You are on page 1of 156

PAN IT IK A N S A P A N A H ON

NG A M E R IK A N O
Aralin 2.1.2. A. Panitikan: Sarsuwela
“Walang Sugat” ni Severino Reyes
B. Wika: Kaantasan Ng Pang-uri
IPAPANOOD ANG ISANG VEDIO CLIP BILANG
HALIMBAWA NG SARSUWELA
PAGSUSURI HINGGIL SA PINANOOD NA VEDIO CLIP
Maikling Pagsusulit
PAGTUKOY
PANUTO: TUKUYIN ANG HINIHINGI NG BAWAT PAHAYAG.

1. Ang tawag sa mga tao na dalubhasa sa larangan ng


pagsulatng mga dulang itinatanghal.
2. Ito ang tawag sa unang grupo ng mga pilipinong
sarsuwelista sa pilipinas.
3. Namulaklak ang sarsuwela sa panahon ng
mga______________.
4. Unti-unting nanghina ang sarsuwela ng dumating ang
___________ o stage show.
5. Siya ang tinaguriang Reyna Ng Sarsuwela.
6. Elemento ng sarsuwela na nagbibigay kongklusyon sa
mga pangyayari sa mga tauhan at sa kabuuan.

7. Elemento ng sarsuwela na tumutukoy sa panahon o


pook kung saan naganap ang pangyayari sa dula.

8. Siya ang tinaguriang Ama Ng Sarsuwelang Tagalog.

9. Ito ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad


saa espanya noong ika-17 siglo.

10. Ito ang pinakalayunin ng Sarsuwela.


SUSI SA PAGWAWASTO
SUSI SA PAGWAWASTO:

1. Mandudula/ Dramatista
2. Teatro Fernandez
3. Amerikano
4. Bodabil
5. Atang De La Rama
6. Wakas
7. Tagpuan
8. Severino Reyes
9. Sarsuwela
1o. Itanghal Sa Tanghalan O Entablado
PANITIKAN:

WALANG SUGAT
NI SEVERINO REYES
GAWAIN: HANAP SALITA
Panuto: Hanapin sa hanay B ang kasingkahulugan ng mga salitang makikita sa
hanay A. pagkatapos gamitin ito sa pangungusap.
A B
___1. Burda A. makinang ginagamit sa pag-uukit
___2. Lalik B. apihin
___3. Bastidor C. bulgar na tawag sa pari
___4. Among D. disenyong sinulid na itinatahi sa
tela
___5. Maglilo E. magtaksil
F. mga kagamitan sa pagbuburda
SUSI SA PAGWAWASTO:

1. Burda - d. disenyong sinulid na itinatahi sa tela


2. Lalik- a. makinang ginagamit sa pag-uukit
3. Bastidor- f. mga kagamitan sa pagbuburda
4. Among – c. bulgar na tawag sa pari
5. Maglilo- e. magtaksil
PANITIKAN:

WALANG SUGAT
Ni Severino Reyes

Tanong: Ano ang iyong hinuha hinggil sa


pamagat?
Walang Sugat
Severino Reyes (1898)
Buod Batay Sa Pineda (1979)

Unang Yugto
1. Nagbuburda ng mga panyolito si Julia. Darating si Tenyong.
Magkakayayaang magpakasal ang dalawa.

2. Darating si Lucas at ibabalitang dinakip ang ama ng binata.


Magpapaalam ang binata para sundan ang ama. Sasama si Julia ang inang
nitong si Juana.

3. Maraming dumadalaw sa mga dinakip. Inaalipusta sila ng mga kura.


Tinatawag silang filibuster at mason. May hindi na makakain sa dinanas
na hirap. May namatay na.
4. Naroon si kapitana Puten, ang ina ni Tenyong, na ibig makita ang
asawang Kapitan Inggo bugbog na sa palo.

5. Darating si Tenyong. Hindi siya hahalik sa kamay ng kura. Kagagalitan


ito ng ina. Sinabi ng binatang “ang mga kamay na pumapatay sa
kapwa ay hindi dapat hagkan.”

