You are on page 1of 14

Pangalan : ________________________ Iskor : _____________

Baitang 8 / Seksyon : __________________ Guro :_____________


I. Basahin at unawain ang alamat.
ALAMAT NG ROSAS

Noong araw, kilala ang dalagang Pilipina dahil sa angking kariktan at yumi. Matagal siyang sinusuyo bago
makamit ang matamis niyang pagtugon. Sa isang bayan sa Laguna ay may isang magandang dalaga na ubod
nang bait. Ang pangalan niya ay Rosa. Simple lamang si Rosa tulad ng ibang dalaga sa baryo. Nabibilang siya sa
pangkaraniwang pamilya kaya katulong siya ng mga magulang sa paghahanapbuhay. Hindi siya nahihiya kahit
nagsusunong ng bilao at nagbibitbit ng basket.
"Rosa, hindi bagay sa iyo ang may sunong na bilao!" madalas ay tukso sa kanya pero ngiti lamang ang
itinutugon niya sa mga ito.
Malaking tulong si Rosa sa ama at ina. Iyon ang dahilan kaya iniwasan niya ang umibig. Gayunman ay
hindi siya makaiwas nang kumatok sa puso si Joaquin. Matagal bago tinugon ni Rosa ang pag-ibig ni Joaquin.
Naging maligaya naman siya sa kanilang relasyon.Ilang buwan na silang may unawaan ni Joaquin nang biglang
mawala ang lalaki. Ang huli niyang nalaman ay napikot si Joaquin at nakatakda nang ikasal. Labis na nasaktan si
Rosa. Matagal din niyang itinago ang bigat ng damdamin. Bumilang ng taon bago muling umibig si Rosa.
Matagal din niyang itinago ang bigat ng damdamin.
Sa pangalawang pagkakataon ay umasa siya na wala nang magiging hadlang at hindi na siya masasaktan.
Nagkamali siya. Tumalikod ang lalaki dahil hindi pumayag si Rosa na iwan ang mga magulang kapag nagpakasal
sila. Mahirap ipaliwanag ang sakit na nadama ni Rosa pagkatapos ng karanasang iyon. Nangako si Rosa na iyon
na ang huli. Subalit parang binibiro siya ng kapalaran. Makaraan ang ilan taon ay dumating sa buhay niya si
Manuel. Hindi niya inakalang manloloko pala ito, Nasaktan na siya at nalagay pa sa kahihiyahan. Mabigat na
mabigat ang loob ni Rosa. Pakiramdam niya ay hindi na makakayanan ang lahat. Hiniling niya na mamatay na
lang siya sa tindi ng sama ng loob. Nagtaka ang mga magulang ni Rosa nang bigla na lang siyang naglaho. Sa
halip, isang halamang may tinik ngunit may magandang bulaklak ang tumubo sa tapat ng silid ni Rosa.
Dahil hindi na nakita ang anak, tinawag nilang rosa ang bulaklak. Napansin nilang may tinik ang halaman. Isang
palatandaan na sinumang magtangkang pumitas ng bulaklak ay kailangan dumaan sa maingat na pagpitas
upang hindi masugatan.
Sa ngayon , ang bulaklak na ito ay mas kilala sa tawag na Rosas.

Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.


