You are on page 1of 11

Academia de Julia Victoria

S.Y. 2021 - 2022

FILIPINO 8
Saklaw na Panahon:
Nobyembre 1-5, 2021
Nobyembre 8 – 12, 2021

MODYUL 2.1

Aralin:
• Maikling Kuwento: Nagsipagsayaw ang
mga anino
• Iba’t ibang antas ng pang-uri
• Banghay ng maikling kuwento

Inihanda ni: Iniwasto ni:

Ting S. Valenzuela Pamela A. Marasigan


Teacher, FIL 8 Principal
I. PAMANTAYAN NG PAGKATUTO AT LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin ang bawat mag-aaral ay inaasahang:

• makapag-uugnay ng mga kaisipan sa akda sa mga kaganapan sa sarili, lipunan, at


daigdig;
• makasusuri ng katangian ng tauhan batay sa itinanghal na monologo na nakabatay
sa ilang bahagi ng maikling kuwento;
• makapagsusulat ng wakas ng maikling kuwento batay sa sa pagbubuod o
pagbibigay ng makabuluhang obserbasyon;
• makapagbibigay ng katangian sa piling tauhan sa maikling kuwento gamit ang mga
kaantasan ng pang-uri;

II. PAGGANYAK (MOTIVATION)

Ano ang pumapasok sa iyong isip kapag naririnig mo ang salitang karapatang pantao?
Bagama’t itinuturing na isang demokratikong bansa ang Pilipinas, napakarami pa ring
nangyayari sa lupunan na manipestasyon ng lumalalang problema sa pang-aabuso sa
karapatang pantao ng mga mamamayan. Mula sa pang-aabuso sa trabaho hanggang sa
pang-aabuso sa karapatang magpahayag ng opinion at paniniwala, lahat ay masasaksihan
sa ating lipunan.

Panoorin ang trailer n isang pelikula sa link na


http://www.youtube.com/watch?v=HyWjJXVvq4I

Ang trailer na ito ay tungkol sa isang inang patuloy ang pakikipaglaban upang mahanap ang
kanilyang nawawalang anak sa loob ng higit isang dekada na. Pagkatapos, sagutin ang
mga sunusunog na pamprosesong tanong:

1. Mula sa trailer ng pelikula, paano mo ilalarawan si Editha bilang ina?


2. Anong kuwento ang nabuo sa iyong isip mula sa napanood na trailer nag
pelikula?
3. Magbasa ng mga artikula sa internet hinggil sa pagkawala ni Jonas Burgos.
Bakit siya nawawala? Ano ang nangyari sa kaniya? Ano ang iyong masasabi
tungkol dito? Sa tingin mob a ay matatagpuan pa siya at ang mga katulad
niyang bugla na lamang Nawala?
4. Ano ang isang desaparecido? Paano nalalabang ang kanilang karapatan?
5. Bukod kay Jonas Burgos, sino pa ang ilang desaparecido na napangalanan sa
bansa dahil sa kanilang political na mga paniniwala?

2
FIL 8 Module 2.1 Banghay ng Maikling kuwento
Academia de Julia Victoria
III. PAGLALAHAD

A. VOCABULARY WORDS
Nakatala sa unang hanay ang ilan sa mga simbolo at pahiwatig na makikita sa
panitikan. Sa ikalawang hanay, ilagay ang unang pumapasok sa iyong isip kapag
nakikita ang mga imaheng ito. Pagkatapos basahin ang akda, balikan ang ikatlong
hanay at ibigay ang hinihingi.

Interpretasyon o Interpretasyon batay sa


Simbolo / pahiwatig
pansariling kahulugan pagkakagait sa akda
Anino
Itim na paruparo
Baril
Tumba-tumba
kidlat

B. PANITIKAN:

Tungkol sa manunulat: Si Rommel B. Rodriguez ay kasalukuyang nagtuturo ng


panitikan at malikhaing pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Siya rin ang
kasalukuyang direktor ng Sentro ng Wikang Filipino sa nasabing unibersidad.
Kasama ang kuwentong babasahin sa kaniyang koleksiyon na Lagalag ng Paglaya.

