You are on page 1of 8

Ang Babaeng Pilipina sa mga Makasaysayang Sandali

ni Martha Reyes
Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng kababaihan sa mga makasaysayang sandali sa Edsa?
PATULOY ang takbo ng mga tangke patungong Camp Crame. Kasama ang ilang sasakyang puno ng mga
sundalo ng Hukbong Sandatahan. Halos nasagasaan ang mga nakabarang kotse na ginagamit na pambara sa
EDSA ngunit di umano’y may isang babaeng bigla na lamang nahiga sa dadaanan ng nasabing tangke.
…Alanganin ang tayô ng bawat mamamayan sa Quezon Blvd. Nang biglang lumitaw ang ilang Armored
Personnel Carrier patungong Bohol Ave. Madaling kinausap ng mga pari ang mga tsuper habang ang mga ito’y nag-
iisip ng paraan kung paano lalagtawan ang barikada ng mga tao. Samantala, sa isang grupo ng mga kolehiyala ang
nagsimula ng mamigay ng bulaklak at mag-alok ng sigarilyo, tubig at kakanin sa sundalong bitbit ang mga armas,
mga daliring handang kumalabit…
…Napaliligiran ang Crame at Aguinaldo ng mga tao, gayun din ang Malacañang at Channel 4. Sa dagat ng
taong umaapaw kada dating ng bawat oras, patuloy ang pag-aasikaso ng mga madre sa pangangailangan ng mga
rebeldeng kanilang pinoprotektahan. Sa telebisyon patuloy rin ang pag-abot ng pinakahuling ulat tungkol sa mga
nangyayari sa kamaynilaan ng mga announcer tulad ni Gune Kethly...
…At sa Green Hills, sa kalagitnaan ng gulo, isang babae ang kasalukuyang sumusumpa ng gagawin niya
ang lahat ng makakaya niya sa pamamagitan ng lakas na ipinaaabot sa kaniya ng Republika ng Pilipinas. Si Gng.
Corazon Aquino…
Bagamat marami ang nakapagbibigay ng testigo na ang mga pari ang siyang nakapagpabalik ng mga track
sa pamamagitan ng kanilang pananalita, walang makatututol sa katotohanan na ang mga babae mula dalaga
hanggang madre ang mga naunang humarap sa panganib sa pamamagitan ng pagtatayo ng barikada, paghiga sa
kalye at paglapit sa mga sundalong handang pumatay. Hindi siguro matatanggap ng mga kalalakihan na ang
kababaihan ang may dahilan, ngunit tiyak na hindi sila makaaangal kung sabihin kong malaki ang tulong na
naipaabot ng ating mga babae sa pagtataguyod ng demokrasya sa ating bansa.
Malayo na ang narating ng Pilipina. Mula sa mga saya ni Maria, lumitaw ang isang babaeng hindi papayag
manatili sa loob ng tahanan at maging alipin ng kusina. Siya ay natutong mag-isip nang pansarili at maglahad ng
damdamin nang hindi natatakot. Mula sa silya na kinauupuan ng mga sekretarya, naabot na niya ang posisyon ng
mga eksekyutibo’t manedyer, “Member of Parliament” at Presidente.
Ngayon at naabot na nila ang mga dati-rati’y pangarap lamang, ano kaya ang magiging takbo ng buhay ng
Pilipino? Mahirap bigyan ng sago tang katanungang ito. Ngayon lamang natin mararanasan ang ganitong kalayaan.
Sa madaling salita, wala pa tayong pagbabasehan. Datapwat masasabi natin na marami ang maidudulot ng
pagkakaroon ng babae hindi lamang sa pamahalaan, kundi pati na rin sa mga lugar na dati’y mga lalaki ang
namumuno. Isa rito ang pagtatrabaho ng matuwid at matiyaga. Ilan ba sa mga kalalakihan ang makapagsasabing
kaya nila ang walang hintong paglilinis ng bahay, pagluluto at pag-aalaga sa anak sa araw-araw na ginawa ng Diyos
nang hindi umaangal?
