling karanasan na nagpapakita ng
kabalintunaan ng buhay.
4. Naipapakita ang positibong pananaw sa pagharap ng mga mga makatotohang
pangyayari sa buhay.
5. Nasasanay ang sarili sa pagtanggap sa katotohanan na ang buhay ay may
iba’t ibang anyo.

PAKSA

Magician ni Eros Atalia

MGA KAG A M ITA N

A. Sanggunian:

A. Sanggunian: Sipi ng Dagling “Magician” ni Eros Atalia


B. Iba pang kagamitang pampagtuturo

4 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


PA M A M A RA AN

BAG O M AGBA S A H ABAN G N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

A. Panimula (3 minuto)

1. pangkat sa 4 ang klase. Magpakita ng isang Picture Frame ang bawat pangkat batay
sa ibibigay na sitwasyon

Magpapa-Birthday Ako!
Birthday ni Caloy ngayon. Pitong taon na sya. Tulungan natin siya na magdiwang.
Ano-anong kasiyahan ang maaaring mangyayari kapag may Birthday Party?

B. Pangganyak (2 minuto)

Itatanong sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan

1. Sino-sino ang nagbibigay buhay sa Birthday Party? (payaso, magician….


(Paalala sa guro: Hintayin na maibigay ng mga mag-aaral sa salitang ‘magician’ o i-lead
ang mga mag-aaral sa salitang ito bago ibigay ang susunod na tanong).
2. Ano ang iyong pagkakakilala sa isang magician?
3. Ano kaya ang buhay ng isang magican batay sa babasahing akda

BAG O M AGBA S A H ABAN G N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

C. Paglalahad ng Aralin (3 minuto)

Ipabasa nang tahimik ng dagling “ Magician” ni Eros Atalia

Magician
Ni: Eros S. Atalia

Lawit ang dila niya pagdating sa kanila. Buti na lang, naidaan na niya sa shop ang kanyang mga
gamit: ang sumbrerong pinaglalabasan ng kuneho, ang bandanang nagiging baston at bulaklak,
ang kahon na litawan-taguan ng kalapati. Isang bunton ng mahikang naghatid ng sanlibong ngiti
at kagalakan sa mga bata kanina.

Madilim sa kanilang eskinita. Halos wala nang tao. Sarado na ang mga bintana’t pinto. Bahagyang
liwanag na lamang na nagsilbi niyang gabay ang sumisiwang sa mga singit-singit.
Sayang. Naisanla na niya ang cellphone niya kaninang umaga sa halagang P300. Pamasahe niya
papunta sa trabaho, baon ng dalawa niyang anak at ang iba’y panggastos. Cellphone kasi ang
ginagamit niyang pinaka-flashlight papasok sa madilim nilang eskinita.

Madilim sa kanilang bahay. Dalawang araw na ang kanilang disconnection notice.


Mahina ang kanyang katok. Bumukas ang pinto. Sinalubong siya ng bunganga ng kanyang
asawa. “Kung may magic lamang sana ako,” wika niya sa sarili
BAITA NG 10

Magician 5
BANGHAY-A RA L IN

BAG O M AGBA S A H A BA N G N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

D. Pagtalakay sa Aralin (18 minuto)

Ipangkat sa 4 ang klase. Ipasasagot ang sumusunod na tanong.

Pangkat 1
Sino ang pangunahing tauhan? Ipakilala sa pamamgitan ng Journalistic Grid

Tauhan

Hanapbuhay ng Tauhan

Tirahan ng Tauhan

Kasarian ng Tauhan

Estado sa Buhay

Pangkat 2
Ano-ano ang mga pangyayari sa akda? Ipakita sa isang Hagdan ng Pangyayari.
(Note wag limitahan sa 1-4 ang sagot)

6 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Pangkat 3
Anong uri ng buhay Uri ng Mga Patunay Mula
mayroon ang magician Buhay ng Sa Akda
sa kwento? Patunayan
ang sagot gamit
ang Evidence Chart.

Pangkat 4
Anong mga nahihinuhang pangyayari ang ipinapahiwatig sa pahayag na
“Kung may magic lamang sana ako." Ilahad sa isang Concept Map.

a g ic
“Ku n g m a y ma a k o .”
la m a n g s a n

Gawaing Pagpapalalim
Ipatalakay sa mga mag-aaral ang buhay ng tauhan bilang magician na
inilalahad sa akda at ang kabalintunaan nito. Ipatala gamit ang tsart sa ibaba:

Magician Kabalintunaan
BAITA NG 10

Magician 7
Tandaan:
Balintuna (Irony) ay isang tayutay na sa pamamagitan nito ang kahulugang patitik ng
isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran ng tangkang sabihin, dahil sa isang bagay na
sinabi ay may ibang pakahulugan at ginamit sa pangungutya o katuwaan lamang.

