You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Rehiyon IV-A CALABARZON


Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Rizal
CAYABU INTEGRATED SCHOOL
Azusena St. Barangay Cayabu Tanay, Rizal
Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 8
SY: 2019-2020

Pangalan:________________________Baitang/Pangkat:__________Petsa:_____

I. Panuto: Piliin sa hanay B ang kahulugan ng malalalim na salita sa Hanay A sa


pamamagitan ng paglagay ng titik sa bawat patlang.

HANAY A HANAY B
______ 1. nganga a parusa
______ 2. gintong bansi b. lagyan o patungan
______ 3. anito c. ipinadala/inalay
______ 4. matarok d. paninilbihan o panunuyo
______ 5. ponda e. gintong plawta
______ 6. kumati f. maunawaan
______ 7. nauumid g. pista
______ 8. palmatorya h. humupa
______ 9. gatungan i. diyos na pinaniniwalaan ng mga
______10. talisuyo sinaunang Pilipino
______11. itangi j. lugar na pwedeng pagtambayan
______12. canao katulad ng tindahan
______13. pantas k. matalinong tao
______14. patung l. instrumento o sandata
______15. sugo m. hirangin
n. napipipi
o. pagkaing nginunguya ng matatanda

11. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot


16. Isang sangay ng panitikan kung saan nagbibigay daan upang maipahayag ang mga
kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.
a. karunungang-bayan b. kasabihan c. salawikain d. sawikain
17. Karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago at nasusulat ng may sukat at
tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.
a. karunungang-bayan b. kasabihan c. salawikain d. sawikain
18. Gumagamit ng salitang eupemistiko o idyomatiko upang maging maganda ang paraan
pagpapahayag at maiwasang makasakit ng damdamin ng tao.
a. karunungang-bayan b. kasabihan c. salawikain d. sawikain
19. Masasalamin dito ang kilos, ugali at gawi ng isang tao, payak ang kahulugan at hindi
gumagamit ng matalinghagang salita.
a. Karunungang-bayan b. kasabihan c. salawikain d. sawikain
20. Akdang maaaring kathang-isip na tumatalakay sa mga pinagmulan ng bagay-bagay sa
daigdig.
a. alamat c. karunungang-bayan
b. epiko d. maikling kwento
21. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?
a. tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw-araw na
pamumuhay.
b. akdang maaaring kathang-isip na pumapaksa tungkol sa mga pinagmulan ng bag
c. isang sandaliang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang
nilalang.
d. kwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha sa daigdig at iba pa.
22. Uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa
dagat.
a. duplo c. karagatan
b. Huego de Prenda d. pamanhikan
23. Alin sa mga tulang patnigan ang gumagamit ng tsinelas bilang palmatorya na ipinapalo sa
palad ng sinomang nahatulang parusahan?.
a. balagtasan b. batutian c. karagatan d. duplo
24. Ano ang kahalagahan ng alamat sa kasalukuyang panahon?
a. Nasasalamin ang kultuta at tradisyon ng mga Pilipino c. Napahahalagahan ang ambag ng
mga ninuno
b. Nalalaman ang mga pinagmulan ng isang bagay d. Lahat ng mga nabanggit
25. Bahagi ng alamat na naglalaman ng mga tauhan, tagpuan, at suliranin.
a. gitna b. konklusyon c. simula d. wakas
26. Ngalan ng batang bida sa alamat ng Mina ng ginto na sinasabing malakas at matapang
sa kanilang nayon
a. Kinto b. Kluto c. Kunto d. Kuto
27. Isang mahabang salaysay na anyong patula na maaaring awitin o isatono.
a. alamat b. epiko c. dula d. kwento
28. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang epiko.
a. nagpapahayag ng emosyon o damdamin
b. pagpapahayag ng maririki't na kaisipan sa maririkit na pananalita.
c. nagtataglay ng kabayanihan ng pangunahing tauhan
d. may iisang kakintalan o impresyon ng mambabasa.
29. Epiko ng mga Bagobo na tumatalakay sa supernatural na kapangyarihan at kabayanihan
ng pangunahing tauhan?
a. Biag-ni Lam-ang c. Maragtas
b. Bidasari d. Tuwaang
30. Ano ang pamagat ng epiko ng mga ilokano na sinulat ni Pedro Bukaneg?
a. Biag ni Lam-ang b. Hudhud ni Aliguyon
c. Maragtas d. Ulalim
31. Epiko ng mga Muslim
a. Bantugan b. Darangan
c. Hudhud d. Maragtas
32. Epiko ng mga Mindanao
a. Bantugan b. Darangan
c. Hudhud d. Maragtas