Malayo pa ang patutunguhan ng ating bansa ngunit ngayon napatunayan na ng kababaihan na kaya nilang
mapantayan ang nagagawa ng mga lalaki. Sana’y bigyan sila ng pagkakataong mapatunayan ito. Sa Pilipinas,
walang babae’t lalaki. Ang mayroon lang ay Pilipino.
USOK NG MAPUPUSOK NA ARAW
Ruth Elynia S. Mabanglo

Tungkol sa Manunulat
Si Ruth Elynia S. Mabanglo ay ipinanganak noong Marso 30, 1949, sa Lungsod ng
Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Fortunato at Miguela Mabanglo
Siya ay retiradong propessor sa University of Hawaii sa Manoa. Isang
coordinator para sa Kagawaran ng Hawaiian at Indo-Pacific at wika, at ang Filipino
at Literatura.
Nagsimulang magturo ng Filipino noong 1985. Ginawaran ng dating Pangulong
Aquino ng Presidential Award for Filipino Individuals and Organization Overseas “Pamana ng Pilipino”
category.

Takot na takot si Lucing nang sumakay s taksing nakaparada sa harap ng bahay.


Parang tinatambol ang dibdib nya. Alam nyang paglapat ng pinto ng taksi pagkaupo niya sa
likmuang nasa likod ng drayber ay sisibad na ang sasakyan patungo sa di niya natitiyak na
layunin .
Ilang beses na siyang nakasakay sa taksi na iisang pook ang natuturol, ano mang
oras o araw siyang sumakay. Bibigyan lamang niya ng direksyon ang tsuper at warning sa daan,
gusali, bahay , lawak ng mga bakanteng lote o laksang mukha ng mga taong nararaanan at
nadaraan , o kahit na ang ilaw- trapikong nagbitin sa mga sangandaa’y parang digitab na
magsisibaran sa mga mata niya’t kaagad-agad ay naroon na siya, sa pulang geyt na magluluwa
ng isang binatilyong boy .na magbabayad ng kanyang taksi . Ni hindi niya namalayan ang tagal
o iksi ng oras . Ni hindi siya mag aakalang tanungin kung magkano ang konsumo ng taksi
mula . Pandacan hangang Project 8. Ang pagnanabik niyang makarating sa destinasyo’y tila
agad-agad ding pnasusukdol ng pagbubukas ng pulang geyt, tila pinatitiim ng paglalapat ng
pintong isinasara pagkapasok niya .
Ngayo’y kaiba ang araw ko at panahon . kaiba ang pakiramdam niya kauiba din
ang layun ng pagsakay sa taksi . Kakaiwang wala ang dating siglang umaahon sa mga hakbang
niya’y patungo sa paradahang taksi. Sa halip, isang nakapanlulumong kamalayan ang
gumagapang sa mga paa niya, gumugupo sa kanyang isip .
Totoong iisang destinasyon pa rin ang lalakbayin ng taksi. Dadaanan pa rin init sa
mga dating lansangan halos memoryado na nya sa walong buwang pagtugaygay nya sa rutang
nagwawakas sa iisang di kabaguhang wallet na may pulang geyt sa isang kalye sa Project 8 .
Maingat na naupo si lucing. Matamlay na inilapat ang pinto ng taksi. At sa
mahaba , tila nanginginig na ttinig ay nagsabi. “ Sa Project 8 tayo mama “
Walang imik na ibinaba ng tsuper ang plag ng metro. Kinabig nya ang manibela at
tinapakan ang gasoline , “ Sa nagtahan tayo daan, “ narinig niyang nagmamando ang boses .
Walong buwan na nga rin palang nagpapayao\t dito sa Pandacan at Project 8 si
Lucing . Karaniwang Biyernes ng hapon . Sabado ng tanghali ( kung may pasok sa opisina ) o dili
kaya’y umaga sa ng mga araw sa pista opisyal o walang pasok . Iyo’y tila isang ritwal na
sinusunod niya matapos tawagan si Nasser sa telepono . Pagkababa nga ng
awditibo’ymagpapalit na siya ng damit, magpapatawag ng taksi sa katulong niyang si `elay at
saka sisibad na ng alis .