6. Isusumpa ni Tenyong na papatay siya ng mga kura kapag namatay si


Kap. Inggo. Mamamatay nga ang matanda. Magyayaya si Tenyong ng
mga kasama na magsikuha ng baril at gulok. Makikiusap si Julia na
huwag ituloy ni Ten yong ang balak dahil nag-iisa na ang ina ng binata.
Sasalakayin parin nina Tenyong ang mga kura.
Ikalawang Yugto
7. May manliligaw si julia na Miguel ang pangalan. Mayaman. Bugtong
na anak.

8. Nag-usap na ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel tungkol sa


pagpapakasal ng dalawa. Hindi alam ni Juana ang tungkol kay julia at
Tenyong. Magpapadala ang dalaga ng liham kay Tenyong sa tulong ni
Lukas.

9. Si Tenyong ay kapitan ng mga mga manghihimagsik. Walang takot sa


labanan. Matatagpuan din ni Lucas ang kuta nina Tenyong. Ibibigay ang
sulat ng dalaga. Isinasaad doon ang araw ng kasal nila Miguel.
10. Sasagutin sana ni Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.
Maghahhandang lumaban ang mga katipunero.

IKATLONG YUGTO

11. Sinabi ni Lucas kay Julia kung bakit hindi natugunan ni Tenyong ang
kanyang liham. Nagbilin lamang ito sa araw ng kasal.

12. Habang nanliligaw si Miguel kay Julia, si Tenyong parin ang nasa isip
ng dalaga. ayaw niyang makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan pa
siya ng ina.

13. Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana.


14. Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia
kay Lukas na tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni
Lukas kung nasaan sina Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kundi ang
magpakasal o magpatiwakal..

15. Pinayuhan ni Lucas si Julia na kapag itatanong nang pari kung iniibig
nito si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang “hindi po!” ngunit
tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loo bang
kanyang ina.

16. Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong


na sugatan, nasa punto ng kamatayan. Ipinatawag ng Heneral ng mga
katepunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong.
17. Pinakingggan ng kura ang kumpisal ni Tenyong. may huling
kahilingan ang binata- na sila ni Julia ay makasal bago siya
mamatay. Galit man si Juana ay pumayag ito. Pumayag din si
Tadeo dahil sa sandali na lamang at puwede na uling ikasal si
Julia at ang kanyang anak.

18. Ikinasal sina Julia at Tenyong. Babangon si Tenyong mula sa


pagkakahiga at … “walang sugat” sigaw ni Miguel. At
gayundin ang isisigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng heneral
at ni Tenyong ang buong eksena.
Susunod naman ang isang sipi mula sa
ikalawang tagpo ng unang yugto. Para
malasap mo rin ang aktuwal na tunog g
dula.
WALANG SUGAT
Severino Reyes (1898)
Buod Batay Sa Pineda (1979)
II TAGPO
(Tenyong At Julia…)
salitain
Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…

Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang


pagkakayari, nakakahiya…

Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko hihipuin, ganoon lang?…ay…

Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.


Tenyong: (tangan si Julia sa kamay) ang daliri bang ito na
hubog kandila, na anaki’y nilalik na maputing garing,
ay may yayariin kayang hindi mainam? hala na, tingnan ko lamang.

Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.

Tenyong: (nagtatampo) ay!…

Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (hindi sasagot). masama ka


palang mapagod.

Tenyong: Masakit sa iyo!


Julia : (sarili) nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong… (sarili) nalulunod pala ito
sa isang tabong tubig!

Tenyong: ay!

Julia : (sarili) anong lalim ng buntong hininga! (biglang ihahagis ni julia


ang bastidor).

(sarili) lalo ko pang pagagalitin!

Tenyong: (pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (luluhod)


patawarin mo ako; hindi na ako nagagalit…

Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. laking bagay!


Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at
nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.

Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…

Tenyong: Sinungaling! at kaninong pangalan ito? A. Antonio; N.


Narciso, At F. Ay Flores.

Julia : Namamali ka, Hindi mo pangalan iyan.

Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?

Julia : Sa among! iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.


Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at F?

Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay among, ang N, natin at ang F, ay frayle.

Tenyong: Among nating frayle, laking kaalipustaan! huwag mo akong aglahiin


nang tungkol sa mga taong iyan at madaling magpanting ang tainga ko.

Julia : Nakaganti na ako! (dudukutin ni tenyong sa kanyang bulsa ang


posporo at magkikiskis maraming butil at nang nag-aalab na magsasalita.)

Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? kapag hindi
ko sinilaban, ay ….sinungaling ako…mangusap ka. susulsulan ko na? (anyo
nang sisilaban).
MUSIKA NO. 2
Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.

Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang


galit at di mapigilan.

Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni satan, ang panyong iyan ay


talagang iyo, sampu ng nagburdang si juliang iniirog mo.

Tenyong: Salamat, salamat, juliang poon ko.

Julia : Oh, Tenyong ng puso, oh, Tenyong ng buhay ko.


Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di
mapawi paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag
malimutan sa tuwi-tuwi…

Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin.

Julia : Tayo’y dumulog sa paa ng altar.

Tenyong: Asahan mo.

Sabay : Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari di


na mamamatay sa piling mo oh! (tenyong) niyaring buhay (Julia)
di na maalaalang may kabilang buhay…. (lalabas si Juana).
PASALITANG PAGSAGOT:

1. Sa anong panahon at saan naganap ang kuwento?


2. Ilarawan sina Tenyong at Julia at ang kanilang
relasyon.
3. Anong dalawang pag-ibig ni Tenyong ang humihila sa
kanya sa magkabilang direksyon?
4. Ano ang nangyari sa tatay ni Tenyong na si kapitan
Inggo? Ano-anong pagpapahirap ang naranasan niya sa
kamay ng mga prayle?
5. Tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo
nito ang anak sa isang lalaking mayaman ? Kung ikaw
ang nasa sitwasyon ni julia, papayag ka ba sa pasiya
ng iyong ina? bakit?.

6. Angkop ba ang pamagat na walang sugat sa akda?


bakit?

7. Tama ba na magtanim ng galit si Tenyong sa mga


pari? ipaliwanag.
8. Makatarungan ba ang panlilinlang na ginawa nina
tenyong para maikasal sila ni julia? bakit o bakit hindi?

9. Ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng ligawan sa


dula at ligawan sa kasalukuyang panahon? alin ang mas
ibig mo?
PAGSASADULA
Isadula ang una at ikatlong yugto ng dulang “Walang
Sugat”.

Pamantayan Sa Pagmamarka:
A. Makatotohanan Ang Pagganap Ng Mga Tauhan----------5pts.
B. Organisado Ang Paglalahad Ng Mga Pangyayari---------5pts.
C. Saulado Ang Mga Linyang Babanggitin----------------------5pts.
D. Kahandaan Ng Iskript----------------------------------------------5pts.
E. Props/Kagamitan-----------------------------------------------------5pts.
F. Presentasyon-----------------------------------------------------------5pts.

30pts.
PAGSUSURI:

• Base sa inyong pagsusuri, ilahad ang pagkakasunod-


sunod ng pangyayari ng dulang “WALANG SUGAT”.
• Maayos ba ang pagkakasalaysay ng dula? ipaliwanag.
• Paano mo masasabing mahusay ang paglalahad ng
isang dula?
PANGKATANG GAWAIN:

• Bumuo ng 4 na pangkat.
• Isalaysay muli ang binasang dula base sa
pagkakasunod sunod na pangyayari nito.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

a. Maayos at sunod-sunod ang paglalahad ng mga pangyayari----


5pts.
b. May panimula, gitna at wakas------------------------------------------5pts.
c. Kaisahan ng mga pangugusap/talata----------------------------------
5pts.
d. Kawastuahan ng gramatika/paggamit ng mga bantas------------
5pts
e. Kooperasyon----------------------------------------------------------------5pts.

25pts.
INDIBIDUWAL NA GAWAIN

Sagutin ang gawain 2.1.1. Story Board. Ibuod ang


sarsuwela sa tulong ng sumusunod na story board. Isulat
ang bilang 1-10 bilang tanda ng pagkakasunod-sunod
ng pangyayari. Isulat sa ¼ na papel.
___a. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal.
___b. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong.
___c. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong.
___d. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel.
___e. Namatay si kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas.
___f. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni kapitana Putin at
pagpapakasal niya kay Miguel.
___g. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw ng
“Walang Sugat”.
___h. Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia.
___i. Hinuli ng mga boluntaryo ng Sta. Maria si kapitan Inggo.
___j. Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang mapalaya
ang inang-bayan.
SUSI SA PAGWAWASTO
9 a. sugatang dumating si tenyong sa kasal.
8 b. naisipan ni julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni tenyong.
5 c. binuburdahan ni julia ang panyong ibibigay kay tenyong.
4 d. ipinagkasundo ni juana si julia kay miguel.
2 e. namatay si kapitan inggo dahil sa sobrang palo na dinanas.
6 f. sinulatan ni julia si tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni kapitana
putin at pagpapakasal niya kay miguel.
10 g. matapos ang kasal ay bumangon si tenyong at ang lahat ay napasigaw
ng “walang sugat”.
7 h. ibinilin ni tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni julia.
1 i. hinuli ng mga boluntaryo ng sta. maria si kapitan inggo.
3 j. si tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang
mapalaya ang inang-bayan.
PAGSUSUSRI:

• Ilahad ang mga tauhan mula sa binasang dula


• Paano mo mailalarawan ang pangunahing tauhan na si
Julia?
• Paano siya naiiba sa kababaihan sa kasalukuyan?
Gamit ang Venn Diagram, ipakita ang pagkakatulad at pagkakiba ni julia
sa kababaihan sa kasalukuyan. Isulat sa kalahating papel ang sagot. Gayahin
ang pormat.
NAGKAROON NG PANGKATANG GAWAIN BILANG PANGWAKAS NA PAGTATAYA NG SARSUWELA.

SAGUTIN ANG MGA GABAY NA TANONG.


PANIMULANG GAWAIN

Basahin at suriin ang mga nakadiing salita sa bawat


pangungusap. Humanda para sa sumusunod na katanungan.

1. Ang makulay na guryon ay magandang pagmasdan.


2. Magkamukha talaga ang magkapatid na iyon.
3. Higit na matalino si Jhon kaysa kay Jason.
4. Si mang kanor ang pinakamayan sa aming lugar.
5. Talagang napakahirap magtrabaho sa ibang bansa.
PAGSUSURI

1. PANSININ ANGMGA SALITANG MAY DIIN SA PANGUNGUSAP, NAKIKILALA MO BA ANG MGA ITO?
2. MASASABI MO BA ANG KAANTASAN/KASIDHIAN NG MGA SALITANG ITO?
3. PAANO NAGKAKAIBA ANG ANTAS NG MGA SALITANG ITO?
PANG-URI
PANG-URI

•Ang tawag sa mga salitang naglalarawan o


nagbibigay-turing sa mga pangngalan o
panghalip.
•Ito ay may kaantasan o kasidhian.
Kaantasan Ng Pang-uri

1. Lantay
2. Pahambing
A. Magkatulad
B. Di-magkatulad
*Pasahol
*Palamang
3. Pasukdol
KAANTASAN NG PANG-URI

1. Lantay
• Itoay naglalarawan lamang ng isa o payak na
pangngalan at panghalip.
Halimbawa:

1. Maunawain ang kuya ko.


2. Malambot ang kama na nabibili naming.
2. Pahambing

• Ang pang-uring ginagamit sa pagtutulad ng dalawang


pangngalan o panghalip. Ito ay may dalawang uri:
A. Magkatulad
B. Di-magkatulad
*Pasahol
*Palamang
A. Magkatulad

Ginagamitan ang panlaping magka-/


sing-/ magsing-/ kasing/
magkasing-/;maaaring ring gamitin ang
tulad, pares, gaya, para, kahawig, kamukha
o kawangis.
Halimbawa:

1. Magkasingtalino ang magkapatid.


B. Di-magkatulad

Ang paghahambing kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait,


pagtanggi, o pagsalungat.
1. Palamang- may higit na positibong katangian ang inihahambing
sa bagay na inihahambing. Naipapakita ito sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salitang lalo, higit, di-hamak, mas, at iba
pa.
Halimbawa:
Ang ganitong panuntunan ay maaaring maging daan ukol sa
lalong maunlad na kabuhyan.
2. Pasahol

Kapag may higit na negatibong katangian ang


pinaghahambingan. Gumagamit ng di-gaano, di-
gasino, di-masyado.
Halimbawa:
Di-gaanong istrikto ang anak kompara sa ama.
3. Pasukdol

• Nasa pinakadulong digri ang kaantasan ng pasukdol.