_____1. . Nagtaka ang mga magulang ni Rosa nang bigla na lang siyang naglaho. Sa halip, isang
halamang may tinik ngunit may magandang bulaklak ang tumubo sa tapat ng silid ni Rosa. Ano ang
kapuna-puna sa pangyayari?
a.makatotohanan c. posibleng maganap
b.kapani-paniwala d. hindi-kapani-paniwala
_____ 2. "Rosa, hindi bagay sa iyo ang may sunong na bilao!" madalas ay tukso sa kanya pero
ngiti lamang ang itinutugon niya sa mga ito. Anong mahihinuhang katangian ni Rosa sa pangungusap na
ito?
a. maganda c. mahiyain
b. mahinhin d. mababang-loob
_____3. Noong araw, kilala ang dalagang Pilipina dahil sa angking kariktan at yumi. Matagal siyang
sinusuyo bago makamit ang matamis niyang pagtugon.Anong kulturang Pilipino ang masasalamin sa
pangungusap?
1
a. Panliligaw sa mga kadalagahan
b. Pag-aayos sa sarili ng mga kadalagahan
c. Pagiging mahinhin ng mga kadalagahan
d. Pagmamahal sa pamilya
_____ 4. . Sa isang bayan sa Laguna ay may isang magandang dalaga na ubod nang bait. Alin sa
pangungusap ang pang-abay na panlunan?
a. Ubod nang bait c. sa Laguna
b. Magandang dalaga d. sa isang bayan sa Laguna
______ 5. Hindi siya nahihiya kahit nagsusunong ng bilao at nagbibitbit ng basket. Ano ang katangian
ng taong tintukoy sa pangungusap?
a. mabait b. mapagkakatiwalaan c. maalalahanin d. masipag

Habang,tumatanda, madalas makinig si Aliguyon sa mga dasal pandigma ng tribo. Kalaunan,


natutuhan din niyang usalin ang mga dasal at salitang makapangyarihan. Dahil sa mga angking galing ni
Aliguyon, siya ang naging pinuno ng mga kabataan sa kanilang tribo.

- Halaw sa Hudhud hi Aliguyon ,Epiko ng mga Ifugao

_____ 6. Anong bahagi ng kultura ng mga Ifugao ang masasalamin sa bahagi ng epiko na nasa kahon?
a. May mga awit at dasal ang mga Ifugao na kanilang inuusal palagi.
b. Habang tumatanda ang mga Ifugao, may mga awit at dasal silang inuusal.
c. Sinusunod ng mga Ifugao ang pagbigkas ng mga awit at dasal na magiging gabay nila sa
pakikipaglaban.
d. Dahil mandirigma ang mga Ifugao dapat silang umusal ng mga awit at dasal.
_____ 7. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa epiko?
a. limutin b. dasalin c. bigkasin d. yakapin
_____ 8. Dahil sa angking galing ni Aliguyon, siya ay naging pinuno ng mga kabataan. Ano ang
ipinahihiwatig na hudyat ng nakasalungguhit na salita sa pangungusap?
a. sanhi ng pangyayari c. sariling opinyon o kuro-kuro
b. bunga ng pangyayari d. posibildad ng pangyayari
_____ 9. Anong pag-uugali ng mga Ifugao ang masasalamin sa bahagi ng epikong binasa?
a. katapangan b. katatagan c. masunurin d. mapagbigay

Hanggang kailan kayo makasusunod magbangon pabalikwas mula sa kabulagan ng pang-unawa tungo
sa tugatog ng katwiran at adhika? Hanggang kailan ninyo ako hindi makikilala at hanggang kailan kayo
magtitiwalang umasa na kahit wala sa aking piling ay maaaring matamo ang tunay at wagas na kapayapaan
ng sangkalupaan? - Halaw sa Pahayag ni Emilio Jacinto

_____ 10. Ano ang layunin ng may akda sa talatang binasa?


a. Gumising ang natutulog na damdamin sa tunay na sitwasyon at kalagayan.
b. Humimok mag-aklas laban sa nararamdaman
c. Magkaroon ng pag-asa na bumangon at magbago
d. Sumama sa pagpapahayag ng tunay na nararamdaman
_____ 11. Ano ang tono ng talata sa kahon?
a. paghihimagsik b. pagkagalit c. pagbibigay d. pag-asa

