You are on page 1of 10

8

FILIPINO
KUWARTER 2 – MODYUL 4
Piling Akda sa Panahon ng Amerikano,
Komonwelt at sa kasalukuyan

SARSUWELA
“WALANG SUGAT”
ni:SEVERINO REYES

1
ARALIN 8
SARSUWELA
“Walang Sugat”
ni: Severino Reyes

INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
• Naipahahayag ang pangangatuwiran sa sariling alternatibong solusyon
o prosisyon sa suliraning inilahad sa tekstong binasa
• Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan,
kasingkahulugan at kasalungat ng malalim na salitang ginamit sa akda
• Nasusuri ng pasulat ang papel na ginagampanan ng mga Pilipino sa
kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa

Unang Pagsubok
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ano ang sarsuwela bilang isang akdang pampanitikan?


a. Ito’y pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula
b. Ito’y isang dulang musikal
c. Ito’y pinangyarihan ng mga bagay
d. Ito’y may simula, katawan at wakas

_____2. Si Severino Reyes ang siyang may-akda ng “Walang Sugat”. Ang naturang
akda ay itinuturing na___.
a. Sarsuwelang pumatay sa komedya
b. Isang obra-maestro
c. Naisulat ang ikalawang yugto sa panahon ng mga Amerikano
d. Isang panooring di tinangkilik

_____3. Alin sa mga sumusunod ang pinapaksa ng “Walang Sugat” ?


a. Kapangyarihan ng pag-ibig
b. Kapangyarihan ng mga magulang
c. Kapangyarihan ng mga dayuhan
d. Kapangyarihan ng mga Pilipino

_____4. Paano sinimulan ang unang yugto ng sarsuwelang “Walang Sugat”?


a. Sa pamamagitan ng salitaan o usapan
b. Sa pamamagitn ng pag-awit
c. Sa pamamagitan ng sayawan
d. Lahat ng mga nabanggit sa itaas

_____5. Nakaramdam ng pagkasiphayo si Julia nang magpaalam sa Teňong na


magfifilibustero. Ang salitang pagkasiphayo ay nangangahulugang____.
a. Kalungkutan b. karamdaman c. pagkabalisa d. pagkaawa
Balik Tanaw
Kumusta na? Sana’y di ka pa rin nababagot sa pagsagot ng iyong modyul.
Dalangin ko rin na sana ay may natutuhan ka sa mga modyul.
Kaya’t, muli nating tayain ang iyong natutunan sa nakaraang modyul: “Pagsang-
ayon at Pasalungat”. Umpisahan natin.

Panuto: Magbigay ng sariling ideya o pananaw hinggil sa pagpili ng magulang sa


mapapangasawa ng anak. Gamitin ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng
pasang-ayon at pagsalungat sa inyong ibinigay sa bahaging ito.

Sumasang-ayon ako na may May punto ka subalit


karapatan ang magulang na nangangamba ako na…
pumili ng mapapangasawa ng ___________________________
kanilang anak dahil nakikita niya ___________________________
sa mapapangasawa na magiging
maganda ang kinabukasan ng
anak. Hindi ako sumasang-ayon kasi…
__________________________
__________________________
Sa tingin ko, tama …
__________________________
Naniniwala ako na…
__________________________
__________________________
__________________________

