You are on page 1of 45

Ang kawastuhang pambalarila ay kaalaman sa wastong gamit ng mga salita gaya ng mga katha, pasulat man o pasalita.

Upang maging malinaw at tama ang isang pagpapahayag ito ay ginagamitan ng wastong gamit ng mga salita

Sa pakikipagtalastasan, di mapasusubalian na madalas na nagkakamali ang maraming tao sa paggamit ng mga salita.

MGA TUNTUNIN SA PAGGAMIT NG WASTONG SALITA

1. NANG AT NG
Nang Ang NANG ay siyang ginagamit sa panimula ng sugnay na di makapagiisa at pangatnig sa hugnayang pangungusap na katumbas ng salitang when sa ingles. Halimbawa: Nang akoy dumating sa bahay, nagising ang mga bata.

NG
Ang NG ay isang bahagi ng pananalita na gumaganap bilang pantukoy at pang-ukol ayon sa gamit sa loob ng pangungusap. Halimbawa: Ang magsasaka ay nagbubungkal ng lupa.

NG
Bilang pantukoy na palayon ng mga tagaganap ng pandiwang balintiyak. Itoy katumbas ng by sa Ingles. Halimbawa: Ang silid-aralan ay nililinis ng mga magaaral.

2.KUNG at KONG
KUNG

Ang KUNG ay pangatnig na panubali at ginagamit karaniwan sa hugnayang pangungusap kung kayat itoy matatawag ding pangatnig na panghugnayan. Halimbawa: Kung tayong lahat ay magmamahal sa wikang Filipino ay lalong uunlad ang Pilipinas.

2.KUNG at KONG
KONG Ang kong ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkupan lamang ng ng. Halimbawa: Ibig kong makatulong sa pag-unlad ng Pilipinas.

3.MAY AT MAYROON
Ito ay mga pandiwang walang banghay. Ang mga itoy may kahulugan ngunit ang dalawa ay may pagkakaiba ng paggamit sa mga pangungusap.

3.MAY AT MAYROON
MAYKapag itoy sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pandiwa, pangabay at katagang mga.

Halimbawa: May inaasaaahang bukas ang mga taong masipag.

3.MAY AT MAYROON
MAYROONKapag itoy sinusundan ng kataga/ingklitik o panghalip. Halimbawa: Mayroon pa sanang ibig sabihin si Andrew kay Lolo Tomas.

4.SUBUKIN/SUBUKAN
Subukin Ang subukin ay nangangahuluganng isang pagsasagawa ng isang bagay sa ayos na kalagayan at ito ay inuuri sa tao, anyo, at bagay. Halimbawa: Subukin nating mamili sa bagong bukas na Department Store.

4.SUBUKIN/SUBUKAN
Ang subukan ay nangangahulugan ng pag-espiya sa isang tao kung ano ba ang kinikilos nito. Halimbawa: Subukan mong sumunod sa kanila at tingnan mo kung ano ang kanilang ginagawa doon.

5.PAHIRIN/PAHIRAN
Ang pahirin ay nangangahulugan ng pagbubura o paglilinis sa isang bagay ng nakapahid.

Halimbawa: Pahirin mo nga ng basang basahan ang pisara.

5.PAHIRIN/PAHIRAN
Ang pahiran ay paglalapat o pagpapairal sa isang bagay sa tamang lugar. Halimbawa: Pahiran mo ng alcohol ang sugat ni Elvie.

6.SUNDIN/SUNDAN
Ang sundin ay nagsasaad ng pagsunod o pag-unawa sa isang utos o kagustuhan at maaaring batas o panuto.
Halimbawa: Sundin mo ng maluwag sa puso ang mga panuntunan ng paaralan.

6.SUNDIN/SUNDAN Ang sundan naman ay panggagaya sa ginawa o kinikilos ng isa o maraming tao. Halimbawa: Sundan mo ang mga tamang gawa upang ikaw ay hindi mapariwara.

7. Pinto/Pintuan
Pinto (Door) ang ginagamit kung ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay. Halimbawa: Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto. Huwag mong sipain ang pinto.

7. Pinto/Pintuan
Pintuan (Entrance, Doorway) ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung mayron man. Halimbawa: Nangyari ang suntukan sa may pintuan. Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan.

