You are on page 1of 5

Pambansang Punong Rehiyon

Sangay ng mga Paaralang Lungsod


MATAAS NA PAARALAN NG SAMPAGUITA
Lungsod ng Caloocan

Pangalan: ____________________________ Iskor :_____________________


Guro:________________________________ Baitang/Pangkat: ____________

I. A. Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Ang epiko bilang akdang pampanitikan ay ________________.
a.Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw- araw na pamumuhay
b.Kuwentong-bayan na maaaring kathang- isip na pumapaksa kung paano malalampasan ang
anumang pakikipaglaban sa buhay
c.Itoy pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang
nilalang.
d.Itoy kuwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha sa daigdig at iba pa.
2. Sa panahon ng kastila ang duplo at karagatan ay ginaganap tuwing ___________.
a. lamay c. kasalan
b. nanliligaw d. sayawan
3. Ang salawikaing Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring lakas kapag nag-iisaay
nangangahulugan ng _________________.
a. pakikisama c. pagkakaisa
b. pagtitiis d. pakikipagkapwa
4. Ang _____________ karunungang bayan na karaniwang patalinghaga at may nakatagong kahulugan.
a. salawikain c. sawikain
b. kasabihan d. palaisipan
5. Ang kahulugan ng mahaba ang kamay
a. mahaba ang daliri c. palaaway
b. magnanakaw d. malakas sumuntok
6. Ang _______________ ay karunungang bayan na hindi gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang
kahulugan.
a. salawikain c. sawikain
b. kasabihan d. palaisipan
7. Paano mo malalaman na isang haiku ang tula?
a.may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na 5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5
b.may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na 8-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6
c.may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na 4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2
d.may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na 5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4
8. Paano mo malalaman na isang tanaga ang tula?
a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig
b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong
c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong
9. Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos
akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng
kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na
paghinga niya,sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay,
paghikbi Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan
b. isang sanggol sa piling ng isang ina
c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya
d. binabalikan ang mga pangyayari
10. Ang panitikan sa Panahon ng Hapones ay binigyang-halaga na makapagsulat sa wikang Pilipino ang
mga manunulat na Pilipino ngunit ingat na ingat sila sa mga paksang isusulat .At dahil sa kahirapan ng
buhay sa panahong iyon nagtipid ang mga manunulat sa kanilang isusulat kaya lumaganap ang tanaga at
haiku. Aling pahayag ang nagpapakita ng sanhi ng pangyayari?
a. Binigyang- halaga na makapagsulat sa wikang Pilipino
b. ingat na ingat sila sa paksang isusulat
c. dahil sa kahirapan ng buhay sa panahong iyon
d. lumaganap ang tanaga at haiku
11. Mula sa bahagi ng kuwentong Uhaw ang Tigang na Lupa, ang ibig sabihin ng tila musmos akong
dumarama sa init ng kanyang dibdib
a. batang nasa tabi ng ina na natutulog
b. sanggol na kalong kalong ng ina
c. nakikiramdam sa pintig ng puso
d. masama ang pakiramdam
12. Maikli ang isinusulat na akda dahil sa pagtitipid noong Panahon ng Hapones ngunit nagiging gabay
ang mga ito ng buhay. Ang akdang pampanitikang tinutukoy sa pahayag ay ang ____________.
a. karunungang - bayan c. tanaga at haiku
b. bugtong d. tula
13. Elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kuwento na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.
a. banghay c. tagpuan
b. tauhan d. tema
14. Maagang gumising si Carlos para magtungo sa palengke. Masayang- masaya siya na nag-aayos ng
kaniyang mga paninda ngunit walang ano-anoy dumilim kayat nasabi niyang uulan na naman.
Nalungkot siya. Kapag umuulan matumal at kaunti lang ang kaniyang kikitain. Alin sa mga pahayag ang
pangungusap na walang paksa?
a. Maagang gumising.
b. Uulan na naman.
c. Masayang- masaya siya.
d. Nalungkot sita.
15. Narito ang isang orihinal na tanaga. Ano ang nais ipahiwatig nito?
Damdamin ng Isang Ina
ni Asuncion B. Bola