Basahin ang liham, pagkatapos sagutin ang mga tanong blg. 33-37

1809 Herrera St. Poblacion


Lungsod ng Makati
Ika-7 ng Disyembre, 2012
Mahal kong kaibigan,
Magandang umaga sa iyo. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di-gaanong
masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga
Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Iniisip kong umuwi tuwing pasko. Ibang-iba
talaga ang Pasko sa atin bukod sa mas mahaba ang pagdiriwang, mayroon pang iba’t
ibang activities saan ka man pumunta. Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang
Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang aking mga mahal sa buhay. Inaasahan ko
na hihintayin mo ang tawag ko sa araw na iyon.
Ang iyong kaibigan,
Luisa

33. “Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di-gaanong masaya ang pagdiriwang ng
Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang
aking pinapasukan?” Ano ang tinutukoy ng salitang may salungguhit sa loob ng
pangungusap?
a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing
b. nagpapakita ng katwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon
34. Ano ang tinutukoy ng salitang nakahilig sa loob ng liham?
a.lugar b. pagsang-ayon c. panahon d. paraan
35. “Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang pasko sa bahay at sisikapin kong
tawagan ang aking mga mahal sa buhay.” Alin sa pangungusap ang pang-abay na
panlunan?
a. pasko c. sa bahay
b. mahal sa buhay d. tawagan
36. “ Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di-gaanong Masaya ang pagdiriwang
ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang
aking pinapasukan? Ano ang tinutukoy ng salitang nakasalungguhit?
a. lugar c. panahon
b. pagsang-ayon d. paraan
37. “Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di-gaanong masaya ang pagdiriwang
ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang
aking pinapasukan? Ano ang tinutukoy ng salitang nakasalungguhit?
a. lugar c. panahon
b. pagsang-ayon d. paraan

Panuto: Basahin at unawain ang saknong ng tula. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Di na kailangan sa iyo ng awa


Ng mga tagalog, o inang kuhila
Paraiso naming ang kami’y mapuksa
Langit mo naman ang kami’y madusta

Paalam na ina, itong Pilipinas


Paalam na Ina, Itong nasa hirap
Paalam, paalam, Inang walang habag
Paalam na ngayon, katapusang tawag

