You are on page 1of 9

Filipino

Baitang 8 • Yunit 18: Ang Obrang Florante at Laura

ARALIN 18.1
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Florante at Laura
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Pag-aralan Natin 3
Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng Florante at Laura 3

Sagutin Natin 6

Subukan Natin 7

Isaisip Natin 7

Pag-isipan Natin 7

Dapat Tandaan 8

Mga Sanggunian 8
sa

Filipino

Baitang 8 • Yunit 18:Ang Obrang Florante at Laura

Aralin 18.1
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Florante
at Laura

Lar. 1. Ang panulat ay isang makapangyarihang sandata.

Introduksiyon
Maraming manunulat sa kasaysayan ang kinikilala nating mga Pilipino hindi lamang dahil sa
angking husay nila sa pagsulat. Ito ay dahil sa ang kanilang mga akda ay nakapagbunsod din
ng magagandang pagbabago para sa bansa. Nagpapatunay lamang ito na ang mga akda ay
hindi lamang pampalipas ng oras o panghatid ng aliw. Ang mga ito ay nagsisilbi ring
instrumento para sa kampanyang panlipunan sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga
ideolohiya sa malikhain at interesanteng pamamaraan. Sa ganitong layunin natin dapat
nagagamit ang mga yaman ng akdang pampanitikan na mayroon tayo. Isa sa kinikilalang
obra maestrang Pilipino ay ang “Florante at Laura” ni Francisco Baltazar. Bago natin tuluyang
pasukin ang mundo ng awit na ito, alamin muna natin kung bakit mahalaga itong
pag-aralan.

1
sa

Filipino

Baitang 8 • Yunit 18:Ang Obrang Florante at Laura

Layunin sa Pagkatuto
Sa araling ito, inaasahang nahihinuha mo ang kahalagahan ng pag-aaral ng
Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda.

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng
Florante at Laura batay sa napakinggang mga pahiwatig sa akda
(F8PN-IVa-b-33).

Simulan

Bookmark

Materyales
● Quipper Study Guide
● kuwaderno
● panulat
● mga gamit pandisenyo

Mga Panuto
1. Maghanap ng linya o saknong sa “Florante at Laura” na sa palagay mo ay nagtataglay
ng magandang kahulugan o mensahe.
2. Ilagay ito sa harap na bahagi ng gagawing bookmark.
3. Sa likod naman ay maglagay ng sariling kasabihan na may kaparehong nilalaman o
mensahe sa napili mong linya o saknong.
4. Lagyan ng disenyo ang iyong bookmark. Kuhanan ito ng larawan at ipasa sa guro.
5. Sagutin ang Mga Gabay na Tanong.

2
sa

Filipino

Baitang 8 • Yunit 18:Ang Obrang Florante at Laura

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang mensahe ng napili mong linya o saknong?
2. Bakit iyon ang napili mong linya o saknong?
3. Mahalaga ba ang mensaheng napulot mo mula rito? Ano ang ugnayan nito sa
kahalagahan ng pag-aaral ng “Florante at Laura”?

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Ano-ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng “Florante at Laura”? Paano ito
nakatutulong sa kasalukuyang kaganapan? Ano ang halaga ng “Florante at
Laura” bilang bahagi ng panitikan ng bansa?

Alamin Natin
Ito ay ang pinakatampok sa mga naisulat o nagawa ng
obra maestra sinomang alagad ng sining. Masterpiece ang katumbas
nito sa Ingles.

Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng Florante at Laura

Minsan ba’y napagmuni-munihan mo na ang agwat ng uri at paraan ng pamumuhay noong


panahon ng ating mga ninuno sa pamumuhay natin ngayon? Napuna mo ba ang mga
pagbabago? Napansin mo rin ba ang mga kondisyong nanatili, nagpatuloy, o ‘di kaya ay mas
umigting lamang?Sa ating kasalukuyang panahon, marami nang pagbabago ang naganap,
mula sa mga wikang ating natutuhang gamitin, sistema ng edukasyon, politika, galaw ng
ekonomiya, at urong-sulong na pagpapayabong ng ating sining at panitikan. Marami na nga
ang nagbago, ngunit mayroon pa ring mga kalakarang sa panahon pa ng unang pananakop
sa ating bansa umiiral na hanggang ngayon ay ating nararanasan, lamang na maaaring ito

3
sa

Filipino

Baitang 8 • Yunit 18:Ang Obrang Florante at Laura

ay lalo lang lumala o unti-unting napabuti.

Ang mga ito ay gaya ng maling mga kalakaran sa pagpapatakbo ng pamahalaan, sapagkat
nariya’t buhay ang kalakaran ng korapsyon, pandarambong, pananamantala sa yamang
lakas-paggawa nating mga Pilipino, at ang kawalan ng katarungan. Sa isang banda,
kahanga-hangang sa kabila ng mga ito, lalo namang napagtitibay ng mamamayang Pilipino
ang diwa ng pagtutulungan sa iba't ibang paraan at aspekto, at ang pagsandig sa hindi
matatawarang talino, lakas, at kakayahan ng bawat isa. Halimbawa na rito ang pag-aambag
ng mga alagad ng sining sa lalong pagpapaunlad ng sining at panitikan ng bansa, gayundin
ang patuloy na pagsusumikap ng mga alagad ng institusyong pang-edukasyon upang
magparami at magpalalim ng mga kaalaman, karanasan, at karunungan sa kabataan ng
susunod na salinlahi.