NAGSIPAGSAYAW ANG MGA ANINO


Rommel B. Rodriguez

“Tila nagbabadya na naman ang langit.”

Minalas ni Nana Simang ang kalawakan habang hawak ang gaserang pasayaw-
sayaw ang apoy dahil sa ihip ng hangin. Alam niyang mabigat ang mga ulap dahil sa
kulay na taglay nito. Malimit din niyang nakikita ang pagpatay-sindi ng kidlat. Hindi
pa bumabagsak ang ulan ngunit dama na niya ang lamig na hatid nito habang ang
mga tutubi ay walang tigil sa paglipad nang may kababaan.

“Mahal na Poon, kayo na po ang bahala sa kanya,” at namatay ang munting apoy sa
gaserang hawak ni Nana Simang.

Saglit niyang iniwang bukas ang bintana at tumungo siya sa may altar. Nakisindi siya
sa kandilang nagbibigay-liwanag sa litratong kailanma’y hindi niya malilimutan ang
mukha. Minalas niya ito at idinampi ang kanyang kamay sa kaanyuan nito. Lumuha
siya at ipinahid ito sa balikat na nakuba na dahil sa katandaan. Ilan pang sandali,
napansin niyang nababasa siya ng anggi ng ulan mula sa labas. Muli niyang tinungo
ang bintana. Wala na ang mga tutubi at unti-unti na niyang naririnig ang tikatik ng
ulan. Isinara niya ang bintana nang walang alinlangan.

3
FIL 8 Module 2.1 Banghay ng Maikling kuwento
Academia de Julia Victoria
Madilim pa rin ang paligid kahit may sindi ang ilawan. Wala na sa kanyang isipan ang
hapunan dahil napalitan na ito ng takot at pangamba. Naglakad siya ng marahan
patungo sa tumba – tumbang bihira niyang upuan. Inilapag niya ang gasera sa katabi
nitong mesita. Sa kanyang pag-upo, iniugoy niya ang sarili.

Sumasabay ang pagparoo’t parito ng larawang kanyang kaharap. Panandalian


siyang pumikit, sa simula’y mahinang himno ang maririnig ngunit nang lumao’y
maiintindihan na ang mga salitang tumatakas sa kanyang bibig:

Tulog na, bunso


Ang tatay mo’y malayo
May putik, may balaho
Di ko masundo

At habang siya’y umaawit, tila ang mga Poon ay nagsipagsayaw. Umiindayog sa


lambing at lamyos ng kaniyang uyayi. Ang mga anino’y nagsipagsayaw.

Patuloy pa rin siya sa kanyang pag-ugoy kahit na ang ngitngit ng tumba-tumba ang
naglilikha ng hapdi sa pandinig. Hindi pinapansin ni Nana Simang. Tinigil niya ang
uyayi. Mula sa marahang pag-ugoy, binilisan niya ito. Mabilis na mabilis. Ang ngitngit
ng kahoy ay lalong lumalakas, lalong nagpapahapdi sa pandinig. Ang larawa’y

4
FIL 8 Module 2.1 Banghay ng Maikling kuwento
Academia de Julia Victoria
ganu’n pa rin, lalayo at lalapit, lalayo at lalapit muli. At ang mga anino’y umiindayog
pa rin.

“Mahabaging diyos, huwag n’yo sanang pahintulutang mangyari ito sa akin.” Tinigil
niya ang pag-ugoy. Pinatay niya ang mga ilaw. Muli siyang pumikit upang takasan
ang kadiliman na bumabalot sa paligid. Tahimik, dinig lamang ang tikatik ng ulan at
lawiswis ng mga dahon.