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN


Sa Modyul na ito ay ating malalaman na ang bawat isa’y maaaring maging
bayani kung ang pag-ibig sa Diyos, kapuwa at bayan ay sa ating puso’y patuloy na
naghahari.malalaman din natin kung ano ang isa pang akdang pampanitikan na
lumaganap sa Panahon ng mga Amerikano; ang Sarsuwela at ang isang Obra-
Maestro; ang Walang Sugat.
Sarsuwela
Ang sarsuwela ay isang uri ng dula na ang ilang bahagi ay pakanta at ang ilang
bahagi ay pasalita na maaring hinango lamang ng mga Kastila sa Operang Italyano.
Nang ito ay ipakilala sa Pilipinas, maraming naakit sa anyong ito ng dula. Kabilang sa
mga ito sina Severino Reyes, Pedro Paterno, Aurelio Tolentino, Juan Abad, at iba pa.
katunayan, hindi lamang mga taga-Maynila ang naganyak kumatha a magtanghal nito
kundi maging sa Pampanga, ito’y pinamulaklak ni Juan Crisostome Soto; Cebu, ni
Amando Navarette Osorio; sa Iloilo; sa Ilocos; at sa iba pang lalawigan. Tinatawag din
itong soap opera dahil pawang tungkol sa damdamin ng tao, lalo na sa pag-ibig, ang
tampok dito. Ang bahaging usapan ay nasusulat sa tuluyan, samantalang ang
bahaging awitan ay nasusulat ng patula.
Halaw sa: Panitikang Pilipino, Antolohiya ni Jose A. Arrogante,
National Book Store, 1983,p.97

Mga Elemento ng Sarsuwela


1. Iskrip- nakasasalay sa iskrip ang pagtatanghal ng sarsuwela. Nakasulat sa
iskrip kung aawitin ang isang bahagi o bibigkasin ang diyalogo. Nakasaad din
kung saang bahagi kailangang magpatugtog ng musika dahil ang sarsuwela
ay kombinasyon ng usapan, awitan,at sayawan.
2. Artista- pumili ng mga artistang magsisiganap sa papel na gagampanan sa
mga tauhan sa sarsuwela. Kailangang mahusay umawit ang mga artistang
magsisiganap dahil may bahagi ng dula na inaawit ang diyalogo sa halip na
binibigkas.
3. Direktor- mahalaga ang papel na ginagampanan ng direktor sa sarsuwela.
Siya ang nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip, hitsura ng tanghalan at iba
pa.
4. Tanghalan- iba’t ibang tanghalan ang puwedeng pagdausan ng sarsuwela.
Maaari itong gawin sa loob ng silid-aralan, bulwagan, sa plaza ng isang
bayan, o anumang lugar na maaring pagtanghalan. Aayusin lamang ang lugar
o entablado na pagtatanghalan ng sarsuwela.
5. Manonood- ang mga manonood ay mahalaga sa sarsuwela dahil ang
reaksiyon ng mga manonood ang nagbibigay ng inspirasyon sa mga artistang
nagsisiganap. Ang kanilang pagpalakpak ay nagbibigay ng hudyat ng
kasiyahan at katuwaan sa pinanonood nila.
6. Eksena- nagpapakita ito ng isang pangyayari o tagpo sa isang lugar sa isang
particular na panahon. Sa tanghalan, makikita ang paglabas-masok ng mga
tauhan sa isang eksena.

BASAHIN:
Walang Sugat
ni: Severino Reyes (1898)
buod batay sa Pineda (1979)
Unang Yugto
1 Nagbuburda ng panyolito si Julia. Darating si Tenyong.
Magkakayayaang magpakasal ang dalawa.
2 Darating si Lucas at ibabalitang dinakip ang ama ng binate.
Magpapaalam ang binata para sundan ang ama. Sasama si Julia at ang
inang nitong si Juana.
3 Maraming dumadalaw sa mga dinakip. Inaalipusta sila ng mga kura.
Tinatawag silang filibuster at mason. May hindi na makakain sa dinanas
na hirap. May namatay na.
4 Naroon si Kapitana Puten, ang ina ni Teňong, na ibig makita ang asawang
Kapitan Inggo bugbog na sa palo.
5 Darating si Teňong. Hindi siya hahalik sa kamay ng kura. Kagagalitan ito
ng ina. Sinabi ng binatang “ang mga kamay na pumapatay sa kapwa ay
hindi dapat hagkan.”
6 Isusumpa ni Teňong na papatay siya ng mga kura kapag namatay si Kap.
Inggo. Mamamatay nga ang matanda. Magyayaya si Teňong ng mga
kasama na magsikuha ng baril at gulok. Makikiusap si Julia na huwag
ituloy ni Teňong ang balak dahil nag-iisa na ang ina ng binata.
Sasalakayin pa rin nina Teňong ang mga kura.