Makikita sa mga akdang pampanitikan ang tala ng ganitong mga kawanggawa para sa
ikauunlad ng bansa. Sa tulong ng mahuhusay at matitiyagang manunulat, sa masining
nilang pagbabahagi sa publiko ng mga ito, naghahain ito ng inspirasyon para sa lahat ng
mga nakatuklas at nakatunghay ng ganitong positibong mga kaganapan sa ating
kasaysayan. Hindi nga naiitsa-puwera dito ang karunungan sa panulat ng “Ama ng
Panulaang Tagalog” na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Sampu ng kaniyang napakaraming
obra, partikular na ang awit na Florante at Laura, ang lahat ay nagpamalas ng angking galing
sa pagpapaunlad ng banghay at sapat na katapangan upang harapin ang nakaambang
pang-uusig ng mga kaaway na dayuhan alang-alang sa layuning gumising ng kamalayan ng
mga kababayan, at magbahagi ng sarili upang ang kapuwa ay makasumpong ng lakas ng
loob na tumindig para sa paggigiit ng karapatang pantao at tunay na kalayaan.

Ang lagay na ito ang nagbibigay-katwiran sa kahalagahan ng patuloy at mas maunlad pang
paraan ng pag-aaral sa “Florante at Laura”. Kung bakit, tunghayan ang sumusunod na
pagtatalakay:

4
sa

Filipino

Baitang 8 • Yunit 18:Ang Obrang Florante at Laura

5
sa

Filipino

Baitang 8 • Yunit 18:Ang Obrang Florante at Laura

Bagama’t dantaon na ang nakalilipas mula nang maisulat ni Balagtas ang awit, hindi
mapasusubaliang magpahanggang ngayon ay gumagabay ang mga aral at turo nito sa ating
mga Pilipino. Kaya naman, walang dudang dapat pang palawakin at pasiglahin ang
pagpapabasa nito, ang pag-aaral sa kasaysayan ng pagkakahubog ng akda, at ang
pagbubukas ng mga talakayan hinggil sa akda sa loob at labas ng mga paaralan at
institusyong pangkarunungan.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Sino ang sumulat ng “Florante at Laura”?
2. Sino-sino ang mga bayaning Pilipino na sinasabing humugot ng inspirasyon sa
“Florante at Laura”?
3. Ano-ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng “Florante at Laura”?

6
sa

Filipino

Baitang 8 • Yunit 18:Ang Obrang Florante at Laura

Subukan Natin
Paano mo magagamit ang mga kaalamang matututuhan sa mga akdang
pampanitikan sa iyong buhay?

Isaisip Natin
Sa iyong sariling pamamaraan, paano mo maibabahagi sa mas nakararami ang
kahalagahan ng pagbabasa, pag-aaral, at talakayan hinggil sa nilalaman ng
“Florante at Laura”?

Pag-isipan Natin

Kompletuhin ang mga pangungusap sa ibaba.

1. Gusto kong magbasa tuwing _________________________________________________________


__________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________.
2. Ang pinakainteresanteng bagay para sa ‘kin tungkol sa pagbabasa ay _______________
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
3. Para sa ‘kin, ang kapana-panabik malaman tungkol sa “Florante at Laura” ay ang
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
4. Palagay ko ay makatutulong ang pag-aaral ng “Florante at Laura” sa
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
5. Inaasahan kong pagkatapos naming pag-aralan ang “Florante at Laura” ay
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

7
sa

Filipino

Baitang 8 • Yunit 18:Ang Obrang Florante at Laura

Dapat Tandaan

● Ang “Florante at Laura” ay mayaman sa aral para sa sarili, sa kapwa, at sa bayan


kaya naman ang pagtalakay sa nilalaman at mensahe nito ay makabuluhan.
● Nagsisilbi ring repleksiyon ng nakaraan ang awit na ito na mahalaga sa
pagsasaalang-alang ng kasaysayan para sa kasalukuyan at panghinaharap na mga
kilos at desisyon.
● Ang lahat ng aral na natutuhan, kung babaunin, ay maaaring gamitin bilang gabay sa
pamumuhay ninoman sa pamamagitan ng pagpulot sa mga mabuti at tama at
pag-iwas naman sa masama at mali.

Mga Sanggunian

Animoza, Imelda V. Hiyas ng Diwa IV. Quezon City: Abiva Publishing House, Inc. 2007.

Del Rosario, Mary Grace G. et. al. Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix
Publishing House Inc., 2014.

Dominguez, Leticia F. Hiyas ng Diwa III. Quezon City: Abiva Publishing House, Inc.,
2007.

Manlapaz, Carolina D. Ilaw 8 (Pinagsanib na Wika at Panitikan). Sta. Ana, Manila:


Innovative Educational Materials, Inc., 2012

Reyes, Josephine Emma A. et. al. Kayumanggi sa Florante at Laura. Imus, Cavite:
Leo-Ross Publications, 2010.

You might also like