Lumikha ng lamig ang hangin na nakatakas sa mga siwang ng dingding.


Naramdaman ito ni Nana Simang. Bigla, may kumatok sa pinto. Narinig ito ng aso sa
ilalim ng silong kaya’t nagsimula itong kumahol. Pinatay niya ang gasera.

“Nana Simang! Nana Simang! Buksan n’yo po ang pintuan!” isang tinig na may
halong takot ang kanyang narinig. “Si Mario po ito!”

Dali-daling kinuha ni Nana Simang ang posporo upang sindihan ang gaserang
kapapatay n’ya lamang. Kilala niya ang tinig na iyon, kahit hindi niya naiintindihan
ang pangalang binanggit. Binuksan ni Nana Simang ang pinto. At sa kaniyang
harapan, Nakita niya ang isang binatang may duguang damit, mukhang basa ng
pawis at uman, may bitbit siyang paltik.

“May nakasunod ba sa iyo?”

“Wala po.”

Tinulungan ni Nana Simang na makapanhik ang binata sa loob ng bahay. Inihiga niya
ito sa sahig at sinimulang gamutin ang sugat. Hinayaan niyang magpahinga ang
binata pagkatapos makainom ng mainit na sabaw at makapagpalit ng damit.

Tiningnan niya ang kaanyuan ng binata. Hindi ito nalalayo sa anak niyang lalaki.
Singkit nga lamang ang binatang ito kumpara sa kanyang anak na bilugan ang mata.
Ang labi nito’y tulad sa labi ng kanyang anak na may bahid ng kabataan at
paghihimagsik.

“Tulog na siya.” Sambit ni Nana Simang at bumalik siya sa tumba-tumbang alam


niyang kanina pa sa kanya naghihintay. Pinatay ang ilawan sa may altar kasabay ng
paglaho ng mga anino.

Malapit nang matapos ang ulan. Ang mga palaka’y nagsisimula nang magkoro sa
putikang palayan. Muling iniugoy ni Nana Simang ang sarili. Ngunit sa pagkakataong
ito, nakadama siya ng bahagyang kapayapaan sa loob. Ang ngitngit ng kahoy ay tila
isang musika na nagpapahimbing sa pagtulog ng binata. Dahan-dahan lamang at
animo’y sumasabay sa hanging amihan dala ng kapayapaan sa buong dampa.
Tumigil sa pag-ugoy ni Nana Simang ang tinungo niyang muli ang bintana. Binuksan
niya ito at sumalubong sa kanya ang isang malaking itim na paru-paro. Dumapo ito
sa kanyang balikat at muling lumipad palabas ng bahay. Sinundan ito ng tingin ni

5
FIL 8 Module 2.1 Banghay ng Maikling kuwento
Academia de Julia Victoria
Nana Simang na agad nawala sa dilim ng kalawakan. Kinikiliti ng hangin ang talukap
ng mata ni Nana Simang, binasbasan siya ng ambon na nahulog sa dahon ng
sampalok sa harapan ng kanilang bakuran. Napangiti siya, alam niyang lahat ito’y
may dahilan. Lahat ng bagay ay pinahihintulutang mangyari ng Maykapal upang ang
bawat isa ay magkakaroon ng kanya-kanyang kapalaran. Lumingon siya at minalas
ang binatang hanggang ngayon ay mahimbing ang tulog.

“Ano na ngayon ang mangyayari sa kanya?”

Mula sa malayo, nakakarinig ng malakas na putok ng baril si Nana Simang. Isa,


dalawa, tatlo at sunod-sunod pang mga putok. Nakita rin niya ang pusikit ng liwanag
na likha nito.

