You are on page 1of 5

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MARIKINA

Brazil st.,Concepcion Dos Marikina City

Kolehiyo ng Edukasyon

KAGAWARAN NG FILIPINO

Panitikan sa Rehiyon

Ang Gamu-Gamo Sa Lampara Ni Julio Madarang

Inihanda ni:

Ariel P. Amatosa

Ipinasa kay:

Prop. Raquel Quiambao Banot


Ang Gamu-Gamo Sa Lampara Ni Julio Madarang

Ang kwentong ito ay isinulat ni Reynaldo Duque, isang manunulat na nagsusulat ng maikling kuwento, tula, nobela, at
iba pa. Nakapaglathala ng humigit kumulang 300 na maikling kwento sa Banawag, Liwayway, Pambata, Parents Digest, Asia
Magazine, Observer, Sagisag, Focus Philippines at Giliw Magazine.

Una itong nasulat sa wikang Ilokano at pagkatapos ay isinalin sa Tagalog. Nailathala ito sa Liwayway noong 29
Disyembre 29, 1986 at 5 Enero 1987. Nanalo ito ng Unang Gantimpala sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center
of the Philippines) ang ikalawang bersiyon, Gawad sa Panitikan sa Maikling Kuwento noong 1987.

Buod

Nagsimula ang kwento sa pagkalumabay ni Tandang Julio Madarang habang nakaupo sa tumba-tumbang nasa tabi ng
bintana. Napatingin siya sa munting altar sa ibabaw ng estante sa sulok.

Dumungaw siya sa bukas na bintana. Sa tapat na iyon ng papawirin sa kanluran ay naaaninag ang kakaibang sabog ng
liwanag. Alam niyang iyon ang bahagi ng kabayanang kinaroroonan ng liwasang-bayan. Alam niyang may nagaganap na
malaking sayawan doon ngayong gabi. Naging tradisyon na ng bayan ng San Juan ang pagkakaroon ng sayawan sa liwasang-
bayan sa bisperas ng Bagong Taon. Dumarating din sa kanyang pandinig ang manaka-nakang pagputok ng mga luses at
rebentador.

Nag-iisa nang nabubuhay si Tandang Julio sa loob ng kubo niyang ito. Nagsimula ito noong mamatay ang solo niyang
anak na si Salacnib. Ibig sabihin ay, kalasag, Tagapagtanggol, Tagapagligtas.

Natingala ni Tandang Julio ang altar, sagrada Familia ang nakatanghal dito. Ama, Ina at Anak. Tuwing makikita niya
ito, naalala niya ang pamilyang itinayo niya. Siya, bilang ama. Si Felisa, bilang ina. At si Salacnib, bilang anak. Ngunit patay
na sila. Kaya siya nalang nag-iisa.

Sa ibaba ng larawang medya kuwerpo ni Salacnib, may dalawang bagay na nakatanghal. Isang itim na rosary at isang
nakakalubang tabak. Mahalaga ito sa buhay ni tandang Julio. Ang itim na rosaryo ay galling kay Felisa, minana sa yamaong
ina. Ang tabak ay kanya, mana niya sa kanyang ama. Dating insurekto ang kanyang ama. Ito raw ang tabak na ginamit ng
kanyang ama noong magrebolusyon ang San Juan sa panahon ng Kastila.

Susubo na sana siya nang marinig niya ang kahol ng aso. Nagmumula sa malayong timog-kanluran. Sinundan ng mga
putok. Mga rebentador ba iyon o mga baril?

Muli nagsayaw ang ningas sa timsim ng lampara. Mula sa kung saan may napansing gamugamo ang matanda sa may
kinaroroonan ng lampara. Nilibot nito ang dila ng apoy.

Mula noong maulila sa asawa at anak, nagmukmok na si Tandang Julio sa dampa niyang iyon na nakatayo sa ilang na
bahagi ng nayon sa paanan ng Bundok Gidda. Bihira na siya lumuwas. Medyo may edad na siyang nag-asawa. Panahon ng
giyera noong magkakilala sila sa Bakwitan. Saka lamang sila nagpakasal noong liberasyon na. Tatlo sana ang anak nila ni Felisa
kung hindi namatay ang unang dalawa. Patay na ang mga ito ng ipanganak. Si Salacnib lamang na bunso ang nabuhay. Mahigit
sampong taon silang naghintay bago dumating si salacnib.

Mataas ang pangarap niya kay Salacnib. Matalino ito. Balediktoryan nang matapos sa Elementarya, salutaturyan naman
noong hayskul. Balediktoryan sana ito kung hindi kamag-anak ng alkalde sa bayan ang kalaban.

Sabi niya sa anak na nagdamdam dahil sa nangyari: Pag-aaralin kita. Igagapang kita sa hirap anak. At patutunayan mo
sa iba na hindi hanggang hayskul lamang ang pag-aaral.

Abugasya ang piniling kurso ng anak. Palibhasa’y matalino, naging iskolar ito kalaunan. Naging lider-estudyante sa
pamantasang pinapasukan. Ngunit isang araw, naulanan si Felisa sa bukid. Napulmonya at namatay. Hindi na siya muling nag-
asawa.