• Ito ay maaaring positibo o negatibo.
• Ang paglalarawan ay masidhi kung kaya maaaring
gumamit ng mga katagang sobra, ubod, tunay,
talaga, saksakan, hari ng_____, at kung
minsa’y pag-uulit ng pang-uri.
Halimbawa:

Pinakamaganda ang panuntunang ito na


nagbigay-daan sa lalong maunlad na kabuhayan.
Halimbawa:

1. Bagung- bago ang damit niya.


2. Sakdal init ng siakt ng araw.
3. Napakatalino talaga ng mga estudyante ko.
4. Katamis-tamisan ng lansones ngayon.
Salungguhitan ang mga pang-uring makikita sa bawat
pangungusap at isulat sa patlang ang kaantasan
nito( Lantay, pahambing o Pasukdol)

_____1.Ang aking magulang ay ubod ng mapagmahal.


_____2.Simple lamang ang aming buhay ngunit masaya
_____3.Ang aking ina ay masasabi kong ulirang ina.
_____4.Ang aking ama ay saksakan ng sipag.
_____5.Mataas na mataas ang pagtingin ko sa kanila.
6. Magsimbait ang aking nanay at tatay.
7. Higit na maganda ang relasyon naming magpapamilya
pagkatapos ng naganap na trahedya sa amin.
8. Nagkaroon ako ng bagong kaalaman kung paano ko
mapapaunlad ang aking buhay.
9. Di na gaanong magulo ang aking isip tungkol sa mga bagay
na nais kong mangyari sa aking buhay.
10. Ang maliit na tampuhan ay madaling nalulutas sa ngayon
PANGKATANG GAWAIN:

• Bumuo ng 4 na pangkat. Gamit ang kaantasan ng


pang-uri, pumili at bumuo ng sumusunod na gawain:
tula, pagkukuwento, patalastas,
awit/jingle. Salungguhitan ang mga pang-uring
ginamit. Itala sa ibaba ang mga pang-uri at tukuyin
ang kaantasan nito.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

A. Nagagamit ang kaantasan ng kaantasan


ng pang-uri sa inilahad na gawain-----------------5pts.
B. Kawastuhan ng gramatika at paggamit
ng bantas---------------------------------------------------5pts.
C. Orihinalidad----------------------------------------------------5pts.
D. Presentasyon-------------------------------------------------3pts.
E. Kooperasyon--------------------------------------------------2pts.

20pts.
PANIMULANG GAWAIN:
Basahin at suriin ang sumusunod na paglalahad. At humanda sa
inilaang katanungan.

Kahirapan sa Pilipinas
Akda Ni Ghie

Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na


problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling
pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang
may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad?
Sabi nga nila, “katamaran ay katumbas ng
kahirapan”. Tama sila, at tama rin naman ang mga taong
nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng
karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala
silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong
nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin
natin sila masisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa
isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa
napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa
isang araw. Pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin
na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.
Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng
mga pinuno ng ating bansa, ang pagbubulsa sa kaban ng
bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng
mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili
nilang interes. Sapat ang suweldo ng mga pinuno ng ating
bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang
pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila.
Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang
ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang
nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para
lang makabili ng nfa rice, mataas pa rin singil sa gasolina, sa
kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo
ng isang empleyado lamang.
Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng
mamamayan ang naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang
ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan kaysa idagdag sa
sweldo ng mga empleyado, isang malaking kamalian sa parte
ng mga pinuno.
Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging
iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng paninindigan.
Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga
batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata
ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na
limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na
bata ang makikita natin.
Kung pinag-aaral lamang sila ng kanilang magulang,
malamang ay magkakaroon sila ng magandang kinabukasan.
Bumabalik na naman dito ang kadahilanang wala silang
trabaho, pero may mga programa ang ating pamahalaan,
maging ang local, para sa libreng pag-aaral, pero mukhang
hindi nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila
nakaka-pagaral, at ibabalik na naman ang sisi sa gobyerno.
Ang katotohanan ay tayo mismo ang dahilan ng ating
paghihirap, tayong mga mamamayan ng bansa natin. Kung
sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang ay
mababagao rin natin ang antas ng ating pamumuhay,
pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago
para sa ikauunlad nating lahat.
PAGSUSURI:

• Tungkol saan ang binasang paglalahad?


• Magbigay ng mahahalagang kaisipan na nakapaloob
dito at ipaliwanag.
• Paano ipinaliwanag at napalawak ng may-akda ang
paglalahad hinggil sa paksa?
• Napapanahon ba ang paksa ng binasang paglalahad?
• Kung ikaw ang susulat ng isang napapnahong usapin,
anong paksa ang iyong isusulat?
• Anong uri ito ng akdang pampanitikan?
SANAYSAY
Ano Ang Sanaysay?

• Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang


komposisyon na kadalasan ay naglalaman ng pananaw
o kuro-kuro ng may-akda.
• Saganitong paraan, naipapahayag ng may-akda ang
kanyang damdamin sa mga mambabasa.
• Isarin itong uri ng pakikipag-komunikasyon na ang
layunin ay maipabatid ang iyong saloobin sa isang
makabuluhan at napapanahong paksa o isyu.
2 Uri Ng Sanaysay

•Ang Pormal
•Di-pormal o Pamilyar
1. PORMAL
• Tumatalakay ito sa mga siryosong paksa na
nagtataglay ng masusing pananaliksik ng sumulat.
• kadalasan itong nagbibigay ng impormasyon tungkol sa
isang tao, bagay, lugar o pangyayari. ang tono nito ay
siryoso at walang halong biro.
• isang uri ng pormal na sanaysay ang editoryal sa mga
pahayagan.
• ito ay tungkol sa opinyon ng sumulat sa mga maiinit na
balita.
2. Di-Pormal

• Itonaman ay tumatalakay sa mga paksang karaniwan,


personal at pang-araw-araw na nagbibigay-lugod o
mapang-aliw sa mga mambabasa.
• Binibigyan diin nito ang mga bagay-bagay at karanasan ng
may akda sa isang paksa kung saan mababakas ang
kanyang personalidad na para bang nakikipag-usap lamang
siya sa isang kaibigan kaya naman ito ay madaling
maintindihan.
• sa
madaling sabi, tungkol sa damdamin at paniniwala ng
may akda ang paksa ng di-pormal na sanaysay.
Mga Bahagi Ng Sanaysay

Mayroon itong tatlong bahagi:

1. Ang simula o panimula


2. Gitna o katawan
3. Wakas.
Mga Bahagi Ng Sanaysay

1. Simula / Panimula

• Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito


nakasalalay kung ipagpapatuloy ng mambabasa ang
kanyang binabasa.
• Sasimula pa lamang ay dapat mapukaw na ng may-
akda ang damdamin ng mga mambabasa.
Halimbawa Ng Panimula:
2. Gitna / Katawan

• Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos


tungkol sa paksang isinulat ng may-akda.
• Malaman ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng
mabuti dito ang paksang tinatalakay o pinag-uusapan.
3. Wakas

• Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap


sa gitna o katawan ng sanaysay.
• Dito rin nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na
maisakatuparan ang mga tinalakay sa paksang pinag-
usapan.
Halimbawa Ng Wakas:
GAWAIN 2.2.1.F: BALITA MO, ISUSULAT KO

Pangkatang Gawain:

• Bumuo ng 4 na pangkat. Sumulat ng isang sanaysay na


maaaring sa anyong pormal o pamilyar mula sa
napanood na bagong balita sa telebisyon o sa mga
balitang dokumentaryo. Malaya kang pumili ng
anomang paksa sa napanood. Isulat sa short bond
paper.
Krayterya Sa Pagmamarka:

a. Malinaw at maayos na nailalahad ang opinyon o kuro-kuro


hinggil sa paksa-----------------------------------------------------------------
5pts.
b. Makatotohanan----------------------------------------------------------------------5pts.
c. Kaisahan ng salita, pangungusap at talata--------------------------------5-pts.
d. Nasusunod ang bahagi ng sanaysay-----------------------------------------3pts.
e. wastong gamit ng gramatika at bantas--------------------------------------
2pts.

20pts.
PAGTATAYA:

Indibiduwal Na Gawain:
• Base sa natalakay na mga uri ng sanaysay, sumulat ng
isang paglalahad hinggil sa napapanahong isyu o
usapin mula sa inyong Barangay o Munisipalidad.
Malayang pumili ng inyong magiging paksa. Lagyan ito
ng mahusay na pamagat.
Gawaain: Pumuili ng 5 sa mga uri ng sanaysay na binanggit at
tukuyin ang katangian ng bawat isa. Isulat ang iyong sagot sa
talahanayang makikita sa ibaba. Isulat sa kalahating papel.
MGA URI NG SANAYSAY MGA KATANGIAN NG BAWAT
ISA
1.