“Walang-awa talaga ang mga taong iyon. Hindi na nila binigyan ng pagkakataong
magpaliwanag ang bata. Hindi siya rebelde! Hindi siya rebelde. Walang kinalaman si
Simon sa mga pangyayari. Nangangahoy lang siya nu’n at napag-utusan kong
mapanghuli ng hipon sa may ilog. Dumating na lamang ang mga taong iyon at walang
pag-aalinlangan dinala siya sa kanilang kuta. Kumander daw ng mga rebelde ang
kanyang ama. Mga walang-hiya. Walang kinalaman ang bata! Wala!”

Napahalumighig si Nana Simang. Nanginginig ang buo niyang katawan. Napansin


niyang umiikot ang paligid. At mula sa kawalan, lumabas ang tatlong kalalakihang
armado.

“Ano ang kailangan ninyo?” may kakambal na takot niyang sambit.

“Wala gusto lang naming sanang magtanong, manang. Asawa kayo ni Juanito
Manlapat hindi ba? Nasaan siya?”

“Wala siya dito, nasa bukid.”

“Alam namin at kasama namin siya ngayon!”

Nangilabot ang buong katawan ni Nana Simang. Ang


kanyang asawa’y hila-hila ng lubid. Walang siyang Paano ka tutugon kung
nagawa. Huli na ang lahat. Wala na ang kanyang mag- kasama ka ni Nana
ama. Muling umikot ang paligid. Umuugoy ang tumba- Simang sa pagkakataong
ito?
tumba at nakita niya ang sarili na nakaupo doon.
Tumingin ito sa kanya nang masama at waring
nagpapahayag ng galit. Pumikit siya. At sa kanyang pagdilat, wala na siya sa tumba-
tumba.

Dugo, may dugo ang kanyag mga kamay. Sariwang dugo. Sa dingding,
nagsisipagsayaw ang mga anino. Umiindayog kahit walang musikang sinasabayan.
Tinutukso nila si Nana Simang. Pinagtatawanan nila si Nana Simang. Dinuduro nila
ang kanyang pagkatao. Kumahol ang aso at nawala ang mga anino.

6
FIL 8 Module 2.1 Banghay ng Maikling kuwento
Academia de Julia Victoria
May dumarating na mga tao. Kilala ni Nana Simang kung sino ang mga ito. Sumilip
siya sa siwang ng dingding. Hindi siya nagkamali sa kanyang hinala. Sila nga iyon.

Dali-dali niyang nilapitan ang binata ngunit hindi niya ginising ang mahimbing nitong
pagkatulog. Sa halip, kinuha niya ang paltik at itinutok sa noo ng binata. Kinalabit
niya ang baril, subalit hindi ito pumutok. Nagising ang binata sa gulat.

“Bakit po?”
Naranasan mo na bang
“May mga parating na tao. Hinahanap ka nila. Akala magligtas ng isang tao?
ko ba’y walang nakasunod sa iyo. Dali ka anak, Paano mo pinag-isipan
umalis ka na.” ang desisyong ito?

Hindi na muling nagsalita ang binata. Dali-dali siyang umalis dahil batid din niya na
ang maaaring mangyari. Hindi na siya nagsayang ng panahon. Hinarap ni Nana
Simang ang mga tang naghahanap kay Mario.

“Walang dumadaan dito. Kanina pa ako nag-iisa simula nang umulan hanggang sa
ito’y tumigil.”

At ilang saglit lang, mula sa likod ng bahay, nakarinig sila ng dalawang magkasunod
na putok. Pinuno ng katahimihan ang buong palikgid. Nagbadya nga muli ang langit
at nagsipagsayaw pa rin ang mga anino.

Subukin ang pag-unawa

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? Ipakilala sila.


