You are on page 1of 20

ANG BROADCAST MEDIA:

Mekanismo ng Pagbabago at
Pag-unlad ng Kulturang
Pilipino

#RADYO
Tuklasin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman
magbigay ng mga pahayag na may kaugnayan sa radio.
♥Isa sa mga midyum ng komunikasyon
#radyo na naglalayong magbahagi ng mga
kaganapan ng mundo sa mas malawak
na sakop nito.
♥ Mauunawan ang gampanin ng radyo
bilang gabay sa kamalayang
panlipunan.
♥Naghahatid ng musika naghahatid ng
mga talakayan, pulso ng bayan
naghahatid ng napapanahong balita at
nagbibigay ng opinyon kaugnay ng
isang paksa
KASAYSAYAN NG RADYO SA PILIPINAS
KASAYSAYAN NG RADYO SA PILIPINAS
#KOMENTARYONG PANRADYO
• ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na
maipahayag ang kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa
isang napapanahong isyu o sa isang isyung kanilang napiling
talakayan at pagtuunan ng pansin, ayon kay Elena Botkin – Levy,
Koordineytor, ZUMIX Radio
• Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay makatutulong nang
malaki upang ang kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang
makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong
panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad ng opinyon o pananaw.
#Radio Iskrip
•isang isinulat na materyal na naglalaman
ng mga salitang kilos (pandiwa) at di-
pandiwang kilos na kailangan sa
programa. Sinasabi sa atin kung ano ang
gagawin, sasabin o kailan at paano.
#Halaga ng Radio Iskrip

•Matiyak ang tamang teknikal at


impormasyon
•Masiguro ang daloy ng programa
•Masulit ang airtime
Mga dapat tandaan upang makasulat ng
Dokyumentaryong Panradyo:
•Magsaliksik ng mga impormasyon
•Huwag kalimutang banggitin ang mga
personalidad na binanggit sa mga detalye
upang ipakita ang kredibilidad ng iyong
isinulat
•Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa
paksa
KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG
FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang


inyong  pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay
at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom
of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom
Of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa
iyan kahit pa nakapikit!
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang
publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng
gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa at
pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito, demanda
doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba’t dapat naman
talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi
sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan sa
mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan. Masasabi mo bang
malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng
pagpapalaganap ng panitikang
popular? Ipaliwanag.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging
mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na
opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon
Representative LorenzoTañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago
mag- Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!
Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay
at Maricar Francia
MGA GAWAIN
MGA GAWAIN
MGA GAWAIN
GRAMATIKA
GRAMATIKA
GRAMATIKA
GRAMATIKA
COMIC STRIP

You might also like