2.

3.

4.

5.
Wikang
Pambansa
Manuel L. Quezon
• Si Pangulong Manuel Luis Quezon ay isinilang noong ika
19 ng agosto taong 1878 sa Baler, probinsya ng
Tayabas (na ngayon ay Aurora).
• Ang kanyang ama ay si Ginoong Lucio Quezon at ang
kanyang ina naman ay si Ginang Maria Molina.
• Ang kanyang magulang ay kapwa guro.
• Si Manuel Luis Quezon ay kilala bilang “Ama Ng
Wikang Filipino.” tinagurian ding “Ama Ng
Republika Ng Pilipinas”.
• bilang karagdagang detalye panoorin ang isang vedio clip
tungkol sa talambuhay ni Manuel L. Quezon.

• Magtala ng mga mahahalagang detalye at humanda para sa


paglalahad sa klase.
PAGLINANG NG TALASALITAAN:

Dayalek ang wikang ito ang nagbubuklod sa atin bilang mamamayan ng basang
pilipinas
Wika ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga
tao
Wikang pambansa mula sa isang partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang
Dalubhasa partikular na lugar tulad ng lalawigan , rehiyon o bayan.
ito ay behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon na
epektibong
ginagamit.
Katutubong wika ito ang wikang natutuhan ng isang tao mula nang kanyang
kapanganakan.
Tagapagsalin taong may kakayanang makaunawa sa kahulugan ng isang wika at
ihayag ito
sa ibang wika
Wikang Pambansa
Manuel L. Quezon

Tanong: Ano ang inyong hinuha tungkol sa


pamagat?
Wikang Pambansa
Manuel L. Quezon

Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika


ng pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika
ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga
katutubong wika.
Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o
pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa
kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang
pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit
hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang
kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay na
pambansang kamalayan. Hindi maaring magkaroon ng
pambansang kamalayan kung saan walang wikang
ginagamit ng lahat.
Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang
kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo
ako. Ako ang pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan
sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag
ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang
aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng
tagapagsalin. nakakahiya, hindi ba?
Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles
sa mga paaralan at itataguyod ko rin ang pagpapatuloy
ng kastila. Subalit dumating na ang panahon upang
magkaroon tayo ng isang wikang pambansa. Ang
suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang
pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya,
Bisaya.
Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga
dalubhasa sa iba't-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang
katutubong wikang pinakamainam gamitin, mangyan
ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang
ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral
ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika
para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng
lahat.
PANGKATANG GAWAIN:

Bumuo ng 2 pangkat:
• Unang pangkat:Ilahad ang paksang –diwa sa
binasang sanaysay at ipaliwanag.
• Ikalawang pangkat: Maglahad ng mahahalagang
kaisipan mula sa binasang sanaysay at ipaliwanag
Gawain 2.2.1.C: Sa Antas Ng Iyong Pag-unawa
Isulat ang sumusunod na mga tanong at ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang


pilipinas?
2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na nakasulat nang pahilig: “kailangang
magkaroon ng sariling wika ang pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga
katutubong wika.”
3. Kung ikaw ay nasa katayuan ni dating Pangulong Quezon, tulad din ba ng
kaniyang desisyon ang iyong gagawin upang magkaroon tayo ng isang wikang
pambansa? Bakit?
4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya ang mga pilipino sa paggamit ng
wikang pambansa? magbigay ng sitwasyon batay sa sariling karanasan o ng
ibang taong nakapaligid sa iyo.
5. Bilang isang kabataan, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wikang
pambansa?
• IPARINIG ANG AWITING AKOY PINOY BILANG PAG-UUGNAY NG ARALIN
• HUMANDA PARA SA INILAANG KATANUNGAN
Katanungan:
• Pakinggan ang awiting Ako’y Isang Pinoy. Ilahad ang
pangunahing ideya sa awit na ito.
• May kaugnayan ba ang awit na ito sa talumpati ni
Manuel L. Quezon?
• Sa damdaming namamayani sa iyo tungkol sa wika,
ihambing ito sa damdaming namamayani sa awit.
• Bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang
piiipinas?
Panimulang Gawain:

Bumuo ng 5 pangkat. Sumulat ng isang paglalahad gamit ang


sumusunod na paraan. Malayang pumuli ng kahit anong paksa.