Nasasaktan man ako


Sa aking mga desisyon
Paninindigan ito
Sa ikabubuti mo.
a. pagdidisiplina sa kaniyang anak
b. paglayo sa kaniyang minamahal
c. pagpaparaya sa kaniyang mahal
d. nararamdaman ng isang tao

. Aling Pag-ibig pa ang hihigit kaya


Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa sariling lupa?
Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

16. Ang elemento ng tulang tumutukoy sa mga salitang may salungguhit?


a. sukat c. aliw-iw
b. tugma d. indayog
17. Saan nabibilang ang pahayag na Ang lahat ng palayok, may katapat na saklob?
a.bugtong c. salawikain
b.sawikain d.sabi-sabi

18. Tukuyin kung anong uri ng pangungusap na walang paksa ang kumukulog
a. penominal c. modal
b. maikling sambitla d. temporal
19. Ang Parang natuka ng ahas ay halimbawa ng karunungang bayan na ________.
a. sawikain c. palaisipan
b. salawikain d. kasabihan
20. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong pahayag?
a. sumakabilang buhay para sa namatay
b. magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa
c. butot balat para sa payat
d. papatay-patay para sa hipong tulog
21. Ito ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya?
a. may kapanagutan sa anumang gawain
b. magiging sikat na mamamayan.
c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan
d. magkakaroon ng disiplinang pansarili
22. Sa kaniyang pagiging matiyaga, mapagpakumbaba at masipag sa pag-aaral, siya ang naging
valedictorian ng kanilang paaralan. Aling pahayag ang nagsasaad ng bunga ng pangyayari?
a. sa kanyang pagiging matiyaga
b. naging valedictorian ng kanilang paaralan
c. sa kaniyang pagiging mapagkumbaba
d. masipag sa pag-aaral
I.B. Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng wastong sagot.
Ang epiko ay nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng isang tao ng mga tagumpay sa digmaan o
pakikipagtunggalian sa mga kaaway. Nahihinggil din ito sa mahihiwagang pangyayari o mga kabayanihang
kinapapalooban ng mga paniniwala, kaugalian, huwaran at sukatan ng buhay ng mga sinaunang mamamayan ng
isang sambayanan.

Kabilang sa mga katangian ng epiko ang pagkakaroon ng kaisahan ng banghay, mabilis na aksyon,
paggamit ng kuwento ng mga kababalaghan at nakatutuwang-damdamin at dakilang paksa.

Masasalamin sa mga epiko ang mga maipagmamalaking katangian ng ating mga ninuno. Mahalaga rito ang
pamumuhay na panlipunan, pangkabuhayan, pampulitika at pangkultura ng ating matandang pamayanan.

Ginagamit ang mga epiko sa mga seremonyas o ritwal para makatiyak ng pananatili sa tungkulin ng isang
pinuno, pagkakaroon ng masaganang ani o maraming anak gayundin ng katuparan ng iba pang kahilingan.

23. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng epiko sa sinaunang komunidad?
a. ginagamit sa mga ritwal at pagdiriwang
b. nagsisilbing sagisag ng pagkakaisa ng lahi/tribu
c. nagbibigay ng bisang pangkaaliwan, pangkultura at pangrelihiyon
d. lahat ng nabanggit
24. Ang kahulugan ng tawag ng kalikasan
a. nadudumi c. kakain na
b. nagugutom d. pumunta sa gubat
25. Pangunahing layunin ng epiko na______________________________.
a. gisingin ang damdamin ng mambabasa upang hangaan ang pangunahing tauhan
b. pananagumpay laban sa mga matinding suliraning kinakaharap ng tauhan.
c. pukawin ang isipan ng mambabasa ukol sa paniniwala, kaugalian na nasa epiko
d. wala sa nabanggit
26. Naiiba ang epiko sa ibang anyo ng panitikan dahil sa________________________.
a. paggamit ng hayop bilang tauhan
b. masalimuot nitong banghay
c. di pangkaraniwang tauhan
d. pagtataglay ng supernatural na katangian
II.: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari gamit ang Story Lader upang mabuo ang banghay ng alamat
.Isulat ang titik ng tamang sagot.

33. Wakas

32.

31.

30.

29.