Nang panahong iyon, uso na ang mga demonstrasyon at rally sa siyudad. Isa si salacnib sa mga lider. Binabatikos ang
kabulukan ng lipunan. Ilang ulit binugbog at ikinulong. Ngunit hindi ito sumuko. Lalong naging matapang.

Noon hindi niya naiintindihan si Salacnib. Ipinadala niya ito sa siyudad upang mag-aral at hindi manggulo. Ngunit
matigas si Salacnib. Sabi nito nang minsang magbakasyon. Itay, hindi ko itinatangging anak niyo ako. Ngunit hindi na ninyo
ako pag-aari, ako ay pag-aari na ng bayan.

Hanggang sa ibaba ang batas military sa buong bansa. Isa si Salacnib sa mga ikinulong sa istaked ng mga sundalo.

Isang araw, nakatanggap siya ng telegram: patay na si salacnib. Ayon sa military, nagtangka itong tumakas. Napilitang
barilin ito. Ngunit iba naman ang bersyon ng mga kaibigan ni salacnib, sinalbeyds daw ito ng mga military.

Duguan ang bangkay ni Salacnib nang iuwi siya. Tadtad ng bala ng armalayt ang katawan. Gayon pa man hindi niya
itinapon ang suot na damit ni Salacnib ng mabihisan ito bago ilibing. Itinago niya iyon sa malaking baul sa sibi.

Hanggang ngayon nagbilang siya. Labing-apat na taon! Muli may narinig siyang kahol ng mga aso. Parang papalapit.
May hinahabol ang mga aso.

Muli, napansin ni Tandang Julio ang gamugamo na palibo-libot sa dila ng apoy. Ito rin ang gamugamo sa kusina kanina.
H’wag kang lalapit sa apoy. Tahimik niyang kinausap. Masusunog ang pakpak mo. Hindi moa lam nakikipaglaro ka sa
kamatayan!

Naghikab siya. Tumayo at pumasok sa sibi. Kinuha niya ang banig, unan at kumot. Sa sala siya naglatag. Ang sibi ang
dating kwarto ni Salacnib. Magmula ng mamatay, wala nang natulog sa katreng iyon.

Hihiga n asana siya may kaluskos. Kapagkuwan may kumatok sa pinto. Mahina hanggang palakas nang palakas ito.
Kinuha niya ang lampara. Sumunod ang gamugamo sa ilaw. Nagtungo sa may hagdanan. Binuksan niya ang pinto.

Kabataang lalaki ang nasa paanan ng hagdan. Duguan ang kanang balikat at mayhawak na armalayt. “Sino ka? Taga
saan ka amang?” Tanong ni Tangdang Julio. “Dayuhan ho ako rito. B-baka ho p’wedeng magpahinga ako rito sandal?”
Natitiyak ni tandang julio: na ang kabataang iyon ang hinahabol ng mga aso.
Parang may ibang lakas na nagtulak sa kanya upang patuluyin ito. Nilagyan ng gamot ang sugat.

“Salamat po, Tata”. “Kumain kana?” “Hindi pa hio”. Kumuha ng pagkain at tubig at ibinigay sa kabataan. Kumain ang
kabataan. Gutom na gutom. Sumandal uli ang kabataan sa haligi pagkatapos kumain, pumikit. Ngunit bigla rin nagmulat nang
marinig ang kahol ng mga aso di kalayuan. “Sila siguro iyon” wika nito. “sinong sila?” “Yon hong mga humahabol sa akin.”
Pinapasok niya muna sa sibi ang kabataan.

“Happy New Year, Tata,” Bati ng kabataan. Tumango lang si tandang Julio. “Ano nga ba ang pangalan mo?” tanong
ni tandang Julio. “nakita ko sa dingding ang larawan ng anak niyo.” “’di ho ba’ng anak n’yo si Salacnib Madarang?”

Isinalaysay ng kabataan: hindi man nito nakita ng personal si Salacnib. Ngunit kilalang-kilala raw ang pangalang iyon
sa pamantasang pinapasukan nito noong nag-aaral pa. Sa kampus may tinatawag dawn a Madarang Park at may munting
estatuwa si Salacnib. Itinayo ng kilusang itinatag ni Salacnib.

May nasaling sa dibdib ni Tandang Julio. At nagbalik ang mga alaala. Nagkwento na rin tungkol sa kanyang pag-iisa
at inilabas sa lumang baul ang duguang t-shirt at pantalon. At sinabi ang pagkamatay na ito ay sinalbeyds nila.

Ganon din daw ang gagawin sa kabataan. Ngunit napilitang manlaban hanggang sa makaagaw ng armalayt at nakatakas.
Ibinigay niya sa kabataan ang itim na rosaryo at nakakalubang itak.

“Alam ko, mahalaga ang mga ito sa inyo. At kung ano man ang kahulugan ng mga ito sa buhay niyo ay hindi ko na
itatanong. Sapat nang sabihin kong kaisa niyo ako ng damdamin!” “Sige, amang magpahinga kna!”