Gawaing Paglinang sa Kabihasaan


Ipahambing ang mga buhay ng mga mag-aaral at buhay ng tauhan sa akda. Ipalahad sa
pamamagitan ng Compared and Contrast Chart.

Ako
Magician

E. Paglalapat (5 minuto)

Mag-isip ng isang sitwasyon batay sa sariling karanasan na nagpapakita ng kabalintunaan.


Isulat sa isang hugot line.

BAG O M AG BA S A H A BA NG N AG BABASA PAG K ATAP O S M AG BASA

F. Paglalagom (2 minuto)

Anong katotohanang pangyayari sa buhay ang inilalahad ng akdang “Magician”. Paano mo


haharapin ang katotohanang ito?

G. Pagtataya (10 minuto)

Ipabasa ang dagli na pinamagatang “Maligayang Pasko” ni Eros Atalia nasa pahina 140
ng Panitikang Pandaigdig, Filipino 10 Modyul ng mga Mag-aaral sa akda. Tukuyin ang
kabalintunaan sa buhay ng tauhan. Ipalahad sa pamamagitan ng malikhaing presentasyon.

8 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Pangkat 1: Poster
Pangkat 2: Awit
Pangkat 3: Status sa Facebook
Pangkat 4: Hugot Line at/o Pick up Lines

H. Karagdagang Gawain at/o Pagpapahusay (2 minuto) (Optional)

Magpakuha ng mga larawan ng mga makatotohanang pangyayari na nagaganap sa


lipunan.
I-post sa facebook at lagyan ng caption.

BAITA NG 10

Magician 9
PANG-A
AR RAW-A
AWANG RAW
TA LA N AI N
-A RAL TA L A

Paaralan: Guro: Asignatura: Filipino

B A I T A N G 150 LLU
UNNEESS M
MAARRTTEESS

L AY U N I N

A Pamantayang Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa


Pangnilalaman mga akdang pampanitikan

B Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang


pangmadla (social media).

C Mga Kasanayan sa 1. Nabibigyang-reaksyon ang pagiging makatotohanan/di


Pampagkatuto makatotohanan ng mga pangyayari sa kwento (F10PB-IIe-76)
• Natutukoy ang mga makatotohanang pangyayari sa kuwento
• Natatalakay ang buhay ng tauhan sa akda bilang magician at
tao na nagpapakita kabalintunaan
• Nakasusulat ng isang hugot line batay sa sariling karanasan na
nagpapakita ng kabalintunaan ng buhay
• Naipapakita ang positibong pananaw sa pagharap ng mga mga
makatotohang pangyayari sa buhay
• Nasasanay ang sarili sa pagtanggap sa katotohanan na ang
buhay ay may iba’t ibang anyo

NILALAMAN / PAKSA

Magician ni Eros Atalia

M G A K A G A M I TA N G P A M P A G T U T U R O

A Sanggunian Filipino CG, Sipi ng akda

B Iba pang mga Kagamitang Mga Larawan, Manila Paper, Meta Strips, laptop (Opsyonal).
Pampagtuturo

PAMAMARAAN

A Balik-Aral at/o Panimula Bago Magbasa


Ipangkat sa 4 ang klase.
Magpakita ng isang Picture
Frame ang bawat pangkat batay
sa ibibigay na sitwasyon

B Pangganyak Magtanong tungkol sa buhay ng


isang magician

C Paglalahad ng Aralin Habang Nagbabasa


Ipabasa nang tahimik ang
dagling “ Magician” ni Eros Atalia

D Pagtalakay sa Aralin Pagkatapos Magbasa


Ipangkat sa 4 ang klase.
1. Gawaing Pagpapaunawa
tungo sa Pormatibong Unang Pangkat
Pagtataya #1 Ipakilala ang pangunahing
2. Gawaing Pagpapalalim tauhan sa pamamagitan ng
tungo sa Pormatibong Journalistic Grid.
Pagtataya #2
3. Gawaing Paglinang Ikalawang Pangkat
sa Kabisaan tungo Isulat ang mga pangyayari
sa Pormatibong sa akda sa pamamagitan ng
Pagtataya #3 Hagdan ng Pangyayari.

10 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Markahan: Ikalawa
Ikalawa Petsa ngPetsa
Pagtuturo:
ng Pagtuturo: Oras ng Pagtuturo:
Oras ng Pagtuturo:

MIYERKOLES HUWEBES BIYERNES

L AY U N I N

Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan

Ang mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla (social media).

NILALAMAN / PAKSA

Magician ni Eros Atalia

M G A K A G A M I TA N G P A M P A G T U T U R O

PAMAMARAAN

BAITA NG 10

Magician 11
PANG-A
AR RAW-A
AWANG RAW
TA LA N AI N
-A RAL TA L A

Paaralan: Guro: Asignatura: Filipino

B A I T A N G 150 LLU
UNNEESS M
MAARRTTEESS
PAMAMARAAN

Ikatlong Pangkat
Ilarawan ang buhay mayroon ang
magician sa kuwento. Itala ang
mga sagot sa Evidence Chart.

