You are on page 1of 8

Mga

Palaisipa
n
Ano ang mas mabigat
– ang isang galon na
tubig sa Pilipinas, o
ang isang galon na
tubig sa Australia?
Si Anna ay isa sa limang
magkakapatid. Ang mga
pangalan nila, mag-umpisa
sa panganay ay si Nana,
Nene, Nini, Nono at??? Ano
ang pangalan ng bunso sa
magkakapatid?
Kinakausap ni Paul si Rachel
habang nagmamaneho. Biglang
nabunggo ang sasakyan pero hindi
nasaktan si Rachel. Nang nabangga
ang kotse, lahat ng bintana basag,
ang lahat ng pintuan ay kandado at
ang harap at likod ng sasakyan ay
naapektuhan. Bakit hindi nasaktan
si Rachel?
May isang itim na aso na
natutulog sa itim na kalsada.
One way road ang daan at
walang ilaw ang kalsada. May
isang truck ang parating at wala
itong ilaw sa harap at nagawa
niyang ilagan ang itim na aso.
Paano ito nangyari?
May lalaki na walang
lisensya at dumaan sa
Wrong way tapos lumiko sa
kaliwa pero may nakasulat
na “No Left Turn”. May
pulis na nakakita sa kanya
pero hindi siya sinita at
hinuli.bakit kaya???
Sa bilog na bahay ay naninirahan doon sina
lolo, tatay, nanay, ate, kuya at bunso. Isang
araw namatay si nanay sa loob ng bahay.
Nag-imbestiga ang mga pulis kung sino ang
pumatay sa kanya at tinanong kung ano ang
ginagawa ng mga tao sa bahay na iyon. Si
lolo ay nagbabasa ng dyaryo. Si ate ay
nakikipaglaro kay bunso. Si tatay ay
naglilinis ng bawat sulok ng bahay. Si kuya
ay naglalaro ng computer games. Sino ang
pumatay kay nanay?
May 12 na buwan sa isang
taon. Pito sa mga buwan
ang may 31 araw at apat
na buwan ang may 30
araw lng. Ilang buwan
ang may 28th na araw?

You might also like