8.WALISIN/WALISAN
Ang walisan ay uri ng pandiwang ginagamit sa pag-alis ng kalat o dumi sa maluwang o malawak na lugar. Habang ang walisin ay tumutukoy naman sa iisang bahagi lamang ng isang malaking lugar. Halimbawa: Walisan mo nga ating bakuran. Walisin mo nga ang kalat sa paligid ng halaman.

9.KATA/KITA
Ang kata at kita ay mga panghalip na panao na kadalasang pinagpapalit ang gamit kahit na may sari-sariling wastong gamit.

9.KATA/KITA
Ang kita ay ginagamit kung ang isa sa dalawang nag-uusap ang siyang gagawa ng gawain para sa kausap. Halimbawa: Ibibili kita ng paborito mong pabango.

9.KATA/KITA
Ang kata naman ang ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay parehong gagawa ng gawain. Halimbawa: Kata ay pupunta sa pamilihang bayan.

10.DAW at DIN/RAW at RIN


Ginagamit ang salitang raw/rin kung ang nauunang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig W at Y. Halimbawa: Wala ring mangyayari kung tatakasaan mo ang problema.

10.DAW at DIN/RAW at RIN


Ang daw at din ang ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa W at Y. Halimbawa: Takot daw siya sa multo.

BITIW AT BITAW
Ang salitang bitiw ay isang pandiwa (verb) samantalang isang pangngalan (noun) ang bitaw. Ang bitiw o bitiwan ay ang pagkawala o pagalis sa pagkakahawak ng isang bagay o pangyayari. Ang bitaw naman ay nauukol sa pagsasanay ng sasabunging manok. Ang bitawan ay tumutukoy naman sa lugar ng pagdarausan ng salpukan ng manok

Halimbawa: Huwag kang bumitiw sa akin kung ayaw mong mawala. Kung hindi mo ako bibitiwan ay sisigaw ako.

Nagtungo sa gubat si Mang Andres dahil naroon ang bitawan ng manok.

POP QUIZ

1. Kahit na madilim ay basa pa rin ____ basa ang masipag na si Anna. a. nang b. ng

2.

Ang bayan ____ tutulungan natin ay talagang magtatagumpay. a. kong b. kung

3. ___ mga taong laki sa layaw. a. mayroon b. may

4. ____ mo ngang tingnan ang ginagawa ni Melissa sa loob ng kwarto. a. subukan b. subukin

5. ___ mo ng gaas ang haligi ng bahay upang huwag bukbukin. a. pahirin b. pahiran

6.Walang masama kung _______ mo ang ang yapak ng iyong ama. a. susundin b. susundan

7. ____ mo nga ang mga punit-punit na papel diyan sa ilalim ng mesa. a. walisin b. walisan

8. Si Maria ay hahara-hara sa _____ kaya nabangga ni Simon. a. pinto b. pintuan

9.Sasamahan ____ sa pagpunta mo sa Maynila. a. kata b. kita

10.Malakas ___ ang buhos ng ulan kagabi. a. rin b. din

Wastong Pagbabanghay ng mga Pandiwa.

Mali Kinakalimutan kakalimutan ikinakabuti ikakabuti ipinapagamot ipapagamot ipinapagsama

Tama

ipapagsama
nakakalungkot nakakapagbigay nakakapang-akit ipapagawa pinapasigaw pinapag-usapan

Mali Kinakalimutan kakalimutan ikinakabuti ikakabuti ipinapagamot ipapagamot ipinapagsama

Tama kinalilimutan kalilimutan ikinabubuti ikabubuti ipinagagamot ipagagamot ipinagsasama

ipapagsama
nakakalungkot nakakapagbigay nakakapang-akit ipapagawa pinapasigaw pinapag-usapan

ipagsasama
nakalulungkot nakapagbibigay nakapang-aakit ipagagawa pinasisigaw pinag-uusapan

Gamitin ang wastong gitlapi.


Mali
ihinihiwalay ilinalabas iwinawasiwas

Tama

Gamitin ang wastong gitlapi.


Mali
ihinihiwalay ilinalabas iwinawasiwas

Tama
inihihiwalay inilalabas iniwawasiwas

Salamat.. =)

You might also like