2
_____ 12. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?
a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw-araw na
pamumuhay.
b. Kuwentong bayan na maaaring kathang-isip na pumapaksa kung paano malalampasan
ang anumang pakikipaglaban sa buhay.
c. Ito ay pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng
isang nilalang.
d. Ito ay kuwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha sa daigdig at iba pa.
_____ 13. “ Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di-gaanong masaya ang pagdiriwang ng
Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? “
Ano ang gamit ng salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap?
a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing
b. nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng pagsang-ayon
_____14. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito ng akdang tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa
mga akdang-pampanitikan na naglalaman ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang
mahalagang paksa o isyu.
a. tula b. sanaysay c. dula d. dula
_____ 15. Uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa dagat?
a. duplo b. karagatan c. pamanhikan d. huego de prenda
_____16. Alin sa mga tulang patnigan ang gumagamit ng tsinelas bilang palmatorya na ipinamamalo sa
palad ng sinumang nahatulang parusahan?
a. Balagtasan b. Batutian c. karagatan d. duplo
_____ 17. “Ilang gabi nangg ako ay kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng
kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na
paghinga niya sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi….. “ Ano ang nais
ipahiwatig ng pahayag?
a. May problemang hinaharap ang kanyang ina
b. Isang sanggol sa piling ng isang ina
c. Nararamdaman niya ang suliraning pampamilya
d. Binabalikan ang mga pangyayari
_____ 18. Bakit tinawag na dulang pantahanan ang duplo?
a. Ito ay nilalahukan ng mga kasapi ng pamilya
b. Idinaraos ito sa bakuran o loob ng pamilya
c. Ang mga paksa ng pagtatalo ay tungkol sa tahanan
d. Ibinibigay sa ilaw ng tahanan ang gantimpala ng mga kalahok.
_____ 19. Ang sumusunod ay pagpapatunay sa angking husay ng mga Pilipino sa pagtula. Alin sa mga
ito ang hindi kabilang?
a. Ang pagtatalong patula ay ginagamitan ng mga talinghaga.
b. Nagpapalitan ng mga katuwiran sa tulong ng tulang may sukat at tugma
c. Ang paksa ay tungkol sa nawawalang loro ng hari
d. Nagtatalo at nagpapalitan ng matuwid s paraang agaran o walang paghahanda.

3
_____ 20. Sa panahon ng Espanyol, karamihan ng mga akda na binabasa o itinatanghal man ay tungkol
sa mga santo at santa at nagsisimula ito sa panalangin. Samakatwid, ano ang ibig sabihin nito?
a. Iniangkop sa panitikan ang relihiyon.
b. Likas na relihiyoso ang mga Pilipino.
c. Mahilig sa mga pagtatanghal ang mga Pilipino
d. Ibinahagi ng mga Espanyol ang paraan ng kanilang pananampalataya.
_____ 21. Paano ipinakita ni Dr. Jose Rizal ang kanyang pakikipaglaban sa mga Espanyol?
a. Nakipag-usap sa kinauukulan
b. Ginamit ang mga akdang pampanitikan upang gisingin ang damdaming makabayan ng
mga Pilipino.
c. Nangibang bansa siya upang hikayatin ang kapwa mga Pilipino na magkaisa sa paglaban
sa pamahalaang Espanyol.
d. Nagtatag ng samahang tutuligsa sa Espanya.
_____ 22. Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng mga eupemistikong pahayag?
a. tapat b. magalang c. madaling umunawa d. maingat magsalita
_____ 23. Ano ang lumulutang na paksang ginamit ng manunulat sa mga akdang pampanitikan sa
Panahon ng Himagsikan?
a. pag-ibig sa bayan c. pagmamahalan ng Pamilya
b. mga kaugaliang Pilipino d. pagpupuri sa pamahalaang Espanya
_____ 24. Higit na madaling unawain ang mga kasabihan kaysa sa mga salawikain.Anong ipinahahayag
ng pangungusap?
a. pahambing na pasahol c. pahambing na magkatulad
b. pahambing na palamang d. pasukdol
_____25. Binato nang napakalakas ni Tuwaang ang binata at lumubog siya sa lupa. Ano ang uri ng
pang-abay ang ginamit sa pangungusap.?
a. pang-abay na panlunan c. pang-abay na pang-agam
b. pang-abay na pamanahon d. pang-abay na pamaraan