Ikalawang Yugto
7 May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman. Bugtong na
anak.
8 Nag-usap na ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel tungkol sa
pagpapakasal ng dalawa. Hindi alam ni Juana ang tungkol kay Julia at
Teňong. Magpapadala ang dalaga ng liham kay Teňong sa tulong ni
Lucas.
9 Si Teňong ay kapitan ng mga manghihimagsik. Walang takot sa labanan.
Matatagpuan din ni Lucas ang kuta nina Teňong. Ibibigay ang sulat ng
dalaga. Isinasaad doon ang araw ng kasal nila ni Miguel.
10 Sasagutin sana ni Teňong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.
Maghahandang lumaban ang mga Katipunero.

Ikatlong Yugto
11 Sinabi ni Lucas kay Julia kung bakit hindi natugunan ni Teňong ang
kaniyang liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal.
12 Habang nanliligaw si Miguel kay Julia, si Teňong pa rin ang nasa isip ng
dalaga. Ayaw niyang makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan siya ng
ina.
13 Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana.
14 Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay
Lucas na tumakas upang pumunta kay Teňong. Ngunit di alam ni ni Lucas
kung nasaan na sina Teňong kaya walang nalalabi kay Julia kundi
magpakasal o magpatiwakal.
15 Pinayuhan ni Lucas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito
si Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!” Ngunit tumutol ang
dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang kaniyang ina.
16 Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Teňong na
sugatan, nasa punto ng kamatayan. Ipinatawag ng Heneral ng mga
katipunero ang pari para makapangumpisal si Teňong.
17 Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Teňong. May huling kahilingan ang
binata—na sila ni Julia ay makasal bago siya mamatay. Galit man si
Juana ay pumayag ito. Pumayag din si Tadeo dahil sandal na lamang at
puwede na uling ikasal si Julia at ang kaniyang anak.
Gayundin si Miguel.
18 Ikinasal si Julia at Teňong. Babangon Teňong mula sa pagkakahiga at …
“Walang Sugat!” sigaw ni Miguel. At gayundin ang isisigaw ng lahat.
Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Teňong ang buong eksena.

Wakas

Gawain 1
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.

1. Nginangatngat ng aso ang nahulog na papel.


2. Lubayan mo ako at wala akong oras para sa iyo.
3. Gayak na ang lahat kaya’t maaari nang simulant ang sayawan.
4. Sa puso ko’y namungad ang pagmamahal ko sa Diyos.
5. Nakaramdam siya ng gunamgunam dahil di pa umuuwi ang anak.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung ano ang kasalungat na kahulugan ng mga sumusunod.

Salita Kasalungat
1. Nakatupad ___________________
2. Maglilo ___________________
3. Pinipilit ___________________
4. Magliligtas ___________________
5. Makianib ___________________

Gawain 3
Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasang sarsuwelang “Walang Sugat”.

1. Ano ang papel na ginagampanan ni Lukas sa buhay nina Julia at Teňong?


2. Anong klaseg mangingibig si Miguel? Patunayan ang sagot sa pamamagitan
ng pagtukoy sa bahagi ng dula na naglalarawan sa kilos at saloobin nito?
3. Bakit hindi natanggihan ni Julia ang pagpapakasal niya kay Miguel?
4. Paano ipinakita sa dula ang pagiging makapangyarihan ng magulang noon?
5. Akma ba ang pamagat na “Walang Sugat” sa akda? Bakit?
TANDAAN
Ang sarsuwela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at
tugtog na nahihinggil sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan,
paghihiganti, kasakiman, kalupitan at iba pa o kaya naman ay tungkol sa mga
suliraning panlipunan o pampolitika. Ayon sa kasaysayan, ito ay sinasabing hinango
ng mga Espanyol sa opera ng Italya sapagkat magkahalo ang diyalogong ginagamit
dito—patula at pasalita. Ang patulang bahagi ay karamihang diyalogo ng mga
pangunahing tauhan, bukod sa ito ay nilalagyan ng komposisyon na maaaring awitin.
Samantala, ang tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman ng mga katulong na tauhan.
Sa kabilang dako, ang “Walang Sugat” ay maituturing na isang akdang gumising sa
kamalayan ng mga Pilipino upang higit na mahalin ang ating bansa at pahalagahan
ang mga kultura ng ating lahi, isang obra-maestro ni Severino Reyes.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