2. Maituturing bang mga tauhan sina Simon at ang asawa ni Nana Simang na si
Juanito kahit na wala sila sa mismong kuwento? Bakit?
3. Saan naganap ang kuwento? Ilarawan ang lunan, oras, at panahon kung kalian
ito nangyari.
4. Ano ang pagkakahalintulad nina Mario at Simon? Bakit nagsipagsayaw ang mga
anino? Ano ang ipinahihiwatig ng pagsasayaw ng mga ito? Ano ang kahalagahan
ng imaheng ito sa kuwento?
5. Paano nagtapos ang kuwento? Ano ang mahihinuha sa pagkakarinig ng
pagputok ng baril mula sa likod ng bahay?
6. Bakit napagkamalang rebelde ang anak ni Nana Simang? Ano ang kahulugan ng
pagiging isang rebelde?
7. Sa iyong palagay, ano ang nangyari kay Nana Simang pagkatapos ng kuwento?
8. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Nana Simang, ano ang mararamdaman at
gagawin mo matapos sapitin ng iyong asawa at anak ang nangyari sa kuwento?

7
FIL 8 Module 2.1 Banghay ng Maikling kuwento
Academia de Julia Victoria
C. IBA’T IBANG ANTAS NG PANG-URI

May tatlong antas ang kasidhian ng pang-uri. Ito ay ang mga sumusunod.

1. Lantay - paglalarawan ito sa isang tao, bagay, lugar, o pangyayari na walang


pinaghahambingan.

Halimbawa:
Malamig ang klima ngayon.
Maganda ang iyong kasuotan.

2. Pahambing – paglalarawan ito ng dalawang bagay, tao, lugar, o pangyayari na


maaaring magkatimbang o hindi. Hindi katulad ng lantay, ang isa sa dalawang
pinaghahambing o inilalarawan ay maaaring nakahigit o nakabababa sa isa pa.

Kung ang pinaghahambing naman ay hindi magkatulad, maaaring gumamit ng


mga salitang tulad ng mas, lalo, di-gaano, di-masyado, di-tulad, at di-hamak,
kompara, at iba pa.

Halimbawa:
Mas malapit ang tindahan na ito sa tindahan doon.
Parehong matangkad sina Joe at Jim

Mga katangian ng pinaghahambing:


a. Pasahol – kung ang hinahambing ay mas maliit.
Mga pananda: lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha o di-gasino

Halimbawa:
Di-gaanong maganda ang mga damit na ibinibenta niya sa social
media.

b. Palamang – kung ang hinahambing ay mas Malaki o nakahihigit.


Mga pananda: higit, mas labis, o di-hamak

Halimbawa:
Mas mura ang presyo ng mga bulaklak sa La Trinidad, Benguet
kaysa sa palengke ng Baguio.

3. Pasukdol – ito ay tawag sa pinakamataas na antas ng paglalarawan sa tao,


bagay, lugar, o pangyayari na wala nang maaaring makahigit o makapantay pa.

8
FIL 8 Module 2.1 Banghay ng Maikling kuwento
Academia de Julia Victoria
Halimbawa:
Walang kasingganda ang buhangin sa Boracay!
Napakainit sa Tuguegarao.
Napakasarap ng ube jam ng Baguio.

Ilarawan ang mga tauhan sa kuwentong “Nagsipagsayaw ang mga Anino” gamit ang
iba’t ibang kaantasan ng pang-uri. Sumulat ng tigtatatlong pangungusap na
naglalarawan sa kanilang pagkilos, pagsasalita, pag-iisip, at iba pang aspekto ng
kanilang pagkatao batay sa kuwento.

1. Nana Simang
2. Mario
3. Simon
4. Asawa ni Nana Simang

Magtala ng tatlong kaisipan mula sa kuwento na maiuugnay mo sa iyong sarili,


lipunan, at bansa. Sa pagsulat nito, gumamit ng iba’t ibang antas ng pang-uri sa iyong
pangungusap.

1.

2.

3.

D. BANGHAY NG MAIKLING KUWENTO

Isa sa mga elemento ng maikling kuwento ang tinatwag na banghay o plot. Sa aklat
na Paano magbasa ng Panitikang Filipino (2000), tinukoy ni Rolando Tolentino ang
banghay bilang ang kapamaraanan kung paano isinasaayos ang kuwneto. Ibig
sabihin, ito ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Hindi ito
tumutukoy sa buod ng kuwento katulad ng ipinagkakamali ng ilan.