Mula sa “katapusang hibik ng Pilipinas


Ni Andress Bonifacio

38. Ilang pantig mayroon ang unang taludtod ng unang saknong?


a. 8 b. 10 c. 12 d. 14
39. Ano ang sukat ng ikalawang saknong?
a. 8 b. 10 c. 12 d. 14
40. Sino ang tinutukoy na ina ng tula?
a. Amerika b. Espanya c. Hapon d. Pilipinas
41. Anong elemento ng tula ang tinutukoy sa mga salitang nakahilis?
a. indayog b. mensahe c. sukat d. tugma
42. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng tula?
a. malungkot b. masaya c. nainis d. natakot
43. Ang mensahe ng saknong ng tula ay nagpapahayag ng _______.
a. pagdurusa b. pagkapoot c. pagkalimot d. pagsisisi
44. Ano ang kahulugan ng salawikaing “Anuman ang tibay ng piling abaka ay wala ring
lakas kapag nag-iisa?
a. pagtitiis b. pagkakaisa c. pakikipagkapwa d. pakikisama
45. Kasama sa gayak di kasama sa lakad
a. Kasabihan b. salawikain c. sawikain d. bugtong
46. Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
a. Kasabihan b. salawikain c. sawikain d. bugtong
47. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
a. Kasabihan b. salawikain c. sawikain d. bugtong
48. Nagtetengang kawali
a. Kasabihan b. salawikain c. sawikain d. bugtong
49. Nagbibilang ng poste
a. Kasabihan b. salawikain c. sawikain d. bugtong
50. Ang tumatakbo ng matulin, pag nasugatan ay malalim.
a. Kasabihan b. salawikain c. sawikain d. bugtong
51. makapal ang bulsa
a. Kasabihan b. salawikain c. sawikain d. bugtong
52. Uri ng paghahambing sa maliit na katangian ng tao at higit na negatibong katangian ang
inihahambing sa pinaghahambingan.
a. di mag-katulad b. magkatulad c. palamang d. pasahol
53. Gumagamit ito ng mga salitang higit, labis, at di-hamak kung ang hinahambing ay mas
malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan,
a. di-magkatulad b. magkatulad c. palamang d. pasahol

III. Panuto: Punan ang patlang ng malaking titik M kung ang pangungusap ay
nabibilang sa Magkatulad at malaking titik DM naman kung Di-
Magkatulad.

54. Di- totoong maraming mga kabataan ang hindi marunong magbasa. ___________
55. Kapwa naghanda si Tony at Kassy sa kanilang pag-uulat sa Filipino. ___________
56. Higit na mabilis tumakbo si Lorenz kay Mario. ___________
57. Kasinglakas ni Tuwaang si Lam-ang. ___________
58. Singtikas ni Tuwaang ang binata ng Sakadna. ___________
59. Tulad ng kanyang ina, siya rin ay mahilig mag-luto._________
60. Di-hamak na mas responsable ang panganay kaysa sa bunso. _________
61. Sila ng kanyang mga kapatid ay kapwa mangaawit._________
62. Ako at ang aking kaibigan ay parehong may puntos ________
63. ako ay labis na nagdadalamhati sa pagkawala ng iyong anak.________

Panuto: Tukuyin ang uri ng pang-abay sa mga sumusunod na salitang may salungguhit

64. Tuwing Pasko ay nagsasalu-salo ang mag-anak sa noche buena.


a. pamanahon b. pamaraan c. pananggi d. panlunan
65. Kung araw ng Linggo ay nagsisimba ang kanilang mag-anak.
a. pamanahon b. pamaraan c. pananggi d. panlunan
66. Maraming nagsasaliksik sa silid-aklatan.
a. pamanahon b. pamaraan c. pananggi d. panlunan
67. Manonood kami bukas ng pagtatanghal sa CCP.
a. pamanahon b. pamaraan c. pananggi d. panlunan
68 . Mabilis na tumakbo ang bata.
a. pamanahon b. pamaraan c. pananggi d. panlunan
69. Natulog siya nang patagilid.
a. pamanahon b. pamaraan c. pananggi d. panlunan

70. Masasarap na ulam ang itinitinda sa cafetorium.


a. pamanahon b. pamaraan c. pananggi d. panlunan
71. Kada isang taon kami umuuwi sa aming probinsya
a. pamanahon b. pamaraan c. pananggi d. panlunan
72. Ako’y pumunta kina Cynthia kahapon upang manghiram ng aklat.
a. pamanahon b. pamaraan c. pananggi d. panlunan
73. Nagmamadaling bumaba si Patricia sa hagdan dahil naiwan niyang bukas ang kalan.
a. pamanahon b. pamaraan c. pananggi d. panlunan
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
pamamagitan ng pagbilog sa titik ng tamang sagot.