Panuto: Suriin ang mga pahayag na kinokonsiderang suliranin ng mga Pilipino mula
sa dulang “Walang Sugat”. Ibigay ang iyong pananaw kung ito ba ay tunay na
nagaganap sa ating bansa o hindi. Lagyan ng tsek (√) ang hanay ng iyong sagot.
Ibigay ang iyong katuwiran o ipaliwanag batay sa iyong obserbasyon at ang mga
mungkahing solusyon kung ito ay mayroon ngang katotohanan.

Mga Tinatayang Hindi Mga Mga Mungkahing


Totoo
Suliranin Totoo Patunay Solusyon
1.Mga Pilipinong
nakaranas ng mga
paglabag sa
karapatang pantao
mula sa kamay ng mga
maykapangyarihan
tulad ng nangyari kay
Kapitan Inggo.
2. Paghahari ng mga
dayuhan sa bansa
upang
mapakinabangan ang
ating mga likas na
yaman.
3. Pakikialam ng
magulang sa buhay
pag-ibig o maging sa
pag-aasawa ng anak.
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Suriin ang maaring ipakahulugan ng mga sumusunod na hango sa
binasang “Walang Sugat”. Piliin ang tamang letra ng sagot at isulat ito sa patlang.
_____1. “Oh mundong sinungaling… Sa bawat sandaling ligaya na tinatamo ng
dibdib ay tinutugunan kapagdaka ng matinding dusa”.
a. Sa buhay sa mundo ay tunay ngang laging kaakibat ng tagumpay at ligaya
ang kabiguan.
b. Sinungaling ang mundo sapagkat bawat nangyayari sa buhay ng tao ay
pawang palabas lamang.
c. Ang ligaya ay matatamo lamang kung nararanasan ng tao ang matinding
pagdudurusa.
_____2. “Ang tuwang idinulot ng mundo sa amin ay matutulad sa bango ng bulaklak
na sa sandalling oras ay lumilipas”
a. Kung dumarating ang tagumpay sa buhay, asahan mong kusa rin itong
mawawala.
b. Ang kaligayahan ay maihahalintulad sa bango ng bulaklak.
c. Isang katotohanan ng buhay na ang kaligayahang nararanasan ng tao ay
dumarating ngunit agad din itong lumilipas lalo na kung dumarating ang mga
pagsubok.
_____3. “May buhay pusa si Kapitan Inggo”. Saan naroon ngayon?
a. Mahirap mamatay o mabawian ng buhay si Kapitan Inggo.
b. Mabilis na kumilos si Kapitan Inggo, hindi siya pumipirmi sa isang lugar.
c. Ang buhay niya ay kagaya ng pusa na malayang makatungo kung saan man
niya gustong pumaroon.
_____4. “Kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila… Ang kaluluwa
koy inihahain ko na kay Bathala”.
a. Nagbibilin ang tao sapagkat nararamdaman niyang hindi na magtatagal ang
kaniyang buhay.
b. Tanging si Bathala ang may kapangyarihang kumalinga sa kaniyang pagal na
kaluluwa.
c. Ipinagkakatiwala ng taong nagsasalita ang kaniyang kaluluwa sa kanyang
mga mahal sa buhay.
_____5. “Inang, ang mga kamay po ng mamamatay ng kapwa ay di dapat hagkan”.
a. Isang malaking kasalanan ang humalik sa kamay ng mga mamamatay-tao.
b. Huwag na huwag hahagkan ang kamay ng masama dahil tiyak na ang
kakamtan mo ay kamatayan.
c. Ang mga taong masasama ay hindi nararapat nap ag-ukulan ng paggalang.
_____6. “Julia, hindi maaaring ako ay di nasa parang, ako ay hinihintay ng mga
kapatid”.
a. Oras na upang siya ay tumungo sa lugar ng labanan upang tulungan ang mga
kababayang nakikipaglaban.
b. Kailangan niyang pumunta sa parang, doon niya kakatagpuan ang kanyang
mga bagong dating na kapatid.
c. Nagpaalam siya kay Julia na sa parang muna siya maninirahan.
_____7. “Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigit sa tatlong
daang taong sinasangayad”.
a. Ang matagal ng panahon ng paniniil at pananakop ng mga Espanyol ay dapat
nang wakasan.
b. Mahigit sa tatlong daang taon nang nakagapos ang Pilipinas sa matinding
kahirapan.
c. Ang tanikalang bakal na panggapos sa alipin ay maaaring tumagal ng mahigit
tatlong daang taon.
_____8. “Ikaw, irog ko, ay aking itatago sa loob ng dibdib sa tabi ng puso nang hindi
malubos ang pagkasiphayo, sa mga sakuna’y ikaw’y kalaguyo”.
a. Sa kanyang puso ay nakaukit ang larawan ng kanyang kalaguyo.
b. Sa paglisan ng binata ay baon niya ang alaala ng kaniyang minamahal na
siyang lunas ng kanyang matinding kalungkutan.
c. Ang larawan ng kanyang mahal ang siyang pumapawi sa kanyang
nadaramang matinding kalungkutan.
_____9. “Ngayo’y kung ang lalaking mangingibig ay tinatanggap nang may mga
mata at tinutukoy rito sa isip at di na sa puso, at kung ano ang pasya ng isip ay
siyang paiiralin”.
a. Ang mata at isip ay mahalaga sa panliligaw at pagpili ng mapapangasawa.
b. Sa kasalukuyan, isip ang ginagamit ng kababaihan sa pagpili ng kanilang
mapapangasawa at hindi na ang tunay na pagmamahal.
c. Ang mga may malinaw na mata at isip lamang ang nakakikilala ng tunay na
pag-ibig.
_____10. “Inang, ang tao pong nasa mahalagang oras ng kamatayan at malapit
nang dumulog sa hukuman ng Diyos, ay hindi magsasabi ng kabulaanan”.
a. Ang taong malapit nang mamatay at nakatakda ng tumanggap ng hatol ng
Diyos ay hindi na makukuhang magsinungaling.
b. Mahalaga ang oras ng kamatayan kung kaya ito ay dapat na paghandaan ng
bawat tao.
c. Ang taong malapit ng mamatay ay takot gumawa ng masama.

