You are on page 1of 6

LAYUNIN

a. Naipaliliwanag kung bakit ang akda’y pinamagatang “Bansot”;


b. Naibabahagi ang natutunan sa binasang akda sa pamamagitan ng isang “Story
Mapping”;
c. Natutukoy ang kahulugan ng mga ‘di pamilyar na salita sa kwento at nagagamit sa
pangungusap at;
d. Nasasagot ang mga katanungan sa indibidwal at pangkatang gawain. Natutukoy
ang kahulugan ng mga ‘di pamilyar na salita sa kwento at nagagamit sa pangungusap;

“Bansot”
ni Aurora Cruz

Ang kwentong Bansot ay patungkol sa isang batang nagngangalang Lani. Si Lani ay isang batang tinawag
na bansot dahil sa kanyang gulang na labing tatlo ay sobrang liit nito. Lagi nitong naitatanong sa sarili
kung ano ang mali sa pagiging maliit na inaapi siya lagi. Si Lani ay walang naging tunay na kaibigan
dahil halos lahat ng mga kabataan sa kanilang nayon ay inaapi siya. Nakahiligan ni Lani na magpasilong
sa likod ng bakod nina Kabesang Pilo. Ang bakod ay kilala sa kanilang nayon dahil sa mga kumakalat na
mga balitang pinaninirhan umano ang malaking puno sa loob niyon na mga maligno, anito at kung anu-
anong mga katatakutan. Bunga noon ay tumubo ang kuryosidad sa utak ni Lani ninais niyang malaman
kung ano nga ba talaga ang mayroon sa loob ng bakod na iyon.

Buhat sa isiping iyon ay nakabuo siya ng plano. Planong tanging siya lang ang nakakaalam. Papangiti
nalang siya ng lihim. Nang mga sumunod na mga araw ay hindi na siya nakabalik pa sa moog na batong
iyon dahil sa malimit na pag-ulan sa kanilang nayon. Dahil dito ay nakahiligan niyang mangisda sa ilog
ng kanilang nayon.

Habang siya ay nasa kalagitnaan ng pangingisda, dumating sina Kaloy kasama ng mga barkada nito.
Nakahumalingan niya ang panghuhuli ng isda sa kabila ng makulit na pagtutol ng barkada nina Kaloy.

 “Huwag ka nang sumama, walang sasagip sa iyo kung mahulog ka sa tubig. Madulas at maputik ang mga
pilapil kung ganitong tag-ulan.” “Sa liit mong ‘yan, parang papel kang ililipad ng hangin pagihip nito
nang malakas.” Iyan ang mga katagang sinabi nito sa kanya.

Habang nasa ganoong usapan sila ay nadako ang kanilang usapan sa moog nina Kabesang Pilo. Napag-
usapan nila ang mga katatakutan umanong nangyayari sa likod ng bakod na iyon. Tinanong si Kaloy ng
isa sa kanyang kaibigan kung nasilip na ba nito kung ano ang nasa likod ng bakod. Maagap itong
nakasagot na hindi pa dahil sa taas at madulas ito. Bumalik sa ala-ala ni Lani ang plano niya. Nasambit na
lamang niya sa isip “maliit man ako magagawa kong alamin ang nasa loob ng bakod na iyon. Umuwi
siya. “Isang linggong singkad na hindi naglalayo ng bahay si Lani.

Sa tahilan ng bahay nila’y palihim na isinuksok niya ang isang pait na nakakapitan ng makapal na
kalawang at ang kaputol na hasaang baton na hiniram niya kay Mang Indo.”

Si Lani’y sumasalok ng tubig sa balon ng kanilang kapitbahay. Maingat niyang ibinababa ang pait at
hasaan mula sa tahilang kahoy at nauupo siya sa isang bangkitong mababa. Katabi niya ang isang

1
tabong pingas na may lamang kaunting tubig na sinalok niya sa balon at isang kabibeng matalim ang labi.
Matiyaga niyang kinukudkod ng kabibe ang nagsingit na kalawang sa lukong ng pait, at banayad na
ininahasa ang dulo upang manauli ang makislap na talim.”