74. Ikinalulungkot ko ngunit, ang ating ama ay sumakabilang buhay na.


a. nakulam b. naligaw c. namatay d. nawala
75. Paano natin haharapin ang mga malilikot na kamay kung tayo mismo ay hindi natin mabantayan
ang atin?
a. magnanakaw b. magulo c. mahaharot d. malikot
76. Tignan mo nga yang polo mo, hinahabol ng plantsa eh!
a. butas b. gusot c. madumi d. malinis
77. Maganda sana ang ating buhay ngayon, kung hindi sumakabilang-bahay si tatay.
a. naligaw b. namatay c. nambabae d. nawala
78. Nasa gitna na kami ng byahe ng nagkaroon ng tawag mula sa kalikasan si Chinchin.
a. nadudumi b.nahihirapan c.nagdudusa d. nasusuka
79. Nang mag-isang dibdib si Pedro, lumaki ang kanyang responsibilidad.
a. mag-asawa b. maghiwalay c. mag-nobyo d. magsama
80. Ayaw kong lumabas ng gabi sapagkat maraming halang ang kaluluwa sa aming lugar.
a. mapang-akit b. mapanudyo c. masasama d. siga
81. Ang kapatid ni Peter ay balat sibuyas
a. mahinhin b. maramdamin c. masayain d. tahimik
82. Sana'y walang mga makakati ang labi sa lugar na ito.
a. malikot b. masungit c. matapang d. tsismosa
83. Nakita ko ang asawa mo kasama si pareng Lino, nasagasaan na naman ng bote doon sa
may kanto.
a. nalasing b. naholdap c. naipit d. nasawi

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag kung saan nabibilang. Isulat ang titik
K kung ito ay nabibilang sa katangian ng karagatan, at titik D naman kung
nabibilang sa katangian ng duplo.

84. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang _________.
nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing
85. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring pagkaing-nayon.
_________
86. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kaya naman ay
magsusumbong
ang bilyako sapagkat hinamak ng isang bilyaka._________
87. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan ng dalaga ng
talinghaga.________
88. Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na._________
89. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng
namatay._________
90. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay duplera.________
91. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isangdalaga na
nahulog sa gitna ng dagat.________

92. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.________


93. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ng tabong may tandang
puti._______

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na katangian kung ito ay nabibilang sa alamat o
epiko. Isulat ang titik A kung ito ay katangian ng alamat at titik E naman
kung ito katangian ng epiko.

94. Pagkabuhay na muli ng bayani. ________


95. Pakikipaglaban ng pangunahing tauhan.________
96. Pinagmulan ng mga bagay-bagay ________
97. Pagpaparusa sa tauhang nagkasala ________
98. Punong-puno ng kapangyarihan, pakikipagsapalaran at hiwaga._______
99. Patuloy na pakikidigma ng bayani.________
100. Halos di mapaniwalaan dahil ang tagpuan pawing kababalaghan________

Inihanda ni:

G. RAMIL C. MELO
Guro sa Filipino

Binigyang-pansin ni:

G. JOSE B. MANZANERO JR.


Pang-ulong Guro III
Answer key

1.O 31.A 61.M 91. K


2. E 32. A 62. M 92. K/D
3.I 33. C 63. DM 93. D
4. F 34. C 64. A 94. E
5. J 35. C 65. A 95. E
6. H 36. A 66. D 96. A
7. N 37. A 67. A 97. A
8. A 38. C 68. B 98. A
9.B 39. C 69. B 99. E
10. D 40. D 70. D 100. E
11. M 41.D 71. A
12. G 42. A 72. D
13. K 43. A 73.B
14. L 44. B 74. C
15. C 45. B 75. A
16. A 46.A 76. B
17. C 47. A 77. C
18. D 48. C 78. A
19. B 49. C 79. A
20. A 50.B 80. C
21. C 51.C 81. B
22. C 52. D 82. D
23. D 53. C 83. A
24. D 54. DM 84.,K
25. C 55. M 85. K
26. C 56. DM 86. D
27. B 57. M 87. K
28. C 58. M 88. D
29. D 59. M 89. D
30. A 60. DM 90. D

You might also like