You are on page 1of 9

Pagsasanay sa Pagbabasa

na ne ni no nu
ne na nu ni no
no ni na ne nu
ma-ni ka-ni-la no-o
pa-ni-ki pi-no Ni-lo
ni-ya pu-no Ni-ko
ni-pa na-mumu-no
ni-la ka-ni-na
Ang babae ay mahina.
Nakita ko kanina si Nilo.
May paniki sa puno.
Ang namumuno sa dalawang pulo ay
si Niko.
Ang nipa ay nasira na.

Si Nina
Si Nina ay nakatira sa Manila.
Kasama niya ang lolo at lola niya.
Sila ay may alaga na aso.
Kasa-kasama nila ito.
Saan man sila pumunta.
Tanong
1.Saan nakatira si Nina?
A. Manila B. kabila
2. Sinu-sino ang kasama niya?
A. lola lng B. Lola at Lolo
3. Ano ang alaga ni Nina?
A. pusa b. aso
4.Kasa-kasama ba nila ang alaga nila
saan man sila pumunta?
A. Hindi b. OO

Pagsasanay sa Pagbabasa
pa pe pi po pu
pi po pa pu pe
pu pe po pi pa
pi-ta-ka ma-pa pu-to
pa-la-ka pa-ma-na pi-to
tu-pa pu-la pa-la
pa-to-la pa-la-ro sa-pa
pu-so pa-li-to pa-so
pu-ma-lo pu-na
Ang pera ay nasa pitaka.
May pito sa paso.
Ang laro ay pamana ng mga ninuno.
Ang palaka ay nasa sapa.

Ang Palaka

Ang palaka ay nakatira sa sapa.


Masaya ito kasama ng mga ibang
palaka.
Ang mga ito ay masaya na naliligo.
Masaya na naglalaro.
Masaya na kumakain.
Ang mga palaka ay sama-sama.
Tanong:
1. Anong hayop ang nakatira sa
sapa?
A. Daga B. palaka
2. Marami ba ang palaka sa sapa?
A. OO B. Hindi
3. Ano ang ginagawa nila sa sapa?
A. Naliligo B. tumatakbo

Pagsasanay sa Pagbabasa
ra re ri ro ru
ro re ri ra ru
ri ro ru ra re
re-lo ba-ro pe-ra
pi-ra-so a-ra-ro ta-ra
la-ro to-ro pa-ra
pa-ru pa-ro ka-re-ra La-ra
lo-ro ra-ke-ta Sa-rah
Ang relo ay nakatago.
May karera kanina sa daan.
May pera sa pitaka ni Lola.
Si Lara ay may raketa.
Si Sarah ay may alaga na loro.
Ang Laro

Ang laro ay pamana.


Masaya ito para sa mga bata .
Ang laro ay bahagi na ng buhay nila.
Sila ay natututo at maligaya.
Sila ay sama-sama.
Sila ay nakikisama.
Sila ay natutuwa.
Tanong:
Ano ang pamana sa mga bata?
A. Laro B. Bola
2. Masaya ba ang mga bata kapag
naglalaro?
A. OO B. hindi
3. Ang mga bata ba ay natututo sa
paglalaro?
A. Hindi B. OO

Pagsasanay sa Pagbabasa
sa se si so su
si so se su sa
so sa si se su
sa-ra-do su-ka ba-sa
su-so si-li pu-so
sa-sa-li su-bo ka-si
sa-ka-li sa-ba si-na-bi
pa-sa si-ge sa-wa-li
Ang sili ay nasa sako.
Sila ay sama-sama sa kubo.
Marami ang suso sa sapa.
Ang suka ay nasa bote.
May pasa si Sally.

Si Sisa

Si Sisa ay matalino.
Siya ay laging nag – aaral ng mabuti.
Siya rin ay panalo sa mga palaro.
Siya ay may regalo sa Tita at Tito niya.
Manika na may pula na laso.
Si Sisa ay masaya .
Tanong:
1. Sino ang matalino?
A. Lina B. Sisa
2. Sino ang ngbigay ng regalo sa
kanya?
A. Lolo at Lola
B. Tito at Tita
3. Ano ang regalo sa kanya?
A. manika B. pera
4. Ano ang kulay ng laso ng manika
ni Sisa?
A. dilaw B. pula
5. Masaya ba si Sisa?
A. OO b. Hindi

You might also like