May limang mahalagang bahagi ang banghay: ang (1) eksposisyon o simula, (2)
pataas na aksiyon o rising action, (3) kasukdulan o climax, (4) kakalasan o falling
action, (5) resolusyon o wakas. Maaaring ilagay ito sa ganitong paglalarawan.

9
FIL 8 Module 2.1 Banghay ng Maikling kuwento
Academia de Julia Victoria
Kasukdulan

Pasidhing Pangyayari Kakalasan

Wakas
Eksposisyon

1. Simula o Eksposisyon – dito ipinapakilala ang tauhan at o ang magiging lunan


ng kuwento.

2. Pataas ni Aksiyon o Rising Action – dito ipinapakilala ang magiging tunggalian


ng kuwento na kailangang resolbahin o solusyunan.

3. Kasukdulan o Climax – sa puntong ito, patitingkarin ang tunggalian sa kuwento


dahil kailangan na itong harapin ng mga tauhan. Ito ang kapana-panabik na
bahagi ng kuwento na masasaksihan an pagharap ng mga tauhan sa kanilang
problema.

4. Kakalasan o Falling Action – sa bahaging ito, unti-unti nang bumabagal ang


kuwento upang maihanda ang pagtatapos nito. Nalilinaw rin sa bahaging ito ang
mga dahilan ng tunggalian sa pagitan ng mga tauhan.

5. Resolusyon o Wakas – sa bahaging ito nagwawakas ang kuwento at tuluyang


nareresolba ang mga tunggalian. Maaaring magtagumpay o hindi ang
pangungahing tauhan, o minsan pa ay maaaring maging bukas ang resolusyon
para sa interpretasyon ng mambabasa.

IV. Pagsasanay

A. Pagsasanay 1 : Tukuyin ang banghay ng kuwentong “Nagsipagsayaw ang mga Anino”


sa pamamagitan ng pagpuno sa sumusunod na diagram. Tandaang maaaring hindi
sunod-sunod na naganap ang mga bahagi sang-ayon sa bilang ng banghay, ngunit ang
iyong pang-unawa sa kahulugan ng bawat bahagi ang makatutulong sa iyo na matukoy
ito nang tama.

Kasukdulan

10
FIL 8 Module 2.1 Banghay ng Maikling kuwento
Academia de Julia Victoria
Pasidhing Pangyayari Kakalasan

Wakas
Eksposisyon

B. Pagsasanay 2 : Pumilli ng isang karakter mula sa kuwento – Nana Simang, Mario,


Simon o asawa ni Nana Simang. Sumulat ng molnologo batay sa karater ng iyong napili.
Pumili ng bahagi ng kuwento ayon sa banghay na magiging batayan ng monologo.
Tiyakin na ang gagawing monologo ay sasalamin sa katauhan ng napiling karakter at
umaayon sa paraan ng pagkakasulat sa kuwento. Kailangan ding lakipan ng iba’t ibang
antas ng pang-uri ang gagawing monologo.

V. Pagtataya
Performance Task
Ikaw at ang iyong mga kasama ay mga graphic artist. Balak ninyong magsagawa ng
lolaborasyon para maglabas ng book cover ng isang maikling kuwento sa Filipino upang mas
mapahalagahan ito ng kabataang mambabasa. Gumawa kayo ng illustrated book cover ng
kuwentong “Nagsipagsayaw ng mga Anino” gamit ang isang mobile o computer drawing
application

VI. Sanggunian:
- Hermogenes W.Filipino ng Lahi 8, Makati City, DIWA textbooks, 2019

11
FIL 8 Module 2.1 Banghay ng Maikling kuwento
Academia de Julia Victoria

You might also like