Naantala lamang ang nagmamadaling paglabas niya sa warning na kung ano o
sino ang hinahabol kung bubuntot ang bose ni Elay, “ Bakit ka uuwi ate ? “ o “ Kung ano ang
sasabihin ko kapag may tumawag ? “ At manting niya ang sariling nagbibilin, nagmamatwid o
nagaatubili.
“ E, bakit ba hindi pa si Nasser ang papuntahin mo sa apartment mo ? “ tanong ni
Aida na siyang tanging katapatan niya sa opisina . “ Mahirap din naming” myang ginagawa
mong ikaw pa ang pumupunta sa kanya , “
“ Ano , naloloka ? “ E di binigyan ko pa ng pag-uusapan ang mga kapit=bahay ko !
Hindi na ! “
“ Kung sabagay , hindi mo naman kilala ang neighnorhood mo Nasser sa Project
8 , “ ayon ni Aida .
“ Mas Mabuti na yon “ , walang hussle . Paano kung di kami nagkatuluyan “ ani
Lucing
“ Wag mong sabihing inihahanda mon a ang sarili sa pag _______ “ Parang
nanunukso ang tinig ni Aida.
“ Hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari. Alam mo namang dayuhan
‘yong tao ,” buo anga tinig ni Lucing at matapang .
Irnian si Nasser. Nagkakilala sila sa isang party ng kaibigan niyang nagtuturo ng
Math sa isang unibersidad sa Sampalok . Madali siyang naakit dito dahil kaiba sa karaniwang
Iranian na nakilala niya , si Nasser ay walang masamang amoy , hindi gaanong rugged manumit
at matatas nagsalita ng Ingles. Nalaman niyang nasa ikatlong taon siya ng Civil Engineering ,
isang die -hard anti- Khom ieni dating sundalo at may amang namamahala a ng mga
konstruksyon publiko sa Iran .
“ So you live alone ? “ ani Nasser nang malaumang naninirahan siyang mag-isa sa
isang studio apartment , nagtatrabaho at nag mamaneho ng sariling buhay “ Strange “
“ Why do you say no ? “ ana lucing na namamangha sa reaksyon ng Iranian ,
“ We do not allow our women to be that independent , “ anitong isang gatol .
At inilahad nito kung paano nila binibigyang-kabuluhan ang virginity at kung anong papel
lamang ang maaring ipagampan dito sa lipunan at sa tahanan.
Walang tigil sa larangan ng pulitika o kabuhayan ang mga babae sa Iran . At sa
tingin niya’y wala itong kabuluhan kung hindi ang maging palamuti, tagapagsilbi, o palahian
lamang . Bahgama’y minsan sa kanila iniaasa ang tungkulin ng pagtuturo , patuloy silang
naiiwan sa background .
“ Parang dekorasyon lang pala!” mariing sabi niya matapos marinig ang
paliwanag ni Nasser. Noo’y nalimutan niyang isang dayuhan ang kausap niya . Nagitla pa sya
nang marinig itong magtanong .
“ What did you say ?”
“ I’m sorry, “ saglit siyang nagapuhap ng sasabihin . “ I was just thinking aloud . I
told myself you were treating your women like some ornament or something ,”
“ On the contrary , “ tutol ni Nasser, “ we are able to protect our women more
….”
“ And just what do you mean by that ?” agaw ni Lucing .
Nagtawa ng malakas si Nasser. Nanahimik siya . Nakiramdam . Nang Makita nito
na nawalan siya ng kibo’y nagbago ang kulay ng mukha . Naging pormal.
“I’m sorry . I understand how you feel. “ Hinawakan ni Nasser ang kamay niya . “
You sounded as thought we were quarreling, “
Napatawa siya . Nagkatuwaan sila. Nang humupa ang alingawngaw ng halakhak
nila’y saka niya namalayang magkahawak-hawak sila. Nag init ang tainga niya sa pagkahiya sa
sarili nang bawiin niya ang palad na gagap ng dayuhan .
At iyo’y waring koryenteng gumapang sa katauhan ni Lucing , umakyat sa
kanyang dibdib , nagbukas ng kanyang isip sa isang landasing minsa’y natahak na niya .
Natatandaan pa niya ang karaniwan at di karaniwang liko ng landas na iyon, ang patag at ang
bako , ang lugod atvang kirot. Ang karanasan kayang iyon ang nagpatapang sa kanya ? Ano’t di
siya natatakot na muling mabigo .