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Panuto: Ituloy mo ang pahayag.

Habang binabasa ko ang sarsuwela ako’y____________________dahil ako’y


___________________________________________________________________
___________________________________________________________ kaya nais
kong maging ________________________________________________________
___________________________________________________________________.
SUSI SA PAGWAWASTO
(Modyul 4)

Unang pagsubok
1. B
2. B
3. A
4. B
5. A

Balik-tanaw
Sariling sagot ng mga mag-aaral

Gawain 1-3
Sariling sagot ng mga mag-aaral

Pag-alam sa Natutuhan
Sariling sagot ng mga mag-aaral

Pangwakas na pagsusullit
1. A
2. C
3. A
4. B
5. C
6. A
7. A
8. B
9. B
10. A

Sanggunian:
Mga aklat

Aida M. Guimarie Pinagyamang Wika at Panitikan Batayang Aklat sa Filipino 8, Rex Book
Store Inc. 2018.

Aida M. Guimarie Pinagyamang Wika at Panitikan Batayang Manwal ng Guro sa Filipino 8,


Rex Book Store Inc. 2018.
Willita A. Enrijo etal Panitikang Pilipino-Ikalawang Baitang Filipino-Modyul para sa Mag-
aaral, Book Media Press Inc. Unang Edisyon 2013.
Ailen G. Baisa-Julian etal Pinagyamang Pluma Ang Bagong Baitang 8, Phoenix Publishing
House 2014.

You might also like