II. A. Punan ng angkop na eupemistikong pahayag na kukumpleto sa pangungusap.


26. Paano natin haharapin ang mga _______________________ kung tayo mismo ay hindi natin
mabantayan ang atin.
a. malilikot ang kamay c. hinahabol nan g plantsa
b. sumakabilang buhay d. di maliparang -uwak
27. Maganda sana ang ating buhay ngayon, kung hindi ______________________ si tatay.
a. malilikot ang kamay c. sumakabilang bahay
b. lumagay sa tahimik d. mahaba ang kamay
28. Nasa gitna kami ng biyahe nang magkaroon ng ____________________ si Chinchin.
a. hinahabol na plantsa c. tawag ng kalikasan
b. nagbukas ng dibdib d. hinahabol ng barber

29. Kung gusto mo talaga siya, _____________________.


a. lumagay na kayo sa tahimik c. magdildil kayo ng asin
b. sumakabilang buhay d. magsunog kayo ng kilay
30. Tingnan mo nga ang polo mo __________________________.
a. hinahabol ng barbero c. hinahabol ng aso

4
b. hinahabol ng plantsa d. hinahabol ng kabayo
B.Bilugan ang titik ng paksang ipinahahayag ng bawat salawikain.Piliin sa kahon sa kabilang
pahina ang iyong sagot.
_____ 31. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.
a. mabait b. pagtanaw ng utang na loob c. masinop d. magalang
_____ 32. Kapag ang tao’y matipid, maraming maliligpit
a. kuripot b. masinop c.matulungin d. mapagbigay
_____ 33. Ano man ang gagawin, makapitong isipin
a. tamang pagpili b. tamang paggawa c. tamang pagdedesisyon d. segurista
_____ 34. Kung gaano kataas ang lipad gayon din ang lagapak pag bumagsak
a. pangarap b. pagsisikap c. kayabangan d. kahinahunah
_____ 35. Ang mabigat ay gumagaan kapag pinagtulong-tulungan.
a. pagbibigayan b. pakikipagkapwa c. pagkainggit d. pagkakaisa
_____ 36. Kung may hirap ay may ginhawa
a. pagbibigay b. pagtitiis c. lakas ng loob d. pagtitiyaga
_____ 37. Ang di marunong magbata, walang hihintaying ginhawa
a. pagtitiis b. pagsisikap c. pagsisikap d. pagmamahal
_____ 38.Lumilipas ang kagandahan ngunit hindi ang kabaitan
a. kababaang loob b. kabaitan c. kagalakan d. kagandahan ng pag-uugali
_____ 39, Wala pang itlog ang inahin, nagbibilang na ng sisiw.
a. segurista b. kasakiman c. negosyante d. pagmamahal
_____ 40. Ang mapanghili , lumigaya man ay sawi.
a. kayabangan b. pagsisi c. pagkainggit d. pagtitiis

