Professional Documents
Culture Documents
Apelyido - Gawain 4 - PF
Apelyido - Gawain 4 - PF
Panuto:
Basahin at unawain ang maikling kuwentong “Kapayaan sa madaling araw” ni Rogelio Ordoñez.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Kalinawan: 5/5
Kaisahan ng Diwa: 5/5
Talas at Lalim ng Pagsusuri: 5/5
Kabuuan: 15/15
Gabay na Tanong:
1. Ano ang pangunahing konsepto o kaisipan sa kuwento?
Hindi lahat ay may kakayanang kumain ng tatlong beses sa isang araw, hindi lahat ay may
trabaho, hindi lahat
A.Lipunan
bumibili ng pinakamurang damit na itinitinda roon — para kay Totong, para kay Aling Petra na
kalapit-barungbarong niya na tagapag-alaga ni Totong kung siya’y wala.
Tinungo niya ang kaliwang sulok ng simbahan; at umupo roon, at isinandal ang butuhan
na niyang katawan sa makapal, marusing at malamig na pader nito. Naisip niya, laging madilim
ang gabi sa daangbakal; halos anag-ag na lamang ang sinag ng pag-asa. Tinatanglawan
lamang iyon ng nag-indak-indak na ningas ng mga gasera sa pusod ng mga barungbarong.
Parang nais niyang sa bakuran na ng simbahan magpahatinggabi, panoorin ang unti-unting
paglugmok ng gabi — ang pagkikindatan ng mga neon lights sa mukha ng mga gusali, ang
pagnipis ng magulong prusisyon ng mga sasakyan sa kahabaan ng Quezon Boulevard, at ang
pagdalang ng mga nilikhang lamunin-iluwa ng mga bunganga ng underpass. Mabuti pang doon
na siya hamigin ng gabi, doon na siya bayaang matulog at makalimot at, kung maaari nga
lamang, ang iluluwal na umaga ay huwag na niyang makita magpakailanman.
Lumalamig ang gabi, at sa kalangitan ang maiitim na ulap ay naghahabulan. Alam
niyang maaaring biglang umulan, at alam din niyang masama siyang maulanan at malamigan.
Mula noong sumuka siya ng dugo nang pasan-pasan niya sa palengke ng Paco ang isang
malaking tablang kahon na puno ng patatas, malimit na siyang dalahitin ng ubo na naging
dahilan ng pagkumpis ng dati’y bilugan at malaman niyang dibdib, ng paghumpak ng kanyang
pisngi, at pagiging buto’t balat ng kanyang mga braso, at siya’y hindi na nakapagkargador. At
marahil, dahil napaggugutom na si Tasya at hirap na hirap na sa paglalabada, at malimit pa
silang mag-away, nilayasan siya nito isang gabi, iniwan ang noon ay mag-aanim na taong
gulang lamang na si Totong. At magdadalawang buwan na, nabalitaan niya, mula sa isang
kakilala, na ang kinakasama ngayon ni Tasya ay isang tsuper ng bus na nagyayao’t dito sa
Maynila at Laguna.
MATAGAL na namalagi si Andong sa sulok na iyon ng simbahan, hanggang sa
mapansin niyang ang sementadong bakuran nito ay inulila na ng mga paang kangina ay
langkay-langkay na nagsalasalabat at nangagmamadali. Sinalat-salat niya ang mga baryang
nasa bulsa ng kanyang pantalon. Malamig na malamig ang mga baryang iyon. Kasinglamig ng
malapit nang pumanaw na gabi, kasinglamig ng pangungulila niya kay Tasya, at kasinglamig
din ng pagdaralitang matagal nang nakayakap sa kanya. At naramdaman niyang nagiginaw ang
kanyang kaluluwa, naghahanap ng timbulan, ng saglit na kaligayahan, at saglit na kapayapaan.
Humihiwa sa kanyang kamalayan ang katotohanan na mga ilang oras pa at madaling-araw na
at, hindi niya maunawaan, tumitindi ang kanyang pagnanasang huwag nang makita ang umaga,
at ang mga baryang nasa kanyang bulsa ay huwag nang sikatan ng araw na nasa bulsa pa rin
niya. Ibig niya ngayong galugarin ang lungsod, lumakad nang lumakad, at mapadpad siya kahit
saan. Ibig niyang matagpuan ang kapayapaan, kahit sa dilim ng naghihingalong gabi, kahit sa
Tumango si Andong.
“Kelan?” Nangulimlim ang mukha ni Totong.
“Ngayon.”
Napalundag si Totong.
“Saka pandesal, ha, ‘Tay! Saka ‘yong tulad nang uwi mo noong ‘sang gabi, ‘yon bang masarap,
‘yong me lamang keso!”
Hinawakan ni Andong ang kamay ni Totong. Inakay niya ito palabas ng barungbarong.
Sa labas, ang ulan ay patuloy sa malakas na pagbuhos. Ang mga barungbarong ay nagiginaw,
nagsisiksikan, at waring hindi kayang bigyang-init ng nag-indak-indak na ningas ng mga gasera.
Sa diwa ni Andong, nagtutumining ang isang kapasiyahan.
Masarap mangarap, ngunit mapait kung alam mong hindi na matutupad.
“Umuulan, ‘Tay. Maliligo tayo sa ulan, ‘Tay? Tuwang-tuwa si Totong.
Dinalahit ng ubo si Andong paglabas nila ng barungbarong, sunud-sunod, mahahaba.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Totong. Nagsayaw-sayaw sa kanyang katawan
ang malamig na malamig na patak ng ulan. Waring nananangis ang mga bubungang yero ng
mga barungbarong, tumututol sa sunud-sunod, nagmamadaling mga patak ng hindi
masawatang ulan.
Uubu-ubo, pahapay-hapay na inakay ni Andong si Totong. Sumampa sila sa
daangbakal. Lumuksu-lukso pa si Totong, nilalaru-laro ang masinsing mga patak ng ulan,.
Tinalunton nila ang riles na iyong hindi alam ni Andong ang puno at dulo.
“Malayo pa, ‘Tay? Sa’n me tindang pansit, ha?” mayamaya’y tanong ni Totong.
“Ma…malapit na, Totong.” Pamuling dinalahit ng ubo si Andong, at lalong humihiwa sa kanyang
kamalayan ang kahabag-habag niyang kalagayan.
Nagpatuloy sila sa paglakad. Lalong lumalakas ang ulan. Lalong tumitindi ang pagnanasa ni
Andong na huwag nang makita ang umaga, at ang maraming-marami pang umagang darating.
Darating na ang kapaypaan… darating na iyon.
“Malayo pa ba, ha, ‘Tay?” pamuling tanong ni Totong. “Gutom na ‘ko, ‘Tay. Pansit, ha,
saka ‘yong me palamang keso.”
Hindi sumagot si Andong. Naramdaman niya na waring hinahalukay ang kanyang
dibdib, nagsisikip. Nangangati ang kanyang lalamunan. Muli siyang inubo, tuyot, sunud-sunod,
mahahaba, at waring hindi na niya kayang magpatuloy sa paglakad. Napaupo siya sa riles,
hawak-hawak pa rin niya ang kamay ni Totong at, kahit nanlalabo ang kanyang paningin,
nababanaagan niya ang malungkot nang mukha ni Totong; nagtatanong ang mga mata nito,
kukurap-kurap.