28.
27. Simula
A. Lungkot na lungkot ang Sultan. Naghihintay siya sa pagbabalik ni Sari at ng manok ngunit hindi na
sila nagbalik. Iniutos ng Sultan sa pinakamagaling na manlililok ng tribu na lumilok sa kahoy ng tandang
na tumangay sa anak.
B. Nang sumapit ang ikalabingwalong kaarawan ni Sari, isang malaking piging ang iginayak ng Sultan sa
kanya.
C. May kaisa-isang anak na dalaga ang Sultang Maranao sa Lanao. Maganda, mabait, magalang at
matulungin si Sari.
D. Nang nayari ang nililok na kahoy, tinawag ng Sultan itong sari-manok. Itoy mahal na mahal ng Sultan
at naging simbolo ito ng tribu
E. Muling nag anyong tandang ito at kinuha ang dalagang binanggit na walang iba kundi si Sari.
F. Masayang-masaya ang lahat. Nang biglang may lumitaw na malaking manok na tandang. Nagulat
ang balana nang sa isang iglap ay naging isa itong napakakisig na prinsipe.
G. Sinabi niyang siya ay naparoon upang kunin ang dalagang minahal niya ayon sa kanya ay matagal na
niyang inalagaan, binantayan at minahal.
(mula sa Sari-manok)
34. Tulak ng bibig kabig ng dibdib ito ay halimbawa ng ________
a. sawikain c. palaisipan
b. salawikain d. kasabihan
35. Bicol- Handiong, Visaya- ___________
a. Hudhud c. Darangan
b. Alim d. Maragtas
36. Ifugao-Hudhud , Muslim- _____________
a. Hudhud c. Darangan
b. Alim d. Maragtas
37. Kung ikaw ay isang lalaki na makikipag tagisan ng galing sa duplo, ang tawag sa iyo ay ________.
a. bilyako c.manunula
b. mambabalagtas d. mananalita
38. Kung ikaw ay isang babae na makikipag tagisan ng galing sa duplo, ang tawag sa iyo ay ________.
a. bilyaka c.manunula
b. mambabalagtas d. mananalita
39. Tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula na bumubuo sa isang saknong.
a. sukat c.talinhaga
b. tugma d. kariktan
40. Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong kahulugan ng tula.
a. sukat c.talinhaga
b. tugma d. kariktan
41.Ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog ay tinatawag na.
a. sukat c.talinhaga
b. tugma d. kariktan
42. Taglay ng isang tula ang maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon at mapukaw ang
damdamin.
a. sukat c.talinhaga
b. tugma d. kariktan
43. Sakbibi ng lumbay . ang salitang may salungguhit ay _________.
a. Pandiwang nagpapahayag ng emosyon
b. salitang naglalarawan
c. Pang-abay na pamaraan
d.Pangungusap na walang paksa
44. , Ito ay pagsasalaysay ng isang sanay.
a. sanaysay c. maikling kuwento
b. tula d. awit
45.Uri ng sanaysay na pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda.
a. pormal c. di pormal
c.. maayos d. di maayos
46. Uri ng sanaysay na hindi pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda.
a. pormal c. di pormal
c.. maayos d. di maayos
47. ang pamaksa sa isang talata ay tinatawag na __________.
a. Pangunahing kaisipan c. Payak na kaisipan
b. Pantulong na kaisipan d. pantulong na kaisipan
48. ito ang tawag sa sumusuporta sa pamaksa ng talata
. Pangunahing kaisipan c. Payak na kaisipan
b. Pantulong na kaisipan d. pantulong na kaisipan
49.Ang sanaysay na Nagbibigay ng impormasyon ay _____.
a. pormal c. di pormal
c.. maayos d. di maayos
50. Iti ay uri ng sanaysay na ang pananalita ay parang nakikipag-usap lamang. Ang pananalita ay parang
nakikipag-usap lamang
a. pormal c. di pormal
c.. maayos d. di maayos
SUSI SA PAGWAWASTO
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 8
1 C 26 D
2 A 27 C
3 C 28 B
4 A 29 F
5 D 30 G
6 B 31 E
7 A 32 A
8 A 33 D
9 B 34 D
10 C 35 D
11 B 36 C
12 C 37 A
13 A 38 A
14 B 39 A
15 A 40 C
16 B 41 B
17 C 42 D
18 A 43 A
19 A 44 A
20 A 45 C
21 D 46 A
22 B 47 A
23 D 48 B
24 A 49 A
25 D 50 C

You might also like