III. Piliin ang titik ng tamang sagot.


_____ 41. Ano ang ipinapakahulugan ng salawikaing “ Ano man ang tibay ng piling abaka, ay wala
ring lakas kapag nag-iisa.
a. pakikisama b. pagkakaisa c. pagtitiis d. pakikipagkapwa
_____ 42. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan, dahil sa pag-asam ng isang mabuting
buhay. Anong salita ang binibigyang turing ng salitang nakahilig?
a. siya b. malayo c. namatay d. pag-asam
_____ 43. Mabilis na tumulong ang mga kapitbahay sa nasusunog nilang bahay.Anong salita ang
nagbibigay-turing sa salitang nakahilig?
a. kapitbahay b. nasusunog c. mabilis d. bahay
_____ 44. Anong akda ang sumikat sa Panahon ng Hapon?
a. Tinaga at haiku b. haiku at tingga c. tanaga at haiku d. tonkatsu
_____ 45. Sinasabing dahil sa kahirapan ng _____ noong Panahon ng hapon kaya lumabas ang maiikling tula.
a. buhay b. papel c. pera d. kuryente
_____ 46. Iyong alindog, Sa aki’y tumatagos,O aking irog. Ito ay halimbawa ng anong uri ng tula?
a. haiku b. tanaga c. liriko d. oda
_____ 47. Alas singko pa lamang ng hapon. Anong uri ito ng pangungusap na walang paksa?
a. penomenal b. temporal c. eksistensyal d. modal
_____ 48 . Palaging iniingatan at inaalagaan ni ama ang kanyang lunday dahil ito ang kanyang
ginagamit sa pagparoon sa laot. Ano ang kahulugan ng lunday ?
a. lambat b. sagwan c. bangka d. pamingwit
_____ 49. Dahil sa napakalas na sigwa, maraming bahay ang nasira. Ano ang kahulugan ng sigwa?
a. lindol b. bagyo c. ipoipo d. delubyo
_____ 50. Ang hindi magmahal sa sariling wika, mahigit pa sa hayop at malansang isda. Anong uri
ito ng karunungan bayan?
a. sawikain b. salawikain c. kasabihan d. palaisipan

Ang pagkuha ng test parang LOVE lang yan, No Cheating!

5
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8
TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON

KOMPITENSI BILANG BAHAGDAN BILANG KINALALAGYANG URI NG PAGSUSULIT


NG NG AYTEM
ARAW AYTEM
PAGLINANG NG
TALASALITAAN
Nabibigyang 4 8% 15 26- 30 Maramihang Pagpipilian
kahulugan ang 31- 40
mga 48, 49
matatalinhagang 41,50
salita at
eupemistikong
pahayag

PAG-UNAWA SA
BINASA
Nasusuri ang 10 20% 8 1,6,12,14,15,16,18,23 Maramihang Pagpipilian
ilang uri ng 44,45,46
akdang
pampanitikan
batay sa
katangian nito
3 6% 3 2, 5,9 Maramihang Pagpipilian

Nakapagbibigay Maramihang Pagpipian


ng wastong 2 4% 1 7
hinuha sa pag-
uugali ng tauhan

Napauunlad
ang kakayahang
umunawa sa Maramihang Pagpipilian
binasa sa 3 6% 3 10,11,17
pamamagitan ng
pagkilala sa
kahulugan ng
salita

6
Napauunlad
ang kakayahang
umunawa sa
binasa sa 6 12% 4 3,19,21,22 Maramihang Pagpipilian
pamamgitan ng
pagbibigay ng
impresyon sa
binasang akda
kaugnany ng
paksa, tono at
layon.

Napahahalagahan 7 24% 4 4,13,20,5,24,25 Maramihang Pagpipilian


ang kulturang
Pilipino na
masasalamin sa
mga akdang
pampanitikan

3 6% 1 8, 42,43,47 Maramihang Pagpipilian


WIKA AT
GRAMATIKA

Nagagamit ang
kakayahang
panggramatika na
makatutulong sa
pagtatamo ng
pasalitang
komonikasyon
Nagagamit ang
mga hudyat ng
sanhi at bunga ng
mga pangyayari
KABUUAN 43 100% 50 50

Inihanda ni:

GNG. ALMA D. GUINTO

7
Mga Susing Sagot Unang Markahang Pagsusulit

1. D 21. B 41. B
2. D 22. D 42. B
3. C 23. A 43. C
4. C 24. B 44. C
5. D 25. D 45. B
6. C 26. A 46. A
7. B 27. C 47. B
8. A 28. C 48. C
9. A 29. A 49. B
10. C 30. B 50.B
11. A 31. B
12. C 32. B
13. C 33. C
14. B 34. C
15. B 35. D
16. D 36. D
17. A 37. A
18. B 38. D
19. C 39. B
20. D 40. C

8
9
PAGSULAT

Naisusulat ang 10 puntos Essay Type


talatang binubuo ng (41-50)
magkakaugnay na
pangungusap at
nagpapakita ng simula
, gitna at wakas

10
11
12
13
14

You might also like