Sa simula’y puro pamamasyal., pagkain sa labas, panonood ng sine, pagdalo kung
saan-saang party. Nang lumao’y hinahanap-hanap nila ang pagkakataong makapag-isa, malayo
sa paningin at pandinig ng karamihan . Sa katagala’y nalulong sila sa pagkuulong sa mga lugar
na ang oras at liwanag ay di namamalayang lumilipas. Hangang mauwi sila sa pagpapasyang
magsama kung weekend o araw na walang pasok sa bahay na inuupahan ni Nasser.
Walang takot ang pag-ibig sa simula. Tila lahat ng tao ay nakababatid nito.
Sinusuong ang nakapangangambang’t nakaliligalig. Matapang sa mga banta ng krisis , matatag
sa mga kapusukann at karahasan. Para bang walang makatitigatig . Kahit kamatayan .Ngunit
kapag sumusupling na ang suliranin, kapag ang hiwatig ng kasalimuotan’y sumusulpot na,
naglalaho ang kawalang bahala’t sumasalit ang pagkabalisa. Pra bang kayhahaba ng gabi’t ang
lahat ng pangyayari’y kasumangan ng hangarin. Agad-agad , nagtatalusaling ang puso, nagsisisi
ang isip.
“ So that’s it !” Pasya ni Nasser , Pinag-uusapan nila noon ang di binalak na bunga
ng madalas na pagkikita. “Either you go on with it and be alone … or have it aborted and … “
tuloy ang ligaya!” `` Pagaril ang pagkakabigkas nito ng Tagalog na tila ibig magpatawa. Marami-
rami na rin anmang parirala ang naituro ni Lucing dito sa ilang panahon ng kanilang
pagssasama. Tuwang-tuwa siya, madalas na mapabunghalit ng tawa tuwing tatamgkain ni
Nasser na managalog. Kung bakit ang unang natutuna’y mga salita’t usapang pribado, at ang
siste’y sa mga pagkakataong pribado rin kung nangungusap .
Iniisip ba niyang pakakasalan siya ni Nasser sa harap ng kagipitang tulad nito.
Hindi! Nakaligtaan na niya ang bagay na ito. Ipinagwalang bahala. Tunay na nagiging makitid at
maikli ang pananaw ng taong haling sa ligaya .
Ilang gabi ring hindi pinatulog ng pag-aalala si Lucing. Kaya ba niyang maging
dalagang ina? Kaya ba niyang magpalaglag ng bata ? Tila siya Bernardo Carpiong nakaipit sa
nag – uumpugang bato. Tinimbang niya ang paninindigan. Hinalughog niya ang kaluluwa.
Samutasring pangitain at alala ang sumusurot sa isip niya . Gaya ng nasabi niyang minsanng
kumalat sa opisina nila ang tungkol sa isang binigting sanggol na Nakita ng diyanitor sa
palikuran ng mga babae sa ikatlong palapag ng kanilang gusali. Ang sanggol ay nakabalot
saisang plastic at isiniksik sa ilalim ng flush tank ng kubeta.
Nakita biya ang pagdating ng mga pulis npara imbestigahan ang pangyayaring
iyon. Bagaman hindi niya aktuwal na Nakita ang bata’y ilang diskripsyonnang umabot sa
pandinigbniya. Maputi raw ang bata, alun-alon ang buhok.. Marahil daw ay dayuhan ang ama,
Marahil daw ay abandonado ang ina . Ngunit maliwanag na pinatay ang bata. Nakalagay para
sa leeg nito ang kordonng nylon na ginamit sa pagbigti. “ Napakasamang ina!” Parang inuukilkil
ng sariling tinig si Lucing.
O ang nasasambit niya kapg nakakabasa ng mga balitang tungkol sa mga sanggol
na itinatapon sa basurahan . “ Mabuti pa ang pusa marunong maging ian “
At ngayo’y siya ang dumaraan sa pagsubok. Makapapasa kaya siya? LIgalig na
ligalig ang isip niya sa maitim na pagninilay . alin siya sa fdalawang kategorya ?