Kinuha niya ang lampara at ipinatong sa may altahan, at sumunod ang gamugamo. Matagal pinagmasdan ang
gamugamo at nakikipagharutan parin sa dila ng apoy. Nakaidlip siya, ngunit nagising siya sa kahol nanaman ng mga aso.

Umalis ang kabataan ng hindi namalayan ni Tandang Julio. Nagising siya, unang sumaksak sa isip niya ang kabataang
lalaki. Bumangon siya at sumilip sa sibi, wala na ang kabataang lalaki. Kinuha niya ang lampara, napansin niya wala na ang
Gamugamo. Hinanap niya sa ibabaw ng altahan baka nalaglag pagkatapos masunog. Ngunit wala.

Pagkabukas niya ng bintana sa kanluran, may kumalabog sa hagdanan. Sinisipa ang pinto. Bago makakilos ay
nakapasok na sa dampa ang apat na lalaki. Nakilala niya ang isa tserman ng barangay. Armado ng armalayt ang tatlong lalaki.
“Nasaan si Crisostomo dimasupil?” “patungo rito ang dugo”.

“Wala akong kilalang Crisostomo Dimasupil” “Pero marahil ay katulad din siya ng anak ko na inyong sinalbeyds”
tadyak, suntok ang kanyang natatanggap. Hanggang sa maging manhid na ang kanyang nararamdaman.

“bratatatat!”

Naramdaman ni Tandang Julio na parang Nasunog ang kanyang dibdib. Patihaya siyang bumagsak. Ngunit bago siya
nagpikit ng paningin, napansin niya ang gamugamo na naglalaro parin sa palibot ng apoy ng lampara.

“Buhay pa rin ang gamugamo,” nawika niya. Kapagkuwan lumipad ang gamugamo palabras sa bukas na bintana.
Lipunan

Ang kinagisnan ni Salacnib ay isang lipunan na may kinikilingan. Lipunan na walang pagpapahalaga sa mga kagaya
nilang payak lamang ang buhay. Kung sino ang may katungkulan ay siya ang may kapangyarihan na gawin kung ano ang nais
niyang gawin kahit pa buhay ang kapalit. Walang pantay na batas, karapatan at walang tunay na kalayaan. Sa panahong
nalimbag ang ang kwentong ito ay panahon ni Pangulong Marcos na tinaguriang dektador noong panahong iyon.

Ibang-iba na sa panahon ngayon, kung noon ay walang boses upang ipaglaban ang karapatan ng bawat isa lalo na ng
isang mahirap, ngayon ay masasabi ko nang kahit papaano ay may batas na para sa lahat.

Kultura at Pananaw

Ang kultura sa maikling kwento na ito, ay mayroong tradisyon ang bayan ng San Juan. Nagkakaroon ng sayawan sa
liwasang-bayan sa bisperas ng Bagong Taon. Payak lang ang pamumuhay ni Tandang Julio. Sa pamantasan na pinasukan ni
Salacnib, naging kultura na nila na magkaroon ng samahan upang kalabanin ang pamahalaan sa maling pamamalakad nito.
Hindi lubos ang kalayaan ng mga Pilipino, kapag ayaw ng pamahalaan ang iyong ginawa, maaari kang makulong o ipasalbeyds.
Nang panahong iyon, uso na ang mga demonstrasyon at rally sa siyudad.

Mataas ang pangarap ni Tandang Julio para sa anak (Salacnib). Mahalaga kay Salacnib ang kanyang ipinaglalaban.

Sa panahon ngayon mayroon parin pagkakatulad sa mga panyayari sa kwento. May EJK na nagaganap na kahalintulad
din ng salbeyds. May mga nagrarally ngunit may kalayaan na ang bawat mamamayan na isiwalat ang kanilang hinanaing sa
pamahalaan sapagkat may freedom of speech.

Politika:

Sa pag-aaral palang ng hayskul ni Salacnib ay may politika nang naganap. Dapat sana ay siya ang baledictorian, ngunit
dahil anak ng alkalde ang kanyang kalaban ay hindi natupad.

Sa panahong iyon ang Presidente ay nagdeklara ng Batas Militar. Ang mga sundalo ang nagpapatupad ng batas. Kahit
na ang mga Baranggay Chairman ay walang magawa. Nang panahong iyon, uso na ang mga demonstrasyon at rally sa siyudad.
Magulo ang politika noong panahong yun. Maraming kabataan ang nahihikayat na magtayo ng samahan na kakalaban sa
pamahalaan.

Katulad sa panahon ngayon, nasa Presidente ang kapangyarihan upang magdeklara ng batas military. Maihahalintulad
din ngayon ang mga studyanteng raliyesta sa mga unibersidad gaya ng UP at PUP. Patuloy parin ang mga grupong nabubuo
laban sa pamahalaan. Sa mga eskwelahan naman ay may mga politika paring nagaganap. Kapag anak ka ng may katungkulan
sa Gobyerno ay isa ka sa mga VIP ng paaralan. Ngunit kung wala, is aka lang individual na mag-aaral.

You might also like