You are on page 1of 17

A Ba Ka Da E Ga Ha I La

Ma Na Nga O Pa Ra Sa Ta
U Wa Ya
a ba ka da e ga ha i la
ma na nga o pa ra sa ta
u wa ya
Ang Bata
Ang bata ay mataba.
Masaya ang bata.
Nakatawa ang bata.
Nasa kama ang bata.
Ang Maya
Ang maya ay nasa sanga.
Mababa ang sanga.
Ang sanga ay banaba.
Masaya ang maya.
Malaya ang maya kaya
masaya.
 Ang Mama
Ang mama ay nasa sapa.
Dala-dala ng mama ang
pana.
Mamamana ng palaka ang Mama.
Mapalaka sa sapa.
 
Ang Dalaga
Ang dalaga ay nakasaya.
Mahaba ang saya ng dalaga.
Labada ang dala-dala ng dalaga.
Ang labada ay nasa balanga.
 
Ang Yoyo
Ang yoyo ay nasa bata.
Ang yoyo ko! Ang yoyo ko!
Ito ang yoyo mo. Sa iyo ito?
Oo yoyo ko iyan.
O, ito na ang yoyo mo.
Akala ko ay nawala na.
Basahin:
Bago ang gora ng mama.
May goma sa paa ang bata.
Ang sago ay nasa tasa.
Itatago ko ang adobo.
Ang goma ay nawala.
 Ang Mga Alaga Ko
Ang mga alaga ko ay mga pato.
Walo ang mga pato ko.
Matataba ang mga pato.
Ang dalawa ay para sa Lolo.
Ang iba ay para sa Mama
at Papa ko.
Ang Lolo Ko
Ito na ang lolo ko.Kasama pa
ang aso ko.Nakalaso pa ang aso
ko. Mano po Lolo.Rosa, O, ito para
sa iyo.Ay, mga makopa. Ang aso
mo.Baka makawala ang aso mo.
Salamat po,Lolo sa mga makopa.
Kape, Ube, Gabe
Kape, ube, at gabe,
kay Tata, Ate at Pepe.
Ang ube ay kay Ate.
Kay Tata ang kape.
Gabe ang kay Pepe.
Ang Aso
May aso si Tata Siso.
May mga tuta ang aso.
Puti ang isa.
Itim ang isa pa.
Kay Sisa ang puti.
Kay Sita ang itim.
 Ang Kubo
May kubo sa tabi ng sapa.
Kay Tata Hugo ito.
Mahahaba ang upo sa tabi
ng kubo.
May suha at biko sa tabi
ng sapa.
Ang Mga Papaya
May dala-dala ang bata.
Mga papaya ang dala-dala
ng bata.
Dalawa ang papaya.
Ang isa ay para sa ina.
Para sa ama ang pangalawa.
 Ang Mga Alaga ng Lolo
May mga alaga ang lolo ko.
Pabo, loro at mga pato ang alaga
ng Lolo.
Walo ang pato, dalawa ang
pabo at iisa ang loro.
 Ang Mga Bibi
Walo ang bibi sa tabi ng sapa.
Maya-maya’y nawala ang
isa.
Pipito na ang natira.
Kaya pala, naliligo ang isa
sa sapa.
Ang mga Mananahi
Ang ina ni Nene ay kumare ng
ina ni Irene. Ang ina nila ay mga
mananahi. Namimili sila ng mga tela
sa Tabora.Tinatahi nila ang mga
binibili sa Tabora.
Marami ang bumibili ng mga
barong yari nila.
Ang Opisina ng Hepe
Ito ang opisina ng hepe ng pulisya.
Ang mesa ay yari sa nara. Ang
telepono ng hepe ay nasa mesa niya.
Mahalaga ang telepono sa opisina
niya.
Ang mga gulo at sakuna ay
itenetelepono sa hepe ng pulisya.

You might also like