“Okey !” Halos ayaw lumabas ang boses sa lalamunan niya. “I’ll abide by your
decision !” Nangingnig ang palad niyang may hawak ng telepono.
“ Oh , Lucing ….. I can kiss youn !” ani Nasser sa kabilang dulo ng kawad, “ when
do you want it done ?”
“ Just give me a moment ‘s notice “
“do’t worry , I’ll arrange that. Take car now . Very soon, our worries are over, “
Nadama niyang walang anoman kay Nasser ang sinabi. Para bang nahuhlaan na nitong papaya
siya, “I’ll give you a call as soon as I’ve fixed a date for you. “
At hindi naman iyon naglaon . Umagang-umaga nga kanina’y nag ring ang
telepono. Tinanong siya ni Nasser kung may panahon siya ng hapon ding iyon. Sa bahay nila sa
Proct8 idaraos ang operasyonn. Bahagya na siyang napa Oo . Pinagpapawisan siya ng malamig
b.
Sa balintataw , Nakita niya ang sarili habang ginagawa ang operasyon. Halos
lumuwa ang mata sa kirot . Halos imigkas ang ugatsa laman habang namimilipit . alipin siya ng
di magkamayaw na sakit. Butil-butil ang pawis sa noo. Tumutulo ang laway sa pagsigaw . walang
taros sa pagagos ng luha . at nakita niya ang sarili sa pagitan ng buhay at kamalayan . Sa pagitan
ng kasalanan at kabayanihan. Naroon siya animo’y dayukdokm sapaghihirap , isang nalulunod
na katauhang naghahanap ng makakapitan samantalang nagpapahirap, ang lumulunod, walang
tigil sa paghalakhak.
Biglang gumuhit sa gilid ng mat ani Lucing ang pulang geyt . “ Para!” Mapalakas
ang boses niya.. Tiim bagang siyang nagbukas ng kalupi , naghagilap ng pambayad . Sa isang
dako ng kamalayan niya’y narinig niya ang pagbubukas ng pulang geyt at ang nagmamadaling
paglabas ng binatilyong boy na magbabayad ng taksi. Isang de-beinte ang inabot niya sat super ,
“ inyo na ang sukli mama.” Binuksan nya ang pinto ng taksi at saka bumaba . Hustong isinasara
na nya ang pinto nang dumating ang isang binatilyong boy . “ Bayad na !” aniya at walang
lingon-likod na umalis.
Napakamot ng ulo ang boy nang walang anumang lampasan niya ito. Tloy-tuloy
siyang pumasok hangang sa kabahayan ng tsalet. Nadatnan niya sa salas si Nasser na kausap
ang tatlong lalaking Iranian at isang dalagitang sa tingin niya’y estudyante . Sinapantaha niyang
kasama ito ng isa sa mga lalaking Iranian.
Tumayo ang tatalong lalaking Iranian upang magpugay nang bumunglaw siya sa
salas . Bukod tanging nananatiling nakaupo si Nasser , ang dalagita’y tumayo dahil hinila ng
katabi.
“Hi!” aniuya. “Relax…. Feel at home , I too am a guest here “ Sinulyapan ni Lucing
si Nasser . Inabot nito ang isang basong may lamang beer at saka tumungga .
“ You may wait in the room, if you please, “ muli itong nagsalin ng beer sa baso. “
The doctor may arrive any moment now, “ Sinenyasan ni Nasser ang lalaki para maupo.
Nagsalita ito sa Persian na sa pakiwari niya’y nangangahulugang huwag siyang intindihin .
Hindi tuminag sa pagkakatayo si Lucing . Walang kurap na tinitigan lamang niya si
Nasser. Ang mga bisita nito’y nagsimula nang mabalisa. Sa kabila nang pagsasabi nitong huwag
silang mag-alala’y tila hindi mapakali at waring nangangamba. Inalok ni Nasser ng inumin ang
dalagita na patingin-tingin lamang, halatsng takot. Umiilinh ito. Inabutan ng isang platitong may
lamang mani . Mu;li ring umiling . Nang mapuna ni Nasser na naroon pa rin siya’t walang kibo’y
pinaupo siya nito. Ngumit hindi siya tuminag sa pagkakatayo.