Ikaapat Na Pangkat
Ilahad sa Concept Map ang
ipinahahiwatig sa “pahayag na
“Kung may magic lamang sana
ako.”

Ipatalakay sa mga mag-aaral ang


buhay ng tauhan bilang magician
at tao na inilalahad sa akda at
ang kabalintunaan nito. Ipatala
gamit ang tsart sa ibaba:

Ipahambing ang mga buhay


ng mga mag-aaral at buhay ng
tauhan sa akda. Ipalahad sa
pamamagitan ng Compared and
Contrast Chart

E Paglalapat Mag-isip ng isang sitwasyon


batay sa sariling karanasan na
nagpapakita ng kabalintunaan.
Isulat sa isang hugot line.

F Paglalagom Anong katotohanang pangyayari


sa buhay ang inilalahad ng
akdang “Magician”. Paano mo
haharapin ang katotohanang ito?

G G. Pagtataya Ipabasa ang dagli na


pinamagatang “Maligayang Pasko”
ni Eros Atalia nasa pahina 140 ng
Panitikang Pandaigdig, Filipino
10 Modyul ng mga Mag-aaral sa
akda. Tukuyin ang kabalintunaan
sa buhay ng tauhan. Ipalahad sa
pamamagitan ng
malikhaing presentasyon.

Pangkat 1: Poster
Pangkat 2: Awit
Pangkat 3: Status sa Facebook
Pangkat 4: Hugot Line at Pick
up Lines

H Karagdagang Gawain Magpakuha ng mga larawan ng


at/o Pagpapahusay mga makatotohanang pangyayari
na nagaganap sa lipunan. Ipost
sa facebook at lagyan ng caption.

12 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Markahan: Ikalawa
Ikalawa Petsa ngPetsa
Pagtuturo:
ng Pagtuturo: Oras ng Pagtuturo:
Oras ng Pagtuturo:

MIYERKOLES HUWEBES BIYERNES


PAMAMARAAN

BAITA NG 10

Magician 13
PANG-A
AR RAW-A
AWANG RAW
TA LA N AI N
-A RAL TA L A

Paaralan: Guro: Asignatura: Filipino

B A I T A N G 150 LLU
UNNEESS M
MAARRTTEESS
M G A TA L A

Pwedeng tumagal hanggang 2 meeting ang lesson na ito

P A G N I N I L AY

A Bilang ng mag-aaral na Pagnilayan ang mga naituro sa linggong ito. Suriin ang iyong sarili
nagtamo ng 80% bilang guro. Isipin ang pag-unlad ng kakayahan ng mga mag-
sa pagtataya aaral batay sa itinuro. Ano ang mga natamo nila at ano pa ang
mga dapat gawin upang mapaunlad ang kanilang kasanayang
B Bilang ng mag-aaral pagkatuto.
na nangangailangan
ng mga gawaing
pagpapahusay (remedial)

C Nakatulong ba ang
pagpapahusay (remedial)?
Bilang ng mag-aaral nza
naunawaan ang aralin

D Bilang ng mag-
aaral na patuloy na
nangangailangan
ng pagpapahusay
(remediation)

E Alin sa aking pagtuturo ang


naging epektibo? Bakit?

F Ano-ano ang aking naging


suliranin na maaaring
malutas sa tulong ng
aking punongguro
at superbisor?

G Anong mga inobasyon


o lokalisasyon sa mga
kagamitan ang ginamit /
natuklasan ko na nais kong
ibahagi sa ibang guro?

14 The PRIMALS Compendium of Teaching Resources | FILIPINO 4-10


Markahan: Ikalawa
Ikalawa Petsa ngPetsa
Pagtuturo:
ng Pagtuturo: Oras ng Pagtuturo:
Oras ng Pagtuturo:

MIYERKOLES HUWEBES BIYERNES


M G A TA L A

Pwedeng tumagal hanggang 2 meeting ang lesson na ito

P A G N I N I L AY

Pagnilayin ang mga naituro sa linggong ito. Suriin ang iyong sarili bilang guro. Isipin ang pag-unlad
ng kakayahan ng mga mag-aaral batay sa itinuro. Ano ang mga natamo nila at ano pa ang mga dapat
gawin upang mapaunlad ang kanilang kasanayang pagkatuto.

BAITA NG 10

Magician 15
The PRIMALS Compendium of Teaching Resources

This compendium was published with support


from the Australian Government through the Basic
Education Sector Transformation (BEST) Program.
 
Permission to use or reproduce this publication
or parts of it in hard or digital copies for personal
or educational use is granted free, provided that
the copies are not reproduced or distributed for
commercial purposes, and that proper credit is given
to the Australian Government.
 
Printed in the Philippines
 
First Printing, 2019

You might also like