Makaraan ang ilang araw na pagpaplano sa binabalak. Isasakatuparan na ni Lani ang binabalak. Maaga
siyang bumangon, hindi pa tuluyang sumisisikat ang araw ay nagtungo na si Lani sa daanang papunta sa
sinasabing bakod. Naglalaro sa kanyang balintataw ang namumulang mukha ng Amang niya, ang
nakatawang may bahagyang pagkahukot, at ang nakataas na kanang bisig na may kamay na nakakuyom
sa paligid ng isang putol na yantok. Kailanman ay hindi madudulas ang kanyang dila sa pangangahas niya
sa martilyong nakaligpit sa bayong sa may kakalanan.”

Nakarating na si Lani sa sinasabing bakod. Tinanaw niya ang kahabaan nito, hinihintay niya ang mga
malignong sinasabi ng magbarkadang sina Kaloy ngunit wala. Wala ni isang nagparamdam. Sinimulan
niya na ang binabalak. Tinandaan ni Lani nang pantay-mata ang dalawang bilog na sinlalaki ng pera sa
pamamagitan ng kapirasong uling. Masigla niyang iniunat at ibinaluktot ang mga batibot na bisig saka
itinuon ang dulo ng pait sa isang bilog na may tanda.

Palalo ang tikas ng kanyang bisig, ngunit tinanggap ng kaliwa ang kakayahan ng una nang ito’y mayanig
sa sunud-sunod na bayo ng martilyong tumatama sa dulo ng puluhan ng pait. Matigas ang batong ito.
Lalong matigas ang katiting ng bakal. At nagtagumpay siya nagawa nga niyang mabutasan ito, upang
masilip kung ano ang nasa loob nito. Napangiti siya, namalas niyang ang likod pala nang bakod na iyon
na sinasabing pinamumugaran na mga maligno ay isang malawak na tubuhan lang pala.

PAGSUSURI

A. PAMAGAT

“Bansot”

Sa pamagat pa lamang ng akda ay mahihinuha na ng mambabasa ang nilalaman ng kwento. Ang


kwento ay patungkol sa isang bata na labing tatlong gulang na ay maliit pa rin kung kaya’t ito ay palaging
tinutkso at tinatawag na bansot sa kanilang lugar.

B. URI NG PAMPANIIKAN

Ang akda ay isang halimbawa ng mailing kwento. Ito ay kakikitaan ng mga elemento ng maikling
kwento tulad ng tauhan, tagpuan, banghay, at iba pa. Ito ay nababasa ng isang upuan lamang at
kinapapalooban ng iilang tauhan at ng isang banghay lamang.

C. ESTILO NG PAGLALAHAD

2
Kronolohikal ang ginamit na estilo ng paglalahad ng kwento. Ang daloy ng kaisipan ay kronolohikal
sapagkat ang pagsasalaysay ng mga pangyayari ay sunod-sunod.

D. TAYUTAY

“Parang papel kang ililipad ng hangin pagihip nito nang malakas.” (Pagtutulad)
“Banayad na inihasa ang dulo upang manauli ang makislap na talim.” (Pagmamalabis)
“Naglalaro sa kanyang balintataw ang namumulang mukha ng Amang niya.”(Pagsasatao)

F. SARILING REAKSYON

1. TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Realismo

Ang ginamit na teoryang pampanitikan ay Realismo sapagkat ang mga pangyayari ay totoong
nagaganap sa lipunan na kung saan napupuna nila ang pisikal na kaanyuan at di iniisip ang
kabutihang loob nito. Karaniwang tinutukso ang mga may kapansanan o ang mga taong
mahihina.

2. MGA PANSIN AT PUNA

a. PUNA SA TAUHAN

Kakaunti lamang ang mga tauhan sa kwento dahil ang kwento’y nakatuon sa lugar ng
pinangyarihan nito. Ang pangunahing tauhan ay isang bilog na tauhan dahil noong una ay
mahina ito at tinutukso tukso lamang ngunit sa huli ay pinatunayan nito na kahit siya’y
bansot kaya niyang pantayan ang nagagawa ng mga normal na tao.

b. GALAW NG PANGYAYARI

Maayos at sunod-sunod ang naging daloy ng kwento. Mula sa paglalahad ng mga tauhan at
maging ng kanilang tagpuan. Hindi gaanong gumamit ng matatalinghagang salita ang awtor
kaya’y madaling maunawaan ang nilalaman ng kwento.