Unang Pangkat: Pag-iisa-isa Ikaapat Na Pangkat: Sanhi At


Bunga
Ikalawang Pangkat: Paghahambing Ikalimang Pangkat: Pagbibigay Ng

Halimbawa
Ikatlong Pangkat: Pagsasalungatan
Pagsusuri:

• Tungkol saan ang inyong isinulat?


• Paano ninyo nailahad ang inyong paksang isinulat?
• Paano nagkaiba-iba ang inyong paglalahad?
• Ano kaya paksang pag-aaralan natin ngayon?
WIKA:
Iba’t Ibang Paraan Ng
Pagpapahayag
(Paglalahad)
Iba’t Ibang Paraan Ng Pagpapahayag
(Paglalahad)

1. Pag-iisa-isa
2. Paghahambing At Pagsasalungatan
3. Pagsusuri
4. Sanhi At Bunga
5. Pagbibigay Ng Halimbawa
Ano ba ang kahulgan ng
Paglalahad?
Iba’t Ibang Paraan Ng Pagpapahayag (Paglalahad)

• Angpaglalahad ay nagpapaliwanag, nagbibigay-kaalaman o


pakahulugan, at nagsusuri upang lubos na maipaunawa ang
diwang inilalahad o nais ipaabot ng nagsasalita o sumususat.
• Maaring ito ay tumutugon sa mga katanungan kung ano ang
katuturan ng isang salita o bagay, kung paano ang
pagsasagawa ng isang bagay, kung ano ang kakanyahan ng
isang layunin o simulain.
• Upang mabigyang–linaw ang pagpapahayag ay ginagamit ang
iba’t ibang pagpapaliwanag.
1. Pag-iisa-isa

• Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan


o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos na
paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang
pagkakasunod-sunod ng mga ito.
• Dito
ay malinaw na naipapakita ang mga dahilan at
bunga ng mga pangyayari
2. Paghahambing at Pagsasalungatan

• Ginagamitang paraan na ito sa paghahambing ng


magkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-bagay.
• Ang paraang ito ang pinakamalimit na gamitin.
3. Pagsusuri

• Saparaang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-


bagay na nakaaapekto sa isang sitwasyon at ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
4. Sanhi At Bunga

• Tinatakayrito kung ano ang sanhi o dahilan at kung


ano-ano ang kinalabasan.
• Saparaang ito madaling maikintal sa isipan ng
mambabasa o nakikinig ang mga pangyayari
5. Pagbibigay Ng Halimbawa

• Ito’y nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa


pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay
madaling makumbinsi o mahikayat ang nagbabasa o
nakikinig.
• Siguraduhin lamang na tiyak o makatotohanan ang
ibibigay na halimbawa.
HALIMBAWA:

Ang Pagpapaliwanag
ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay
paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o
pangyayari. Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan,
dayagram, o flowchart na may kasamang mga paliwanag.
Halimbawa nito’y ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto
tulad ng paru-paro, palaka, at iba pa.
Indibiduwal Na Gawain: Gumawa ng simpleng paglalahad o
pagpapahayag tungkol sa wikang filipino gamit ang mga paraang
nakatala sa ibaba.

• Pagiisa-isa (Katangian Ng Wikang Filipino)


• Paghahambing At Pagsasalungatan (Ang Wikang Ingles At
Wikang Filipino)

• Pagsususuri (Ang Labis Na Pagtangkilik Sa Wikang Ingles Kaysa


Sa Wikang Filipino)

• Sanhi At Bunga (Pagmamalaki Sa Sariling Wika)


• Pagbibigay Ng Halimbawa (Mga Pilipinong May Pagpapahalaga
Sa Wikang Pambansa)
INDIBIDUWAL NA GAWAIN:
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa isa sa mga isyu o
paksang nakatala sa ibaba. Kailangang maipakita mo ang iba’t
ibang paraan ng bubuoing sanaysay.Salungguhitan ang
bahaging nagpapakita ng iba’t ibang paglalahad. Pumili
lamang ng isang paksa.

• Pagkamakabayan
• Hindi Pantay Na Karapatan Ng Mayayaman At Mahihirap
• Pagpapahalaga Sa Wikang Filipino
• Mababang Pagtingin Sa Mga Manggagawa
• Nipotismo O Palakasan System

You might also like