Tumayo ang isang Iranian . Nagpaalam. Sinansala ito ni Nasser. May sinabing
bindi niya maunawaan . sumagot ang is ana nakatingin sa kanya. Sinulyapan din siya ni Nasser.
“ Lucing !” mataas na ang boses ni Nasser, parang galit . “ Just what do you mean
standing and sataring there? “ “ They do not feel all right !”
“ I do not feel all right too!” mataas at galit din ang tinig ni Lucing.
“ I told you to wait in the room !” The doctor will come in any minute now . don’t
you understand that ?”
“ I don’t need any doctor !” It’s you I need . “ Nabasag ang tinig ni Lucing. May
luha nang nagsisismula nang sumungaw sa sulok ng mata niya .
“ I told you to wait in the room!” sumigaw na si Nasser . Tumayo ito upang
sugurin si Lucing ngunit naagapan ng dalawang Iranian na katabi. “ are you trying my patience ?

“ What ‘s this girl doing here ?” pinilit ni Lucing ang mag-iba ang boses. Hindi niya
talagang tangkang tanungin ang ano man tungkol sa babaing iyon. Ibig lamang niyang ibahin
ang usapan . Ibig lamang niyang hanapan ng pagkukulang ang kasintahan.
“ That’s none of your business !” muli ng sumigaw si Nasser . Nagwawala ito sa
pagkakapigil ng dalawang bisitang Iranian. “ Stupid!” You’re embarrassing me… I have some
guest!” Pulang-pula ang mukha nito sa pagkalasing o sag alit.
Tinitigan ni Lucing si Nasser . Nanlilisik ang mga mata nito . Noo’y Nakita niya ang
katumbalik ng maginoo, masuyo at mabait na lalaking iniibig niya. Isang hayop ang naaninag
niyang pilit kumakawala upang siya’y sakmalin. Isang nag-aalamang hayop, walang katinuan,
walang bait. Isang hayop, naroo’t gugutay sa kanyang pagkatao, sa sanggol na pumipintig sa
pusod ng kanuang pagkababae.
Iisa ang kulay at itsura ng mga dayuhang iyon sa kanyang tingin . Manunulot ng
puri , Maninila ng karangalan ,Mamamaslang ng kinabukasan. “ You better do as he says , “
anang isa sa dalawang Iranian na may pigil kay Nasser . “ We cannot answer for what harm he
may do you “
Naningkit ang mat ani Lucing . Umakyat ang dugo sa kanyang ulo . Hinarap ang
dalagitang sa takotay tinakasan na ng kulay sa mukha . “ Nakita mon a kung anong kahayupan
mayroon sila? “ Kung ako ikaw ay iiwasan ko na sila….mga walang hiya!’ Napaurong Ang
dalagita sa paglapit niya . sa isang iglap ay mabilis itong nakatakbong palabas ng bahay.
“ What are you trying to do?” anang isang Iranian na nanonood lamang .
“ And you ? just what are you Iranias doing here in the Phillippines ?” Nagsisiskip
ang dibdib ni lucing sag alit.
Humalakhak si Nasser . Malutong ang tawa nitong nanunuot sa pandinig niya .
Nakatutuya, nakalilibak. Lalong nakagagalit . “ You ask why Iranian come here for ? “ Simple !
The women and the berr are cheap ! Very cheap ! “
Parang pinalantik ang tainga ni Lucing “ Gano’n ha ? “ Sa isang iglap di’y nakalapit
siya kay Nasser at inundayan ito ng isang sampal. Nagitla ang lahat. Natulala.
“ That is for harboring a wrong notion toward us, You’ll find out that not all
women here are cheap. Neither is the berr ! I will see to it that you realize that !”
Pagkasabi nito’y tulouy-tuloy na lumabas si Lucing. Halos tumakbo na siyang
palayo nang mai;apt niyang pasara ang pulang geyt . Maputik ang lansangan ngunit may
sumisimoy na hangin. Sarado ang lahat ng pinto ng ga kapit-bahay sa daang iyon nang igala niya
ang paningin . Isang buntonghininga ang pinawal niya mula sa nagsisiskip na dibdib.

You might also like