3. BISANG PAMPANITIKAN

a. BISA SA ISIP

Mapalalawak nito ang kaisipan ng mambabasa sa pamamagitan ng pagbabasa nito sa akda.


Malalaman nito ang iba’t ibang mga bagay-bagay tungkol sa pangunahing tauhan at kung
bakit ito pinamagatang “Bansot.”

b. BISA SA DAMDAMIN

3
Mararamdaman ang pagkaawa sa pangunahing tauhan dahil sa mga di kanais-nais na
pangungutya sa kanya. Mababanaag din ang tapang at kumpyansa sa sarili ng pangunahing
tauhan upang lutasin ang probelma sa kanilang lipunan.

c. BISA SA KAASALAN

Mababago ng akda ang kaasalan ng mambabasa dahil ang kwento’y kapupulutan ng mga
mahahalagang aral sa buhay na maaari nitong magamit sa tamang pakikitungo, pagtrato at
pagmamahal sa kapwa.

d. BISA SA LIPUNAN

Ang akda’y may bisa sa lipunan kung ito’y mababasa ng karamihan sapagkat ito ay
makatotohanan at ito ay realidad na nangyayari sa ating pamayanan. Ito ay kapupulutan ng
mga mensahe at aral.

YAMAN NG SALITA

Palawakin ang kaalaman!

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salita sa Hanay A sa Hanay B at gamitin ang mga ito sa
pangungusap. Isulat ang pangungusap sa nakalaang patlang.

1. pilapil a. gamit sa paglililok


2. moog b. isipan
3. pait c. bata
4. balintataw d. dike
5. batibot e. pader

Gamitin sa pangungusap.

1. _____________________________________________.
2. _____________________________________________.
3. _____________________________________________.
4. _____________________________________________.
5. _____________________________________________.

LANDAS SA PAG-UNAWA
4
Panuto: Unawaing maigi at sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento?


2. Bakit ito pinamagatang “Bansot”? Ipaliwanag.
3. Ano ang kinuha nito kay Mang Indo?
4. Paano natin malalampasan ang kinakaharap ng pangunahing tauhan kung tayo ang nasa kanyang
katayuan? Palawakin.
5. Saang bahagi ng kanilang lugar ang pinaniniwalaang pinamumugaran ng mga multo, anito at ano-ano
pang mga masasamang elemento?
6. Bakit karamihan sa mga tao ay mahilig mangutya sa kapwa? Ipaliwanag.
7. Sino ang parating nangungutya sa kanya sa kanilang lugar?
8. Paano natin mapipigilan ang mga masasamang gawain ng ibang tao sa tulong natin? Palawakin.
9. Ano ang natuklasan nito matapos masilayan ang binutasang nitong moog?
10. Kung ikaw ang pangunahing tauhan kaya mo bang gawin ang ginawa niya? Pangatwiranan.

PAUNLARIN

Pangkatang Gawain!

“Pili mo, eksena mo!”

Ang klase ay hahatiin sa apat na pangkat at binubuo ito ng apat hanggang limang miyembro lamang.

Panuto:

Ang mga mag-aaral ay pipili ng isa sa mga nagustuhang pangyayari sa kwento at ito ay itatanghal sa
harap ng klase sa loob ng tatlo hanggang limang minuto lamang.

Pamantayan:

Pagganap- 25
Orihinalidad- 15
Kasuotan/Kagamitan- 5
Pangkalahatang pagtatanghal- 5
KABUUAN: 50 puntos

PAYABUNGIN
Panuto: Sa pamamagitan ng isang story mapping ay tukuyin ang banghay ng maikling kwento. Ilagay ang
sagot sa isang buong papel. Ibigay din ang pinakatema ng akda.

KAS
SAGLIT UKDKAK
NA ULAALA
SIM N WA
KASIGLA
ULA SAN
KAS
HAN SANGGUNIAN

https://www.scribd.com/doc/282629198/bansot

https://prezi.com/qrp2tkia-mos/maikling-kwentong-pilipino-sa-panahon-ng-hapon/

You might also like